Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw po ng Huwebes, sari-saring isyu sa bansa ang muli nating hihimayin at lilinawin kasama pa rin po ang mga opisyal ng pamahalaan na diretsang sasagutin ang mga tanong ng bayan. Ako po ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Simulan na po natin ang mainit na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang mga Local Hospital Bills na isinusulong at ipinaglalaban ni Senator Bong Go. Layunin nito na madagdagan ang bed capacity ng ilang ospital at mapaunlad pa ang serbisyong pangkalusugan para sa mga mahihirap sa bansa, partikular sa mga probinsiya. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa buwan ng Hulyo ay magsasagawa na muli ng pen and paper test ang Civil Service Commission ngunit para muna ito sa mga government employees na nais kumuha ng professional at sub professional exam. Para alamin ang detalye niyan, makakausap po natin ngayong umaga si Civil Service Commission Commissioner Aillen Lizada. Good morning po, Attorney?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Magandang umaga po. Good morning po, USec. Rocky. At sa lahat ng nakikinig at nanunood, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Commissioner, matapos nga pong kanselahin itong examination nitong nakaraang taon dahil sa pandemya, ibinabalik na po ng Civil Service itong examination ngayong Hulyo, kailangan po ito exactly at bakit po for government workers lang po muna ito bukas?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Itong Civil Service Examination ngayon ay gagawin sa July 18,2021. Ito ay pen and paper test. Bukas po ito para sa publiko at mga government workers especially iyong mga job order po at contract of service, pagkakataon po ninyo para kayo ay magkaroon ng civil service eligibility. Ang mga areas po, unang-una, pen and paper test ng mga ibang regions, Region I, Region VI, VII, XII at BARMM. Halos filled up na rin po iyong desired number. Bakit lima lang ho? Kasi based po ito doon sa mga consultations natin with the regional directors, hindi gaanong tumataas ang COVID; and then kinakausap din natin iyong ating mga local chief executives, local authorities, regional IATF, at ito ho iyong pinayagan na po sila on those areas.

So sa NCR, iyong katanungan sa NCR, ano ang mangyayari sa NCR? Because of this, what’s happening sa NCR po, marami po tayong limitasyon. But, ang ginagawa po natin for NCR now ay agency-based pen and paper test. Ano po ang agency-based? Ibig sabihin, ang CSC na po ang pupunta sa ahensiya ng gobyerno at kami po ang magbibigay ng exams po doon subject to the protocols ng IATF na binigay sa amin – may approval na po kami – at least, para tulungan po natin iyong mga JOs at COS na matagal na pong naging JO at COS.

Puwede ko ba hong basahin, USec. Rocky, ano iyong mga government agencies na nag-signify na po na gusto nila ng pen and paper test sa NCR, puwede ba po?

USEC. IGNACIO: Opo, go ahead, Attorney.

CSC COMMISSIONER LIZADA: Thank you, USec. Number one:

House of Representatives
DICT
DTI Foreign Trade Service Corps
Landbank of the Philippines
Boy Scout of the Philippines
Land Transportation Office
MMDA
LTFRB
Quezon City Task Force of Solid Waste Management
Department of Labor-NCR
TESDA
Tourism Promotions Boar
Office of the President
Presidential Management Staff
Philippine Coast Guard
Bureau of Treasury
DepEd National Academy of Sports
Commission on Human Rights
Department of Health
Department of the Interior and Local Government
DTI
Department of Transportation
MIAA
Department of Justice
PCOO
Energy Regulatory Commission
Department of Finance
House of the Senate
Food and Drug Administration
Energy Regulatory Board
News and Information Bureau
PTV Network Incorporated.

So ito po iyong natanggap na po namin na mga requests, at ang iba po ay they are signifying that they are happy that we are offering this. So pagkakataon na po ninyo para ito po ay— iyong mga requirements lang po para doon sa mag-o-ocular kami, kayo po ang pipili ng venue. May mga details lang po tayo because we have to satisfy the protocols po ng IATF.

USEC. IGNACIO: Attorney, may quota po ba iyong agency na puwedeng magpa-register para sa July batch o possible rin po bang magkaroon ng mga susunod na batch for this year?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay, first, the pen and paper test noong sa nationwide po, because of the limitations na binibigay sa atin like 50% ang kakayahan ng isang venue, so that is why we have to adjust. It’s not that gusto po naming lagyan ng quota, but we need to comply, like let say, good for 500 ang area but 50% lang ang gagamitin, so 250.

For the agency-based, we will be relying as well on the venue na ibibigay ng ahensiya ng gobyerno. So mas malaki, mas mabuti; open air, mas mabuti po. So for 2021, we have the pen and paper test nationwide doon po sa selected regions; second, pen and paper test agency-based; and iyong pangatlo po ay iyong computerized exam which is ongoing – regular po ito, two or three times a week po, depende po sa mga areas din po.

So we have CSC Regional Offices IV, VI, VII VIII, Caraga and CAR – ito po ang mga computerized exams na gagawin sa regional office po. So, ito po iyong batch natin ngayong year. Next year, we will be … hopefully po, pupunta na talaga tayo doon sa online. So this is for transition ho natin ngayon, at nakikita po namin iyong request ng mga ahensiya na para sa mga JOs at COS po nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kumpara po noong nakaraang taon, ano po daw iyong naging pagbabago sa isasagawang exam this year kung mayroon man po?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Naku Usec. Rocky, maraming pagbabago – may IATF health and safety protocol kami, not only us pati iyong examinees, test administrators at mga testing venues. So hindi full capacity, so 50%. Kailangan lahat ng mga examinees mag-download po tayo ng StaySafe.app, tapos mayroon na po tayong health declaration form, mayroon ho tayong pagsusuot ng face mask and face shield at may marshal ho kaming iikot to ensure na ang protocols ay in place. Mayroon din ho kaming health monitoring team just in case – God forbid – mayroon hong magkakaroon ng sintomas habang nag-i-exam at mayroon din ho kaming hiwalay na testing room para sa mga examinees with comorbidities.

These are some of the changes now and the challenges but we see the need for us to deliver our mandate and that’s why we are delivering this nationwide. Nagpapasalamat ho kami sa [unclear] at saka sa Examination Services Division ng lahat ho ng mga regions, they are adjusting po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman daw po, Attorney, sa pagri-refund ng CSC ng examination fee para po doon sa nakanselang exam noong March 2020. Ano po iyong process na gagawin ng mga nais mag-refund at kailan daw po bubuksan ang pen and paper test sa publiko?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay. So iyong tanong muna doon sa refund, two ways po iyan ano, two approaches: You go online para puwede hong online din po ang inyong pag-refund or online po, magkakaroon kayo ng request for appointment, baka kasi malapit na iyong bahay ninyo sa regional office or field office so you request for an appointment and you personally go to get your money kung gusto ninyo hong iyon. But mayroon din hong online kasi it depends ho doon sa payment facility na ini-engage po ng regional offices natin. It can be remittance centers or payment facilities po.

Doon sa publiko Ma’am Rocky, puwede ho sila doon sa pen and paper test in the regions that I gave you. Hindi ho siya only for government agencies, iyong government agencies po ay nasa NCR kasi mas marami ho iyong population na humihingi ng maraming JOs at COS sa NCR po. Pero doon sa regions na sinabi ko kanina a while ago, that is open to the public po.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon. Attorney, baka mayroon kayong nais na iparating sa ating mga gustong kumuha ng examination.

CSC COMMISSIONER LIZADA: Salamat, Usec. Rocky. Sa lahat ng mga JOs at COS, pagkakataon na po ninyo ngayon – take it, study well. Ang iba ho nasa 10, 15, 20 years na sa ahensiya ng gobyerno, it’s high time that you join us. Parang so near and yet so far. Pumasok na ho tayo, take the exams. Kami na ho ang lumalapit sa inyo.

At doon ho sa mga pen ang paper test na mag-i-exam nationwide din at government agency-based, good luck to all of you. Sa lahat naman ng kawani ng gobyerno po, kailangan ho tayo iyong unang sumusunod sa mga patakaran na binibigay ngayon sa mga protocols. Hindi ho dapat tayo pampabigat sa gobyerno, dapat ho tayo ay sumusunod at hindi ho dapat tayo pasaway.

Mahalin po natin ang ating trabaho – isang gobyerno, isang pamilya lang ho tayo, isang misyon. Ang misyon ho natin is to humbly serve. Gawin ninyo ho iyong best ninyo kung nasaan hong posisyon kayo. Whatever position, Salary Grade 1 or higher levels, and rest assured CSC will do its best for the more or less 1.8 or 1.9 million government employees.

Let your work be a form of prayer. Let us anchor ourselves on that. Gawin ho natin lang ang tama and rest assured, we will be behind you all the way. Maraming salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, Attorney Aileen Lizada, Civil Service Commission Commissioner. Salamat po.

Para sa mga manggagawang naka-work-from-home, sakali po—pero huwag naman sanang may maaksidente o masawi habang nagtatrabaho sa bahay, sakop na rin ba ito ng mga benepisyo sa ilalim ng Employees Compensation Program ng ECC? Ipapaliwanag po iyan sa atin ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis kung ano ang mga benepisyong maaari mong makuha. Welcome back po, Director.

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Magandang umaga po Usec. Rocky at sa lahat din ng mga viewers natin at mga listeners ng programa ho. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am nitong nakaraang linggo po, inilabas po ng inyong tanggapan ang isang Board Resolution No. 210309 na nagdideklarang compensable ang anumang aksidente na magiging dahilan po daw ng pagkapinsala ng katawan o pagkamatay ng isang manggagawa habang ginagampanan ang trabaho sa kanilang tahanan. Ano po ba ang maaaring asahan dito ng ating mga kababayang manggagawa, siyempre lalo na iyong mga nasa work-from-home setup?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Tama po iyon, Usec. Rocky ‘no. Naglabas po tayo nang bagong resolusyon dahil nga po sa ating Telecommuting Act of 2018 at saka iyong mga nangyayari din po ngayon na maraming nagwu-work-from-home na mga empleyado natin sa gobyerno at saka sa private sector. So ang maaasahan po nila dito ay magiging compensable po iyong injuries na na-sustain kapag sila po ay nagwu-work-from-home ‘no. Pero iyong work-from-home na iyon po ay dapat may kaukulang written order from the employer na siya ay magwu-work-from-home, ano iyong specific tasks na gagawin niya doon sa kaniyang bahay at saka ano iyong period noong kaniyang pagwu-work-from-home.

So iyong kaniyang mga maaasahang mga compensation dito ay mga benefits ng EC katulad ng ating disability benefits na kasama doon iyong sickness, iyong permanent partial at saka permanent total disability kung may nangyari po sa kaniya dahil doon sa injury or aksidente sa kaniyang pagwu-work-from-home po. Mayroon din pong hospital or EC medical benefits at saka death benefit with funeral na makukuha kapag may nangyari po sa kaniyang pagwu-work-from-home po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am para po sa kaalaman ng publiko, sinu-sino daw po iyong maaaring makapag-claim nito at anu-ano din pong klase ng aksidente ang sakop ng bagong patakaran?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Ang mga miyembro po ng EC particularly iyong mga mandatory members ng SSS at saka ng GSIS po ay miyembro din po ng EC. So kung sila po ay nagwu-work-from-home ay puwede po silang mag-apply nitong mga EC benefits natin sa SSS o kaya sa GSIS kasi sila po iyong ating implementing agency.

Anu-ano iyong mga aksidente? Ang mga example po nito ay halimbawa po tayo ay nagku-computer, tayo ay biglang may nangyari doon sa computer natin – sumabog or something – kung ano po iyong injury na nangyari sa atin ay puwede po nating i-apply iyong EC compensation.

At idagdag ko rin, Usec. Rocky, na mayroon tayong polisiya na tinatawag na Ministering to Personal Comfort ‘no. So kung halimbawa doon sa—iyong bahay mo kasi is now your workplace, kung ano iyong nangyari sa iyo doon – nadulas ka, natapilok ka, na-injure iyong paa mo, iyong kamay mo – ay compensable din po iyan under the EC program. Kailangan lang pong i-determine ng ating mga medical evaluators sa SSS at sa GSIS na ito po ay work-related.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kailan naman daw po inaasahang maipatutupad at ano din po ba iyong mga requirements na dapat ihanda para sa mga mag-a-avail nito?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Nai-publish na po natin Usec., noong Sunday ang board resolution na ito at ang nakalagay po doon ay effective immediately po siya. So ngayon pa lang po ay effective na siya kaya puwede na pong i-apply kung ano iyong naging injury natin habang nagwu-work-from-home. Mayroon din po tayong tinatawag na prescriptive period, so kung nangyari iyon 3 years ago ay puwede pang mai-apply ngayon ang kaniyang EC benefit dahil 3 years po ang ating prescriptive period sa ating EC program po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, bigyang-daan ko lang po iyong katanungan ng ating kasamahan sa media ano po. Mula po kay Louisa Erispe ng PTV: Ano po iyong process to apply for compensation from ECC when an employee daw po got COVID-19? Same goes to those who had an injury or have died from working-from-home. Saan po daw puwedeng ipasa ang mga requirements?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Ang pag-apply po ng EC benefit is through our implementing agencies. Kung private sector worker po kayo ay sa SSS; kung government worker naman po ay sa GSIS.

Kapag work-related COVID ang ia-apply, iyong mga requirements po doon ay iyong… may mga application forms na mada-download sa website ng ECC, ng GSIS or ng SSS. Pagkatapos iyong certificate of employment po na nakalagay kung kailan iyong last na pumasok kayo sa opisina o nag-work from home para ma-determine kung work-related iyong nangyaring COVID-19 positive results sa inyo; at siyempre po iyong result noong RT-PCR kailangan po i-submit din iyan, iyong medical records kung kailangang mag-reimburse ng hospitalization cost; kapag naman po namatay iyong nag-COVID kailangan din po iyong death certificate. Iyon po ang mga requirements kapag COVID-19 work-related.

Pero Usec., I just want to clarify din na iyong sickness, hindi po kasama doon sa work from home, ang kasama lang po ng compensable doon sa board resolution na nailabas namin ay injuries po. So, iyong COVID-19 na sasabihin na nakuha doon sa bahay ay hindi po covered under the board resolution that we issued po. So, iyon po ang mga requirements natin na kailangan lang i-submit po sa SSs o kaya sa GSIS po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Louisa Erispe: So far, ilan daw po iyong claimant nitong dalawang programa?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Iyong ating COVID-19, marami na po. As of February 8,000 ang nag-apply for work-related COVID-19 sa SSS at halos ganoon din sa GSIS. Gusto ko ring i-inform, USec. Rocky, para doon sa work-related COVID, Kapag na-approve po iyong EC claim nila sa SSS o kaya sa GSIS, puwede po nilang i-apply sa ECC para naman doon sa cash assistance na P10,000 po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenila ng Business Mirror, pahabol lang po niya: Compensable po ba sa ECC ang mental illness due to work-related stress?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Basta po na-determine ng ating mga medical evaluators na work-related po siya ay compensable po iyon.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Jerome Aning ng PDI: Kung maraming empleyado ang nagka-COVID due to an outbreak right inside the workplace nila, all of them will file for loss of income benefits with the ECC. Will there be an investigation first by the ECC if the outbreak was the result of the company’s negligence to enforce health standards? Rule 20 of the ECC Amended Rules on Employees Compensation Commission says that if the sickness was the result of failure to comply with the OSHC standards, the ECC can apply daw po Article 200 of the Labor Code and impose on the erring company a fine equivalent to 25% of the income benefits granted by the ECC. How will the ECC know if there was negligence in the compliance of the OSHC standards on COVID-19 in the workplace daw po?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Yes po, salamat po. Iyong pag-apply po noong benefits under the EC nitong mga nagkaroon ng COVID-19 doon sa workplace ay hindi po mape-prejudice kung maa-approve iyong kanilang EC claims ano po, hindi nape-prejudice iyong pagbigay/pag-release noong benefits doon sa mga workers na natamaan po ng COVID-19.

Iyon pong sinasabi ninyong possible negligence ng employer, ang nag-i-inspect po nito at ang magre-report nito ay ang ating DOLE inspectorate. Mayroon pong inspection/inspectors ang DOLE at ire-report po ito sa—kapag ini-report po ito sa ECC or kapag nakuha namin iyong report na ganiyan sa ECC ay maa-apply po iyong sinasabi ninyong provision na 25% of what has been given or what has been paid to the claimants, ay hahabulin po iyong ating employer. Ganoon po iyong sistema, hindi po kami iyong mag-i-inspect kung hindi iyong ating DOLE inspectorate.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow-up question lang po niya: Are the benefits daw po to be granted by the ECC for those who got sick of COVID-19 for those who are working from home and for those vaccinated retroactive? Paano po iyong mga nagkasakit na naka-work from home or nagpabakuna na before the various ECC resolution on this benefits took effect?

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Sabi ko po kanina, I just want to clarify, USec., na iyong nagka-COVID-19 dahil sa work from o nakuha niya sa bahay, hindi po siya covered doon sa aming compensability under the EC program ano po. So, iyong board resolution only provides for injuries sustained sa bahay because of the work that has been ordered by the employer. So, iyong COVID-19 na nakuha sa opisina or going to and coming from work, iyon po iyong compensable, hindi po doon sa nakuha doon sa bahay. Ito po ay ina-apply din po sa SSS and GSIS po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis. Ma’am, ingat po kayo!

ECC EXEC. DIR. ZIPAGAN-BANAWIS: Maraming salamat din po, USec. Rocky at magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa base po sa report ng DOH kahapon, May 26, 2021:

  • Umabot na sa 1,193,976 ang total number of confirmed cases matapos makapagsumite ng 5,310 na mga bagong kaso ang mga laboratoryo.
  • 150 na katao naman po ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 20,169 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman po nating gumaling sa sakit ay nasa 1,127,770 matapos pong magdagdagan ng 7,408 new recoveries kahapon.
  • Ang total active cases naman ay nasa 46,037 pa rin.

Samantala, patuloy naman po ang pagtaas ng mga naitatalang kaso sa Bicol Region. Base sa pinakahuling tala ng DOH Bicol Center for Health Development noong May 25, 2021, umabot na po sa 11,193 ang COVID cases sa rehiyon matapos maisama ang record breaking 233 new cases sa loob lang po ng isang araw. Kabilang po sa mga lugar na may naitalang mataas na kaso ang Camarines Sur, Albay at Sorsogon. Kaya amin pong paalala, huwag magsawang sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols, ito po ay proteksyon natin at ng ating pamilya.

Sa puntong ito, makakausap natin si Health Secretary Francisco Duque III para po klaruhin ang ilang usapin patungkol sa nagpapatuloy na vaccination program sa bansa.

Magandang umaga po, Secretary Duque!

DOH SEC. DUQUE: Hi, USec. Rocky! Magandang umaga sa iyo sa ngalan ng DOH at ng Interagency Task Force!

USEC. IGNACIO: Secretary, unahin ko na lang po ito. Kahapon po lumutang ang sangkot sa di umano’y ‘Bakuna Slot For Sale.’ Nagsasagawa na rin po ng further investigation ang PNP. So, paano po nakikipagtulungan ang DOH sa imbestigasyon?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una, iyan ay sumuko na ‘no at kasalukuyang iniimbestigahan na iyan ng local government unit ng Mandaluyong City at kaakibat nito, ganoon din na imbestigasyon ng Philippine National Police. So, papatawan iyan ng akmang kaparusahan ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may naipadala naman pong tanong si Ian Cruz ng GMA News para sa inyo: May suggestion po ang OCTA Research na mga lugar na dapat unahin daw po sa pagbabakuna including NCR, Tuguegarao, Santiago City sa Isabela, Baguio City, Cainta, Cebu and Imus.

For high risk 45-50% of population ang dapat bakunahan; sa moderate high risk, 40% for moderate, 30% of the population.

Ano daw po ang tugon ninyo dito?

DOH SEC. DUQUE: Alam mo, in principle, sinusuportahan natin iyan. Matagal na nating ginagawa iyan eh. In fact, dito sa NCR Plus Eight, ito iyong Laguna, Rizal, Cavite, Batangas, Bulacan, tapos Metro Cebu, Metro Davao. 67% ng bakuna natin ang nailaan para sa mga lugar na ito na itong mga nagdaang linggo ay talagang napakataas ng kaso ng COVID sa naturang lugar.

xit

So ganoon din, ang gagawin natin ngayon, iyong mga binabantayan natin na mataas ang kaso kada araw o iyong average daily attack rate at mataas ang healthcare utilization rate, iyan ang mga pamantayan o basehan ng ating pagbibigay nang mas malaking porsiyento ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Ian Cruz ng GMA News: Napaulat po na nag-self swab para sa COVID test ang aktor na si Robin Padilla. Maaari po bang gawin ng karaniwang mamamayan ang pag-self swab? At ano po ang guidelines ng Department of Health dito?

DOH SEC. DUQUE: Mayroon tayong mga panuntunan o pamantayan para gawin iyan. Hindi puwedeng sarili mong gagawin iyan dahil, unang-una, ang iyong resulta ay magiging kuwestiyonable dahil kung hindi naman ito naaayon sa tamang pamantayan ay kaduda-duda ang magiging resulta. So hindi po natin dapat ginagawa ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Leila Salaverria ng Inquirer at Sam Medenilla ng Business Mirror: Does the DOH recommend including teenagers in the COVID Vaccination Program? And in the event daw po that the EUA of Pfizer is amended to include minors age 12 to 15 be inoculated, saang priority groups po sila isasali?

DOH SEC. DUQUE: Well, kinukonsidera natin lahat iyan ‘no, pinag-aaralan din iyan sa kasalukuyan ng ating mga vaccine expert panel. At ito iyong tinatawag na pahintulutan ang gamit ng Pfizer sa mga indibidwal 12 to 15 years of age ‘no. Pero dapat linawin natin na dahil kulang pa ang bakuna at hindi naman sila kabilang doon sa tinatawag natin na high-risk group, hindi muna natin sila puwedeng isama sa ngayon dahil kulang na nga tayo ay dapat talagang itulak natin ang mabilisang bakunahan para sa mga senior citizens ‘no, A2 and A3. At A1 naman halos kumpleto na tayo, mga 85% tayo sa nationwide A1, ito iyong mga healthcare frontliners natin and, of course, for the first dose iyan; second dose niyan is about 37%.

Sa NCR, mas maganda naman ang pigura dahil dito ay 95% o 97% ang coverage ng ating healthcare workers at 51% for the second dose. Iyong first dose natin, mataas na mataas na. So ang talagang kailangan natin ngayon, A2, iyan ang kinakailangan talagang isulong natin dahil diyan po galing ang mga naoospital na talagang sila po ang nabibiktima ng nakamamatay na kumplikasyon ng COVID-19 infection. So iyan po ang iwasan natin, kaya bakunahan na po natin ang mga senior citizens sa lalong madaling panahon po.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Sam Medenilla: What do you think will be its effect to the said sector once they get inoculated?

DOH SEC. DUQUE: Pakiulit lang, hindi ko nakuha iyong ibang sinabi mo.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Sam Medenilla: Ano daw po sa tingin ninyo ang magiging epekto kapag po nabakunahan na itong nasabing sektor? Ang tinutukoy po dito ay iyong age 12 pataas na isama na po sa tuturukan ng nirirekomendang bakuna.

DOH SEC. DUQUE: Okay naman iyon ‘no, pero kagaya ng sinabi ko kanina, limitado ang ating vaccine supply sa ngayon. So ang kinakailangan talaga ay iyong sundin iyong prioritization formula, at huwag na tayong lilihis pa diyan dahil maikakalat mo ito sa mas maraming mga indibidwal ay hindi mo maaabot iyong proteksiyon na kinakailangan ng mga bulnerableng mga grupo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Sa usapin pa rin daw po ng pagbabakuna, dahil daw dito – tanong ni Cleizl Pardilla ng PTV – ay kung posible daw pong mapatupad na iyong limited face-to-face kapag po nagkaroon na ng guidelines doon sa mga bata na tuturukan ng Pfizer?

DOH SEC. DUQUE: Well, iyan ay mga bata, hindi pa natin puwedeng turukan sa ngayon dahil nga kulang tayo ‘no. Ngayon, iyong sinasabi nila, saka na kapag dumating ang sapat na bakuna at puwede na nating i-consider iyong kanila pong iminumungkahi.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Michael Delizo ng ABS-CBN: Ano raw po nang guidelines sa pagbabakuna ng mga dayuhan dito sa bansa? Bakit daw po may mga Chinese sa Pasay ang nauna na, gayung hindi pa tapos mabakunahan ang lahat ng A2 at A3 na Pinoy?

DOH SEC. DUQUE: Well, papaimbestigahan natin iyan kasi hindi malinaw sa amin ang ulat na iyan, kung ano ba ang naging batayan. So we will have that investigated ‘no kung totoo nga ba ito at kausapin ang pamahalaang lokal na kung saan ito po ay nagaganap at bigyan sila ng stern warning na hindi dapat nangyayari ito dahil nilalabag po natin ang ating prioritization framework.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po niya, kung may datos daw po kayo kung ilang dayuhan na ang nabakunahan na sa bansa? Kung mga Chinese lang po ba daw iyong babakunahan dito o kasama pa rin daw po iyong iba pang mga dayuhan? At ang ikatlo pong tanong niya: Ano raw po ang posibleng brand na matatanggap nilang bakuna?

DOH SEC. DUQUE: Well, wala tayong bilang sa ngayon ‘no. Tingin ko maliit pa lang iyang bilang na iyan at saka ko na lamang aalamin kapag mayroon ng ulat sa akin ang ating mga reporting units or offices ‘no. So sa ngayon ay ang alam ko lang na nababakunahan ay mga members of the diplomatic corps, iyong mga embahada, iyong kanilang mga naka-diplomatic pouch sila. Dinadala nila iyong bakuna nila at iyon ang ibinibigay sa sarili nilang mga empleyado.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, habang pinaiigting natin iyong vaccination rollout, kumusta naman daw po iyong guidelines ng indemnification fund? Kailan daw po ito posibleng mari-release?

DOH SEC. DUQUE: Malapit na ito, tinatapos na ng PhilHealth ito. Noong kamakailan lamang ay nag-boarding meeting kami, iyan ay pinag-usapan at niri-refine lang at pina-finalize iyong guidelines. At hindi na magtatagal, mailalabas na ito, maipa-publish na ito para sa kaalaman ng publiko.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito naman pong tanong ay galing kay Rose Novenario ng Hataw: Ayon daw po sa Alliance of Health Workers, hanggang ngayon ay wala pa pong malinaw na DOH guidelines para sa mga inaabangang benepisyo ng health workers tulad ng meals, transportation at accommodation sa ilalim ng Bayanihan Law, maging ang long overdue daw po na PBB 2018, 2019 at 202o. Ano raw po ang masasabi ninyo rito?

DOH SEC. DUQUE: Well, iyong sa ating Bayanihan II na mga benepisyo katulad ng special risk allowance, iyong actual hazard duty pay, iyong kanilang free accommodation, transportation and meals, iyan naman ay naibigay pero ang pondo nga, ang budget ay hanggang December 19, 2020 lamang. So naghahanap tayo ng mga savings, at mayroon na tayong nakalap na mga savings na puwedeng mai-extend pa iyong panahon ng pagbibigay nitong benepisyo.

So mayroon din tayong sulat sa DBM. Halimbawa, iyong pakiusap ng Alliance of Health Workers na i-convert iyong meals to cash, sumulat na po tayo diyan at regular na pina-follow up ko po iyan sa Office of the Executive Secretary at sa Office of the President.

Ganoon din ang kanilang pakiusap na iyong mga Nurse II ay dapat mabigyan ng Salary Grade 16, at hindi parehas sa Nurse I, at iyan ay nasa Office of the President na rin at inaantay lang natin kung ano ang magiging pasya. Pero makakaasa po sila na kami po ang kumakatawan sa kanila para maprotektahan ang kanila pong interes at ang kanila pong benepisyo na hinihingi ay lagi naman po nating sinusuportahan.

Ngayon, pagdating sa usapin naman ng Performance Based Bonus, iyong sa ating 2018 ay pina-finalize na ito ng DBM, iyong listahan ng mga ospital, para magawaran na sila ng 2018 PBB. Pero batay din ito sa malinaw na mga criteria, kasi kailangan may criteria iyan. Tapos iyon naman sa deficiencies ng PBB sa 2019 ay isinumite na rin ito sa DBM para validation at iyong pagkumpleto ng mga requirements doon sa IATF on harmonization of national governments performance monitoring, information and reporting system.

So, ginagawa po ulit ito at muli ang masasabi ko ay kami po ay hanggang sa abot ng aming makakaya ay kami ay nangangatawan para po sa ating mga health care workers bilang Kalihim ninyo ng Kalusugan at iyong serbisyo naman ng documentary requirements for their 2022 PBB ay ongoing. So, kinakalap natin ang mga submissions na ito para maging basehan para sa PBB release.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa pagbaba ng mga kaso sa Metro Manila at karatig lugar, maaari na po bang magpataw ng karagdagang pagluluwag sa mga restrictions or susundan pa rin po natin iyong gradual na pagluluwag.

DOH SEC. DUQUE: Well unang-una, antayin natin ang pagpupulong ng IATF bukas—hindi mamaya palang hapon na iyon at doon pakikinggan na naman natin muli ang rekomendasyon ng ating data analytics group dahil doon ay ipapakita ang mga fresh data kung ano ang pinaka-latest ng mga datus at magiging batayan muli iyan kung i-extend ba natin ang GCQ with heightened restrictions o i-extend ba natin siya but with loosening or pagluluwag ng mga restrictions.

Kasi marami naman pamamaraan na—huwag naman tayo magluluwag basta-basta dahil baka mawala iyong ating mga tinatawag na nakamit na ika nga mga success ‘no, mga tagumpay natin ay ayaw natin na mabalewala pagka binilisan natin ang pagluluwag. So, hinay-hinay, binabalanse natin ang kalusugan higit sa lahat at ang ekonomiya at dapat iyong kasabihan na we most open the economy safely ay siya po ang prinsipyo na nakasuporta sa lahat po ng desisyon na ginagawa ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: May sagot na po ba daw ang DOH sa isyu na maaring pagbawalan ang mga Pilipino na nabakunahan na ng Chinese vaccine, nakikipag-ugnayan na po ba daw ang DOH sa DFA para dito?

DOH SEC. DUQUE: Tama po kayo, nag-uusap ang DFA at DOH, humingi kami ng paglilinaw patungkol sa report na ito; pero so far wala pa, nothing in writing. So, hindi natin puwedeng sabihin na ito ay official stand ng bansang Saudi Arabia. Pero sa ngayon ay nililinaw ito ng Department of Foreign Affairs. Antayin na lang natin kung ano ang mga susunod na information galing sa DFA.

USEC. IGNACIO: Opo, last question po ni Red Mendoza: Hindi po ba daw pagsasabihan ng Department of Health si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na nagpalabas daw po ng tawag sa twitter na gustong bumili diumano ng bakuna kahit na ito ay labag sa alituntunin na inisyu ng mga EUA sa bakuna?

DOH SEC. DUQUE: Well of course, malinaw na may paglabag iyan at bibigyan lang namin ng paalala si Commissioner Rowena Guanzon para mabigyan din siya ng kalinawan tungkol sa kanyang pag-iisip na ito ay taliwas sa ating mga batas sa pagbigay ng Emergency Use Authorization sa mga bakuna, para sa mga bakuna na undergoing hanggang ngayon ng clinical trial phase 3 studies at hindi pa naman nakukumpleto iyong kanilang development at wala pang certification of product registration kaya hindi mo puwedeng ibenta sa open market. So, hindi pa ho pupuwede iyan.

So puwede lang pong makakamit itong mga bakuna through a tripartite MOA – private sector, government at saka iyong vaccine manufacturing company; ganundin din ang formula for the LGUs.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Marvin Calas ng UNTV: Nagpost po ang isang medical anthropologist na si Dr. Guido Nolasco na dapat daw pong pag-aralan ng government iyong policy tungkol sa paggamit ng face shield dahil hindi naman daw po nakakatulong para sa pagbaba ng COVID-19 transmission, inihalimbawa po niya sa ibang bansa na hindi naman daw po requirement iyong pagsusuot ng face shield. Sa tingin po ba daw ng DOH ay dapat ng tanggalin iyong policy tungkol sa pagsusuot ng face shield?

DOH SEC. DUQUE: Ay hindi naman natin puwedeng gawin iyan dahil napakamahalagang karagdagang protection para sa ating mga kababayan. Konting sakripisyo lang po ito para po sa ating protection at para hindi po tayo mapahamak dahil alam po natin puwedeng makamatay ang COVID lalo na po sa mga matatanda at may mga kaakibat na mga sakit. Sila po ang pumupuno sa atin pong mga hospital.

Kaya Itong face shield na ito, marami na pong pag-aaral iyan, may Lancet journal na na-publish, meron din pong pag-aaral dito, lokal, kay Dr. Wong and Dr. [unclear]. Hindi po nila puwedeng sabihin na wala ng pag-aaral ito, meron malalimang, malawakang pag-aaral na isinagawa, hindi lang dito sa Pilipinas, sa Peru, sa India meron din yatang kung hindi sa India, sa isang lugar sa India at mga iba pang bansa.

Pero kung tingnan mo iyong bansang hindi nagpe-face shield, UK, US, mga marami pa. So talagang doon mataas ang kanilang kaso. So, sa atin ay tuloy-tuloy lang tayo, more than 95% face mask, face shield, social distancing, pag-iwas sa mga kulob na mga lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, last question na lang po mula kay Mark Petalco ng PTV: Kailan po daw ini-expect na maglalabas ng guidelines for A4 vaccination since malapit na pong simulan ang pagbabakuna sa June?

DOH SEC. DUQUE: Well, tatalakayin din iyan mamaya sa IATF para siguraduhin kung kailan ba sa buwan ng Hunyo kung ito ay puwede ng isulong para sa ating economic frontliners – A4.1 hanggang A4.3 sa unang punto o phase. So, mamaya magkakaroon tayo ng mas malinaw na decision kung kailan ba talaga.

Pero lahat ng itong mga decision na ginagawa natin kung kailan ba natin bubuksan sa mga iba pang mga grupo, within the priority framework ay nakasalalay dito sa ating vaccines supply, iyon lang iyon ano. Dahil kung sapat na ba iyong vaccine supply natin, hindi naman natin kailangang pag-usapan itong mga prioritization. Ang problema natin kakaunti iyong bakuna kaya inuuna natin iyong pinaka-vurnerable at sa madaling mabiktima na ating mga kababayan doon sa A1, A2 and A3.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming programa Secretary Francisco Duque III ng Department of Health. Mabuhay po kayo Secretary.

DOH SEC. DUQUE: Maraming maraming salamat sa iyo Usec. Rocky at pakikumusta kay Secretary Martin Andanar ng PCOO at lahat po ng aking mga kasamang lingkod bayan sa inyo pong tanggapan, sa inyo pong opisina napakamahalaga po na papel ng inyong ginagampanan at napamakahusay ang inyong programa at sana po ay ipagpatuloy natin ito at makapagbigay ng mga makabuluhan at makahulugang information sa lahat po ng panahon para po sa kapakanan ng ating mga kababayan lalo na sa usaping pangkalusugan. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Salamat po Secretary Duque. Samantala, pag-usapan naman po natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa gamot at bakuna panlaban sa COVID-19 dahil ito po ang magiging sandata para makabalik tayo sa normal na pamumuhay kaya halina’t kayo at tayo po ay mag-CHECK the FAQs!

Patuloy po ang mga hakbang upang mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa kinatatakutang Coronavirus. Para tulungang maibsan ang agam-agam ng ating mga kababayan sa pagbabakuna, makakausap po natin si Dr. Maria Carinnes Alejandria mula sa Health and Technology and Assessment Council, isa po siyang sociologist at anthropologist.

Welcome po sa Laging Handa. Ma’am?

DR. ALEJANDRIA: Hi, good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Carinnes, kumusta na po iyong information drive natin sa bakuna? Sen. Lacson warned of the possibility that the vaccine, once available in the Philippines may just be wasted dahil daw po sa low trust ng mga Pinoy sa vaccination. Ano daw po ang komento dito?

DR. ALEJANDRIA: Thank you Usec., ang atin pong kampanya ay mas pinaiigting pa po natin ngayon. Makikita po natin sa mga nangyayari ngayon na mga information campaign na nilalawakan po natin ang pag-reach natin sa publiko para malaman nila ng mas mabuti, ano po iyong mga bakuna.

Katotohanan po, kahapon nagkaroon po tayo ng town hall experts meeting kung saan po ipinakita uli sa publiko sino po ba iyong mga tao sa likod ng pagsusuri ng ating mga bakuna dahil nga po base sa mga survey ngayon medyo mataas naman po ang tiwala ng publiko sa mga experts na nasa likod po ng pagsusuri.

So, ngayon po pinaiigting nga po natin ito kasama na rin po iyong barangay health care workers natin na nagkakampanya sa mga bahay-bahay para magbigay po ng impormasyon tungkol sa pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Doc., ayon nga po sa ating mga eksperto ay talagang safe naman itong bakuna, ano po? Bakit po kaya 6 out of 10 pa rin ang hindi nagpapabakuna at ano po kaya iyong mga agam-agam ng ating mga kababayan patungkol sa bakuna?

DR. ALEJANDRIA: Usec., dalawang klase po iyong ating hesitancy. Iyong isa po medical kung saan iyong mga kababayan po natin medyo may alinlangan po sila sa ano ba iyong epekto ng bakuna, gaano ba ito ka-safe, may matagalan bang epekto ito sa kalusugan nila. So, iyon po iyong isa sa mga consideration nila kung bakit hindi pa nila sigurado kung gusto nilang magpabakuna.

Pero po iyong isang grupo naman po, iyong mga ayaw pang magpabakuna pa, hindi naman po medikal iyong kanilang rason, hindi lang po nila nakikitaan pa ng immediate o agarang pangangailangan para magpabakuna.

Kaya nga po maganda iyong inilulunsad ngayon ng private sector na gusto nila na magkaroon ng incentivization o iyong pag-incentivize o pagbigay ng mga libreng produkto, discounts para sa mga tao na nagpabakuna. Ito po kasi ang posible na makatulong din para makapag-kumbinsi sa mga tao para magpabakuna. Maski anong paraan na puwede nating gawin para makumbinsi ang ating mga kababayan ay welcome po sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc., sa inyo pong opinyon, ano pa po ba iyong maaaring gawin naman ng gobyerno upang mapataas pa iyong vaccine acceptance sa ating bansa?

DR. ALEJANDRIA: Ang pinakaimportante po talaga na magawa natin ngayon ay mas maging mas lokal iyong pagpapalaganap po ng impormasyon tungkol sa mga bakuna.

Nakaraang araw lang po kausap ko iyong mga miyembro po ng mga civil society organization sa BARMM at kitang-kita ko po na pati iyong mga municipal health officers nila nakikipagtulungan na para po iyong pag-intindi sa bakuna ay maging culturally relative, meaning po minsan kasi, may mga bagay sa ating kultura na hindi nakakatulong sa pagsuong ng ating programa sa pagbabakuna. Kaya naman po iyong mga religious leaders po sa BARMM, tinuturuan na paano nila ituturo ito sa kanilang mga mananampalataya kung ano iyong importansiya ng bakuna. Iyon po iyong isa, iyong paglo-localize po ng pag-intindi natin sa bakuna.

Ang isa naman po ay iyong pag-intensify ng collaboration natin sa private sector. Maganda po na talagang maigting ang pakikipagtrabaho po ng ating gobyerno sa private sector po natin dahil ito pong laban natin sa COVID ay hindi lamang kayang gampanan ng gobyerno, kailangan po natin n lahat ng Pilipino, lahat ng sector na tumutulong para makumbinsi lahat para magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc., ano po ba iyong dapat maintindihan ng ating mga kababayan dito sa current policy regarding vaccine brands? Makakaapekto po ba ito sa ating vaccine uptake sa ating bansa?

DR. ALEJANDRIA: Malaki po kasi ngayon ang isyu natin sa distrust o hindi pagtitiwala ng publiko sa ating mga bakuna. Ang maaaring kailangan maintindihan po ng ating publiko na lahat po ng bakuna na nabigyan ng rekomendasyon ng ating mga ekaperto ay ligtas po at epektibo. May halos limampung eksperto ang nagbibigay ng kanilang oras, karamihan po sa amin ay libre pong ginagawa ito para sa gobyerno para lang po na makasiguro tayo na mabigyan tayo ng pagkakataon na mabakunahan at nang sa ganoon po ay makasabay po tayo sa paggulong po ng ibang bansa paalis sa COVID na delubyo na ito.

Ang isa po kasi na nakikita ko po ngayon ay mayroon po tayong pag-favorite o pagpili ng mga bakuna. Maraming rason, siguro dahil nakita natin sa balita o sa mga promotion na mas sikat ito. Pero kailangan po natin maintindihan na lahat po ng bakuna ay may mga limitasyon.

Halimbawa na lang po iyong Pfizer na paborito ng marami ngayon, pinagkakaguluhan hindi po siya puwedeng ibigay sa lahat ng tao. May mga limitasyon po ang Pfizer, may limitasyon siya. Halimbawa po para sa mga tao na may history po ng intense or extreme allergy, hindi po basta-basta puwedeng ibigay iyong Pfizer. Kaya kailangan po talaga, iyong pipiliin ninyong bakuna ay iyong inirirekomenda sa inyo ng doctor doon sa vaccination site po.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa ating mga kababayan na walang sapat na kaalaman tungkol sa bakuna, ano po ang inyong mensahe para sa kanila?

DR. ALEJANDRIA: Madalas ko pong personal na mensahe sa mga taong kinakausap ko na ayaw magpabakuna na kailangan po makita natin na ito ay hindi lamang isang personal na decision. Ito po, kapag nag-decision kayo na magpabakuna, kayo po ay nakikipagtulungan para lahat tayo ay maging ligtas dahil tayo po ay makakalagpas dito sa COVID kapag po lahat po tayo ay nabakunahan po.

Ang mga bakuna po ay ligtas at epektibo kapag sila po ay nabigyan na ng rekomendasyon ng ating vaccine experts po. Marami po kayong puwedeng puntahan na mga websites para makita sino ba itong mga vaccines experts natin. Ang kailangan po talaga ay mag-decision tayo bilang lipunan na sabay-sabay po na umalis dito sa delubyo na kinalalagyan natin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Dr. Maria Carinnes Alejandria. Stay safe po Doc.

DR. ALEJANDRIA: Thank you po, Usec. Stay safe.

USEC. IGNACIO: At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan.

Ang public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center