Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang araw, Pilipinas. Upang mas lalong maipaunawa sa publiko ang hakbang ng pamahalaan sa isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating laban sa COVID-19, kasama ang buong puwersa ng Philippine Information Agency at ng People’s Television Network, muli naming ihahatid sa inyo ang mga pinakahuling updates tungkol sa COVID-19 vaccines.

Isa na namang makabuluhang diskusyon ang matutunghayan ninyo ngayong araw ng Huwebes, January 21, 2021, kasama po ang mga eksperto at kawani mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Mula sa PCOO, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky. Ignacio; at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH COVID-19 Vaccines Explained.

Pasadahan muna natin ang mga tampok na balita: Senador Bong Go pabor sa hakbang ng DND na bawiin ang UP-DND Accord. Naniniwala ang Senador na itataguyod ng militar ang rule of law at hindi maaabuso ang freedom of expression ng mga mag-aaral sa unibersidad.

[VTR]

Sa balitang consumer naman: Sa kabila ng patuloy na taas-presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa mga pamilihan, Senator Bong Go hinimok ang pamahalaan na gumawa ng solusyon upang makabawas sa pasanin ng ating mga kababayan. Narito ang detalye:

[VTR]

Senator Bong Go muling nanawagan sa pagpasa ng Senate Bill 1832 or Fire Protection Modernization Bill matapos na maitala ang magkahiwalay na sunog sa Taytay, Rizal at Muntinlupa City. Agad naman pinuntahan ng kaniyang tanggapan ang mga apektadong barangay upang mamahagi ng tulong pinansiyal at iba pang ayuda sa mga residente. Naroon din po ang mga ahensiya ng pamahalaan na namahagi rin ng tulong.

[VTR]

Samantala, kahapon po ay kinumpirma ang paglahok ng bansa sa COVID-19 Vaccine Financing Instrument ng COVAX Facility. Ang COVAX Facility po ay isang global procurement mechanism na namumuhunan at sumusuporta sa pag-aaral at pananaliksik ng mga posibleng bakuna sa COVID-19. Ibig sabihin, sa pakikiisa ng bansa rito ay inaasahang makakatanggap po tayo ng mga bakuna sa unang quarter ng taon.

Upang matiyak naman na matutugunan ang temperature requirement ng mga darating na bakuna, nagsagawa rin po kahapon ng inspection sina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., sa tatlong cold chain facilities na gagamitin para sa first wave ng vaccine rollout sa bansa.

Ang mga cold chain facility po na iyan ay nasa First Pioneer Distributions Center ng Unilab na matatagpuan po sa Biñan City, Laguna; Research Institute of Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City; at sa Zuellig Pharma Corporations sa Parañaque City.

Iyan at iba pong detalye sa vaccine roadmap ng gobyerno ang atin ngayon pag-uusapan kasama po sina Vaccine Czar NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr.; at mula naman po sa Department of Health ay sina Undersecretary Maria Rosario Vergeire; at Director Ariel Valencia, Task Group on Cold Chain and Logistics Management. Welcome po sa Public Briefing.

Para po bigyan ang taumbayan ng pinakahuling update sa vaccine procurement at logistics, narito po ang ating Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. Secretary, good morning po.

USEC. IGNACIO: Secretary Galvez, para po bigyan ang taumbayan ng pinakahuling update sa vaccine procurement at logistics, narito po ang ating Vaccine Czar at NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Secretary, good morning po.

SEC. GALVEZ: Good morning, Usec. Rocky at sa lahat ng ating mga nanunood at nakikinig sa ating programa. Sa ngalan po ng bumubuo ng National Task Force Against COVID-19, isang magandang araw po sa ating lahat.

Ikinagagalak ko po na ibalita na ang atin pong COVAX facility para sa Pilipinas ay naaprubahan na po. Sa loob po na posibilidad na makasiguro na mayroon tayong mga 30 – 40 million na doses for free para po sa lahat sa ating mga kababayan, kaya po nagpi-prepare na po tayo. Nakita po natin iyong nai-publish po na guidelines from COVAX na confirmation of participation. So, nakakagalak po, napakagandang balita po ito at saka talagang nagpi-prepare na po tayo dito sa ating mga cold chain.

Dahil inaasahan na darating ang mga bakuna tulad ng COVAX, we are presently negotiating with 18 logistics companies with four companies with ultra cold storage capacity. Ito po ay bahagi ng paghahanda ng gobyerno sa mga darating na bakuna which is to ensure that we have zero wastage, para makasiguro na ang mga bakuna ay makakarating sa ating mga kababayan, walang masasayang, walang matatapon at ang efficacy ay ma-preserve at ma-maintain sa kaniyang original state.

Ito po ang dahilan kung bakit natin binisita kasama po natin ang ating IATF Chairman and Health Secretary Francisco Duque sa iba’t-ibang mga cold chain facilities at mga pharmaceutical companies kahapon, kasama po ang RITM. Bibisitahin din po namin ang mga ibang mga cold chain facility in the next visit next week.

Ang nakita po naming, ang konklusyon po namin, we have adequate cold storage capacity for all types of COVID vaccines ranging from that to be stored at 2 to 8 degrees, negative 20 as well as iyong mga delicate na negative 70 to 80 degrees centigrade.

Halimbawa po, ang Unilab ay maaari pong makapag-store ng 5 million doses at 2 to 8 degree centigrade. Nandiyan din po ang Zuellig Pharmaceutical na maaaring makapag-store ng 40 million dosage for negative 50 to negative 25 degrees. Mayroon din po silang ultra-low freezers that can store 6.5 million doses under 80 degrees at mayroon po silang capability na 642 million doses para naman po sa 2 to 8 degrees na bakuna. So, nakita po natin na talagang napakalaki po ng capacity ng mga ano natin, sa Zuellig.

So, iyon po ang nakita natin sa picture, ito po pinuntahan namin po iyan sa Zuellig at talagang ako ay namangha. Talagang very professional at saka maganda po ang kanilang pharma-grade cold storage. Tiningnan po namin iyong mga bay, nalulula po ako dahil talagang napakalaki po ng lugar at saka po ang maganda po nito, mayroon po tayong ganiyang klase na storage dito sa Manila, sa Cebu at sa Davao. Ibig sabihin kaya natin kahit anong mga vaccine na klase from Pfizer, Moderna, at saka iyong AstraZeneca, at iba-ibang mga vaccines ay kayang-kaya na po natin i-store.

Nagpunta rin po kami sa RITM, sa Research Institute for Tropical Medicine upang maging katuwang sa ating partners para pandagdag na ultra cold chain storage at nakita rin namin po mayroon po silang limang negative 70/80 na freezer na can accommodate more than one million dosage. At kami po ay natutuwa na ang RITM, they are now well prepared.

At nakita po natin ang ating mga LGUs, lalo na doon sa Metro Manila ay talagang excited na excited na sa pagdating ng ating mga bakuna. Nagsagawa po sila ng mga simulation exercise. Nakita natin sa kabilang pictures sa left side, nakita natin na excited na talaga si Mayor Isko na talagang nagkaroon po ng simulation siya nang mga nagdaang araw. Then kahapon po ang Pasig nagkaroon din po siya ng tinatawag nating simulation exercises, and then also iyong Taguig talagang nakita natin si Mayor Lino na talagang prepared na prepared na at talagang binisita iyong ORCA na cold storage at talagang nakakatuwa.

So, iyon po, nakikita po natin all the LGUs are now very prepared and excited na makarating sa atin ang mga bakuna. At tayo po ay makakaasa na ngayong darating na buwan ay mayroon na po tayong darating na mga bakuna.

Maraming salamat, Usec. Rocky and back to you.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, Secretary Galvez. Mamaya po may tanong po ang media para sa inyo, Secretary. Samantala, puntahan ko naman po muna si Usec. Vergeire para talakayin po ang update sa mga inaprubahang EUA, ang mga isinasagawang clinical trials sa bansa at ang karagdagang impormasyon ukol po sa cold chain at logistics para sa mga paparating na bakuna. May update po ang Department of Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Usec., good morning po! Usec. Vergeire? Okay, nandiyan na po ba si Usec. Vergeire?

So, babalikan natin si Usec. Vergeire. Para sa mga isyung kadikit po ng isasagawang pagbabakuna sa bansa, bibigyang linaw ng ating mga panauhin po sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Para naman talakayin ang updates sa mga inaprubahang EUA, ang mga isinasagawang clinical trials sa bansa at karagdagang impormasyon ukol po sa cold chain at logistics para sa mga paparating na bakuna, may update din po ang Department of Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Usec., good morning po. Nawala ulit po si Usec. Vergeire. Okay, sa puntong ito bigyan daan din po natin ang katanungan na tungkol po sa aksiyon ng pamahalaan tungkol sa COVID-19 vaccines.

Para po kay Secretary Galvez – babalikan po natin mamaya si Usec. Vergeire – Secretary, base po sa nangyaring pagbisita sa mga cold storage facilities kahapon, masasabi bang sapat po iyong kapasidad ng mga facilities na ito para po sa pagdating po ng milyon-milyong dosage ng vaccine sa bansa. Secretary?

SEC. GALVEZ: Nakikita ko po, Usec. Rocky, prepared na prepared tayo kasi ang nakita natin more or less, this cold chain facility, nakita ninyo naman napaka ano, very modern at saka talagang very safe, talagang iyong capacity talaga adequate. Sabi nga ni Secretary Duque, very adequate at saka very secure iyong mga facilities. Tiningnan namin talaga iyong dalawang facilities ng Unilab and also RITM and also iyong Zuellig, pati iyong packaging nila, iyong magkakaroon ng tinatawag na transport, lahat pati iyong training ng mga personnel and also iyong katulad ng mga critical na mga vaccine katulad ng Pfizer and Moderna, nakita ninyo sa picture talagang mayroong mga ice box na puwede talagang i-transport sa iba-ibang mga lugar.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kanina po naibalita natin iyong kumpirmasyon nga po sa paglahok ng Pilipinas sa COVAX Facility. So, ano po ba ang ibig sabihin ng COVAX Facility at bakit mahalaga po iyong pagsali dito?

SEC. GALVEZ: Mahalaga po iyong COVAX Facility kasi nakita po natin iyong vaccine po na ibibigay po dito ng WHO, UNICEF at saka ng Gavi COVAX ay libre po iyon. At saka magagandang ano po, tinatawag nating validated ng WHO kasama po ang Pfizer, AstraZeneca, Covavax at saka tinatawag natin iyong Johnson and Johnson – ito ang mga talagang tinitingnan natin at saka iyong Sinovac nag-apply din.

So nakikita po natin na talagang ito po ay free at the same time it will be delivered to us. So napakaimportante po iyon, talagang ito po ay—it is a global interest na we can contain iyong virus through the WHO concept of iyong equitable access to poor countries like us.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, babalikan po muna natin si Department of Health Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., good morning po ulit.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky. Magandang umaga po Secretary Charlie and good morning to all of our viewers.

USEC. IGNACIO: Opo. Go ahead, Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. So magandang umaga po uli sa inyong lahat. Kami po ngayon ay magbibigay nang kaunting updates regarding clinical trials, Emergency Use Authorization, cold chain and logistics management. Together with me will be Director Ariel Valencia from our Supply Chain Management Office.

So for the vaccine clinical trials, so alam po nating lahat na ang vaccine development is a very meticulous process. These are carefully designed and reviewed to determine safety and efficacy of the products being studied. So importante po na dapat malaman natin ang mga bakuna ay tini-test sa healthy individuals so this would entail more stringent protocols to safeguard the health of the participants as seen in this slide.

So iyong susunod po na slide dito, ito po iyong sa Emergency Use Authority as a result of clinical trials and the recommendations coming from our Vaccine Experts Panel, the Philippine Food and Drug Administration shall appropriately evaluate the registration of vaccines. The FDA now can grant the EUA or the Emergency Use Authority based on the four principles of safety, efficacy, and risk benefit analysis. A Certificate of Product Registration can only be given after evaluation and the review of completeness while an EUA can be granted after the review of interim data of phase 3 trial in the time of an emergency.

So last December 1, the President signed Executive Order No. 121 grating the FDA the authority to issue Emergency Use Authorization for COVID-19 vaccines. The FDA Circular 2020-036 was also released last December 14 to serve as guidelines on the process and the list of requirements for EUA application.

So an EUA shall only be valid when all of the following circumstances are present:

  • First, there is the totality of evidence na available including data from adequate and well-known controlled trials. It is reasonable to believe that a drug or vaccine may be effective to prevent diagnose or treat COVID-19;
  • Second, the known and potential benefits of the drug or vaccine when used to diagnose, prevent or treat COVID-19 outweigh the known and potential risk of the drug or vaccine if any;
  • And third, that there is no adequate, approved and available alternative to the drug or vaccine for diagnosing, preventing or treating COVID-19.

In evaluating applications, the Food and Drug Administration has the power to implement reliance and recognition process for emergency use of drugs and vaccines. Recognition shall refer to the acceptance of the regulatory decision of another trusted institution. It shall be based on evidence of conformity that the regulatory requirements of the reference regulatory authority are sufficient to meet the regulatory requirements of the relying authority.

Reliance shall refer to the act whereby the NRA in one jurisdiction may take into account and give significant weight to assessments performed by another NRA or trusted institution or to any other authoritative information in reaching its own decision. So the FDA may accept the regulatory decisions of the WHO, the US CDC and other internationally-recognized and established regulatory authority.

So the Expert Panel, as shown in this slide, they conduct the review of available data on safety and effectiveness and they also submitted their report and recommendations to the Food and Drug Administration. Second, validity – the EUA is valid only within the duration of the declared public health emergency due to COVID-19. Without prejudice to the discretion of the FDA, they can revisit or revoke the same as may be appropriate to protect general public health and safety.

And for Post Marketing Authorization, the Food and Drug Administration together with DOH shall conduct post authorization monitoring to track product deployment, additional relevant information, the status from the manufacturer concerning full product life cycle. And the holder of the EUA is required to complete specific pharmacovigilance obligations with the view to provide comprehensive data confirming a positive benefit risk balance.

Now as to the cold chain and logistics management, this figure shows the milestones and roadmap for distribution and supply. These are divided into three phases:

  1. The pre-implementation;
  2. the implementation;
  3. and the post implementation.

Through these, we can see the complexity of the vaccine delivery process. Assessment – identify the strengths and gaps of our end-to-end supply chain.

Yesterday the Philippines received the country’s confirmation of participation in the COVID-19 Vaccine Financing Instrument or the COVAX Facility the advance market commitment. So as what Secretary Galvez has mentioned, COVAX Facility is a global procurement mechanism which invests in a broad portfolio of promising vaccine candidate and the country is said to receive vaccines in the first quarter of the year.

As part also of its preparation, our Secretary, Secretary Duque and the Vaccine Czar, Secretary Galvez conducted inspection of RITM to assess our capacity and the facility has been designated as the country’s national vaccine storage hub since 2019. So at present as what Secretary Galvez has mentioned, RITM has four cold rooms for storage with 2 to 8 degrees centigrade temperature range, one walk-in freezer for those with -20 degrees and five ultra-low temperature freezers that need to be kept within -70 to -80 degrees centigrade. The cold rooms are currently at 93 capacity while the walk-in freezer is at 50.89% capacity. The ultra-low temperature freezers are still unutilized. The inspection team also visited Unilab and Zuellig and Secretary Galvez already have given you the information.

As to the distribution plan modeling for COVID-19 vaccines, the supply chain process will involve:

  • First, the receipt of vaccines in the Philippines from the manufacturers;
  • second, the storage;
  • third, separation of vaccines for distribution;
  • and fourth, would be the delivery of logistics to its locations.

So the manner of distribution of vaccines will depend on the storage requirements for each type of vaccine. So for vaccines requiring 2 to 8 degrees storage, the vaccines will be delivered from the supplier to the RITM which will serve as the government’s centralized vaccine hub.

From RITM, vaccines will be passed on to the regional warehouses or hubs, wherein our DOH centers for health development, in coordination with our logistic partners shall deliver the vaccine to our LGUs. The LGUs will then allocate vaccines to its implementing units such as medical centers, hospitals, infirmaries, RHU and CHOs and private clinics where the vaccines will be administered to the eligible recipient.

The distribution process for vaccines requiring -20 centigrade storage will utilized the same process used for vaccines requiring 2 to 8 degree. For vaccines requiring -70 to-80, the vaccines will be delivered from the supplier to a private centralized vaccine hub and through a private distributor the vaccines will be delivered to our hospitals and medical centers with old chain capacity to store the vaccines.

As to the Philippines Cold Storage facilities ready for COVID-19 vaccine arrivals. As part of this preparation, as we have said, the cold storage facilities that potentially be used in the first wave of COVID-19 vaccine rollout were visited yesterday. So the inspection was carried out to insure that this cold chain facility will meet the storage requirement of vaccines prior to its distribution to identify vaccination sites. And as what Secretary Galvez has mentioned, we have cold chain facilities, these three would be used – the first pioneer distribution center of Unilab, the Research Institute for Tropical Medicine and the Zuellig Pharma Corporation in Parañaque City. So, that is the last of my slide.

So we would like to thank everyone for their unity and service and we would like to also say that we are prepared as what Secretary Galvez has mentioned. We are just finalizing some of the implementation arrangement. But the government through DOH, through the National Task Force and of course through our vaccine Czar, has already prepared the requirement and other logistical issues concerned with this vaccine deployment plan.

Over to you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Usec. Vergeire babalikan ko po kayo dahil sa ating mga katanungan po mula sa media. Para naman po magbigay ng karagdagang detalye ukol sa vaccine logistics, kagaya ng nabanggit in Usec. Vergeire. Kasama rin po natin si Director Ariel Valencia, Task Group on Cold Chain and Logistics Management, Director good morning po.

DIR. VALENCIA: Good morning, Usec. Rocky. Siguro po ang karagdagan ay unang-una ay nakita kahapon namin, ni Secretary Galvez at Secretary Duque ang kahandaan po ng ating private sector at ang ating RITM upang tanggapin po ang vaccines na darating po. Kasama po niyan iyong magandang balita nga kanina na tayo po ay kasama sa COVAX facility. At tayo po ay patuloy ang pakikipag-ugnayan sa ating mga regional offices and the Local Government Units upang ang kanila pong capacity po doon sa ating mga vaccines na nangangailangan po ng 2 to 8 degrees centigrade ay nakahanda po para maging lagayan po ng ating mga bakunang darating.

USEC. IGNACIO: Go ahead, Director.

DIR. VALENCIA: Actually, the updates po ay nabanggit na rin ni Usec. Vergeire kanina, iyong proseso po na ating ginagawa para po matugunan natin at masigurado po na ang ating mga darating pong bakuna ay makarating po sa mga target beneficiary po na nakita naman po natin ay mga prayoridad po ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Salamat Director Ariel Valencia. Samantala, sa puntong ito ay bigyang daan naman po natin ang mga katanungan tungkol sa aksiyon ng pamahalaan tungkol sa COVID-19 vaccines. For Secretary Galvez. Bakit daw po hindi maaaring i-disclose ang mga presyo ng bakunang nasa negosasyon na natin?

SEC. GALVEZ: Klarong-klaro po sa non-disclosure agreement na iyong mga special price at saka iyong volumes and other trade secrets ng ating vaccine manufacturers ay hindi po talaga puwedeng i-disclose while we are still ongoing sa negotiation, at the same time, hindi pa tapos iyong supply agreement. Dahil kasi magkaroon po tayo ng tinatawag na breach of contract at iyon po ay pangit po sa imahe ng ating gobyerno at the same time, magkakaroon po tayo ng liability. Kapag nagkaroon po tayo ng breach of contract ay puwedeng mag-withdraw ang vaccine makers at mawawala po iyong ating mga access, so iyong 148 million po maku-compromise po iyon.

Kung makikita po ninyo mayroon pong similar issue sa Malaysia at binigay ko nga po sa ibang mga dapat makaalam sa media na iyong nangyari po doon ay talagang iyong legal opinion po ng maraming expert ay talagang if we reveal the information to public, the deal might be compromised. Ganoon din po ang nangyari sa Belgium nagreklamo po ang Pfizer, dahil isang legislator po doon ay pinost po sa tweet niya iyong mga prices and it compromises iyong tinatawag nating confidential information. Huwag po kayong mabahala, dahil kasi talagang iyong mga information po natin po na iyon ay ibibigay din po, magiging transparent din po kami pagka once, in due time, ay puwede na pong Ilabas po iyon.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez, tanong naman po para kay Usec. Vergeire. Mula po kay Jazmine Romero ng ABS-CBN. According to Metro Manila Council Chairman Olivarez, balak ng mga mayors na i-unify daw po iyong kanilang contact tracing apps and platforms para daw po mapalakas ang contact tracing measures. Pero kailangan daw pong pangunahan ng DOH. Ano po ang status nito at paano nito babaguhin iyong StaySafe app, Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Actually ngayon mayroon na pong iba’t-iba na mga ginagamit ang ating local governments as to contact tracing applications. And with this, the Department of Health, mayroon po tayong guidelines na ipapalabas para magkaroon po ng recognition and registration po itong mga bagong applications na ito so that we can harmonized all of this into just one system. So hihintay lang po natin na mag-take effect itong guidelines natin, so that we can properly organize this contact tracing applications across the different local governments.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin po mula kay Jazmine Romero. Anu-ano po ba daw iyong challenges sa pag-unify ng contact tracing aps?

USEC. VERGEIRE: Marami po tayong challenges dito sa contact tracing aps. So unang-una po kailangan po this could preserve the privacy of each individual. So pangalawa po kailangan iyon standards po ng isang contact tracing app that had been issued by the department should be complied with. The third really and the biggest challenge would be the update of the local government and the city din, in particular, dito po sa mga contact tracing applications. Kapag tiningnan po natin ang StaySafe po, simula’t sapul ay nandiyan na at naiendorso pa ng Intern-Agency Task Force. But up until now, ang utilization po ng StaySafe is still very minimal, kaya nga po ay kailangan talaga and we agree with the Metro Manila Development Authority and the mayors. Kailangan po tayong magkaroon ng isang harmonized system for all of us to use for this contact tracing applications.

USEC. IGNACIO: Opo, follow up po niya. Kung tuluy-tuloy daw po iyong unification ng mga aps, kailan po ito matatapos, may time line po ba ito?

USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am, actually last Tuesday the Director of our Information Management Unit already presented to us the guidelines and how it can be implemented. So, ang kasunod na po nito ay pakikipag-usap sa ibang national government agencies concerned, so that we can be able to finalize this arrangement for implementation and pagkatapos po siguro noon ay makakapagdiri-diretso na tayo sa pagtingin at pag-recognize nitong iba’t ibang contact tracing application.

USEC. IGNACIO: Opo, for Director Ariel, magkano po pala iyong renta natin sa mga cold storage facilities, refrigerated vans at iba pa pong gamit gaya nito at kung magkakaiba daw po ba iyong presyo depende sa freezer na gagamitin, Director?

DIR. VALENCIA: Iyon pong price ng ating mga warehousing, cold storage and provision, iyan po ay for bidding po, nasa procurement service na po natin iyan. And then part of that is the end-to-end service provider from the time po na dumating ang ating bakuna sa ating port of entry to warehousing cold storage, distribution and reverse logistics. So iyong cost po niyang naka-bundle po, depende po iyan sa magiging proposal po ng mga interested third party provider po sa ating bidding.

USEC. IGNACIO: For Secretary Galvez naman po mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Opposition figure Etta Rosales wants you to resign dahil daw allegedly nabuking daw po kayo sa overpricing ng Sinovac vaccine. Ano po daw ang masasabi ninyo dito?

SEC. GALVEZ: Ginagalang ko po iyong ano po ni Ma’am Etta Rosales, magkakilala naman po kami. Pero dapat hindi muna siya mag-judge, kasi hindi niya alam na iyong lahat po ng vaccine na nabili po natin ay talaga pong binigay po at cost. Ang guidance po ng WHO sa mga manufacturer ay wala pong tinatawag na commercialization at no profit, magkaroon po ng equitable access. Iyon po ay parang kasunduan ng lahat ng manufacturers that they will provide access to poor countries like us.

So dapat naman po, ginagalang ko po iyong opinyon ninyo, pero minsan nakakasakit po ng damdamin, dahil kasi hindi po ninyo alam, wala po kayong alam sa negosasyon. Napakahirap po ng negosasyon na ginawa po namin. Talagang ang ginagawa po talaga namin ay binabagsak po namin talaga ang presyo at nakita po ng ating mga senador na nag-meeting po kami kahapon, nakita nila na mayroong $1.1 billion tayo na kung titingnan natin sa original price ay naibaba po natin ng $1.17 billion. That is more or less P55 billion.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Ian Cruz, Secretary Galvez: Kumusta daw po iyong pulong ninyo kasama ang mga senador? Naging katanggap-tanggap po ba sa kanila especially kay Senate President Tito Sotto iyong presyo ng mga bakuna na nakuha ng Pilipinas?

SEC. GALVEZ: Nagpapasalamat po ako kay Senate Presidente Vicente Sotto, dahil napakabait po niya at saka ang ating mga senador, si Senator Lacson at saka si Senator ‘Bato’ Dela Rosa na they offered a dinner meeting with us at na-explain ko naman po iyong talagang proseso ng mga negosasyon sa vaccine kung paano namin ginagawa ang tinatawag natin na mga tawaran.

So nakita niya talaga na iyong mga presyo na ginawa natin is binagsak po talaga natin at dahil hindi ko nga ma-reveal iyong presyo nagbigay po ako ng mga indicative prices at nakita rin nila na iyong potential gains natin ay umabot pa ng more or less $1 billion. Talagang nakita nila iyong talagang ginagawa po natin ay talagang mayroong due diligence and very prudent at nagpapasalamat din po ako na naintindihan nila na talaga iyong proseso po na iyong NDA, iyong Non-Disclosure Agreement is talagang very binding at very ano po, kinakailangan para maprotektahan po both parties, both the government and also the… both parties.

Ako po ay nagpapasalamat po kay Senator Lacson, dahil kasi ako mayroon din akong pagkukulang at iyong aking akusasyon na ginagamit iyong pulitika ng Senado, iyong hearing, ako po ay nagkamali and I want to make an apology on that.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Galvez.

For Usec. Vergeire, mula po kay Danilo Garcia ng Pilipino Star Ngayon: After the first UK variant COVID-19 case and possibly more to come, will there be changes daw po in the daily reporting of COVID-19 cases or the UK variant be separated with the old variant?

USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Wala pong mababago, as we have said wala pong binago itong variant na ito dito sa mga mode of transmission niya at saka in the way we are going to report. What would be done only would be that we have a separate reporting or a separate form that we will be having for this variant so that we can track them properly. But as to the usual cases that we report, wala pong mababago doon, pareho pa rin po.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Secretary Galvez mula kay Aiko Miguel ng UNTV: Ayon po daw sa WHO nanganganib ang pamamahagi ng COVAX Facility ng COVID-19 vaccine sa mahihirap na bansa. Ayon daw po sa WHO ito ay dahil sa patuloy ng ilang mayayamang bansa at mga kumpanya sa pag-una po sa mga bilateral deals at pagtatangkang mauna po sa pila po sa pagbili ng bakuna ng nagiging sanhi ng pagtataas ng presyo sa Pilipinas. Kasama po ba sa timeline vaccination plan natin iyong ide-deliver ng COVAX? Paano kapag daw po ito ay na-delay, ano po daw ang magiging epekto sa vaccination natin at kung may back up plan po tayo; kung kakayanin din po daw ng budget ng bansa?

SEC. GALVEZ: Opo. Mayroon tayong back up plan. Actually sa 148 na ating vaccine na darating po sa aming bilateral procurement, hindi po namin isinama ang COVAX. Kasi ang nakikita po natin… ang nakikita na hindi po natin control iyong management po ng COVAX. So iyon po ang ina-anticipate po namin, nagkaroon po kami ng contingency na just in case ma-delay, mayroon naman po tayo na regular procurement po natin sa vaccine. But recently natanggap nga natin iyong confirmation at pinapa-prepare tayo ng tinatawag nating preparation natin sa mga cold change at saka sa mga handling.

Nakikita ko naman na very positive naman, though nakikita natin na baka mabawasan po iyong 20%. Ang narinig ko po ay baka po bumaba ng 16 to 15% ang matatanggap po natin. Pero okay lang po iyon, dahil kasi preparado po tayo; with or without COVAX ay preparado po tayo.

USEC. IGNACIO: Para naman daw po kay Usec. Vergeire, tanong po mula kay Greg Gregorio ng TV 5: Is there a need to implement strict mandatory 14-day quarantine to all incoming passengers regardless of their country of origin and their negative result upon arrival? Considering daw po some of our UK variant cases, co passengers tested positive after initial negative result.

USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. Actually ginagawa naman po natin ito; ang ginagawa po natin, lahat po ng dumadating galing po sa kahit na anong bansa, sila po ay tine-test kina-quarantine. Kapag nag-negative po sila, sila po ay pinapayagang bumalik sa kanilang local government but with the condition that the local government will monitor them to continue their 14-day quarantine in their local government.

So ngayon po ang nangyayari noong nagkaroon tayo ng restrictions, atin pong in-unhold muna itong mga incoming passengers coming from these restricted countries na tayo po ang nagka-quarantine.

But eventually local governments would have to step up at kanila pong maging magkaroon ng strengthened isolation and quarantine implementation para po walang nakakalusot po sa atin. And isa po sa napag-usapan with the Technical Working Group of the IATF ang irirekomenda na po natin ngayon na para po maipatupad mai-aprubahan ‘no kung maaprubahan IATF ay magkaroon po ng mga testing na on the appropriate time like on the 5th day when they arrived para po mas makasigurado tayo kung talagang ang tao ay negatibo dito sa sakit na ito.

USEC. IGNACIO: Opo, para po kay Director Valencia. Tanong po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Kahapon po nag-inspect ang DOH at si Secretary Galvez sa mga facilities for cold chain storage. Sapat po ba itong facilities natin to house vaccines at nagku-coordinate na po ba ang DOH sa mga cold chain group sa bansa para po sa additional storage requirements?

DIR. VALENCIA: Salamat po, Usec. Rocky. Kasama po tayo in Secretary Galvez at Secretary Duque po sa pag-ikot po natin kahapon sa tatlong lugar po – sa Unilab, RITM at Zuellig Pharma. Sa atin pong tantiya po ay sapat po ang ating kakayahan ngayon po sa pagtanggap ng ating mga vaccines na darating po at ito po ay naka-spread throughout the year. Sabi nga po kung continuing po ang negosasyon ng ating pamahalaan po sa iba’t ibang drug manufacturers at doon na rin po sa tinitingnan natin, patuloy po ang ating pakikipag-ugnayan sa iba’t-iba pa pong cold chain or logistic providers. Sa katunayan po may mga ongoing meeting pa rin po ako kung saan po ay maraming nagpapahayag ng kanilang interes na magbigay po ng serbisyong ito na kailangan ng ating gobyerno. Pero kasama po sa ating pagtingin ay ang kakayahan po nila na maghawak po ng mga pharmaceutical products upang masiguro natin ang kalidad, kaligtasan ng ating mga bakuna na dadalhin sa ating different vaccination sites po.

USEC. IGNACIO: For Usec. Vergeire, tanong mula kay Cory Quintos ng ABS-CBN: May na-receive daw po kasi silang report from healthcare workers assigned sa COVID-19 ward at ICU na ospital ng Muntinlupa about the non-distribution po ng special risk allowance and active hazard duty pay allotted to them under the Bayanihan Act 2. According to the chief of hospital, mahigpit daw po kasi iyong conditionalities ng DOH na mabibigyan lang iyong mga may positive COVID patients na inaalagaan. So kahit na nag-duty ka sa COVID ward o ICU if walang positive COVID patient na inaalagaan or direct contact wala daw pong benefit. Tanong po niya, ano po ang mga kondisyon na inilatag ng Department of Health sa mga makakakuha po ng hazard pay at SRA ng HWS?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Actually nakalagay na po iyan doon sa Bayanihan Law natin and aside from that, guidelines from DOH were already issued and sinabi po natin diyan na lahat ng healthcare workers, both public and private, national and LGU are entitled to these benefits. Another thing, ang nakalagay po diyan sa provision natin, dapat directly caring to COVID patients. So ang COVID patients po hindi lang positive at negative ang ating pinag-uusapan – kapag sinabi ho nating COVID patients, kasama po diyan iyong mga suspects at saka probable na mga kaso. Ibig sabihin may sintomas pa lang ng COVID pero hindi pa ho natin nakukumpirma kung sila ay positibo o hindi.

So, kailangan hong maintindihan ng ating mga nagpapatupad nitong mga benepisyo para sa ating mga healthcare workers na hindi po natin pipiliin na COVID positive lang ang inaalagaan ng healthcare worker at sila lang ang mabibigyan nitong allowance or benefit na ito. Kailangan po lahat po na nagtatrabaho for COVID ‘no or directly caring for COVID patients which includes COVID positive, COVID suspects and COVID probable cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Para pa rin po sa inyo, Usec. Vergeire. Base daw po kasi sa nakalagay sa probisyon, ang mga may direktang contact sa mga COVID patients ang mabibigyan, pero ano daw po ang ibig sabihin ng COVID patients? Kasama po ba dito iyong probable, suspected o ito po ay dapat positive patients lang?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyon po iyong pinaliwanag ko kanina Usec. Rocky ‘no, directly caring to COVID patients would be interpreted and the definition would be kasama po ang suspects at saka probable.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang mga walang direktang contact po sa pasyente, positive or suspected o iyong mga nasa policy-making unit ay kasama rin po ba daw sa mabibigyan ng hazard pay o SRA?

DOH USEC. VERGEIRE: Ang nakalagay po sa batas at saka nakalagay po sa mga probisyon ng ating guidelines are those directly caring for patients with COVID. So ibig sabihin po iyong mga nandoon po sa mga opisina, baka kailangan hong kausapin nila iyong mga head of hospitals nila if they can be provided or not. Pero ang sinabi po ay very clear – directly caring for COVID patients.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Vergeire, naipasa na daw po iyong listahan na magkakaroon ng hazard pay at SRA kung mapapatunayang may mga ospital na hindi ito naipatupad nang maayos o kaya naman po ay may HWs na hindi naisama sa listahan. May pananagutan ba ang ospital o management nito?

DOH USEC. VERGEIRE: Kailangan lang hong sumulat ‘no at magbigay nitong full report sa amin, so that we can immediately manage and address the situation, makausap po natin kung talagang kailangan bang bigyan iyong healthcare worker ay maisama na sila sa listahan. So, pakibigay lang ho iyong report. Actually last week pa ho iyan na-report sa amin and we have asked the complete report for this so that we can check on it. So nakikiusap po kami, ipadala na po sa amin itong report na ito so that we can immediately address this.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po niya: Maaari bang maihabol sa listahan ang mga HWs na hindi naisama doon daw po sa unang listahan basta mapatunayan na sila ay karapat-dapat na mabigyan ng mga nasabing benefits?

DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon pong time period iyang mga batas na iyan ano na sinabing Bayanihan 1 at saka iyong Bayanihan 2. So titingnan po natin kung saan sila masasakop. Kung dito po sa mga sinabing mga provision and the time period ay masasaklaw sila and then definitely isasama po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: OCTA researchers suggest the need to do genome sequencing in the provinces where they are seeing a spike in cases, increase in reproduction rate like Cagayan. When can PGC-DOH do it daw po?

DOH USEC. VERGEIRE: Ginagawa na po namin iyan, Usec. Rocky, mula pa ho noong nag-umpisa iyong ating genomic bio-surveillance, noong nag-umpisa tayo na 300 lang iyong naipa-sequence natin noong unang linggo na iyon, may kasama na po na mga areas with clustering of cases or those areas with high incidence ‘no, iyong matataas po iyong kaso. Aside from that, kumuha rin po kami ng mga samples sa mga hospitalized patients natin in specific areas of the country. So our surveillance system is working and we had established it at ginagawa na po natin ito.

So salamat po sa OCTA Research Group na may ganitong rekomendasyon. Huwag ho kayong mag-alala, ginagawa na po ng Kagawaran ng Kalusugan iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong naman po mula kay Jam Punzalan para po kay Secretary Galvez: Ano daw po ang ibig sabihin ng pagkakaroon natin ng COVAX confirmation? Ano po daw ang pinagkaiba nito sa status natin dati?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin na may confirmaton na na tayo po ay magpa-participate sa COVAX at tayo po ay pinaghahanda na po ng ating World Health Organization at COVAX Facility na mag-prepare kung ano po iyong mga variety of vaccines na might be coming in. So ito mas maganda po ito sa ngayon dahil mayroon po tayong tinatawag na confirmation to participate and directive to get ready to accept.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Usec. Vergeire, tanong mula kay Kristine Sabillo ng ABS-CBN: How do we address daw po the problem ng mga may nag-negative upon arrival sa airport but positive pala based on test days after na nakita natin na sa Dubai case. Kailan kaya maaprubahan ang 5th day testing recommendation ng Department of Health o kung may sapat na budget po ba tayo para dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Katulad po ng sabi ko kanina, we already have recommended to the Technical Working Group of IATF na pagdating ng ating mga kababayan from any country ‘no, kailangan po iyong testing nila but we have to repeat the testing on the 5th day after they have arrived before we release them to LGU. So, sa ganitong paraan, maaari po nating makita ‘no and appropriate po iyong timing on testing and we can be more certain kung talagang negatibo o positibo itong pasyente na ating itinest. Ito po ay ipi-present sa IATF meeting and hopefully the principals of IATF will also approve and hopefully also we will have the resources for this.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Can we get updates on the EUA and clinical trial applications? May umusad na po ba sa process at may bago bang applicants?

DOH USEC. VERGEIRE: Ang pinakahuli po na ating naaprubahan for clinical trial would be the Sinovac na clinical trial ‘no. And doon naman po sa EUA, nakapuwesto pa rin po at pinag-aaralan ‘no, ito pong mga applications na nasabi na ni Usec. Eric Domingo noong isang linggo, ito po iyong sa AstraZeneca at saka iyon pong sa Gamaleya. Pero they still need to complete the required documents na hinihingi po ng Food and Drug Administration.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po iyong factor sa pag-increase ng cases outside Metro Manila? Ano ang provinces na binabantayan talaga ngayon and where are the COVID cluster sa provinces? Household po ba? May lapses din bang nakikita sa enforcement dahil may reports na some areas yata hindi required ang swabbing before lumipad?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually, dito po sa mga nakikita natin sa ngayon ‘no, outside of Metro Manila po talaga, nakikita natin ang medyo pagtaas ng kaso at atin pong binabantayan. Makikita po natin sa region ng CAR, sa Region II, sa Region V, sa Region VII, XI, XII and BARMM, makikita po natin dito sa mga lugar na ito and one of our major assumptions would be ito pa rin po iyong ating epekto ng mga holiday.

Dahil kung matatandaan ninyo noong nag-holiday po tayo, nag-uwian po ang ating mga kababayan maaari sa kanilang mga probi-probinsiya, nagkaroon din po siguro ng mga pagkakasalu-salo and celebration and all of these things might have contributed to the increase in the number of cases in the other areas. Although hindi naman ho natin sinasabing iyan lang ang factor ano. Mayroon din hong factor of course iyong pagpapatupad pa rin natin noong ating mga health protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Galvez, tanong po mula kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN: May desisyon na ba ang IATF on placing areas without COVID-19 transmissions under the new normal at paano po ang magiging policies natin dito?

SEC. GALVEZ: Idi-discuss pa po namin iyan, Usec. Rocky at mayroon po kaming meeting ngayong araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Suggestion daw po ng DTI na babaan pa ang age restriction sa community quarantine para mapayagan po ang may edad sampung taon na makalabas. Ito daw po ay para ma-boost ang consumer spending at matulungan iyong mabilis na makabangon ang ekonomiya. May desisyon na rin po ba ang IATF dito?

SEC. GALVEZ: Ongoing po ang study po ng Technical Working Group at maybe ipi-present iyan mamaya sa aming meeting, 2 o’clock mamaya.

USEC. IGNACIO: Opo. Third question niya: Ano po ang magiging polisiya ng gobyerno para sa mga makakatanggap na ng bakuna? Iri-require din ba silang magsuot ng face mask at face shield, sumunod sa social distancing? Why or why not po?

SEC. GALVEZ: Unang-una, iyong mga rekumendasyon po [garbled] ng ating tinatawag na minimum health standard. Ang tinatawag nga po nila dito ay vaccine plus. Iyong vaccine plus, ibig sabihin, kapag nabakunahan po tayo, plus pa rin iyong minimum health standard. Nandoon pa rin iyong pag-o-observe ng social distancing, iyong pag-increase ng ating immune system at iyong tinatawag nating minimum health standard ng facemask at saka face shield ay nandoon pa rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. For Usec. Vergeire, tanong po mula kay Sam Medenilla: Iku-confirm lang po sana namin if DOH daw po recommended the IATF to conduct second swab for all arriving passengers after may nag-positive na mga co-passengers of UK variant case days after?

DOH USEC. VERGEIRE: Kung doon po sa mga passengers na mayroon pong close contact with an identified case with variant, iyong re-swabbing po talaga ay kasama na sa protocol natin.

Ngayon kung ang tinatanong po natin kung irirekumenda natin sa IATF iyong nabanggit ko kanina na appropriate timing of the test, ito po ay ipi-present mamaya at titingnan po natin kung ano ang magiging diskusyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang Filipinos both here and abroad po ang na-determine ng DOH na infected UK variant ng COVID-19?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, sa ngayon po, mayroon lang ho tayong dalawa. Iyong isa iyong index case natin sa Hong Kong, and iyong isa po ay iyong index case natin sa Dubai. So hanggang sa ngayon, iyan lang pa rin ang ating nasa talaan. Magbibigay naman po kami ng impormasyon as soon as lumabas iyong resulta galing sa Philippine Genome Center ngayong gabi o kaya bukas ng umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Galvez, tanong po mula kay Joseph Morong ng GMA News: Regarding COVAX Facility, when do we expect the arrivals? To whom we are going to distribute this and what kind of vaccine?

SEC. GALVEZ: Nasabi ko na po sa ating mga announcement na ito ay darating po this coming February. At sa ngayon po, wala pa po tayong definite kung ano pong vaccine ang mauunang i-deploy; but most likely, iyong Pfizer. We are preparing for the Pfizer.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Joseph Morong: Can you share us the dates of the schedule of the arrival of the first vaccine? Who’s going to bring it? Where are we going to store it and set up for the next vaccination? At where will we start?

SEC. GALVEZ: Ang nakikita po natin na February ang darating ang ating mga vaccine at ating pinag-aaralan nga iyong time and motion from the airport going to the warehouse. So nagdi-designate na po tayo ng warehouse kung saan po iyong two to eight, puwede po doon sa nakita natin sa ating mga service providers, pati iyong -20 at -80.

Ang preparation po natin ay unang-una, iyong iba ay madi-deploy muna dito sa Metro Manila at iyong mga karatig regions to include Cebu, Davao at saka iyong mga tinatawag nating mga dating apektado ng COVID-19, iyong matataas ang mga kaso.

Iyong ibang mga preparasyon ay ginagawa po natin ngayon at nakikita po natin na marami pong LGU na talagang nakapag-rehearsal na po sila at tinatapos po nila ngayon ang kanilang mga master list at even nagkakaroon sila ng tabletop exercises at rehearsal and simulation exercises. Sa darating nga na Friday, magkakaroon po tayo ng rehearsal sa Quezon City.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Tuesday Niu ng DZBB for Secretary Galvez: Ano po iyong napag-usapan ninyo with some senators kagabi na puwede ninyong ibahagi ngayon? Naplantsa na po ba iyong impormasyon na una ninyong hindi napagkasunduan ng mga senador?

SEC. GALVEZ: Maganda po iyong naging usapan po namin, very cordial. At nagpapasalamat po ako na binigyan po nila ako ng pagkakataon na makapagsalita po ako in private. At sinabi po nila sa amin na talagang ang Senado, they just want to get their function of being iyong tinatawag na oversight function of the Senate na parang check and balances also. Para at least magkaroon tayo ng tinatawag na transparency sa lahat ng mga ginagawa po natin sa vaccine implementation at saka po doon sa tinatawag natin na procurement.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Dreo Calonzo. Secretary Galvez, updates daw po for Moderna vaccine. When will we sign term sheet?

SEC. GALVEZ: Sa Moderna po, ngayon po ay ongoing iyong finalization and maganda po iyong—ito po kasi ay magiging parang tripartite agreement with the public and LGU sector. Natutuwa po kami na ang private sector po ay nakuha na po nila iyong target nila na eight million to ten million; ten million naman po sa government. And most likely, ma’am, matatapos po namin iyong supply agreement within this month.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Sherrie Ann Torres ng ABS-CBN: Sinabihan po kayo ni Senator Lacson to watch your back, front, left and right sides, as you perform your duty. Personally po ba, mayroon kayong nakikita o nararamdaman na group na gustong mag-take advantage sa sitwasyon sa pagbili ng bakuna?

SEC. GALVEZ: Kahapon po [garbled] sa abot ng aking magagawa na para talaga po magkaroon ng tinatawag nating lesser ang interference. That’s why iyong negotiation po na ginagawa po namin, limited lang po sa amin sa Department of Finance para iyong mga interference po ay mawala po.

At nag-aano po ang ating gobyerno at nagpapaano rin po ang ating Presidente na dapat talaga itong negosasyon at procurement process na ito, it should be tinatawag na corruption-free. Lagi pong ini-emphasize ng ating mahal na Pangulo na dapat itong bakuna na ito ay para sa ating mga mamamayan, dapat hindi po ito mahaluan ng kalokohan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong puwede nating asahan na magiging pagharap ninyo sa Senado bukas, Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: I will be expecting na very cordial po at kami po, maganda po iyong naging usapan po kahapon during our meeting. At natutuwa po ako na magiging positive po ito. Mali po iyong balita na magwu-walk out po ako. Talagang ano po iyon, hindi po iyong tama po. Ang ano po ng ating mahal na Presidente ay talagang tapusin ko iyong lahat ng gagawin with or without the inquiry. At ako po ay nirirespeto ko po iyong … nirirespeto po natin ang oversight function ng Senate po. Iyon po ay naiintindihan po namin na to give clarity kung ano po iyong implementation at transparency sa aming ginagawa sa negotiation.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol na tanong si Jam Punzalan ng ABS-CBN: May negotiation na ba with Bharat Biotech?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ongoing po iyong evaluation pa po ng ating Vaccine Expert Panel dahil hindi pa po sila nakapag-submit ng kanilang clinical trials. I understand na magsa-submit na rin po sila ng application ng EUA. And iyon po ang aming gagawin, amin pong imu-monitor through DOST and also through the Vaccine Expert Panel kung ano na ang development po ng Bharat. Pero po kinonsider po namin iyong vaccine po na iyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Galvez, salamat po. At maraming salamat po sa ating mga kaibigan sa media. Maraming salamat pong muli sa mga nakasama natin sa mga programa ngayong araw – si Secretary Carlito Galvez, Jr., National Task Force Against COVID-19, Vaccine Czar; si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire; at Director Ariel Valencia, Task Group on Cold Chain and Logistics Management.

Diyan po nagtatapos ang isa na namang edition ng COVID-19 Vaccines Explained. Kasama ang Philippine Information Agency, ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

Mula po sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)