Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Iba’t ibang usapin ang muli nating tatalakayin ngayong May 5, 2021, araw ng Miyerkules. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Bilang chief foreign architect ng ating foreign policy, nananatiling prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang interes ng Pilipinas at kapakanan ng bawat Pilipino sa nagpapatuloy na isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, out of passion ang naging pahayag noon ni Pangulong Duterte na sasakay ito sa jet ski at itatanim ang watawat ng Pilipinas doon. Matagal na umano niyang kilala ang Pangulo kaya’t sigurado siyang hindi nagbago ang paninindigan ng Presidente ukol sa isyung ito. Hindi lamang umano makakabuti na sumabak ang bansa sa giyera lalo na’t may kinakaharap pa tayong pandemya. Sa katunayan, inutusan ni Pangulong Duterte ang ating mga barko na huwag umalis sa West Philippine Sea lalo na sa mga bahagi na sakop ng ating exclusive economic zone.

Dagdag pa ni Senator Go, walang ibibigay, walang bibitawan at patuloy na ipaglalaban ng Pangulo ang anumang nararapat na pag-aari ng Pilipinas.

Samantala, noong nakaraang linggo po ay tatlong Malasakit Center ang nabuksan na, isa sa Carcar City at dalawa naman sa magkaibang ospital sa Leyte Province, kaya naman po aabot na ngayon sa kabuuang 106 ang mga Malasakit Center sa buong bansa kasunod ito ng pagbubukas kahapon sa Barotac Nuevo, Iloilo. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman po tayo sa pinakahuling update tungkol sa vaccination program ng pamahalaan, makakausap po natin ang Chairperson ng National Vaccination Operation Center, Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Good morning po, Usec.

USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa ating programang Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., makikibalita muna kami ano po sa pinakahuling bilang ng mga nabakunahan na sa bansa. Ilang porsiyento na raw po ito sa target natin na number?

USEC. CABOTAJE: Oo, mayroon tayong slide na nagpapakita na nasa two million na iyong ating naabot na jabs kahapon; all doses iyan. Tapos mga 1.74 … one point seven million ang first dose, karamihan doon iyong ating mga frontline workers, iyong ating tinatawag na A1. Tapos mayroon tayong mga senior citizen, 329,000; and then mayroon tayong mga comorbidities, 293,000; tapos nagsimula na tayo ng A4 noong May 1st para sa ating mga labor force.

Next slide, please.  Tapos dito sa susunod na slide, makikita natin na kabuuan, simula noong February, noong unang dumating iyong ating donation ng Sinovac hanggang noong May 1 na dumating iyong ating Gamaleya Sputnik V vaccine, mayroon na tayong kabuuang 4,040,600 doses na na-receive. Lahat ito ay na-deploy na sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, karamihan dito ay tinatawag nating NCR Plus. Naiiwan na lang diyan ay iyong iniiwan nating buffer para sa ating National Vaccination Operation Center.

Tapos iyong last slide will tell us ano ang nangyari dito sa Sputnik V na dumating noong May 1 tapos nagsimula tayong magbakuna kahapon. May naitala po tayong 2,634 na nabakunahan ng Sputnik V, karamihan dito sa Parañaque, 2,000 tapos sa Manila at saka sa Makati.

Ngayong araw na ito uumpisahan iyong ating pagbabakuna ng Taguig at Muntinlupa. Sa 15,000 doses na ito, first dose po lahat iyan, iyong component one. So iyong second dose, after 21 days ay ibibigay natin at ibibigay din ng ating manufacturer iyong ating second dose. Tapos ang binigay po natin ay 3,000 per area para ma-practice.

Iyan lang po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong po si Red Mendoza ng Manila Times: Ano po iyong inyo raw pong assessment sa pagbabakuna ng Sputnik so far? Kumusta po iyong pagturok nito sa mga kababayan natin? Hindi naman po ba raw nahirapan ang ating vaccinators dahil daw po doon sa specific requirements na mayroon ang Sputnik V?

USEC. CABOTAJE: Maganda iyong response ‘no sa Parañaque ay dinumog ng tao. Tapos doon naman sa pagbabakuna, kaya ho tayo nagpapraktis kasi kakaiba ito sa AstraZeneca at saka sa Sinovac. Kasi kailangang nasa temperature na mataas, iyong -18 degrees o mas malamig pa sa -18, pero ilalabas mo at itu-thaw, ibig sabihin papainitin hanggang medyo matunaw iyan. Tapos it takes about 5 minutes for thawing bago mo i-inject. So iyon ang kailangang i-adjust natin para hindi matagalan iyong paghihintay ng [garbled] iyong bakuna para ready na kapag nasa vaccination sites.

Yes, tama kayo na kailangan mayroon tayong precaution kasi kapag nilabas mo na iyong bakuna hanggang two hours puwede pa siyang iturok. Pagkatapos kapag nilabas mo na siya, hindi mo na siya puwedeng ibalik sa freezer o sa cold-chain, hindi mo na siya magagamit; itatapon na iyan. So importanteng calibrated tapos talagang eksakto iyong mga pupuntang mga babakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakahalaga pala noong ganoong sistema, ano po, Usec. Tanong naman po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN News: How many experienced side effects from Sputnik V so far and what kind, are there any different from the side effects daw po ng Sinovac and AstraZeneca?

USEC. CABOTAJE: As of kahapon, kasi kahapon natin inumpisahan, wala pa namang naitatalang mga side effects. Although ang ini-expect nating side effect, kagaya rin ng mga nararamdaman natin sa iba’t ibang bakuna, hindi lang ng COVID pati iyong ibang klase ng bakuna. Iyong konting pamamaga sa site, tapos may konting fever, tapos masakit iyong kasukasuan, pero we have not received the reports as yet.

Ang maganda diyan, wala kaming naitalang serious side effect; kasi kung may serious aide effect, nai-report kaagad iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up question po niya: When do we expect daw po to complete the vaccination for all 15,000 doses of Sputnik V; at dito ba po daw nakabase si Usec kung magpapadala pa ng mas maraming vaccine ang Gamaleya sa mga susunod na buwan?

USEC. CABOTAJE:   Ang atin pong usapan, Usec. Rocky, sa ating mga local government units, na tapusin ang five days iyong ating pagbabakuna ng five thousand, pagkatapos noon before the 21 days expires ibibigay na iyong ating susunod na dose. Tapos mayroon pa tayong 485,000 kasama na iyong second dose ng 15,000 tapos iyong second dose ng ibang vaccine diyan kasi two doses iyan, ini-expect natin by third week and fourth week of May.

USEC. IGNACIO:   Sunod pa ring tanong ni Red Mendoza: Confident po ba tayo na talagang makakabakuna na po tayo sa susunod na batch ng pagbabakuna? Lalo kasi ngayon, Usec., nakita namin sa newsfeed, sabi po ng FDA ay naaprubahan na rin po ang EUA ng Moderna, so malaking tulong po ito, ano po?

USEC. CABOTAJE:   Yes! May initial na 194,000 yata kung hindi ako nagkakamali na procured ng private sector iyong Moderna, tapos mayroon ding bibilhin ang national government. So mabuting balita iyan na mayroon ng EUA.

USEC. IGNACIO:   Opo. Last question pa rin po ni Red Mendoza: Advisable po ba ang pagkuha ng influenza or pneumonia vaccine ilang linggo daw po pagkatapos kumuha ng bakuna ng COVID at ano po daw ang abiso ninyo dito?

USEC. CABOTAJE:   Oo, kailangang magpabakuna din sa influenza vaccine pero kailangan dalawang linggo ang pagitan. Kung isang dose ng flu vaccine, maghintay na lang ng 14 days before ibigay iyong first dose and then afterwards iyong second dose ng COVID. Huwag ho sa in between at tapusin muna iyong pagbabakuna ng either COVID ng dalawang shots bago magpabakuna ng flu o kaya magpabakuna ng flu bago kumuha ng first and second dose ng COVID – 14 days ang pagitan.

USEC. IGNACIO:   Opo. Dahil naman po sa sitwasyon ngayon sa India, sinabi rin po mismo ni Secretary Galvez na maaapektuhan din daw po iyong supply ng bakuna natin dahil karamihan dito daw ay manggagaling mismo sa India. So, ano po iyong magiging epekto nito sa target number natin to inoculate by yearend?

USEC. CABOTAJE:   Siyempre, mababawasan iyan pero may dalawang strategies naman tayo sa prioritization.

Unang-una, iyong sectoral. Ibig sabihin natin, iyong mga priority, iyong most at risk at most vulnerable ang uunahin natin. Tapos iyong pangalawang target natin iyong tinatawag nating geographic. Kung saan maraming kaso doon tayo magko-concentrate muna ng pagbibigay ng bakuna.

So, hindi man natin maitala, hindi natin maabot iyong ating minimithi na at least 70% by the end of the year, may specific areas naman na mas bubuhusan natin ng vaccine para mas marami silang maproteksyunan especially in our geographic areas kung saan may mga kaso.

USEC. IGNACIO:   Magkakaroon na rin po ba daw ng adjustment, Usec., sa vaccination plan sa Pilipinas kagaya po rin ng sinabi ni Secretary Galvez na baka unahin nga muna iyong sinasabi ninyo nga po, itong NCR Plus para ma-achieve itong herd immunity bago matapos iyong taon? So, ano po iyong mga lugar na sa tingin ninyo na talagang magiging prayoridad dito sa ating vaccination program?

USEC. CABOTAJE:   Noong nag-surge noong about a month ago sa NCR Plus, inumpisahan na ho natin ang simultaneous A1, A2, A3 dito sa NCR at saka dito na tayo nagbuhos ng 60-70% ng ating mga bakuna. Tuluy-tuloy pa rin iyan hanggang sa mga susunod na pagdating ng iba’t-ibang bakuna.

Tapos huwag nating kalilimutan may mga areas din na may mga surges, tapos mayroong mga economic hubs kagaya ng Cebu, Davao, Baguio City, tapos iyong mga ini-identify ni Sec. Charlie kung saan mayroong mga cases ng new variants na pumasok.

USEC. IGNACIO:   Usec., ayon sa pahayag ni Secretary Joey Concepcion kahapon dito sa Laging Handa, sakaling dumating na iyong vaccine na in-order ng private sector ngayong June, sila na daw po ang bahala sa rollout nito sa kanilang mga kumpanya. So, ano pong coordination ang ginagawa nila sa inyong opisina para po matiyak na magiging sistematiko at episyente ang gagawing pagbabakuna sa mga nasa A4 list?

USEC. CABOTAJE:   Doon sa A4 list, hinihintay natin iyong final definition at saka iyong final guidelines from the NEDA kung sino talaga ang kasama. May mga listahan iyan, kaya lang may mga nag-a-appeal pa na isama sila sa listahan.

Simula’t-sapul nakikipag-coordinate na po ang ating private sector sa pangunguna ng ating Presidential Adviser Joey Concepcion. So, ang magiging involvement lang natin, titingnan natin pagdating na naayon sa EUA tapos maganda iyong dumating na produkto, and then we will monitor paano sila mag-distribute tapos kukuhanin sa kanila iyong report. Kasi importanteng isa lang ang report natin kung sino ang mga nabakunahan para pag-tag natin, iyong tinatawag nating pag-monitor natin ng kanilang adverse event para isang registry lang.

Pero puwede silang magbakuna ng sarili nila basta iyong mga areas, iyong tinatawag nating vaccination sites o vaccination implementing unit ay conforms with the physical plan, iyong mga personnel, iyong mga equipment na kailangan na nandoon. Iinspekin ng DOH sa pamamagitan ng ating regional offices or even our local government units iyong mga pagdarausan ng mga vaccination sites.

Iyong tinatawag nating vaccination sites – iyong mga implementing units, iyong mga nasa ospital, mga private clinics, iyong tinatawag din nating off-site, iyong sa malalaking area na connected sa mga hospital, private clinics or mga RHUs.

USEC. IGNACIO:   Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa ating update DOH Undersecretary Myrna Cabotaje. Mabuhay po kayo, Usec.!

USEC. CABOTAJE:   Thank you! Maraming salamat!

USEC. IGNACIO:   Samantala, silipin naman po natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa.

As of 4 P.M. kahapon, muling nakapagtala ng mataas na kaso ng recoveries ang Pilipinas – 9,028 po ang mga dagdag na gumaling o katumbas ng 984,210 total recoveries. Mas mababa naman po kumpara noong Lunes ang mga bagong kaso kahapon, 5,683 po ang mga bagong nahawaan kaya 1,067,892 ang lahat ng mga nagka-COVID sa bansa.

Samantala, 97 po ang nadagdag sa mga nasawi kaya umabot na sa 17,622 deaths na ang kabuuang naitala ng Department of Health. Bumaba naman pong muli ang active cases sa 66,060.

Kaya po ang aming paalala bukod po sa pagsunod sa minimum health standards, magparehistro na po sa inyong mga LGU kung kayo po ay pinapayagan ng bakunahan. At mahalaga rin po na hintayin ang authorization ng ating mga eksperto bago uminom ng mga gamot na hindi pa po napapatunayang nakapagpapagaling ng COVID-19.

Sa loob naman po ng tatlong araw ay apat na bayan sa lalawigan ng Samar ang binisita ng outreach team ni Senator Bong Go kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan para mamahagi ng tulong sa libu-libong benepisyaryo sa probinsiya.

Narito po ang report.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Bilang pakikiisa po sa diwa ng bayanihan na namamayani ngayon sa ating bansa namahagi rin ang mga empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ng mga masusustansiya na pagkain para po sa masa. Nanggaling mismo sa personal na pera ng PAGCOR Management at mga empleyado nito ang ginamit na pondo para makabili ng mga gulay at iba pang pagkain na ipamimigay. Sa tulong naman po ng Department Agriculture ay direkta silang nakabili ng gulay mula mismo sa mga magsasaka na naapektuhan din po ng pandemya. Para naman mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa ay diretsong ibibigay ang mga pagkain sa mga itinakdang benepisyaryo nito.

Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Sa gitna po ng nagpapatuloy na debate tungkol sa paggamit ng Ivermectin bilang medisina para po sa COVID-19, paninindigan po ng Philippine Medical Association ang nauna nilang pahayag laban sa paggamit ng hindi rehistrado at wala pang patunay kung epektibo ang gamot. Makakausap po natin si PMA President Dr. Benito Atienza para sa detalye. Magandang umaga po, Doc?

DR. ATIENZA:  Magandang umaga sa inyo, sa LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  Opo. Welcome back, Doc. Doc, puwede po bang paki-reiterate lang po iyong stand ng Philippine Medical Association tungkol po dito sa unauthorized po na pag-inum at pag-prescribe na rin ng Ivermectin sa mga tao?

DR. ATIENZA:  Babasahin ko at isasalin ko sa Tagalog iyong aming ginawang statement, the PMA statement on the use of Ivermectin for COVID-19: The Philippine Medical Association stands by the policy statement of the Food and Drug Administration, the Department of Health and World Health Organization that current evidence of the use of Ivermectin, the treatment of COVID-19 patients is inconclusive. Infectious disease, medicine specialists of the Philippine Medical Association specialty society also reviewed several case studies supporting Ivermectin as potential treatment for COVID-19 and determine that the studies presented had low confidence certainly due to high risk of bias and the low overall quality of evidence, so they did not recommend the use of Ivermectin for prophylaxis nor treatment of COVID-19.

Sa madali pong salita inaayunan po namin ang Philippine Medical Association batay sa  statement na sinabi na previous ng Food and Drug Administration at saka po  ng DOH at ang World Health Organization tungkol po doon sa pag-aaral na nakita na hindi po epektibo siya as prophylactic o gamot sa COVID-19. At sa ngayon po, nag-ano na rin po iyong DOST at PHRD na magsasagawa po sila ng trial, control trial tungkol po sa paggamit ng Ivermectin.

At sinasabi rin po natin na sinusuportahan din natin, ang sinabi lang po ng FDA ay ang paggamit ng Ivermectin ay para lang doon po sa limang ospital na mayroong compassionate use, pati po iyong mga doktor na kasama doon sa ospital ay dapat humingi po ng permiso sa  ating FDA para gumamit.

Ibig sabihin po wala pong ibang dapat gumamit noong gamot o magreseta, labas po doon patakaran na ine-release ng FDA. Iyon lang pong limang ospital na may compassionate use at kung sila ay gagamit, magrereseta po nito, dapat authenticated po iyong reseta at dapat po ay may pirma ng—kumpleto iyong ano po ng doktor, reseta, may pangalan ng pasyente, mayroon pong date, mayroon pong indikasyon paano po gagamitin iyon at iyon pong gamot na kailangang nilang ilagay doon sa reseta, may pirma ng doktor at tamang lisensiya ng doktor. At iyon po ay dapat ay explain po sa pasyente po kung ano iyong mga side effect na puwedeng mangyari o ano ang kahinatnan ng paggamot at saka indikasyon po ng paggagamot, iyon po ang sinasabi ng FDA.

Dapat po ang gagamit lang ay iyon pong nakarehistro sa FDA na for compassionate use. At inano po namin doon na Philippine Medical Association reiterates its warning that FDA  already cautioned the manufacture, pati po iyong pagdi-dispense of unregistered drugs would be prosecuted as a violation of the FDA Act of 2009. The unlawful sale of the drug product both abroad but not register with FDA is illegal, PMA hereby cautions all physicians to prescribe or compound medicine Ivermectin outside the approved compassionate use of hospitals.

Iyan po, kaya po binibigyan namin ng babala lahat ng mga doktor na dapat po ay gagamitin lang ito ng may approval po ng FDA. At sana po hintayin po natin iyong mga pag-a-analyze na isinasagawa ngayon para sa mga Pilipino.

USEC. IGNACIO:  Doc, ang mga nakuhanan po bang nagrereseta ng Ivermectin sa isang barangay sa Quezon City ay—may miyembro po ba ng Philippine Medical Association at kung mayroon po, ano po iyong hakbang ng inyong samahan o organisasyon sa kanila? Kasi ang balita po ay patuloy pa rin silang nagrereseta ng Ivermectin online, mayroon po bang ganitong report na nakakarating sa inyo?

DR. ATIENZA: Wala naman po kaming ano, ang ano po namin kung mayroon po silang reklamo sa miyembro po ng Philippine Medical Association, bukas po ang aming tanggapan na kumuha po ng reklamo nila at iyon po naman ay ibinigay na namin doon sa, mayroon po kaming commission on ethics po kami at ibinigay na po namin iyong mga pangalan. Bahala na po mag-imbestiga ang commission on ethics po ng Philippine Medical Association.

Doon po sa regulatory side naman po, ang may saklaw na po niyan ay ang Philippine Regulation Commission, Board of Medicine, at saka po ang FDA.  Ang sa Philippine Medical Association po ay more on ethics

USEC. IGNACIO:   Doc, basahin ko lang po itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ang anti-lockdown daw po at pro-Ivermectin na grupo ng mga doktor na CDCph ay inaakusahan ang medical organization—[technical glitch]

[AD]

USEC. IGNACIO:   Doc Atienza, paumanhin po. Nagbabalik po ang ating Public Briefing. Doc, pasensiya na po kanina, Doc. Basahin ko lang po itong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Iyon daw pong anti-lockdown na pro-Ivermectin na grupo ng mga doktor na CDCph ay inaakusahan daw po ang medical organization tulad daw po ng PMA na diumano ay may vested interest at umano’y pinoprotektahan ang mga malalaking pharma company. So, ano daw po ang masasabi ninyo tungko dito, doc?

DR. ATIENZA: Wala po kaming ano diyan, kasi iyon pong desisyon ng Philippine Medical Association ay galing po sa mga special society. Kami po ay nagpupulong, bago po maglabas ng isang statement ang Philippine Medical Association ngayon ay pinupulong namin po iyong mga past presidents, ito pong mga sangay po ng gobyerno at saka iyong mga eksperto po natin, mga specialists po natin lalo na iyong infectious disease specialist po, pinupulong natin.

At wala po kaming kaugnayan sa mga ahente ng gamot kasi nasa ethics po naman na iyan na nakalagay po doon, nakasaad na bawal pong mag-endorse ang isang doktor ng gamot sa publiko. Iyon po, nakasaad po sa ating ethics. May batayan po tayo ng ating ano, mayroon po tayong Ethics of Medical Profession, ang Philippine Medical Association at iyon po ay ginawa ng ano po, ni-revise po noong 2019 at iyon po ay nakasaad din po doon na kasama namin ang Philippine Regulation Commission. Iyon po ang sinusunod ng Philippine Regulation Commission para doon sa ethical side po.

USEC. IGNACIO: Ang next question po niya: Marami rin pong mga doktor na nagsasabi na parang medyo iwas daw po ang PMA sa isyu ng Ivermectin, hindi daw po tulad ng ibang organization like PCP. Ano daw po ang masasabi ninyo dito?

DR. ATIENZA: Kayo nga po ay na ano—ano pong ibig sabihin nila? Eh, sila po nga ang—ang iba po nga doon sa kanilang na nag ano po ay nasa gobyerno. Iyong ibang doktor po doon na nakasaad po, eh, bakit naman po kami iiwas, sila po ang umiiwas kasi sila po ang nasa gobyerno, iba po nilang kasama doon. Sila po ay kasama sa gobyerno. Eh, ‘di ang dapat pong umano sa kanila ang ano, ang ating Regulation Commission at saka ito pong FDA.

Ang sa amin po eh ethical side na para po sa nakakaraming mga Pilipino, sa kagalingan po ng mga Pilipino ay kailangan po natin, iyon po ang sinasabi namin na dapat ay dumaan sa tamang proseso ang paggamit at saka dapat may ano po ng mga specialists on infectious diseases at saka sila po ang nag-aaral noon.

Hindi ba gagawa po ang DOST at saka itong PCHRD ng pag-aaral at hihintayin po natin iyon kung talagang epektibo ang Ivermectin. Iyon po rin ang sinabi ng Philippine College of Physicians sa kanilang endorsement. Ang sa Philippine College of Physicians nga ayaw nilang gumamit muna ang mga doktor, dapat hindi daw po muna gumamit. Sa amin naman, puwedeng gumamit pero susundin po ang isinaad ng FDA doon sa limang ospital na compassionate use.

USEC. IGNACIO:   Opo. Doc, mapunta naman tayo sa medical workforce natin ano po specifically dito sa National Capital Region. Ngayon pong bumababa na iyong daily cases natin at maging iyong infection rate, masasasbi po ba na kahit paano eh nakakaluwag-luwag na po iyong paghinga ng ating mga doktor?

DR. ATIENZA: Sa nakita po namin, nag-iba-iba na naman po kasi wala na masyadong nasasawing mga doktor hindi katulad nang nakaraang linggo na almost 1-2 doctors po ang namamatay sa pagitan ng mga doktor at ngayon po ay medyo naka-recover na rin po ang mga nag-isolate at nag-quarantine na mga na-expose sa impeksiyon sa mga ospital.

Nakaka-recover na po at saka ngayon po, marami-rami na rin po ang nabigyan ng second dose ng ating bakuna lalo pa iyong binigyan ng Sinovac, iyon po ang naunang binigyan at ngayon po ay nakaka-isa o dalawang linggo na silang nabigyan ng second dose. Malaki pong tulong iyon. Pero huwag po nating anuhin na kahit po tayo ay may bakuna—

USEC. IGNACIO:   Opo. Pero Doc, kung ang PMA po ang tatanungin, kailangan pa ba nating i-sustain ang MECQ status po ng NCR Plus after May 14, katulad po ng nabanggit ninyo, na medyo mukhang ngayon pa lang nakakabangon or nakakahinga-hinga itong ating mga medical workforce?

DR. ATIENZA: Ang ano po natin kasi kapag ibinababa po natin iyong isinasaad ng IATF eh dumadami po kasi. Ang may problema po ay itong mga tao natin nagiging complacent minsan. Sana po hindi tayo maging complacent kahit nandiyan po iyong bakuna. Maigi pa ring sundin natin iyong mga patakaran natin na magsuot ng mask, maglagay ng face shield, dumistansiya ng lampas sa isang metro, huwag magkumpol-kumpol, huwag magsama-sama, doon sa area na close eh dapat ay hindi tayo tatagal ng 15-30 minutes, at saka po kapag kakain huwag tayong [choppy a/v] kapag kukuha ng pagkain huwag sa harap ng pagkain na kukuhanan ng iba at saka [choppy a/v] hiwa-hiwalay pa rin tayo sa pagkain at magsuot ng mask kapag po tayo ay—kasi ang iba pang mga seniors may bakuna na pero wala pang second dose. Pero kahit makumpleto po natin iyong ating bakuna ng dalawnag dose eh dapat pa rin po nating sundan kasi hindi tayo nakakasiguro kasi nakapasok na po sa ating bansa iyong apat na variants.

USEC. IGNACIO:   Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa inyong mga ibinigay na paliwanag. Dr. Benito Atienza mula po sa Philippine Medical Association. Mabuhay po kayo!

DR. ATIENZA: Maraming salamat din.

USEC. IGNACIO:   Samantala, higit isang taon matapos pong manalasa ang pandemya sa bansa, marami pa rin po ang hindi makaahon sa epektong idinulot nito sa kabuhayan at kalusugan nila kaya po ang tugon ng Kongreso, dagdag na ayuda para sa mga nangangailangan.

Pag-usapan po natin ang panukalang Bayanihan 3, kasama po ang isa sa co-author po nito at ang House Deputy Minority Leader, Representative Stella Luz Quimbo. Good morning po, ma’am!

REP. QUIMBO:  Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat po ng nakikinig. Good morning!

USEC. IGNACIO:   Ma’am, unahin ko na itong proposed “Sana all” ayuda na nasa ilalim ng Bayanihan 3 Bill. So, ano daw po ang ipinagkaiba nito sa unang dalawang SAP at itong ECQ ayuda na ipinamamahagi sa ating mga kababayan?

REP. QUIMBO:   Usec., kung naaalala natin iyong SAP under Bayanihan 1 ang nakasaad sa batas is the poorest 75% of all households ang makakatanggap ng P8,000 na ayuda and there will be two tranches.

Maganda sana po iyong layunin, kaya lang ang nangyari is nagkagulo po tayo doon sa listahan. Wala naman po kasi tayong national ID system na naka-rollout na sa ngayon so wala talaga tayong magandang listahan ng kung sino ang eligible beneficiaries na iyan. So marami pong nagreklamo na bakit ako kailangan ko ng ayuda pero wala ako sa listahan.

Kaya’t under Bayanihan III, bill po ito ni Speaker Velasco, ang sabi po ni Speaker, simplehan na lang natin ang approach dito sa ayuda and siguraduhin natin na walang maiiwan. Kaya’t ang kaniyang suggestion is magbigay na lang tayo ng allotment na 1,000 pesos sa kada Filipino regardless of age, regardless of income status basta po lahat ng Pilipino ay mabibigyan.

So halimbawa po, sa isang pamilya po na lima ang miyembro, and five is the average family size, ang matatanggap po for the first tranche is 5,000. So kung mas maraming family members, halimbawa sampu ang family members eh sampung libo naman po ang matatanggap ng family na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinasabi ninyo nga po na gusto rin po ni House Speaker na maging sistematiko ito at simple lamang, pero napag-usapan na rin po ba na ang posibleng magiging sistema ng pamamahagi nito? Dadaan pa ba mismo ang pera po sa DSWD o ididiretso na sa mga LGU with technical assistance na lang po ng DSWD?

REP. QUIMBO: Iyong mismong detalye ‘no ng pag-implement is wala naman po iyang… hindi po iyan nakasaad sa batas mismo. Pero ang tingin ko po ang mangyayari po diyan is magiging improved version po siya ng SAP. So sana naman po since this is going to be the fourth time ‘no na gagawin natin ang SAP eh sana po ay maging improved version.

So halimbawa po, palagay ko iyong pag-download ng pera sa LGU baka puwede pa rin nating sundan ang ganiyang sistema, pero palagay ko kailangang isama na rin ang barangay dito po sa pag-validate ng listahan. Kasi ang puwede nating gawing guidance para kung sino ang makakatanggap sa isang lugar, halimbawa, would be the census. Eh tamang-tama naman po lalabas naman ang pinakabagong census I think this month so very timely po iyan. Pero siyempre kailangan pa ring i-validate ang laman ng listahan na iyan sa bawat lugar. At dito ko po nakikita na mayroon papel na puwedeng gampanan ang mga barangay captains. Pero palagay ko ang downloading ng funds ay nasa LGUs pa rin pati na rin ang distribution.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, we understand na higit kalahati po ng proposed budget sa Bayanihan III ang kakailanganin para sa “sana all” ayuda. At ang iba pong susobra ay ilalaan naman po daw sa additional aid under the different programs ng ilang ahensiya ng pamahalaan, ano po. Magkakaroon ba raw po tayo ng restriction dito, Ma’am Quimbo, kung anong ayuda lang po ang puwedeng matanggap ng isang tao sakali pong ma-qualfiy rin siya sa iba pang aid? Halimbawa, iyong para sa mga nawalan po ng trabaho under DOLE. Alam ninyo naman po iyong epekto ng pandemya, napakalawak po ng epekto lalo na dito sa ating mga nawalan ng trabahong kababayan.

REP. QUIMBO: Usec., ang pilosopiya ng Bayanihan III is since the pandemic affected everyone, walang pinili ang ating pandemya, lahat po naapektuhan regardless of age, regardless of income naapektuhan po. So kaya mayroon po tayo kumbaga “sana all”, iyon iyong pinaka-basic na ayuda para sa lahat.

But on top of that, mayroon po tayong pinu-provide na ayuda depende sa pangangailangan. So halimbawa po, ang isang pamilya ay nagkaroon ng COVID ay magkakaroon po siya ng dagdag na ayuda kasi ang dahilan naman po niyan is kapag may COVID sa pamilya, eh gusto nating maiwasan na iyong paglabas ng bahay ng mga miyembro. So we want to make sure naman na kapag naka-stay at home ang mga members of the family na may COVID eh dapat naman mayroon naman silang panggastos na kanilang pang-araw-araw. So iyon ang dahilan kung bakit mayroong special na ayuda para sa may COVID.

Pangalawa po, kung mayroong nawalan ng trabaho sa isang pamilya, mayroon pa ring dagdag na unemployment assistance at gagawin po natin iyan through the TUPAD Program of DOLE.

And mayroon din pong medical assistance for the indigent patient. Again, dagdag na naman po na ayuda po iyan kapag nangailangan po ng halimbawa hospital care for any reason whether COVID or not iyun pong ganiyang ayuda.

And siguro ang isang babanggitin ko na rin kasi today lumabas ang inflation rate na 4.5%, at ang dahilan kung bakit mataas ang inflation rate natin ngayon ay dahil mataas ang presyo ng bilihin especially pagkain or in particular iyong baboy. So naglaan din tayo ng P30 billion na assistance para sa agri-fishery sector, kasama po diyan iyong mga magbababoy. Alam natin na kaya mataas ang presyo ng baboy is because maraming mga namatay na baboy dahil sa African Swine Flu pati na rin iyong sunud-sunod na bagyo last year. So, ang mga hog raisers natin talagang naapektuhan ang kanilang working capital, so kailangan talaga silang bigyan din ng ayuda. So iyon po, mayroon din pong ayuda para sa teachers, dahil alam natin na in many places habang hindi pa natin naro-rollout effectively  ang  vaccine program, eh hindi pa tayo magkakaroon ng face to face classes, here to stay pa rin iyong flexible learning. So we need to make sure na ang teachers natin ay mayroong sapat na internet connection pati na rin ang gadgets, so mayroon pa ring ganyang klaseng assistance for them.

Pati na rin iyong OFWs, iyong retuning OFWs particularly iyong seafarers natin, when they come in, they need to be tested, PCR test cost a lot, I think in many places nasa minimum P3,000 pataas iyan, so mayroon din tayong inilaan assistance for PCT testing. So ganoon po, iyon ang kanyang prinsipyo, so may basic at may add on and there is no rule as to how many times you can avail of the ayuda. Ang basic principle is, you will be helped depending on your needs.

USEC. IGNACIO:  May tanong po ang ating kasamahan sa media na si Joseph Morong sa inyo Ma’am. Ma’am basahin ko po iyong tanong niya sa inyo ano po. Ang tanong po niya ay: How much total iyong sana all ayuda at magkano daw po iyong Bayanihan 3 at what stage is this already; kung mayroon daw po itong counterpart sa Senate?

REP. QUIMBO:  Iyon pong sana all, since 108 million tayo last year, we based it on that, so 108 million times P1,000. So that is P108 billion ang kailangan natin for the first tranche and then f0r the second tranche another P108 billion, so doon na lang sa basic ayuda that is already P216 billion. But on top of that, iyong mga special ayuda programs natin, kapag idagdag po natin iyan a P216 billion para sa sana all, aabot po ng a total of P405.6 billion. Iyon po ang kabuuan niyan.

Sa ngayon po na-approved na siya, ang substitute bill natin, ibig sabihin noong pinag-isa po ang six versions ng Bayanihan 3, nagkaroon tayo ng isang substitute bill, ang bill po na iyan ay na-aprubahan na sa Committee of Social Services, pati na rin ang Ways and Means Committee, two days ago na-approved na rin. Kailangan pa po siyang dumaan sa Committee on Appropriation and then saka siya babalik sa mother committee to approve the committee report. Hopefully po by the time we resume on May 17, pagbalik po namin sa Kongreso ay handa na po tayo i-sponsor iyan sa Plenaryo at magkakaroon tayo ng debate shortly after that puwede na pong pagbotohan. So iyon po ang proseso dito sa Congress.

Pagdating po sa Senado, ganoon din ang aasahan natin na process. Sa ngayon mayroon pong naka-submit na dalawang Bayanihan 3 Bills. There is one filed by Senator Ralph Recto last December, it’s very similar to the one that I filed and then iyong si Senator Pacquiao naman po recently, a few weeks ago, siya rin po ay nag-file ng isang Bayanihan 3 Bill. So iyon po, that’s the status update po.

USEC. IGNACIO:  Ma’am may follow-up siya: Sa palagay po ninyo kailan daw po ninyo inaasahan na maipapasa ito sa Kongreso?

REP. QUIMBO:  Sa amin po sa Kongreso, palagay ko, hindi siya masyadong problema, kasi kahit naman naka-break po tayo, naka-recess tayo tuluy-tuloy pa rin po ang trabaho. In fact, itong sinasabi ko pong Committee on Appropriations approval ay puwede po iyan mangyari even while on break. So, I suspect, you know, when we open on May 17, we need a few weeks, give or take two, three weeks ay mapapasa na po iyan sa amin. Of course, ang pinakamaganda pong mangyari is ma-certify urgent ng Pangulo ang bill na ito.

Pero, sa tingin ko po, Usec., mangyayari po iyan as soon as ma-identify ng maayos ng ating economic managers ang fund sources. Kasi sa ngayon admittedly iyan ang pinakamalaking, kumbaga, obstacle.

Nag-commit naman po ang ating economic managers kay Speaker Velasco na pagtutulungan po namin ang paghahanap ng pondo. So, right now naka-sweeping move ang ating economic managers.

Naghahanap po ng excess fund sa mga ahensiya, partikular na sa mga GOCC’s natin, iyong mga corporations natin na mayroong mga labis na capital sa kanilang mga accounts. Iyan ang puwede nating pagkunan ng fund para sa Bayanihan 3.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan nga po iyong mahalaga rin daw po na malinawan ng ating mga kababayan, kung saan daw po manggagaling iyong budget nito. Kasi Ma’am, mismong si Rep. Joey Salceda na rin po ang nagsabi na sa kasalukuyan po ay mayroon tayong high fiscal deficit at malaki-laki rin po iyong utang ng bansa dahil nga po dito sa pandemya. So, saan po natin iso-source – katulad ng nabanggit ninyo sa mga GOCC – iyong ganito daw pong kalaking budget para pondohan ang Bayanihan 3.

REP. QUIMBO: So, iyong nga po ang ating traditional naman na inaasahan na fund source would be iyong savings, so kung mayroon pa pong natira mula sa 2020 GAA, which continues to be effective dahil iyan naman po ay in-extend natin a validity. Ganoon din po ano, savings po from 2021 GAA.

Ibig sabihin Usec, iyong mga puwede nang kung baga, i-subject to austerity measure, ibig sabihin iyong mga hindi naman ganoon ka-essential  na gastusin ng mga agencies, halimbawa po iyong mga kunwari may mga travel, sa mga travel na usually ginagawa every year, baka naman puwedeng ipagpaliban muna dahil talagang hindi naman safe mag-travel  pa sa ngayon.

Iyon po, those are examples of savings from non-essential activities and of course itong Bayanihan 2 ang effectivity po niyan matatapos by June. So, kung mayroon pa pong matirang excess funds under Bayanihan 2, iyan po puwede ma-recycle under Bayanihan 3. And number 2 source of course, iyong utang patuloy naman po ang pag-utang ng ating bansa of course in a very conservative, very careful way.

Very careful ang ating mga economic managers to manage our deficit to GDP ratio, they are doing a great job on that. Pero marami na po tayong loan agreements so proceeds from those loan agreements ay puwede po nating gamitin also for Bayanihan 3.

Pero ang pinakabagong source, of course mayroon din pong BSP no, puwede pa po tayong umutang ng utmost, 282 billion pesos from Bangko Sentral. And then lastly, for its sources, ito nga pong kinukuwento ko sa inyo ang excess capital mula sa ating government owned [and controlled] corporations.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Rep. Stella Quimbo. Ma’am, makikibalita po kami sa mga susunod na araw kaugnay po nitong Bayanihan 3.

REP. QUIMBO: Anytime po.

USEC. IGNACIO: Salamat po at ingat po kayo.

REP. QUIMBO:  Salamat Usec. Thank you.

USEC. IGNACIO: Noon pong nakaraang buwan ng Abril ginunita sa bansa ang Head and Neck Cancer Awareness month kung saan po ay binibigyang halaga ang tamang pag-aalaga sa ating kalusugan para hindi po magkaroon ng tinaguriang Big C. Kaugnay niyan, makakausap po natin si Dr. Priscilla Caguioa mula po sa Philippine Society of Medical Technologies. Magandang umaga po Doc.

DR. CAGUIOA:  Good Morning, magandang Umaga ho.

USEC. IGNACIO: Doc, ano po ba iyong mga common na Head and Neck cancer sa Pilipinas at ano po iyong madalas na nagiging sanhi nito?

DR. CAGUIOA:  Okay. Ang Head and Neck cancer as the name implies is of course from the head up. So I would just start from outs. To the lips are a part of them and then of course iyong mouth including iyong tongue, iyong throat natin. So iyong ating Pharynx, iyong ating hypo-pharynx, and iyong ating oropharynx.The vocal chords and then which is also the larynx. Kasama din diyan ang ating mga sinuses, iyong sphenoid, ethmoid sinuses iyan and also the nasal cavity and the nasopharynx. Literally, kasama din iyan dapat sa Head and Neck  ang thyroid glands and of course the salivary glands.

So those are the cancers that are usually connoted when we say cancer of the head and neck, and the most common cause nitong mga head and neck cancer unfortunately, is smoking in 85% of cases.

And then also in cases of oropharynx, ang viruses like the Human Papillomavirus and then for the nasal pharynx iyong Epstein-Barr virus (EBV) and then inhalation of toxic fumes if you work in laboratories or iyong mga gasoline stations. So, prone ka din sa mga ganiyang head and neck na sakit if you are constantly exposed to that.

And then another one probable cause, etiology is alcohol, iyong intake ng alcohol which is not good. So, iyong combination na iyon, smoking and alcohol intake are the main cause of the Head and Neck cancers in our countries.

Last year 2020, there were about 7,000 cases based on the [unclear] and that consists only about 4.7%, pero marami na rin  iyan considering that most likely underestimated kasi hindi natin talaga nakukuha ang tunay estado, wala kasi tayong registry ng ating mga cancers sa ngayon and we are trying to accomplish that.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nabanggit niyo nga po kanina iyong prone dito ay iyong naninigarilyo, iyong umiinom po ng alcohol ng alak. Pero, ito po ba ay maaari ring namamana o mostly ay dahil sa lifestyle po?

DR. CAGUIOA: Hindi. Ang Head and Neck cancer ay hindi namamana except for one fourth of a thyroid cancer which is the medullary type, hindi naman siya common so iyong lang. The rest is lifestyle. Smoking and alcohol and toxic fumes and then of course iyong iba occupational paints. So, lifestyle talaga and of course if your immune systems is impaired for other reasons then you are more prone to Head and Neck cancer.

USEC. IGNACIO: Opo. May mga kaibigan na kaming nagri-react sa sinasabi ninyo Doc, iyong mga naninigarilyo no. Pero, ano daw po iyong early symptoms na baka po daw ang isang tao ay mayroon na palang cancer?

DR. CAGUIOA: Okay. Well, sana hindi muna cancer, sana early stages pa lang na mga changes. Para kasi ang pinakamaganda pa ring way para ma-prevent ang cancer is iyong kapag nakitanatin na may pagbabago – may mga sores na hindi gumagaling sa mouth iyan ang dapat bantayan dapat makita agad iyan ng dentist or ng EENT.

Kapag may mga flakes, mga whitish flakes na nakikita mo na parang paulit-ulit dapat mapansin iyan. Then also in the lips, I’m just going from outside going in and then iyong mga tonsils na paulit ulit na namamaga kahit wala naman reasons, wala naman lagnat and then of course nahihirapan kang mag-swallow so iyan, isang sign din iyan.

After that, iyong sore throats nagbabago ang iyong voice, nagho-hoarseness ka. Also that can be a sign and then as you go down, iyong difficulty in swallowing that is can also be a sign of something abnormal in a person whether they had a cancer.

In terms of nasal cavity and nasopharynx, kapag mayroon kang nasal congestion lagi na you know it’s not new kasi we are usually have nasal catarrh in the morning.  Hindi ba iyong tinatawag nating allergic rhinitis.

Pero, kapag nakita mo this time na very often siya at dati naman wala  ka noon and then of course if there some bleeding, iyong tinatawag natin epistaxis. That is also something worried about and then if your sinuses, kapag sumasakit din iyong mga sinuses, dito sa sides ng iyong ilong, iyong ating mga sinus, di ba kasama iyan kapag mayroon tayong sipon, then we have to also investigate.

And then another possible sign also is if you have some difficulty in hearing. Kapag napapansin mo – hindi sa elderly no obviously – kapag napapansin mo na medyo humihina ang iyong pagdinig, lalo na kapag one sided lang. Kapag napapansin mo, hindi sa elderly ‘no obviously. Kapag napapansin mo na medyo humihina ang iyong pagdinig lalo na kung one sided lang, dapat din iyon ma-examine why mayroon kang deafness only in one side of the ear, that’s one.

And another is also if you have numbness in your face, iyong parang manhid ang isang parte ng iyong mukha, tapos iyong pag nag-smile ka hindi pantay, then you have to think of the possibility na baka mayroong nerve involvement, so kailangan din iyang imbestigahan.

Headache, binabalewala natin ang headache pero sometimes headache can also be an early sign of something  going on either in the nasopharynx, in the sinuses, in the ears. And then also iyong iba, lagi silang nahihilo, may vertigo na hindi related sa hypertension, hindi  related sa  kapag biglang tayo, iyong tinatawag na postural hypertension, pero nahihilo sila pag-move ng head, tapos kasabay nung may tinnitus or ringing of the ears, so kailangan ma-examine ang kanyang ear kapag ganoon. So, those are some early signs of head and neck abnormalities.

USEC. IGNACIO:  Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa napakahalagang impormasyon na ibinabahagi ninyo sa amin ngayong umaga, Dr. Priscilla Caguioa. Ingat po kayo Doc at maraming salamat po.

DR. CAGUIOA:  Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas. Dumako naman tayo sa Kabisayaan, may report si John Aroa mula sa Cebu:    

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ito, John Aroa.  Samantala sa Davao City, nilagdaan na ng joint IATF-RTF ang Resolution Number 01 o ang uniformed guidelines to regulate entry and exit in regional borders of Region 11, hatid po iyan ni Regine Lanuza, Regine?     

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyon Regine Lanuza ng PTV Davao. Samantala, patuloy po ang ipinatutupad na free ride para sa mga healthcare workers sa Cordillera Administrative Region makibalita tayo kay Phoebe Kate Valdez ng PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)