Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po, Luzon, Visayas at Mindanao at sa ibang bahagi ng mundo. Narito pong muli kami upang maghatid sa inyo ng mga maiinit na balitang dapat ninyong malaman. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kahapon po ay idineklara ng Malacañang bilang regular holiday ang darating na Huwebes, May 13, bilang pakikiisa ng buong bansa sa paggunita ng Eid’l Fitr or Feast of Ramadan sa bisa ng Republic Act 9177. Ang Eid’l Fitr ay ang tatlong araw na pagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim bilang tanda ng pagtatapos ng kanilang pag-aayuno na tumatagal ng isang buwan.

Samantala, kagabi naman po ay dumating na ang kauna-unahan nating supply ng Pfizer-BioNTech vaccine. Eksaktong 8:51 P.M. nang lumapag sa NAIA Terminal II ang eroplano ng DHL lulan ang halos dalawandaang libong doses ng mga bakuna. Ang Pfizer ang ikaapat na brand ng bakuna na mayroon na ang Pilipinas. Bukas ay inaabangan naman ang second batch ng Sputnik V vaccine, 15,000 doses muli ito gaya nang naunang nai-deliver ng Gamaleya Institute ng Russia.

Samantala, muli naman pong nanawagan at hinikayat ni Senate Committee on Health and Demography Christopher “Bong” Go na isama na sa mga prayoridad na bakunahan ang mga atletang Pilipino lalo na po papalapit na ang laban nila. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Muling nagpaabot ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan para sa mga residenteng nasunugan, binaha at mga apektado ng pandemya sa Negros Occidental. Nabanggit din ng Senador ang kaniyang isinusulong na panukalang batas na bumuo ng Department of Disaster Resilience. Alamin natin ang buong detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan, ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, tumungo naman tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon, muling nakapagtala ng mataas na kaso ng recoveries ang Pilipinas – 8,193 ang mga dagdag na gumaling o katumbas ng 1,030,367 total recoveries. Nasa 6,846 po ang mga bagong nahawaan ng virus kaya umabot ito sa 1,108,826 na ang lahat ng mga nagka-COVID sa bansa. Samantala, 90 ang nadagdag sa mga nasawi kaya 18,562 deaths na ang kabuuang naitala ng Department of Health. Bumaba naman muli ang active cases sa 59,897.

Samantala, as of May 9, 2021 ay umabot na sa 2,408,781 ang total doses ng mga bakunang naipamahagi sa buong bansa. 1,513,560 dito ang naiturok na sa mga medical front-liners sa 916,335 doses naman na napunta sa National Capital Region. Malaking bahagdan dito ay mga bakunang naibigay sa Quezon City.

Nananatili pong nasa ikalawang puwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming doses ng bakunang naiturok sa buong ASEAN region. Ang amin naman pong paalala: Bukod sa pagsunod sa minimum health standards magparehistro na po sa inyong mga LGU kung kayo po ay pinapayagan nang bakunahan para mas mabilis nating masugpo ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Simula po ngayong araw ay aktibo po tayong makikiisa sa Department of Health para magpakalat ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon lalo tungkol sa COVID-19 at sa mga bakunang panlaban dito. Dito po iyan sa “Check the FAQs.”

At para bigyan po tayo ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga bakuna ng Gamaleya Institute at Janssen Pharmaceutical, makakasama po natin mula sa Research and Development ng Pharma Services Group ng Thermo Fisher Scientific sa Tilburg, The Netherlands si Dr. Isagani Padolina.

Good morning po, Doc!

DR. PADOLINA: Good morning, Usec Rocky! Kumusta?

USEC. IGNACIO: Mabuti naman po. Doc, ilang bansa na po ang nagbigay ng EUA para sa Gamaleya Sputnik V ano po? Paano naman po sa Janssen?

DR. PADOLINA: Sa Janssen po, alam ko kasama na siya doon sa EUA natin ngayon. Ano po iyong tanong ninyo? Hindi ko po masyadong narinig.

USEC. IGNACIO: Ilang bansa na po ang nagbigay ng EUA para sa Gamaleya Sputnik V at paano naman daw po iyong sa Janssen?

DR. PADOLINA: Sorry, medyo mahina iyong connection, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ilan na po iyong bansa na nagbigay ng EUA, iyong Emergency Use Authorization para sa Gamaleya Sputnik V?

DR. PADOLINA: Ah, ilan na. Wala akong figure ngayon kung ilan na po sila worldwide, hindi ko masagot.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, paano po iyong Janssen?

DR. PADOLINA: Go, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo, Narinig ninyo po iyong ikalawang tanong? Paano naman daw po iyong sa Janssen? Doc? Medyo mahina—

DR. PADOLINA: Hello? Ang Janssen alam ko bibigyan—

USEC. IGNACIO: Opo, go ahead.

DR. PADOLINA: Alam ko mayroon na tayong EUA for Philippines. Globally, wala rin akong figure kung ilan. Alam ko, nag-apply siya in many places as well. Alam ko, mayroon na siya dito sa Europe, mayroon na siya sa US. So, globally hindi ko alam iyong figures for Sputnik and Gamaleya in terms of EUAs.

USEC. IGNACIO: Doc, ilang dose po iyong kailangan para sa mga bakuna na ito at ilang araw po iyong magiging pagitan bago ibigay ang pangalawang bakuna?

DR. PADOLINA: Okay. So, ang difference ng Sputnik at saka Janssen ay ang Sputnik o ang Gamaleya na tinatawag din ay dalawang doses. Dalawang doses ang Sputnik na 21 days apart. So, Sputnik na dalawang turok, ang isa noon ay iyong Ad26 na virus vector at saka iyong Ad5 na virus vector.

Ang Janssen naman ay isang turok lamang. Ang ginagamit niyang virus vector or technology platform ay Ad26. So, one dose, one turok lang iyong Janssen, samantalang ang Sputnik ay two doses na 21 days apart po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, gaano ka-epektibo daw po ang mga bakuna na ito laban talaga sa COVID-19?

DR. PADOLINA: Maganda ang efficacy values ng parehong bakuna na ito. Iyong Sputnik at saka Janssen, kapag tiningnan mo iyong efficacy against severe COVID-19 at saka hospitalization nasa above 90% siya. Actually, ang Sputnik nasa 100%; iyong data na nanggagaling sa Janssen na between 93 to 100%. So, mataas ang efficacy niya against severe COVID-19 at saka hospitalization. Iyon talaga ang ating iniiwasan para hindi ma-overwhelm iyong ating hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi Doc itong Sputnik V ay sinisimulan na ring iturok dito sa ating mga kababayan ano po, pero ano po ang mga common adverse events na na-report tungkol sa mga bakuna na ito?

DR. PADOLINA: Iyong common adverse events na nanggagaling sa mga Phase 3 clinical trials, walang unusual. Wala iyong tinatawag natin na more than level 3 or stage 3, halos lahat siya ay stage 1, stage 2. So, iyong mga pain doon sa intramuscular injection site, kaunting fever na nagagamot kapag uminom ka ng Paracetamol or Ibuprofen, kaunting nausea, sakit ng ulo. Siguro nagkaka-fever sila ng mga dalawang araw. Iyon na iyong mga malala. Pero walang na-observe na adverse events na causative to the vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mayroon bang contraindications ang dalawang nasabing bakuna?

DR. PADOLINA: Doon sa Ad26, iyong Ad26 vector, safe na safe siya na technology. So, wala kaming nakikitang contraindications although mas magandang itanong iyan sa MD kasi ako nasa research side, hindi ako masyadong familiar doon sa medical contraindications pero alam namin safe siya. Safe siya based on the clinical data.

At saka so far in general, doon sa vaccines mayroon na tayong mga more than 300 million vaccinated people globally. So, mga nasa more than one billion doses [sic] iyon na nabigay na. Wala naman tayong nakikitang malalaking events na nag-a-outweigh ng benefits versus risks noong vaccine.

USEC. IGNACIO: Pero Doc, masasabi ninyo po ba na mas maganda ang isang brand kumpara sa ibang bakuna? Kasi dito sa Pilipinas, siyempre, katulad ko po medyo kailangan titingnan ano ba ang mas magandang bakuna. May ganoon ba, doc? Mayroon ba tayong puwedeng sabihin, “Ah, mas maganda itong isang bakuna na ito kumpara dito.”

DR. PADOLINA: Ang pinakamagandang bakuna ay iyong available na bakuna na maibibigay sa iyo.

Iba’t ibang bakuna, iba’t ibang efficacy rates, iba’t iba rin kasi iyong design nila doon sa studies, iba’t iba din iyong immunogenicity data dahil iba’t iba din iyong clinical study design, hindi rin siya masyadong standardized in terms of methods, so mahirap siyang i-compare iba’t iba din iyong kayang platforms pero lahat sila ay effective against COVID-19.

So encourage ko iyong mga nakikinig na ang pinakamagandang bakuna ay iyong bakuna na available ngayon na maibibigay sa inyo, huwag na po kayo mamili, kasi lahat naman po iyan ay in-approve ng FDA ay dumaan sa mabusising proseso na headed by DOH at saka DOST. So kampante po kayo na makakatulong po iyan lalo na ngayon na medyo nagsa-suffer na iyong ating economy.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa inyong pagsama ngayong umaga sa amin, Dr. Isagani Padolina. Mabuhay po kayo, Doc!

DR. PADOLINA: Mabuhay din kayo, Usec. Rocky; pabakuna po kayo at saka stay safe, ingat lagi!

USEC. IGNACIO: Salamat po. Huwag po kayo bibitiw magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang ating programa, dumako naman tayo ng balita. Mula sa Visayas karagdagang 100,000 doses ng AstraZeneca vaccine at halos 30,000 doses ng Pfizer vaccine dumating ngayong araw sa Cebu City. May ulat si John Aroa:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Daghang salamat sa iyo John Aroa ng PTV Cebu. Samantala, sa nalalapit pong pagtatapos ng kasalukuyang school year ano nga ba ang mga pagbabagong maaaring ipatupad sa susunod na pasukan, para pag-usapan iyan makakausap po natin sina DepEd Secretary Leonor Briones; Undersecretary Alain Pascua; Undersecretary Diosdado San Antonio; at mamaya po makakasama natin si Usec. Jesus Mateo. Magandang araw po sa inyong lahat.

Unahin po natin si Secretary. Ma’am, magandang umaga po at maganda rin daw po ang turn out ng early enrollment ng DepEd dahil mas marami po sa inaasahan ang maagang nagpa-enroll kung ikukumpara po daw sa naging enrollment nitong nakaraang taon. Ma’am, gaano po kalaki ang improvement at bilang ng enrollees ngayon?

SEC. BRIONES: Si Undersecretary Jess ang makabigay ng talagang eksaktong ulat, ang alam namin ay napaka-positive naman ang response ng mga parents at ng mga bata. Kasi generally, lahat ng parents at mga kabataan talagang gusto nilang ipagpatuloy iyong kanilang pag-aaral at naging kasanayan na iyong early enrollment para hindi masyadong magsisiksikan, ginagamit natin ang teknolohiya, mayroon tayong command center mismo sa central office na mino-monitor natin itong lahat.

So, I would like to call on Undersecretary Jess to report on the status of early enrollment. Ito talagang hindi ko masasabing tradisyon ba, practice talaga ang early enrollment, dahil sa madami ng mga nag-e-enroll na mga bata. Kaya una na sila kailangang mas maaga, para siguradong may lugar sila sa ating educational system.

USEC. MATEO: Good morning, Ma’am Liling, good morning Usec. Rocky. Totoo po iyon, ang practice natin iyong early registration na ginaganap natin tuwing katapusan ng Enero para sa ganoon mahanda natin iyong ating mga paaralan. Pero dahil nga sa pandemya, iyong ating early enrollment ngayong school year 2021-2022 ginanap natin noong Marso 26 hanggang katapusan ng April pero ine-extend po natin.

Sa katunayan nga po ang early registration natin, ito po iyong para sa papasok na kinder, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 ay nakataya na 4.3 million; iyan po ay almost 95% noong previous school year natin noong pandemya po. Kaya nga po ine-extend natin iyong early registration pa para makahabol pa iyong ibang mga magulang na nagkakaroon ng agam-agam.

Kung sumatutal naman po iyong enrollment natin, noong last year po bagama’t tinarget po natin ay 80%. Umabot na po tayo ng almost 96% of school year 2019-2020, that is in spite of the pandemic po. Iyon po, Usec. Rocky ang ating tala po sa early registration.

Pero dudugtungan ko na rin po, kapag pinayagan na tayo mag-open ng school year, probably August, sometime August or July. Mayroon pa pong enrollment again. Ito naman po ay doon sa iba pang mga naka-enroll na previous year, masiguro lang natin na patuloy, Kaya nga po nananawagan kami sa mga magulang po, mga guardians po na sana po ay i-enroll nila iyong kanilang mga anak para sa ganoon magpapatuloy ang kanilang pag-aaral. Maraming salamat, Usec. Rocky. Thank you, Secretary Liling.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., dahil nga po in-extend itong enrollment, pero mayroon po ba daw kayong projected figures or target numbers of enrollees para po sa upcoming academic year?

USEC. MATEO: Well, ang kuwan po namin, sinabi po namin sa NEDA dahil nga iyon rin iyong target natin, sinabi po namin na 80% lang, pero ayon doon sa ating experience noong last year ‘no school year 2020-2021 nahigitan pa po natin iyong target natin na 80%, kamukha po noong sinabi namin, nasa 96% na po tayo. At madagdag ko na rin po, as of today ‘no, 99.9% noong mga eskuwelahan po natin ay nakapag-submit na po, kaya tuluy-tuloy pa rin po iyong ating pagmo-monitor ng ating enrollment. Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Para lang po malinaw, para po sa mga gusto pang humabol sa pagpapa-enroll, paano po ba na COVID proof na proseso nito ngayon?

USEC. MATEO: Ganito po iyon, iyong sa ating early enrollment po kamukha ng ginawa natin last year dahil nga po sa ating pandemya, ginagawa po ito doon sa mga areas na wala namang cases, puwede pong physical, pero limited face to face po. Pero as much as possible iyong tinatawag nating using other platforms po like pagtawag po doon sa mga eskuwelahan na gusto nilang pasukan.

Siguro idagdag ko na rin Usec. Rocky, ayon sa data natin, iyong grade 1 natin almost 101% na, so ibig sabihin mayroon pa pong humabol na hindi nakapag-enroll noon. Samantalang sa grade 11 po nasa 190% na tayo compared to previous school year. Salamat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Briones, masasabi po ba natin na well-adjusted na ang mga estudyante at mga guro sa distance learning?

SEC. BRIONES: Itong transition na ito, hindi naman natin maa-attain in a few month na pag-i-implement ng blended learning. Pero nari-recognize ng ating parents at ng kabataan na at this time ay kailangang i-implement iyong desisyon ng Presidente. So alam nila ang palakad, pinapaliwanag namin. Kami, Rocky, not only do we participate actively at maraming salamat sa mga national press conferences, kami mismo sa DepEd, every week nagho-hold kami ng regional press conference na ako mismo ang nakikipag-usap sa media para ipaliwanag kung ano ang mga developments sa education.

Kaya siguro ang mga parents at ang mga kabataan alam nila kung ano ang nangyayari ngayon sa departamento. At saka napaka-deeply ingrained kasi, Usec. Rocky, sa ating kultura, sa ating mga pangarap para sa ating mga bata ang desire na talagang education is number one na priority ng citizens, number one sa budget, number one sa suporta sa ating pamahalaan. In spite of the pandemic at historically, hindi naman talaga na-interrupt ang education, ilang giyera na ang nadaanan natin, ilang rebelyon na ang ating na-survive, ilang bagyo, ilang natural disasters and so on, patuloy pa rin ang pag-aaral.

Kagaya ng Marawi siege, we are celebrating soon the anniversary of the Marawi siege, talagang nagpatuloy tayo sa school activities natin at tinanggap natin lahat ng mga bata all over the country na nagbakwit sa iba’t ibang mga eskuwelahan. Palagi kong inuulit-ulit na nakakabingi na na sinasabi ko, ako natuto akong magbasa at magsulat during the war years. Walang tigil ang pag-aaral, ilang giyera na, ilang disasters na, ilang mga pandemics na o ilang mga epidemics na ang nangyayari patuloy pa rin ang pag-aaral at sabay-sabay halos lahat ng mga eskuwelahan, kasi ayaw naming maiiwan ang mga bata. Ang this is very good thing, dahil iyan ang expectations ng ating citizens. Thank you.

USEC. IGNACIO: Ma’am, ito pong nagdaang school year, nasa 3 milyong estudyante umano ang nag-drop out sa pag-aaral, dahil nga po hindi nakayanan ang set up ng distance learning. Ang iba daw po walang sapat na gamit, habang ang iba naman daw po ay demotivated, dahil wala raw po silang naiintindihan sa mga lessons. Kung magpapatuloy po ang online classes sa mas maraming lugar sa bansa, may solusyon po ba daw ang DepEd para mas matulungan po iyong mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral?

SEC. BRIONES: Usec. Rocky hindi ko alam kung saan nanggaling iyong 3 million na dropouts, dahil ipinaliwanag ko na iyon. Usually in between terms, halimbawa Christmas vacation, summer vacation, iyong mga bata, iyong mga learners take time going back to school, pero bumabalik sila after Christmas vacation, hindi agad-agad. At saka iyong mga sinasabi nating nag-dropout bumabalik naman, kasi ang mga parents, karamihan ng mga parents ayaw nilang maiiwan iyong kanilang mga anak, at saka iyong mga bata ayaw nilang maiiwan sila.

At saka iyong sinasabi nating kakulangan ng gamit, kagagaling lang namin sa Visayas at saka sa Luzon, dahil ang Department of Finance ay nag-donate ng mga gadgets more than 5,000 gadgets, ang China din nagbigay ng donations, private sector, lahat-lahat. Ito ay binibigyan namin ng prayoridad, ang tinatawag nating Last Mile schools, iyong mga eskuwelahan na wala pa talaga iyong mga bata, walang gamit.

At saka isa ding challenge na hinaharap natin, Usec. Rocky of course is connectivity, kung may gadgets ka kailangan naman nakakonekta ka. So mayroong mga teknolohiya na dine-develop na hindi kailangan iyong mga high level technological requirements ‘no. So lahat nagtutulungan, hindi namin inaangkin sa Department iyong pagsagot natin sa pangangailangan ng gadgets. Local governments, ilang beses ko na iyang nire-report sa bayan ang mga local governments, ang laki ng gastos nila, sila mismo ang bumibili at sila mismo ang nagdi-distribute sa kanilang mga kabataan.

And then you have civil society, private sector, either brand new or used gadgets. At saka kitang-kita iyan sa istatistiko, sinabi ko na dati na pinapakita ng ating numbers na there are more cellphones and gadgets than humans in the Philippines. Ang importante, iyong distribution, kasi sabi mo nga, Usec. Rocky may mga lugar na wala talagang gadgets. So iyon ang inuuna namin. Kagagaling lang namin sa Visayas at saka sa Luzon, nagdi-distribute kami.

Siguro, iyong sinasabi nila ay iyong unang bugso ng pag-implement ng blended learning. Pero iyong pangngailangan, ngayon ay tinutugunan na maliban sa budget mismo ng ating pamahalaan na talagang naglalaan din ng pera para sa mga gadgets.

Kasi alam mo, Rocky at sa edad kong ito, hindi naman ako pinakamagaling sa teknolohiya, but I recognize na ang direction talaga is to go digital, is to go IT, it’s to use technology, dahil inuulit-ulit ko, you also have to save the environment. We cannot be printing all our needs, dahil we will also be killing our trees and we will also be triggering floods and other disasters on our people.

Nangyari na ito, kitang-kita natin na kapag may bagyo, kung masisira iyong mga printed materials nababasa, etcetera, kailangan uulitin. Kung ganon wala tayong tigil magputol ng ating mga puno at saka malaking debate na ito pero na recognize natin, it’s very expensive to print materials, alam natin iyan lahat, it’s the most expensive approach to spreading or sharing technology.

So, we have the DepEd Commons, we many other—isa sa pinaka-popular which I rather like dahil naabutan pa talaga iyan iyong paggamit sa radio. Maraming mga lugar walang TV, walang printed material, pero meron radio, meron walkie talkie and teachers and students communicate which each other.

So, itong mga issues na ito ay hinarap na kasi nakita naman natin kaagad na kailangang mag-make-up tayo sa pagkukulang ng face to face until of course the President will allow us to start with our proposal.

Mula’t sapul pa sinabi naman namin na we need face to face maski isang oras lang, maski kalahating araw lang, maski limited lamang sa mga lugar where it is safe to do so and we are very hopeful and we anticipate that the time will come specially since mga vaccines are already made available.

By the way, I am already vaccinated at wala naman absolutely no effect in my case sa isang… hindi ko masasabi—we are very brand conscious, napaka-iteresante iyong discussion ninyo kanina Usec. Rocky. Mga Filipino brand conscious, gusto nating ganitong brand, ganitong etc. But we are assured na kung tama iyong sinasabi ni Dr. Padolina na what is available, that is the brand is recommended.

USEC. IGNACIO: Opo, salamat po.

SEC. BRIONES: We are attending to that needs, Central Luzon ngayon ano but—priority Usec. Rocky, I am sorry na mahaba iyong sagot ko, is for the last miles schools, iyong wala talaga kasi may mga lugar ang mga bata magsasabing kulang sila ng gadget, maybe iyong pinakabagong gadgets o pinakabagong ano techie things. But as I said there are more gadgets than human in this country, we want to equalize that so we give priority to those who don’t have gadget yet. Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Para maman po kay Usec. Pascua, may naging pahayag din po ang inyong kagawaran na kayo po ay naghahanda na for all possibilities matapos ang pahayag ng isang lawmaker na maari pang ma-extend ang distance learning hanggang sa susunod na taon. Puwede bang pakipaliwanag po ano iyong sinasabi na all possibilities na tinutukoy dito? Usec. Pascua?

USEC: PASCUA: Magandang umaga Usec. Iyong all possibilities dito ay siyempre iyong blended learning natin kung ano iyong puwede natin gamitin. Puwedeng module pa rin, print pero meron tayong mga ginagawa na ngayon na non-print katulad noong sa Deped Commons, iyong sa Deped TV, iyong sa DepEd Radio at iyong blending ng lahat ng mga platforms na iyan, iyan ang pinaghahandaan natin para ang mga ito ang makakatugon sa anumang posibilidad na puwedeng mangyari sa mga susunod na buwan pagdating ng bagong school year.

Kaya’t hinahanda ngayon iyan ng Department, ng DepEd, ng ating DepEd Commons kung saan iyong ating mga open educational resources, iyong DepEd TV, nandiyan iyong ating mga episodes; DepEd radio ganoon din ay pinaghahandaan din natin para ang lahat ng mga ito ay magsisilbi sa anumang posibilidad o anomang senaryo na mangyayari sa susunod na school year. Iyan iyong paghahanda ngayon ng ating kagawaran.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Usec. San Antonio, puwede po bang pakilahad sa amin kung ano ang planong nakalatag naman ng DepEd para sa proposed face to face classes; ano-ano po ang factors na ikino-konsidera ninyo para posibleng ibalik ang face to face sa isang partikular na lugar?

USEC: SAN ANTONIO: Maraming salamat, Usec. Rocky, magandang umaga po Sec. Liling at mga kasama kong at kasama sa Execom at mga nakikinig po at nanonood sa ating programa ngayon. Iyon pong limited face to face talaga po pinaghahandaan natin iyan at gusto talaga nating makita iyong totoo0ng blended learning delivery na kung saan may distance home based learning at may paminsan-minsan pakikipagkita sa mga [garbled].

Ang maliwanag po sa amin na gagawin siyempre pinayagan ng ating Pangulo, pangalawa po puwede itong gawin sa mga lugar na mababa ang cases ng COVID at kung zero po mas maganda sa nakalipas na isang buwan halimbawa at kailangan din po ang suporta ng local government at ng mga magulang.

So, dapat po may maliwanag na patunay na ang mga paaralan at mga local government kung saan ito gagawin ay talagang nag-uusap at nagtutulong sa pagsagawa ng mga detalyadong plano upang masiguro na ang mga bata at mga kasamang guro ay hindi mapapahamak po sa COVID-19 at nasabi na rin po titignan din iyong transportation arrangements para ligtas din ang mga bata kung kailangan nilang mag-commute ay susunod din ang mga transportation providers natin sa mga ipinapairal na mga guidelines ng ating Department of Health at IATF kaugnay dito.

Ang limited face to face po ay hindi siya gagawing na malawakan, magsisimula tayo sa [garbled] at titignan natin, aaralin kasi po, [garbled] .. hopefully, matututo tayo sa karanasan natin sa inisyal na pagpapatupad habang ito ay unti-unting palalawakin sa mga lugar din po na puwede ng isagawa ito.

Pero po, talaga pong sisiguraduhin natin na ang mga paaralan ay handa, may mga protocol just in case magkaroon po ng like transmission ay dapat alam nila iyong mga gagawin upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro.

Hindi po araw-araw pupunta ang mga bata kasi po ang class sizes pinakamalaki na po iyong 20, depende pa rin po sa mga sukat ng mga silid aralan kung saan sila pupunta at magiging [garbled] hindi rin po… pino-propose din namin na kahit iyong pagpunta ng mga bata ay hindi puwedeng sabay-sabay.

Kailangan din staggered iyong class schedule para po hindi nagkukumpol-kumpol sa ating mga entrance at exit at sinabi ko rin po kanina iyong pakikipag-ugnayan sa mga officials para po masiguro rin na kapag ang mga bata ay pauwi o [garbled] Binabantayan din kung paano sila umuuwi, alinsunod sa social distancing requirements. Maraming salamat po Usec. Rocky.

SEC. IGNACIO: Sec. Briones, ang tentative date po ng August 23 para sa opening of classes ay subject pa rin po sa approval ni President Duterte. Kailan po kaya ito ma-anunsiyo and iyong face to face learning kasi nga po ngayon po ay inanunsiyo ng Department of Health na nasa bansa iyong dalawang kaso na po ng variant of concern na galing sa India. So, makakapekto po ba ito sa magiging plano ng DepEd?

SEC. BRIONES: Alam mo Usec. Rocky, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo napaka-intense ang debate, iyong pagbubukas ng eskuwelahan at anong epekto nito sa mga bata.

Iyong mga pag-aaral mula’t sapul pa, last year pa sinabi na namin iyan at hanggang ngayon nagpapakita na kung mayroong epekto man, baka may epekto sa mga adults kasi ang mga bata meron silang resiliency, meron silang resistance at kung may impact man would be on the members of the households where the children are.

Ang pinaka-latest, and this is dated April 29, ang pag-aaral na lumabas worldwide na nai-share sa atin ni Dr. Wong ng Department of Health ay nagpapakita na kung—mayroon talagang risk for COVID-19 kung mag-face to face na klase on the adults, not as much as on the children.

Kasi the record shows the children apparently have greater resistance and we have consistently pointed these out. Now ngayon, itong mga risk na ito on the adults in the households, not in schools but in the households dahil umuuwi iyong mga bata kung saan sila nanggagaling na gumagamit ng transportation….

Now, ngayon, itong mga risky na ito on the adults in the household. Not in schools but in the households dahil umuuwi iyong mga bata kung saan sila nanggagaling na gumagamit ng transportation eh mami-mitigate din if you have seven of the, iyong sinasabi nating protocols on the handling of COVID-19 and we are have them, palaging paulit-ulit na sinasabi iyan ng PCOO, the wearing of face mask, social distancing, washing of hands.

If you have seven out of the usual protocols na ini-impose ng mga health authorities, nari-reduce itong risk. So, the risk is really on the members of the household where the kids are, because generally napakaliit ng record ng mga bata na natatamaan ng COVID-19. It’s more on the household. Iyon ang aking interpretation – and if I am mistaken I can be corrected and I am willing to be corrected – iyon ang nababasa ko sa literature and it is very consistent.

Kung gagawin natin Usec. Rocky at papayagan na tayo ni Presidente, we have to make sure na iyong protocols na ini-imposed na protocols ng ating health authorities ay talagang masusunod.

So ano ito? uulitin ko, apat itong conditionalities natin. Una, kailangan, iyong facilities mismo sa Department of Education would be adequate which will allow us to have social distancing, may tubig, lahat-lahat. Kailangan adequate iyong facilities and we could not acclaimed that for each in every school in the DepEd and we are aware on that.

Secondly, we have to have the consent of the local government kasi nasa teritoryo nila naka-locate iyong mga schools at saka sila talaga napakalaki ng papel nila sa pag-maintain ng health, hindi lamang sa eskuwelahan kundi sa buong community. Kapag sasabihin ni local government na maski sabihin natin na puwede sa inyo, kapag sinabi ni local government, hindi pa kami handa ay hindi kami magpupumilit.

Pangatlo, and this is very crucial, kasi nag-a-adjust pa tayo, nagta-transition pa tayo, iyong papel ng mga parents. Kasi sinasabi nga, iyong effect ng halimbawa itong problema ng mga bata na households mismo where the children are and that is where the responsibility of parents also comes in kailangan. Kaya sabi namin, hindi kami magpupumilit ng face-to-face kung ayaw ni parent. So, we will have schools na may face-to-face, mayroon din mga classes na walang face-to-face dahil ang parents ay ayaw. So sabi namin, eh may consent ang parents.

Pang-apat, iyong nagbibigay ng services – transportation, canteen, supplies ng mga bata etc, ay kailangan din mag-cooperate sila kasi it’s very likely, I mean I am not accusing those delivering services. I am just saying these are places na makaka-pick-up ka ng COVID infection. So, dapat mag-cooperate din sila kasi baka mai-pass on to the adults in the households na kung saan ang mga bata.

Nakikita na natin sa mga pag-aaral na ang mga bata ay very resilient and are resistant—I will not say resistance pero iyong nila, iyong mga numero nila nagpapakita na mas naa-affected talaga ang mga adults.

So, in sense, this is a very interesting aspect na ipo-protect natin ang mga adults sa households o kung saan man sila when we are going to do face-to-face. Kasi ang mga bata may resistance sila but of course in school we are always monitoring them.

At saka susundin, if we follow at least seven of the usual protocols, mari-reduce ang risk nitong infection for adults, for parents, for those who take care of the children. Thank you.

And this is the latest data, it’s April 29 global study.

USEC. IGNACIO: Yes Ma’am. May tanong po si Jam Punzalan ng ABS-CBN: Ano daw po ang reaction ng DepEd sa plano ng Comelec to extend voting hours for the 2022 election which might lead to additional working hours for teachers serving as election officials.

SEC. BRIONES: Mayroon kaming exchange of communications at saka si Usec. Alain nakikipag-usap naman sa mga officials ng Comelec. They are very sympathetic to the plight of the teachers. Kasi the teachers are volunteering, they’re sympathetic to increasing their allowances in a very significant way no. Allowance for those who serve during the elections and na-recognize nila ito at saka iyong sinasabi namin na kung puwede lang sana, there has to be provisions also for overtime, for transport, food and of course security and protection which is also a risk that teachers are expose to in a certain areas.

Napaka-positive ang response ng Comelec. Ang assurance nila ay sa kanilang budget for 2022, talagang i-propose nila iyong aming mga request. Although there are also other matters na na-bring up namin which might probably need the passage of laws. Usec. Alain paki-further explain nga nito, kasi si Usec. Alain nakikipag-usap directly. Kami nagsusulatan kami ng head ng Comelec, si Usec. Alain talaga ang nakikipag-dialogue sa ating Comelec officials.

Usec. Alain?

USEC. IGNACIO: Opo. Ayusin lang po natin iyong linya ng communication ni Usec. Alain. Pero may pahabol lang ako na tanong Sec. Briones. Tanong po ni Janice Inente ng UNTV: Ano daw po ang paalala ng Department of Education sa mga magulang at estudyante na nagpo-pose sa social media ng kanilang report card, ID, or kahit anong certificate ng mga estudyante galing sa eskuwelahan? Papaano po ito nagiging labag sa data privacy?

SEC. BRIONES: Ang Department of Education, hindi pa nakasagot yata si Usec. Alain sa tanong tungkol sa Comelec.

USEC. IGNACIO: Ma’am, hindi po maganda ang linya ng komunikasyon niya ma’am? Secretary?

SEC. BRIONES: Yes, yes. Iyong sinabi ko nga na si Usec. Alain, iyong mga details kasi mahaba iyong listahan namin ng mga pangangailangan ng mga teachers for their protection at saka we like to think also na realistic naman iyong aming mga request just to take into consideration inflation and so on and so forth.

Very carefully thought out iyon, so, okay iyanpara sa Comelec. Iyong ibang mga request namin ay sinasabi nila ay ini-negotiate further. Pero iyong increase in allowance, in principle, ilalagay na nila sa budget nila. Hindi ba ganoon USec. Alain ang usapan natin?

USEC. IGNACIO: Opo, yes.

USEC. ALAIN: Iyong pakikipag-usap natin sa Comelec ay napag-usapan na rin natin iyan kung mahabang oras dahil nga ang ating mga teachers ay nagsisimula iyan, alas-tres, alas-kuwatro ng umaga tapos natatapos iyan ng alas-otso o alas-nuwebe ng gabi.

Isinama na po natin iyan sa konsiderasyon natin kung mayroon bang posibilidad na magkakaroon ng dalawang shift iyong pagbabantay sa halalan lalo na kung mayroon talagang posibilidad na mag-e-extend iyong oras ng halalan at iyan ay kasalukuyan pa lang pong pinag-uusapan ng DepEd at saka ng Comelec para sa ganoon ay magkaroon tayo ng karapat-dapat na solusyon diyan sa mahabang pagsisilbi sa oras ng halalan.

Dahail alam naman natin, eight hours o hanggang ten hours lang siguro ang dapat na ibahagi ng mga guro para sa ganoon ay maayos ang kanilang pagsisilbi. Beyond those hours medyo mahihirapan na tayo at sobra na ang pagod nila kaya dini-discuss po natin na kung may posibilidad ba na maging two shifts din ang mga teachers natin na magsisilbi.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa mga impormasyon na ibinahagi ninyo sa amin, DepEd Secretary Leonor Briones, Undersecretary Jesus Mateo, Undersecretary. Diosdado San Antonio at Undersecretary Alain Pascua. Magandang umaga po ulit sa inyo.

Samantala, libreng sakay para sa mga health care workers sa Cordillera, ipatutupad ngayong Hunyo. Makibalita tayo kay Eddie Carta. Eddie?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

Vaccination program sa Davao City para sa mga nasa A2 priority list sinimulan na ngayong araw. Ang pinakahuling report hatid ni Regine Lanuza. Regine?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao.

At dito po nagtatapos ang ating programa. Maraming salamat po sa walang sawa ninyong pagtutok.

Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###