Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayong araw po ng Sabado muli ninyo kaming samahan sa loob ng isang oras na talakayan kaugnay pa rin po sa mga mainit na issue sa bansa at hatid din namin sa inyong ang pinakahuling pangyayari sa ating mga lalawigan. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon, Jr.; LTO Law Enforcement Service Deputy Director Roberto Valera; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kung mayroon po kayong katanungan para sa kanila, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

Sa atin pong unang balita: Muling nagpaalala si Senator Bong Go sa mga otoridad na bukod sa bilisan ay planuhing mabuti ang vaccination rollout at siguruhing wala ni isang bakuna ang masasayang. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Habang nagpapatuloy po ang oral arguments ng Anti-Terrorism Law sa Korte Suprema, nito lamang Miyerkules ay naglabas ang Anti-Terrorism Council ng listahan ng mga umano’y terorista sa bansa. Iyan at iba pang updates sa NTF-ELCAC ang ating aalamin kasama po si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr. Welcome back, Secretary.

NSA SEC. ESPERON: Magandang umaga Usec. Rocky at babati lang ako sa mga tagasubaybay ng Laging Handa sa PTV-4, magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Secretary, ano daw po iyong naging basis ng ATC sa inilathala ninyong listahan na sinasabi ninyong mga terorista at paano rin po nagkaroon ng verification bago po isapubliko ang kanilang mga pangalan?

NSA SEC. ESPERON: Unang-una, ang Anti-Terrorism Council, gusto ko lang ipaalam ay sa pamumuno ng ating Executive Secretary Salvador Medialdea at ako ang Vice Chairman, ito ang Anti-Terrorism Council at mayroon pang pitong miyembro na Secretary, kasama na diyan ang Anti-Money Laundering Council. Technical Advisers natin ang NICA, ang Armed Forces at saka PNP. Ibig sabihin iyong aming proseso ay dumadaan sa combined effort ng mga agencies na members ng Anti-Terrorism Council. Kaya makakasiguro kayo na ang ating pagpapalabas ng listahan ng mga terrorist ay napadaan sa masusing pananaliksik.

Ito pong basehan nang pagdeklara ng terrorism ay ang United Nations Resolution, Security Council Resolution 1343 na kung saan ay sinabi na kung ano iyong mga terrorist organizations, kasama na diyan ang Communist Party of the Philippines. Sa katunayan, ang Communist Party of the Philippines ay isa ring designated organization sa European Union, sa United States, sa Australia – sa Australia kasama pa nga ang pangalan mismo ni Jose Maria Sison – sa Canada sila ay designated din at ganoon din sa New Zealand. Ibig sabihin ang basehan ng aming—

Bukod diyan ay noong 2017 December ay nag-issue na rin ang ating Pangulo ng Presidential Proclamation 374 declaring the Communist Party of the Philippines and the New People’s Army as terrorist organizations in connection with the terrorist financing, Republic Act 10168. So talagang lahat iyan ay pinagsama-sama upang sila na nga ngayon ay ma-designate na terrorist as provided for in the new Anti-Terrorism Act.

Ang designation ay nagsasabi lamang na sila ay mga miyembro ng terrorist organization at kung sila ay miyembro, kailangan ma-frozen iyong kanilang assets. So iyan ang basehan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isa nga po sa kinu-contest ng mga petitioners sa oral argument po ng Anti-Terror Laws ay iyong ‘di umano’y pagiging ‘vague’ ng definition ng terorismo sa nasabing batas. Itong naging hakbang daw po ng ATC ay ‘di umano’y hindi daw po malinaw na halimbawa sa pagmamalabis sa Anti-Terror Law lalo’t hindi naman naglabas nang malinaw na ebidensiya kung bakit sila ay dapat tawaging terorista.

NSA SEC. ESPERON: Kailangan pa ba natin nang malinaw na ebidensiya kung iyong labingsiyam na nakalagay diyan ay mga Central Committee members ng Communist Party of the Philippines na nagpapatakbo ng insurgency nang 52 years na, 52 years. Sila ang Central Committee members, napakalaki na ng kasalanan ng mga ‘to at bukod diyan, iyang sina Sison, Ladlad, Baylosis, Juliet Sison, Madlos – bukod diyan ay may mga warrant of arrest ang mga iyan, may mga warrant of arrest sila bukod sa pagiging Central Committee member nila ay politburo iyan. Kailangan pa ba nating patunayan pa kung alam na natin na—ano pang patunay ang kailangan natin kung sila na nga ang nagpapatakbo ng New People’s Army?

At bukod diyan, may mga warrant of arrest ang mga ‘to. Halimbawa si Jose Maria Sison, isang warrant of arrest niyan ay dahil doon sa Inopacan case, ito iyong i-finile (filed) namin noong Chief of Staff pa ako nang 2006 at hanggang ngayon ay nililitis pa iyong kaso tungkol sa internal purgings. May mga nadiskubre na mga mass graves ng mga kasama nila at mga sibilyan na inilibing sa Inopacan noong 1985. Dahil nagkaroon ng internal purgings nationwide kaya mayroong Oplan Kadena de Amor diyan sa Southern Tagalog, Oplan Missing Link, mayroon ding Oplan Venereal Disease doon sa Leyte, mayroon ding Oplan Zombies doon sa Mindanao.

Mahigit na 4,000 ang kanilang inimbestiga at karamihan ay pinatay nila. Nakita iyan sa mga mass graves. Iyong mga biktima mismo na nakaligtas ay may mga libro pang isinulat diyan. napakarami nang kasalanan nitong Central Committee members na ‘to. Ngayon sasabihin nila hindi sila terorista na gumagamit ng dahas?

Eh sa totoo lang, alam mo ba Usec. Rocky na ang Pilipinas ay number 10 sa global terrorism index? Number 10 tayo, number 10 noong 2020; number 10 tayo worldwide! Alam mo ba kung bakit? Dahil sa NPA, 60% ang kaniyang contribution sa violent extremism sa Pilipinas.

Kaya iyan, mga mananagot ang mga ito. Pananagutin na natin ang mga ito, mga Central Committee members ng Communist Party of the Philippines na siyang nagpapatakbo ng New People’s Army.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito po ba daw na hakbang na ginawa ng ATC ay hindi naman po ba violation sa right to due process ng mga nasa listahan?

NSA SEC. ESPERON: Hindi violation iyan kasi mayroon na nga silang mga warrant of arrest at saka nandito sa Section 25 ng Anti-Terrorism Act na maaaring mag-designate. Iba pa iyong proscription. Puwedeng i-designate dahil nandoon na sa listahan ng United Nations Security Council at saka nasa listahan na rin ng ibang mga bansa tulad ng Estados Unidos, New Zealand, Canada, Australia, European Union. Nandoon na, iyon ang sinasabi natin dahil sa dami ng kaso nila ay nalista na sila pati sa ibang bansa.

At mayroon na ring proclamation ang ating Pangulo na terrorist sila, CPP-NPA noong December of 2017. Itong ginawang ito ng Anti-Terrorism Council ay formalization lamang ng napakarami nang designation sa Communist Party of the Philippines and the New People’s Army. At ito ngayon, designation sa mga specific persons ay naaayon na rin diyan sa designation sa Section 25 ng Anti-Terrorism Act. Eh sino pa ba ang uunahin nating i-designate na mga personalities? Si Sison ba nagdi-deny ba siya na siya ang Chairman ng CPP-NPA? Iyong mga nandiyan na labingsiyam pa, nagdi-deny ba sila samantalang napakarami na naming mga report at information tungkol sa kanila? Dumaan lahat ito sa sistema ng intelligence ng Armed Forces at NICA at iba pang ahensiya.

Iyon namang sa mga local terrorist, ito iyong mga taga-Mindanao, iyong sa Maute, sa Abu Sayyaf Group, sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters – sila iyan, sila naman iyan. Marami nang atrocities ang mga ito, maraming cases filed in court. Kaya kung probable cause ang pag-uusapan ay sobra-sobra pa dahil mayroon nang mga warrant of arrest ang mga ito. Ito na iyong, halimbawa si Mudzimar Sawadjaan, iyan ay isang planner ng mga suicide bombing sa Jolo Cathedral at saka iba pang lugar sa Jolo. Talagang itong mga ito, Abu Sayyaf at saka na-affiliated sa ISIS, Islamic State in Iraq and Syria, ay talagang mga alam na alam na natin na mga terorista ang mga ito.

Hindi ba tayo dapat magpasalamat na nalalaman ng tao iyong mga terorista eh.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang araw nga po daw matapos ilabas iyong listahan, may mga nag-file na nga po ba sa ATC ng petition for delisting at ano rin po iyong mangyayari kung hindi po sila makapag-file ng delisting sa loob daw po ng itinakdang araw?

NSA SEC. ESPERON: Fifteen days they can file for delisting. Ngunit alam mo iyong mga Abu Sayyaf hindi na magpa-file iyan dahil talaga namang terorista ang mga iyan. Eh ‘di mag-file sila, sina Sison mag-file sila. May warrant of arrest nga iyan, eh ‘di pumunta siya dito at panagutan pa niya iyong iba pa niyang mga kasalanan. Iyan ang makikita mo na sa Anti-Terrorism Law, mayroon pang mga provisions na petition for delisting, may pagkakataon sila kung hindi sila terorista. Pero palagay mo ba iyong Central Committee members na iyan ay lalabas sila?

Halimbawa si Benito Tiamzon. Alam mo ang istorya niyan, Rocky, karamihan diyan sa kanila, marami diyan sa kanila ang dati nang mga nakulong, nahuli na – si Benito Tiamzon at saka si Wilma Austria, mag-asawa na matataas ang posisyon sa Central Committee. Si Tiamzon ang dating Chairman in country at sa Finance naman si Wilma Austria. Nahuli na iyan noong 2014, nahuli na ang mga iyan – nakakulong. Noong nagkaroon ulit ng peace talks ay ginawa silang mga consultants, ginawa silang mga consultants sa peace talks.

Pero talaga bang consultant sila o ginawa lang na paraan para makaalpas na naman sila sa kulungan? Ngayon wala ng peace talks, nasaan sila? Bumalik pa ba sila? Hindi na! In other words, niloloko lang tayo ng mga iyan. Kapag nagpi-peace talks, lahat ng mga nakakulong na mga kasama nila gagawin nilang consultant daw, pagkatapos hindi na babalik. Pamamaraan lang nila iyong tinatawag nilang consultant-consultant na iyan upang makaalis sa mga kulungan. Iyan sina Benito Tiamzon, sina Ladlad mga consultant iyan tapos sinasabi nila ngayon ay sila daw ay mga peace loving people dahil consultant sila. Ah maliwanag naman, makikita naman na nag-consultant sila para lang makatakas, para lang makawala.

USEC. IGNACIO: Follow up ko na lang po itong tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer para sa inyo tutal sinabi ninyo na po iyong peace talks: Ano daw po ang effect noong ATC sa designation of peace talks consultants as terrorist to the stalled peace talks? Does this mean there is no chance of a resumption of peace talks?

NSA SEC. ESPERON: Noong November 2017 ay tinerminate na ng Pangulo ang usaping pangkapayapaan, ang peace talks sa kadahilanang itong mga CPP-NPA ay hindi naman makasunod sa mga ceasefire. At kung magkaroon naman ng ceasefire sa mga pagkakataon na sumunod sa ceasefire, tuluy-tuloy naman ang kanilang panununog ng mga construction equipment, pagpapatay ng mga tao, pag-harass ng mga detachment at pagpatay ng mga taong hindi nila makumbinsi na sumama sa kanila.

At noong nagkakaroon ng peace talks ay mayroon silang pinipresenta na tinatawag nilang comprehensive agreement on socioeconomic reforms. Alam mo ba, Rocky, na ang laman nitong socioeconomic reforms ay kasama na diyan ang pamimigay ulit ng lupa. At alam mo ba kung sino gusto nilang mamigay? Iyong New People’s Army at magkakaroon ng joint monitoring committee – lima sa kanila, lima sa atin. Sampung joint monitoring committee ang gustong gawin para ipatupad ang comprehensive socioeconomic reforms kasama na diyan iyong pag-nationalize ng mga industriya, pagtanggal ng mga international treaties and commitments – at parang lumalabas, parang nanalo sila.

Kaya ang sabi ng Pangulo ay, “Parang ang gusto ninyo yata coalition government. Eh hindi ko maibibigay sa inyo iyong mandato na ibinigay sa akin ng ating mga kababayan. Ibinoto nila ako bilang Pangulo at ngayon gusto ninyong mag-coalition government? Hindi pupuwede iyan.” Kaya ang sabi ng Pangulo, “Tutal hindi naman ninyo marendahan iyong mga puwersa ninyo dito, or inuutusan pa nga ninyo silang gumawa nang violence eh i-terminate ko na itong peace process/peace talks na ito.” That was November 2017.

Ang tanong nagri-resume pa ba ang peace process? Sa ngayon ang nangyayari ngayon ay may localized peace engagements, but orchestrated by—nationally orchestrated by what we call the localized peace engagement cluster of National Task Force-ELCAC which is chaired by the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

So mayroon tayong localized peace talks at sa pamamagitan niyan, diyan lumalabas ngayon iyong mga agreements. Natapos na natin iyong agreement with the RPA-ABB, ito iyong Alex Boncayao Brigade dati na tapos na natin ang agreement diyan. Doon naman sa ibang lugar ay kausap natin iyong mga district units ng NPA at sila ay lumalabas, kaya napakarami ngayong lumalabas na at napapasailalim ng tinatawag nating Enhanced Comprehensive Local Integration Program and Amnesty. Nagbabalikan sila, napakarami ng nagsu-surrender bumabalik sa folds of the law at iyan ay nabibigyan natin ng livelihood assistance, resettlement assistance, binabayaran din iyong kanilang mga baril na dinadala at marami na sa kanila ang nakatanggap na ng housing assistance. Napakarami na niyan kaya tuluy-tuloy na bumababa ang mga fighters nila.

Iyan ang peace talks; ang peace talks tutuloy pa ba? Eh ang Pangulo naman ang lagi niyang sinasabi alang-alang sa katahimikan ng ating bansa kung kailangan ng makipag-peace talk sa kanila ay gagawin natin, pero hindi pa ngayon, hindi pa ngayon. Mayroon naman tayong localized peace engagement, iyan Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary, hinihimok po ng mga petitioners ang Supreme Court na pagbawalan kayong makilahok sa mga isasagawa daw pong oral arguments, pinapa-strike out din nila iyong diumano naging appearance ninyo noong May 12 at gawing invalid ang inyong testimonya. So ano daw po ang masasabi ninyo dito?

NSA SEC. ESPERON: Well, unang-una, ako ay tinawag ng ating kagalang-galang na mga Associate Justices at may mga tanong sila sa akin kaya ako ay nag-appear sa Supreme Court hearings. Isa sa mga nagging katanungan diyan ay ang pagri-red tagging daw, kaya ipinakita ko doon sa aking first day of appearance/testimony na mayroon pa lang video tape itong si Jose Maria Sison noong April 24, 2021, iyon iyong 48th anniversary ng National Democratic Front. At sana maipakita ko rin sa inyo dito, dahil isang oras iyon, pero maski na two minutes lang, mayroong portion iyon na sinasabi niya kung sino iyong mga affiliate organizations na underground mass organizations nila.

Sinabi niya:

  1. Number one, Communist Party of the Philippines.
  2. New People’s Army.
  3. Revolutionary Council of Trade Unions.
  4. Katipunan ng mga Samahang Manggagawa
  5. Pambansang Kilusan ng mga Magbubukid
  6. Malayang Kilusang Bagong Kababaihan, ito iyong nag-i-infiltrate sa Gabriela.
  7. Kabataang Makabayan, ito iyong gumagawa ng mga asosasyon tulad ng Anakbayan, LFS, Kabataan o nag-i-infiltr5ate sa mga unibersidad o mga paaralan.
  8. Katipunan ng mga Gurong Makabayan (KAGUMA), ito naman iyong nag-i-infiltrate sa Alliance of Concerned Teachers.

Please take note Usec. Rocky na sinasabi kong ito iyong mga nag-i-infiltrate ng mga organizations, kasi itong mga underground mass organizations na ito ay talagang binuo ng Communist Party of the Philippines upang mag-infiltrate or mag-control ng mga sectoral organizations. Kaya ang KAGUMA, Katipunan ng mga Gurong Makabayan, ito iyong nag-i-infiltrate sa mga asosasyon, magagandang asosasyon tulad ng Alliance of Concerned Teachers, eh napakaraming concerns ang teachers, may mga adhikain iyan na magaganda kaya lang sa iba napupunta na ngayon, nagiging pamamaraan nila upang magkaroon ng organisasyon na kumukontra sa gobyerno – iyong Alliance of Concerned Teacher.

  1. Malayang Makabayan Samahang Pangkalusugan, ito naman ang may control sa Alliance of Health Workers.
  2. Liga ng Agham para sa Bayan.

Mga underground organizations ito, baka ngayon lang ninyo maririnig.

  1. Lupon ng mga Manananggol ng Bayan, ito naman iyong nag-i-infiltrate sa lawyers organization.
  2. Artista at Manunulat para sa Sambayanang Pilipino (ARMAS).
  3. Makabayang Kawani ng Pamahalaan, ito iyong nag-i-infiltrate sa gobyerno at gumagawa ng mga organisasyon tulad ng COURAGE.

Mayroon silang bago na lumabas.

  1. Revolutionary Organization of Overseas Filipinos and their Families.
  2. Nandiyan pa rin ang Christians for National Liberation para sa Church naman ito.
  3. Nandiyan iyong Cordillera People’s Democratic Front.
  4. Moro Resistance Liberation Organization
  5. Rebolusyonaryong Organisadong Lumad.

Iyan ang mga underground organizations na noon ay hindi namin alam. Ngayon ko lang nalaman, matagal na akong intelligence officer noon pang 1977. Nakumpleto na rin at kanino nanggaling, sa bibig mismo ni Joma Sison. Iyan ang aking two minutes na pinakita sa Supreme Court, iyan ang pina-strike out ngayon ng mga petitioners. Siguro nakikita nila na iyong iba diyan ay kasama pala sila diyan, iyong mga nagpi-petition ngayon na iyan. Hindi ko pa lang kung sino ang nagpi-petition, pero titingnan natin kung anong organisasyon sila dahil baka naman—iyan pala baka puwede nating i-play up si… para hindi nanggagaling sa akin iyang mga underground mass organizations, puwede ba nating iparinig iyong video tape na two minutes, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Tingnan lang natin sa PTV kung maari. Pero antayin na muna natin, Secretary. Bago po iyan, bigyang-daan po muna natin iyong tanong po ng ating kasamahan sa media.

Tanong po ng Tribune News Desk: Following daw po President Duterte’s declaration that local ships would not move an inch backward in West Philippine Sea, how are our patrols doing, do they have enough resources such as food; will this be the policy of the administration until the end of the President’s term?

NSA SEC. ESPERON: Sa totoo lang, Usec. Rocky, iyong policy ng pagpa-patrol diyan sa West Philippine Sea ay hindi talagang ginampanan iyan magmula po noong simula. Ako naman ay Chairman ng National Task Force on West Philippine Sea, iyan ang aming tinitingnan.

The National Task Force on the West Philippine Sea was created to harmonize and coordinate the actions of government in the West Philippine Sea, pati na iyong deployments ng ating mga forces diyan ng military, ng Philippine Coast Guard, ng Bureau of Fisheries at Philippine National Police at iba pang ahensiya. Kasama na rin diyan sa National Task Force na iyan ang ating diplomatic group. Mayroon din tayong legal group, mayroon din tayong information group, mayroon din tayong intelligence fusion working group. Nandiyan lahat iyan!

Kaya masasabi ko lang, iyong pag-deploy ng Philippine Navy o kaya Coast Guard o kaya Bureau of Fisheries at ngayon iyong Philippine National Police ay dati ng ginagawa iyan, pinapaigting lang natin ngayon kasi nakikita natin na kailangan talagang bantayan iyong ating siyam na puwesto diyan.

Alam mo kasi ang West Philippine Sea at ang Kalayaan Islands ay nandiyan, mayroon tayong tinatawag na Exclusive Economic Zone at siyam ang ating station diyan, pero mayroon ding 21 na posisyon ang Vietnam. At may pito rin na posisyon ang China, sila ngayon ang may pinakamalaking posisy0n dahil iyong isang lubog na lugar dati iyong Mischief Reef ay mayroon ng 590 hectares na na-reclaim. Gumawa sila ng pitong artificial islands noong panahon ng nakaraang administrasyon na ngayon at tinutuloy pa rin nilang i-improve.

Mahirap ng tanggalin iyan at gusto nga ni Carpio at ni Del Rosario ay kunin natin, bawiin natin ang mga iyan. Iyong mga nagawa nilang kasalanan ay gusto nilang bigyan natin ng lunas, nawala nila ang Scarborough, gusto nilang bawiin natin. Iyong mga isla ngayon na malalaki na, ay gusto na nilang paalisin natin iyong mga nandoon. Na akala mo naman, atin talaga lahat iyong buong 200 nautical miles, hindi! Nandiyan ang posisyon ng China at saka Vietnam. Kaya hindi basta-basta ganoon, hindi parang naglalakad ka sa Luneta Park. Kapag pumunta ka diyan ay mayroon kang mga ibang bansa na nakapuwesto rin sa mga kaniya-kaniyang isla. Katulad ng China, gumawa ng pitong artificial na isla.

Alam mo bang iyong Mischief Reef 590 hectares ay mahigit na dalawang beses na kasing-laki ng Bonifacio Global City at mayroong 3 kilometers na runway. Mayroon pa silang dalawang isla diyan iyong Fiery Cross at saka Subi n mayroon ding 3 kilometers na runway. Napakalaking mga isla ngayon iyan. So hindi basta-basta ang ating makikita diyan, kaya hindi lang sa instruments of national power ay gagamitin nating lahat para maprotektahan din iyong ating siyam na detachments diyan at saka iyong area ng EEZ. Kung gagamitan mo ng diplomatic actions, military action, informational, economic, legal or political, intelligence at financial, iyon ang gagamitin natin. Hindi lang puro military ang gagamitin mo diyan. Ganoon pa man naka-deploy, ready lagi ang ating military at ang kapulisan at ang ating Coast Guard.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong susunod po nilang tanong: Justice Carpio began a signature campaign daw po demanding President Duterte’s withdrawal of his statements on the West Philippine Sea that were allegedly detrimental to the country’s interest. How do you wish to respond daw po?

NSA SEC. ESPERON: Kung gustong sumang-ayon iyong mga ibang kababayan natin sa gusto ni Justice Carpio. Alam mo si Justice Carpio iyan ang adviser nila sa kaso ng arbitral ruling, arbitral, iyong petition. At mukhang hindi naman, nanalo nga tayo sa arbitral award, pero wala naming enforcement mechanism, wala naming enforcement mechanism o tama na sinabi niya iyong mga isla ninyo, magmula ngayon, hindi na unlimited iyong kanilang area, kung hindi 12 nautical miles na lang. Iyong nine dash-line ng China ay hindi authorized, no legal basis.

Ngunit ang tanong diyan, hindi naman sinabi ng arbitral award na pinapaalis niya ang China, hindi naman sinabi ng arbitral award kanino iyong mga islands diyan at saka features. Kaya nandiyan pa rin ang dispute, ang sigalot. Eh ang gusto ni Carpio, eh gusto niyang resolbahin natin kaagad iyan na problema na noong pang 1960’s, 70’s o mas maaga pa.

Alam mo bang iyong Kalayaan Island municipality ay prinoklama pa ni Presidente Marcos noong 1978. At gumawa ng airport diyan noong 1978, mabuti mayroon pa tayong nakuhang siyam na puwesto diyan, dahil may mga marka na diyan noon ng mga iba’t ibang nasyon. At kaniya-kaniyang marka diyan ng mga civilian, nag-agawan diyan. Eh kung ngayon, gusto ni Carpio na resolbahin lahat iyan, ay siguro hindi pagresolba ang gusto niyang magawa diyan, kung hindi iyong magkaroon ng pagkilala sa kaniya, siguro may balak iyan na iba.

Kasi ang alam ko siya iyong nangunguna doon sa tinatawag nilang 1Sambayan na parang coalition ng mga lalahok sa eleksiyon. Kaya ang motibo ay kailangang tingnan din natin iyong mga naging pagkukulang nila, hindi nila nagawa, gusto nilang ipagawa ngayon sa ating Pangulo. Samantalang tayo, noong panahon nila nawala nila iyong Scarborough, ngayon wala naman tayong nawawalang isla, walang naagaw sa atin. Kaya kung gusto ng mga kababayan natin na sumang-ayon kay Justice Carpio, eh di sige lang, tingnan natin kung freedom of expression iyan, pabayaan natin tingnan natin subaybayan natin. Iyon lang, Usec.

USEC. IGNACIO: Secretary, kami ay nagpapasalamat sa inyo pong naging pagtanggap sa aming imbitasyon, Secretary Hermogenes Esperon Jr. Salamat po sa inyong panahon.

NSA SEC. ESPERON: Maraming salamat, Rocky at hanggang sa muli at kung kailangan naming magpaliwanag sa ating mga kababayan ay nakahanda kami. Doon naman sa isa kong National Task Force, ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict, gusto lang naming ibalita na iyong 822 barangays na bibigyan natin ng development, 780 na ang naaprubahan na barangay para ibigay na, i-release na iyong pondo na 20 million per barangay.

Pina-process pa lang iyong 40 at palagay ko within May ma-release na ng DBM diretso doon sa probinsiya o sa siyudad. Gusto ko lang sabihin sa mga kababayan natin na ang National Task Force RLCAC ay coordinator at harmonizer na nagdadala ng mga projects na ganiyan – farm to market roads, eskuwelahan, health station, sanitation, water works at saka livelihood, kami iyong coordinator niyan.

Ngunit ang tagapagpatupad niyan ay ang provincial government at iyong pondo ay naka-release doon sa provincial government. At sana nga dahil itong 822 barangays na ito ay dating mga guerilla base ng NPA at gusto nating ipakita na kaya nating i-develop iyan at maaari talagang maaasahan tayo ng mga taga-riyan, sa mga barangay na iyan. Kung ano iyong naipangako natin at napagkasunduan na projects ay makakarating. At iyan na, nandiyan na ang pondo magbi-bidding na iyan.

Mayroong isang nagsasabi na isang senior senator na bakit daw minamadali ang pag-release? Teka muna, eh iyong pondong iyan kailangan gastusin natin ng 2021. Kailan natin iri-release iyan, sa September, sa October, eh di hindi mo matatapos iyong project. Kaya sabi niya, sabi ni Senator Drilon, something is fishy bakit daw minamadali iyong pag-release. Eh mawalang galang po, Senator Drilon, hindi po fishy iyon, that is a sign of efficiency dahil itong Mayo mai-release na lahat iyong mga pondo, para mai-bid out at masimulan na iyong mga projects.

And hopefully matapos na ang lahat ng iyan sa loob ng taon na ito. Marami din po sa Panay iyan at kung magkakaroon kayo ng panahon ay sana matingnan din ninyo ang mga projects na iyan at bigyan ninyo kami ng advice kung ano pa ang dapat na gawin sa mga dati ng guerilla base ng NPA. Iyan po ang gusto niyang ipatipan, tanggalin. Pero sabi ng mga gobernador at saka mga barangay kapitan ay huwag naman sana. Sabi rin ni Pastor Quiboloy, mga gobernador at si Senate President, huwag naman sanang i-defund. So, sana po ituloy natin. Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po Sec. Hermogenes Esperon Jr.

Sa iba pang balita: Panibagong branch na naman po ng Malasakit Center ang binuksan kahapon sa Zamboanga Del Sur, ito na po ang 111 Malasakit Center sa bansa. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po kumustahin ang pagsunod sa mga batas panlansangan at update sa pagbabalik operasyon ng ilan sa kanilang mga tanggapan, makakasama po natin si LTO Law Enforcement Service Deputy Director Roberto Valera. Magandang araw po sa inyo sir.

LTO DD ROBERTO VALERA: Magandang araw din po Usec. Rocky at sa lahat ng mga nanunood sa programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa inyo pong mahigpit na pagbabantay, marami pong na-intercept ang LTO na mga colorum na sasakyan habang may travel restriction na ipinatutupad sa bansa. Mga ilan na po iyong colorum vehicles na inyong na-impound; hindi naman po ba kayo nahirapang tuntunin ang mga colorum na ito?

LTO DD ROBERTO VALERA: Sa datos namin, sa NCR, Region III, IV-A, IV-B at saka Region V, as of April 20, mayroon kaming 119 na na-impound na colorum operators at saka patuloy po itong aming operation, ang pagkalap ko mga 200 plus na po as of now.

Ngayon tungkol naman po sa kung nahirapan kami tungkol sa paghuli/pagtunton dito sa mga colorum operators. Mayroon po silang mga initiative na amin pong tinutugan, kagaya for example iyong online appointment nila parang gumagawa sila door to door or nagsi-setup sila ng isang area kung saan puwedeng pumunta iyong gustong sumakay.

Tinutugunan po iyan namin, mayroon kaming mga enforcers na nagpapanggap na pasahero at saka sumasakay doon, doon po namin sila nahuhuli. Iyong iba naman sa check-point namin nahuhuli. So, ongoing itong operation na ito at saka alam naman ng mga tao namin kung ano iyong mga sasakyan na puwedeng gawing colorum ng mga nagba-violate sa batas na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po iyong madalas na dahilan ng mga nahuhuli ninyong driver na bumibiyahe pong colorum at suspendido lamang po ba iyong kanilang lisensya na magmaneho o ire-revoke po ito agad?

LTO DD ROBERTO VALERA: Usec. Iyong sinasabi palagi nila, kasi 200 po iyan ano—=karamihan ‘no nagsasabi na mga relatives nila iyong nakasakay. So, we have a way of confirming that, validating that. Ini-interview po ng mga enforcers namin iyong mga pasahero, doon namin nahuhuli iyong driver kasi ang iba hindi siya kilala at saka iba-iba o mali-mali ang mga sinasabi ng mga pasahero na hindi nagtutugma doon sa sinasabi ng driver. So, karamihan po ang sinasabi nila, mga relatives nila ang sakay nila.

USEC. IGNACIO: So, ngayong araw po iyong ang simula ng pagpapatupad ng GCQ with heightened restriction sa buong NCR plus, may pagbabago po bang mangyayari sa sektor ng land transportation?

LTO DD ROBERTO VALERA: Well, Usec., gusto ko lang sabihin na ganoon pa rin ang aming deployment strategy—ang aming kasi Usec. pag sinasabi naming enforcement hindi lamang ito iyong panghuhuli, mayroon din kaming pro-active approach to enforcement kagaya po ng pag-distribute ng IAC materials lalo iyong mga special law na in-implement ng LTO.

Lalo na iyong bagong batas ngayon, iyong Republic Act 11229, iyong safety of children on board motor vehicles, iyung paggamit ng CRS. Iyong CRS no, gumagamit din kami ngayon ng teknolohiya kagaya po ng meron kaming Dash Cam, gumagamit din kami ng Body Cam at mayroon po kami ngayon in-introduce improvement initiative using technology sa pag-issue po ng TOP.

mayroon kaming tinatawag na e-hand held device, itong e-hand held device, hindi na po iyong traditional na TOP ang gagamitin, gagamitin namin iyong isang device na doon po namin mabi-verify at the same time iyong status ng driver license noong hinuhuli namin at saka iyong mga other technological advancement para po maayos ang paghuli namin sa mga nagba-violate ng batas.

Doon naman po sa body cam at dash cam, nababawasan po iyong temptation sa corruption at saka at the same time nagbibigay po ng protection para sa ating mga enforcers against undue harassment doon sa mga hinuhuli nila.

USEC. IGNACIO: Opo, nagbalik operasyon na po ang tanggapan ng LTO dito sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. So, kumusta naman po ang pagdating ng mga tao na nagpapa-rehistro, hindi po ba dagsa dahil naipon iyong mga transaction sir?

LTO DD ROBERTO VALERA: Yes Ma’am. Actually, ang ibang district office namin mayroon silang tinatawag na online appointment para po hindi na maghintay iyong tao at saka para po pagpunta nila doon ay mas mabilis po, mababawasan natin iyong pagka-crowd sa area at the same time po ini-extend na po iyong registration month po kasi dahil po sa ECQ at saka MGCQ.

Ang plate number ending 3 ay extended po up to June; iyong plate number ending 4 ay extended po sa July 31 para po hindi magkaka-crowd ang mga nagpapa-register, pati iyong sa drivers license po mayroon po tayong initiative diyan para maiwasan din ang pagdami ng tao kasi iyon nga… iyong pagdagsa ng tao, iyong pag-lift nga ng ECQ to GCQ.

USEC. IGNACIO: Sir, ano na lang po iyong paalala ninyo sa mga nag-expired ng rehistro ng kotse at kasama na rin po iyong lisensya?

LTO DD ROBERTO VALERA: Una sa lahat po gusto ko lang ulitin na nag-extend iyong deadline for registration, iyong ending 3 and 4 March and April. Pero gusto ko lang ipaalala sa lahat na mayroon tayong mga penalty po sa hindi pag-register, iyong kapag nahuli po ang sasakyan na minamaneho po na unregistered, mayroon pong penalty iyan sa driving of unregistered motor vehicle at the same time po, may violation din iyan sa reckless driving.

So, iwasan po natin na magmaneho na hindi naka-rehistro, kung puwede irehistro natin iyong sasakyan on time para walang penalty po. Ganoon din po sa driver’s license, kapag nagmaneho po kayo na expired iyong driver’s license ninyo, mayroon po iyang violation, iyong driving with an invalid driver’s license or expired driver’s license.

Mayroon po iyang one year suspension, hindi ka puwedeng mag-renew pag na-penalize ka diyan for one year. So, mahirap po iyan, iwasan natin iyan, hindi lang iyong pagbabayad sa penalty na violation na iyan, mayroon pang accessory penalty iyan na isang taon na hindi ka puwedeng magmaneho.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras Deputy Director Roberto Valero ng LTO, ingat po kayo Sir.

LTO DD ROBERTO VALERA: Yes Ma’am, yes Usec. Stay. Safe din po, salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, tumungo na tayo sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, May 14, 2021, umabot na sa 1,131,467 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 6,784 na mga bagong kaso; 137 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 18,958 ang total COVID-19 deaths.

Ang mga kababayan naman nating naka-recover na sa sakit ay umakyat na sa 1,053,523 matapos makapagtala ng 2,972 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay 58,986.

Sa puntong ito, usaping bakuna at lagay ng dalawang Pinoy na nakitaan ng Indian variant naman po ang ating pag-uusapan. Muli natin makakasama sa programa si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po Usec.

USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta po iyong contact tracing daw po ng DOH dito sa 41 close contact ng dalawang returning overseas Pilipino na nagpositibo sa Indian variant at ilan na daw po ang nati-trace so far at paanong status check po din po ang gagawin sa kanila ng DOH?

USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am. So, nakita na po namin iyong manifesto nitong flight details nitong dalawang OFWs at katulad nga po ng nai-report namin for the case one who is the 37 year old male from Oman. Mayroon ho siyang anim na close contacts doon po sa eroplano, tatlo po sa kanila nakita na namin sa database ay PCR negative.

Iyong tatlo pa ho, hinahanap pa ho namin doon sa database namin dahil hindi nagma-match iyong mga pangalan na nasa manifesto. As to the case number two, which is the 58 year old male, from UAE mayroon ho tayong verified na 32 close contact doon po sa eroplano, tatlo po sa kanila ay positibo.

Pina-submit na ho natin sa whole genome sequencing iyong isang sample at iyong sa dalawa pa ho ay hinahanap pa ho namin, nilu-locate po natin iyong mga specific individuals. 28 po dito sa 32 ay negative, iyong isang data ho ay bini-verify pa namin dahil wala pa ho sila sa COVID-KAYA database system natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyan-daan ko lamang ang mga katanungan ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Michael Delizo ng ABS-CBN news at Johnson Manabat ng ABS-CBN: May impormasyon po ba kayo sa lagay ng bakuna na dala ng tumaob na service boat sa Real, Quezon? Puwede pa po ba itong magamit?

USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky no. So, nangyari po ang incident na ito noong isang araw, naimbestigahan na ho natin iyan and apparently, ito palang mga bakuna ay naka-double na pagpapa-plastic no, so hindi po sila nagalaw. Atin pong tsinek din iyong potency at maaari pa rin po siyang gamitin.

USEC. IGNACIO: Opo. Question pa rin po ni Michael Delizo: Gaano na karami ang vaccine wastage at ano po lahat ang dahilan at ano po ang maipapayo daw ng Department of Health para maiwasan ito?

USEC. VERGEIRE: Actually iyong sa wastage, Usec. Rocky, nandoon pa rin po tayo doon sa ating target for wastage no, which is just less than 5% sa ngayon. Nakikita po natin na ang mga probable lang katulad noong isang beses may nag-brownout doon sa isang area natin at nasira po itong mga bakuna.

Pangalawa po, iyon pong mga kapag binuksan, may mga nakikita na parang contaminants na iyong bakuna, isa rin po iyon sa nakikita natin. So, para po maiwasan, we have already advised our local government units, ang implementing units natin to make sure na mayroon po tayong standby na generator if ever, especially for those areas po na madalas na nagba-brown-out para masiguro po natin iyong potency ng ating mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo, mula pa rin po kay Michael Delizo: May mga mananagot din daw po ba sa mga nasisirang bakuna, halimbawa sa Cotabato City kung saan hindi napansin nakapatay ang freezer?

USEC. VERGEIRE: Atin pong iniimbestigahan ngayon. So, we have already coordinated with the regional office there to conduct the initial investigation and submit to us the report. So, titingnan po natin kung may kailangang managot, kung ano po ang dapat na gawin pagkatapos po nito. So, let’s wait for the final investigation report bago po tayo makapagbigay ng impormasyon ukol diyan.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong po ni Johnson Manabat: Wala bang ibang mas safe na paraan ng delivery ng vaccine sa Polilio? Paano po masisiguro na hindi na ito mauulit?

USEC. VERGEIRE: Ah wala, we are taking all necessary precaution. Pero, alam naman natin Usec. Rocky, na talagang may mga lugar tayo sa ating bansa na talagang divided by waters. So, island po iyan ng mga grupo na kailangan maparating natin itong mga bakunang ito.

So, sinisiguro natin, nakikipag-coordinate din po tayo sa ibang ahensiya para po mas maging ligtas ang pag-travel nitong mga bakuna natin pati iyong mga health care workers natin na nagdadala dito ng mga bakunang ito, dito po sa island groups natin.

USEC. IGNACIO: Mula naman kay Red Mendoza ng Manila Times: Anu-ano po ang mga expiry date ng mga bakuna na ibinigay sa ating bansa? Medyo may mga conflicting daw po na impormasyon na ang ibang bakuna ay two months lang daw ang shelf life while nasabi ninyo po sa isa ring forum na six months po tumatagal ang bakuna. Ito rin daw po ba ang dahilan kung bakit medyo nag-alala rin ang taong bayan sa kalidad ng bakuna?

USEC. VERGEIRE: Sa tingin ko Usec. Rocky no, ang pag-alala ng ating mga kababayan ay tungkol doon sa napabalitang AstraZeneca na mga dumating galing sa COVAX facility. Ito po talaga, amin naman pong ibinigay na impormasyon, ang expiry po would be on June and July.

So, ito pong mga expiry na ito, katulad nga ng aming sinasabi, madali naman po natin maku-consume ang vaccine because we’re going to give it as a first dose at saka iyong 500 plus na iyan ay ibibigay natin as the second dose of those initially given with AstraZeneca.

As to the Sputnik V, six months po ang expiry or shelf life po na naibigay sa atin, for Pfizer, ang expiry ng mga bakuna ay August 31, 2021. So, wala pong dapat ipangamba ang ating mga kababayan, ang mga tinatanggap po nating bakuna ay ligtas at within the expiry date. So, hindi po tayo tatanggap ng mga expired vaccine already at hindi rin po natin ipapagamit sa ating mga kababayan kung expired na ang bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo, sunod po niyang tanong: Sinabi sa isang article sa New York Times na ang Delta Airlines ay iri-require muna ang pagbabakuna bago daw po ang pagpasok ng isang bagong empleyado sa trabaho. Sa Pilipinas po ba, payag po ba ang kagawaran dito na bakunahan muna ang mga bagong salta sa trabaho?

USEC. VERGEIRE: Ito po ay napag-usapan na, long discussion with experts at saka po sa ating mga officials at unang-una kailangan nating balikan na ang ating pong pagbabakuna ay voluntary, hindi po ito mandato, mina-mandate para sa bawat kababayan natin. So, ibig sabihin hindi rin natin po puwedeng gawin maging requirement ito para sa pagta-trabaho because vaccination is voluntary.

Although, kailangan din maintindihan ng ating mga kababayan, importante kahit boluntaryo ito, kailangan sana magpabakuna kayo dahil ito po ang makakapagprotekta sa inyo but we cannot make it as a requirements for works because it’s going to be inequitable.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza: Sinabi ninyo po kahapon na hindi papayag ang Department of Health sa vaccine pass kung saan allowed po ang mga bakunadong tao na gumala sa iba’t-ibang lugar. Pero, sinabi po ni Presidential Adviser Joey Concepcion na ito lang daw po ang sasalba sa ekonomiya ng bansa. So, ano po ang tugon dito ng DOH sa sinasabi ni Secretary Concepcion?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, alam ninyo po lagi naman tayong nagbabalanse ‘no between the health and the economy. Pero ngayon po ang siyensya at saka ang ebidensiya hindi pa po sapat para makapagbigay tayo ng ganitong rekomendasyon galing sa Kagawaran ng Kalusugan para magtatanggal na ho ng mask o ‘di kaya ay makakapagpunta na sa mga puwesto na walang mask iyong mga bakuna na. Dahil hanggang sa ngayon ang pinanghahawakan pa ho nating kumpletong ebidensiya ng isang bakunadong individual can still be infected and can still infect others. So we retain our position, hindi pa rin ho kami magrirekomenda ng ganitong pagtatanggal ng mask kung kayo ay bakunado na.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli pong tanong ni Red Mendoza: Nasabi ninyo rin po na hindi pa rin applicable sa atin iyong pagtatanggal nga ng mask once mabakunahan. Pero po sa Amerika nga ay iniutos na po nila iyong pagtanggal ng mask dahil sa dami ng nabakunahan sang-ayon sa order ng US-CDC. Hindi pa po ba sapat ang study ng US-CDC or hihintayin pa po natin ang opisyal na utos ng WHO bago mag-decide ang Pilipinas na tanggalin ang mga mask?

DOH USEC. VERGEIRE: Marami ho tayo dapat i-consider ‘no kapag kinonsidera po itong ganitong polisiya na magtatanggal na ng mask ang bakunado. Hindi rin po tama na kinukumpara natin ang sarili natin sa ibang bansa katulad ng Estados Unidos kung saan napakalaki ng porsiyento ng kanilang populasyon ang nabakunahan compared dito po sa atin, that we are just nearing 3 million people who were vaccinated. So malaking diperensiya po iyon at hindi po natin puwedeng gawing basehan ang experience ng bansang Estados Unidos para masabi natin na magtatanggal na po tayo ng mask ‘pag vaccinated.

We also are open to that of course but we need enough evidence to support na magiging ligtas po ang lahat kapag ginawa natin iyan. Kaya nga po sa ngayon, we stick to what we have as evidence, hindi po natin mairirekomenda muna iyan. Pero ‘pag dumating iyong time na mayroon na hong enough evidence to say na puwede na, gagawin naman po natin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pinapatanong naman po ni Argyll Geducos ng Manila Bulletin: There were reports daw po, some LGUs have existing contracts with food chain suppliers for the cold storage and transportation daw po ng vaccine. Puwede ba iyong food supply chain management for vaccines? Pagsasamahin daw po ang food at vaccines in storage. Is this allowed by WHO because vaccines are too sensitive to be stored daw with food?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes that is not right, Usec. Rocky no. So that is not in any way part of the protocols of the Department of Health and even the national government. Sinabi na ho natin that the vaccines should have a separate storage, it should be not mixed with the food kung mayroon man tayo ‘no. Makikita ho natin baka iyong mga ibang local government dahil mayroon tayong 2 to 8 degrees lang na mga bakuna, baka naisasama kasama ng mga pagkain sa refrigerator – at hindi po ito tama. Dapat po separate po ang ating storage facility or storage equipment para sa mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Dolly Mose ng GMA News: Reaksiyon daw po ng DOH sa ginawa ng OCTA sa monitoring na 4 LGUs in NCR now moderate risk, average daily COVID cases decreased by 30%, reproduction number decreased to 0.57?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Ano po iyong tanong? Kung? Sorry po.

USEC. IGNACIO: Ano daw po ang reaksiyon ng Department of Health doon sa OCTA sa monitoring na apat daw pong LGUs in NCR ay now moderate risk. Iyong average daily COVID cases daw po decreased by 30% and the reproduction number decreased to 0.57%.

DOH USEC. VERGEIRE: Tama po iyon Usec. Rocky ‘no. So nakita naman natin talaga that—actually most of the National Capital Region local governments bumaba po ang mga numero ng kaso, bumaba rin po iyong kanilang average daily attack rate, bumaba rin iyong kanilang mga transmission rate pati iyong two-week growth rate nila negative na po. So ito naman po ay kasama doon sa naging desisyon kaya’t tayo po ay medyo nagluwag ng ating mga community quarantine classification.

Pero ang kailangan pa rin ho natin ihabilin sa ating mga kababayan, bagama’t nag-lift tayo ng restrictions, kailangan maintindihan nila na kasabay po niyan kailangan umakto po tayo nang intensive para po sa local government response. Kaya ang sabi nga po doon sa ating rekomendasyon, we will go into GCQ with heightened restrictions pero kailangan local governments should be able to shorten the period na nadi-detect natin ang mga taong may sakit hanggang sa ma-isolate natin sila.

So iyon po ang ating target ngayon at titingnan natin na dapat ma-shorten natin up to hanggang mga 5.5 days lang po kasi ang average natin ngayon is ranging from 9 to 11 days bago ma-isolate ang isang taong may sakit. So kailangan mapababa po natin nang 5.5 days and this would be done through the efforts of the local governments para dito sa PDITR response po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasi ngayong araw po iyong simula noong implementasyon ng GCQ with heightened restriction sa NCR Plus. May mga projection po ba ang DOH na ginawa regarding sa expected daily cases hanggang sa katapusan ng buwan; at ano po daw ang magiging epekto nito sa kapasidad ng ating mga ospital?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So katulad ng sabi ko kanina noong tayo ay nagbigay ng rekomendasyon, ang kasama sa rekomendasyon natin, we will shift to GCQ with heightened restrictions but local governments have to intensify more their efforts. So ang atin pong pinaka-target is that we reduce the time between detection to isolation to 5.5 days at ang atin pong estima or forecast diyan kung magagawa natin iyan, mapapababa po natin ang mga kaso by as much as two-thirds. It doesn’t matter kung naka-GCQ tayo basta ma-shorten natin ang period between detection and isolation, we can be able to decrease ‘no or reduce the number of cases in the country.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa lagi ninyong pagsama sa aming programa, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat po, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, mga indigenous people at magsasaka sa Cateel, Davao Oriental hinatiran ng tulong ni Senator Bong Go. Bukod diyan namahagi rin ng kaniyang team ng iba pang assistance sa ilang kababayan natin sa Pangasinan, Ilocos Norte at Palo, Leyte. Narito po ang detalye.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang sitwasyon sa Davao City. May report si Clodet Loreto.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita muli tayo sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center