Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo. Ngayon pong Miyerkules muli tayong sisentro sa mga pinakahuling balita tungkol sa vaccination rollout sa bansa at sa mga bakunang inaasahan ding darating sa mga susunod pang araw.

Sa ngalan po ng PCOO, People’s Television Network at ng Philippine Information Agency, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH Vaccines Explained.

Pasadahan muna natin ang ilang balita: Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang budget para sa konstruksyon ng National Academy of Sports sa New Clark City Sports Complex, habang sa Bagac, Bataan naman planong itayo ang Philippine Sports Training Center sa lupang donasyon ng lokal na pamahalaan. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita tayo mula mismo kay National Vaccination Operations Center Chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje tungkol sa update sa bilang ng mga nakakumpleto na ng una at ikalawang dose ng bakuna. Makibalita rin tayo sa mga nagpapatuloy na vaccination rollout sa bansa. Good morning po, Usec. Myrna.

USEC. CABOTAJE: Magandang umaga, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa ating programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ngayon pa lang po ay tinatanong na ng mga kasama natin sa media gaya po ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines kung ilan na po ang nabakunahan at ilang porsiyento po per priority group? Siguro po ibahagi na po natin iyong latest count sa ating vaccination program bago po tayo magpatuloy sa iba pang katanungan. Go ahead po, Usec., with your presentation.

USEC. CABOTAJE: Yes, Usec. Rocky, mayroon ako just one slide to show us that as of yesterday, mayroon na tayong nabakunahang 3,299,470 – total dose iyan po. Tapos ang first dose ay 2,512,000. Iyong ating mga health workers, nasa 78%, 1.2 million; tapos iyong ating mga senior citizens, 714,000; tapos iyong ating mga with comorbidities, 548. Tapos nandiyan na po ang mga 786 na po ang mga nabigyan ng second dose.

So magandang balita ito, nakaka-average na tayo noong dumating iyong maraming bakuna ng 7-day average of about 108,540.

Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Myrna. Tanong pa rin po ni Carolyn Bonquin: What prompted the government to expand the vaccination program?

USEC. CABOTAJE: Marami na pong nagmamadali, nakakatuwa naman po that they all wanted to be vaccinated. Kaya since dumating na po iyong mga volumes ng vaccine natin, gagawin nating simultaneous. So itutuloy pa rin natin iyong mga hindi na-cover ng A1, A2 and A3, tapos ie-expand na po iyong coverage to A4 and A5. Pero naka-focus lang muna iyong sa tinatawag nating NCR Plus 8 kasi doon muna ang buhos natin sa ating geographic prioritization.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta po ba iyong naging pag-rollout natin ng Pfizer? May bilang o update po ba kayo kung ilang Pfizer doses ang na-administer at kailan daw po ito mauubos? Ito rin po iyong tanong ni Maricel Halili ng TV5.

USEC. CABOTAJE: We have a total 193,000 doses of Pfizer, divided by two iyan kasi nagsigurado na tayo ng second dose, so it’s about 90,000. To date, mayroon na tayong nabakunahang 30,115 na eligible population. And the vaccination sites started last weekend. They target to finish by next week or first week of June.

USEC. IGNACIO: Usec., wala naman po ba raw na naging aberya lalo’t sa success din ng rollout na ito umano’y nakasalalay kung muli tayong madadalhan ba, totoo po ba ito, ng dagdag na doses nito?

USEC. CABOTAJE: Yes, galing sa COVAX kasi these are COVAX donations. Sa awa ng Diyos, wala namang any major incidents that have occurred for the Pfizer rollout, except iyong nabalitaan natin na medyo dinagsa. Pero inayos na rin iyan para mas maganda iyong pag-schedule ng pumupunta para sa kanilang vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula po kay Aiko Miguel ng UNTV: Pinipilahan po ang Pfizer COVID-19 vaccine. May long queues in vaccination sites while there are other vaccines available like AstraZeneca. Ano po ang update sa AstraZeneca vaccines nearing … mag-i-expire po by June? Ilan pa po raw iyong kailangan ma-distribute?

USEC. CABOTAJE: Na-distribute na natin lahat iyong ating AstraZeneca vaccines. Ongoing naman po iyong mga jabbing nito. May mga [garbled] target by June 15 na mai-distribute na iyong mga expiring nang June 30; tapos by July 15 iyong mga expiry nang July 31.

But let me just have a short note on the expiry. Alam natin iyong mga vaccines all have very short shelf life. So kahit ano pang vaccine ang darating, we will expect na hindi ganoon katagal iyong kanilang shelf life. But ang ina-assure ng ating Philippine FDA, may stability data iyan. So ibig sabihin, even before the expiry hanggang sa expiry date ay stable pa rin iyong ating vaccine. All the vaccines have an EUA of six months from manufacturing. So ang importante, kaya natin minamadali bakunahan ang mga tao ay para magkaroon ng proteksiyon not because these are expiring.

USEC. IGNACIO:  Opo. Follow up po diyan ni Lei Alviz ng GMA News: Kaya po ba itong matapos by June 15 gaya ng sinabi ni Secretary Galvez dahil malapit na po iyong expiration date?

USEC. CABOTAJE:   Yes, we are hitting 108,000, so, we will reach the four-million mark by the end of this month and nagbigay na po tayo ng direktiba at nakipag-coordinate tayo sa ating mga local na pamahalaan para unang ibigay itong AstraZeneca as second dose doon sa nabigyan ng first dose at saka iyong first doses iyong remaining doses.

Yes, we will—babantayan natin at i-encourage natin at imo-monitor natin para maisakatuparan na mai-jab lahat itong mga bakuna bago iyong expiry date.

USEC. IGNACIO:   Okay. Next question po, mula pa rin kay Lei Alviz kasama na rin po iyong tanong ni Sandra Aguinaldo ng GMA News: May proposal po ang Commission on Higher Education na bakunahan na ang mga estudyante. Ang Comelec naman, hinihiling na rin na mabakunahan ang mga magsisilbi sa eleksiyon. Puwede na po ba silang isama sa priority?

USEC. CABOTAJE:   We will look into that considering the flow of the vaccine na we are expecting a more steady and increased amount of supply. Pag-aaralan po iyan ng ating mga different committees and then isasaad natin, we will bring it up to the concern of the IATF.

USEC. IGNACIO:   Opo. Pahabol po na tanong ni Sandra Aguinaldo: What age should be vaccinated sa mga estudyante and what vaccine is appropriate?

USEC. CABOTAJE:   Ang mayroon lang po na below 18 years old ay ang Pfizer, so, all the vaccines are 18 years old and above. Pero ang Pfizer na bakuna ngayon is donated by COVAX and ang priority ng COVAX sana po ay A1, A2, A3, at saka later on A5, iyong poor populations. So, we will look at the other vaccines that can be given those below 18 years old.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong naman mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Hindi po ba nakakabahala na sa dami ng mga nagpapabakuna under A3 or comorbidity category ay hindi po ba daw nakikita ng Department of Health ang mas malaking larawan na maraming Pilipino ang may sakit na tulad ng high blood, heart disease at diabetes na dapat po ay naiiwasan at nako-control. Ano daw po ang palagay dito ng DOH?

USEC. CABOTAJE:   We have had a program already and continuing pa iyan. Mayroon tayong mga diabetes registry, hypertension registry sa ating mga komunidad, mayroon tayong regular BP taking, even blood sugar determination, and we’re bringing down our medicines doon sa level ng LGU tapos ino-augment natin iyong mga ibinibigay ng LGU.

Yes and no. We are alarmed that dumadami iyong mga dumadating na mga kaso but it is also an opener na para maabisuhan din natin na, “O, you are aware that you are hypertension, diabetes, tuluy-tuloy na rin dapat ang pagpapa-check-up natin,” although alam din naman natin na many of them are already controlled kasi otherwise hindi sila magpapabakuna kapag hindi naman controlled iyong kanilang condition.

So, we take the vaccination as an opportunity to remind them to have their regular check-up and to take their medicines regularly.

USEC. IGNACIO:   Ikalawa pong tanong ni Red Mendoza: Sa tingin ninyo po ba dapat pang paigtingin ng Department of Health ang mensahe at impormasyon sa tamang healthy lifestyle para maiwasan ang pagkakaroon po ng comorbidity tulad ng high blood pressure?

USEC. CABOTAJE:   Yes!  Tuluy-tuloy naman iyong ating mga mensahe except that siguro dito sa pagkakaroon ng COVId-19, mga stay at home, nakulangan na ng mga exercise tapos we were just availing of the food that is readily available. Paiigtingin po natin iyong dati na nating ginagawa – iyong ating healthy diet, may exercise, no smoking, tapos less fat sa ating diet.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong naman ni Naomi Tiburcio ng PTV: Ayon po sa mga ekonomista, para makamit ang immunity sa NCR Plus sa ikatlong quarter ay kailangang makapag-deploy ng 210,000 kada araw. Makakamit na po ba ito? At ilan po daw ang average na bakuna na nai-deploy ng Department of Health?

USEC. CABOTAJE:   Ang target natin was 108,000 per day na jabs, so, ibig sabihin, iyong mga ibinibigay nating mga supplies are enough. Ang gagawin natin for the next couple of weeks ay talagang isa-isahin iyong mga focused LGUs natin, iyong NCR + 8 para makita ano ba iyong kapasidad nila, ano ba iyong target na kailangan nilang makuhang mga jabs? Tapos based on these, we will have their allocation plan. Bibigyan natin sila ng one week allocation. Kapag mabilis sila then we will give additional. Iyong mga medyo mabagal naman tutulungan natin kung paano nila makamit iyong kanilang targets based on their capacities.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong po ni Kat Mendoza [Kat Domingo] ng ABS-CBN News: The DOH earlier said that it is closely monitoring areas in VisMin na may spikes daw po in COVID-19 cases. Gaano po kalaki ang itinaas ng cases sa Region IX which recorded the highest spike at ano daw po ang cause ng increase in cases?

USEC. CABOTAJE:   I don’t have the data now. Yes, but we are monitoring and part of our strategy is to also give them additional vaccine to their regular allocation para they will be given some protection.

USEC. IGNACIO:   Opo. My apologies, ang tanong na iyon po ay galing kay Kat Domingo ng ABS-CBN News. Dagdag po na tanong ni Kat Domingo, ano po ang ginagawa ng DOH to curb the spread of the virus in these remote areas?

USEC. CABOTAJE:   Iyong dati pong ginagawa natin, PDITR – Prevention, iyong Bida Solusyon, distancing, maghugas, mag-mask, mag-face shield; tapos iyong Detect, iyong magti-testing tapos magta-tracking; mag-i-isolate, pinaiigting iyong mga iyon. And then the Treatment iyong mga ICU beds inaayos iyong mga kailangan gawin.

Nagtutulungan po iyong ating lokal na pamahalaan at saka iyong ating mga facilities doon. And even Secretary Galvez and Secretary Vince are flying there to oversee ano na ba talaga ang mga kailangan pang gawin? Ano ba ang kailangang paigtingin pa sa dati nang ginagawa ng ating mga local health workers at iyong ating mga lokal na pamahalaan doon sa Zamboanga.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong po mula kay Kenneth Paciente ng PTV: Ngayong puspusan na nga po ang vaccination rollout ng gobyerno, gaano po ba ka-importante na sundin ang proseso sa mga vaccination site?

USEC. CABOTAJE:   Yes. It’s very important that magpa-register sila, kunin iyong kanilang schedule, they show up during their schedule, tapos observe minimum public health standards. Ayaw na nating maulit iyong mga one or two incidents na talagang nagdadagsaan. The local governments are already adjusting their schedules and adjusting their sites.

Maybe one of the strategies that can be made is hindi na ia-announce kung anong bakuna ang ibibigay. So, kung gusto ninyong magpabakuna, pumunta kayo sa ganitong facility o kaya vaccination sites tapos kung ano iyong bakuna na available, iyon ang dapat na kunin nila.

USEC. IGNACIO:   Opo. Ma’am, bakit po nagdesisyon tayo na hindi na lamang po ia-announce kung anong bakuna at dapat eh kung ano iyong available na lang po? Ano po ang naging basehan o dahilan ng ating pamahalaan?

USEC. CABOTAJE:   Kasi nga dinagsa iyong Pfizer, kasi noong nag-announce na may Pfizer, everybody wanted to use Pfizer.  In our general principle, kung anong bakuna ang available dapat kunin mo na, that will help the flow. So, ang kunin mong bakuna kung ano iyong available na bakuna at that time that you are scheduled to go to the health center.

USEC. IGNACIO:   From Kenneth Paciente pa rin po: Magkakaiba po ba ang precaution na ina-advice sa mga nabakunahan ng AstraZeneca at Sinovac?

USEC. CABOTAJE:   Generally, pare-pareho naman iyan. Titingnan iyong mga sites, iyong injection site, iyong mga adverse event na tinatawag, tapos ano pa ba iyong mga kailangan bantayan. Kung may mga makikitang side effects na inilista na ay may titingnan, there’s a number that you can call and then there’s a place where you can go for consultation or kung kailangan naman na ma-ospital, may mga emergency numbers na ibibigay.

Ang special arrangement lang sa AstraZeneca kasi nga doon sa side effect ng blood clotting, we have already activated iyong ating mga special sites all over the country to attend to these concerns kung ang suspetsa natin ay side effect na blood clot. Pero awa ng Diyos, wala pa naming nairi-report na ganito. We do not have any predictors para malaman kung sino ang magkakaroon ng ganitong mga side effect sa AstraZeneca pero ready na, alam na ng mga health workers ano iyong… kanino dapat i-refer.

Sa Pfizer mas mataas ang probability ng allergic reactions, so kailangan ng mabuting screening kung may history sila ng allergy or severe anaphylaxis hindi naman kontra indication ito kailangang lang mas babantayan, patatagalin ng kaunti imbes na 15 ang observation, mga 30 minutes ang observation for those who have severe allergies. Other than that, I think all the vaccines have similar side effects na kailangan bantayan, iyong kaunting post vaccination – iyong parang flu-like na masakit ang ulo, masakit ang kasukasuan. These are the general side effects of all the vaccines.

USEC IGNACIO:  Opo. Mula kay Maricel Halili ng TV 5: Ano po ang message na gusto ninyong sabihin sa publiko? Kasi mukhang may hesitancy po ang ilan sa Sinovac, nandoon pa rin iyong preference nila sa ibang vaccines, katulad po ng nababanggit nga ninyo.

DOH USEC CABOTEJA:  Maganda na iyong efficacy ng Sinovac. I had my Sinovac vaccine; Secretary Duque had his Sinovac vaccine. So, all vaccines have efficacy levels, basta ang importante you go back for your second dose and then just watch out for any adverse events, pare-pareho lang iyan, in the end ang proteksiyon sa nabakunahan.

USEC IGNACIO:  Pahabol po na tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Tama po ba na ang pagbabakuna sa A4 at A5 ay nasa NCR Plus 8 lamang muna?

DOH USEC CABOTEJA:  Yes, tama iyan, Usec. Rocky, kasi nga hinahabol din natin iyong volumes ng vaccine, iko-concentrate natin sa tinatawag nating geographic area kung saan nandoon iyong surge ng mga cases. So A4 and A5 sa NCR Plus 8.

USEC IGNACIO:  Opo. Tanong po ni Maricel Halili: Gaano po ba karami ang nabakunahan ng Sinovac? Ilan po iyong naitalang adverse events dahil sa Sinovac? At kung may naitala po bang casualty because of the vaccine?

DOH USEC CABOTEJA:  We don’t have the data. Marami ng nabakunahan ng Sinovac, about 3 million ang alam kong nabakunahan ng first dose at saka second dose ng Sinovac. Mga 30,000 ang overall na adverse event, lahat na ng bakuna iyan, we had about 10 to 20 serious side effects. Pero so far, wala pong mga serious side effect na traced to the vaccine, marami po ay mga coincidental. We have a National Adverse Event Following Immunization Committee that looks at the overall picture kung ano iyong mga side effect. At the local level, mayroon tayong mga regional committee that also investigate, tapos kung hindi nila madesisyunan, they concur with the… they refer to the National Adverse Event Following Immunization Committee. So as of now, halos very minor ang ating side effect.

USEC IGNACIO:  Opo. Pahabol po na tanong, clarification lang po ni Mark Fetalco ng PTV: Kung talaga daw pong surprise na iyong bakuna na ituturok at hindi po ina-announce beforehand. Pero ang follow up po niya, hindi na daw po papayagan ang right to refuse, totoo po ba ito?

DOH USEC CABOTEJA:  Yes, I think kung ano iyong vaccine that is available – that has always been the principle. Ang binigyan lang natin ng right of first refusal, iyong A1, iyong mga health workers, kasi these are the vulnerable groups.

Kasi nauna iyong Sinovac, tapos halos magkasunod dumating iyong AstraZeneca so binigyan natin ng right of first refusal ang ating mga health workers; also because of the fact that at the beginning, iyong Sinovac was not… sa kanilang EUA was not advisable for … was not recommended for health workers. Kasi nga their studies did not have the health workers. But then, our National Immunization Technical Advisory Group thought that since this is the first vaccine at ang kailangang mabakunahan ay ang mga health workers, they recommended the use of Sinovac for ating health workers.

But given the EUA doon lang nila nabigyan ng right of first refusal. Other than that, dapat wala ng right of refusal, kung ano iyong vaccine, kunin mo. Kapag hindi po kunin, then you go down the end of the line.

USEC IGNACIO:  Opo. Ang follow up po ni Mark Fetalco: Dahil nga po sa ating vaccination rollout na tuluy-tuloy, so kailan daw po natin maa-achieve iyong herd immunity?

DOH USEC CABOTEJA:  Ang tina-target natin ay by November, at least for the NCR Plus 8. Because we still depend on the steady supply of vaccine, we will dependent on global supply. Although according sa announcement ni Secretary Galvez, we will receive about 10 to 11 million doses ng June, July and August, so more or less steady iyan. So we will be able to reach many of our vaccinees especially in the geographic NCR Plus 8 areas.

USEC IGNACIO:  Mula naman kay Tina Mendez ng Philippine Star: How is the government treating COVID-19 patients with cancer? Do we have statistics on recovery for patients with chronic diseases and how they cope po doon po sa post-COVID-19 experience?

DOH USEC CABOTEJA:  I don’t have the data now, but we are also addressing them. In terms, saan sila—continuously ang treatment, tapos iyong pinakaimportante sa kanila iyong mental health, iyong counseling, paano ba sila matutulungan, how to cope up with their daily lives. At marami naman tayong mga private groups that are helping in the counseling.

For the vaccination naman po, we have organized certain groups and certain facilities na puwede doon magpabakuna itong mga ating cancer patients basta may clearance na ng kanilang mga doctor. So they just need to show that they have been cleared and they can also be given their vaccination.

So hindi lang po iyong vaccination ang tinitingnan natin, tinitingnan din natin kung paano pa rin sila tuluy-tuloy na matulungan in terms of their medicines, in terms of their consultations, may mga tele-consultation, may mga private and government groups in terms of mental health counseling for these patients.

USEC IGNACIO:  Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Mabuhay po kayo!

DOH USEC CABOTEJA:  Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC IGNACIO:  Sa inaasahan pong pagdating nang mas marami pang doses at brand ng mga bakuna sa mga susunod na buwan, puspusan din po ang ginagawang paghahanda ng Department of Health para masigurong mabilis at ligtas na mahahatid ang mga bakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kaugnay niyan, makakausap po natin si Director Ariel Valencia ng Department of Health-Supply Chain Management Services. Good morning po, Director Valencia.

DR. ARIEL VALENCIA:  Good morning po, Usec. Rocky at sa iyong mga tagapanood at tagapakinig.

USEC IGNACIO:  Opo. Director, para lang po sa kaalaman ng lahat: Ano po iyong factors na ikinukonsidera sa pagdi-decide kung ilang bakuna po ang ilalaan sa kada rehiyon o probinsiya? Ang Department of Health po ba ang nagdi-decide nito?

DR. ARIEL VALENCIA: Ito po ay base sa ibinibigay po sa atin ng National Vaccination Operations Center (NVOC) kung saan po nabanggit naman ni Usec. Myrna kanina iyong priority area po natin iyong NCR Plus Bubble. Siguro po I will show you the slides para makita po iyong breakdown po ng ating bakuna po.

We have received 7.7 million doses of 4 types of vaccines – iyong Sinovac po, AstraZeneca, Sputnik 5 Gamaleya and Pfizer-BioNTech – and out these po, we are able to deliver 98%, which is around 7.6 million doses.

So next slide po, here, we have the distribution po ng various vaccines. And with that, around 36% po ng vaccines that we received or around 2.7 million is distributed in various LGU in National Capital Region – iyon po iyong 17 LGUs natin. And around 9.5 [garbled]

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] linya. Director?

DR. ARIEL VALENCIA: [Garbled] … gives us the idea of distribution being provided po. Yes, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Opo. Director, naputol po kayo doon sa panghuling bahagi po ng sinasabi ninyo. Puwede po ba nating ulitin iyon, Director?

DR. ARIEL VALENCIA: Yes, Usec. As I’ve mentioned, the last slide shows us the different vaccines being distributed to different regions of the Philippines, with concentration po or 53% of the total vaccines delivered in NCR Plus bubble area. That is NCR, Region III and IV-A.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, may tanong po ang ating kasamahang si Carolyn Bonquin ng CNN Philippines. Kumusta po iyong vaccine deployment naman sa probinsiya na mataas ang kaso katulad daw po sa Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Nueva Vizcaya at sa South Cotabato?

DR. ARIEL VALENCIA: Well, lahat po naman ay pinadadalhan natin ng vaccines based po doon sa allocation na binigay sa atin. And I understand po, the [unclear] is doing recalibration po doon sa additional vaccines po na kailangang dalhin sa area.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Ariel, pero puwede po ba raw mag-request ang bawat provincial government ng dagdag na bakuna sakali raw pong mataas talaga iyong demand sa lugar na iyon?

DR. ARIEL VALENCIA: Well, lahat po ng request po ay dinadaan po natin sa National Vaccine Operations Center. Nandoon po iyong strategic plan on how to address po and control po itong tinatawag nating pandemic. And tulad na po ng binanggit ng ating Usec. Myrna, iyon pong ating prevention po is really a big factor para po itong increased cases po natin sa ating mga local government units po ay ating ma-control especially po nandiyan po nakalatag naman iyong programa ng ating pamahalaan, iyong campaign po natin, iyong sa BIDA po iyong use of minimum public health standard; at saka ito pong mga isolation facilities at treatment facilities po ay nakalatag po naman sa ating mga regional offices and regional hospitals po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, noong nakaraan nga po ay napabalita itong mga bakuna na muntik na pong masira matapos tumaob ang bangka na maghahatid dito sa may Polillo Island, ano po. So paano po ba, Director, ang ginagawa nating paghahatid ng bakuna sa mga hard to reach areas, iyong malalayo talagang lugar? So paano po nasisigurong ligtas at hindi masasayang ang ating mga bakuna?

DR. ARIEL VALENCIA: Ang mga bakuna po naman bago po iyan ipadala, unang-una, naka-coordinate po iyan sa mga recipient facilities. At this point po, ang ating regional offices po ay patuloy ang ating koordinasyon para po bago ipadala ang ating bakuna ay matiyak po na mayroon pong magbabantay kasi may kasama pong mga PNP personnel kapag tayo po ay nagdi-deploy.

Pangalawa, ang mahalaga po diyan, iyan po ay properly packed ang ating mga bakuna. Kaya nga po sa pangyayaring iyan sa Polillo, bagama’t nakakalungkot na tumaob po siya, nakita po natin ang heroic action ng ating mga health workers na kanila pong siniguro na ang bakuna po na dala nila ay ligtas at hindi po na-compromise.

So malaking bagay po na iyong commitment and passion ng ating health workers po pagdating po sa ating supply chain ay nandoon po. At again, to prevent po uli ang ganiyang pangyayari – alam naman po naman natin sa lugar na iyan ay medyo malakas ang alon – atin pong kinu-coordinate po sa ating Coast Guard po para tayo ay matulungan lalo na po iyong hard to reach area po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, maging iyong availability nitong cold storage facilities ay kinu-consider ninyo rin po ba bago magdala ng bakuna sa isang probinsiya, tama po ba? At mayroon po ba tayong long-term plan para ma-accommodate ng lahat ng mga rehiyon ang mga sensitibong bakuna kagaya po ng Sputnik V at Pfizer kapag dumami na po iyong supply?

DR. ARIEL VALENCIA: Yes, kasama po iyan. Bago pa ho tayo nag-rollout ng bakuna ay kinuha po natin ang capacity ng mga rural health units through the regional offices. Kaya po bago tayo mag-deploy ng bakuna ay nagpapadala po tayo ng notification at kinu-confirm po sa atin ng mga receiving facilities iyong capacity nila to receive.

Kaya po kasama po diyan at tayo po ay nagpapasalamat din sa local government unit dahil sila po mismo ay kumukuha rin ng kanilang third-party provider lalo na po dito sa binabanggit natin na temperature sensitive vaccines tulad po ng Pfizer, Gamaleya, na kung saan po may mga cities po tayo and LGU and province na sila po mismo ang tumutulong para po iyong kanilang capacity ay may paglagyan po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ngayon po ba ang saan-saang region at provinces pa lamang po na may cold-storage facilities na kaya pong mag-accommodate sa mga sensitibong bakuna?

DR. ARIEL VALENCIA: Sa ngayon po ang Metro Manila po, marami po tayong ultra-low freezer sa ating mga hospitals and even the third-party provider po natin. So as of now, ang province po ng Quirino mayroon po siyang third-party provider, [unclear]. And lahat po ng ating hospitals, DOH hospital, ay mayroon pong mga ultra-low freezer po sila na nasa kanilang DOH hospital na puwedeng tumanggap nito. At ito po ay kasama po sa magiging basehan kung bibigyan po ng deployment ng Pfizer iyong ating mga LGUs po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga susunod na buwan daw po ay posible na ring dumating ang Novavax at Moderna vaccines na gawa sa Amerika. Pinaghahandaan ninyo na rin po ba ito kung paano ang tamang handling?

DR. ARIEL VALENCIA: Ay, opo. Kasama po iyan talaga sa planning natin even before po, noong early part of this year, kasama na po iyan sa pinag-uusapan na ini-expect nating darating ng mga iba’t ibang uri ng bakuna na magiging available po sa ating bansa. At kasama po diyan, of course, iyong preparation at kaukulang training para po sa ating mga cold chain managers kung paano po dapat pangalagaan ang ating bakuna. At kasama rin po iyong ating mga vaccination center, iyong mga health workers po na gagamit nitong bakunang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Director Ariel Valencia ng Department of Health. Mabuhay po kayo!

DR. ARIEL VALENCIA: Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa. Naiulat kahapon ang dagdag na 4,487 cases na mga bagong kaso na nahawaan ng virus sa bansa habang nananatiling mas mataas dito ang mga bagong gumaling na nasa 6,383. Sa kabuuan ay nasa 1,154,388 ang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa, habang 1,082,725 naman po ang lahat ng gumaling; 110 naman ang naitalang dagdag na nasawi dahil sa sakit o katumbas na ng 19,372 total deaths. Sa kasalukuyan ay nasa 52,291 pa ang mga nananatiling aktibong kaso sa bansa.

May apat na brands na po ng bakuna na ipinamamahagi sa ngayon sa Pilipinas, ang CoronaVac, AstraZeneca, Sputnik V at Pfizer vaccine. Ang payo po ng mga eksperto, magpabakuna po sa ating mga lokal na pamahalaan anumang bakuna ang available. Iisa lang po ang epekto ng mga bakunang ito, ang maprotektahan tayo at ang ating pamilya mula sa malalang epekto ng COVID-19.

At kaugnay pa rin po ng usapin ng iba’t-ibang brand ng bakuna, makakausap po natin ang vaccine expert at Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination, Dr. Lulu Bravo. Good morning po, Doc Lulu.

DR. LULU BRAVO: Good morning, Usec. Rocky. And, wow, thank you for having me again here.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Lulu, sa mga nababalitaan natin recently ay talaga pong mapapansin na Pfizer ang mas pinipilahang bakuna, samantalang ang ibang brand naman po ay hindi ganoon kalaki ang pagtangkilik. Bilang vaccine expert po, do brands really matter kapag bakuna na po ang pinag-uusapan?

DR. LULU BRAVO: Usec. Rocky, what matters most is the effectiveness and the impact that a vaccine can do to the country. You know that we have already done Sinovac and Astra, and if you look at the impact that Sinovac has done in Indonesia which is a country na halos pareho natin, di ba?Alam mo mahigit na sampung milyon ang naibigay sa kanilang Sinovac and, wow, ang ganda ng kanilang outcome. Ang baba na ng kanilang mga cases of COVID, talo na nga tayo eh. But definitely the real world, okay, the real world impact is much, much higher than what we will call efficacy that is based on clinical trial.

Kasi ang mga clinical trial na nakikita natin ay kukonti lang, nasa 40,000, 50,000 lang ang ginagamit na mga population samantalang ito milyon-milyon na. So, nakikita natin mayroon ng impact iyong Sinovac sa Indonesia; of course, iyong mRNA malaki na rin iyong impact sa Israel.

Pero alam mo, magkakaiba ang mga bansa at magkakaiba rin ang kondisyones na nandoon sa iyong bansa – iba iyong variant, iba iyong type population, even genetics. Kaya ako, basta’t dumaan sa pag-aaral at sa pananaliksik at pumasa sa ating mga eksperto – we have hundreds of vaccine experts – ‘pag iyan ay sinabi nila na ‘okay sa atin, okay iyan,’ wag tayong magpa-tumpik-tumpik sapagkat ang kailangan natin ngayon – sinabi mo kanina, Usec. – kailangang tumaas na ang ating mga bakuna upang ma-reach natin iyong target natin na 70%.

Kasi kapag na-reach natin iyang target na iyan na 70%, unti-unti makakabalik tayo sa ating normal na buhay. Sana ‘di ba, sana nga magkatotoo iyong sabi ni Secretary Galvez na by Christmas, how we wish will be back to hugging each other, kissing each other, you know, sana naman matuloy iyon. Kaya dapat, magpa-iniksiyon na talaga para marating natin iyan. Usec, over to you.

USEC. IGNACIO: Ano po daw iyong palagay ninyo ang dahilan kung bakit may ganitong bias o preference din ng mga tao sa brand na pinaka-familiar sa kanila?

DR. LULU BRAVO: Usec., kulang lang tayo sa information siguro at bilang kayo nga pala ang in-charge niyan ano. Pero, Usec., maganda naman ang ginagawa ng Department of Health at saka ng ating PCOO, ‘di ba, iyong tuluy-tuloy na information dissemination, iyong tamang impormasyon na kagaya nito, ‘di ba?

Maganda eh, kaya lang alam mo importante talaga na maya’t maya ay pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayan na itong pagbabakuna ay hindi puwedeng maging prejudiced ka o biased ka. Kasi hindi naman nila talaga pa naiintindihan siguro iyong talagang tamang information na ang bakuna ay dumadaan sa mahabang pananaliksik; walang papayagan na bakuna na nakamamatay.

Tandaan po natin ito, mahaba po ang pananaliksik diyan. Ako po ay isang vaccine trialists, nakita po namin towards the last 35 years na gumagawa po kami ng pananaliksik sa bakuna at clinical trials, wala pong pinapayagang bakuna na may makikitang safety concerns.

So importante lang po, makikita natin iyong safety, efficacy, at the end of the clinical trial ay makikita natin na iyan po ay safe, iyan po ay effective at iyan po makakaprotekta sa ating mga bansa. Kailangan lang po talaga ng marami pa sigurong pagbibigay ng information at siguro kailangan tayong magtulung-tulong dito kasi hindi lang national government, siguro pati ang ating LGU pati at ating private sector.

Importanteng-importanteng, magtulung-tulong tayo, magsama-sama tayo para sa tamang information at sa mga ganitong pagpapabakuna. Usec., naalala mo noong 1990s na si Secretary Flavier sa loob ng isang buwan, tuwing Abril, aba’y limang milyon mga bata ang nababakunahan noon.

So, ako naman ay naniniwala na kaya rin natin na kapag nandiyan na iyong bakuna ay talagang mai-roll out nang maayos kagaya noong araw. Naku, ang ganda noong araw, noong nagkakaroon ng national vaccination days ‘di ba? Over to you.

USEC. IGNACIO: Dr. Lulu, unahin ko lang iyong tanong ni Tina Mendez ng Philippine Star: May concern on the efficacy of AstraZeneca vaccine kasi po mag-i-expire na daw in a month. Sabi po ng ilan, para na lang daw pong tubig ito kapag itong vaccine ang naiturok sa inyo. Totoo po ba iyon?

DR. LULU BRAVO:  We always must use the vaccine before the expiration date. Hindi tama na magbibigay ka ng bakuna pagkatapos mag-expire. Kaya nga ang sabi ko, pagtulung-tulungan natin na ma-roll out iyong vaccine, maibigay sa mga puwedeng mabigyan na mga rehiyon. At sabi mo nga, if we are successful, we can have ten to eleven million Filipinos vaccinated by the end of June.

Ang masasabi ko po, ako ay miyembro ng National Adverse Event Following Immunization, wala po kaming nakita na ang bakuna, ng Sinovac, ng Astra ay may dahilan para sabihin natin na ito po ay nakamatay or nakasama. Amin pong iniimbestigahan lahat ng mga nai-report na mga nangyari pagkatapos mabakunahan.

Karamihan po niyan, nangyari po, nagkaroon sila ng COVID hindi dahil sa bakuna kung hindi dahil na-expose po sila sa COVID; at mayroon naman pong namatay dahil mayroon naman silang underlying condition na hindi nagagamot at hindi nabigyan ng atensyon noong pasyente mismo, kagaya po ng heart attack, kagaya po ng stroke. Kung minsan po kasi hindi nila alam na sila pala ay dapat may maintenance din.

So, iyon po ay aming pinaiimbestigahan, pinag-aaralan, at hanggang sa ngayon po ay wala po kaming masasabi na ang mga bakunang naibigay whether Sinovac at Astra ay may kinalaman sa mga maaaring mangyari pagkatapos ng pagpapabakuna.

Mayroon pong minor, sinabi na po ni Dr. Myrna Cabotaje kanina, mayroon pong may lagnat, medyo tumaas ang alta presyon, mayroon gininaw, mayroon na parang may trangkaso, iyan po ay kasama naman sa ating pag-i-inform sa kanila na lahat naman po ng bakuna ay mayroon talagang side effect. Pero kung kayo po ay mayroon talagang impormasyon na tama, mababantayan naman po iyan at may magagawa tayong paraan upang mai-reduce or mabawasan iyong mga mararamdaman ninyo pagkatapos ng bakuna.

Over to you, Usec.

USEC. IGNACIO:   Opo. Doc Lulu, iyon pong sinasabing side effects kapag naturukan, mga ilang araw po iyon na mararamdaman ng isang nabakunahan?

DR. BRAVO: Usec., ang ating average number of days na mararamdaman mo is two to three days. Two to three days lang. Ngayon, kapag medyo humahaba na iyan, aba – hindi bale kung lagnat lang puwedeng mawala iyan agad, puwede kang uminom ng paracetamol, ‘di ba? Pero kung may nararamdaman ka na medyo severe, hindi na ganoon ka-tolerable, aba, mag-report ka na sa iyong vaccination center kasi mayroon talaga kaming nakikita na may COVID. Na iyong COVID niya ay before pa mabakunahan or na-expose siya sa COVID bago pa siya mabakunahan.

Alam mo, marami kaming nakita niyan doon sa mga health frontliners na bago pa lang nabakunahan noong umpisa pa. Kasi alam mo naman two and a half months na tayong nagbabakuna – March, April, and May, ‘di ba? At ang masasabi ko lang, Usec., ay magtiwala po sila dapat kasi po daan-daan ng eksperto po ang tumututok sa mga adverse event. Sa lahat po ng probinsiya mayroon po tayong tinatawag na Regional Adverse Event Committee at iyan po ay nag-iimbestiga rin bago po iyan dalhin sa National Adverse Event Committee.

Kami po iyong nandoon sa national at iyan po ay composed of experts in the field – cardiology, immunology, mga infectious disease, lahat po iyan ay sama-sama na nag-iimbestiga doon sa mga kaso na nari-report po na serious adverse event. At doon naman po sa probinsiya mayroon din pong mga eksperto, iyon po ang tinatawag nating regional at kami naman po sa NAEFIC ay sumasama doon sa kanilang mga meeting. Kaya nga po ang masasabi ko po ay talagang ito po ang serbisyo na magagawa ng ating mga eksperto sa atin pong mga kababayan.

Kasi halos araw-araw po ay mga oras, tatlong oras, apat na oras po ang inii-spend namin upang makinig sa mga adverse event na nanggagaling kung saan-saang probinsiya at dito rin po sa NCR.

Over to you.

USEC. IGNACIO:   Doc. Lulu, may tanong po si Red Mendoza ng Manila Times: Sa mga nagpabakuna po ngayon, comorbidity sa grupong A3 ay mga high blood pressure. Sa pagtanggal ng DOH sa vital signs sa checking bago magpabakuna, ano po ang inyong payo sa mga may alta presyon para mas maging kontrolado po nila iyong sitwasyon lalo na’t nasa risk factor pa rin po iyong napakainit na panahon, Doc Lulu, ang init ‘no?

DR. BRAVO: Usec., nag-usap-usap kami diyan, aming NAEFIC. Ang recommendation sana namin na pinresent nga namin at mari-receive iyan ng ating DOH ay mabuti na magsabi tayo sa mga kababayan natin na bago sila magpa-injection ay siguraduhin nila na maganda ang kanilang blood pressure. Madali naman ngayon magpakuha ng blood pressure ‘di ba? Every household nga yata mayroon ng blood pressure apparatus. Kung sila ay may dati ng alta presyon hindi naman bawal na magkaroon ka ng bakuna. Hindi bawal huh! Puwede kang mabakunahan kaya lang i-maintain sana natin na ang blood pressure nila ay nasa below 140.

Kung sila ay may gamot para sa alta presyon ay inumin na nila at siguraduhin na hindi sila magkakaroon o wala silang mga sintomas ng alta presyon. Ano iyon? Hindi ba iyong masakit ang dibdib, masakit ang ulo, masakit ang batok. Dapat wala silang sintomas ng ganoon bago sila magpabakuna. At importante rin na maski mayroon silang history or mayroon silang alta presyon before, maintained sila sa kanilang gamot para sa ganoon kapag nagbakuna sila ay hindi sila kakabahan.

Kasi alam mo, hindi naman talaga masamang magpabakuna doon sa may alta presyon, in fact, kailangan nilang magpabakuna kasi iyong mga may alta presyon, iyon iyong may malaking danger or risk na magkaroon ng severe COVID kapag sila ay na-expose. So, sila talaga iyong A3 ‘di ba? Iyong tinatawag nating A3 iyong mga may alta presyon, diabetes, hika, sakit sa atay, sakit sa kidney, iyon ang dapat bigyan talaga ng prioritization kasi kapag nagka-COVID sila eh sila iyong maoospital at sila iyong maaaring mamamatay sa COVID kaya sila iyong pina-prioritize.

Hindi ibig sabihin bawal sa kanila magpabakuna. Ang sinasabi lang natin sa screening kung ikaw ay magpapabakuna, tsekin mo na iyong blood pressure mo para sa ganoon ay mayroon kang kumpiyansa. At iyon namang may mga matataas na blood pressure pa ay tingnan mo muna, uminom ka muna, magkonsulta ka muna sa doktor mo, para sa ganoon hindi ma-delay iyong linya na nagbibigay ng bakuna. Iyon nga ang sinasabi kasi ng ating mga vaccinator – nakaka-delay sa pila iyong may mga alta presyon kasi talagang imo-monitor mo.

So, if we are able to do this, ang recommendation natin, puwedeng sunod-sunod ang pagbabakuna pero iyon pong magpapabakuna, sana naman sigurudahin na ninyo na kayo ay maintained sa inyong drugs and kung kayo po ay hindi sigurado, mayroon pong kabilang pila. Sabi nga natin, doon sa pilahan ng bakuna mayroong pila na walang alta presyon at may pila na may mga alta presyon so that hindi nadi-delay. I think, the LGU can do this better.

Alam mo, ang sabi ko nga importante we work together – ang LGU, ang National Government, ang private sector – importante po na efficient ang ating pagbabakuna upang sa ganoon talagang tuluy-tuloy po at ma-achieve natin ang ating target. Hindi po ba?

Over to you, Usec.

USEC. IGNACIO:   Opo. Doc, mula kay Kris Jose ng Remate Online, ito po ang tanong niya: Kapag daw po nabigyan na ng first dose ng bakuna, safe po ba na lumabas ng bahay o kailangan pong magpahinga, mag-stay ng bahay, i-quarantine ang sarili at hintayin po na matanggap iyong second dose bago po lumabas ng bahay?

DR. BRAVO: Alam mo, Usec., importante na mai-disseminate din natin, mabigay natin ang tamang information na kapag kayo po ay nabakunahan hindi po iyan lisensya na kayo ay puwede ng gumawa ng inyong mga pag-aalis ng mask, paglalagay ng face shield, hindi pa po. At kung puwede kayong mag-stay home, stay home kayo lalo na the first two days na baka makaramdam kayo – baka lang po huh – 3% lang ang nakita nating nag-record noon, 97% walang naramdaman, okay?

Remember that almost 97% ng nabakunahan po ay walang naramdaman, so, iyon pong 3% baka mayroong lagnat,  mayroong parang pagod, eh magpahinga na lang muna pero hindi po ibig sabihin ay tatanggalin na natin maski po after the second dose hindi pa rin po. Bakit? Hindi pa po natin naa-achieve iyong 70%. 70 million ng mga Pilipino dapat pong maging immune or nabakunahan na bago po tayo mag-umpisa na bumalik sa ating normal or sa dati nating pagsasama-sama.

Social distancing pa rin po. Iyon po ang ating laging tagubilin. Magtulung-tulong po tayo upang mapabilis ang ating pagbalik sa normal. Talaga pong ipagdasal natin na sana sa Pasko magdilang anghel sana si Sec. Galvez na sa Pasko tayo po magsasama-sama na.

Over to you, Usec.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong naman po ni Tina Mendez ng Philippine Star: Is it alright daw po for patients who recovered from COVID-19 and pneumonia to immediately get vaccinated or maghintay pa po ng full clearance from their doctors or pulmonologists?

DR. BRAVO: Usec., the current recommendation okay, the current because alam mo nag-iiba-iba ang recommendation eh, before it was 90 days after recovery you will be able to get a vaccine. Ngayon, two weeks na lang! Two weeks ang puwede mong interval from the time that you recovered to the vaccination.

You can get vaccinated two weeks after ikaw ay mag-recover. Ngayon, kung asymptomatic ka naman, halimbawa, nag-COVID positive ka tapos wala ka namang sintomas, hindi ka nag-pneumonia, okay? You can still get your next vaccine, iyong second dose mo, right? Or you can get vaccinated two weeks after that kung asymptomatic or wala kang sintomas huh. Kasi alam mo naman, almost ilan? Almost 60% walang nararamdaman maski na positive, di ba?

So, puwede ka pa ring magpabakuna kung nag-positive ka two weeks after. Iyong may mga sakit, magri-recover muna, kapag naka-recover puwede na rin pong magpabakuna two weeks after.

Remember, this is the current recommendation. Posible po ito na mag-iba kapag may nakita pong ibang dahilan kasi nga po we are in a kind of learning curve, hindi po pare-pareho ang nagiging kondisyones natin. So dapat po talaga makinig sa ating PTV 4, sa ating mga eksperto at sa ating pong mga bagong rekomendasyon kung iyan po ay lalabas. Over to you, thank you.

USEC. IGNACIO:  Mula kay Lei Alviz ng GMA News: Ano po ang tingin ninyo sa mungkahing vaccine mixing, makikinabang ba dito ang Pilipinas? Sa pag-aaral kasi sa Spain nakita raw po na highly safe and effective ang pagbibigay ng AstraZeneca as first dose at Pfizer ang second dose. Mas napapataas daw po ang proteksiyon.

DR. BRAVO:  You know, Usec., mixing is not really recommended, because mag-iiba ang efficacy—we don’t know yet, posibleng mag-iba ang efficacy, posible rin na mas mataas or mas mababa ang side effect, it remains to be seen.

However, if indeed it should be done – why?

Because number one, allergic ka pala doon sa first dose, so hindi ka puwedeng magkaroon ng second dose. So you might have to be given another type of vaccine, right. So that is also indicated; hindi masama iyon.

In general, the way that we see vaccinology and the years that we have spent looking at the interchangeability, in general, it is safe. Okay? I would say that, in general it is safe. However, iyong efficacy noong vaccine may change as you mix or as you use a different one. But we don’t know, it may change positively or negatively, meaning to say posibleng mas mataas iyong antibodies or mas bumababa iyong antibodies, we don’t know.

Until such time that you know, we have spent the research na pag-aralang mabuti iyan, nagawa iyong mga kailangang tingnan, eh mahirap sabihin iyan, wala pa tayo. As of now, we still recommend na kung maaari huwag mag-mix. Pero may mga dahilan para ka mag-mix, isa na nga iyong allergy ka, hindi ka na puwede doon sa second dose.

Number 2, kung hindi na available ‘yung iyong first dose and it can happen di ba. Halimbawa, nawalan ng stock and it has happened before in other vaccines, na wala iyong stock noong isa and you don’t want to be exposed, puwede kang kumuha ng another vaccine.

And number three, if you find out if the first vaccine that you got, did not take or there is a way for you to say that this vaccine was not able to respond well. So you might have to get another brand.

So, iyon iyong mga dahilan at mga pagkakataon na possible kang magbigay ng another brand. Over to you.

USEC. IGNACIO:  Dagdag po na tanong ni Lei Alviz: Dapat rin daw po bang bakunahan ang mga bata gaya sa US na puwede na sa 12 years old pataas?

DR. BRAVO:  Usec, dapat talaga, kaya lang dahan-dahan, dahan-dahan muna nating ginagawa. Number one, napakalimitado na nga noong bakuna para sa mga adult eh isusunod natin iyong mga bata. Alam mo naman sa US, ginawa na nila at nakita mo rin naman na ngayon, binigyan na nila ng go signal iyong Pfizer vaccine to be given to 12 to 15 years old, kasi iyong adult dati 16 and above ‘di ba. At gumagawa na rin sila ng pananaliksik na ibibigay, may clinical trial na rin na ibibigay for children below 12 years of age. And maybe before the end of the year, they may say that itong Pfizer vaccine can be given below 12 years old.

Ngayon sa iba naming bakuna, like I am not doing a protocol or we are starting to process a clinical trial for children from 3 years to 17 years old doon sa another vaccine which is Sinovac, I am doing this and I hope that it will also be successful so that we can also do this vaccination to children. Kasi ang mga bata ay talagang nagkakaroon ng COVID at ang pinakadelikado sa mga bata na malanitan ng COVID ay iyong may comorbid din, like iyong may congenital heart, iyong mayroong sakit sa puso, sa lungs, sa atay, kasi mayroon ding mga bata na may diabetes. So ito iyong mga delikado and we have seen that.

Alam mo iyong PIDSP, iyong Pediatric Infectious Disease, tinitingnan nila iyong mga incidents ng COVID sa children and we have found out – parte din kasi ako ng PIDSP – we have found out na ang mga bata ay hindi naman talagang ligtas sa COVID ‘di ba.

So dapat talaga in the future, when we are able to give the vaccine to children base sa mga clinical trial eh maibigay na rin iyan sa mga bata. Sabi nga natin, sa buong mundo, in the next so many years we will be giving the vaccine every year perhaps. So, marami pa tayong pag-aaralan, hindi pa tapos iyan, moving target kasi tayo.

Kaya maraming salamat sa inyong pagbibigay ng information dito tungkol sa COVID, wala pang nakikita kaming katapusan kung kailan tayo titigil ng pananaliksik or ng pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:  Doc. Lulu, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama ulit sa aming programa ngayong araw. Mabuhay po kayo at stay safe at uulit po sana kami ng imbitasyon sa inyo. Salamat po!

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap sa iba’t ibang lalawigan sa bansa mula sa PBS-Radyo Pilipinas. Magbabalita si John Mogol.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Ika-isandaan at labindalawang Malasakit Center sa bansa, binuksan kahapon sa lalawigan ng Bataan. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Puspusan naman ang ginagawang information education campaign ng provincial LGU ng Benguet para hikayatin ang mga residente na magpabakuna pangontra sa COVID-19. Mula sa PTV Cordillera may report si Breves Bulsao

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Breves Bulsao ng PTV-Cordillera.

Maraming salamat din po sa ating mga partner agency sa kanilang suporta sa ating programa at sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

At dito po nagtatapos ang isa na namang edisyon ng Vaccines Explained, nawa’y nakatulong po ang ating mga panauhin para bigyan-linaw ang mga isyung kadikit ng pagbabakuna laban sa COVID-19. Ako po muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)