Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kagabi po ay inanunsiyo na nga po ang bagong quarantine classification sa iba’t ibang lugar sa bansa na magsisimula bukas, May 15 hanggang May 31st, 2021. Ang mga lalawigan ng Ifugao at Quirino, maging mga lungsod ng Santiago at Zamboanga ang sasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Samantala, ibinaba na po sa General Community Quarantine with heightened restrictions ang mga lugar sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite. GCQ din po sa Apayao, Baguio, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan, Davao City at Lanao del Sur.

Ang mga lugar na hindi po nabanggit ay isasailalim naman sa Modified General Community Quarantine o MGCQ.

Manatili pong nakatutok sa PTV para sa karagdagang updates kaugnay po sa bagong quarantine classifications.

Para naman po talakayin ang iba’t ibang issue sa ating bayan, maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron; ARTA Director General Attorney Jeremiah Belgica; at Director Alice Visperas ng DOLE International Labor Affairs Bureau.

Samantala, nanawagan si Pangulong Duterte at Senator Bong Go na pabilisin na ang pamamahagi ng bakuna sa ating mga kababayan. Hinimok rin ng Senador ang mga namamahala sa vaccine rollout na magbukas pa nang dagdag na vaccination sites lalo na sa mga critical areas sa bansa. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Isa po ang Puerto Princesa City sa mga tinukoy na areas of concern dahil sa mataas na bilang nang naitatalang kaso ng COVID-19. Pero sa bagong quarantine classification, GCQ na lamang po ang siyudad. Iaapela kaya ng sangguniang panlungsod ang desisyon na ito ng IATF? Alamin po natin mula mismo kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron. Magandang araw po, Mayor.

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR BAYRON: Magandang araw, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng mga viewers at saka listeners natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ayon po sa OCTA Research, kabilang po ang Puerto Princesa City sa areas of concern outside Metro Manila. As of May 13, nasa mahigit 400 ang active cases sa inyong siyudad. So, ano po ang tingin ninyong nagiging dahilan nang pagtaas?

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR BAYRON: Ah tama iyon, Usec. Actually bago dinesignate o bago in-announce ng OCTA Research na kami ay special area of concern, iyong Regional IATF dati na kaming kinu-consider na area of concern noong April pa lang.

Hindi namin talaga ma-pinpoint saan talaga nanggaling iyong surge na ito na nangyayari sa Lungsod ng Puerto Princesa pero nagsimula ito noong April 5 na biglang nagkaroon kami ng 9 cases in one day. Para sa amin napakalaki noon kasi nagsimula kami sa parang 25 active cases noong April 4, biglang nagkaroon ng 9 active cases in one day noong April 5 tapos nagtuluy-tuloy na iyon hanggang ngayong May nagtuluy-tuloy na. At ngayon nga ay mayroon na kaming 408 yata o 410 na active cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Mayor, iyong April na sinasabi ninyo ay ano po ang naganap sa Puerto Princesa, kayo po ba ay nagbukas para sa mga turista o papaano po ang nangyari, Mayor?

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR BAYRON: Hindi, wala talagang dumarating na mga turista dito although binuksan namin iyong number one tourist destination namin, iyong Underground River [garbled] turista na dumarating pa. Hindi natin siguro masabi na iyong turista iyong nagdala dito. Dati na ring may case dito, iyon na nga sabi ko mga 25 noong April 4 pero biglang nag-spike nga. Isa sa mga tinitingnan pero hindi talaga ma-prove eh baka nadala ng mga APOR dito sa amin iyong COVID—iyong spike ng COVID cases. Pero hindi talaga ma-prove iyon, hindi mapatunayan. Ang puwede talagang patunayan dito, masyado talagang malakas makahawa itong COVID-19 kaya umabot kami sa ganitong situation.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Mayor, kumusta po iyong testing na isinasagawa ninyo sa ating mga kababayan sa Puerto Princesa City? Katulad niyan sinasabi ninyo, hindi ninyo po alam kung saan nanggaling or baka sa APOR. Pero nagkaroon po ba ng chance na—kasi na nagkaroon po nang pagsasagawa ng test o RT-PCR sa ating mga kababayan diyan para po ma-determine o makita o ma-contact trace ang mga mayroon na talagang kaso ng COVID?

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR BAYRON: Oo. Dito sa amin, iyong aming RT-PCR [garbled] iyong kaniyang level ay sa pamamagitan noong GeneXpert Laboratory sa Ospital ng Palawan na operated ng DOH. Ngayon bago namin sinasalang sa RT-PCR test, kasi limitado iyong cartridge na nanggagaling sa DOH Manila lang, bago namin sinasalang sa RT-PCR for confirmation, tsini-check muna namin iyong antigen. Mayroon kaming antigen test at lahat noong mga nagpa-positive sa antigen test, iyon ‘yung aming pinapa-confirm at malamang talaga malaki ang percentage na ‘pag nag-positive sa antigen test ay nagpa-positive din sa confirmatory na RT-PCR.

Siguro magandang maibalita ko rin sa iyo na mula noong Monday, wala kaming testing ng RT-PCR mula noong Monday hanggang kahapon. Hopefully ngayon makapagsimula na naman kasi nag-undergo daw ng maintenance procedure iyong mga machine na ginagamit doon sa Ospital ng Palawan. So kaya siguro kung titingnan mo iyong aming new cases noong May 10 sampu lang ang nilagay tapos [May] 11 – zero, [May] 12 – zero, [May] 13 – zero – pero ito ay dahil sa hindi nagkaroon ng testing.

Iyong testing namin sa antigen, hindi kami nagsisingil – free ito. Lahat ng mayroong nararamdaman na symptoms o kaya naging close contact ng na-identify na positive eh puwedeng magpa-antigen test. Iyong PCR test dito, wala ring bayad iyon doon sa Ospital ng Palawan. So kung testing ang pinag-uusapan, maayos iyong testing procedure namin dito at saka experience maliban lang mula nga noong Lunes wala kaming testing dahil nag-undergo daw ng maintenance iyong mga machine doon sa Ospital ng Palawan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, sa ipinalabas po na desisyon kagabi, GCQ na po ang Puerto Princesa City. May balak po ba kayong makiusap sa IATF na gawin pa rin kayong MECQ kung sinasabi ninyo po na medyo nag-aalala kayo na baka hindi pa rin stable iyong datos ng COVID sa inyong lugar?

PUERTO PRINCESA MAYOR BAYRON: Hindi na siguro. Okay na kami sa GCQ kasi mula pa noong May 1, GCQ na rin talaga kami. Like nga noong April, GCQ na rin lang kami. Nag-request kami noong April, mga April 15 yata iyon, na i-declare kami na MECQ. Kapag iyong ganoong klaseng declaration, kailangan umabot sa national IATF, hindi iyong regional IATF. Kaya naipadala iyon sa national IATF ay hindi naman ibinigay at dineclare [declared] lang kami na GCQ.

Okay na rin kami doon sa GCQ kasi halos matatapos na itong May, mula noong May 1 ay GCQ na rin kami.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ngayon, Mayor, kumusta po iyong sitwasyon sa inyong mga ospital at quarantine facilities?

PUERTO PRINCESA MAYOR BAYRON: Dito sa Lungsod ng Puerto Princesa, ang pinakamaraming hina-house na COVID positive iyong city government dahil nagri-rent kami dito ng mga hotels ever since para doon i-house, ilagay iyong mga i-isolate at saka iyong mga ika-quarantine.

Iyong aming isolation and quarantine facilities na operated ng city ay kinulang na kaya nakapagdagdag na kami ng mga quarantine facilities at saka isolation facilities. Sa tingin ko hindi iyon iyong malaking problema kasi magri-rent lang naman ng hotel. Ang malaking problema ay iyong kakulangan ng mga health care [workers], mga medical practitioners na magha-handle ng mga isolation and quarantine facilities.

As of now, may mga workers kami, mga doktor, nurses na nag-positive, naka-isolate o kaya naging close contact kaya naka-quarantine. So nabawasan iyong workforce namin na mga medical health practitioners kaya may mga quarantine facilities kami na ang services ay hindi na tulad noong nagsimula kami. Kasi medyo na-spread to thinly iyong mga workers namin, health care workers.

Pero kagabi, kausap namin iyong Palawan Medical Society, at humingi na nga kami ng tulong. Kahapon nang hapon, kausap ko naman iyong representative ng DOH dito sa Lalawigan ng Palawan. Magpapadala naman iyong DOH, iyong doktor dito na nandidito, tutulong daw siya plus may mga nurses sila. Tapos iyong mga doktor naman na members ng Palawan Medical Society ay doon magtututok sa vaccination para iyong mga doktor namin at saka mga nurses namin na nandoon sa vaccination ay ma-pullout, mailagay sa mga isolation at saka quarantine facilities.

Iyong mga ospital namin sa ngayon ay puno pero hindi naman talaga iyong hindi na makatanggap, puno sila, hindi matanggap right away. Halimbawa, mayroon kaming nanggaling sa isolation tapos sabi, halimbawa, nahirapan huminga, kailangan dalhin sa ospital, hindi kaagad maipasok sa ospital; kung minsan naghihintay ng one day o two days bago siya makapasok sa hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, dahil sa usapin na iyan, kayo po ba ay may planong mas maghigpit pa ng mga regulasyon sa inyong siyudad? At papaano po iyong tourist destination ninyo diyan, bukas po ba? Pero kung bukas po, may mga restrictions po ba kayo na ipatutupad?

PUERTO PRINCESA MAYOR BAYRON: Oo, sabi ko nga, iyong number one na tourist destination namin, iyong main attraction namin, iyong Underground River. Open iyong Underground River pero walang turista talaga. Kasi, Usec., iyong mga turista namin dito, siguro mga 80% iyong local tourist, iyong mga Pilipino. Medyo siguro iyong buong bansang Pilipinas affected na masyado nitong COVID na ito kaya wala talagang dumarating na turista.

Open iyon, mayroong nakakapunta pero mga taga-dito sa Palawan, sa mga munisipiyo at saka dito sa city na gustong pumasyal doon sa Underground River. Bale iyong mga tourist destinations namin, maraming hindi nag-o-operate. Madali lang naman silang buksan, ang mahalaga lang sana na makatapos na kami dito sa vaccination na tinututukan namin ngayon para malagpasan namin itong problemang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po ang tanong ko, Mayor, kasi tinagurian nga po ninyong race against time iyong pagbabakuna sa inyong lungsod. So ano po iyong magiging strategy ninyo para mas mapabilis iyong vaccination rollout sa Puerto Princesa?

PUERTO PRINCESA MAYOR BAYRON: Yes, kagabi ay nag-meeting kami ng Palawan Medical Society. Tapos today, bibigyan namin sila ng tabulation form para i-fill up nila, malaman namin kung anong araw puwede si Doktor na ganiyan, ilang oras, magmula sa anong oras, hanggang anong oras para ma-schedule namin iyong pag-open ng mga bagong vaccination center.

As of now, iisa pa lang iyong aming inu-operate na vaccination center, iyong aming city coliseum. Nakaka-vaccinate sila doon ng hanggang 500 yata o 600 sa isang araw. Pero mabagal, nababagalan kami kasi nga gusto naming masiguro na iyong mga bakuna, iyong mga dumating na bakuna na mayroong expiry date ay makatulong kami ma-dispose iyon dahil mahalaga din sa amin iyong vaccination rollout.

So malalaman natin siguro by this weekend kung papaano namin gagawin itong pinapaapura na vaccination program. Magbubukas kami ng mga bagong vaccination centers dito. Ang sabi noong aming vaccination chairman, kailangan daw aircon iyong area kasi hirap daw iyong mga doktor at saka iyong mga nagba-vaccinate na nakasuot ng PPE. Kasi nakasuot daw sila ng PPE, sobra daw init kung hindi aircon iyong lugar.

So may tatlong mall kami rito, today kakausapin namin na mabuksan. Nagbigay na rin ng advanced information iyong dalawang mall na willing sila na doon gawin sa kanila iyong additional na vaccination center. So apurahin namin dito sa bayan, dito sa poblasyon ng Puerto Princesa na mai-rollout lahat ng vaccine na natanggap namin at saka makita namin iyong aming capability. Kasi sabi ko nga sa mga doctors kagabi na kapag nakita namin, na-assure kami na nakikipag-partner talaga kayo at saka malaki iyong time na ibibigay ninyo, magri-request kami ng more vaccines from the national government kahit na iyong mga expiring nitong end ng June para maapura rin din namin na ma-vaccinate iyong mas maraming mamamayan dito sa Puerto Princesa.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron. At kami po ay umaasa na talaga namang tuluyan na ring bababa o mawawala na rin ang kaso ng COVID sa Puerto Princesa City. Salamat po, Mayor.

PUERTO PRINCESA MAYOR BAYRON: Salamat din, Usec. Maraming, maraming salamat. Thank you sa opportunity.

USEC. IGNACIO: Samantala, puspusan po ang hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapuksa ang mabagal na serbisyo sa mga tanggapan ng pamahalaan. Kamakailan ay kinuwestiyon po ng Anti-Red Tape Authority ang FDA dahil sa nagpatung-patong na po ang mga aplikasyon sa kanilang ahensiya. Upang alamin ang update sa nasabing usapin ay makakasama po natin si ARTA Director General Jeremiah Belgica. Attorney, welcome back po.

ARTA DG BELGICA: Magandang araw po, Usec. Rocky, sa lahat ng ating mga tagapakinig. I hope everybody is safe.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nag-issue nga daw po kayo ng show-cause order sa Center for Drug Regulation and Research ng FDA dahil sa 600 unprocessed applications ng pharmaceutical companies. So nakapagpaliwanag na po ba sa inyo si CDRR Director Cirunay sa nasabing usapin?

ARTA DG BELGICA: Salamat, Usec. Rocky, sa iyong katanungan. Totoo ho iyan, sila po ay pinadalhan po ng Anti-Red Tape Authority ng show-cause order nito lamang Tuesday po na kung ay sila po ay pinagpapaliwanag po natin kung bakit hindi ho sila dapat makasuhan ng administratibo o kriminal dahil na rin po sa 600 na mga aplikasyon na nanggaling po sa 22 o 23 na mga pharmaceutical companies.

And Usec. Rocky, ang amin pong hiling sa kanila is i-release po nila lahat ng mga pending po nila doon na lampas-lampas na po ng panahon kasi iyong iba ho rito ay nakita namin as far back as 2013 or 2014 ay hindi pa rin ho naaaksiyunan. Sobra na po iyan, iyan po ayaw na ayaw ng Pangulo kaya ho atin na po silang binibigyan ho nang mas maiksi na leash para po ayusin ang mga bagay na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, so ano na po iyong susunod na hakbang ng ARTA kasunod nitong show cause order sa FDA Center for Drug Regulation and Research kung magkakaroon daw po kayo ng imbestigasyon sa iba pa po bang opisyal sa FDA dahil dito?

ARTA DG BELGICA: Tama iyon, Usec. Rocky. Ang application kasi ng permits na ito ay involving lamang iyong tinatawag na mga automatic renewal applications meaning ito ay mga aplikasyon para sa mga produkto na dati ng ginagamit sa merkado. Hindi po ito para pag-aralan pa at aalamin pa kung ito ay delikado o hindi.

Simpleng affidavit lang ho ang niri-require actually ng FDA dito na katunayan na wala hong binagong formulation. So, ibig sabihin, pagka-submit ho dapat ng affidavit na iyan automatically renewed na ho dapat iyan basta nabayaran na at nai-file iyong application. Pero sa gana pong ganiyan ay hindi ho nagiging automatic iyong renewal na ayon rin po sa kanila pong Citizen’s Charter.

Kaya nga po hindi lang, Usec. Rocky, violation ng RA 11032 or iyong Ease of Doing Business Law o iyong ARTA Law, pati na rin po lifestyle check, Usec. Rocky. Hihingin ho namin ang tulong ng Presidential Anti-Corruption Commission para alamin kasi kapag mayroon hong red tape na ganiyan eh hindi ho nalalayo iyong kurapsyon kaya po we will continue hindi lamang po si Director Cirunay pero ang lahat po ng mga tao na involved kung bakit ho hindi tumatakbo.

At sabihin ko na rin, Usec. Rocky, hindi lamang po 600 ang involved dito dahil mayroon pa hong mga dumarating na mga iba’t-iba hong mga complaints na pumapasok na po sa amin na may affidavit. Lumakas na po iyong loob ng mga taumbayan na magreklamo na po finally.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, linawin lang po natin. Dagdag na reklamo kaugnay pa rin po dito sa division na ito ng FDA sa research na ito o sa kabuuan po ng FDA?

ARTA DG BELGICA: Sa mga centers na iyan, Usec. Rocky, kasi ho alam ninyo po sa totoo lamang to be fair, simula nang pumasok po si DG Domingo last year, nag-introduce po ng mga reforms diyan – iyong mga automation, streamlining na ang ARTA din po ay very supportive din po sa kanila from the very beginning. Subalit ito pong automatic renewals po na ito ay ipinuntos na po namin sa mga centers iyan noong una pa. Sinabi ho natin na wala hong dahilan na para ipitin at patagalin po iyan pero parang it’s a ano po eh, para na ho tayong sirang plaka diyan at hindi na ho dapat naghahanap pa ho ng dahilan.

So, iyong reklamo hong pumapasok, tama po iyon Usec. Rocky, Center for Drugs pero pati rin ho sa ibang mga centers ay may mga pumapasok na din po sa amin na mga affidavits. Kaya ang hiling ko ho ‘no kina DG Domingo at saka kina Sec Duque ay linisin na ho natin ‘no, tanggalin na po natin ang dapat tanggalin po diyan at maglagay ho tayo siguro ng mga tao na dapat ho talagang mag-reporma kasama po nila, nila DG Domingo at saka nila Sec. Duque diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, matanong ko lang, so from 600, ilan po iyong nadagdag na naka-pending o mga reklamo pang natanggap ninyo?

ARTA DG BELGICA: We will be issuing, Usec. Rocky, a report po dito basta pumasok po kasi right now ongoing pa rin po ‘no. Bini-verify din ho namin kasi kung wala naman pong mga affidavits ay hindi naman ho natin agaran itong sino-show cause ‘no. So, notice of ano muna po – notice to explain pero ito po kasi mga affidavits na po ito ‘no, so ready for filing po ito once na hindi po nila tinugunan nang tama.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, anu-ano pa daw pong ahensya ang isusunod ng ARTA sa pinaigting ninyong crackdown laban sa red tape?

ARTA DG BELGICA: Marami, Usec. Rocky. Actually, sa susunod po na linggo mayroon ho tayong mga kakasuhan na ano naman – ibang ahensya. Ang gagawin ho kasi natin dito, Usec. Rocky, nakikita po namin is iyong mga ano po eh –– iyong mga matatagal na po diyan ay actually they’re just bidding their time. Iniisip nila, hindi bale hihintay lang tayo at tahimik lang tayo and then eventually siguro kapag wala na siguro ang Administrasyon ng Pangulo, wala na ang aming boss, ang aming Secretary ay balik na naman kami sa dati. Hindi ho maaari iyan.

So, mayroon ho tayong mga darating diyan, Usec. Rocky, na mga government agencies na ganiyan din po ‘no. Sunod-sunod—hindi ko lang po idi-disclose ngayon, Usec., pero we will give surely your team, ma’am, a report on this pero gusto ko lang sabihin na automatic ho iyan, lahat ho ng kakasuhan ng ARTA at iimbestigahan ay automatically rin pong ire-request namin na sila po ay i-lifestyle check. Kasi kung mayroon hong red tape, hindi ho nalalapit na nagkakaroon po ng anomalya at kurapsyon po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bigyan-daan ko lamang po iyong katanungan ng ating mga kasamahan sa media. May tanong si Cleizl Pardilla ng PTV: Last night daw po sinabi ni President Duterte na corruption will exist of there is money involved and there are a lot of tables where the papers would go through. Kumusta na raw po ang paglaban sa red tape and how many officials were apprehended, investigated or dismissed this year due to anomaly involvement?

ARTA DG BELGICA: Anomaly involvement? Marami na hong nakasuhan laban po—tungkol ho sa kurapsyon pero kung tinatanong po nila kung mayroon ho tayong mga na-file-an ng kaso, mayroon po ‘no. Mula po sa local government offices, mga governors, mayors, from the national government agencies mayroon po tayo.

Ang authority po ng ARTA ay mag-file po ng kaso sa Ombudsman or sa Civil Service, subalit iyung resolusyon po niyan ay naroroon po sa kanila at labas na po sa atin. Kaya nga po nagsanib-puwersa na po ang ARTA at saka ang PACC dahil ang PACC naman ay mayroon po silang authority naman to do lifestyle checkings.

So, ito po’y isa pong effort na ginagawa po namin magkakasama para mas mapadali din po at mapanagot ang mga nang-iipit po ng papel. Ang effort naman po ng ARTA ay hindi lamang po focused sa enforcement or iyong investigation, mayroon din po kaming powers na kung saan tumulong sa mga ahensya na mag-streamlining.

So, maganda po iyong ating mga streamlining na ginagawa sa mga agencies. Tama po iyong sinabi ni Pangulo na kapag marami hong dinadaanang kamay, dinadaanang la mesa ay tumataas ho ang pagkakataon na magkaroon ho ng kurapsyon. Kaya po streamlining and reengineering of process is very important sa laban po natin sa kurapsyon at red tape.

Nakita ho natin iyong automation po natin sa mga LGUs, more than 500 LGUs na po ang may automated process sa kanilang business permits, gayun din po iyong ating Central Business Portal ay ongoing na po na kung saan ang dating umaabot na 33 days to 60 days para makapagbukas ka ng isang korporasyon, mairehistro mo sa BIR, SSS, PhilHealth, PAGIBIG at saka LGU ay ngayon po ay hindi na po lalampas ng isang linggo. At hopefully, ang amin pong target ay sa loob lamang po ng isang araw ay mai-rehistro mo ang iyong korporasyon sa lahat ng mga agencies na involved hindi lamang sa isa.

So Usec. Rocky, ito po’y kaalinsunod po sa tulak po ng ating Pangulo na labanan ang red tape at kurapsyon and to put everything online.

Kamakailan lamang din po, Usec. Rocky, ay mayroon din hong nasuspinde na isa pong opisyal po ng LTO sa isa pong city dito sa Metro Manila, sa tulong na rin po ni Secretary Tugade at ng pamunuan po ng LTO dahil po sa cut-off system na naabutan po ng ARTA noong kami po ay nag-surprise inspection. So, tuluy-tuloy po ito at sustained effort po tayo, Usec.

USEC. IGNACIO: May follow up question po si Cleizl: Kung may observation kung dumami o kumonti na iyong officials involved in corruption sa gitna po ng pandemic?

ARTA DG BELGICA: Dumami o kumonti? Sa tingin ko, Usec., mas kumonti ang pagkakataon nila pagdating po doon sa mga dating mga proseso, kasi in-automate po natin ano, pero ang sinasabi nga po natin ang korapsiyon ay parang tubig iyan, laging naghahanap ng lalagusan. So, there are two main contributors kasi po ng corruption. Number one is the opportunity of corruption, number tow is the desire to commit corruption.

So on the opportunity, iyan po ang magagawa ng ARTA, bawasan po ang pagdaan sa mga kamay at also, bawasan ang proseso at i-automate para wala pong pagkakataon. Ngayon, masasabi ko po ay mas nabawasan po ang pagkakataon po sa maraming mga proseso sa gobyerno katulad po noong atin pong nakalipas na streamlining na ginawa po sa mga common towers, sa mga telecommunications sa companies na nahihirapang kumuha ng permits sa towers.

Dati po inaabot sila ng walong buwan hanggang isang taon, ngayon po ay hindi na po lalagpas ng 16 na araw ay nakukuha na po ang mga permits. So, kung sakali pong lalagpas naman po, mayroon na rin po tayong provisions sa batas ng ARTA Law na automatic approval. So kapag inipit ang papel mo at hindi po inaksiyunan ay maaari pong i-declare na ito na automatically approved mismo po ng ating batas po. Halos sampung libo na pong permits ang nadeklara po ng ARTA na automatically approved by operation of law, dahil ito ay kumpleto na.

USEC. IGNACIO: Attorney, sa usapin naman po ng bakuna ano po, nakapulong po ninyo nitong linggo si Dr. Samuel Ang, tama po ba, na Hospital Administrator ng Chinese General Hospital para daw po pag-usapan iyong kaniyang concerns sa ‘di umano’y red tape sa pagbili ng vaccination venues. Ano po ang naging resulta ng pulong mo sa kaniya?

ARTA DG BELGICA: Napakaganda Usec. Rocky ‘no. Dalawang bagay iyong sasabihin ko na ginagawa po ng ARTA na tulong pagdating po sa ating vaccination. Iyong una po iyong binabanggit nga po ninyo na nabanggit po nila Dr. Ang na sa isa ho nilang pulong kasama po sila Secretary Charlie Galvez ay nabanggit po nila na nais pong tumulong ng mga hospital na magkaroon daw po sila ng vaccination, tumulong sila sa pagba-vaccinate lalo sa ina-anticipate na pagbuhos ng mga vaccines dito po sa ating bayan para hindi ho humaba nag pila, hindi po mahirapan, makatulong ang private sector. Subalit gawin pong mabilis at madali ang accreditation po ng mga hospitals sa mga lugar na kung saan puwede sila mag-conduct ng vaccination.

So, malaking bagay po na mabigyan ng tamang guidelines ang mga LGUs, kasi ang mga LGUs ang siyang mag-a-accredit naman doon sa mga hospitals kung saan nila puwedeng gawin iyong vaccination. So, magkakaroon po tayo ng meeting this coming week, next week po, together po doon sa mga hospital at doon sa industry para makuha po natin iyong kanilang mga inputs pa in anticipation dito po sa darating po na pagpasok po ng iba pang mga vaccines natin. So, maganda po iyon magtutulung-tulungan, they are very grateful din po.

Pangalawa, ang ARTA rin po ay ang nag-initiate in compliance doon po sa direktiba ng ating Pangulo na gumawa po ng green lane para po sa mga vaccine manufacturers na gusto pong magtayo ng kanilang planta dito sa ating bansa. Ito po ay bunga ho ng report ng ating Secretary of Trade na si Secretary Lopez noong minsang talk to the people po ng ating Pangulo na kaniya pong nirekomenda sa Pangulo na magkaroon po ng green lane para doon sa kumpanya na gustong magtayo ng vaccine plant po dito.

So agaran pong binigyan ng direktiba po ng ating Pangulo ang ARTA na pangyarihin ang green lane na ito. So mayroon na po tayong nagawa sa tulong ho ng mga private sector at ng mga iba’t ibang agencies na Joint Memorandum Circular na pina-finalize na po at mapipirmahan upang sa loob po siguro ng 10 months, Usec. Rocky, na mapirmahan itong Joint Memorandum Circular na ito magkaroon tayo ng sarili nating Fill and Finish na planta dito sa ating bansa. Mayroon na tayong at least isa na pharmaceutical company na handa silang magtayo dito sa ating bansa basta maitaguyod natin iyong green lane at matulungan din sila sa mga insentibo na maaaring maibigay sa kanilang pagtatayo dito ng planta.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, ARTA Director General Jeremiah Belgica. Salamat po.

ARTA DG BELGICA: Salamat po, mabuhay po kayo, Usec. Stay safe.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Groundbreaking ceremony ng Overseas Filipino Workers Village isinagawa sa Kidapawan City, North Cotabato; Senator Bong Go nagpaabot ng tulong para sa mga kababayan natin naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa probinsya. Narito po ng report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po alamin ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating Overseas Filipino Workers sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic, makakausap po natin si Director Alice Visperas, Director IV ng DOLE International Labor Affairs Bureau. Welcome po sa Laging Handa, Director?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Magandang umaga po, Usec, at sa lahat po ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Iyong tanong ng ating kasamahan sa media ano po. Tanong mula kay Louisa Erispe ng PTV: Sa kabuuang daw po ilan na po ang nari-repatriate na OFWs dahil po sa pandemic and tuluy-tuloy po ba ang pagtanggap ng application for DOLE-AKAP?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Okay. Para po sa katanungang iyan, sa ngayon po mayroon na po tayong total of 544,624 OFWs na na-repatriate na po sa kani-kanilang mga home towns dahil po sa COVID-19 pandemic. In addition po mayroon pa po tayong naka-line up na 49,000 OFWs for repatriation at mayroon pa pong 78,519 na displaced din due to COVID na nag-opt naman po na mag-stay onsite.

Iyong tungkol po sa AKAP, tuloy-tuloy po ang ating programang AKAP or Abot Kamay ang Pagtulong sa mga OFWs at sa ngayon po ay mayroon na po tayong 514,630 OFWs na nabigyan ng P10,000 or 200 dollars na AKAP financial assistance – amounting na po ito sa 5.219 billion pesos.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Louisa Erespe: There were earlier reports na po na halos maabot na ng Pilipinas iyong 5,000 deployment cap for Nurses. Ano daw po ang update dito with IATF kung madadagdagan iyong deployment cap? And sa ngayon po ba aprubado na ang exception sa deployment cap ng nurses sa United Kingdom at kumusta rin po iyong 15,000 nurses na request ng Germany?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Sa ngayon po, tama po kayo marami pa pong pangangailangan ng mga nurses sa iba’t ibang bansa lalo na po doon sa mga mayroong mga aging population. Kaya nga po ang United Kingdom, ang government ng United Kingdom ay nag-request po na pinarating naman ni Secretary Bello sa IATF para po sila ay ma-exempt doon sa 5,000 na cap.

So, doon lamang po sa UK pa lang alone for the period of January to March 2021 ay mayroon na po silang na-receive po na 3,000 na request—1,000, sorry, 1,000 na request for jobs na mga nurses po sa UK.

Kaya tama po iyon ay malapit na po natin ma-exceeds iyong 5,000 nating cap for nurses po at tama din po kayo, malaki din po ang pangangailangan sa bansang Germany at sila po ay nagri-request sa atin, meron po tayong tinatawag Triple Win Project sa Germany kung saan nagpapadala po tayo ng ating mga nurses; so, government-to-government arrangement.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, nag-e-escalate po ang tension ngayon sa Israel, tanong po ng kasama natin si Naomi Tiburcio ng PTV 4, parehas po sila ng tanong Louise Erespe at ni Cresilyn Catarong ng SMNI:

Ano raw po ang update sa mga manggagawang Pilipino na apektado ng gulo at ano po ang ginagawa ng inyong tanggapan para masiguro po ang kanilang kaligtasan; at kung may natatanggap po ba daw tayong reports mula sa Labor Attaché sa Israel na may mga OFWs na humihingi na ng tulong for repatriation?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Okay. Sa ngayon po tama po kayo medyo nag-e-escalate po ang kalagayan doon sa Israel at ang ating pong Labor Attaché Rudy Gabatan ay aktibong nagri-report sa ating mahal na Secretary Silvestre Bello III tungkol sa kalagayan ng ating mga OFW sa Israel.

Wala pa naman po awa ng Diyos na nairi-report na mayroong OFW na nasaktan o humihingi na ng tulong upang sila ay makauwi mula po sa bansang Israel at iyong pong ating mga members ng POLO doon, ang ating pong Philippine Overseas Labor Office ay ligtas naman din po ang kanilang kalagayan.

So, ngayon po patuloy lang tayo sa pagmu-monitor sa kalagayan ng ating mga OFWs at nagpalabas na din po ng advisory ang ating POLO na para sa mga OFWs na manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan o sa kanilang pinagtatrabahuhang opisina, kung hindi na kailangang lumabas upang maka-iwas po sa disgrasya sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Israel.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Ma’am, mayroon po bang nagpaabot na ng mensahe na may mga nais umuwi sa Pilipinas dahil sa nangyayari sa Israel?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Sa ngayon po, iyong sa report po ng Philippine Overseas Labor Office, wala pa naman pong nagpapahayag ng interes na sila po ay mapauwi na. Mayroon po tayo sa ngayon na recorded na 19,000 documented OFWs at 6,000 undocumented OFWs sa Israel, wala pa pong nari-receive ang ating POLO na request for repatriation.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Yes po, yes po.

USEC. IGNACIO: Opo. Medyo hindi ko po kayo narinig kasi kanina iyong kung nasagot ninyo iyong tanong ng ating kasamahan na kung mayroong nagbibigay ng mensahe na [garbled] nais umuwi sa Pilipinas?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Opo. Sa ngayon po wala pa po Usec. na nagri-report po ng tulong or nagpapahayag na nais na nilang umuwi dahil sa nangyayari po ngayon sa Israel.

USEC. IGNACIO: May tanong po si Cresilyn Catarong ng SNMI: Kumusta naman po daw ang ating mga kababayan naman sa India? Marami na po ba sa kanila ang nagpahayag na nais na makauwi sa Pilipinas; at kung mayroon man po, ano daw po ang plano ng pamahalaan dito?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Iyong pong tungkol sa kalagayan ng ating mga kababayan sa India, nais ko lang lamang ipabatid sa lahat na konti lang po ang ating OFWs diyan, higit 1,000 lang po but never the less hindi natin maaring ipagwalang-bahala iyong kanilang kalagayan at in the absence of a Philippine Overseas Labor Office sa India, ang atin pong Philippine Embassy ang tumutugon sa pangangailangan sa ating mga OFW at manggagawang Pilipino na nandoon ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo na nga po na nasa 1,000 lang po iyong mga Pilipino na nasa India ngayon, Ma’am?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Yes po, iyong mga OFW po natin doon, more than 1,000 lang po. At dahil wala nga po tayong Philippine Overseas Labor Office doon, ang Philippine Embassy po natin ang nangangalaga po sa kanilang kalagayan doon sa India.

USEC. IGNACIO: Opo. Marami na pong mga bansa sa ngayon iyong nagru-roll-out ng kanilang vaccination program kontra COVID-19. Ma’am so, anu-ano pong bansa sa ngayon iyong pong nakapagbigay ng COVID-19 vaccine sa ating mga kababayang OFWs at ilan na din daw po ang mga OFWs na nandito sa bansa ang nabakunahan na?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Okay. Usec., sa ngayon po marami na pong mga bansa, tama po kayo ang nagbibigay na ng vaccination, COVID-19 vaccination sa ating mga OFWs. Dito po sa Asia, nangunguna po ang Hong Kong, actually ang gusto nga po nila gawing mandatory iyong pagbibigay ng vaccine sa ating mga OFWs.

Ang Japan, simula po noong July last year ay nagbigay na po sila ng vaccine sa mga OFWs. Ganoon din po ang Singapore, marami na pong nabakunahan sa ating mga OFWs lalo na po iyong ating mga health workers and other skilled workers na nandoon.

Sa UK po, pag dumating doon ang isang OFWs, agad po silang binabakunahan lalo na po ang mga health care workers; ganoon din po sa bansa ng Bahrain, Oman, UAE, Kuwait at Saudi, nakapagbigay na rin po ng vaccination sa ating mga OFW.

USEC. IGNACIO: Opo, para naman daw po mas mabigyan ng proteksiyon at pangangalaga ang ating mga OFWs, patuloy po iyong pagkakaroon natin ng mga bilateral agreements ano po para sa ating iba’t-ibang destination countries. Saan-saan po itong mga bansa at kung mayroon po bang [garbled] pa rin ang Pilipinas at may mga inaasahan po ba tayong mga agreement pa rin na maaring malagdaan sa mga darating na buwan?

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Opo. Sa ngayon po sa record po ng Department of Labor and Employment, meron na po tayong 42 valid bilateral agreement, labor agreement na napirmahan po natin sa mga bansa po ng Canada, Japan, China, Kuwait, Jordan, Israel, Korea, Kingdom of Saudi Arabia, UAE, Taiwan, New Zealand, Germany, Switzerland, Lebanon, Libya at marami pa pong iba.

Mayroon pa po tayong mga pending labor agreement po with the United Kingdom, with Bahrain, with Oman, Malta, Surinam, Mongolia, Russia, Thailand, Korea, Taiwan at iba pa pong mga bansa. So, ito po iyong mga bilateral labor agreement natin Usec.

USEC. IGNACIO: Opo, Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras Director Alice Visperas ng DOLE. Salamat po sa inyong panahon.

DOLE ILAB DIR. VISPERAS: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito na po ang pinakahuling datus ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, May 13, 2021:

  • Umabot na po sa 1,124,724 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 6,385 na mga bagong kaso;
  • 107 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na po sa 18,821 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman po natin na gumaling na sa sakit ay nasa 1,050,643 matapos makapagtala ng 4,289 new recoveries kahapon.
  • Ang total active cases sa kasalukuyan ay nasa 55,260.

Mula naman po sa PTV- Cordillera kunin natin ang report ni Alah Sungduan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Alah Sungduan.

Samantala, nagdesisyon ang Cebu LGU na pansamantalang isara muna ang Cebu International Airport. Alamin natin ang detalye mula kay John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, kaugnay po sa concern ng Hospital Administrator ng Chinese General Hospital, nais ko lamang po linawin na imbes na pagbili ng bakuna ito po ay pagpili ng bakuna. Salamat po.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap.

Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center