Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, isang oras ng makabuluhang diskusyon kaugnay sa usapin ng kalusugan, bakuna at iba pang maiinit na isyu sa bansa ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Sabado. Mula sa PCOO ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Makakausap po natin ngayong umaga sina Dr. Shirley Domingo, PhilHealth Vice President for Corporate Affairs; Lucena City Mayor Roderick Alcala; at si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung kayo po ay may mensahe o tanong sa kanila mag-comment lamang po sa live streaming ng aming programa sa PTV Facebook at YouTube accounts.

Ngayong patuloy na tumataas ang COVID-19 sa mga lalawigan importante po na mabigyan sila ng agarang gamutan, ang tanong: Nabayaran ba ng PhilHealth ang pagkakautang nito sa mga ospital upang hindi magkaroon ng problema sa pagtanggap ng pasyente? Iyan at ibang update sa PhilHealth ang ating pag-uusapan, kasama po natin si Dr. Shirley Domingo ang acting Spokesperson at Vice President for Corporate Affairs ng PhilHealth. Welcome back po Doc. Doc, can you hear me?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Sorry, good morning. Good morning Usec. Rocky, good morning sa lahat ng nanunood at nakikinig sa programang ito ngayong araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., naiulat nga po ngayon iyong pagtaas ng occupancy rate ng ilang mga hospital na nasa high risk area. So, ano po ang ginagawa ng PhilHealth para naman daw po hindi magkaroon ng aberya sa admission ng mga pasyente sa hospital dahil sa hindi pa nababayarang utang sa mga ito ng PhilHealth?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: USec. Rocky, nag-implement tayo iyong tinatawag na DCPM or Debit Credit Payment Method, ang ginagawa po natin doon pag na-identified ng IATF as a high risk area and nagsi-surge din kasi iyong mga cases of COVID ay tinitingnan po natin iyong 60% of in-process good claims at nire-release na natin kaagad iyon sa mga hospitals.

Iyong mga hospitals kailangan lang silang mag-sign ng memorandum of understanding, a letter of understanding and mag-signify sila na mag-a-avail sila. So, ‘pag mag-submit sila sa amin iyon iri-release na po natin iyong fund equivalents to 60% of their in process good claims.

USEC. IGNACIO: Opo. So, sumatotal po ma’am nasa ilang porsiyento na po iyong nabayaran ng PhilHealth sa buong bansa at nasa magkano po iyong unsettled payments sa mga hospital kung mayroon man po at kailan ninyo po ito target na mabayaran?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Well, under the DCPM ay nakapaglabas na tayo ng mga 6.3 billion pesos po iyon and around 206 health care institution ang nag-avail. Doon sa total claims naman whether COVID or non-COVID ‘no nakapagbayad na tayo ng mga 79% of the total claims na ibinigay sa atin so paid na po iyon that’s around 231 million pesos po.

So, ito iyong total amount kasi nasa atin, na isinubmit sa atin is around 259 million pesos, so—ay sorry billion pesos. So mga 80%, 79.6% as of now ang nabayaran na po natin. Ngayon as to the rest tuloy-tuloy po natin pina-process ang claims na ito and iyong turnaround time kasi na meet natin for good claim is around 43 days.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Ma’am, how about doon sa Philippine Red Cross fully settled na rin po ba iyong PhilHealth upang magtuluy-tuloy naman iyong serbisyo sa mga testing labs ng Red Cross?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Ang Red Cross kasi nabayaran na natin ito ng around 5.5 billion, tuloy-tuloy ang pag-submit sa ating ng mga test claim ng Red Cross kaya tuluy-tuloy ang pag-process po natin. So, iyon po at any given time ay mayroon claims sila na nasa atin so, tuloy-tuloy ang pag-process po noon.

USEC. IGNACIO: Opo. Isinusulong ngayon na magkaroon ng isang technical group meeting sa pagitan po ng PhilHealth at mga ospital na tututok po sa pag-aayos ng mga claim sa PhilHealth. Pabor po ba kayo dito?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Well, we welcome that if that congress things na maganda po iyon doon sa pag-process ng claims ng PhilHealth and hospitals then okay po sa atin iyon. But right now ang ginagawa po natin is nagre-reconcile tayo ng claims with the hospitals. So, our regions are directed and are doing it to meet hospitals and reconcile the claims para iisa po ang amount ng claims na sinasabi natin na kailangan pang i-process.

So, aside from that, ang PhilHealth Central Office ay nagtayo rin ng isang committee, Technical Working Group within ourselves headed by no less than our Chief Operating Officer si Atty. Eli Santos, na tumututok sa pagtingin sa mga claims na ito kung ano ang problema dito, kung anong dapat gawin at nagre-reconcile ng claims with our hospitals; so, tuloy-tuloy po natin ginagawa iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, dahil nga po sa pagkakaiba-iba ng mga datos kung kaya’t isinulong itong pagkakaroon nitong Technical Working Group meeting. Bakit po kaya nagkakaroon ng mga discrepancy sa mga datos po?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Okay. Alam ninyo po lahat, hindi lahat ng claims na pumupunta sa atin ay binabayaran kaagad kasi binubusisi talaga natin iyon, well processing the claims ‘no dapat lang kasi pera ng bayan ang pambayad natin diyan. So, may ibang claims that are returned to the hospitals because of several deficiencies, documentary deficiencies na binabalik natin iyong sa kanila iyon and nandoon sa kanila their given 60 days for them to re-file with us and ia-assess ulit natin iyon.

So, that what you call the return to hospital claims, mayroon rin mga claims na na-deny for several reasons, so iyon and then may [garbled] because if we, pag may nakita kaming possible fraud then nire-refer namin iyon for further investigation sa ating legal. So, lahat po iyon can contribute to the difference in numbers or amount of claims na sinasabi ay utang daw namin.

So, napaka-importante po talaga first step is to reconcile our data which is what our regions are now doing. So, from there ay pag-iisipan at pinu-process naman natin ng mabilis iyong kanilang claims as long as it is good claims.

USEC. IGNACIO: Opo. Hanggang ngayon po ba may reports pa rin kayong natatanggap tungkol sa umano’y reimbursement scam, mayroon na po ba tayong mga napanagot dahil dito?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Oo. Tuloy-tuloy ang pag-imbestiga ng mga cases or reports na ibinibigay sa atin ng ating legal sa Central Office and legal unit sa Region so tuloy-tuloy po iyon. Marami po tayong natatanggap na mga reports na ganoon, so iniimbestigahan po natin iyon.

USEC. IGNACIO: Opo, ma’am covered na rin po ng PhilHealth ang Cartridge based PCR-swab test para sa ating mga members ano po. So, ano daw po ang kaibahan nito doon sa dati ninyong covered na mga swab test at paano po ang paraan ng pag-avail nito?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Ang RT-PCR or Cartridge based ay halos pareho na rin iyon sa RT-PCR except ang ginagamit ay isang klaseng machine na iyong end point diyan ay napapabilis ang pagkuha ng results. So dati mga three, four days nakukuha iyong ating results, itong RT-PCR Cartridge based ay mas mabilis na po nating nakukuha iyong results. Napaka-importante po sa atin iyon, kaya na-discuss iyon sa PhilHealth at nakagawa tayo ng benefit na pati iyon ay iri-reimburse na rin ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Isinusulong po ni Senator Angara, ma’am, iyong libreng COVID testing para sa mga naghahanap ng trabaho at PhilHealth po ang inaasahan ding sasagot nito. So, ano pong masasabi ninyo dito kasi siyempre pag bago ka pa lang naghahanap ng trabaho iyong iba wala naman pong PhilHealth number. So, papaano po ang gagawin ng iyong tanggapan dito?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Una po sa lahat, dapat maintindihan po ng ating mga kababayan na ang PhilHealth ay sumusunod sa national policies on testing; ito po ay ginagawa ng Department of Health ‘no.

Ang Department of Health ay mayroon silang priority groups na dapat i-test kasi alam po natin na hindi pa sapat para sa lahat ng Pilipino ang magpa-test. Therefore, naglabas sila ng priority group so sinusundan po natin iyon. Ngayon ang mungkahi na ito ni Senator ay basta mapasok po siya sa priority groups, why not, puwede rin po iyon ‘no. So depende po iyon doon sa resulta ng pag-aaral ng policy na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. May sapat po bang pondo iyong PhilHealth; kakayanin po ba iyong ma-sustain ng ahensiya iyong ongoing nating health crisis sa COVID ngayon?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Well, may sapat po tayong pondo this year ‘no. We are in constant discussions naman with our financial managers ‘no, iyong Department of Finance alam po nila iyong ating mga financial status po. Pati iyong DBM alam po nila iyon, ang status ng funds ng PhilHealth. So right now, may pera pa naman po para magbayad ng benefits po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, bigyang-daan ko lang po iyong katanungan ng ating kasamahan sa media ano po. Tanong po nila: Ano daw po iyong reaksiyon ng PhilHealth dito daw po sa pagbasura ng Ombudsman sa kasong korapsyon laban sa ilang opisyal ninyo?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Well naglabas kami ng statement noon, that the corporation hopes that the decision of the Ombudsman is accepted and we move on from there.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pa pong tanong dito: Kung may mga nag-a-apply daw po na claims sa possible vaccine related na adverse events sa PhilHealth; at kung nakahanda na raw ba ang pondo nito na sang-ayon po sa COVID vaccination law?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Nakahanda na ang guidelines ‘no and pinag-uusapan pa natin, pina-finalize natin iyong arrangements as to the funds kasi kasama iyon sa law with the DBM. Very soon po ilalabas na po natin iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa ibinigay ninyong panahon sa amin, Dr. Shirley Domingo, Acting Spokesperson at PhilHealth Vice President for Corporate Affairs. Salamat po sa inyong panahon.

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS, DR. DOMINGO: Salamat rin po sa pag-imbita sa amin. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumayo naman po ang outreach team ni Senator Bong Go sa mga bayan ng Villasis, Binalonan at Alaminos sa Pangasinan upang mamahagi ng tulong sa mga kababayan nating market vendors, TODA members at ilang displaced workers. Ang mga biktima ng sunog sa Dagupan City nakatanggap din po ng assistance mula sa kaniyang opisina at mga tanggapan ng pamahalaan. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Simula June 16 hanggang katapusan ng buwan, isa po ang Lucena City sa mga lugar na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine. Ito po ang lungsod na may pinakamataas na kaso sa probinsiya ng Quezon. Ano nga ba ang hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan ukol diyan? Makakausap po natin ngayon si Lucena City Mayor Roderick Alcala. Good morning, Mayor.

LUCENA CITY MAYOR ALCALA: Good morning po, Ma’am at sa lahat po ng nanunood sa atin pong himpilan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, as of yesterday nasa mahigit 200 po ang aktibong kaso ng COVID sa inyong lungsod at kumpara po sa ibang bahagi ng Quezon Province, Lucena City po ang may pinakamataas na naitatalang COVID cases at COVID deaths. Tanong po ni Angela Coloma ng ABS-CBN News Digital: Base po sa contact tracing efforts ninyo, ano daw po iyong nakita ninyong sanhi ng pagkalat ng virus?

LUCENA CITY MAYOR ALCALA: Okay. Ma’am Rocky, sabi nga po natin as of today po ang atin pong total confirmed case is 2,809 at ang atin pong total recovery is 2,449, ang total mortality po natin is 107 at ang atin pong active confirmed case today is 253. So kung mapapansin po natin for the past 4 months, ang Lungsod ng Lucena lang po sa buong Region IV ang nag-MGCQ at magmula po ng magkaroon po ng bubble sa apat na probinsya – ang Batangas, Laguna, Cavite at maging po ang Lalawigan ng Quezon, tayo lang po ang MGCQ. Kaya sa aking tingin po dahil tayo lang po ang MGCQ noong naghigpit po ang ating mga kalapit na mga probinsiya at bayan, dito po sila napunta.

Kaya po naman ngayon na medyo tumaas ang ating case, tayo po ngayon ay nag-setup na ng mga dapat po nating gawin. Mayroon po tayong tinatawag natin na mga checkpoints na ating inihanda at the same time mayroon din po tayong ginawa, na mayroon po tayo ngayong COVID-19 marshals na kung saan ito ay more than 500 na tao po natin na wala pong ginagawa kung hindi pagsabihan lamang ang ating mga kababayan na bawal po ang lumabas ng kanilang tahanan nang wala pong face mask and face shield. Sa ganito pong pamamaraan, makikita po natin na ito naman po ay sa aking palagay ay bababa din po.

Kung titingnan din po natin, Ma’am Rocky, ang binabanggit po kasi nila ay iyong atin pong mga bed capacity. Sa atin pong Lungsod ng Lucena ay mayroon po tayong apat na ospital. Ang atin pong LUDH (Lucena United Doctors Hospital) na mayroon pong 24-bed capacity for COVID, mayroon din po ang MMG na 27, ang Mt. Carmel po ay 25 at ang St. Anne po ay 16. Pero kung titingnan po natin, napuno nga po ang kanilang bed capacity, ang mga taga-Lungsod po naman ng Lucena na nasa Doctor’s Hospital, out of 24 ay sampu lamang; sa MMG po, out of 27 ay 13; sa Mt. Carmel po out of 25 ay 9; at sa St. Anne po out of 60 ay lima lamang po. So ito po iyong ating tinitingnan at dito po sa atin sa QMC ay mayroon din po tayong 24 na naka-confine.

So out of 253 po, mayroon po tayong 65 positive COVID patients na nasa ospital; mayroon po tayong nasa home isolation na 176; at mayroon din po tayong ginagamit na isolation facility natin, ito po ang Grand Riviera na kung saan ipinahiram po ito sa atin ni Mr. Lucio Co na ito po ay mayroong 28-bed capacity pero labindalawa lamang po ang masasabi po natin na ginagamit po dito.

At ganoon din, nakausap po natin si Atty. Reyes, may-ari po ng Hillside Hotel na nakahanda rin po ang kanila pong hotel na ipagamit sa local government unit ng Lungsod ng Lucena in case na kakailanganin pa po natin nang additional isolation facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor mula nga sa MGCQ na binabanggit ninyo, biglang shift po kayo sa mahigpit na MECQ. Ang sunod pong tanong ni Angela ng ABS-CBN News Digital ay: Kumusta naman daw po ang mga manggagawa sa inyong lungsod dahil sa MECQ restrictions at, how many people have lost their jobs daw po? And, what is the LGU doing to address this, especially with Lucena being a highly urbanized city?

LUCENA CITY MAYOR ALCALA: Okay. Sabi nga po natin ini-implement naman po natin ang lahat ng guidelines with regards po sa atin pong MECQ. At sa aking palagay po naman, ang mga naapektuhan lang po ditong mahigpit ay ang atin pong mga restaurant na kung saan ay sabi nga po natin ay ang pupuwede lang po nating i-accommodate na naka-dine is only 10%. Pero sabi nga po natin, sanay naman po tayo na ito po ay kinakailangan po nating gawin na mayroon po tayong binabanggit na one step backward, two steps forward.

So sa atin po naman, mas maganda po na maghigpit tayo nang kaunti at pagkatapos po nito ang atin pong tinatawag na restriction within 15 days, makikita po naman natin na ito po naman ay kaya nating ibalik. Kinakailangan lamang po na may disiplina sa atin pong mga kababayan. Kinakailangan kapag po sila ay lalabas, mayroon po silang face mask, mayroon po silang face shield at the same time kapag may pagpupulong, kinakailangan lamang po na mayroon pong social distancing.

So ito lang po iyong ating ipinapaalala. Kagaya po kasi noong binabanggit ko, apat na buwan po na halos MGCQ ang ating lungsod. Ang atin lang pong ginawa dito minenteyn [maintain] lang po natin iyong ating tinatawag na mga COVID-19 marshal na nasa 500 po sila. Ang ginagawa lang po nila, pinagsasabihan ang lahat ng mga nag-uuli sa ating lungsod, lumalabas ng kanilang tahanan na puwede naman po kayong lumabas. Ang kailangan lamang po mayroon po kayong face mask, mayroon po kayong face shield.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli pong tanong ni Angela Coloma: With Lucena being one of the most urbanized cities in Quezon [Province], do you think that there is a need to reallocate more vaccine stocks to the area?

LUCENA CITY MAYOR ALCALA: Opo. Ito na rin po naman ang pinaghahandaan po ngayon ng local government unit. So sa palagay ko po, with the population of 300,000 at kami naman po ay patuloy din po ang ating pagbabakuna – pasalamat po ako sa national government, sila po ay nakapagpadala na sa atin ng AstraZeneca at saka po ng Sinovac – at sabi ko nga po, ako naman po ay optimistic na dadating din po ang tamang panahon na sabi nga natin ay makapagpadala po ang ating national government ng tamang bakuna para sa lahat at ito na po rin ang aming pinaghahandaan.

Kaya po naman mayroon na rin po kaming ginagawa na IEC – ito po iyong Information Education Campaign – na kung saan na kapag dumating ang time na nandito na po ang bakuna, kinakailangan nakahanda tayo. Ang atin pong populasyon is almost 300,000; ang kinakailangan po nating mabakunahan kung hindi po ako nagkakamali is 160,000 para magkaroon po tayo noong tinatawag nating herd immunity. Pero sabi nga po, ito po ay para mabakunahan natin – sa dalawang libong taong babakunahan sa araw-araw, it will give us almost, kung hindi ako nagkakamali ay mga 80 days para sa first dose and additional 80 days para sa second dose.

Kinakailangang mailista na po kaya ang akin din pong banggit sa ating mga kababayan na kapag dumating na ang bakuna, kinakailangan lahat po tayo nakahanda na para magpabakuna at tanggapin ang bakuna para na rin po sa kaligtasan ng bawat isa.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor ayon nga sa Pangulo, ipapadala sa mga critical areas ngayon ang mga bakunang natatanggap ng bansa. May mga bagong doses na po ba na nai-deliver sa inyo or kailan po inaasahang magsisidating iyong bakuna sa lugar ninyo, Mayor?

LUCENA CITY MAYOR ALCALA: Okay. Mayroon lang pong kadadating po sa atin ngayon na nasa—good for 2,000 persons na dose ng atin pong tinatawag na Sinovac at ito po ay sinisimulan na po namin muli ibigay para po sa atin pong mga kababayan. So nagpapasalamat po kami sa atin pong mahal na Pangulo, sa national government, sa pagpapadala po nila sa atin noong tinatawag po natin na mga vaccine. Maraming, maraming salamat po kay Pangulong Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Hindi naman din po ba kayo nagkakaroon ng problema pagdating sa capacity ng mga tini-test, iyong turnaround time ng pagri-release ng result ng mga testing centers sa inyong lungsod, Mayor?

LUCENA MAYOR ALCALA: Okay. Sa ngayon po ay wala naman po tayong problema. Sa katotohanan po ang medyo naging problema lang po natin ay itong binabanggit po nila na bed capacity. Dahil sabi nga po natin, with regards po kasi sa bed capacity, dahil tayo po ay urbanized city, karamihan po kasi sa mga nagkakasakit sa mga malalapit nating munisipyo, kalapit na probinsiya, lahat po iyan ay dinadala dito sa ating lungsod. Kaya kung titingnan po natin, halos laging puno ang ating bed capacity. Kaya lang kung titingnan po natin ang mga taga-Lungsod ng Lucena, makikita natin na ito po ay less than 50% ang mga nasa hospital na mga tagarito po sa ating lungsod.

USEC. IGNACIO: Mayor, basahin ko lang po itong tanong ni Malou Escudero ng Pilipino Star. Ang tanong po niya, although iyong iba po nasagot na po ninyo: Since dumadami daw po iyong COVID cases ng Lucena, ano daw po ang preparations na ginagawa Lucena City Health Office para daw po ma-control iyong numbers and gamutin iyong symptomatic lalo na those requiring hospitalization considering the city doesn’t have its own hospital? Pero may mga binanggit kayo Mayor na mga ospital.

LUCENA MAYOR ALCALA: Opo. Sabi nga po natin, wala pong City Hospital ang ating lungsod, subalit mayroon po naman tayong partnership with the different private hospital ng ating lungsod. Mayroon po tayong tinatawag natin na bagong Lucena Health Program na mayroon pong mga certain beds ang lahat ng ospital dito, apat na ospital po, na ibinibigay po para po sa pamahalaang panlungsod.

So kagaya po ng binabanggit po natin, nakahanda po an gating pamahalaan panglungsod, 24/7 na nandiyan po ang ating City Health Office at ganoon din po ang atin pong disaster team at ganoon din po, sabi nga natin, hindi naman po natin nakikita na ganoon po na kalaki ang ating problema. Dahil kung titingnan po kasi natin, iyong ating last five days na pagtaas ng atin pong COVID case, as of June 16—ang bagong case po kasi natin noong June 16 is 22, ang recovered po natin ay 10. At as of June 17, ang amin pong new case is 17 at ang recovered po natin ay 70. As of June 18, ang ating new case ay 19 at ang recovered po natin is 49.

Pero iyong past three days natin, kagaya po noong June 13, kung makikita natin, iyong June 13, ang case po natin is 23, ang recovered ay 11, June 14 and 15 ang new case is 50 at ang recovered natin si 37. So kagaya po ng binanggit ko, June 16 is 22, recovered is 10; new case po natin ng June 17 is 17, recovered is 70; at ang new case natin ng June 18 is 19 at ang recovered natin is 49. So, ibig sabihin po nito nandoon na po tayo sa tinatawag natin na pababa na po na figures na makikita natin na padami na rin po ang nagaling. At bukod po dito, makikita natin na karamihan po ng nandito sa atin ay mga mild lamang ang may problema natin. Dahil out of 253 ay ang atin pong naka- home isolate is 176. At ang nasa ospital lang po natin is 65 at ang nasa atin pong tinatawag na isolation facility is only 12.

So, sabi ko nga po, hindi naman po dapat mag-alala ang atin pong mga kababayan at ang pinakamaganda pa rin po dito ngayon, pinaghahandaan na po natin ang lahat para po sila ay mabakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga unang pahayag mo, Mayor, ay hinihingan sana ninyo ng lahat ng papasok – tama po ba – ng Lucena ng negative RT-PCR or antigen test, pero binawi rin ito ilang araw daw pong matapos ang anunsiyo; ano po ang dahilan nito, Mayor?

LUCENA MAYOR ALCALA: Sabi nga po natin based po kasi doon sa ating meeting ng ating local IATF. Noong pinag-aaralan po natin, isinuggest ng local IATF natin na kung pupuwede para mapababa ang case natin at ganoon din po ang bed capacity, baka po pupuwede na lahat ng papasok po sa ating lungsod ay mayroon pong RT-PCR at the same time magkaroon po noong tinatawag natin na antigen test para masiguro natin na safe ang lahat ng ating mga kababayan.

Pero before the crafting ng atin pong executive order at tayo naman po ay kumonsulta sa atin pong mga kababayan at binanggit po nila na medyo mahirap ito sa kanila at medyo costly lalo na po doon sa mga nagtatrabaho galing sa ibang bayan papunta po sa aming lungsod. So nire-consider po natin na maglagay na lang po tayo ng mga checkpoint at the same time, kung ano naman po ang sinasabi na guidelines ng National IATF with regards sa MECQ at ito po naman ngayon ang amin pong ipinapatupad.

USEC. IGNACIO: Mayor, panghuli na lang ano. Ang isa pa sa mga usapin ngayon, iyong paggamit ng face shield. Kayo po ba, Mayor, sa inyong lugar ay nakikita ninyo na talagang kailangan pa rin po ng magsuot ng face shield ang ating mga kababayan sa lungsod?

LUCENA MAYOR ALCALA: Okay. Sa akin po, kagaya po noong mga nabanggit, kapag po ang mga tao ay nasa—sasakay sa public utility vehicle, nasa ospital at nandoon po sa mga lugar na alam natin ay maraming tao, siguro po kinakailangan nga po ang face shield. Pero with regards naman po doon po sa area na masasabi natin na kalalabas lang kanilang tahanan, pinakamaganda po at nasa open air naman po, basta sila po ay mayroon pong face mask, ito po ang importante, mayroong face mask. Kaya nga po dito po sa aming lungsod ni-reactivate namin at dinagdagan po naming iyong tinatawag po natin na COVID-19 marshal. Ito po ay kulang-kulang na 600 na mga tao na naka-deploy all over the City of Lucena para pagsabihan lamang ang lahat ng aming mga kababayan, ‘baka po pupuwede, kapag kayo po ay lalabas ng inyong tahanan, mayroon po kayong face shield, mayroon po kayong face mask.’

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Mayor Roderick Alcala. Ingat po kayo, Mayor!

Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa, base po sa report ng Department of Health kahapon, June 18, 2021:

  • Umabot na sa 1,346,276 ang total number of confirmed cases, matapos po itong madagdagan ng 6,833 na mga bagong kaso.
  • 110 na katao ang mga bagong nasawi, kaya umabot na sa 23,385 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,261,115 matapos itong madagdagan ng 3,441 new recoveries kahapon.
  • Samantala, ang ating total active cases ay medyo tumaas sa kasalukuyan na ngayon ay nasa 61,776.

Amin pong paalala: Huwag po tayong masyadong magpakampante. Kahit nabakunahan na, lagi pa rin po tayong sumunod sa health protocols.

Usaping bakuna, patuloy na pagtaas ng kaso sa mga probinsya at banta ng Delta variant sa ating kalusugan ang atin pong tatalakayin, sa puntong ito muling magbabahagi ng paglilinaw sa iba’t ibang isyu, si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po, Usec.!

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Base po sa pag-aaral sa ibang bansa, may mga ibang sintomas po na idudulot ang delta variant sa isang pasyente; anu-ano po ito, Usec, pati rin daw po iyong posibleng long term effects nitong Delta variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Hanggang sa ngayon naman pinag-aaralan pang mabuti ng iba’t ibang eksperto mula sa ibang bansa ang epekto ng Delta variant. Pero ngayon sa nangyayari sa buong mundo with this Delta variant, ang kanilang naoobserbahan, unang-una, sinabi na talaga na this it is 40 to 60% more transmissible than the UK variant. So ibig sabihin po, Usec. Rocky, iyong UK variant natin, iyong Alpha variant na talagang 60% na siyang more transmissible, on top of that, itong Delta variants, 60% more than the UK variant; mabilis po talaga siyang mag-spread.

Pangalawa, iyong iba naman pong naoobserbahan natin and based from articles, mas prone ang patient na ma-ospital. Ibig sabihin, kapag ikaw ay nagka-Delta variant, iyong probability na maoospital ka ay mataas compared to the other variants. Mayroon din pong sinasabi na mayroon pong iba na naka-ospital, mas nagiging may sakit ba, mas tumatagal po iyong kanilang pagkaka-ospital and iyong kanilang mga inflammatory markers ay talagang mataas. So, ibig sabihin po talaga that it is causing severe infection as well.

Pero katulad nga ng sabi ko, Usec. Rocky, lahat po pinag-aaralan pang maigi at humahanap po tayo ng talagang sufficient evidence for us to better determine kung ano ang kaibahan nitong Delta variant with other variants that we have right now.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, bigyan daan ko lang iyong tanong ng ating kasamahan sa media mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi daw po ng WHO na baka maging dominant variant ang Delta o ang variant na naunang na-discover sa India, ano po ang puwede ninyong ipayo sa mga LGU na hanggang ngayon diumano ay nagmamatigas pa rin sa isyu ng testing kahit na may ganitong anunsiyo na ang WHO?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, yes po ‘no, katulad po ng sinabi ng WHO, we really are seeing na ito po ay nagiging dominant in other countries. Like that of UK, nagsabi na po sila na iyong variants po na present sa kanilang bansa ngayon is almost 90% na are Delta variants that’s why they’re having the surge.

So ang atin pong pinapaalala lang sa ating local government units, katulad ng lagi naming sinasabi from the start, no matter what variants we have, kung gagawin po natin nang maayos iyong ating PDITR response, atin pong ipapatupad nang maayos ang minimum public health standards at magpapabakuna po tayo kung eligible na tayo, ito po ang kaya po nating gawin para ma-prevent natin from having this variant being dominant here in the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Second pong question ni Red Mendoza: Dapat po bang ikaalarma ng mga Pilipino ang sinabi ng WHO na maaaring maging dominant variant ang Delta variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, hindi naman po sa pag-aalarma pero kailangan cautious po tayo, kailangan aware tayo, kailangan alam natin na ang sitwasyon na kung saka-sakali nga pong mangyari ito, maaaring mas mabilis po ang pagkalat ng impeksiyon, maaari pong marami na naman po ang mauospital. But we can always go back to that point na mapi-prevent natin na mangyari ito kung tayo lang po ay magtutulung-tulong for us to implement properly this preventive measures that we have sa borders po, iyon pong preventive measures natin sa komunidad, sa bawat pamilya at individual kung magagawa po natin lahat nang maayos Ito, ito po ay maiiwasan nating mangyari sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula sa GMA News: Totoo po ba ang labis na pagkalagas ng buhok o excessive hair loss ay isa sa long term COVID-19 symptoms o dahil ito sa stress na idinudulot ng paglaban ng katawan sa virus? May mga pag-aaral na po ba kaugnay nito?

DOH USEC. VERGEIRE: Wala pa ho tayong sapat na pag-aaral ukol diyan. Marami hong factors ang puwede hong nakaka-cause ng hair loss, maaari po itong tinatawag na dahil sa isang klase ng sakit o maaari ngang dahil sa stress. Wala pa ho tayong naitatala na mga ganitong kaso na marami ‘no, dito sa ating bansa na naging epekto apparently by COVID ‘no. But anyway sinasabi lang ho natin ano, oobserbahan ho natin iyan, pag-aaralan natin iyan and with regard to stress, kailangan po nating alagaan ang ating sarili, not just the physical but the mental health. Tayo po ay kailangan maging resilient at this point ‘no, so kailangan lang po natin talagang iayos ang ating pangangatawan at saka ang ating mental health as well as iyong mga iba nating nararamdaman ay ma-manage natin para po hindi ho tayo matalo nitong sakit na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po sa GMA, kay Madz Recio, parehas po sila ng tanong ni Rida Reyes: Natanggap na po ba ng DOH ang copy ng memo kaugnay po sa paggamit nga face shield? Magbabago daw po ba ang guidelines ng DOH tungkol sa pagsusuot ng face shield? And, how does this affect DOH’s position regarding the need to still use face shields when in public places?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am ‘no. So Usec. Rocky, wala pa ho tayong natanggap na official na response ng Office of the President regarding the appeal of the IATF for this face shield. So sa ngayon po, we remain in status quo – ibig sabihin kung ano iyong pinapatupad natin dati, ipapatupad muna natin ngayon hanggang magbigay po ng desisyon ang ating Pangulo ukol dito sa face shield na ito.

Kung sakali po na magbigay sila ng desisyon doon sa apela po ng IATF that face shield should be worn indoors, mandated to be worn indoors, in specific settings pero ang rekomendasyon po ng IATF ay kapag sa outdoors, it’s going to be voluntary. So kung papayagan po iyan ng ating Presidente, atin pong babaguhin ang ating guidelines so that we can be able to align dito po sa apela ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Rida Reyes: Ayon po sa WHO, unti-unti nang naging globally dominant ang Delta COVID variant dahil sa surge na idinudulot nito sa ibang mga bansa. So, gaano po ito ka-fatal kumpara daw po sa ibang mga variants at anong measures ang ginagawa ng Pilipinas para matiyak na hindi aabot sa pagkakaroon dito ng community transmission ng Delta variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So katulad ng sabi ko kanina, ang mga pangunahing mga pag-aaral na na lumabas ukol sa Delta variant is iyong high probability of getting hospitalized kapag kayo ay nagkaroon nitong variant na ito. Pagkatapos iyon pong longer time in the hospital also, masyadong mataas po iyong mga inflammatory markers. So kapag tiningnan ho natin ito, mukhang medyo severe po ang dinudulot na sakit. Pero katulad nga ng sabi ko, we need sufficient evidence ‘no – these are just initial observations across the globe.

Ang kailangan ho natin talagang gawin ngayon, ang pinakaimportante is our border control. Kailangan po pare-pareho ang pagpapatupad natin across the regions at kung anuman po ang nairekomenda natin base sa mga advice ng ating experts, ipatupad natin nang maayos. Nakikita ho nating gumagana ang ating protocols dahil iyong labing-tatlo po na individuals with the Indian variants dito sa ating bansa, na-detect ho natin iyan through our protocols in the borders. So sana po ituloy lang natin itong ganitong klaseng mahigpit na border control so that we can prevent that it reaches our community and it will have community transmission.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong huling tanong po ni Rida Reyes ay may kinalaman din po sa inyo nang sinasabi sa kasalukuyan pero basahin ko na lang din po: Sa New South Wales sa Australia daw po, ibinalik na ulit ang mandatory wearing of face mask sa public transport matapos makapagtala ng clustering of cases ng Delta variant galing po sa isang driver na naghatid ng airline crew. Ano po ang stricter measures na puwedeng gawin ng aviation industry para maiwasang maging first point of contact ng mga pasaherong posibleng may Delta variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Ganoon pa rin po ‘no, Usec. Rocky. Ang atin lang po talagang tanging hiling ‘no, na ang ating lahat ng mga institutions pati ang aviation industry, they have to work with us. Kailangan po no matter how strict our border controls will be kung sila naman po ay hindi makakapagpatupad ng maayos na mga protocols, nandoon pa rin po iyong banta na puwedeng pumasok ang mga ganitong variants sa ating bansa. So kailangan lang pong magtulung-tulong and the aviation industry should be able to implement and ensure na iyong kanilang protocols for preventing infections are there.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pinag-aaralan na rin daw po iyong pag-exempt sa test ng mga umuuwing Pilipino na nabakunahan abroad. Kailan po mapa-finalize itong desisyon at ano pong nakikitang mekanismo para ma-verify kung talagang vaccinated na iyong mga umuuwing Pilipino sa ating bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, iyan na po iyong ating pinag-aaralan ngayon at pinag-uusapan. Dahil kung matatandaan ninyo, nagkaroon po ng resolve ang IATF na iyong mga Pilipinong nabakunahan sa Pilipinas ay magkaroon na nang shorter quarantine period, that of 7 days at saka hindi na nila kailangang mag-test, imu-monitor na lang sila because they are fully vaccinated and we can verify na talagang bakunado sila kasi dito po sila nabakunahan.

Ngayon for the other countries, humahanap pa ho tayo ng mekanismo kung paano po natin maipapatupad and for us to be able to verify nga po itong mga pagbabakuna nila sa ibang bansa. So sa ngayon po, tayo po ay nakikipag-usap; the DFA is coordinating with the different embassies. Tinitingnan din natin iyong risk classification ng isang bansa kung paano po natin maisasama iyan sa criteria na binubuo natin. We will give you information, this will be discussed in IATF this week po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, is this the best time daw po ba para gawin daw ito lalo na’t pinangangambahan nga natin iyong pagpasok sa bansa nang mas nakakahawang variant, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, ang amin pong posisyon ano, sa Department of Health along with our other experts, kailangan po kapag ginawa natin iyan, we can ensure and we have safeguards ‘no para hindi naman po natin ma-put at risk ang ating mga kababayan dito sa ating bansa. Kailangan po nating pag-isipan maigi, pag-aralan maigi dahil nga po nandiyan iyong threat na pagpasok nila ay maaaring may dala po silang impeksiyon – and that is what we are trying to avoid.

Kaya nga po pinag-aaralan maigi at saka talagang pinag-uusapan. We have been discussing this for almost 3 weeks already. We need to have some form of safeguards para naman po hindi tayo magkaroon ng risk sa ating country. Lagi ho nating iisipin that public health po lagi ang ating objective. Kailangan proteksiyunan ang mas nakakarami sa ating populasyon. So ito po ay pinag-uusapan ngayon and we will give information as soon as the IATF discusses this on Thursday next week.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ilang mga health workers po sa Indonesia nga po iyong nakatanggap ng Sinovac vaccine ang naiulat na tinamaan ng COVID-19. Dito po sa bansa as of ngayong oras na ito, may datos po ba ang DOH kung ilan na po ang tinamaan ng COVID-19 kahit nabakunahan na po ng Sinovac at with other brands na rin po?

DOH USEC. VERGEIRE: Binubuo po natin ang mga datos ngayon, Usec. Rocky ‘no. We’re trying to consolidate, makikita ho natin may mga mangilan-ngilan lang po but definitely hindi po ito dapat ikaalarma ng ating mga kababayan. Ito pong study dito, itong article na lumabas about Indonesia, marami pong mga questions ang ating mga experts regarding the details.

Wala po kasing sinabi kung fully vaccinated itong mga health-care workers or hindi. Pangalawa sinabi nila tatlong daan ang nagkasakit pero ilan ba talaga ang total ng healthcare workers nila. Kasi kung sasabihin natin na limang libo ang kanilang health-care workers and then 300 ang nagkaroon, mga 2 to 3 percent po iyan – you can say that 97% were still protected.

Sinabi rin po diyan sa article na iyan na symptomatic most of them. So nakikita ho natin na talagang nagwu-work naman ang bakuna. May mga mangilan-ngilan nagka-breakthrough infections at iyan po ang ating pinag-aaralan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Michael Delizo ng ABS-CBN News: Out of the 14.2 million doses of vaccine that the Philippines received, how many has been deployed? May breakdown po ba kayo per region, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon na ho tayong report ‘no and we report this every day. And ang ating report sa ngayon ay almost 98% had been distributed already. But of course except for this recently delivered na mga supplies natin, ito po ay inaayos pa lang at uumpisahan pa lang dahil hinintay po natin iyong certificate of acceptability, iyong COA po nitong naibigay sa atin na huli na Sinovac. But starting Monday, it’s going to be deployed already and it is being distributed across the regions. May formula po ang vaccine cluster kung paano natin binibigay. Of course with special focus sa NCR Plus 8 at saka doon sa mga matataas ang kaso na mga regions.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Michael: The government promised daw po to send more vaccines to Mindanao as cases there increased. Natupad na po ba daw ito, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So we had been deploying more vaccines in Visayas and Mindanao areas for this past two weeks at ito naman po ay naibigay talaga doon sa mga areas na matataas ang kaso. At actually sinasabi nga po ng mga areas doon na nagpapasalamat sila dahil natugunan po ang kanilang mga hiling. Hindi nga po nila kailangan humiling dahil kasama naman po talaga sa priorities na kapag ang isang lugar ay tumataas ang kaso, kasama po iyan sa ating framework for prioritization.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pa rin pong tanong ni Michael Delizo: Of the over 5 million doses the government procured and donated jabs received this month, ilang porsiyento po ang napunta sa Mindanao at sa Visayas?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyon pong huling pagkakasabi ni Secretary Charlie ‘no that for the recent supplies that we had been receiving, we will be providing 55% of all of these vaccines to Visayas and Mindanao.

USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Michael Delizo: What is the DOH stand on calls to segregate the vaccinated, unvaccinated considering we continue to have vaccine supply problems?

DOH USEC. VERGEIRE: Mahaba pong diskusyon iyan, Usec. Rocky, and I think the other agencies should be able to provide their recommendations as well. Mayroon po kasi tayong tinitingnan diyan na mga karapatang pantao, kapag tayo ay nagkaroon ng ganiyang mga differentiation between the vaccinated and unvaccinated.

Ang tanging maipapayo ko po ay sana po magkaroon na lang tayo ng pag-iingat, tayong lahat. Whether we be vaccinated or not, if only we will follow the minimum public health standard, iyon pong tiyansa ng pagkakahawa-hawa ay magiging mas maliit.

USEC. IGNACIO: USec. Linawin din po natin itong pag-repurpose daw ng DOH ng allowance intended for health workers. Bakit po ito ginamit sa ibang bagay at ano daw po iyong pinaggamitan; at may maasahan ba raw po bang allowance ang ating mga health workers mula sa ilang DOH hospitals? Dahil ayon daw po sa kanila, pera naman nila iyon.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So gusto ko pong linawin ito sa ating mga kababayan especially our healthcare workers. Noon pong Disyembre nakakuha po tayo ng report at base sa ating monitoring, hindi nagagamit ng ating mga ospital itong perang ibinaba natin para sa mga allowance for transportation, meals and accommodation ng ating mga healthcare workers. At ito po ay dahil sa kadahilanan, marami po sa ating mga ospital ay hindi po nila magamit because of certain rules in our procurement and fund utilization. Kaya minarapat po ng DOH na kunin na lang uli, ibabalik natin sa quick response funds. Dahil hindi pupuwedeng nakatengga ang pera sa kanila, matatapos na rin po ang taon.

Ngayon nung ibinalik po sa atin itong pera na ito, nagkaroon po tayo ng mga pangangailangan ano, like for example iyong mga COVID-19 test kits at iyong iba para sa COVID-19 response ginamit po natin ito. Pero noong June 1 po nagbigay ng desisyon ang Office of the President at ibinigay po ito sa atin na sinasabing kailangan i-monetize na lang, gawing pera iyong para sa mga free accommodation and meals. So iyan po ang susundin natin, hinahanapan lang po ng pondo, pero gusto ko pong i-ensure at i-assure ang ating healthcare workers na iyon pong pera ay hinahanap natin at ibibigay po ito sa inyo through monetized na po ito, pera na po ang ibibigay sa inyo. Kaunting patience lang po, we are trying to find funds and we are going to give this to all of you.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon. DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Para naman sa pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan puntahan naman natin si Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas. Sa iba pang balita upang matulungan ang bawat pamilyang Pilipino na magkaroon ng komportable at disenteng pamumuhay, Senator Bong Go isinusulong ang pagpasa ng senate bill 1227 or rental housing subsidy program act of 2019. Sa ilalim ng nasabing panukala sasagutin ng pamahalaan ang nasa 50% monthly housing rent ng mga kuwalipikadong benepisyaryo. Para sa iba pang detalye narito po ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Samantala, bago po tayo magtapos, nais din po nating ipaalala ang paggunita ngayon ng ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Pairalin po natin ang pagkakaisa lalo’t higit ngayong may pandemya. Tulad ni Dr. Jose Rizal kayang-kaya rin po nating maging bayani sa ating kapwa at para sa bayan sa kahit anong paraan.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO; magkita-kita po ulit sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center