Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Usaping turismo, korapsiyon at bakuna ang atin pong pag-uusapan kasama ang mga panauhin mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at eksperto sa medisina. Kaya kung mayroon po kayong gustong malaman sa nasabi ng issue, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube accounts.

Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Nanindigan si Senate Committee on Health and Demography Chairperson Christopher ‘Bong’ Go sa isinusulong niyang pagpapalakas sa kapasidad ng mga ospital sa lalawigan ngayong wala pang katiyakan kung kailan matatapos ang health crisis na dulot ng COVID-19 pandemic. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, May 20, 2021:

  • Umabot na sa 1,165,155 ang total number of confirmed cases matapos pong makapagtala ng 6,100 na mga bagong kaso;
  • 135 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 19,641 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman po natin na gumaling na sa sakit ay nasa 1,093,602 matapos makapagtala ng 4,071 new recoveries kahapon.
  • Ang total active cases sa kasalukuyan ay nasa 51,912.

Para tulungan naman tayong mas maintindihan pa ang kahalagahan po ng pagbabakuna kontra COVID-19, makakasama po natin sa programa si Dr. Karl Henson, Infectious Disease Specialist mula po sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease Incorporated. Good morning po, Doc.

DR. HENSON: Magandang umaga po sa inyong lahat; magandang umaga po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc may kaniya-kaniya pong preference ang ating mga kababayan ano po. Pero bakit po ba mas mainam na ngayon pa lang po ay makapagbakuna na ang ating mga kababayan regardless po ng vaccine brand?

DR. HENSON: Well, iyong preference nag-i-stem iyan doon sa vaccine efficacy na tinatawag ‘no, ang may datos na earlier on sinabi mas effective ito. Pero iyong comparison na iyon, hindi siya masyadong accurate kasi magkakaiba ng time points naman na ginawa iyong studies ng vaccines.

Ang gusto nating mangyari, mabakunahan ang maraming, maraming tao sa lalong madaling panahon para mababa iyong kanilang risk nang dying from COVID or from getting severe COVID ‘no.

So ang panawagan natin is kung ano iyong available na bakuna, iyon na ‘yung kuhanin nila kasi lahat naman ng bakuna na available at na-approve ng—well iyong may EUA ng FDA, lahat iyon very, very good ang resulta in terms of preventing severe COVID and preventing you from dying from COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, gaano kalaki po iyong posibilidad na makaranas po siya nang severe symptoms ng COVID-19 o kailanganin pa ring dalhin sa ospital kung siya po ay may bakuna na? Sakali pong nagpabakuna na pero dinapuan pa rin po ng COVID, so ano po iyong—gaano magiging porsiyento noong siya po ay severe?

DR. HENSON: So base po sa datos ‘no na mula sa mga clinical trials noong mga bakuna, kapag nabakunahan ka na ng dalawang doses ng kahit anong vaccine ‘no – mapa-Pfizer ‘yan, Moderna, Sinovac – almost 100% iyong protection that the vaccine provides ‘no. So maliit na maliit na porsiyento na lang iyong risk na magkakaroon ka nang severe COVID o mamamatay ka from COVID ‘no.

Ang sabi doon sa mga datos sa clinical trials 100% but alam naman natin na wala naman talagang 100% na gamot ‘no. So what we say is almost 100% iyong efficacy noong mga bakuna in terms of preventing severe COVID and preventing death.

USEC. IGNACIO: Opo. Marso po noong sinimulan nga natin ang vaccine rollout sa bansa. So far sa mga nakatanggap na po ng first at second dose ng vaccine, ano po iyong observation ng mga eksperto sa kanilang kalagayan ngayon?

DR. HENSON: So far, maganda po ‘no. Kami po sa—I also work sa Medical City, nabakunahan na po namin ang lahat ng empleyado namin with at least first dose and a chunk of them nakakuha ng na second dose – mababang-mababa po ang rate po ng adverse events following immunization ‘no. So parang sa amin, isa o dalawa lang po iyong nagkaroon nang severe adverse events. We need to differentiate between iyong allergic symptoms and severe adverse events versus iyong mga ini-expect na sintomas – iyong lagnat, iyong pananakit ng katawan – lahat iyon expected, paracetamol lang katapat noon.

So iyon okay lang iyon, mawawala siya nang kusa ‘no after a day or so ‘no. Pero ‘pag pinag-uusapan natin iyong severe adverse events, iyong severe allergies mga ganoon… mababang-mababa po iyong rate na nakita namin sa pag-rollout po namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero dito sa second dose, posible pa rin po ba silang makaranas ng side effects? Kasi mayroon pong nagsasabi na parang mas iba daw po iyong side effects na mararamdaman mula doon sa first dose. Totoo po ba ito?

DR. HENSON: That is true po. Pero unang-una, ang reaction ng isang pasyente will be different from the next person ‘no. May mga tao na who never really developed any of these reactogenic symptoms – iyong mga lagnat, iyong pananakit ng katawan. Pero kapag nag-develop ka ng symptoms first dose, minsan medyo mas grabe iyong symptoms sa second dose. So kung iyong unang dose medyo iyon nanghina ka na, nanakit ang katawan mo, baka sa second dose you might wanna take a leave of absence the following day ‘no kasi minsan mas malala iyong symptoms. But again, these are expected symptoms ‘no. If we’re talking about muscle pains, joint pains, lagnat, okay lang iyon, makukuha ng paracetamol iyon and puwedeng ipahinga sa bahay.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi baka po iniisip din, Doc., ng ating mga kababayan na baka hindi effective ang bakuna sa mga bagong variants kaya siguro wait and see ang kanilang action. Ano po ang masasabi ninyo rito?

DR. KARL HENSON: Double edged po iyang ganiyang pag-iisip ‘no. Gusto po natin na maprotektahan ang maraming tao at ayaw po natin na magbuo pa tayo o mag-mutate pa iyong virus even more and come up with a new variant ‘no. So may datos po na nagsasabi na iyong mga bakuna po might be less effective or less efficacious doon sa mga variants ‘no pero iyon pong mga datos na iyon ay lot-based ‘no invitro studies.

Ang nakikita po natin sa rollout sa buong mundo, mukhang may effect pa rin po and maganda pa rin po iyong effect ng mga bakuna doon sa variants. But the way to prevent the variant from spreading even more ay pare-pareho lang – mask wearing, hand hygiene and physical distancing. Ang kapag masyadong mataas iyong kaso natin, mas likely ho na magpu-form ng variants ‘no. So gusto nating mabakunahan ang lahat para maprotektahan sila para bumaba iyong kaso at para hindi na magkaroon ng mga bagong variants pa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kasi pagdating naman po sa safety ng mga bakuna, lagi pong sinasabi ng mga awtoridad na may EUA naman ang bakuna kaya tiyak na ligtas ito. So ano ba po iyong EUA, Doc, at bakit natin siya dapat pagkatiwalaan?

DR. KARL HENSON: Okay, medyo technical po iyang answer na iyan. Pero para ho medyo mai-shorten ‘no, ang EUA po is a tool na ginagamit po ng FDA para mabilis na mai-evaluate iyong mga produkto, so in this case, bakuna. Iyong mga bakuna po na hindi pa one hundred percent complete iyong kanilang Phase 3 trials, maaga na pong ini-evaluate ng FDA iyong datos ‘no from the clinical trials. Tinitingnan po kung safe at kung efficacious po iyong bakuna, base po iyan sa sina-submit ng mga manufacturers.

Now, kapag nakita po ng FDA natin na, unang-una, iyong bakuna ay safe at efficacious at depende rin ho siyempre sa evaluation ng mga ibang bansa na mas stringent iyong criteria, they also take that into consideration, then they will issue an emergency use authorization. Ang ibig sabihin po nito, iyong mga bakuna na iyon ay na-evaluate nang maigi ng mga eksperto natin sa FDA at pumasa po doon sa regulatory process, doon sa screening and evaluation po ng FDA which, I think, we can be assured na very, very thorough and reliable po.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyo pong pagpapaunlak sa aming paanyaya, Dr. Karl Henson. Sana po ay maimbitahan namin kayo muli. Ingat po kayo, Doc.

DR. KARL HENSON: Maraming salamat po at magandang umaga po ulit sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Isa po ang sektor ng turismo sa bahagyang nakahinga matapos pong ipatupad ang mas maluwag na quarantine restrictions sa NCR Plus. Pinapayagan na po kasing muli iyong staycation at leisure air travel. Upang alamin ang mga bagong guidelines ng DOT o Department of Tourism ukol diyan, makakausap po natin si DOT Undersecretary Benito Bengzon, Jr. Welcome back po, Usec.

DOT USEC. BENGZON: Magandang umaga, Usec. Rocky. At sa lahat ng nakikinig sa programa ninyo, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., taun-taon talaga ay nakagawian ng mga Pilipino na magbakasyon tuwing summer. So paano po nakaapekto rito iyong sunud-sunod na ipinatupad na mahigpit na quarantine restrictions sa NCR Plus? May datos po ba kayo kung nasa magkanong halaga po ang nawala sa sektor ng turismo?

DOT USEC. BENGZON: Well, alam natin na iyong summer season, historically iyan ang pinaka-peak period for travel. Iyong mga estudyante, nakabakasyon, at iyong mga pamilya ay talagang pinaplano nila iyong pag-ikot nila ‘no during the summer months of April and May. Kaya lang nagkaroon tayo ng ECQ, MECQ, ngayon natutuwa tayo nasa GCQ na tayo ulit although under heightened alert. So nakikita natin na unti-unti nang makaka-recover ang tourism industry.

Doon po sa impact ng pandemya sa ating industriya, noong 2020 ang estimate po namin, bumaba po iyong inbound revenue ‘no. In other words, iyong ginastos ng mga international travellers from about 482 billion pesos to about 82 billion pesos. Doon po sa datos naman pagdating sa domestic travel, hinihintay pa po namin iyong official report ng Philippine Statistics Authority ‘no na usually nilalabas po iyan nang June. Pero ang mahalaga dito, ang instruction sa amin ni Secretary Berna Romulo-Puyat ay tulungan ang ating mga tourism enterprises at saka itong mga displaced tourism workers para mapabilis iyong recovery ng ating industry,

USEC. IGNACIO: Opo. Para pa rin po sa kaalaman ng ating publiko, ngayon pong nasa GCQ with heightened restriction nga po tayo, ano raw po iyong mga pinapayagan na tourism-related activities?

DOT USEC. BENGZON: Dito po sa NCR Plus ‘no while we are under GCQ heightened alert, puwede po iyong staycation. Mayroon po tayong labintatlong hotels dito sa NCR ‘no with a total room capacity of about 5,986 na nakapag-comply doon sa requirements ng DOT na nakakuha na po sila ng certificate of authority to operate for staycation. So ang ibig sabihin po nito, kung ikaw ay taga-NCR Plus, puwede kayong mag-check in doon sa mga staycation hotels na, like I said, nakakuha na po ng certificate.

Pangalawa, mayroon po tayong pinapayagan na ngayon, again for NCR Plus ‘no, iyong P2P air travel. So kung manggagaling ka sa NCR Plus, puwede kang pumunta doon sa mga destinations kung saan iyong hotel o iyong resort ay nakakuha na rin ng certificate of authority ‘no to operate for point to point travel.

USEC. IGNACIO: At dahil puwede na nga po iyong staycation, ano daw po ang tulong nito sa operasyon ng ating mga hotels?

DOT USEC. BENGZON: Well, marami po kasi sa mga hotels natin ay talagang naapektuhan iyong revenues din nila dahil sa ngayon ay sarado pa po ang ating international borders. So iyong mga hotels dito ay umaasa talaga doon sa local clients. So itong pagbubukas natin noong labintatlong staycation hotels, makakatulong po doon sa mga hotels natin, iyong mga accommodation establishments at saka siyempre iyong mga tourism workers ‘no na na-displace.

So ang nakikita po namin, well this is part of our slow but steady restart of tourism.

USEC. IGNACIO: Opo. Noon daw pong kasagsagan nga ng surge ng COVID sa NCR Plus, humihingi po ng tulong ang Department of Health sa mga hotels na dagdagan ang inilalaan na quarantine hotel. Sa ngayon po ay kumusta na po ito at nasa ilang porsiyento po ng hotels dito sa rehiyon iyon pong ginagamit for quarantine facility?

DOT USEC. BENGZON: Well, unang-una, nagpapasalamat kami doon sa mga hotels ‘no at saka iyong mga ibang establishments dahil nag-offer po silang gawing either isolation facility or quarantine hotel iyong kanilang mga establishments. Nakatulong ito nang husto doon sa pag-accommodate doon sa mga confirmed cases o doon sa mga kailangan na obserbahan.

So marami po diyan sa NCR na have been converted to isolation facilities o quarantine hotels. Pero mayroon din po tayong mga ilan na hotels that operate for leisure – ito na iyong staycation na tinutukoy ko.

USEC. IGNACIO: Siyempre kapag po ginagamit na quarantine facility iyong hotel, bawal talaga tumanggap ng guest for leisure stay ano po, Usec.?

DOT USEC. BENGZON: Tama po iyan. Kailangan tandaan natin hindi puwede paghaluin ‘no. Kung ikaw ay quarantine hotel, pang-quarantine ka lang; kung ikaw ay leisure, pang-leisure ka lang. So, hindi pupuwede iyong mixed clientele sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano pong mga requirements ang mga kakailanganing ipakita kapag po magche-check-in o mag-staycation po?

DOT USEC. BENGZON: Unang-una, mayroon tayong age restrictions ‘no. Ang puwede lang mag-check-in is those from 18 to 65 years old at gaya pa rin ng guidelines na inilabas natin early on, kailangan magkaroon sila ng antigen test ‘no; kailangan negative siyempre ang resulta bago sila payagang maka-check-in. And then siyempre habang nasa hotel ka kailangan sumunod ka pa rin doon sa mga health and safety guidelines noong establishment.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman daw po itong point-to-point air travel at paano daw po ang kalakaran dito?

DOT USEC. BENGZON: Ang point-to-point air travel, ang konsepto po nito is para kang may bubble from the NCR Plus to the destination. So, iyong accommodation establishment whether it’s a hotel or resort kailangan kumuha sila ng certificate of authority to operate for point-to-point travel from the nearest DOT regional office. And this is basically limited for air travel at saka for charter flights.

So, ang—if you were to imagine the movement from an airport in NCR, nag-chartered flight ka papunta doon sa regional airport tapos [garbled] transfer papunta doon sa accommodation na establishment. So, for the hotel or the resort to operate for such P2P, kailangan mag-apply sila with the Department of Tourism, kailangan siyempre mayroon silang accreditation, kailangan din na mayroon silang endorsement coming from the LGU and of course the destination must be either under GCQ or Modified GCQ.

USEC. IGNACIO: Usec., bigyan-daan ko lang iyong tanong ng ating kasama sa media ano. Mula po kay Asher Cadapan ng UNTV: Ano daw po ang komento ng Department of Tourism regarding sa panukalang vaccine pass ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion para po mapalakas ang local tourism? May plano po ba ang Department of Tourism na i-recommend ito sa IATF?

DOT USEC. BENGZON: Well, ang position naman ng DOT from the very start is gusto nating ma-facilitate iyong movement ng domestic travel ‘no kaya noong Pebrero through our presentation sa IATF na i-simplify iyong requirements for the different destinations na dati mayroon ka pang PNP pass, mayroon kang health certificate; ngayon, kailangan mo na lang iyong RT-PCR negative test result but only of the LGU will require it.

Pagdating dito sa vaccine pass, pag-aaralan po natin iyan, kung sa tingin natin makakatulong nang husto ito sa pagbubukas ng mga tourism establishments at saka tourism activities then we will support this particular measure.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. Stay safe po, Usec.!

DOT USEC. BENGZON: Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, atin naman pong bigyang-daan ang mahalagang anunsiyo ng IATF, Ihahatid po iyan sa atin ni IATF at Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Good morning, Secretary!

SEC. ROQUE: Good morning at maraming salamat, Usec. Rocky!

Balitang IATF po tayo ngayong araw ng Biyernes:

  • Nagpulong po ang inyong IATF kahapon kung saan nagsabi ang Metro Manila Council na pinapayagan ng mga mayors ng NCR ang religious gathering sa 30% venue capacity.

Kung matatandaan po ninyo, una nang pinayagan ng IATF ang religious gatherings na hanggang 10% ng venue capacity sa ilalim ng General Community Quarantine with heightened restrictions ngunit binigyan ng discretion ang mga local government units na taasan ang venue capacity ng religious gatherings nang hindi tataas sa 30% allowable venue capacity.

  • Inaprubahan din po ng inyong IATF ang pagsasagawa ng 9th Meeting of the ASEAN Plus 3 Emergency Rice Reserve ng National Food Authority, ikinukonsidera itong essential gathering.
  • Samantala, pinayagan naman po ang relocation activities ng apektadong informal settlers na bahagi ng construction projects ng Department of Public Works and Highways. Ito ay dapat ayon sa umiiral na mga batas at mga ordinansa at sa subject sa safety and health protocols at strict observance sa minimum public health standard.
  • Kasama rin sa inaprubahan ng inyong IATF ang mga rekomendasyon ng National Economic Development Authority na i-scale up ang contact tracing applications ng iba’t-ibang local government units tulad ng Pasig, Mandaluyong, Antipolo, Valenzuela at iba pa. Kaugnay nito, inatasan ang Department of Information and Communications Technology at Department of Interior and Local Government na mag-issue ng polisiya para matiyak na lahat ng contact tracing applications ay interoperable.
  • Samantala, inaprubahan din ang request ng Philippine Swimming Incorporated na mag=host ng 2021 Swimming National Selection Meet sa ilalim ng bubble-type format sa New Clark City Aquatic Center, Capas, Tarlac. Kaugnay nito, lahat ng mga national selection meet ay magiging authorized persons outside of residence at papayagan ng interzonal travel.
  • Ang mga atleta naman po na lalaban sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games ay puwede nang magsimula ng kanilang bubble-type training subject sa applicable guidelines ng Philippine Sport Commission, Games and Amusement Board at Department of Health. Sana nga po bring home the gold sa Tokyo.
  • Kaugnay nito, inaprubahan ng inyong IATF ang rekomendasyon ng technical working group sa Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) na nagrekomenda na bigyang prayoridad ang pagbabakuna ng mga atleta, coaches, mga delegado at opisyal na aalis papuntang Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.
  • Sa pagbabakuna pa rin, ang frontline employees ng Business Process Outsourcing Industry at frontline employees ng Commission on Elections ay inirekomenda sa iNITAG na mapasama sa priority group A4. Habang ang liquefied petroleum gas dealers – LPG po ito huh – retailers and attendants ay kasama sa approved priority A4.2 for vaccine deployment sa ilalim ng retail trade operators and frontliners.
  • Panghuli, bumuo ng small working group na mag-aaral at gagawa ng protocols para sa inbound international travel ng fully vaccinated individuals to be chaired by the Department of Tourism and co-chaired ng Department of Foreign Affairs.

Sa usaping bakuna, malinaw ang paliwanag ng DILG na bagaman hindi iaanunsiyo ng LGU ang vaccine brand, sasabihin sa mababakunahan ang vaccine brand habang nasa vaccination center. Hindi ililihim sa mababakunahan ang bakunang ibibigay sa kaniya. Karapatan ninyo po itong malaman at tanggihan ito.

Tulad ng sinabi ko bago magsimula ang ating mass vaccination for population protection, huwag po tayong maging pihikan sa brand ng bakuna. Ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang ituturok sa inyo pong mga braso. Lahat ng mga bakuna ay dumaan po sa masusing pag-aaral at standards hindi lamang po ng ating FDA, hindi lang po ng iba’t-ibang mga bansa na nag-issue rin ng EUA sa mga bakuna na ito kung hindi kasama na rin po ang World Health Organization.

Kung dati-rati kasi ang sigaw ng mga kritiko: “Nasaan ang bakuna? Kailangan namin ito ngayon na!” Noong nagsimulang nagdatingan ang mga bakuna ang sigaw naman nila ay naging: “Ligtas ba ang mga iyan?” At ngayong napatunayan ng mga eksperto na ligtas at epektibo ang mga bakuna laban sa matinding kaso ng COVID-19 ang naging sigaw nila, “Gusto namin ng ganitong brand.”

Nirirespeto po namin ang karapatan ng bawat isa na pumili ng brand na nais nila ngunit tandaan natin na ang coronavirus lalo na ang pagdating ng mga bagong variant gaya ng mas nakakahawa at mas nakakamatay na Indian variant ay walang pinipiling tao at panahon.

Mas mahalagang magkaroon na po ng proteksiyon ‘NOW NA!’ Huwag na natin itong ipabukas. Kung kayo po ay tinext o tinawagan na puwede na kayong magpabakuna, huwag ninyo po itong ipag-ibang araw. Magpabakuna na po tayo! Tungkulin natin na protektahan ang ating mga sarili, ang ating pamilya at ang ating buong bansa.

Maraming salamat po! Usec. Rocky, ilang mga katanungan po galing sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, bigyang daan natin iyong tanong ng ating kasama sa media. Mula po kay Mela Lesmoras ng PTV: Can you give us details about the President’s participation at the Nikkei Future of Asia Conference later at sinu-sino po ang makakaharap niya rito at live po bang mapapanood ng publiko ang kaniyang talumpati?

SEC. ROQUE: Magbibigay na lang po tayo ng statement tungkol sa okasyon na ito at titingnan ko po kung pupuwedeng mai-live. Ang mahirap po kasi sa mga pagpupulong na international ay kinakailangan mayroon pong kasunduan kung pupuwedeng isapubliko ang proceedings o hindi. Pero sigurado po iyan magri-release po tayo ng statement.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Mela Lesmoras na pareho po ng tanong ni Bella Cariaso ng Daily Tribune: May we get your reaction sa latest SWS survey kung saan 51% daw po ng adult Filipinos are confident about the government’s evaluation of the COVID-19 vaccine. Pero 32% are still uncertain and 17% are not confident?

SEC. ROQUE: Well, nagagalak po kami na tumaas na po ang ating vaccine confidence to 51% ‘no. Sa katunayan talagang nakakaimpluwensiya sa kumpiyansa ng ating mga kababayan iyong katotohan na iyong kapitbahay nila ay nakapagbakuna na. At naririyan din iyong listahan ng mga aprubadong mga bakuna, hindi lang ng Pilipinas kung hindi pati po ng World Health Organization. Nagagalak po kami na 30% ang dapat kumbinsihin pa, kaya nga po magkakaroon tayo ng bagong massive infomercial campaign at doon sa 17% hindi pa rin po tayo maggi-give up diyan, dahil importante po lahat ng Pilipino ay mabakunahan. Eh ito naman po ay galing sa kaban ng bayan, bakit naman natin hihindian at isipin naman natin wala pong kahit sino, Pilipino o dayuhan man, ang magbibigay ng EUA kung hindi po ito ligtas at epektibo.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Maricel Halili ng TV 5: The US FDA recommends to stop using syringes and needles made by Chinese firm Haiou. Reports has said that these needles are detaching from the syringe and getting stuck to the patient’s arm after injection and a few incidents involving accidental needle stick injuries to health care providers. May nabili po ba tayo mula sa Haiou at ano po ang directives ng national government about this?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung mayroon tayong nabili sa Haiou. Ipagbibigay-alam ko po itong bagay na ito sa ating Department of Health. I will defer to the Department of Health po.

USEC. IGNACIO: Ikalawang tanong po ni Maricel Halili: Atty. Macalintal appeals to allow senior citizens ages 66 and above to be allowed to go out if they are fully vaccinated. May ilang malls or establishments daw po kasi ang ayaw magpapasok ng senior. Ano po ang tugon ng IATF dito?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, ipinagbawal lang po natin ang presensiya ng mga seniors sa mga malls, kasi sila po iyong pinaka-susceptible na mamatay dahil sa COVID-19. Tried and tested na po iyan. Now ang suhestiyon naman po kapag fully vaccinated na, well, hintayin po muna natin na talagang tuluyang ma-vaccinate na ang lahat ng ating mga seniors at pag-aaralan naman po natin kung pupuwede na.

Ang problema po kasi, ang vaccination, hindi po iyan 100% guarantee ‘no. Guarantee lang po iyan na hindi mauospital o hindi mamamatay dahil sa COVID-19. Pero pagdating po kasi sa seniors, hindi natin masasabi dahil karamihan ng seniors mayroon ding comorbidities. So kinakailangan pag-ingatan pa rin po. Sa ngayon po, let us become homeliners, mga seniors.

USEC. IGNACIO: Huling tanong ni Maricel Halili: Some mayors po asked the national government to provide more vaccines to their areas. Iloilo City Mayor Treñas said that government should not take for granted regions experiencing second surge. Sabi rin daw po ni CDO Mayor Moreno, sana daw po ay bigyan ng mas maraming bakuna ang mga LGU na mabilis na mag-administer nito. Does the government has the capacity to give them additional vaccines?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, maski binibigyan ng prayoridad iyong areas kung saan pinakamatataas ang COVID – Metro Manila plus 8, Cebu at Davao – hindi po ibig sabihin na titigil na ang pagbibigay natin ng bakuna sa mga iba’t ibang lugar ng Pilipinas. 43% po ang tops or maximum na ibibigay sa Metro Manila, sa walong probinsiya na karatig nito at Cebu at Davao at iyong karamihan na 57% ay ibibigay pa rin po sa buong Pilipinas. Mayroon lang po tayong sinusundan na order at ang alam ko naman po ang CDO at ang Iloilo ay nandoon din po sa top of the order of priorities.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: May update na ba sa plano ni President Duterte na konsultahin ang ilang mga personalidad kabilang ang mga dating Presidente tungkol sa West Philippine Sea? Sinu-sinong dating pangulo at personalidad ang gustong makausap ni Pangulong Duterte, kasama po ba dito si President Aquino? Tanong rin po iyan ni Bella Cariaso ng Daily Tribune kung kasama rin po ba si former Solgen Estelito Mendoza sa maaaring imbitahan?

SEC. ROQUE: Wala pa pong balita tungkol diyan, pero lilinawin ko po na talagang consistent naman po ang naging polisiya ng Presidente sa West Philippine Sea. Wala pong naging problema diyan hanggang nag-ingay po ang mga kritiko at ginawang political issue po iyan.

USEC. IGNACIO: Ikalawang tanong naman po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Iyong Pfizer for indigent, ito po ba iyong current supply na niru-rollout, kasi paubos na daw po iyon. Or was the President referring to the Pfizer vaccine arriving at the end of the month?

SEC. ROQUE: Lahat po ng mga tatanggapin nating Pfizer, lahat po iyan galing sa COVAX. Iyan po iyong 193 initial Pfizer at iyong 2 million na darating, lahat po iyan ay galing sa COVAX facility at obligasyon po natin sang-ayon sa regulasyon ng COVAX na ibigay po iyan sa medical frontliners, sa mga seniors, sa mga may comorbidities at saka mga indigent o mga mahihirap. Pero huwag po kayong mag-alala, iyong A4 naman ay bibigyan po natin ng mga bakunang binili natin.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Pia Gutierrez: What does the Palace say about proposal to use Pfizer for teenagers, kasi iyon lang po ang ginagamit sa ibang bansa sa edad 12 pataas – older. Ang proposal daw po is to use it for teens, so that they can resume school?

SEC. ROQUE: Wala pa pong decision ang NITAG at ang IATF tungkol diyan. Unahin po muna natin ang A4 t A5.

USEC. IGNACIO: Opo. Question po mula kay Kris Jose ng Remate at Celerina Monte ng Manila Shimbun: May panawagan po na magtambal sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo para sa isang infomercial na maghihikayat sa publiko para po magpabakuna laban sa COVID-19. Malakas po na pangontra rin daw po ang tambalang ito sa fake news laban sa bakuna. Payag daw po ang kampo ni VP Robredo. Sa tingin po ninyo papayag po ba si Pangulong Duterte sa panawagang ito at possible po kayang magkaroon ng tambalang Duterte-Robredo para kahit man lang daw po sa infomercial laban sa COVID-19?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po linawin natin kung talagang tatanggapin ng Vice President ang lahat ng bakuna, kasi nagkaroon siya ng unang mga deklarasyon na mukhang hindi rin siya approved sa mga Chinese vaccines at pinulitika rin po iyang isyu na iyan na para bagang may kapalit iyong ating WPS issue dito sa mga bakuna. So linawin na muna po natin kung ano ang paninindigan talaga ni VP Robredo. Dahil sa mula’t-mula naman po ang Presidente, walang tigil na nagsasabi, na ang bakunang pinakamagaling ay ang bakunang naririyan na.

USEC. IGNACIO: Secretary, paumanhin po ano, may tanong si Bella Cariaso dito ng Daily Tribune, baka po nabasa na ninyo sa presentation, pero hindi ko po kasi narinig. In case lang po: Kumpirmahin lang po niya sana kung mayroon pong IATF resolution increasing religious capacity by 30%?

SEC. ROQUE: Mayroon po pero iyan po ay ipinaubaya sa mga lokal na pamahalaan. Kinakailangan ang mag-authorize ng 30% ay mga lokal na pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Usec. Rocky sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, Pilipinas pabakuna na po tayo and happy weekend to all of you.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

Sa puntong ito makikibalita muli tayo sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission sa mga iregularidad sa pamahalaan, makakasama po natin si PACC Chairperson Greco Belgica. Welcome back po sir.

PACC CHAIR GRECO BELGICA: Magandang umaga Ma’am Rocky; at saka sa lahat ng nakikinig sa atin, magandang umaga po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin na lang po natin Chair Greco. May iregularidad di umano sa DepEd Central Luzon Office kaugnay sa promotion on sale scheme, ano po ang modus na ito at kumusta daw po ang imbestigasyon ng PACC dito?

PACC CHAIR GRECO BELGICA: Opo. Ito iyong imbestigasyon na nasimulan na namin noong 2018 na nagresulta sa pagkakatanggal ng isang teacher at ng isang official ng DepEd po sa Region 3 sa pangalan ni Allan Alba, Teacher Alan Alba dahil napakarami na po nagreklamo dito at nagbigay po ng ebidensiya na sila daw po sinisingil dito para lakarin ang kanyang application. Mayroon daw pong naaprubahan at meron din daw po na hindi naaprubahan.

So, siya po ay natanggal at nakasuhan, subalit just recently nagbalikan po sa amin iyung mga ganitong mga klase na scheme. So, minarapat po namin na magkaroon ng imbestigasyon muli sa isyung ito sa DepEd.

Ito po iyong non-exclusive lane sa DepEd, sa mga ibang ahensiya ng gobyerno na meron silang mga tiga-lakad para sa promotion. Pero for DepEd, minsan daw sinisingil sila ng mga P60,000, hindi po ito sa lahat ano. Mayroon lang mga lumalakad ng mga ganitong sistema.

So, bawal po iyan, corruption po iyan, ang ating promotion should be based on abilities and iyong malinaw na pamantayan hindi iyong palakasan. So, iniimbestigahan po natin iyan [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po sa pasimuno diumano ng modus, ano naman po ang mangyayari daw doon sa mga bumili naman ng kanilang promotion?

PACC CHAIR GRECO BELGICA: Titingnan din po natin iyan, iyang aspetong iyan, pero uunahin po natin na tingnan iyong mga nagbibenta, iyong nag-aalok ng ganitong serbisyo at titingnan natin kung bakit at paano nila nagagawa po ito.

Malamang po ito ay nagagawa nila dahil sa mga proseso na nakakarami kaya kinakailangan na lumapit pa sa kanila, hindi malinaw, hindi maayos, maraming dinadaanang mga opisyal na nagiging discretionary iyong kanilang pag-a-apply. So, pagkatapos po natin malaman kung paano at saka kung sino ang mga involved, isusunod na po natin alamin kung sino iyong mga tao na gumamit po nito upang makasuhan din po.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair Greco, sinabi ninyo po na patuloy rin iyong pagsasampa ng kaso ng PACC sa ilan pang opisyal na sangkot sa anomalya at bilang bahagi po ng inyong road map for 2022. May bago po bang nadagdag sa listahan at ano po ang kinasasangkutang kaso ng mga involved diumano sa corruption?

PACC CHAIR GRECO BELGICA: Opo. Kahapon po ay nag-file kami directly ng kaso sa Office of the Ombudsman tungkol po sa APO, isang printing office ng pamahalaan na siya po ang pinass para mag-print ng mga accountable forms and sensitive and high quality volume printing ng gobyerno.

Pumunta po sa opisina ang APEA, ang Asian Productivity Employees Association, at nagsumite na rin ng reklamo laban kay APO Chairman and President Michael Dalumpines na inakusahan na lumabag sa RA 3019 at RA 6713.

Noong August 17, 2015 naglabas po ang BAC ng DFA ng resolution na nagrirekomenda na negotiated procurement na lang ang isagawa para po sa proyekto na passport o pag-i-imprenta ng pasaporte. Ito po ay ibinigay sa APO.

Ang nasabing kontrata po na iyan ay nagkakahalaga ng mahigit 38 billion pesos. Noong October 5, 2014 lumagda po ang DFA at APO sa isang MOA para mag-imprenta ng E-Passport. Parte ng MOA ang GPPB resolution No. 26-2015 na nagsasabi na APO lang mismo ang dapat mag-imprenta ng electronic passport at wala ng iba.

Ayon sa APEA, ito ay hindi sinunod ng APO dahil gumamit sila ng iba’t-ibang korporasyon para mag-imprenta ng mga E-Passport. Sa ilalim ng resolusyong ito, klarong inutos ng GPPB na APO mismo ang dapat mag-imprenta ng electronic passport, gumawa siya ng new integrated passport system.

Ito ay kalakip sa kasunduan ng APO at DFA na APO ang obligadong mag-imprenta na direktiba at eksklusibo, eksklusibo na [garbled] hindi maaaring i-sub contract or mag-assign sa ibang corporation or private printer para sa pag-i-imprenta.

Itong paglabag pong ito ay hayagang inilahad ng COA audit report para sa 2017 na ito po ang naging basehan ng kasong administratibo na grave misconduct at gross neglect of duty. Bukod dito sa isyung ito, nag-over spending ng pondo para sa foreign travels.

Ang COA ay naglabas po ng report na nagsasabing ang APO ay may dalawang biyahe na nagkakahalaga 228,864 sa ilalim pa rin po sa travel expenses ng APO kahit ito po ay bayad na.

Ang mga per dimes po ng APO officers and employees ay hindi naayon sa rates, ito ay lumagpas sa halagang P2,628,301 and 98 centavos na lumampas sa pinapayagang limitasyon. Pagkatapos po ng masusing imbestigasyon ay inirekomenda ng komisyon, PACC sa Ombudsman at sa Office of the President, pagkatatanggal sa serbisyo ni Dalumpines batay sa 2017 raps para sa kasong grave misconduct at gross neglect of duty.

Mga kababayan, patuloy po na gagawin ng iyong PACC ang paglilinis ng gobyerno upang maayos at maalis ang corruption sa ating pamahalaan. Patuloy nating ibibigay ang mga report at sa aming text hotline sa ating gobyerno at sa aming email at aaksiyunan po namin at gagawin po namin ang nararapat.

Sa atin pong kasamahan sa gobyerno, trabaho lang po ang aming gagawin kung inaasahan sa amin ng tao. Ang gusto ng Pangulo ay ibigay ninyo po sa amin, magkaibigan man tayo o hindi kapag tayo po ay lumabag sa batas tayo ay mananagot. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Greco kasabay din po niyan, iyong daw pong sunod-sunod din na pagpirma ng mga ahensiya ng gobyerno sa anti-corruption manifesto ng PACC. Ngayong linggo nga po, opisyal naman po ng DENR ang nakiisa sa inyong krusada. So, ano po ang detalye sa nangyaring manifesto signing?

PACC CHAIR GRECO BELGICA: Yes Ma’am. Rocky, noong nakaraang Lunes po, pumirma po ang DENR simula po kay Secretary Roy Cimatu pababa sa pinakamababang byurokrasya ng kaniyang opisina na manipesto natin.

Sa manipesto ng KASANGGA: ‘Tokhang Laban sa Korapsyon’ saan sila nga po ay nangako na tutulong sa PACC at sa kampanya ng Pangulo laban sa corruption at kung sila po ay lalabag dito ay sila ay voluntarily magri-resign.

Pinasasalamatan po natin ang buong ng family ng DENR sa kanilang pakikipag-isa dahil napakahalaga nga po ng environment at bilyun-bilyong dolyar ang industriya na pinagsasamantalahan kung exposed sa pang-aabuso ng mga greedy na contractors at nakikisawsaw na mga empleyado.

Subalit patuloy pa rin po kaming nagbabantay sa mga issues sa DENR, pero Ma’am Rocky, next week po apat na ahensiya ang nakatutok ang PACC, magsasagawa ng manipesto signing sa ating project kasama po ang BI, ang PESA, ang BPI at nakalimutan ko na po iyong isa pero isasalang na rin po.

So, tuloy-tuloy po ang ating gawain na iyan and before June or July hopefully matapos na po nating lahat iyung gobyerno also ang ULAP po has already expressed its intention to join and support the campaign of the President against corruption.

So maasahan po natin ang local government will also be engaged in fighting corruption. Again this is a strong step in our campaign against corruption, hindi natin masasabi na masi-zero natin ang corruption pero masasabi natin na mas marami na tayong mga kakampi at makakatulong para pigilin at labanan ito.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, PACC Chairman Greco Belgica, mabuhay po kayo sir.

PACC CHAIR GRECO BELGICA: Salamat Ma’am Rocky, God bless you.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, bukas po ang aming programa para sa panig ng mga pangalang nabanggit ni PACC Chairman Greco Belgica.

Sa iba pang balita: Panibagong Malasakit Center naman po ang binuksan sa San Pablo City sa Laguna. Sa kasalukuyan ay may isandaan at labintatlong Malasakit Centers na sa buong bansa na handang tumulong para sa mga Pilipino para sa kanilang gastusing medikal. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Makibalita naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa Cordillera, mag-uulat si Alah Sungduan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Alah Sungduan.

Dumako naman tayo sa Central Visayas para sa balitang binabantayan ng PTV-Cebu, magbabalita si John Aroa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center