Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngayon po ay May 4, 2021, araw ng Martes. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

Mga usapin tungkol sa contact tracing at pagbabakuna ng pribadong sektor ang tatalakayin natin ngayong umaga dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Pangulong Rodrigo Duterte nabakunahan na konta-COVID-19. Mismong si Department of Health Secretary Francisco Duque III ang nagturok ng Sinopharm vaccine sa Presidente batay na rin sa desisyon ng kaniyang mga doktor. Bukod sa proteksiyon sa kaniyang kalusugan, isinapubliko ni Pangulong Duterte ang kaniyang pagpapabakuna upang hikayatin ang publiko na tumanggap din ng COVID-19 vaccines. Bilang senior citizen, kasali na sa priority list ng mababakunahan ang Pangulo.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kasabay po ng mungkahi ng DepEd na ibalik ang face-to-face classes sa Agosto, Senator Bong Go sinabing dapat na unahin muna ang kaligtasan ng mga guro at mga estudyante bago ito payagan. Aniya, habang hindi nakakamit ang herd immunity sa bansa, mataas pa rin ang posibilidad na mahawahan ang mga ito ng COVID-19. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: At para kumustahin ang kabuuang contact tracing efforts ng pamahalaan, gayun din ang sitwasyon ng COVID-19 infection sa Baguio City, una na nating makakausap ngayong umaga si Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Mayor, good morning po.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Good morning po sa inyong lahat. Good morning po sa ating mga televiewers.

USEC. IGNACIO: Mayor, kumustahin muna natin ang lagay ngayon diyan sa Baguio. Balita po namin ay, naku, medyo marami po iyong naitalang kaso ng mga bagong variants ng COVID-19 diyan at diumano ay nasa critical risk o nasa risk status pa rin ang inyong mga ospital?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Oho. Unang-una, gusto ko lang sabihin sa inyo na mayroon po kaming apat na ospital pero ang pinakamataas po rito ng … in so far as accommodation is concerned is iyong BGH po natin. Pero alam ninyo naman iyong ating Baguio General Hospital, lahat po ng mga probinsiya ay dinadala po diyan, galing ho sa Pangasinan, sa Region II at mga pasyente rin po na manggagaling sa CAR kaya talagang punung-puno po iyan. Mayroon po tayong tatlong private hospitals pero very limited lang po iyong bed capacity ng mga ito.

USEC. IGNACIO: Pero, Mayor, sa kabila nito, masasabing under control pa rin naman po ng Baguio LGU ang kaso ng COVID-19 sa inyong lungsod?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Tama ho iyan. Lagi ho nating minu-monitor ang ating weekly status. In fact, two weeks ago, umaabot ho tayo ng 94 cases per day. Tapos noong a week ago, umaabot ho tayo ng 100 cases a day. Ngayon ho ay bumababa na ho tayo, nasa 54 na, pababa na po iyong number of cases a day – 54.

In so far as this COVID variant naman, ang pinaka-dominant dito is the UK variant, while officially lumalabas na 17 UK variants lang ang na-detect ng PGC [Philippine Genome Center] based on the specimen na sinubmit ho namin. Tandaan ho ninyo, napakarami ho nating specimen na pinadala ho doon coming from the City of Baguio, at less than 20% lang ho na-process. Lumalabas din ho sa aming link analysis na siguro umaabot na ho ng hundred, more than a hundred ang UK variant dito sa Siyudad ng Baguio contrary doon sa 17 na officially claimed.

USEC. IGNACIO: Naku, pero Mayor, ano ang nagiging epekto niyan sa inyo? Pero sinabi ninyo nga, bagama’t bumababa iyong kaso po sa inyong lugar. Pero hindi ninyo po ba naikonsidera na isailalim sa MECQ ang Baguio lalo nga sinabi ninyo nasa mahigit isandaan po iyong UK variants na nandiyan po sa lugar ninyo?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, sa nakikita naman namin, kayang i-manage ano. At bumababa nga, tulad ng nabanggit ko, bumababa ang cases namin dito. Local government is well capable of managing its COVID-19 situation so there is no need for us to … maging ECQ tayo or MECQ. We can maintain iyong aming present status ngayon na GCQ.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, speaking of the COVID variants nga, tama po ba na ngayong linggo, supposedly magsisimula iyong re-training para sa 249,000 na contact tracers tungkol po sa mga bagong variant?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Tama po iyan. Unang-una, ang hinihintay ko na lang po ay iyong go signal po na mag-umpisa na po iyong training. Umpisahan ho namin iyong 5,000 na bagong contact tracers na na-recruit via TUPAD po natin ng DOLE. At doon po mag-uumpisa iyong ating documentation para ho kapag inumpisahan na ho natin iyong training ng 249,000 ay puwede na ho nating i-record na lang, at iyong recordings na lang po ang gagamitin po natin sa pagtuturo sa kanila.

Tapos readily, on standby naman kami para kung saka-sakaling may mga katanungan ay nandoon ho kami para sumagot kaagad.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, alam po natin na talagang mahaba-haba pa itong laban natin sa pandemya, pero kapag sumailalim po sila sa re-training, automatic po ba na iri-renew rin ang kontrata nila para sa additional na anim na buwan? Kasi mukhang dapat ay kailangang-kailangan pa rin po natin ng ating mga contact tracers.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: I wish kaya po nating i-sustain, kaya nga ho sana ho ay mayroon po tayong nakalaan na pondo para siguraduhin ho natin na may pondo ho tayo kapag i-extend po natin iyong serbisyo nitong mga bagong contact tracers po natin.

USEC. IGNACIO: Pero, Mayor, sila po ba ay idi-deploy sa buong bansa after ng re-training or nakasentro lamang po ito sa Metro Manila o dito sa NCR?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Itong 5,000 generally, dito po sa NCR at iyong binabanggit ho natin na apat na probinsiya, diyan po naka-focus iyong 5,000. Pero iyong 249,000, buong bansa po iyon. Pero most of these 249,000 ay dati na pong nga contact tracers. Kailangan po nating i-retrain lang po sila dahil nga dito sa mga lumalabas na iba’t ibang UK variant kaya kailangang paigtingin pa nila lalo iyong kanilang contact tracing. Dapat umabot po iyan sa F3.

USEC. IGNACIO: Pero makakatulong ba ito talaga, Mayor, para talagang mapalakas itong contact tracing efforts ng ating mga LGU na ayon po sa direktiba ng Department of Health ay dapat pong ma-accomplish sa loob lamang ng 24 hours kumpara po doon sa dating lima at kalahating araw lamang?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, it’s a challenge lalung-lalo na tumataas ho iyong ating kaso. Unlike last year, noong nag-uumpisa pa lang itong COVID-19 na ang isang kaso, hinahawakan iyan ng apat o limang contact tracers ang nakatutok diyan kaya nilang i-attain iyong 1:37. Pero nabaligtad na po ngayon with all these surges, itong incredible increase in the number of cases ho natin lumalabas ngayon na ang isang contact tracer, ang hinahawakan niyang kaso umaabot na ng lima, anim, pito, walo. Kung minsan nga mayroon akong alam na isang LGU na ang isang contact tracer, isang dosenang cases ang hinahawakan niya daily – daily napapatungan ho iyan. Ganiyan po iyong challenges na hinaharap po ng ating mga contact tracers ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, nitong Abril kung kailan po tayo ay nagkaroon ng surge ano po, ano po iyong naging output ng mga contact tracing ng mga LGUs?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, sa ngayon ho ang minu-monitor po natin per regions. Katulad po ng NCR at kung ikukumpara po natin for the past one month, two weeks ago minonitor po namin sila nasa 1:3. There was a time na talagang mababa po sila, mababa nga ho ng 1:2 umakyat ho ng 1:3 at last week po na-monitor ho namin na umaakyat na po, nasa 1:5 sila. May tatlong regions naman po na bumaba iyong kanilang contact tracing efficiency ratio – ito po iyong Cordillera, Region V and Region VI. May mga regions naman na umakyat iyong kanilang contact tracing efficiency ratio tulad ng Regions X, XI, XII pati na rin po ang IX umakyat din po.

Consistent po na may nagkakaroon tayo ng problema rito sa BARMM, sa Bangsamoro Autonomous Region dahil may aberration po iyong data nila, hindi ho namin mabasa nang maayos kaya ako nakikiusap po doon sa Regional Task Force po doon na pinapangunahan po ng ating OCD at the same time iyong Regional Director ng DILG na tutukan mabuti. Kasi consistent po iyong ARMM na every week eh talaga hong hindi ho maintindihan iyong data niya sa contact tracing, hindi ho ma-define, hindi ho consistent iyong kaniyang contact tracing efficiency ratio, nakakalito. Kung minsan aakyat nang napakataas na unbelievable, kung minsan naman bumababa pa siya ng zero. Kaya talagang kailangan tutukan mabuti iyong ating mga contact tracers at iyong mga local government units po diyan sa lugar na iyan.

Pero overall, ang contact tracing po natin nandito na sa 1:4 lang. So malayung-malayo na po, ibinaba na po natin sa 1:15 na lang, hindi na 1:37 ang ginawa po nating standards na contact tracing efficiency ratio, binaba na po natin ng 1:15 to be more realistic amidst ho nitong surges po ng kaso ho natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor sa buwan naman daw pong ito ay plano nang makumpleto ito pong pag-rollout sa buong bansa ng ating digital contact tracing platform na StaySafe.ph. Sa ngayon po ba daw ay accessible na ito para sa lahat, Mayor?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, ang StaySafe ho kasi talaga hong tinanggihan ho ng Department of Health dahil may nakita ho silang kakulangan. So nangyari po, idinonate po ito sa DILG. Right now ho pinapag-aralan po ng DILG iyong StaySafe at iyong kaniyang mga functionalities. In so far as DILG is concerned, nasa study and learning status pa ho sila at talagang kulang pa ho iyong documentation na ibinigay po ng StaySafe kaya hindi pa ho natin makumpleto at masabing categorically na highly reliable na po itong StaySafe. Kailangan pa ho talagang pag-aralan, ayusin pa at ayusin pa ho pati ho iyong mga document, documentation at I-enhance pa further po iyong kaniyang functionalities.

USEC. IGNACIO: Opo. Bilang panghuli na lang Mayor, weakest link pa rin po ba ang contact tracing o nakakahabol ito sa pangangailangan ng COVID-19 response ng pamahalaan?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well to be honest with you, I would say it’s still a weakest link among the pillars. Talagang nakatutok ho kami sa mga local government units kasi ang local government unit naman talaga ho ang kailangan mag-conduct po ng contact tracing at ito iyong kanilang primary responsibility. Kaya nakikiusap po kami sa mga local government units na sana po tutukan ninyong mabuti, gamitin po ninyo iyong mga iba’t ibang mga analytical tools na ipinamahagi po namin sa inyo at sana ho directly maging involved po iyong ating mga top leaders po sa local government units para lalo hong ma-inspire iyong ating mga contact tracer.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor pasensiya na ano, may mga tanong po iyong ating kasamahan sa media sa inyo. Tanong po ni Joseph Morong ng GMA News: Bakit daw po ni-reject ng Department of Health ang StaySafe?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, ang claim ho kasi ng Department of Health ay kulang pa ho ang kanilang pag-aaral. Kumbaga ho sa isang bahay, ang gusto ho kasi ng Department of Health ay ibigay mo iyong susi noong bahay, pasukin namin iyong bahay, inspekin namin, kung nakita namin na maayos iyong bahay at iyong mga facilities noong bahay, saka namin tatanggapin. Ang sabi naman ng StaySafe, puwede ho ba na i-turnover na lang muna namin bago namin ibigay sa inyo iyong susi at saka ninyo inspekin.

Kumbaga magkaiba iyong pananaw pero may point ho iyong Department of Health po diyan na kailangan ipakita muna namin, kailangan inspekin namin, kailangan halughugin namin, pag-aralan muna namin iyong mga source code mo, iyong production database mo at kung anu-ano pang mga functionalities para makasigurado kami na talagang maayos iyong system mo na iyan. Parang ganoon ho at hindi ho nagkaintindihan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may tanong din po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN. Ang tanong po niya: Ano daw po ang inaasahang impact sa contact tracing ng pagbaba ng standard ratio na 1:15? Would this be enough to give an accurate picture of COVID cases in the country?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, we are just trying to be realistic about it dahil while our previous standard is 1:37, hindi ho talaga kayang abutin. Napag-usapan na po namin iyan sa NTF, napag-usapan na rin po namin iyan ng mga interagency during our meeting at napag-agree-han ho namin na kailangan ibaba natin to be, you know, let us look at the current operating environment, iyong 1:15 pa rin ho malaking bagay pa rin ho iyan. Malaki pa rin ho ang impact po niyan sa ating pag-manage ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon. Pasensiya na po, mukhang mayroon pong pahabol pa na tanong. May pahabol po na tanong si Celerina Monte, Mayor pasensiya na po: Is there a problem with StaySafe? Why still pursue with this?

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Well, it’s now being assessed at evaluated ng IT team ho ng DILG. So siguro ang pinakamaganda ho na magbigay ho ng kasagutan diyan ay iyong ating mga IT personnel po ng DILG. I would suggest that you get in touch with Usec. Bernie Florece, siya ho kasi ang namamahala diyan, siya rin ho ang nagsu-supervise diyan sa pag-evaluate po ng StaySafe.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon, Mayor Benjamin Magalong. Ingat po kayo, Mayor.

BAGUIO CITY MAYOR MAGALONG: Kayo rin po. Maraming salamat sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, nananatiling mas mataas ang bilang ng mga bagong gumaling mula sa COVID-19 kumpara sa mga bagong nahawahan. Sa ipinalabas na bulletin ng Department of Health kahapon: 9,214 ang nadagdag sa mga naka-recover na sa sakit na sa kabuuan ay umaabot na sa 975,234 habang nasa 7,255 naman ang mga bagong kaso o katumbas ng 1,062,225 total cases; 94 deaths naman po ang nadagdag sa talaan kaya nasa 17,525 na ang bilang ng mga nasawi. Dahil sa mataas na recovery, muling bumaba ang active cases sa 69,466.

Samantala, as of May 2, 2021 nasa 1,948,080 ang total doses po na bakuna ang naipamahagi sa buong bansa; 1,368,748 doses diyan ang para sa mga nasa A1 sector o iyong mga health frontliners. Sa National Capital Region naman 749,236 total doses naman ang naibakuna. Nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas na may pinakamaraming vaccine dose na nabakuna na sa buong ASEAN region.

Sa kabila ng mga napabalitang blood clotting sa ibang bansa dahil umano sa pagbabakuna, mas mababa pa rin po ang tsansang mangyari ito kumpara sa ibang mga sitwasyon. Ayon po sa naging pag-aaral ng British Medical Journal 1,763 sa bawat isang milyong naninigarilyo ang maaaring makaranas ng blood clotting. Sa mga madalas naman pong bumiyahe sa eroplano, isanlibo sa bawat isang milyon ang nagkakaroon din nito. Pero ang blood clotting matapos bakunahan partikular ng AstraZeneca vaccine ay naitala lamang sa apat sa bawat isang milyong binakunahan nito. Kaya naman po huwag po tayong matakot dahil mas maagang makumpleto ang pagbabakuna at masigurado ring ligtas tayo sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Maging ang pribadong sektor po ay tumutulong na rin sa pag-promote ng COVID-19 vaccination sa mga manggagawang Pilipino lalo pa’t susi ito sa mabilis na pagkamit ng herd immunity sa bansa para po mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiya.

Kaugnay po niyan ay makakausap po natin via phone patch si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Good morning po, Secretary.

SEC. CONCEPCION: Good morning, Rocky

USEC. IGNACIO: Secretary, kumusta na po iyong naging paglulunsad nitong “Let’s go Bakuna” noong Labor Day bilang kampanya po na i-promote ang pagbabakuna at anu-anong activities po ang balak ninyong gawin para ihanda ang ating workforce na magpabakuna kapag nandito na po ang mga doses?

SEC. CONCEPCION: Well, isa, nag-usap kami ni Sec. Bello na dapat mag-issue iyong DOLE ng isang memorandum para i-encourage lahat ng mga empleyado ‘no na magpabakuna kasi kung 70% lang sa mga empleyado ang kukuha ng bakuna, hindi natin maa-achieve iyong herd immunity sa bansa natin at iyong mga factory safety namin kapag 70%, paano ang mangyayari sa mga 30% ‘no? Iyong 30% ay puwede pa ring ma-infect iyong mga 70% kasi iyong efficacy ng mga bakuna hindi naman 100%, it ranges between 50% to as high as 90% depending iyong vaccine brand.

So, nag-issue na rin ng memorandum si Sec. Bello, sinend sa akin at nagpasalamat rin ako sa kaniya sa tulong ‘no. So, kailangan talaga iyong focus natin pagdating ng AstraZeneca vaccine dito sa June. Marami iyan, 17 million magsisimula iyan sa 1.3 million doses ang unang darating dito sa buwan ng Hunyo. So, that is going to help about close to 100 companies. Itong mga pinakamalaking kumpanya na una ditong bumili ng AstraZeneca, mga conglomerates natin katulad ng ICTSI, Ayala, SM, Lucio Tan, Mega World, lahat iyan, kasama rin ang Philippine Franchising Association, Philippine Retailers Association. Iyon ang unang batch ‘no, dalawang batch iyan eh. Iyong kasunod na batch darating ng mga July onward.

So, kinuha ng private sector na mag-logistic provider dito ang Zuellig, kami rin ang magbabayad noon ‘no. So, pagdating ng eroplano, kukunin ng Zuellig iyong mga bakuna sa eroplano, ilalagay nila sa mga warehouse nila, sa mga chiller kasi dito sa AstraZeneca 2 – 8 degrees ‘no. Pagkatapos, nakaplano rin ang lahat ng mga korporasyon, sila na ang bahalang pumili sinong private sector implementer sa pagbabakuna sa mga empleyado nila. Nandiyan ang Unilab, Makati Medical, at marami pa ‘no, Ayala, lahat iyan.

So, I think we have about over 200 private sector companies that will do the vaccine implementation. So, lahat iyan nakahanda na at iyon ang ilulunsad namin dito sa “Let’s Go Bakuna” kasi once complete na tayo at may mga dumating pa na mga vaccines, darating pa—mas maraming darating na vaccines pero vaccine confidence at vaccine implementation iyon ang kailangan nating gawin. Vaccine confidence – kailangan at least 80% and then vaccine implementation kailangan pabilisan natin ang pagpapabakuna sa mga empleyado kasi dapat mauna tayo sa mga variants kasi nagmu-mutate iyan ‘no. So, the faster we implement then we can stop this infection from going all over ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, once na nakarating o tumuntong na po sa A4 priority sector ang vaccination program ng pamahalaan, nakalatag na ba ang mga plano kung paano ito isasagawa ng pribadong sector? Through LGUs pa rin po ba ang pagbabakuna o puwede na rin pong magkaniya-kaniya ang ating mga kumpanya?

SEC. CONCEPCION: So, iyong logistics provider magdi-deliver diyan sa mga vaccination center na pinili ng private sector. May mga center, katulad ng Ayala nagtayo sila ng mga 20 mega sites; iyong SM nagtatayo rin; iyong San Miguel; iyong kay Mr. Razon, nagtatayo dito sa Nayong Pilipino; at may mga iba pa at pati iyong Zuellig nagpu-provide ng service. So, over 200 companies have these facilities with DOH approval ‘no. So, each one, each company, bahala na sila.

So, pagdating ng bakuna, iisang central warehouse lang ang mga bakuna na ito, isang storage and then dito idi-direct ng mga company kung anong araw, ilang quantity, kasi iyong ibang kumpanya diyan maraming branches all over the Philippines, so kaya ng Zuellig iyan, sila ang bahalang mag-implement sa pagdi-deliver. Pagdating diyan sa vaccine center, siyempre kailangan may storage din diyan ang mga bakuna na iyan kasi baka masira kasi 2 – 8 degrees rin iyan.

So, iyan nakalatag na lahat iyan ‘no.

USEC. IGNACIO: Secretary, paano po naman makakatulong itong maagang pagsisimula ng pagbabakuna sa ating mga economic frontliners sa kanilang kabuhayan at sa job generation na rin lalo na ngayon na mataas po, nakakaalarma daw po ang ating unemployment rate sa bansa?

SEC. CONCEPCION: Matagal ko ng sinasabi iyong pagbabalanse ng saving lives and livelihood talagang mahirap iyan ‘no. Dito sa social distancing, wearing face mask and shield that allows us only go exist with the virus ‘no pero nakikita rin natin na kung walang lockdown tumataas kasi nagbubukas tayo ng economy, we’re allowing more traffic, we’re allowing more people to go out, siyempre the level of infection will go up. Now, when you lockdown, the level of infection will go down, nakikita natin iyan.

So, ang hirap talagang i-balanse iyan. Hirap ang mga economic managers. So, talagang the only solution to our pandemic problem and our economic problem is the vaccine. May mga tao rin diyan ayaw magpabakuna pero we are at war with COVID-19, giyera ito eh, giyera. Wala ng ibang solusyon kung hindi ang bakuna. Kung hindi natin kukunin ang bakuna, matatalo tayo sa giyera, mas malala ang mangyayari dito sa ekonomiya natin. Hindi kaya ng government mag-continue magbigay ng ayuda, mauubos. Iyong pag-uutang natin, uutang tayo ulit pambili ng mga vaccine, pagbigay ng mga ayuda. Talagang mauubos ang pera natin.

Kaya iyong pinaka-importante dito, every citizen has to do their civic duty to take the vaccine. That is the only way, there is no other solution. Iyong social distancing, wearing face mask will not kill the virus, it will just slow it down and maybe bring it down but never eradicate it. The only way to eradicate this COVID-19 is every citizen must take and that’s why “Let’s Go Bakuna” is the campaign of the private sector.

Marami kaming pera na ginastos dito, sa ibang bansa iyong private sector hindi bumibili ng bakuna, iyong government lang. Pero dito tumulong kami sa government kasi kailangan nating buksan iyong economy kasi marami diyan na negosyante na talagang nagsasarado na, nagsarado na at habang tumatagal talagang mauubos tayo, unemployment tataas iyan ‘no, so iyong mga jobs ng mga tao mawawala rin iyan.

USEC. IGNACIO: Secretary, pasensya na may tanong po si Celerina Monte ng Manila Shimbun para sa inyo: Are there more orders from AstraZeneca vaccines from private sector? If so, how many doses? Do they need to continue donating half of their order to the government? Why and why not?

SEC. CONCEPCION: No, iyong una lang na binili ng private sector dinonate namin kasi kung hindi—itong programa ng AstraZeneca talagang para sa government pero hindi puwedeng bumili ang government ng vaccine ng wala FDA approval. So, sinugal ng private sector we bought in advance the vaccine that’s why we felt that, okay, maganda, mura lang vaccine five dollars, so tumulong kami sa government. Nag-donate kami ng kalahati ng binili namin pero iyong ibang vaccine ng Moderna, Novavax, Covaxin, wala ng donation. Iyong kasunod ng AstraZeneca wala ng donation kasi iyong zero profit sila this year lang.

So, are there more vaccines? 17 million doses ang darating excluded pa diyan iyong COVAX na medyo marami ang dinonate ng WHO na AstraZeneca sa COVAX Facility. Iyan mga five to seven million din iyan sabi ni Sec. Galvez. So, maraming AstraZeneca ang darating pero may mga ibang brand na pinasok rin ng private sector. Iyong Moderna, darating din iyan; iyong Novavax tumulong rin kami, ang Go Negosyo tumulong din diyan sa Novavax at Covaxin, darating iyan third and fourth quarter.

So, lahat ng mga bakuna magsisimula na ang pagdating. Dito nakikita natin iyong Sputnik V darating na, iyong COVAX dadating na at itong June mas malaki iyong AstraZeneca, iyong 17 million doses, kasali rin diyan ang LGU, nag-order rin sila ng 11 million ‘no. So, marami ang darating na bakuna simula ngayon ‘no.

USEC. IGNACIO: Secretary, ito po iyong ikalawa niyang tanong: Do you support move in Congress for mandatory vaccination? Will you urge the President to certify as urgent the passage of a Bill for mandatory vaccination?

SEC. CONCEPCION: If we fail really in this campaign to convince mga empleyado natin na kunin ang bakuna, if we see, pati, palagay ko makikita rin ng national government, kung talagang mababa, 60% lang ang na-attain natin, we will support it. Kasi if we don’t reach herd immunity, masisira iyong bansa natin. Hindi lang tataas iyong infection, ang mangyayari dito mawala at maraming negosyo ay magsasarado. Tingnan mo ang Tourism halos talagang palubog na iyan, iyong mga retail stores, mga restaurants, nahihirapan na sila. So kung mangyayari iyan, lahat ng mga empleyado namin, baka mawalan ng trabaho. Kung mangyari iyan babagsak iyong economy, so dalawa ang problema, isang health problem at isang economic problem.

So, I think we would take drastic steps. I’m sure the government sees talagang very low turn-out, they will really find a way how to encourage. Pero habang ngayon, we are pushing really hard to encourage every employee. It’s your civic duty, maawa ka naman, marami diyan nagsa-suffer na dito – namamatay, nai-infect, nawawalan ng trabaho, nasisira ang negosyo nila, so ito lang ang solution natin, wala ng ibang solution.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong po ni Naomi Tiburcio ng PTV: Ano po ang pahayag ninyo sa paggagawad ng financial assistance sa mga empleyado na magkakaroon ng COVID-19? Napapanahon po bang gawin ito ng pamahalaan?

SEC. CONCEPCION: Well, may batas na tayo dito sa indemnification. So if they have the side effect or whatever, they can approach and I‘m sure they will be covered under this indemnification law. So, they are well-covered, kasi iyon ang hiningi ng pharmaceutical companies na kung may magkaroon ng side effect dito sa mga vaccines na ito, the national government will protect that. And I’m sure the national government will do it. So the point of view of the company, we will give them the necessary leads to be able to recover and we don’t think that the side effect will be very major. We’ve seen from iyong ibang empleyado namin nagpabakuna na, hindi nakahintay dito sa arrival ng private sector, so halos lahat sila okay naman eh, walang problema.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Secretary Joey Concepcion. Mabuhay po kayo and more power sa inyong ‘Let’s go Bakuna’ campaign.

SEC. CONCEPCION: Salamat din, Rocky, thank you.

USEC. IGNACIO: Kaugnay naman po ng ating talakayan kay Secretary Joey Concepcion, kamakailan ay nagkaroon din po ng isang vaccination summit ang ilang negosyante sa bansa para pag-usapan nag supply ng bakuna at maging ang vaccination plan ng private sector. Makikibalita tayo sa kinalabasan po ng summit na iyan kasama po ang presidente ng Employer’s Confederation of the Philippines, Mr. Sergio Ortiz-Luis Jr. Magandang umaga po, Sir.

ECOP PRES. LUIS: Magandang umaga rin sa inyo, Usec.

USEC. IGNACIO: Sir, kumustahin na muna natin iyong naging resulta nitong vaccine summit ng business sector nitong nakaraan. Ano po inyong mga napag-usapan dito at paano po ang magiging planong pagbabakuna ng bawat kumpanya sa mga empleyado?

ECOP PRES. LUIS: Well, we were happy doon sa vaccine summit, because maganda iyong pagkaka-present ni Secretary Galvez, medyo na-assuage iyong fear na we are not within the programs of vaccination. Mukhang iyong schedule ng pagdating eh mukhang okay naman. So, I think, that was a big relief dahil before the vaccine summit, lalo na noong nagsalita iyong ambassador ng Russia, ambassador ng China saka iyong taga-WHO at saka iyong mga ano natin sa ospital, medyo nawala, mabawasan iyong takot ng mga tao na baka tayo mahuhuli.

USEC. IGNACIO: Sir, sa ngayon po ba ay marami ng mga kumpanya iyong mga nagpapa-pre-registration sa mga empleyado para po mabakunahan na?

ECOP PRES. LUIS: Ang ano naman namin talaga ay umaasa sa gobyerno, iyong grupo ni PA Joey Concepcion, sila iyong maraming na-order. May mga miyembro kaming kasama noon doon sa AstraZeneca, iyon eh tuluy-tuloy ang paggamit noon. Tapos iyong susunod na grupo ng private sector nandoon sa Moderna, kasabay noong kina Enrique Razon, sa ICTSI. Iyong marami sa aming grupo sa PCCI, ECOP, PhilExport umu-order kami noong Novavax na American Company but they are outsourcing in China. So medyo worried kami, dahil sa nangyayari sa China baka ma-delay iyon.

So, okay naman. Noong una, madami sa mga empleyado namin ang ayaw magpabakuna, pero ngayon nakikita namin, umpisa nang mabakunahan na iyong mga health officials, tapos iyong mga tao, pati si Presidente, nakita nila, I’m sure marami na sa mga nagdududa ngayon eh magpapabakuna.

USEC. IGNACIO: Sir, may guidelines na po ba na napag-uusapan kung sakali pong gustuhin ng isang empleyado na isama ang kanilang miyembro ng pamilya na hindi pa po nababakunahan? May ganiyan po ba para po sa inyong sektor?

ECOP PRES. LUIS: Ganiyan sana iyong balak ng iba noong nagtatanong kami kung puwedeng iyong mga hindi kasama roon sa una ay kung puwedeng makabili rin ng diretso. Pero mukhang kailangang pumasok pa rin doon sa tripartite agreement. Eh iyong mga kumpanyang gustong isama iyong mga pamilya, gusto kasi nila they have a control on when the vaccine will be given plus iyong choice of vaccine, alam naman ninyo.

Ang problema, kapag medyo hindi sila kumbinsido na maku-control iyon kapag pumasok sa tripartite. Anyway, kung gusto naman ay iyong programa na, total naman sagot ng kumpanya lahat iyan, nandoon pa rin ang gobyerno eh, di titingnan na lang natin ang schedule ng gobyerno. Dahil eventually, mahahagip din iyong pamilya ng mga workers namin.

USEC. IGNACIO: Sir, itatanong ko na rin sa inyo iyong naitanong ko kanina kay Secretary Joey Concepcion. Kung sakali po ba na mababa ang bilang ng mga empleyadong nagpabakuna, sa palagay po ba ninyo ay dapat itong gawing mandatory para makabalik sa kani-kanilang mga trabaho?

ECOP PRES. LUIS: Eh, alam mo I don’t think that is feasible na gawing mandatory. Unang-una, there will be a legal question dahil mayroon talaga noong ayaw, kung ayaw paano mo pipilitin? I think even our Constitution might be invoked on that ‘no. Besides palagay ko naman ay hindi na tayo aabot sa ganoon. Ang importante mayroon silang kumpiyansa roon sa brand ng vaccine at saka doon sa scheduling.

Kapag ginawa nating compulsory iyan, mayroon talagang, alam mo naman, nagsisiraan iyong mga iba’t ibang pharmaceutical company, may mga problemang lumalabas, naririnig sila. So marami diyan, eh hindi nila kontrolado kung anong brand, natatakot sila roon, hindi mo pupuwedeng pilitin iyon. ‘Ika nga, pipilitin mo iyong isang tao na talaga, really natatakot na may mangyari sa kaniya? So, I think that’s his constitutional right to choose.

At we will do all we can in terms of really trying to convince them and I think that will not be too difficult considering na sa nangyayari naman ngayon, wala namang mga adverse reaction masyado sa pagbabakuna natin. Noong una mababa talaga, pero ngayon pataas ng pataas eh. Ang mga question nga sa amin ngayon sa mga kumpanya eh, ‘Sir, bakit po kami hindi kasali sa priority, iyong prioritization ang pinag-uusapan ngayon eh. Kaya palagay ko hindi tayo aabot doon na gagawin nating compulsory. Unang-una, at this point of time, bakit kailangan mong gawing compulsory eh ni wala ka ngang bakuna?

USEC. IGNACIO: Sir, napag-usapan din po ba sa summit ang Ivermectin? Kasi base po sa naging discussion ninyo doon ay masasabi po ba natin na generally ay pabor ang private sector sa paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19?

ECOP PRES. LUIS: Alam mo ang pinag-uusapan nga namin ngayon eh, alam mo kapag nag-uusap kami sa business sector eh, if it’s not tragic, it is comic iyong nangyayari sa Ivermectin. Parang tingin nila ngayon, eh bakit ba ang DOH delegated na lahat ang mga announcement, mga research doon sa mga private companies, samantalang sila they are devoting too much effort in trying to stop Ivermectin. Considering the fact na ang objection na na-validate dalawang bagay lang. Number one, hindi na raw COVID o hindi nila nababasa iyong mga nababasa namin, hindi nila naririnig, FDA abroad ang gumagamit niyan and its the safest medicine.

Three billion seven hundred million na ang nagamit ng tao diyan ha, hindi animal ha, hanggang ngayon sinasabi pa kasi nila iyong animal eh walang adverse reaction. Iyong adverse reaction na sinasabi nila ang possibilities na puwedeng mangyari sa Aspirin. Kapagka—

USEC. IGNACIO: Opo sir. Sir Sergio, mukhang nawala sa linya ng ating komunikasyon si sir. Titingnan po natin kung mababalik pa. Sir naririnig ninyo po ba kami ulit? Samantala, puntahan na lang natin ang mga balitang ating nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang lalawigan, ihahatid po iyan ni Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas. Nais po natin magpasalamat kay Mr. Sergio Ortiz-Luis, Jr. ang Pangulo ng ECOP na kanina po ay nakausap natin.

Samantala, sa patuloy na pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad at krisis, libu-libong residente sa limang lugar sa Surigao Del Sur ang tumanggap ng tulong. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Alamin naman natin ang pinakahuling balita mula sa Cordillera Region, may ulat si Florence Paytocan live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Florence Paytocan. Dumako naman tayo sa Kabisayaan, may report ang aming kasamang si John Aroa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Aroa ng PTV-Cebu. Mula sa Visayas dumako naman tayo sa Rehiyon onse mula sa PTV-Davao, makibalita tayo kay Jay Lagang live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Jay Lagang, maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center