Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas.

Ngayong unang araw ng Mayo ay nakikiisa po tayo sa pagdiriwang ng Labor Day sa bansa. Kami po ay nagbibigay-pugay sa lahat ng mga manggagawa na wala pong pagod na lumalaban para sa pamilya at para sa bayan sa gitna ng hamon ng pandemya.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayong araw din po ipatutupad ang bagong quarantine classification sa iba’t ibang lugar sa bansa. Extended po nang dalawa pang linggo ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa NCR Plus na kinabibilangan ng NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. Ang Abra, Ifugao, City of Santiago at Quirino ay isasailalim din sa MECQ hanggang May 14, 2021.

Samantala ang mga lugar ng Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, kasama na rin po ang Puerto Princesa City, Tacloban, Iligan, Davao City at Lanao del Sur ay sasailalim na sa General Community Quarantine habang ang iba pang mga lugar na hindi nabanggit ay sasailalim naman sa Modified General Community Quarantine na magtatagal hanggang sa katapusan ng buwan.

Bukod po diyan, ngayong araw ay mag-uumpisa ang mas pinaikling curfew hours sa NCR mula po alas diyes ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw.

Kung mayroon naman po kayong katanungan, mag-comment lamang po kayo sa aming live streaming ng programa sa PTV Facebook at YouTube account.

Ngayong Labor Day nga po ay marapat lamang na kilalanin ang kahalagahan ng mga manggagawa sa kanilang kontribusyon na palaguin ang ekonomiya kahit may krisis dulot ng COVID-19. Kung kaya’t dapat din pong suklian ng malasakit ang kanilang sakripisyo para sa pamilya at bansa gaya po nang pagbibigay ng bakuna kontra sa virus. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ngayon pong panahon ng pandemya, hirap po ang ilang mga nagbubuntis na makapagpa-checkup sa hospital sa pangambang baka mahawa po sila ng COVID-19. So, ano nga ba ang mga posibleng epekto ng COVID sa mga buntis at mga sanggol at ano ang mga dapat na pag-iingat nilang gawin, upang pag-usapan iyan, makakasama po natin si Dr. Sybil Lizanne Bravo, ang ating OB-Gyne at Clinical Associate ng UP College of Medicine.

Ma’am, welcome po sa Laging Handa at kami po ay sumasaludo sa inyo ‘no kasi kayo po ay tinuturing naming mga bagong bayani dahil isa kayo sa ating mga medical frontliners. Good morning po, Doktora.

DR. BRAVO: Magandang umaga po, Usec. Magandang umaga po sa ating mga nakikinig at nanunood po ng ating programa.

USEC. IGNACIO: Doktora, habang nasa gitna tayo ng surge sa COVID-19, tuwing kailan lamang po ba advisable na magpunta ang mga buntis o nagdadalang-tao sa ospital o sa center para po makapagpa-checkup?

DR. BRAVO: Siyempre ngayong panahon ng pandemya po, actually medyo limited po iyong face-to-face consult ng mga buntis ‘no sa ating mga doktor, sa mga OB-Gyne or sa health centers. But mayroon tayong tinatawag na mga minimum na bisita ng ating mga buntis; so most of the time po ngayon nagti-tele-health tayo eh.

‘Pag first trimester, ito po iyong unang tatlong buwan nang pagbubuntis, maari pong kontakin muna ang inyong healthcare provider, OB-Gyne or iyong espesyalista sa mga health center para po sa mga laboratoryo at vitamins na ibibigay nila.

Pagkatapos po noon, mayroon pang mga minimum na laboratory na iri-request katulad po ng ultrasound, ng mga eksaminasyon sa dugo pang-screen ng infection at kung normal naman po ‘di tuloy lang po muna sa tele-health until mga 5 months na mayroon po uling mga kaunting laboratory.

Ngunit ‘pag malapit na pong manganak siyempre, kailangan po ay magpakita na tayo sa ating mga doktor, doon na mag-i-schedule nang face-to-face visit at of course by appointment po ito.

Mayroon pong exception na kaunti ‘no, iyong sa mga high risk pregnancies na tinatawag at anytime po of course ‘pag kayo ay high risk like may diabetes, hypertension o ibang mga comorbidity during itong pagbubuntis ninyo, kumonsulta po kaagad sa doktor dahil maaaring kailangan ninyong makita ang inyong doktor face-to-face po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, may mga pag-aaral po ba kung mas prone na mahawa sa COVID-19 ang mga buntis at mga maaaring malalang epekto po ng COVID-19 sa kanila?

DR. BRAVO: Maganda pong katanungan iyan. According po sa experience natin saka sa mga studies po dito sa Pilipinas at sa abroad, ang mga buntis po hindi naman sila mas madaling mahawa ano. Pareho lang po iyong tiyansang mahawa ng COVID infection ang mga buntis doon po sa non-pregnant population including mga males po at mga bata.

Iyon nga lang po according sa ating pagsusuri, sa experience po namin, kapag ang buntis po ay nagkaroon ng COVID infection, iyon nga lang po, maari itong maging mas severe, mas grabe po ang consequences, mas marami pong complications kumpara doon sa mga hindi buntis po. Kaya kailangan po talaga mag-ingat tayo, kung hindi po kailangang umalis ng bahay, huwag pong aalis ng bahay at palagi pong mag-practice ng, of course, hygienic measures.

USEC. IGNACIO: Pero Doc, naipapasa ba ng ina ang virus sa bata na nasa kaniyang sinapupunan sakali pong magkaroon ng COVID ano o mayroon po bang maidudulot din na kumplikasyon ito sa kaniyang pagdadalang-tao?

  1. DR. BRAVO: Okay po. According ulit sa mga pag-aaral at experience natin, maliit po iyong tiyansang maipasa ng nanay ang COVID virus during pregnancy. Mayroon pong chance pero sa aming experience napakaliit po, less than 3% lang po, ito din iyong experience sa ibang bansa. Kaya lang nga po ang sinasabi natin ‘pag nagkaroon po ng impeksiyon ang nanay at siya ay buntis, habang pinagdadala ang kaniyang sanggol, may mga complications po katulad ng mas mataas po ang chance na siya ay manganak nang mas maaga, iyong preterm delivery na tinatawag.

May chance din po na baka mas maliit ang sanggol ‘no kumpara sa mga babaeng hindi nagkaroon ng COVID. Iyon po at saka medyo may small chance po na baka sila ay ma-CS kumpara sa mga buntis na walang COVID. Iyon po iyong mga complications na sinasabi natin. Other to that po, eh iyong moderate to severe po na mas mataas ang chance na magkaroon sila ng more severe at critical state ng COVID infection kapag sila po ay naging highly symptomatic.

Pero iyong [unclear] sa bata, maliit po iyong chance. Actually, sa mga napanganak po namin, in our experience at saka sa ibang mga ospital po, sinu-support po namin ang rooming-in, na pagkaanak po mas gusto namin na katabi ang baby kahit COVID po si mommy, COVID positive, mas isinusulong namin ang pag room-in, pagtabi ng baby after delivery kay mommy para tuluy-tuloy po ang bonding at kami po ay sumusuporta rito sa breastfeeding kahit po ang mommy ay COVID positive basta i-maintain po ang hygienic practices. Kailangan po naka-mask, palaging maghugas ng kamay, malinis siyempre ang breast area, at iyon po naka-mask po ang mommy habang nagpi-face-to-face breastfeeding kay baby.

Marami pong studies na nagpapakita na, of course, through breastfeeding naipapasa po ng nanay ang antibodies through the breast milk kaya magiging malusog po ang baby. During pregnancy naman po, kunwari nagkaroon po ng COVID infection ang nanay at hindi pa naman siya manganganak soon, magdi-develop po siya ng antibodies dito against COVID infection at maaari din po itong mai-transfer through the placenta and through blood kay baby. So, ito po iyong tinatawag na protective antibodies. So, mayroon pong benefit ang bonding at of course breastfeeding kahit po among COVID positive or COVID confirmed mothers.

USEC. IGNACIO: Salamat sa paglilinaw na iyan ano, doc. Pero ano po ba iyong kalakaran ngayon sa mga ospital kapag po manganganak na ang isang buntis lalo iyong may mga emergency cases kagaya po ng pre-term labor or iyong cesarean section? Iyong requirement ba ng swab test talagang prior to delivery? Kailangang-kailangan po iyan ano, doc?

DR. BRAVO: Yes po, ma’am. Tama po kayo, Usec. Sa amin pong society, by the way ako po kasi ngayon, ang kinabibilangan ko sa PIDS (Pediatric Infectious Disease Society), ito po iyong OB-PIDS Society na nasa Pilipinas. Under po kami ng aming umbrella society iyong POGS, kami po iyong gumawa ng guidelines although ito po ay pinag-aralan naming maigi, kailangan po ng PCR COVID swab test ang mga buntis kapag sila ay malapit nang manganak at kung hindi pa manganganak kasi hindi ba nga po ang full term pregnancy is 37 to 40 weeks or parang nine to ten months in other words, kailangan po itong ulitin every seven days until siya po ay manganak.

So, ito po ay talagang strict requirement kasi alam naman natin hindi lang po ito proteksiyon ng buntis at sa kaniyang pamilya ngunit proteksiyon din po sa mga health care workers na magpapaanak po sa kaniya sa ospital. So, ngayon po kung ang buntis ay malapit nang manganak, siyempre in constant communication with her OB or health care provider. Kailangan po wala pong pagbabago ay kailangan po linggu-linggo or mas frequent po mag-visit para po ma-examine kung kayo ay malapit nang manganak. Hihingi po kayo ng admitting instructions or orders kung paano po ang gagawin ninyo at pupunta kayo sa ER.

So, ang nangyayari po ngayon at ito po iyong ating sistema, kung mayroon kayong negative swab test within the past seven days ngunit ito po ay maaari rin pong magbago depende po ito sa hospital institutional policies ‘no. Siyempre, kung kayo ay asymptomatic wala po kayong respiratory syndrome at the current time na kayo ay nagli-labor, kayo po ay maaaring ma-admit sa clean area na tinatawag. Ito po iyong mga non-COVID delivery room at labor room.

Ngunit iyon nga lang po kung expired na po iyong PCR swab test ninyo, maaari po itong ulitin on admission sa ER, iyon nga lang po, nasa COVID ER kayo at may mga test naman po ngayon na lumalabas within 12 hours, less than 12 hours to 24 hours. Kung hindi pa kayo nanganganak kayo naman po ay magli-labor sa clean ward. Iyon nga lang po kung medyo bad news, sa kasamaang palad, kayo ay positive eh talagang sa COVID ward kayo manganganak. Ngunit safe naman po, we are all following strict rules of course with regard to COVID prevention and health protocols.

So, handang-handa naman po ang mga doktor, mga nurses, pharmacists, med-tech, lahat po ng health care providers sa mga almost all hospitals po sa panganganak ng ating mga pasyente na may COVID at non-COVID. Iyon nga lang po kailangan talagang makinig sa ating mga health care provider. Huwag po basta pupunta ng ospital, kumontak po, madali lang pong mag-text o kung ano mang form of social media na ma-reach ninyo ang inyong mga doktor or health care provider.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan po ang ating mga ginagawa para po masiguro sa panahon ngayon ng pandemya, iyon pong kaligtasan siyempre ng manganganak at maging po ng mga medical workers. So, paano pong pag-iingat iyong mga dapat pang gawin ng mga buntis para naman po masiguro iyong kaniyang kalusugan bago at paglabas po ni baby?

DR. BRAVO: Ang sabi nga po natin, unang-una, kung hindi po kailangan lumabas ng bahay, please, kami po ay nakikiusap huwag na po kayong lalabas ng bahay. Kung hindi naman ito maiiwasan dapat palagi kayong naka-mask, naka-face shield. Ako po talagang niri-recommend ko po ang face shield ‘no. Palagi pong magbaon ng alcohol, maghugas ng kamay.

Kung mayroon kayong kasama sa bahay na labas nang labas, siyempre hindi po maiiwasan kung ang iyong partner at asawa ang nagtatrabaho o ang inyong magulang ay nagtatrabaho at kasama ninyo sila sa bahay, siguro medyo dumistansiya na lang tayo sa kanila. Mas prefer ko po naka-mask kayo sa bahay at sila din naman at palagi pong mag-practice ng hygienic measures.

Ngayon po, kung kayo ay pupunta na ng ospital, I suggest po kakaunti lang ang dalhin ninyo. dalhin ninyo lang iyong mga previous ninyong laboratory results, of course iyong COVID swab test ninyo kung mayroon, siyempre dapat may kasama kayong isang magbabantay sa inyo or magsasama sa inyo sa ER.

Ngayon, kung kayo ay manganganak na designated labor and delivery room kung saan kayo mapupunta COVID man or non-COVID. At ngayon po mabilis, well, of course kahit naman po sa non-COVID era or period, mabilis naman tayong mag-discharge ng mga pasyente. Huwag lang po sana iyong may complications. So, pag-discharge po sa bahay, of course kasama si baby, in-advocate pa rin natin ang early discharge, breastfeeding at i-maintain pa rin po ang hygienic practices of course.

So, kung mayroon pong inuubo o may sintomas na kahit isang tao sa bahay, tayo po ay lumayo na at dapat iyong ating kasamang iyon, household contact ay magpa-test na at lumayo muna sa atin.

USEC. IGNACIO: Doc, kailan naman daw po iyong best time na tumanggap ng COVID-19 vaccine ang mga nanay na nagsilang ng kanilang sanggol?

DR. BRAVO: Actually po, after manganak practically ‘no, just the COVID vaccine, lahat ng bakuna safe nang ibigay sa buntis eh. Kapag in particular, this COVID vaccine ngayon, puwedeng-puwede na po, pagkalabas ng baby preferably nga po kung kaya kaso wala pa sa system natin, after delivery kung kayo po ay naka-line up na po for the COVID vaccine sa inyong LGU, magpabakuna na po kaagad. Safe po ang COVID vaccine sa mga breastfeeding or sa mga post-partum o iyong mga kapapanganak na nanay. Safe po ito, please have your vaccine right away po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi related po iyong tanong ni Jam Sisante ng GMA News: What of daw po nag-positive po days bago mabakunahan ng second dose? Bilang doktor po, ilang days po ang hihintayin bago po magpabakuna ng second dose?

DR. BRAVO: Kung kayo po ay nag-positive kung between doses after the first shot, ang minimum interval po sa second shot ay two weeks po or fourteen days basta kayo po ay dapat asymptomatic na, wala ng po kayong nararamdaman, two weeks po. Dati po kasi sinasabi 90 days, three months, napakatagal po ano, ngayon po two weeks na lang po. Kung due na po kayo ng second shot, please line up na po for the second shot.

Ngayon po, kung kayo ay beyond na po ng second shot ninyo, kunwari after one month medyo lumampas na kayo, anytime po puwede na po kayong magpa-shot basta at least two weeks na po kayong naka-recover at wala na pong sintomas. Hindi lang po ito sa mga buntis, kahit sa non-pregnant individuals ito po ay ang ating guideline ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami p ay nagpapasalamat sa inyong panahon ngayong araw na ito. Doc, kunin ko lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga nanay.

DR. BRAVO: Ulitin ko lang po, tayo po ay mag-ingat. Kung tayo po ay buntis, palagi pa rin pong i-maintain ang physical distancing kahit po sa loob ng bahay. Maganda po ay iwasan ang paglabas ng bahay, kung hindi po maiiwasan, palagi pong mag-wear ng mask, face shield, maghugas po ng kamay palagi, palagi pong magbaon ng alcohol, o mas maganda po sabon ‘no kung mayroon tayong sabon at uminom po ng tamang vitamins, kumain po ng healthy diet.

Huwag ninyo pong pabayaan ang inyong check-up sa inyong doktor. I’m sure mayroon pong protocols in place ang inyong mga doktor para kayo ay ma-check-up. Sumunod po sa payo nila – mga laboratoryo, mga kakainin, vitamins. At kung malapit na pong manganak, siyempre alam naman ito ng doktor, kayo ay i-advise kung paano kayo ma-admit sa inyong chosen hospital or lying-in, kayo ay bibigyan ng request for COVID test.

During delivery po, of course, the hospital or institution where you will deliver po ay handa naman po na magpaanak sa inyo. Pag-uwi po ng bahay right after delivery, we encourage po iyong breastfeeding kahit po sa mga COVID positive mothers at pag-uwi ninyo, maintain pa rin po natin ang physical distancing; kalinisan po, hugas ng kamay, wearing of mask and face shield.

At ang COVID vaccine po, safe po itong ibigay sa mga nanganak na at sa mga breastfeeding mothers, huwag po kayong matakot.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Dr. Sybil Lizanne Bravo. Salamat po. Ang tanong pong iyon ay mula kay Mai Bermudez. Salamat po.

DR. BRAVO: Salamat po. Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Mga kababayan naman natin na nawalan ng tahanan dahil sa sunog at mga nagdaang kalamidad sa Davao Oriental, Davao Del Norte at Davao Del Sur ang hinatiran ng tulong ng team ni Senator Bong Go. Ang DSWD, DTI, TESDA at DOLE namahagi rin ng assistance para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, ilang alkalde sa Eastern Samar umapela sa plano ng Senado na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC. Anila dapat ng pag-isipang mabuti ng mga mambabatas ang nasabing hakbang dahil maaaring makaapekto ito sa usaping pangseguridad ng mga nasasakupan ng kanilang mga barangay. Ang detalye mula kay Eunice Samonte:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At para naman po pag-usapan ang pinakahuling sitwasyon kaugnay sa tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa bansa at ang mga isyu na kinasasangkutan ngayon ng National Task Force to End Local Communist Against Armed Conflict or NTF-ELCAC, muli nating makakasama sa programa si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon. Welcome back po, Secretary.

SEC. ESPERON: Magandang umaga. Good morning Undersecretary Rocky at sa mga tagasubaybay ng Laging Handa sa buong Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo, good morning po. Secretary, unahin ko na lang po iyong tanong ni Mai Bermudez ng GMA News: There are many reports of Chinese vessels roaming around Julian Felipe Reef which is within the Philippines’ Exclusive Economic Zone, the Philippines has repeated its calls for them to move out. What exactly are our forces doing in the area to protect our territory?

SEC. ESPERON: Oh, sige magbigay muna ako ng situation para I hope na maski na wala tayong mapa ngayon ay maipaliwanag ko iyong ating mga posisyon diyan sa West Philippine Sea.

Usec. Rocky alam mo kasi ang ating claim diyan, isa iyong tinatawag nating Kalayaan Municipality na iprinoklama noong 1978 ni Presidente Marcos. Lumalagpas iyan sa ating 200 nautical miles na tinatawag ngayon na Exclusive Economic Zone na pinalabas naman noong 1982 na niratipikihan natin, which we ratified in 1994 at gumana na iyan effective 1994.

Diyan sa Kalayaan Municipality ay mayroon tayong siyam na detachments at mayroon ding 21 na mga isla ang Vietnam. Labing-isa dito ay nasa loob ngayon—labing-apat dito ngayon ang nasa loob ng ating EEZ. At ang China naman ay may pitong isla na artificial islands. Ang Taiwan ay mayroong isa, iyan dati ang Ithuba na dating pinakamalaki diyan 42 hectares.

Tayo iyong siyam na detachment ang pinakamalaki diyan ay iyong Pag-asa na 37 hectares. Iyong pitong isla ng China, ang pinakamalaki diyan ay iyong Mischief Reef na dati-rati ay lubog na lugar, pero ngayon ay pinatayuan na ng isla na 590 hectares.

Usec. Rocky, alam mo ba kung gaano kalaki iyon? Kung ikukumpara natin iyong sa Bonifacio Global City ay mahigit na dalawang beses.

Iyong isa pa nilang isla diyan ay iyong Subi Reef o iyong Zamora Reef na katabi ng Pag-asa, iyon naman ay 560 hectares, dalawang beses ng Bonifacio Global City; at iyong pangatlo ay 280 hectares iyong Fiery Cross doon sa baba ng Subi Reef at sa labas din ito ng ating EEZ, pero nasa loob pa rin ng ating Kalayaan Municipality. Iyang tatlong malalaking isla ngayon na iyan, artificial na ating pinuprotesta hanggang ngayon ay may kaniya-kaniyang runway. Sariling runway na 3 kilometers each at marami nang fortifications diyan. Iyan ang sitwasyon diyan sa ating Kalayaan Municipality at ang ating EEZ.

Ang pangatlo nating claim ay ang arbitral ruling na ipinalabas noong July 2016 na siya namang nagbibigay ng status sa ating mga detachments, na ang ating detachments daw ay mayroong territory na 12 nautical miles territorial sea. Kaya sa halip na buong Kalayaan Island Group, atin ang mga tubig diyan ay hindi na ngayon, 12 nautical miles na lang ang sakop ng ating siyam na detachments. Ganoon din sa Vietnam kung tatanggapin nila iyong arbitral ruling.

Ganoon din sana sa China na 12 nautical miles lang at saka sa Taiwan. Ngunit ang China ay hindi niya tinatanggap iyong arbitral ruling na nag-imbalida, nag-invalidate ng kanilang Nine-Dash Line na sumasakop o umaangkin sa buong South China Sea. At iyon naman ang hindi nila tinatanggap hanggang ngayon kaya iyan, mayroon sa lugar na iyan, sa South China Sea at sa ating West Philippine Sea at sa ating Kalayaan Municipality ay mayroon talagang dispute diyan. Kaya nandiyan ang puwersa ng Vietnam, ng China, ng Taiwan, mayroon pang limang isla din diyan ang Malaysia at tayo naman ay siyam na detachment.

So iyan ang ating sitwasyon diyan, I hope na napi-pickup natin kung ano talaga iyong sitwasyon diyan. Hindi talaga libre-libre iyan na puwede tayong pumasok anytime, na wala tayong magiging kakontra. So anong ginagawa natin? Ang ating mga puwersa diyan ay nandoon sa siyam na detachment natin at pinagpapatrolya natin diyan ang Navy at saka Air Force. Ngunit ang karamihan sa puwersa natin ngayon diyan ay ang Bureau of Fisheries at ang Philippine Coast Guard. Lahat ng iyan ay upang protektahan ang ating territory at upang i-enforce ang fisheries laws ng ating bayan.

Iyon lang Usec. Rocky, maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong pa rin si Mai Bermudez ng GMA News: Some senators says Chinese fishermen have been stealing fish in West Philippine Sea intended for Philippine fishermen. Ano daw po naman ang masasabi ninyo dito?

NSA SEC. ESPERON: Ganoon talaga ang nangyayari diyan kaya nga tayo nagdi-deploy ng ating Bureau of Fisheries vessels at saka Philippine Coast Guard upang ipatupad sa ating loob ng Exclusive Economic Zone ang fisheries laws dahil sa international laws, bawal talaga iyong illegal, unreported and unregulated fishing. Kaya lang iyong sinasabi ko sa inyo na iyang EEZ na iyan, iyong ating Exclusive Economic Zone ay contested iyan ng China at ng Vietnam at ng Malaysia. Mabuti pa sa Vietnam mayroon tayong fisheries agreement kaya ang nangyayari diyan iyong fishing boats ng China ay may mga nangingisda talaga diyan.

At ang nakita nga natin mayroon silang 200 o mahigit na paikut-ikot diyan sa South China Sea kasama na ang ating Kalayaan Municipality at ang ating Exclusive Economic Zone na dapat ay 200 nautical miles magmula sa ating baselines o iyong ating shorelines. Kaya nga lang sa loob ng EEZ na iyan ay mayroon naman silang istraktura tulad noong Mischief Reef, ang sinasabi ko iyong Mischief Reef, iyan ang pinakamalaki nila ngayon. Dati-dati ay shelter lang iyan ng mga fishermen sabi nila pero noong 2013 hanggang 2016 ay ginawa ng China iyong pitong isla nila, talagang pinakamaganda. Ang pinakamaliit ngayon diyan ay 10 hectares pero maliit na iyon, pero ang fortification ay napakalaki, napakarami.

Kaya nandiyan ang kanilang mga fishing boats o kung minsan naman ay Chinese maritime militia na umiikot diyan para i-enforce din ng China ang kaniyang territorial claim. Kaya iyan ang sinasabi ng ating Pangulo na kung babawiin natin iyan—kasi lahat ng iyan nangyari noong 2013 at saka 2016. Iyong Bajo de Masinloc o iyong Panatag or Scarborough, iyong lugar naman na iyon sa tapat ng Zambales ay nawala sa atin, kinuha ng China noong 2012.

At siya nga pala masabi ko rin na iyong sinasabi ni Justice Carpio na nawala natin ang Sandy Cay, hindi totoo iyon. Iyon ay parte ng Pag-asa Island na kung saan ay mayroon tayong detachment ng civilian at military. At iyong Pag-asa Island na kung saan ay may airport tayo ay mayroong Sandy Cay na apat at iyon ay binabantayan natin. Ni minsan magmula noong 2016 ay wala tayong nawawalang isla na kinuha ng China – mali si Justice Carpio, fake news iyong sinasabi niya, false news. Noong panahon nila nawala, iyong Scarborough at saka iyong Mischief nawala na dahil iyon ay dapat nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone. Iyan ang sitwasyon diyan, Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary sa iba naman po ano. Nakipag-usap na daw po sa inyo si Senator Panfilo Lacson kaugnay naman sa designation ni General Parlade bilang NTF-ELCAC Spokesperson at mas hinihintay niya po daw iyong tugon ninyo kaysa umasa pa sa quo warranto case para sibakin daw po sa puwesto si Lt. Gen. Parlade. Ano na po ang naging desisyon ninyo tungkol daw po dito?

NSA SEC. ESPERON: Totoo iyon, mayroon kaming exchange ng text messages ni Senator Lacson dahil alam mo naman na mga supporters natin iyan sa National Task Force ELCAC sa pagbibigay ng barangay development program. Kasama din natin iyan sa Anti-Terrorism Law dahil siya ang primary author, siya ang principal author at siya ang Committee Chair ng National Defense, ang security kaya nag-uusap kami niyan.

Patungkol dito kay General Parlade, mayroon nga silang panukala, sinensyur (censure) na nga nila eh si General Parlade. Ngayon pinapatanggal nila as spokesperson. Mayroon kaming usapan niyan ni Senator Lacson na titingnan ko ngunit dahil laging nalalathala at parang mayroon silang demand sa atin na na-publish pa nga sa mga media na tingnan ko daw iyong constitutional provision. Eh tinitingnan ko nga iyon at mayroon akong sagot sa kanila kaya nga lang hindi ko sasabihin dito dahil mayroon akong ginagawang sulat, dapat kahapon ko sana matatapos iyon pero may mga bagong developments kaya dadalhin ko iyong sulat ko na iyon sa Senate President.

Kasi si Senate President ay napaka-supportive niyan sa programs ng National Security. Dadalhin ko din iyon kay Senator Bato dahil hindi siya pumipirma sa pag-call ng resignation or pag-alis kay General Parlade. May mga kakausapin din akong mga senador sa sulat tungkol diyan, tungkol sa subject na iyan. So, may mga ginagawa kami. Hindi naman tayo maski na sila ay part ng legislative branch at tayo naman ay nasa executive branch hindi ibig sabihin noon ay hindi tayo puwedeng mag-usap. Lalo pa nga dapat na nag-uusap kami.

Iyon nga lang, hindi ko masasabi ngayon dahil mayroon pa kaming mga pinag-uusapan sa panig ng ating National Task Force-ELCAC at ang ating legal officers. Hayaan ninyo na lang na ipagpatuloy ko ang aking pakikipag-ugnayan sa mga senador, sa ating mga kagalang-galang na mga senador. Kaibigan natin ang mga nandiyan except for a few diyan na kinu-consider tayo na hindi kaibigan, hindi masyadong kaibigan pero kaibigan ko pa rin sila.

USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong lang si Leila Salaverria ng Philippine Daily Inquirer. Itong bahagi ng tanong niya ay nasagot ninyo na para daw sa result ng review kay Lieutenant General Parlade ganoon din po iyong kay Usec. Lorraine Badoy. Pero ang follow-up po niya ay: If the review is not yet over, how long will it take and which issues would you still need to look into?

NSA SEC. ESPERON: Pabayaan ninyo kami, wala naman kaming deadline na ibinigay sa sarili namin. Ang deadline namin, ang objective namin diyan ay kung paano mabigyan ng karampatang tugon iyong sentiments ng Senado at sasabihin din namin iyong aming tugon dahil parang nadadamay iyong pondo ng National Task Force-ELCAC daw.

Actually, iyong sinasabi nilang pondo ng NTF-ELCAC ay wala naman iyon, ang pondong pinag-uusapan dito ay iyong Barangay Development Program na 20 million per barangay.

Bakit 20 million? Dahil 12 million iyong farm-to-market road; three million ang class rooms/school buildings; two million ang waterworks and sanitation; 1.5 million ang health station; 1.5 ang rural electrification or iyong solar. Seven thousand lang mayroon ng kuryente iyong bahay. Isang saksakan, puwede na ang electric fan o puwede ng mag-charge ng cellphone at tatlong ilaw, instant halos.

Tapos iyong iba niyan ng 20 na million na iyan—pero puwede pang dagdagan iyan ng mga livelihood dahil hindi naman mauubos lahat iyon sa electrification, may livelihood.

At iyong mga ibang ahensya naman kung mayroon silang mga available na projects tulad ng TUPAD ng DOLE or ang DTI, ang Cooperative Development Authority, ay papasok ang mga iyan. Iyon ang ating Barangay Development Program na gustong ipa-defund ng Senado, ng ibang senador at mga ibang congressman at karamihan sa mga congressman na ayaw niyan ay iyong mga may simpatiya sa New People’s Army. Kasi iyong 822 barangays na lalagyan natin ng Barangay Development Program ay dating mga guerilla base ng NPA. Guerilla base!

Matagal na walang development diyan kaya lalagyan natin ng development dahil na-clear natin iyan magmula 2016 hanggang 2019. Pinaghirapan iyan ng Armed Forces, ng PNP at saka local government and national agencies na i-clear para mawala iyong impluwensiya ng NPA; ngayon, lalagyan natin ng development.

Eh bakit tinututulan ito ng mga Makabayan Bloc at ngayon ay sumama na rin ang ibang mga kaibigan natin na senador na pumirma naman ng budget na ito. Kaya gusto naming magpaliwanag sa ating mga supporters, kaibigang mga senador, at sa iba pang mga congressman kung ano itong Barangay Development Program.

Wala kaming additional na budget para sa National Task Force-ELCAC na naka-program sa amin. Ang budget ng bawat ahensiyang nandiyan ay kung ano na iyong budget nila na regular kaya National Task Force ito. Ang ginagawa ng National Task Force-ELCAC ay pagsama-samahin iyong mga programa ng lahat ng gobyerno upang maawat o matigil na itong local communist armed conflict. So, it is convergence program for a whole-of-government and whole-of-nation approach to the insurgency na hindi natin masyadong ginagawa noon.

Ang lumalaban lang sa NPA noon Armed Forces at saka Philippine National Police at ang ating mga ibang security agencies eh ang insurgency naman hindi lang naman armed component – mayroong political, mayroong economic, may social component diyan na ang makakatugon ay ang mga iba’t-ibang ahensiya at ang ating private sector. So, iyan ang sagot ko. I hope nasasagot ko si Leila ng PDI at ang ating mga kasama pang iba sa media.

USEC. IGNACIO: Mayroon pa rin siyang tanong na panghuli sa inyo, Secretary. Kasi daw po iyong NTF-ELCAC has been accused of indiscriminately red-tagging individuals and groups. What is he or the council doing about this?

NSA SEC. ESPERON: Well, sa usaping red-tagging, gusto ko lang impormahan kayo na si Jose Maria Sison ay mayroong recording at alam na alam natin iyon, alam din ng media iyan. Sinabi niya kung sino iyong mga kasama sa kanilang democratic revolution. Democratic revolution ang tawag nila pero iyan ay walang iba kung hindi ang armed struggle to overthrow the government.

Sinabi niya kung sino iyong mga democratic organizations: Alliance of Concerned Teachers, LFS, Kabataan, at KMU, Pambansang Katipunan ng Magsasaka at iba-iba pa, nasa video iyon. Ilang beses na naming ipinapakita iyan. Ito ang huli ngayon, Usec. Rocky, Leila, noong April 24 itong taon na ito ay lumabas si Joma Sison upang bumati sa mga kaalyado nila sa National Democratic Front.

Dahil ang tinatawag nating communist terrorist group ay binubuo ng CPP-NPA at National Democratic Front, sinabi niya kung sino iyong mga kaalyadong organisasyon at hindi iyong mga open or legal fronts ang sinabi niya kung hindi iyong mga kaalyado nilang underground organizations. Sana sabihin ninyo kung sino ang mayroong Viber or WhatsApp diyan at hindi kasi tayo naka-zoom or wala akong screen na pag-share-an sa inyo pero puwede kong ipadala iyong talumpati ni Jose Maria Sison noong April 24, 2021 anniversary ng National Democratic Front kung saan sinabi niya iyong allied organizations nila.

Number one, Communist Party of the Philippines; Number two, New People’s Army; Number three, Pambansang Katipunan ng Magsasaka; mayroon ding KAGUMA, iyong Kapisanan ng Gurong Makabayan; mayroon ding MAKIBAKA, iyong Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan parang ganoon, iyong ‘yung kasama ng Gabriela; mayroon ding KAGUMA, para sa mga gurong Makabayan, Kapisanan ng mga Gurong Makabayan.

Mga underground organization lahat iyan, eighteen of them including the KM or Kabataang Makabayan na siya namang humahawak o nagdidikta doon sa ibang miyembro ng Anakbayan, LFS at Kabataan.

Bakit ko sinasabing ibang miyembro. Dahil hindi naman lahat ng miyembr0 ng LFS ay CPP or NPA. Mayroon diyang grupo, mayroong mga particles diyan sa loob na gumagalaw diyan, para magbigay ng direksiyon upang suportahan ang National Democratic Revolution or ang armed struggle. So iyon ang red-tagging. Sino ang nagri-red tag sa kanila? Ang red-tagging ay nanggagaling din sa kanila, kay Joma Sison at saka sila din mismo. Iyong Karapatan halimbawa, kapag may engkuwentro ang unang dumadating doon sa lugar ay iyong Karapatan, upang magbigay ng tulong sa mga nadakip o magbigay ng piyansa.

Katulad niyan, iyong Rural Missionary of the Philippines. Sila pala ang nagpupondo sa NPA Schools sa Mindanao kaya ngayon frozen na iyong account nila. Sa pamamagitan ng kanilang action eh nahuhuli sila. We are not red-tagging them. We are just informing the public about their relations with the CPP-NPA-NDF. Ang red-tagging na term ay galing iyan sa CPP-NPA-NDF na sasabihin nila, huwag ninyo kaming i-red-tag, parang depensa kaagad nila. Hindi naman namin sila niri-red-tag, sinasabi lang namin sa public ngayon at ngayon lang talagang masinsinang ginagawa ito, kaya sila galit kay General Parlade o sa amin sa NTF-ELCAC, dahil ngayon lang naibubunyag iyong kanilang relations with the CPP-NPA-NDF na sila din naman ang nagsasabi kung ano iyong kanilang relasyon doon.

Magmi-meeting iyong International League of People’s Struggles na binuo ni Joma Sison. Ang huling meeting nila sa Hong Kong noong 202o, sino ang mga pumunta doon. Sino ang nag-attend, eh di Bayan, Alliance of Concern Teachers, Kabataan, LFS, eh sila-sila ang nandoon eh! Eh hindi naman mawawala sa pansin namin ito. Kaya sila mismo ang nagre-red tag, sila na nga ang nagsasabi at ang talagang pinakamatindi ngayon na pag-red tag ay iyong ginawa ni Joma Sison, sinabi na niya kung sino iyong kanilang mga allied organizations na underground.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming programa, National Security Adviser Hermogenes Esperon. Secretary, stay safe po.

SEC. ESPERON: Jun na lang o Hermo para mas maiksi. Salamat din. Kanina pinapakinggan ko bago ako pumasok, bago mo ako pinapasok na may mga Mayor, mga Barangay Kapitan at iba’t ibang mga personalities, mga taga-Barangay na nag-aapela na huwag naman nilang i-defund iyong Barangay Development Program at sa halip ay i-defend, kasi iyon ang talagang kailangan ng ating mga kababayan diyan sa mga geographically isolated and depressed areas.

At lalo na kung nagkaroon ng conflict diyan, iyon ang kailangan nila, kalsada, eskuwelahan, waterworks, health station, livelihood. Kaya huwag naman sana, huwag naman sana dahil alam na nila iyong mga projects na iyan, nakalista iyong mga barangay na iyan. Kumuha pa kami ng paid advertisement announcing the 822, inilagay namin sa isang major newspaper, sa Manila Bulletin at sa iba pang mga diyaryo. Naka-publish iyan, hindi pinipili basta-basta iyan, pinaghirapan iyan magmula 2016 to 2019.

At mayroon pang mga ibang barangay na na-clear na naman nitong 2020 hanggang ngayon 2021 at iyan din sana ay dapat malagyan din ng development. Itong programa ng CPP-NPA na ito ay 53 years na at kung gusto nating matuloy iyan, tuluy-tuloy na mayroong sunugan, pangungotong, pangpapatay diyan sa countryside, eh di kalimutan na natin itong anti-insurgency, itong National Task Force-ELCAC, para magkagulo na talaga.

USEC. IGNACIO: Huwag naman, Secretary. Thank you po sa inyong panahon.

SEC. ESPERON: Thank you so much sa pagbibigay ng pagkakataon na ito. Thank you sa mga nagtanong at thank you sa pagsubaybay ng ating mga kababayan sa Laging Handa. Magandang umaga, Secretary Esperon po.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Si Secretary Hermogenes Esperon. Samantala, alamin naman natin ang iba pang balita sa iba’t ibang bahagi ng bansa, puntahan natin si Ria Arevalo mula sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo ng PBS.

Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, April 30, 2021, umabot na sa 1,037,460 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 8,748 na mga bagong kaso. 89 na katao ang mga bagong nasawi, kaya umabot sa 17, 234 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman po nating naka-recover na sa sakit ay nasa 946,318 matapos makapagtala ng 4,143 new recoveries kahapon. Ang total active cases sa kasalukuyan ay 73,908.

Base naman po sa datos ng Johns Hopkins University at pag-aanalisa ng Our World in Data Organization bumababa na ang daily new confirmed cases ng bansa sa buong buwan ng Abril habang ang Malaysia at Thailand ay nagkakaroon naman ngayon ng panibagong surge. Kaya amin pong pinapaalala sa lahat ang pagsunod sa minimum health protocols upang tuluyang malampasan ng bansa ang COVID-19.

Nag-i-improve na nga ba ang ating sitwasyon sa COVID-19 matapos ang higit isang buwan na mas mahigpit na quarantine, muli po nating makakasama sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.

USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky, good morning to all of you.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman po ang ini-expect na resulta ng DOH dito sa karagdagang dalawang linggong MECQ sa NCR Plus?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So unang-una, ang major objective really is for us to decongest our hospitals at magagawa po lang natin iyan kung bababa po iyong mga kaso pa natin because we would like to still decrease mobility during this MECQ for two weeks. Gusto ho natin palakasin pa iyong ating health system capacity, makapagdagdag pa ng additional beds, makapag-decongest ng ospital at mas maiayos po natin ang sitwasyon dito po sa ating mga lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po nito Mai Bermudez ng GMA News: Balak naman daw po kasuhan ng Sputnik vaccine developer ang health regulator ng Brazil dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa kanilang bakuna. Base kasi sa test na isinasagawa ng Brazil regulator na Anvisa, nagtataglay daw po ng live version ng common cold-causing virus ang kanilang bakuna na maari daw pong mag-reproduce sa katawan ng isang indibidwal. Usec., ano raw po ang reaksiyon ng DOH dito sa hindi pagpayag ng Brazil nga na bigyan ng EUA ang Sputnik V?

DOH USEC. VERGEIRE: Well Usec. Rocky, kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan ‘no na ang Sputnik V po ay nabigyan na ng Emergency Use Authority ng ating Food and Drug Administration so ibig sabihin napag-aralan na po iyong dossier ng Sputnik V at nakita naman na katanggap-tanggap at ligtas ito para sa ating mga kababayan.

Kung sakali pong may ibang mga makikita ‘no around the globe about this, the manufacturer of Sputnik V has that responsibility to the Philippine government to submit to us this kind of finding. Sa ngayon po, wala pa naman ho tayong natatanggap na ganito at saka iyang ipinalabas po diyan sa Brazil, dito po is based on their evaluation and these are just initial conclusions.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Mai Bermudez ng GMA News: In relation to reports coming from Brazil, will the Philippine Food and Drug Administration review its issuance of EUA for Sputnik V and how will it affect the country’s vaccination program?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, katulad po ng sabi ko sa inyo, kapag po nagbigay po ng submission ‘no na additional documents kung sakali ngang may mga ganitong finding, kailangan pong mag-submit iyong manufacturer sa FDA and then we will reevaluate. Sa ngayon pong mga initial po iyan na mga sinasabi ng mga regulatory authority sa ibang bansa, kailangan hong pag-aralan lang. But tuloy pa rin po ang ating pagbabakuna, iyon pong mga Sputnik V doses ay dadating ngayong hapon at ibibigay po natin sa apat na malalaking lungsod dito sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Mai Bermudez: Ang DOH po ba irirekomenda iyong use ng Lianhua Qingwen capsule for COVID suspect without symptoms?

DOH USEC. VERGEIRE: Okay. Ito po iyong Chinese supplement and this was registered by the Food and Drug Administration. Pero ito po kasing mga supplements na ito, hindi po ito kasama doon sa mga clinical guidelines na nilalabas natin. So kung sakali pong may rehistro iyan sa Food and Drug Administration, kailangan lang maintindihan ng ating mga kababayan ito pong gamot na ito ay pangsuporta. Kahit po doon sa pinagmulang bansa nito, ginagamit din lang ho iyan para suportahan ang mga sintomas ngunit hindi po iyan nakakagaling o ‘di kaya ay nakaka-prevent ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kinondena ng Philippine Pharmacist Association ang naging pamamahagi nang libreng Ivermectin ng ilang politiko ano po at doktor sa Quezon City kung saan ang reseta daw po ay isinulat lamang sa blangkong papel at kulang-kulang pa sa impormasyon ‘di umano ano. At may mga ‘di umanong nagtangka—kung mayroon daw pong nagtangka man lang sa DOH na harangin o itigil iyong programang iyon at ano po ang aksiyon at gagawin ng DOH para mapanagot po kung sinuman daw po ang nasa likod nito?

DOH USEC. VERGEIRE: Marami ho tayong batas ‘no na saklaw ang pagpi-prescribe ng gamot. Mayroon ho tayong Consumer Act, mayroon tayong FDA law, mayroon din hong mga binigay na mga advisories ang kanilang mga medical societies sa ating mga doktor. Kailangan lang po nating tingnan ano and the Secretary has already ordered the FDA to check o these prescriptions. Maliban diyan po, nakapagbigay na po ang DOH ng kanilang posisyon na hanggang sa ngayon hindi pa ho natin nirirekomenda ang drug na iyan. FDA also has issued their regulatory protocols at iyon naman po ay naaayon doon sa isinagawa nila noong sila ay nagkaroon nitong distribution na ito.

Titingnan lang ho natin maigi and in the end, at the end of the day, ito po—it’s going to be a decision between the patient and the doctor. Kung ang pasyente ay gusto talagang sumubok ng ganiyang gamot bagama’t nagbibigay na tayo ng abiso, kung ang doktor din po ay gusto niya pong magbigay ng ganiyang gamot, the accountability is theirs – kailangan lang po talagang bantayan and DOH is also monitoring.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., papaano iyong mga tumanggap o may gagawin po ba kayong surveillance para po doon sa mga nabigyan ng Ivermectin sa Quezon City?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po, Usec. Rocky ‘no. So nagbigay abiso na po and the Secretary also encouraged all of those who received the Ivermectin capsules, kung maaari mag-report lang po sa DOH para po malaman namin kung sakaling mayroon po silang ibang mararamdaman and if they need anything. Handa po ang DOH tumulong.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po Usec. sa nag-viral na litrato ng isang nurse kung saan nakasaad ang mahigit P600 na Special Risk Allowance daw po na naipon niya sa loob ng tatlong buwan. Tila may mali daw ‘di umano sa guidelines sa pagbibigay ng SRA. Usec., isa raw din po ito sa dahilan ng mga healthcare workers kung bakit marami daw po ang umaalis sa serbisyo. Kabilang po ba ito sa mga incentives na pinag-uusapan ninyo ngayon sa DOH para daw po mahikayat iyong ating mga medical frontliners na hindi po umalis sa serbisyo?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po, Usec. Rocky, kasama po iyan sa mga napag-usapan at ipinaliwanag namang maigi ng ating Secretary of Health sa ating mga health-care workers. Ang una po, iyon pong benepisyo kapag sila ay naka-quarantine, nagbigay na po ng kautusan si Secretary of Health na dapat kasama iyon dahil sila ay na-expose and it was because of their job. So, kailangan pa ring maibigay iyong kanilang benepisyo kung sila ay nagkaroon ng ganitong exposure.

Pangalawa, ito pong computation, ayaw ko na sanang banggitin ito pero ito po ay nagkaroon tayo ng imbestigasyon through our regional office and apparently ito pong daily time record ay tiningnan natin for this specific nurse and may number of days lang po siya talagang pumasok physically doon sa kanilang facility kaya po according to that number of days the he went to work, doon po nai-compute iyong kaniyang SRA. Kapag tiningnan ho natin iyong policy natin, nandoon ho iyong kung paano kinu-compute ang SRA. This is 5,000/one month or 22 days po at iyan po ang ibinibigay natin na kabuuan ‘no basta dapat sila physically reporting and catering to client. So, ito nga pong nakita nating imbestigasyon ay may number of days lang pong nakapasok itong specific nurse na ito kaya ganito lang po ang naibigay sa kaniya.

USEC IGNACIO: Usec., bigyan-daan ko lang iyong katanungan ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Reaksiyon po ng DOH sa pagkakalista ng Moderna sa World Health Organization Emergency Use Listing (EUL). Maaari na po ba itong makasama sa mga bakuna ng COVAX Facility?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am! That’s one of the conditions actually that there is this EUL from WHO. Maganda pong balita iyan dahil talaga pong madadagdagan po iyong puwedeng i-provide ng COVAX Facility para sa mga participating country.

USEC IGNACIO: Sunod po niyang tanong: Kahapon, mga nasa 4,000 na libo lang daw po iyong nakaka-recover mula sa COVID, mas mataas na ulit ngayon iyong mga bilang daw po ng kaso kaysa sa mga nakaka-recover. Ito na po ba iyong sinasabi daw na ‘true picture’ ng mga impeksiyon dito sa Pilipinas?

DOH USEC. VERGEIRE: Hindi ko po iyan masagot nang buo ngayon but we need to see the trend kung magtutuluy-tuloy po sa mga susunod na mga araw. Kapag nagtuluy-tuloy po sa mga susunod na araw ibig sabihin this is really the true picture dahil kung matatandaan ninyo po, marami po tayong nai-tag, time-based tagging for the past days dahil pinilit nating ma-exhaust iyong mga napag-iwanan na hindi pa po nata-tag before kaya po medyo marami noong una tapos paliit nang paliit na lang kasi it’s showing iyong talagang numbers natin. So, tingnan ho natin for the next two or three days para makita natin if this really is the picture already.

USEC IGNACIO: Opo. May pahabol na tanong po si Mai Bermudez ng GMA News: Ito po ba daw na nangyayaring labor rallies, puwede po bang maging super-spreader event?

DOH USEC. VERGEIRE: Tama po iyan, Usec. Rocky. Lagi ho nating ipinapaalala sa ating mga kababayan na iyon pong pagkukumpul-kumpol ng tao kahit kayo ay nasa maaliwalas na lugar o nasa open space kayo ay maaari pa ring makapag-cause ng pagkakahawa-hawaan at mas mabilis ang transmission ng pagkakahawa-hawaan. So, sana po kahit na mayroon tayong ganitong mga activities na naiintindihan naman po ng ating mga officials, pero kailangan mag-practice pa rin tayo ng health protocols natin.

USEC IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat po.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo mula sa Davao City. May report si Clodet Loreto.

[NEWS REPORT]

USEC IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Tandaan: Mag-mask, hugas, iwas. Mag-ingat po tayong lahat.

Muli, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita muli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center