Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Huwebes, tatalakayin natin muli ang ilang isyu sa bansa na dapat ninyong malaman kasama pa rin ang mga kinatawan ng pamahalaan na diretsang sasagot sa tanong ng bayan. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayong umaga ay makakausap po natin sina Director Attorney Maria Karina Perida-Trayvilla ng DOLE Bureau of Workers with Special Concerns; Dr. Carin Alejandria ng Health Technology and Assessment Council; at si LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Sa ating unang balita: Dumating sa NAIA Terminal II kaninang 7:23 ng umaga ang 1.5 million doses ng CoronaVac mula po sa kumpanyang Sinovac ng China. Kasama rito ang 500,000 doses na binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, ang kauna-unahang batch ng batch ng bakuna na pinondohan ng pribadong sektor, sinalubong ito ng mga opisyal ng organisasyon, si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., at Health Secretary Francisco Duque III.

Samantala, binuksan na ang ika-120 Malasakit Center sa San Lazaro Hospital upang umagapay sa pangangailangang medikal ng mga Manileño. Pormal na ring ibinigay sa pamunuan ng Philippine General Hospital ang 98 million pesos na financial assistance para pambili ng mga nasirang kagamitan sa nangyaring sunog doon kamakailan. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, ngayong lumawak na ang pagbabakuna sa bansa dahil sa pagsisimula ng rollout sa economic frontliners at indigent population, ano ang magandang maitutulong nito para masugpo na ang nakakahawang COVID-19? Iyan ang ating aalamin dito sa Check the Facts.

Ngayong araw po ay makakasama natin si Dr. Carin Alejandria ng Health Technology and Assessment Council o HTAC para po ipaliwanag ang nagaganap na vaccination program prioritization para sa A4 and A5 Group. Magandang araw po, Doc.

DR. CARIN ALEJANDRIA: Magandang araw po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, unahin na po natin ito ano po, para sa kaalaman ng ating manunood, ano po ba iyong konsepto nitong population protection sa ginagawa nating pagbabakuna?

DR. CARIN ALEJANDRIA: Ang population protection po ay ang kundisyon kung saan sa pamamagitan po ng malawakang pagbabakuna ay bumababa po ang kaso ng mga naoospital at namamatay dahil sa COVID-19. Magagawa lamang po kasi iyan kapag ma-target natin iyong mga kababayan natin na mataas ang risk katulad po ng mga seniors, frontliners at iyong mga may comorbidities.

USEC. IGNACIO: So sa pacing po na mayroon tayo ngayon sa pagbabakuna, sa tingin ninyo po, Doc, itong population protection ay possible; at papaano po makakapag-contribute ang sabay-sabay na pagbabakuna sa priority groups like A1 hanggang A5 sa pag-achieve po natin sa population protection dito po sa target na November 20, 2021?

DR. CARIN ALEJANDRIA: Naniniwala po tayo, Usec., na sa pagbubukas po ng mga slots para sa mga kababayan natin na kabilang sa A4 at A5 categories, mas makakamit po natin ang mga ating objective na magkaroon ng population protection status pagdating po ng November. Dahil karamihan po kasi ng ating mga kababayan, kasama na po ako doon, ay nasa A4 at A5 categories. Mas tataas po ang bilang ng mga mapuproteksiyunan kapag nabakunahan po ito pong grupo na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sa kasalukuyan, mayroon po tayong mahigit na dalawampu’t limang milyong Pilipino na eligible for A4 and A5 priority groups. Pero dahil nga po limited ang supply ng bakuna sa bansa, sa tingin ninyo paano po natin matutupad o masa-satisfy iyong pagbabakuna, maipagkakaloob itong A4 and A5 groups na ito?

DR. CARIN ALEJANDRIA: Opo. Isa nga po talagang malaking balakid ngayon sa rollout ng bakuna ay ang kakulangan ng supply. Problema po ito na kinahaharap ng maraming bansa, hindi lamang po ng Pilipinas ha. Kaya naman po ay kailangan pa rin po na magkaroon pa rin po tayo ng prioritization sa mga bagong bukas na categories. Kailangan pa rin pong unahin pa natin ang mga nakakatanda at iyong mga may comorbidities, kasi po kapag sila po ay nagkasakit, naka-clog po iyong ating mga ospital. Iyon po sana ang iniiwasan natin.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, may mga bansa na pong nagsimulang magbakuna sa mga kabataan. Dito po sa Pilipinas, aprubado na rin po ng FDA iyong Pfizer para sa mga edad labindalawa pataas. Bilang miyembro po ng HTAC, iri-recommend ninyo po ba ang pediatric vaccination na?

DR. ALEJANDRIA: Usec., napakagandang balita nga po talaga iyan na maaari nang mabakunahan iyong mga kabataan natin. Kaso lang po sa estado ngayon ng supply ng bakuna sa buong mundo, kapos pa rin po tayo ng kakayanan na magbakuna sa mga bata. Kaya naman po ang rekomendasyon namin ay unahin muna natin ang A1 to A3 sa pagbabakuna dahil nga po base po sa mga pag-aaral, mas mataas po ang kanilang risk na maospital at mamatay dahil sa COVID kumpara sa mga batas. Kapag nag-stable na po ang ating supply, maisusunod na po natin ang ating mga kabataan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, halos tatlong buwan na po nating ginagawa itong vaccination program at hanggang ngayon kasi may mga kababayan pa rin po tayo na may agam-agam o bantulot na magpabakuna ayon po sa huling SWS survey. Ngayong mas marami ng priority group ang maaaring mabakunahan, ano daw po ang ginagawa ng HTAC upang i-address iyong ganitong concern at baka may mensahe rin po kayo sa kanila?

DR. ALEJANDRIA: Usec., actually ang nakikita po natin ngayon humahaba na po ang pila ng mga gustong magpabakuna. Ito po ay isang magandang senyales para sa atin na marami na pala ang gusto at naniniwala sa importansiya ng pagbabakuna laban sa COVID. May ilan po na nagdadalawang-isip pa rin magpabakuna, isa po sa nagiging rason kasi nila iyong pagpili ng bakuna. Gusto po natin uli idiin na base po sa mga datos na mula sa pag-aaral ngayon sa iba’t ibang parte ng mundo – tinatawag po silang ‘real world data’ – lahat ng bakuna na nakakuha po ng approval mula sa ating ahensiya ay mabisa at ligtas. May proteksiyon po sila laban sa malubhang epekto ng COVID-19 na nagdudulot po ng pagkaospital at pagkamatay.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, puwede nating sabihing hindi puwedeng mas magaling itong isang brand kumpara sa isang brand na ito?

DR. ALEJANDRIA: Opo. Hindi po pupuwede na magkaroon tayo ng head-to-head comparison po dahil magkakaiba rin po sila nang pagkakagawa. May mga iba’t iba rin po silang limitasyon. Kaya po ang importante pagkadating po natin sa vaccination center, may kakausap po sa ating doktor doon, tinitingnan ano iyong status natin at magri-recommend po sila kung bagay ba sa iyo iyong bakuna na mayroon doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat pong muli sa pagtanggap sa aming paanyaya, Dr. Carin Alejandria ng HTAC. Mabuhay po kayo, Doc.

DR. ALEJANDRIA: Good morning po. Thank you.

USEC. IGNACIO: Dahil sa kahirapan, maraming mga kabataan ang napipilitang magtrabaho upang makatulong sa pagtustos sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya. Anu-ano nga bang kapahamakan ang hatid ng child labor at anong mga programa ang nakalaan upang mawakasan ito? Alamin natin ang report na iyan kasama si Director, Attorney Ma. Karina Perida-Trayvilla ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE. Magandang araw po, Director.

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Magandang araw, Usec. Rocky. Nandito na naman po akong muli.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakahalaga po ng ating pag-uusapan ano po, kasi kasabay nang paggunita noong Sabado sa ating Independence Day ay ang ating pakikiisa sa World Day Against Child Labor. Director, pakibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng taunang okasyon na ito at saan ba nakasentro ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Yes, Usec. Rocky. Ang World Day Against Child Labor ay nagsimula po noong 2002 sa pangunguna ng International Labor Organization upang mabigyang-pansin ang issue ng child labor at mabigyang-diin ang mga pagtugon na ginagawa ng mga bansa para rito.

Sa atin po, ginugunita dito sa Pilipinas upang magpalaganap ng kaalaman at impormasyon tungkol sa usapin ng child labor at ang mga programa ng current Duterte administration upang wakasan ito. Ngayong taon ang lokal na tema ng World Day Against Child Labor ay, “Makibahagi, Makialam, Magkaisa para sa #BatangMalaya”. Ito ay isang panghihikayat sa publiko na dapat tayong makibahagi at makialam sa usapin ng child labor. Higit sa lahat ay magkaisa sa iisang layunin na wakasan na ang child labor sa bansa sapagkat ang mga bata ay hindi dapat nasasadlak sa ganitong uri ng pang-aabuso, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Para nga po sa kaalaman ng publiko, ano po ba iyong child labor? At anu-ano ba iyong mga uri na mapanganib o malubhang pagtatrabaho o iyong tinatawag natin na worst forms of child labor?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Yes, po. Usec. Rocky. Base sa batas, ang child labor ay ang pagtatrabaho ng mga bata na nakakaapekto sa kanilang mga karapatan tulad ng pag-aaral, nagdudulot nang kapahamakan sa kanilang pisikal o mental na kapakanan o naghihimok nang pagsasamantala sa mga bata.

So itinuturing po natin na mga mapanganib na trabaho at kadalasan kinabibilangan ng mga child laborers ay slavery o ang pagkakaalipin, child trafficking or iligal na pagbibenta ng mga bata, debt bondage o ang pagtatrabaho ng mga bata bilang pambayad-utang, sapilitang pagtrabaho at pagtira sa isang lupain na pagmamay-ari ng iba na kadalasan ay walang bayad. Mayroon ding forced labor o sapilitang pagtatrabaho at pang-aabuso na seksuwal tulad ng pornograpiya at prostitusyon. Kabilang din dito ang mga gawaing may kinalaman sa iligal na droga, pagkakasangkot sa krimen tulad ng pagnanakaw at organisadong pamamalimos.

USEC. IGNACIO: Opo. Paalala natin, itong may pananagutan dito talaga maging ang mga magulang po ‘di po ba?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Nasasaad po sa batas, mayroon pong penalty na sinasabi ang batas – kahit po magulang ay puwede hong maging liable for RA 6231.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa nga po sa mga maituturing natin na naging malaking epekto ng pandemya ay ang pagkawala o pagkaantala ng kabuhayan ng ating mga kababayan. Dahil dito mas naging laganap po iyong tinatawag nating ‘online sexual exploitation of children’ na isa talagang worst form of child labor. Paano ba ito natutugunan ng DOLE sa tulong po ng National Council Against Child Labor at may datos po ba tayo tungkol dito?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po, Usec. Rocky. May mga programa po ang DOLE para tugunan ang usapin ng child labor. Una na rito ho, sinasagawa po natin ang profiling ng child laborers. Since 2018 nasimulan na ho natin ang profiling at mayroon na ho tayong almost 270,000 child laborers na nai-refer para po mabigyan ng angkop na serbisyo ng ating pamahalaan.

Ikalawa, ang pagbibigay din po ng livelihood assistance sa mga magulang ng child laborers upang matugunan po ang kanilang pinansiyal na pangangailangan at magbibigay-daan sa paghinto ng mga kabataan sa child labor.

Mayroon din po tayong Sagip Batang Manggagawa o ang pagtutulungan po ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad po ng DOLE at ng DSWD at ang mga law enforcement agencies upang sagipin ang mga kabataan na nasa delikadong trabaho. Simula po noong nakaraang taon, mayroon na po tayong mga 3,621 child laborers na nasagip na ng programa.

At bukod po dito, mayroon din po tayong Project Angel Tree kung saan po ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, pati na po ang civil society organizations ay nagtutulung-tulong para po magbigay ng donasyon sa ating mga child laborers in the form of food, in the form of clothings, school supplies at iba pa. At tinatawag po natin ang ating mga sponsors na ‘angels’. So marami na ho tayong natulungan na mga child laborers sa programang ito at mayroon na pong almost 83,000 na nag-benefit dito.

And lastly po, Usec. Rocky, mayroon po tayong working child permit din na pinangangasiwa para naman ho sa mga artista at nasa public entertainment.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman po iyong kaparusahan kapag ito nga ay napatunayan na nagkaroon dito sa child labor? Para po maintindihan ng publiko, partikular po ng mga magulang.

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Mayroon pong nakasaad sa batas na penalty na P100,000 po kapag ito po ay mayroon pong nakapag-violate ng batas patungkol po sa worst forms of child labor. Mayroon din pong nakasaad na pagkakakulong po at sinasabi po dito na makukulong po nang 6 months and 1 day to 6 years and nagri-range po ang ating penalty from P100,000 to P1 million po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano naman po daw ang dapat asahan ng ating publiko lalung-lalo na ng mga kabataan dito sa pagdiriwang ngayong taon ng World Day Against Child Labor?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Sa pagdiriwang po ngayong taon, maraming aktibidad ang hinahanda ng iba’t ibang ahensiya na miyembro po ng National Council Against Child Labor. Sa DOLE po, mayroon din po tayong isinagawang Spoken Word Poetry Contest at mayroon din po tayong ibibigay na prize para sa mananalo. Ang atin pong National Youth Commission ay magkakaroon din po ng training sa mga kabataan hinggil sa child right at child labor mula ngayong araw hanggang June 19.

Ang National Library of the Philippines magkakaroon din po siya ng storytelling, puppet show at art class session, magsisimula po ito ng July 21. And then ang atin pong highlight which is the Talakayang Pambata, gagawin po ito sa June, 30 magtatampok po tayo ng highlights ng World Day Against Child Labor, kung sinu-sino po iyong nanalo sa iba’t ibang patimpalak po natin tulad ng short film contest at iyong minention po natin na spoken word contest. And of course we will be soliciting message of support from our social partners and other stakeholders.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa tala ninyo, tumaas ba iyong datos nitong naging biktima ng child labor ngayong nagkaroon tayo ng pandemya?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. Ngayon po kailangan po kasi natin matanggap pa o maisapubliko iyong ginawa pong pagsu-survey ng Philippine Statistics Authority, wala pa po ito, hindi pa poi to nairi-release. Pero globally po tumaas po ang number ng bilang child laborer. Pero sa Asia Pacific naman po kabilang na ang Pilipinas ay sinasabi naman pong ito ay pababa.

So hopefully po iyong survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority ay makakapagsabi na bumaba po ang ating datos tungkol sa child labor.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil nga tayo po ay patuloy pa ring humaharap sa pandemya, paano ba natin mas pinapalakas ang ating mga programa para po mawakasan itong child labor sa ating bansa?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Yes po. Iyon nga po, pinaigting po natin ang ating profiling activity, hinahanap po natin iyong mga batang nasasadlak sa child labor, ang iba’t ibang programa ng ahensiya ng gobyerno ay patuloy din pong ginagampanan ang kanilang mga trabaho katulad po ng Inter-Agency Council Against Trafficking at ang Inter-Agency Council Against Child Pornography.

And then of course ang ating reporting mechanisms po sa kada-ahensiya ay talaga naman pong pinalalakas natin at kung mayroon pong mga isyu patungkol o concerned sa child labor, tayo po ay maaring mag-report sa pinakamalapit na Barangay Councils for the Protection of Children na nasa ating mga bara-barangay.

USEC. IGNACIO: Opo, pero saan-saang rehiyon po o probinsya ang masasabi nating talagang medyo may mataas na bilang ng mga child laborers, Attorney?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Opo. USec. Rocky, kasi ang ating survey po ay medyo luma na ito, ito ay 2011, ito pa rin po ang ating official statistic. Sinasabi po dito sa PSA data na mayroon pong malaking bahagi o porsiyento ng ating mga child laborers ay nasa Central Luzon o Region 3 at sumunod po ang Bicol Region, pangatlo po ang Northern Mindanao, Region 10 at CALABARZON and then Western Visayas at pawa pong mga nasa agriculture sector ang ating mga child labor, which accounts for 60%.

USEC. IGNACIO: Attorney, puwede ba nating ma-attribute na kaya mataas ang bilang ng mga child laborers sa naturang lugar ay dahil sa hirap sila sa edukasyon o ano po ang nakita ninyong naging dahilan ng datos na mataas dito?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Ang lumalabas po sa aming profiling, ang sinasabi mataas po ang child labor dahil nga po poverty po. It’s a power to issue and then ang atin pong mga kabataan ay tumutulong sa ating mga magulang para makapag-augment ng income at ng maging additional manpower ng pamilya.

USEC. IGNACIO: Attorney, paano naman daw po at saan maaring isangguni o i-report ang anumang kaso na may kinalaman sa child report?

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Ang mga kaso ng child labor ay maaari pong i-report sa Barangay Council’s for the Protection of Children o iyong tinatawag po natin na mga BCPCs, Local Social Welfare and Development Office ng local na pamahalaan. Puwede din po sa DSWD, sa amin po sa Department of Labor and Employment, sa amin pong hotline, 1349 at sa atin pong law enforcement agencies, sa kanila pong mga women and children protection desk.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Director Ma. Karina Perida-Trayvilla ng Bureau of Workers with Special Concerns. Salamat po.

DOLE DIR. PERIDA-TRAYVILLA: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, naging mainit na usapin ang umano’y pakikialam ng International Criminal Court sa domestic affairs ng Pilipinas partikular ang kampanya ng administrasyon para wakasan nag illegal na droga sa bansa. Giit in Senator Bong Go, gumagana ang judicial system ng bansa at kung may paglabag ang mga nasa otoridad ay pinapanagot naman ang mga ito. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng department of Health kahapon June 16, 2021 umabot na sa 1,332,832 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 5,414 na mga bagong kaso. 158 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 23,121 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman nating gumaling na sa sakit ay nasa 1,253,541 matapos madagdagan ng 7,637 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 56, 170.

Samantala, puntahan naman natin ang PBS-Radyo Pilipinas para sa pinakahuling balita mula sa mga lalawigan kasama natin si Czarinah Lusuegro. Magandang umaga sa iyo, Czarinah?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kasabay ng pagluwag ng restriction sa NCR Plus ay ang dumarami ring mga taong nakakalabas partikular ang mga biyaherong gumagamit ng EDSA Bus Carousel. Ang problema, kapansin-pansin ang pagkukumpulan ng mga pasahero sa mga terminal nito, kung kaya nakukumpromiso ang physical distancing. Pinangangambahan tuloy na maging dahilan ito sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaan. At upang alamin ang aksiyon ng Transportation Department sa isyu, makakasama po natin ngayong umaga si LTFRB Chairman Martin Delgra III. Magandang umaga po sa inyo?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Magandang umaga din sa inyo, Usec. Rocky at sa inyong mga tagapanuod.

USEC. IGNACIO: Chairman laman po ng mga balita ngayon iyong paghaba ng pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel. Karamihan sa kanila, nali-late daw po sa trabaho dahil sa kakulangan ng bus. Tanong po ng kasama natin sa media na si Marvin Calas ng UNTV: Gaano karami po ang bumibiyahe sa linyang ito ngayon at ito ba ang nakadisenyong bilang lamang ng EDSA carousel?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Magandang tanong po iyan, Usec. Rocky, unang-una mailagay lang natin sa dalawang kategorya iyong nakikita natin on the ground at saka iyong nakikita natin sa datos na binibigay sa atin pagdating sa supply in relation to demand, iyong mga dami ng pasahero.

Unang-una, dumadami talaga iyong pasahero, I have to admit that, we have to admit that, dahil na rin sa libreng sakay. Kung papipiliin po iyong pasahero kung saan siya sasakay, sa tren ba na may bayad o sa bus na walang bayad especially along EDSA. Nakakasiguro ako na pipili tayo doon sa walang bayad. So the figures actually show na mataas na po iyong ridership sa EDSA. I am looking at the records right now, when we started the service contracting along EDSA, and particularly iyong libreng sakay, at the end of March, pumapalo lang po sa mga a little over 41,000 iyong ridership. Eh ngayon ang pinakamataas na ridership na naitala po was noong Lunes, June 14, mahigit 182,00 na po ang daily ridership at that time. Iyon po ang nakita natin na isang dahilan kung bakit humahaba iyong pila doon sa mga pasahero along EDSA. But we need to address that, obviously may problema. Ang problema diyan would be iyong kaakibat na supply.

Iyong sa supply side naman po, we had an authorized units of 550, ang nabigyan lang po na special permit ng dalawang consortium which were awarded the EDSA bus route, 428. However, less than 400 lang po ang tumatakbo dito na units. At para malaman din natin, kung ano talaga ang nangyari on the ground pinuntahan din po natin, Usec. Rocky, on the ground.

Kaya as early and it was during the last hour, kahapon pumunta po tayo as early as 4:00 o’clock in the morning hanggang sa mga alas-siyete ng umaga kung ano talaga iyong takbo ng EDSA carousel, sa EDSA bus way mismo. Nakikita po natin na mabilis iyong pagsakay ng pasahero, 30 seconds to one minute iyong pagsasakay. However, limitado iyong bus way. Ibig sabihin iyong pagsakay on a per bus unit mabilis, pero we need to get more people all at the same time doon sa mga buses.

Actually noong pumutok iyong balita noong Friday evening iyong DOTr at saka LTFRB have been meeting since Saturday even until yesterday po, araw-araw po ang ugnayan natin. Hindi lang po sa loob ng departamento at sa ating ahensiya kundi sa mga operators, iyong dalawang consortium kung paano pa natin itaas iyong antas ng serbisyo doon sa EDSA Busway.

Nakita rin po natin na nagkumpul-kumpol iyong mga buses kasi naghihintayan iyong mga buses doon sa sumasakay pero pag nakita ninyo may dalawang bus lane po iyan doon sa Bus Station mismo.

Kaya ang payo po, ang direktiba po natin na mailibre iyong outside lane lalung-lalo na doon sa bus station para tuloy-tuloy iyong mga buses na nasa likod na pupunta din at tuloy-tuloy doon sa mga ibang bus station.

Ang ibig kong sabihin dito Usec. Rocky, we have reviewed and continue to improve the service plan that we have multi in place for EDSA at tuloy-tuloy ang ugnayan namin dito sa mga consortium po.

Isang bagay na gusto nating klaruhin dito, ulitin ko lang iyong dalawa o tatlong solution:

  1. Unang-una, dagdagan iyong mga units. In fact, we are coordinating with both consortium na magdagdag ng units along EDSA, for today that perhaps mayroong a total of 15 to 20 units na mai-deploy pa along EDSA.
  2. Pangalawa, we need to increase the efficiency of the use of these units. If you would imagine na iyong 428 units which were issued MC that would run along the 58km EDSA route on both directions, ideally that would be running at intervals of 30 seconds because they would be spread out along EDSA. However, iyon nga iyong problema doon nga sa mga istasyon na naghihintayan iyong mga bus. So, we are addressing that issue para lahat ng mga buses along EDSA would be spread out running constantly at any time whether is peak hours or off peak hours po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Atty., basahin ko na lang po iyong ibang tanong ng ating mga kasamahan sa media, baka may maidagdag lang po kayo although iyong iba po ay nabanggit ninyo na.

May tanong po si Rose Novenario kasi kung kailan daw po mawawakasan nga iyong mahabang pila sa EDSA carousel at nagiging super spreader daw po kasi sa COVID ito pong mahabang pila.

So, ano daw po iyong ginagawa ninyo para maibsan iyong karamihan na manggagawa na inaasahang mababangon iyong ekonomiya—iyong maibsan iyong kahirapan po nila sa pagbiyahe although nabanggit ninyo na.

Pero may tanong po si Karen Villanda ng PTV: Kung may desisyon na po ba kung ititigil na daw po iyong free ride dahil dinadagsa ng mga pasahero o kaya po ay dagdagan ang bus para iwas haba pila; kung dadagdagan payag po ba iyong mga consortium at paano daw po iyong magiging sistema?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: May dalawang bagay po na nasabi doon sa tanong Usec. Rocky, iyong isa iyong service contracting iyong libreng sakay, tuluy-tuloy po ito sa ilalim ng Bayanihan 2 extension hanggang June 30. However, mayroong panukala iyong Kongreso – both Houses of Congress – before they adjourned na sinusulong na ma-extend pa iyong pondo for service contracting among other budget under the Bayanihan 2 until December 31.

So, kung mangyayari po iyan before June 30 tuloy-tuloy naman din po. Whatever is the case po, mayroon din pong additional 3 billion under the General Appropriations Act na magagamit para tuluy-tuloy iyong programa under the service contracting program.

So, maasahan ninyo po na iyong libreng sakay whether ma-extend iyong Bayanihan 2 program—I mean budget under the current budget allocation, or on the budget allocation under GAA tuloy-tuloy po itong libreng sakay. So, I would like to assure iyong mga mananakay na tuloy-tuloy po ito.

Pangalawa, iyong pong mga dagdag na mga units iyon po ang pinu-push natin sa mga consortiums ‘no, sinabi ko na po ito kanina na iyong nabigyan po natin ng SP mga 428 pero ang tumatakbo po is less than 400. In addition to that, kailangan po talaga na madagdagan iyan kasi po iyong authorized units po diyan is 500 units. So, constantly were pushing the consortium to bring in more units to run along EDSA.

Pangatlo, iyong sinabi ko, importante po ito even at the current numbers of units, hindi ko naman sinasabi na mawawala iyong pila pero iyong dagdagan ng number of units if these buses would run constantly at a regular pace maibsan po natin iyong hintay ng mga pasahero doon sa mga bus terminal po.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po tanong ni Gerard Dela Peña ng TV5: Napag-uusapan na po ba iyong pagtatanggal ng face shield sa PUV transport?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Napag-uusapan po pero Usec. Rocky, doon tayo tataguyod kung anuman ang sasabihin ng IATF ‘no. We know that the public health emergency dahil sa pandemyang ito is still there that is why we appeal doon sa mga mananakay to follow strictly iyong 7 rules na naitalaga ng DOTr para doon sa mga mananakay kasama na rin po iyong pagsusuot ng face mask at saka face shield, sanitizing at saka pagbabawal ng paggamit ng mga cellphone, pag-uusap sa loob ng pampublikong sasakyan among other things.

So, what we’re saying is that we continue to be guided by what the IATF would allow us to do under the current circumstances, if I may kasama na rin po iyong kung pupuwede nga na maitaas na iyong kapasidad ng ating public transport kasi isa rin po iyan sa mga rason kung bakit [garbled] pinasakay ng mas maraming pasahero but then again we are in constant consultation as I have said with IATF on that regard.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: [Garbled]. So iyong mga bus po sa EDSA if I may give a few data there. Unit po, iyong bus unit ng EDSA sumasakay po ng mga 20 pasahero lamang if we would be able to increase a little bit then makakasakay pa ng mas maraming pasahero.

USEC. IGNACIO: Opo Attorney, may follow-up lang po si Gerard: Ano daw po ang magiging challenge kung magdagdag ng bus sa carousel?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Usec. Rocky, are there challenge on adding new units po, ayun po ba ang ibig sabihin?

USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po iyong mga haharaping mga challenges pag magdaragdag ng bus sa carousel?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: That would not be a challenge, that would actually be part of the solution kung magdagdag tayo ng mga units and that precisely why we’re pushing the consortium to put more units along the EDSA Busway po.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Llanesca Panti ng GMA News Online sa inyo: Ano daw pong update sa service contracting program ng displaced drivers given that this program has been allocated 5.6 billion funding and how many drivers daw po ang napagkalooban na ng naturang livelihood?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Opo. Unang una iyong sa under the Bayanihan 2 Act po, tama po na the principal beneficiaries po nito ay iyong mga drivers ‘no and then also there is a mention there iyong mga operators din na tumatakbo doon sa public transport but under the gross service contracting program and these is what we would like to emphasize that hindi lang po iyong mga drivers ang nagbibenipisyo pati na rin po iyong mga mananakay dahil sa libreng sakay.

Having said that, we have reached a milestone actually Usec. Rocky ano, kasi yesterday mahigit isang bilyon na po ang naipamahagi under the program, isang bilyong piso ang nababahagi na po sa ilalim ng programa at tuloy-tuloy naman din po ang pagbibigay ng mga bayarin para dito sa programang ito.

Patungkol naman doon sa mga balita at mga isa o dalawang beses na lumalabas iyong mga konduktor na walang trabaho ang sinasabi po natin dito, this is actually an issue of an employer-employee relationship kasi empleyado po sila ng kumpanya kaya we have… humiling po tayo doon sa mga naapektuhan na mga konduktor to take it up with the employer and to that matter complaint with DOLE; but nevertheless notwithstanding the fact na ito po ay employment isyu po, ang sinasabi din naman po natin na iyong kuwentada po natin, kasi iyong kuwentada ng pag-o-operate ng buses for example along EDSA kasama po iyan, iyong cost per kilometer, kasama po iyan iyong cost ng operation. So, kasama po iyong mga suweldo ng mga tauhan ng mga bus operators na nagpa-participate po dito sa programang ito. So, that’s precisely what we are saying na, that employers, bus operators will have to address the issue of their employees.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III, ingat po kayo.

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Ingat din po kayo at maraming salamat po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala dumako naman tayo sa Cordillera may report si Breves Bulsao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Breves Bulsao ng PTV Cordillera.

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan, ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center