Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas.

Ngayon araw po ng Biyernes Ika-tatlumpo ng Abril, mga mahahalagang isyu na napapanahong isyu na mahalagang mapag-usapan ang muli naming ihahatid sa inyo kasama ang mga opisyal ng pamahalaan. Tinutukan din po ng PTV news ang mga balitang dapat malaman ng taong bayan.

At sa ngalan po ni Sec. Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una po sa lahat atin munang bigyang daan ang mahahalagang anunsiyo mula sa Palasyo na ibabahagi sa atin ni IATF at Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Good Morning Secretary, you may proceed po with your announcement.

SEC. ROQUE: Good morning Usec. Rocky, magandang umaga po.

Balitang IATF po tayo: Nagpulong po kahapon ang inyong IATF at isinapinal na po ang quarantine classification sa buong Pilipinas.

Nadagdag po ang isang probinsiya na mapapasailalim sa MECQ at isang siyudad na mapapasailalim sa MGCQ. Tingnan po natin po [garbled] and final quarantine classifications matapos po ang panahon na ibinigay sa mga siyudad para magkaroon po ng mga apila.

So okay po, ang ating mga nadagdag po ay… sandali lang po ha. Okay.

So hindi ko na po mabasa ito, ang MECQ po [garbled] sa CAR po, Abra, tapos ang City of Santiago, ang Quirino, ang NCR, ang Bulacan, ang Cavite, ang Laguna at ang Rizal. Now—actually po lilinawin ko po ‘no kasi mayroon ditong nakasulat—Usec. Rocky nakikita mo ba iyong sa screen, iyong after CAR and Abra? Parang may nakasulat.

USEC. IGNACIO: Hindi po masyado, Secretary.

SEC. ROQUE: Anyway, pagdating naman po sa GCQ natin—ayun nadagdag po ang Ifugao sa area na under MECQ.

Uulitin ko po, nadagdag ang Ifugao sa area na under Modified Enhanced Community Quarantine.

So sa CAR po dalawa na ang lugar na under MECQ, ang Abra at ang Ifugao, kasama rin po ang City of Santiago sa Isabela, ang Probinsiya ng Quirino, ang NCR, ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

At nadagdag naman po ang Puerto Princesa City sa lugar na under GCQ; ito po ay matapos na mag-apela iyong probinsya ng Ifugao at iyong Siyudad ng Puerto Princesa.

So ang pinal na mga listahan ng mga probinsiya nasa ilalim po ngayon ng GCQ:

  • Sa CAR: Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province.
  • Sa Region II: Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya.
  • Sa Region IV-A: Batangas, Quezon,
  • Puerto Princesa City po nadagdag
  • Ang Tacloban City po,
  • Ang Iligan City,
  • Ang Davao City,
  • Ang Lanao Del Sur.

At ang lahat po ng mga lugar na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa Modified General Community Quarantine or MGCQ.

Now next slide please. Now, sang-ayon din po sa ating IATF resolution:

  • Lahat po ng areas sa buong Pilipinas ay magpapatupad ng improved implementation of engineering and administrative controls lalung-lalo na po sa ventilation, standard and actions against crowding and gatherings.
  • Kinakailangan din po sila magpatuloy ng kanilang health promotions, strict enforcement of minimum public standards lalung-lalo na po sa mga high risk areas (Ito po iyong mga health care settings, mga wet markets, mga supermarkets, mga government offices, work places at saka sa tahanan, kasama na po ang tahanan).
  • The implementation of localized community quarantine and the ramping up of the availability of identified facilities and priority critical areas with community transmission.

So, tuloy-tuloy pa rin iyong mga localized lockdown na sinasabi natin.

  • Pang-apat, ang immediate facility based isolation ng lahat ng returning citizens, suspect at probable cases at isolation ng mga taong nagpapakita ng sintomas at mga naghihintay ng resulta ng kanilang swab test result.
  • Panlima, magkakaroon po tayo ng improved distribution ng PPEs – iyong Personal Protective Equipment – and waste management.
  • Pang anim po, iyong continuous health education on COVID-19 transmissions.
  • Pang pito po, pagtaas ng local health system capacity, lalo na iyong community isolation and critical care, kasama na rin po iyong mga dedicated mechanical ventilators at saka iyong mga ICU Beds, isolation bed and ward beds for COVID-19 patients.
  • And finally, ang kumpleto at accurate na datos sa pamamagitan po ng COVID KAYA at ng DOH DataCollect.

Now tulad po ng nilabas ko na statement kagabi, pinayagan ng inyong IATF ang in door dine-in services sa mga restaurants, caterings at iba pa pang food preparation establishment sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine.

Nasa initial 10% lang po ang seating capacity na pinayagan, pero tuloy pa rin iyong al fresco dining. Maaring tumaas ang 10% capacity basta sila po ay susunod sa Safety Seal Certification Program.

Puwede rin pong mag-operate ang mga:

  1. Beauty Salons,
  2. Beauty Parlors,
  3. Barbers Shops
  4. Nail Spas.

Now lahat po ito ay tinatawag nating ‘personal care services.’

Pero apat lang po ang pinayagan ha, ulitin ko po: Beauty Salons, Beauty Parlors, Barber Shops at Spas at pinapayagan lang po ang hanggang 30% capacity ng mga personal care.

Kinakailangan nakasuot po ng face mask sa lahat ng oras ang mga kliyente o parokyano at service providers. Maari din tumaas sa 30% venue or seating capacity ang mga personal care establishment basta sila po ay sumusunod sa Safety Seal Certification Program.

Now simula a-uno po ng Mayo puwede pong makapasok at pinapayagang pumasok base sa mga nakaraang IATF resolution ang ilang mga dayuhan. Okay. Ito po ay subject sa mga sumusunod:

  • Kinakailangan mayroong pong mga valid visa or di naman kaya existing visa at the time of entry. Ang exemption dito ay iyong mga balikbayan natin sa ilalim po ng Republic Act Number 6788.
  • Pangalawa po, kinakailangan na may pre-booked accommodation ng at least 7 nights sa isang accredited quarantine hotel or facility ang mga dayuhan.
  • Kailangan din nilang sumailalim sa COVID-19 testing sa quarantine hotel or facility sa ika-anim na araw.
  • At panghuli, sila po ay subject pa rin sa maximum capacity of inbound passengers sa port of entry at date of entry.

Okay. Inatasan ang Bureau of Immigration na maglabas ng guidelines tungkol sa bagay na ito.

Hindi ko po alam kung meron tayong slides tungkol doon sa mga dayuhan na pupuwede ng pumasok kasi po meron ng mga naunang IATF resolution kung sinu-sino po iyong approved.

Anyway, kung wala pong slide ay ipu-post ko na lang po iyan sa webpage ng Office of the Presidential Spokesperson ang lahat ng mga pinayagan na dati pa po na makapasok na mga dayuhan pero karamihan po ito ay iyong mga nangangalakal, iyong mga investors, visa holders at long term visa holders.

Okay. Sa mga iba pang bagay po ay—next slide please. Now dinirect din po—iyong mga travel restrictions imposed IATF Resolution Number 112 issued on April 27, 2021 shall continue to be enforced.

Okay. So iyon lang po ang pinaka-latest na nadagdag sa IATF. Ulitin ko po, unang-una nabago po ang ating quarantine classification, nadagdag under MECQ ang probinsya ng Ifugao at nadagdag under GCQ ang probinsya ng Palawan. Pangalawa, pupuwede na pong magbukas up to 10% ang mga restaurants, dine-in pero subject po doon sa mga requirements na ating binasa at saka 30% ang ilang mga personal care services kagaya po ng beauty salon, beauty parlor, barbero at nail spas.

At pinayagan na pong pumasok iyong mga dati nang mga dayuhan na pinayagan na ng IATF na pumasok. Ang detalye po ay ilalagay natin sa ating webpage kung anu-ano iyong mga visa classifications na ito. Iyon lang po, Usec. Rocky, maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, mayroon po tayong mga katanungan mula sa ating mga kasamahan sa media ‘no. Ang follow up po ni Joseph Morong: Bakit daw po muna nalagay sa MECQ ang Ifugao at nadagdag din ang Palawan sa GCQ?

SEC. ROQUE: Well, umapela po itong mga lokal na pamahalaan na ito at tiningnan naman natin iyong daily attack rate, iyong ating two-week average attack rate at saka iyong hospital care utilization rate nila at pumasok naman po sila. Itong mga apela na ito ay para sa mas istriktong quarantine classification dahil ang sabi ng mga lokal na pamahalaan eh dumami ang mga kaso at hindi sapat ang kanilang mga ospital.

Uulitin ko po iyong ating quarantine classification, lahat po iyan ay hanggang May 14, 2021. So magkakaroon po ng pagpupulong ang IATF para repasuhin at tingnan kung dapat baguhin ang mga quarantine classification pagdating po ng Mayo katorse 2021.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Joseph Morong: Bukod daw po sa 14-day incubation period, bakit hanggang May 14 lang po ang MECQ sa NCR Plus? Are we hoping we can GCQ by May 15 or we could not afford extending the MECQ after May 14?

SEC. ROQUE: Nakikita naman natin ang datos, pababa po ang mga kaso ‘no. Kaya lang po ang ginagawa natin, ini-improve pa rin natin iyong healthcare capacity natin lalung-lalo na iyong ICU. Now kahapon po maganda iyong nabalita ng ating Treatment Czar na si Usec. Vega at sinabi nga niya na tumaas na iyong ating ICU bed capacity pero iyong pinal na numero hiningi ko nga po kahapon na ibigay sa atin nang mapabalita rin natin sa ating mga kababayan. So dati-rati po 700 lang ang ating ICU bed capacity, eh talaga pong nadamihan na iyan pero sa Lunes siguro, sa regular press briefing, sasabihin natin kung ano na iyong suma total na ICU bed capacity natin ngayon sa Metro Manila Plus.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up pa rin po niya: Sino raw po iyong A4 sa priority list? How did we select?

SEC. ROQUE: Napakahaba po niyang A4 ‘no, kasama po diyan iyong economic front-liners, kasama po diyan iyong mga mambabatas, kasama po diyan iyong mga huwes ‘no. Anyway mayroon pong listahan po niyan at ipu-post po natin uli iyan sa webpage. Hindi ko po memoryado kasi medyo mahaba po talaga iyong listahan ng A4.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong po ni Trish Terrada ng CNN Philippines: When we say 10% for dine-in, puwede na rin po daw mag-open na ang mga resto bars?

SEC. ROQUE: Well restaurants lang po ‘no kasi depende rin iyan sa mga lokal na pamahalaan kung mayroon silang liquor ban. Kasi ang mga liquor ban naman po, mga lokal na pamahalaan ang nagpapatupad niyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: What makes the IATF confident that the operational capacities like 10% dining, 30% for spa will be complied with? May safeguards po ba in place to make sure na fully compliant ang mga establishments considering na ilan po dito iyong mga itinuturing na super spreaders.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po talagang nandiyan po iyong partnership ng nasyonal na pamahalaan sa mga lokal na pamahalaan, talagang mga lokal na pamahalaan, mga pulis, mga barangay officials ang nagpapatupad po ng ating mga quarantine requirements ‘no. So inaasahan po natin na ang lokal na pamahalaan at saka iyong mga private owners mismo, iyong mga mall operators, sila po ang magsisiguro ng 10% capacity at saka 30% capacity doon sa apat na personal care industries na ating inisa-isa.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Tina Mendez ng Philippine Star: Will there be easing up of restrictions on tourist spots and billeting within the NCR Plus bubble area? Are staycations allowed? At, what other businesses will be allowed to operate under MECQ?

SEC. ROQUE: Iyon pa lang po, wala pa pong ibang mga negosyo na napagkasunduan. But without prejudice po, sa susunod na meeting ng IATF sa susunod na linggo.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang update sa IATF sa possible adjustment po para po daw sa upcoming elections? Napag-uusapan na po ba ito ng task force or lumapit na po ba ang Comelec?

SEC. ROQUE: Hindi pa po ‘no. Under the law, magkakaroon po ng ugnayan kasi ang naging test election natin ay iyong plebisito sa Palawan. Talagang hurisdiksiyon po ng Comelec sa ating Saligang Batas na magpatupad ng mga guidelines kung paano iyong pangangampanya sa eleksiyon dahil iyan po ay nakasaad mismo sa Saligang Batas. Pero nakikipag-coordinate naman po sila sa IATF dahil kinakailangan nilang ibase sa siyensiya iyong kanilang magiging desisyon. At iyong nangyari nga po sa Palawan, naging matagumpay naman po iyong plebisito in terms of observance of minimum health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Bukod po sa bakuna, ano po ang aasahang regalo ng mga manggagawa sa Labor Day po mula sa Duterte Administration? May umento po ba sa sahod o dagdag na ayuda mula sa pamahalaan?

SEC. ROQUE: Iaanunsiyo naman po iyan bukas ‘no, so hintayin na lang natin bukas.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ni Dr. Marissa Alejandria of PSMID kahapon na maaari silang gumawa nang localized guidelines for post-vaccination nang tulad sa US-CDC. Is IATF open to collaborate po with the PSMID and DOH para po magkaroon tayo ng reglamento para sa mga fully vaccinated people?

SEC. ROQUE: Well, sa takdang panahon po ‘no, paramihin muna natin ang mga nabakunahan po. Kasi kung makikita ninyo iyong mga guidelines ng CDC, inilabas nila iyan na mayorya ng populasyon ay nabakunahan na.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Llanesca Panti ng GMA News Online: FNRI survey says 6 out of 10 Filipino families had little to no food during the pandemic. Does this prove that government aid amid the pandemic was not enough or did not reach the target beneficiaries?

SEC. ROQUE: Well, naintindihan po natin talaga na kapag hindi nakapagtrabaho ang mga tao ay talagang ang resulta ay kagutuman. Kaya nga po gustuhin man natin na pahabain pa talaga itong lockdown na ito ay talagang napakahirap po ng desisyon dahil tinitimbang din natin iyong kahirapan na magiging bunga ng lockdown.

Sa ngayon po ang solusyon po natin diyan ay iyong ating mga ayuda at saka iyong pagdi-distribute pa rin po ng mga food packs ng DSWD at mga lokal na pamahalaan na ito naman po ay over and above doon sa ayuda na binibigay natin.

At nandiyan din po iyong TUPAD, nandiyan din po iyong mga pautang ng mga Small Business Corporation at ng ating Department of Finance para naman po makatulong din doon sa mga nawalan ng trabaho. So ginagawa po natin ang lahat para matugunan po itong problema ng kagutuman sa panahon ng pandemya, pero alam po natin na mas marami pang dapat gawin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong: Will the Palace reconsider position on firing General Parlade as NTF-ELCAC spokesperson given that Constitution bans appointment of active military officers in a civilian post?

SEC. ROQUE: That’s actually po ay, you know, subject to debate ‘no kasi hindi po malinaw ‘no. Dahil siya naman po ay tumatayo, tagapagsalita na kabahagi rin po ang militar doon sa ELCAC ‘no. So pupuwedeng nagsasalita po siya bilang tagapagsalita rin ng militar na represented po doon sa ELCAC. So let’s not dwell into that, kung mayroong mga talagang sigurado sa kanilang legal position eh magsampa po sila ng quo warranto ‘no, dahil iyan naman po ang remedyo.

Sa ngayon po iniiwan na namin sa ELCAC mismo at nagsalita na po si National Security Adviser na, kung hindi po ako nagkakamali, eh pinapatahimik muna iyong dalawang spokesperson ng ELCAC until further guidance has been given them.

USEC. IGNACIO: Secretary, iyon lang po muna ang ating mga nakuhang tanong. Maraming salamat po sa inyong panahon, Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Good morning po uli, Secretary.

SEC. ROQUE: Good morning at maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corp and have a happy and a good weekend everyone. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Kapwa pabor sina Presidential Spokesperson Harry Roque at NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na magkaroon ng after care program ang pamahalaan para sa COVID-19 survivors. Sa ilalim ng programa, target mabigyan ng tulong ang mga gumaling sa virus, lalo na ang mga nakakaranas ng diskriminasyon at depression.

Ayon kay Secretary Roque siya mismo ang magsusulong nito sa IATF lalo pa at bahagi ang naturang hakbang sa reintegration strategy ng gobyerno. Sinabi naman ni Secretary Galvez, sa ilalim ng National Action Plan mahalaga rin ang social healing at reconstitution ng mental care

[VOICE CLIP]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Ngayon pong panahon ng pandemya, hinihikayat po ni Senator Bong Go ang lahat na tularan ang naging pagkakaisa ng ating mga ninuno noong Battle of Mactan. Anya mataas ang kaniyang respeto sa pinakaunang bayaning Pinoy. Nais din klaruhin ng senador na buo ang kaniyang respeto sa ating kasaysayan at wala aniya siyang intensiyon na baguhin ang paghanga at paniniwala ng ating mga kababayan sa buhay ng ating mga bayani. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Makalipas po ang mahigit isang taon, magkano at saan na nga ba napupunta ang mga Inutang ng pamahalaan simula ng magka-pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas. Para bigyan tayo ng update tungkol diyan makakausap po natin si Department of Finance Undersecretary Mark Dennis Joven. Magandang araw po, Usec?

DOF USEC. JOVEN: Yeah, good morning everyone.

USEC. IGNACIO: Usec., nasa magkano na po ang kabuuang nadagdag na halaga ng nautang na pera ng pamahalaan mula po sa mga multilateral institutions dahil sa COVID-19 response ng gobyerno at puwede po ba ninyong ibahagi kung magkano na po rito iyong na-disburse na?

DOF USEC. JOVEN: Okay. So basically to answer that question, I think we must aggregate iyong information natin. So ang ibibigay ko po sa inyo muna iyong total na Inutang natin from all foreign sources including bilateral, multilateral and commercial sources.

As of April 28, 2021 nakautang po tayo ng a total of around 18.4 billion US dollars from external sources or from foreign sources; so basically this is 16.26 billion of which is for budget support, while 2.14 is for project financing.

So when we say budget support, it means it’s to augment the national budget, it’s to spend for you know, all regular programs under the national budget. While when we refer to project loans or project finance, it means we borrow money for a particular project such as the building of a particular road or a particular bridge or a particular subway for example.

Now, out of the 16.26 billion na budget support facility natin, we have already—this is comprised of around 6.93 billion from multilateral sources.

When we say multilateral sources, ibig sabihin po nito ay financing institution operated by multiple countries; so, ano ho iyong ehemplo nito: Ito po iyong mga World Bank, Asian Development Bank and Asian Infrastructure and investment Bank.

While 1.32 billion dollars have been secured through bilateral sources; when we say bilateral, ibig sabihin po noon, iyong nagpautang po sa atin ay specific po na bansa. So, ito pong 1.32 billion dollars po na ito came from sources such as Japan, Korea and France.

Now for the commercial, that is the third kind of budget support, foreign budget support facility around 8 billion have been secured. So 8 billion US dollars secured from commercial facilities, means that ito po iyong pag-isyu natin foreign denominated bonds na binenta po natin sa mga foreign investors. So these total around 16.36 billion US dollars.

Now, iyong budget support facility natin na around 16.26 billion US dollars for the most part, they have been disbursed since last year. Why? Kasi as we move along, nakikita po natin na because of the pandemic, tax revenues have been somewhat decreasing, as is the case with all other countries, not only in the region, but also in the world. So kailangan po i-augment o i-support iyan through this budget support facility.

USEC. IGNACIO: Usec., ang tinatanong po kasi ng marami, bakit daw po kailangan pa talagang umutang ng Pilipinas?

DOF USEC. JOVEN: Okay. Actually, iyong sagot po diyan ay ever since ha, parang ever since sa start of the Duterte administration and even the preceding administrations regularly every year may inuutang po tayo. This forms part of efficient governance. So, why is this? Ang nangyayari po kasi, ang foreign funding, of course they charges interest rates di ba. Now iyong interest rate na nasi-secure natin, on a weighted average basis is lower than the growth that we have achieved so far.

So para pong nangyayari is, kung nakautang po tayo ng pera, tapos nagbabayad po tayo ng interest at say kunwari .01% per annum, pero iyong growth na nadi-derive natin from this pera na ginamit natin, we can generate, say kunwari 5 to 6% per annum, then it’s more efficient—it essentially makes the economy grow faster and this has been happening for the last say last 20 to 25 years.

So now the question is: Bakit mas malaki iyong nautang natin during the pandemic?

iyong sagot po dito, because as you know, di ba mayroon po tayong MECQ and last year nagkaroon rin po tayo ng ECQ and MECQ, which means that iyong mga some of the businesses have been closed or not operating, which is also means that consumption is not moving ahead as expected.

So, ibig sabihin po nito—long story short, iyong tax revenues po natin nababawasan po ng kaunti or it’s not the expected tax revenues that we sought to achieve at the start of that period. So how do you meet that gap?

So by the way on the expenditure side, iyong paggastos po, we have normal or programmed expenditures to run a government. On top of that, because of the pandemic, we need to address or we need to give money for social amelioration, we need to provide money to increase healthcare capacity, we need additional money to basically to support the poor.

So, kapag binangga ninyo po ito, iyong revenue at saka iyong expenditure magkakaroon po ng gap or difference iyan po iyong pina-finance ng budget support facility.

So basically iyong sagot po doon sa katanungan ninyo is essentially kung hindi po tumatakbo iyong gobyerno or may lockdown or limited lockdown mababawasan po iyong tax revenues, while at the same time tumataas po iyong gastos, so kailangan pong i-fill iyong gap in the short run.

So that’s what we are doing. Actually this problem is not only a uniquely Philippine problem. If we look at all the list of all countries in the world particularly for example our neighbors, our ASEAN neighbors, all countries within the ASEAN have increased their foreign borrowings since last year.

Actually just today, si government of Thailand has declared that you know, they are contemplating the scrapping of a foreign debt ceiling because sabi nga nila na because of the pandemic, you cannot determine kung, you know, you cannot set established rules which were imposed before the pandemic to cover a pandemic situation. Iyon ho ‘yung practical reality of it.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong lang po si Joseph Morong ng GMA News pero ito po ay naka-focus dito sa ating budget sa ating COVID-19 vaccines ano po: How much daw po ang na-loan ng bansa para sa vaccine and how much have been obligated?

DOF USEC. JOVEN: Okay. So we have borrowed a total of 1.2 billion US dollars or around 60 billion pesos from 3 multilateral institutions – so these are the World Bank, the ADB and the AIIB. On top of that, the budget also provides for around 12.5 billion pesos. So right now basically we have available funds of around 72.5 billion pesos for the vaccination program.

So out of these, in terms of obligation I think we have, in US dollar terms, basically we have booked around 6 to 7 hundred million in obligation for vaccines. So while ‘di ba we have a budget of, as I said earlier, 1.2 billion, iyong mga other contracts natin actually we haven’t yet signed them but we have locked-in the supply already.

So right now iyong mga nakikita ho natin na pumapasok na Sinovac and some of the AstraZeneca and soon some of the Moderna and some of the Pfizer, these are financed by multilateral sources and some of which are also financed by the budget, by the 12.5 billion I said earlier. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ang sunod pong tanong: Saan po ba plano daw kunin naman ng pamahalaan iyong ipambabayad naman po sa ating mga nautang? At sa tingin ninyo, gaano rin po katagal inaasahan bago natin mabayaran ang lahat ng mga nautang natin lalo na’t nag-i-slowdown po ang ating ekonomiya dahil sa COVID-19 crisis?

DOF USEC. JOVEN: Okay. So basically iyong mga inutang natin, number one ha, we’ve purposely chose multilateral funders. Why? Because the rates they offer are very concessional. So to put things in the proper perspective, ang binabayad ho natin na nominal interest per annum on these loans from the World Bank, ADB and AIIB are less than 1% per annum. I think it’s around 0.6% to 0.8% per annum, number one. Number two, it provides a long tenure of payment. So nangyayari, natsa-chop-chop po natin iyong amortization natin over very long periods of time. So in some cases it may go beyond, you know, go beyond decades or two decades.

So you ask, bakit po natin kailangan gawin ‘to? Bakit po natin—why do we need to borrow tapos pay for a long time? Well, the answer there is as you know, ‘di ba right now we’re facing not only a pandemic, we’re also facing some economic restrictions. So over the short term, hindi ho talaga natin mababayaran, it would be more burdensome for us to pay for these vaccine loans immediately. That’s why itong mga multilateral funders, they’ve designed a system where may grace period po for at least 3 years from the time we draw the facility and then debt repayment comes in on the fourth year until the, you know, until the 12th to 20th year after the drawdown.

So basically by that time, we expect the economy to have recovered already and the world to have moved away from this pandemic situation. So going back to normal, it would really not be a big problem to pay for all these debts. But more importantly I think we have to address the elephant in the room. Right now we are faced with a choice of vaccinating people to lessen deaths or not borrowing money and not vaccinating people which will result in more deaths.

So I don’t know with you but I do not want to be in a situation like some other countries where, you know, deaths have spiraled, infection rate have spiraled so bad that it would be harder for the economy to recover. I think it’s practical to address the problem now, immediately, so that mas mabilis rin po iyong economic recovery after. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang po para clarification lang din po ng ating mga kasamahang reporters ano po: Iyon daw pong 1.2 billion US dollars ang nautang natin ay 60 60 billion pesos—

DOF USEC. JOVEN: Around 58.

USEC. IGNACIO: At iyon daw pong sa 60 billion pesos na-obligate is 600 to 700 million pesos? Tama po ba iyon?

DOF USEC. JOVEN: Yes, yes. When you say na-obligate, it means that you know, there were contracts already signed to procure vaccines ha – that’s what we mean by na-obligate. So to distinguish, kung tinanong ninyo ho sa akin is how much has been released or drawn from the facility to pay for the vaccines, I think right now 100 million dollars pa lang iyong nadu-draw. Because ang ginawa ho natin doon sa vaccine loans, basically binack load natin iyong payment kapag ready na to deliver basically para hindi ho tayo maipit na nagbayad tayo ng pera pero hindi ho natin nakuha iyong vaccine.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Undersecretary Mark Dennis Joven ng Department of Finance.

DOF USEC. JOVEN: Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, handa nang magbigay-serbisyo ang bagong hemo [dialysis] facility ng National Kidney and Transplant Institute na itinayo ng Department of Public Works and Highways. Sa tulong po ng naturang modular hospital facility, mas maraming pasyente nito ang maipagpapatuloy ang hemodialysis treatment partikular na ang mga tinamaan ng COVID-19. Ang report mula kay Karen Villanda. Karen:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Karen Villanda. Ingat Karen ha.

Samantala, karagdagang bed capacity naman ang binuksan ng San Juan City para sa residente nitong tinamaan ng COVID-19. Ito ay ang bagong quarantine facility na gawa sa container vans kung saan maaaring manatili ang mga asymptomatic at may mild symptoms na makakatulong para mapigilan ang hawahan ng virus sa mga tahanan. Silipin natin iyan mula kay Patrick De Jesus. Patrick!

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ang inyo pong napanood ay ang mga natulungan ni Senator Bong Go para sa mga residenteng nasunugan.

Samantala, Senator Bong Go nilinaw po na hindi siya nakaabala sa naging responde ng Air Force sa nangyaring military chopper crash sa Bohol. Anya ang tangi po niyang intensiyon ay makapagpaabot po ng agarang tulong sa mga biktima. Narito po panoorin natin:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling balita sa Cebu City may report si John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa. Mula naman sa Davao City may report ang aming kasamang si Jay Lagang.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Jay Lagang.

Alamin naman natin ang sitwasyon sa Cordillera Region hatid ni Eddie Carta ang balita. Eddie?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Eddie Carta.

Posible pong magsimula sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo ang clinical trial ng bansa sa Anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Ayon po sa DOST 1,200 mild to moderate COVID-19 patients na ang nagpapagaling sa quarantine facility sa Metro Manila ang inaasahang makikilahok sa pag-aaral. Ayon kay Dr. Marissa Alejandria, ilan sa mga tinitingnan sa pag-aaral ay kung makakatulong ang Ivermectin para maiwasan ang severe COVID-19, ganoon din ang hospitalization at kung napapabilis ba nito ang paggaling ng sintomas at viral clearance. Pagkumparahin din sa trial kung ano ang bisa epekto ng low dose at high dose ng Ivermectin.

Samantala, patuloy din ang pag-aaral ng DOST sa safety at efficacy kontra COVID-19 ng herbal medicines kagaya po ng Lagundi at Tawa-Tawa. Ayon kay Dr Jaime Montoya, as of April 23, 203 participants na ang naka-enroll para sa local clinical trial ng Lagundi habang sa Hulyo naman, inaasahang matatapos ang pag-aaral para sa Tawa-Tawa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng DOH kahapon, April 29, 2021, umabot na sa 1,028,738 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 8,276 na mga bagong kaso. 114 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 17,145 ang total COVID-19 deaths.

Ang mga kababayan naman na naka-recover na sa sakit ay 942,239 matapos makapagtala ng 6,636 new recoveries kahapon. Ang total active cases sa kasalukuyan ay 69,354.

Samantala, base naman sa datos ng Johns Hopkins University as of April 29, 2021, nasa ika-tatlumpu’t lima ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang case fatality ratio sa Asia. Kasama po natin diyan ang Saudi Arabia na kapareho po nating nakapagtala ng 1.67%. Mas mababa po ito kaysa naitala ng Japan, Hong Kong at Indonesia.

Pinapaalala po namin: Kung may nararamdamang sintomas ng COVID-19, makipag-ugnayan po sa inyong Barangay Health Center at maaari po kayong tumawag sa COVID-19 hotline na (02)8942-6843 or i-dial po ninyo ang 1555 para po kumonsulta. Nandiyan din po ang One Hospital Command Center Hotlines upang tulungan kayo na ma-admit sa pagamutan kung kinakailangan.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Tandaan: Mag-mask, hugas, iwas; lagi rin po i-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan tulad po ng gadget, doorknob at iba pa. Ingat po tayo lahat.

Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center