Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po sa lahat ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo. Ngayon po ay June 30, huling araw na po ng buwan ng Hunyo, muli tayong makikibalita sa pinakahuling updates tungkol sa mga COVID-19 vaccines at iba pang hakbang para labanan ang pandemya.

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kahapon po ay inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong community quarantine classification na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para sa buong buwan ng Hulyo.

Mananatili po sa GCQ with some restrictions:

  • Ang National Capital Region kasama ang lalawigan ng Bulacan at Rizal simula bukas, July 1st hanggang July 15.
  • Habang GCQ with heightened restrictions naman sa Laguna at Cavite.

Mananatili rin sa General Community Quarantine mula July 1st hanggang July 31st.:

  • Baguio City,
  • Ifugao,
  • City of Santiago,
  • Isabela,
  • Nueva Vizcaya,
  • Quirino,
  • Batangas,
  • Quezon,
  • Guimaras,
  • Aklan,
  • Cotabato City,
  • Bacolod City,
  • Negros Occidental,
  • Antique,
  • Capiz,
  • Zamboanga Sibugay,
  • City of Zamboanga,
  • Iligan City,
  • Surigao Del Norte,
  • General Santos City,
  • Sultan Kudarat,
  • Sarangani,
  • Cotabato,
  • South Cotabato,
  • Agusan Del Norte at
  • Agusan Del Sur

Nasa mas mahigpit naman pong quarantine restriction na Modified Enhanced Community Quarantine hanggang July 15 ang:

  • Cagayan,
  • Apayao,
  • Bataan,
  • Lucena City,
  • Puerto Princesa,
  • Naga City,
  • Iloilo City,
  • Iloilo,
  • Negros Oriental,
  • Zamboanga Del Sur,
  • Zamboanga Del Norte,
  • Cagayan De Oro City,
  • Davao City, Davao Oriental,
  • Davao Occidental, Davao De Oro,
  • Davao Del Sur,
  • Davao Del Norte,
  • Butuan City,
  • Dinagat Islands at
  • Surigao Del Sur.

Habang ang mga lalawigan pong hindi nabanggit ay mananatili sa pinakamagaan na restriction na Modified General Community Quarantine sa buong buwan ng Hulyo. Malalaman ngayong araw kung maaalis o madadagdagan sa listahan base po iyan sa apela ng lokal na pamahalaan.

Samantala, inaprubahan na ng Department of Budget and Management ang nasa higit siyam na bilyong piso para sa Special Risk Allowance na matagal nang hinihintay ng mga health workers sa bansa. Ikinatuwa naman ni Senator Bong Go ang balitang iyan at umapela na agad ibigay ang nasabing benepisyo. Ang detalye, sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Patuloy ang isinasagawang clinical trials ng pamahalaan sa pangunguna po iyan ng Department of Science and Technology para makahanap ng ilan pang alternatibo na makakatulong po sa pagpapagaling sa mga nahawahan ng COVID-19 gaya na lang po ng Lagundi at ng Virgin Coconut Oil.

Makikibalita po tayo sa naging resulta ng clinical trials ng mga ito mula po mismo kay DOST Secretary Fortunato de la Peña. Good morning po, Secretary.

DOST SEC. DE LA PEÑA: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ngayon pong end of June daw po makukumpleto ang data analysis sa clinical trials ng Virgin Coconut Oil at ang Lagundi for COVID-19. So, puwede ninyo po bang mai-share na sa amin kung ano po ang naging resulta ng clinical trials, Secretary?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Ah, palagay ko po ang matatapos lamang ngayong end of June ay iyong sa Lagundi; iyon pong sa VCO ay within July, oo. Ang nangyari po sa Lagundi, iyan ay nag-involve ng 278 na participants in the clinical trial – iyong una pong pitumpu’t lima ay ginamit sa phase 1 para ma-determine kung ano ang tamang dosage na ibibigay sa mga pasyente. At lilinawin ko lang na ito ay para sa mga mild cases at kinuha nila ang mga pasyente sa iba’t ibang quarantine center katulad ng Quezon Institute, ng PNP-NCR Quarantine Center, iyon pong quarantine center sa UP-Diliman at apat na iba pang pinanggalingan.

At diyan po ay natapos na nga pati iyong phase 2, a total of 278, iyon naman ang kanilang target ano. At ginawa na nila—ginagawa na nila ang analysis. Ang mga una pong nai-report ng ating Project Team na pinangungunahan ni Dr. Cecile Malazarte – una, lahat sila ay gumaling ano. Kasi iyon pong ating participants hinati sa dalawa: iyong isa ay iyon ang binigyan ng Lagundi; iyong isa, iyon ang binigyan ng tinatawag na placebo o walang lamang Lagundi ano.

At diyan lahat ay lahat naman sila’y gumaling ano. Ang pagkakaiba lang po nila, unang-una, iyong mga nag-Lagundi madaling nagbalik iyong kanilang pang-amoy ano. Kasi po isa sa mga sintomas ay iyong pagkawala ng panlasa, pagkawala noong pang-amoy, ubo, sakit ng lalamunan, lagnat, nahirapang huminga. Ang una po nilang nakita ay iyong mga nag-Lagundi ay madaling nagbalik ang kanilang pang-amoy.

Pangalawa, iyon pong mga sintomas noong mga nag-take ng Lagundi ay mas unang nawala iyong mga sintomas ano. Pero ang kanilang kabuuang finding eh pare-pareho silang umabot ng between 7 to 8 days bago maka-recover at wala naman pong naging adverse effect.

Ang isa pa nilang tinitingnan ngayon eh iyon namang epekto sa viral load at iyan po ay makikita sa pag-a-analyze nila noong PCR test results. Kasi bawat pasyente ay isinubject sa PCR test result hindi lamang minsan kaya minonitor nila iyan. At ang sabi nga ng project leader, itong katapusan ng Hunyo, ngayong araw na ito ay baka matapos na nila iyong kanilang analysis.

At ang naitanong ko nga sa kaniya, ano ang susunod nating gagawin diyan. Of course kung maganda iyong resulta, ito ay inaasahan namin na sana naman ay i-recommend ng ating DOH at puwede ring ituloy ang trials para sa mga moderate cases.

Iyon nga pala po, ito ay karagdagan doon sa standard of care. Tinanong ko naman, ano ba iyong standard of care? Wala naman daw palang gamot na ibinibigay doon sa standard of care. Para sa mild, binibigyan lang ng vitamin o zinc at pagkatapos ay binibigyan ng—iyong hydration, maraming fluids so iyon; at noong idinagdag iyong Lagundi, iyon nga ang naging resulta.

Doon naman sa VCO, alam na naman natin ang resulta doon sa clinical trials para sa mga suspect and probable na ginawa namin sa Sta. Rosa Community Hospital at ngayon nga ay mayroong isa pang katulad din noon na clinical trial para naman sa Valenzuela City. Pero iyong [garbled] severe and—for moderate and severe, iyan ay sa PGH ginagawa. So ang pasyente ay doon lang nanggagaling at ang target natin diyan ay 78 participants at hopefully ay matapos na natin iyan within the month of July.

Kasi po dito, hindi ganoon kadaling kumuha ng participant dahil sa severe and moderate, ina-analyze iyong kanilang comorbidities kaya mas maliit ang porsiyento nang nagku-qualify para sa trials. At alam naman natin na may mga pinagdaanan ding hirap iyan, unang-una, nagpalit nga ng sistema ng qualification at considering the comorbidities; at pangalawa, nagkaroon ng mga buwan na kukonti po ang admissions ng severe at moderate. At pagkatapos, nito namang umaandar na ulit, nagkasunog naman sa PGH.

Pero inaasahan natin na iyan ay matatapos na rin at umaasa rin tayo na katulad doon sa Sta. Rosa ay magkaroon ng magandang resulta.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, posible po ba na talagang magtuluy-tuloy na ito at magkaroon po ng tinatawag na mass production lalo na dito sa Lagundi products na sana po ay, sabi ninyo nga, masuportahan po ng DOH?

DOST SEC. DELA PEÑA: May mass production na po. Ang Lagundi po kasi ay approved ng FDA as a cough remedy, hindi nga lang nakalagay doon na iyan ay approved as a COVID-19 remedy. Kaya kung ito po ay magkakaroon ng magandang resulta, puwede nang idagdag doon sa kanilang indications na magagamit din sa COVID-19.

Pero ito naman po kasing Lagundi, ang alam ko ay nabibili over the counter sa mga botika, at mayroon namang mga instructions doon kung gaano karami ang inumin. Pero siyempre mas maganda na rin kung papayuhan ng doktor kung papaano ang pagkuha niyan. At saka, kagaya nga nang ni-report nila, wala pong adverse effects.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, lilinawin lang po natin: Ito po ay supplement lang, at sinabi ninyo nga po na talagang nakakagaling sa mild na COVID, ano po. Pero ipaalala po natin sa mga taumbayan na hindi po ito puwedeng ipalit, ipamalit sa bakuna, tama po ba iyon?

DOST SEC. DELA PEÑA: Hindi po. Ito po ay gamot at hindi prevention, oo. Magkaiba po iyong gamot saka bakuna. Pero ang kainaman nitong Lagundi ay easily available, mura at saka galing sa ating sariling halaman.

USEC. IGNACIO: Secretary, kumustahin na rin namin iyong iba pang clinical trials na ginagawa at gagawin pa lang sa bansa. Ito pong Ivermectin, mayroon na rin po ba itong initial result sa ngayon?

DOST SEC. DELA PEÑA: Wala pa po. Wala pa at iyan ay uumpisahan pa lang. Ito ay dadaan pa kasi sa masusing evaluation tungkol doon sa protocol na gagawin at dadaan pa rin sa ating ethics committee. Ngayon ay mayroon binigay na estimate na considering iyong mga proseso na iyon, iyong part ng clinical trials ay baka abutin ng anim na buwan. Pero iyong mismong project ay mayroong haba na walong buwan.

So siguro, kung sakaling tuluy-tuloy, baka naman before the end of the year ay mayroon ng resulta. Pero ang kagandahan, magandang balita, iyong ating Ivermectin trial team ay sila ngayon ay kasama na sa international consortium. At mayroon pa lang 76 different trials na isinasagawa sa buong mundo na pare-pareho ang kanilang hangarin, at iyan ay bumuo ng isang consortium at pinangungunahan po ito ng isang scientist sa unibersidad sa UK; at nagkakaroon sila ng meeting every month. Ito pong month na ito, ng July, ang magiging presenter ay ang Philippine team sa Ivermectin clinical trial.

Iyong sa Tawa-Tawa, ongoing pa rin. Ongoing pa rin po iyon. Iyon namang Tawa-Tawa kasi ay health supplement sa Dengue, ito po ay isinasagawa sa Bacolod. Nandoon po kasi iyong isang nagpo-produce na ng kapsula ng Tawa-Tawa. At ito po ay halos ganoon din – marami-rami rin po – mahigit dalawandaan din ang kailangang participants. Pero hindi siya ganoon kabilis na makakuha ng participants. Siguro hindi masyadong alam ng mga pasyente, “Ano ba iyong Tawa-Tawa?” At least iyong Lagundi, alam na nila; iyong VCO, alam na nila. Pero tuluy-tuloy pa rin po ang ating trials. Ang hangad natin ay makita na kung ang magandang epekto nito s Dengue ay baka maging magandang epekto rin sa COVID-19. Kasi sa Dengue, ang kanilang observation ay nakakapagpataas iyan ng platelet count doon sa mga pasyente ng Dengue.

Pero bukod doon, mayroon naman tayong isang gamot na nasa Phase II na ng clinical trial for Dengue naman. At ito ay hindi lamang isang halaman kung hindi tatlong halaman ang pinanggalingan. Pero ito po, kung sakaling magkaroon ng magandang resulta sa Phase II clinical trial, masasabi nating Pilipinas ang naka-produce ng kauna-unahang gamot sa Dengue.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa pagbabakuna naman po tayo. Napunan na ba raw po iyong target na 3,000 individuals na puwedeng sumalang dito sa vaccine mixing trials? At ano na raw po iyong update dito, Secretary?

DOST SEC. DELA PEÑA: Wala pa po akong update tungkol diyan. Siguro po sa susunod ay makakapagbigay ako ng update.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, puntahan ko lang po iyong ilang tanong ng mga kasamahan natin sa media. Mula po kay Aiko Miguel ng UNTV, ang tanong po niya sa inyo: Ano po ang mga nakikita or mari-recommend ninyo po sa ating COVID-19 vaccine na mataas daw po iyong efficacy against Delta and Delta Plus variant although nabawasan nga po daw iyong efficacy ng mga ito versus more transmissible variants?

DOST SEC. DELA PEÑA: Ako po ay umaasa lang din sa nababasa ko sa ating mga balita na basta nag-approve naman iyong ating FDA ay ano naman siya, dependable pagdating diyan sa parte na iyan. Pero siguro mas magandang DOH na po ang tanungin ninyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod po niyang tanong: Kailan daw po iyong mix and match ng COVID-19 vaccine magsisimula sa Pilipinas?

DOST SEC. DELA PEÑA: Ito po ay inaasikaso na po iyan, ang pag-uumpisa. Nag-release na po kami ng pera sa lahat ng trials na iyan kaya it will now depend on the team kung gaano sila kabilis.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong naman po ng TV5 News Desk: Is antibody testing after vaccination recommended to determine daw po the person’s antibody levels? Does an increase in antibody levels an indication that a person’s immune system responded to the vaccine?

DOST SEC. DELA PEÑA: Ako po ay nakinig lang din sa diskusyon diyan. Pero parang hindi sila ano, hindi recommended na pagkaraan ng ano mo ay magpatingin ka ng iyong – anong tawag doon? – Antibody level. May paliwanag po iyong ating mga eksperto diyan at parang hindi naman nila ina-advise na magpa-test ka pa ng antibody level.

Ako naman, bilang mamamayan, kung ako ay nagpabakuna at wala naman akong nararamdamang masama, bakit ako magpapatingin pa nang ganoon?

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, susunod po niyang tanong: If a person daw po recently contracted COVID-19 and took an antibody test, will there be a quantifiable standard to say that the person’s antibody levels will give him or her guaranteed protection from re-infection?

DOST SEC. DELA PEÑA: Naku, ito pong mga tanong na ito ay itanong na sa mga doktor ng medisina. Ako po ay inhinyero na head ng Department of Science and Technology. Hindi ko po masasagot.

USEC. IGNACIO: Opo. Okay, Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DOST Secretary Fortunato dela Peña. Mabuhay po kayo, Secretary!

DOST SEC. DELA PEÑA: Oo, siguro sa susunod ay iimbitahin namin kayo at pag-usapan naman natin iyong ating mga ready-to-eat food para sa ating mga disaster victims. Kasi po ay napakahalaga niyan, iyong ating response sa disasters kaya napakarami naming nagawang ready-to-eat food at handang-handa na po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sige po, Secretary, sa susunod po iimbitahin ulit namin kayo para pag-usapan natin. Napakaganda po niyan, Secretary.

DOST SEC. DELA PEÑA: Thank you very much, Usec.!

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Senator Bong Go, pinangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga nasunugan sa Project 6, Quezon City. Pagsusulong para maipasa sa Senado ang BFP Modernization Act, hindi bibitiwan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Base po sa pinakahuling datos na inilabas ng National Task Force Against COVID-19, lampas sampung milyong doses na po ng bakuna ang naipamahagi sa buong bansa as of June 27. Pero sa patuloy na pagbabakuna sa Pilipinas at sa buong mundo, ilang mga kontrobersiya pa rin ang kumakalat na labis po na ikinababahala ng ilan. Iyan po ang ating pag-uusapan ngayong umaga kasama po ang Director General ng Food and Drug Administration, si Dr. Eric Domingo.

Usec., good morning po!

FDA DG DOMINGO: Good morning, USec. Rocky! Magandang tanghali po!

USEC. IGNACIO: Doc Eric, bakit po sa palagay ninyo ay hindi natin dapat ikabahala itong mga ulat na may naoospital pa rin na fully vaccinated na health workers sa Indonesia?

FDA DG DOMINGO: Well, kasi po tayo binabantayan din naman natin iyong mga nabakunahan natin. For example, iyong Sinovac, mayroon na tayong 3.7 million na nabakunahan with at least one dose dito sa atin. Nauna iyong health workers, tapos senior citizens, tapos iyong A2 ‘no.

At nakita naman po, totoo naman pong mayroon pang ilan na nagkaroon ng COVID after the first dose pero pagkatapos po ng second dose nakita rin natin na talagang iyong nagkakaroon ng COVID ay kakaunting-kaunti na lamang at lahat sila ay mga mild disease at hindi na po naoospital at hindi namamatay.

At ito naman po iyong in-expect natin ano, we really—wala naman pong 100% efficacy na bakuna pero iyon naman pong nagkakaroon-alam natin na kapag full vaccinated na especially after two weeks after the second dose eh kung magkaroon man ng sakit ay kaunti na lamang at very mild na lamang. Maganda naman po ang nakikita nating resulta sa mga monitoring at surveillance natin dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, dito nga sa Pilipinas sigurado po ba na wala tayong naitatalang ganitong kaso sa hanay ng ating mga medical frontliners na naoospital?

FDA DG DOMINGO: Since after po ng second dose wala na ‘no. Nakita po natin at talagang mga mild na lamang ang sakit. Doon po sa between first dose and second dose, mayroon pa pong nagka-COVID including severe COVID pero kaya nga po lagi nating ipinapaalala sa lahat na kapag kayo ay nabakunahan, unang-una, importante na pumunta kayo sa schedule ng second dose ninyo because you’re not fully protected until two weeks after the second dose.

And second, after ninyong magpabakuna, kahit ho may kaunting proteksyon na after the first, kailangan pa rin talagang mag-ingat. Mag-maskara pa rin, mag-face shield, keep iyong social distancing kasi nga po mayroon pa ring window period na maaari pa tayong maimpeksyon.

USEC. IGNACIO: USec., bigay ko lang iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times. Ang tanong niya: Kung kailan po ilalabas ng FDA iyon daw pong data ng mga breakthrough infections o mga nagkaroon ng COVID pagkatapos ma-fully vaccinate at lumipas na ang dalawang buwan?

FDA DG DOMINGO: Well, actually, ini-report na po namin iyan ano. So, nakita natin—kung gusto mo after puwede nating ipakita ngayon? Gusto mo ba, Usec. Rocky? May oras pa tayo?

USEC. IGNACIO: Go ahead po, go ahead po. Go ahead, Usec.

Usec.?

FDA DG DOMINGO: Yes, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Sige, habang inaayos ninyo iyan, kuhanin ko lang po iyong ano. Mamaya po kukuhanin natin iyan pero iyong susunod po muna niyang tanong ibigay ko muna sa inyo, USec. Tanong pa rin ni Red Mendoza: Ngayon pong inilabas na ng PhilHealth itong vaccine injury compensation package, tutulong po na daw ang FDA para ma-determine iyong causality ng nabakunahan para ma-assess ang claims nito sa PhilHealth?

FDA DG DOMINGO: Ang gumagawa po nito ay iyong ating Adverse Events Following Immunization Committee. So, kasama naman po, tumutulong din po ang FDA doon sa monitoring; so magkasama po iyon, DOH at saka FDA po ang nagtatrabaho.

USEC. IGNACIO: USec., recently rin ay napaulat itong possible heart inflammation sa mga naturukan ng US-made vaccine na Pfizer at Moderna. Hindi po ba daw ito makakaapekto ang development na ito sa mapapayagang mabakunahan ng mga nasabing bakuna dito sa Pilipinas?

FDA DG DOMINGO: Well, sa ngayon po, ang EUA ng Pfizer ay included na ang twelve and above; iyong Moderna po, hindi pa po kasama iyong mga bata pero bagama’t mayroon na po siyang EUA, actually ang DOH po inaaral pa kasi kung kailan aabot doon sa prioritization list ano, iyong mga bata. At iyong atin pong mga vaccine experts ay gumagawa pa rin po ng kanilang recommendation kung ito nga ay gagamitin na rin natin sa mga below 18-year olds.

Iyon po kasing nakikitang rare case ng Myocarditis or inflammation sa puso ay nakikita usually sa mga young patients especially young men. So, kasama na po ito ngayon sa mga things to watch out for iyong mga rare possible side effects. Pero like I said, inaaral pa po ng vaccine experts natin kung ire-recommend nila sa DOH na isama na po ang mga bata sa pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: USec., ano po ba iyong sintomas daw ng side effects na kapag naramdaman ng isang binakunahan ay dapat na agad siyang magpakonsulta sa doktor?

FDA DG DOMINGO: Well, ang pinaka-common po pa rin iyong mga mild ‘no, iyong mga lagnat, sinat, pananakit ng katawan pero if it’s more than ano—iyong mild iyong inyong symptom, talagang hinang-hina po kayo or mataas ang lagnat na hindi natatanggal ng regular na pag-take ng paracetamol and taking fluids at kung iyon pong symptoms ay medyo matagal ‘no, umaabot ng dalawa o tatlong araw katulad po ng mga pananakit ng ulo na grabe, pananakit ng tiyan, panghihina masyado or pananakit ng dibdib. Halimbawa, which are very ano na, kung severe na po iyong side effects, kapag ganoon po ay hindi lang kailangan mag-report ‘no kundi kailangan pumunta na po din tayo doon sa ating vaccination center para ma-checkup na po ng ating mga doktor.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., kailangan pa rin malaman ng ating taumbayan na sa kabila ng mga ganitong report mahalaga pa rin po ang magpabakuna.

FDA DG DOMINGO: Ah opo, kasi very rare naman po. In fact pinadala ko po diyan iyong Power Point ko ‘no, kung puwede nating ipakita. Iyon pong reports natin, ang ating adverse events following immunization na report sa Pilipinas ay less than 1% ng mga nababakunahan ang mayroong nararamdaman at iyon pong karamihan ng 1% na iyon, more than 90% of that, mga mild lamang iyong kanilang adverse events at hindi man lang kailangang mag-stay sa ospital o kailangan gamutin.

So iyon pong risk of taking a vaccine at pagkakaroon po ng adverse event is much lower than the risk ng pagkakaroon ng COVID. Kasi sa ngayon po, sa araw-araw po ngayon, bawat 100,000 na Pilipino eh mayroon pong 5.9 ‘no na nagkakaroon ng COVID every day. So kung sa isang milyon ay 59 iyon na nagkakaroon ng COVID. Kung ikukumpara po natin ito sa numero ng nagkakaroon ng mga side effects na moderate at saka severe eh napakalaki po ng diperensiya.

So like we say, importante pong magpabakuna as long as we can show that the benefit of getting the vaccine outweighs the risk of not getting it ano. Kailangan po.

Nakikita naman natin na mas malaki po ang benepisyo sa atin ng pagbabakuna kaysa po kung tayo ay hindi mababakunahan at magkakasakit po tayo ng COVID.

USEC. IGNACIO: So Usec., wala tayong ipapahintong brand ng bakuna for vaccination, tama po ba?

FDA DG DOMINGO: Sa ngayon po, wala. Ang huli po natin, nag-pause tayo dati pa ‘no, a few months ago was iyong AstraZeneca. And ni-review po ng ating mga experts and they’ve shown that the benefit definitely outweighs the risk at tinuloy na po natin ang pagbabakuna and all of our vaccines now under EUA, wala pong pinipigilan o tinitigil ang paggamit.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., balikan natin iyong report ng FDA sa breakthrough infection. Please, go ahead po.

FDA DG DOMINGO: Puwede pong pakita natin iyong Power Point? Okay, so ito po ano. Sa ngayon mayroon tayong vaccines with EUA na walo, ang cutoff nito was June 20 ‘no, last week. And we have a total doses of 12 million at iyon pong nabakunahan natin na tao ay 6.2 million – karamihan A1, health workers; A2 mga senior citizens; saka A3, iyon pong mga may comorbids. So 5.5 million/5.6 million po iyan – meaning, people who are high risk na may exposure po sa COVID at saka high risk na magkaroon nang severe COVID and death.

So ang nakita po natin, .6% lang po ano ang nag-report ng adverse event at ang Pilipinas po medyo mataas ang reporting natin ng adverse events compared to other countries ‘no. Nakita po ng WHO iyan na magaling mag-report po ang mga Pilipino ng adverse events. So less than 1% get adverse events and iyong adverse events po following immunization usually mild – increased BP, pananakit sa injection site, sakit ng ulo, may nahihilo nang kaunti saka rash, parang allergy.

Iyong mga less common, mga unusual, mga severe allergic reaction, mayroon pong mga eye and ear symptoms, nawawalan ng gana at saka iyon pong mga nininerbiyos ‘no, nagkaka-anxiety. At iyong rare events po ngayon na nakalista to watch out for would be iyong blood clotting events sa AstraZeneca, iyon pong mga adenoviral vector vaccines tapos iyong myocarditis nga po, ito ‘yung dinagdag din nating bagong to watch out for sa mga mRNA vaccines pero wala pa naman pong nag-report ng ganito sa atin as of now.

So kung titingnan po ninyo ‘no, itong table na ito, ito pong Sinovac 3.7 million na po iyong ating nabakunahan ng at least one dose. Between the first dose and the second dose, mayroon po talagang nagkaroon pa ng COVID ‘no, mayroong 173 na nagkaroon ng COVID between the first and second dose ng Sinovac. At doon po sa 173 na iyon, mayroon pong 11 na nagka-severe COVID at saka namatay po from COVID ‘no.

After the second dose, 27, mayroon pa rin pong 27 na nagkaroon ng COVID – out of 3.7 million po ito ‘no—ah, out of 1.6 million na naka-two doses, 27 lamang po ang cases ng COVID at zero po ang severe COVID or namatay from COVID. So may nagkasakit pero mga mild lamang. Two weeks after the second dose po ng Sinovac, mayroon pa ring 33 ‘no nagkaroon ng COVID. Pero again, all of these are mild. And 33 out of 1.6 million is a very, very low percentage ‘no at lahat nga po iyon mga mild at gumaling, hindi naman po nagkasakit.

Iyong pangalawang row natin, iyong AstraZeneca. Hindi puwede nating i-compare ito kasi hindi naman sabay nating binigay ito ‘no. Unang-una iyong AstraZeneca, nag-start tayo diyan mga April na so medyo noong kasagsagan ng pinaka-peak natin ng mga cases. At saka ang interval ng first and second dose ay magkaiba. Ang Sinovac, 4 weeks ang interval; ang AstraZeneca, 8 to 12 weeks ang interval kaya mas may chance kang magkaroon. Mas mahaba iyong panahon ‘no between the first and second dose.

Pero ito iyong na-observe natin ‘no. So this is plain observation lang po itong mga numbers na binibigay ko sa inyo ‘no na nakita natin. Iyong AstraZeneca, mayroon pong 2.1 million na nabakunahan ng at least one dose and 427,000 na nagkaroon na ng second dose. Doon po sa 2.1 million na iyon, between the first and second dose nakakita po tayo, iyong 8 to 12 weeks interval na iyon, may 188 na nagkaroon din po ng COVID at mayroong 11 doon din na nagkaroon nang severe COVID at namatay from COVID. So 188 out of 2.1 million.

Pero after mabigay iyong kanilang second dose, bigla naman din pong bumagsak ano – lilima na lamang iyong nakita natin na nagkaroon ng COVID doon sa mga nakatanggap ng two doses ng AstraZeneca pagkatapos wala pong namatay doon, mga mild disease lamang po. And two weeks after the second dose, mayroon pang isa na nagkaroon ng COVID na nakatanggap ng two doses of AstraZeneca after two weeks. Pero again, zero, wala na rin pong namamatay.

So nakikita po natin na mayroon pa po ‘no na nagkakaroon ng COVID pero kakaunting-kaunti na lamang po even after the first dose pero drastically goes down after the second dose. At definitely po after the second dose, lumiliit po iyong chance ng severe COVID at saka iyong pagkamatay.

Iyon pong Sputnik at saka Pfizer, very similar din po iyong trends kaya lang siyempre kaunti pa po ito ‘no. Kaya kung titingnan ninyo mayroon pa ring lima na nagkaroon after the first dose, after the second dose biglang bumagsak na tapos after two weeks talaga pong wala na rin pong nagkaka-severe COVID after the second dose.

So ito po, personal computation ko lang po ito, Usec. Rocky ‘no. Halimbawa kinuha ko iyong 3.7 million na na-Sinovac. Kung nag-obserba ako ng 3.7 million na Pilipino na hindi ko binakunahan ‘no – iyong 3.7 million na iyon, halimbawa in-observe ko for 6 weeks between the time na nabakunahan siya ng first dose, second dose saka iyong 14 days after, iyon ‘yung 6 weeks ‘no. Kung iyon pong mga iyon ay hindi nabakunahan ang 3.7 million, at the average rate that we are getting, 5.9 cases now per 100,000 per day ay magkakaroon po nang mahigit 9,000 na mai-infect ‘no.

So para pong kung kinompare (compared) natin siya doon sa 200 na nagkaroon ng COVID after the first dose at saka 33 after the second dose, eh makikita naman po natin ‘no, may mga na-prevent po talaga at napakaraming napi-prevent na COVID cases nito and especially po iyong mga death ‘no. Kasi kung pinabayaan po natin sila, nagkaroon sila ng COVID, iyong 9,250 na iyon at a mortality rate of 1.7%, 160 po iyong expect natin na mamamatay ‘no doon sa population na iyon.

Similar to AstraZeneca – sa 2 million kung 6 weeks po walang binakunahan tapos average lang naman po all over the country – hindi ko naman po maku-compare directly iyong mga nabakunahan sa katulad nila ‘no kasi average rate po sa buong Pilipinas iyan – mga limanlibo po mahigit ang maaaring magkaroon ng COVID diyan sa buong Pilipinas kung may 2 million na hindi binakunahan at 92 sa kanila ay maaaring mamatay from COVID. So nakita naman po natin iyong mga nabakunahan natin ng first, may 193 na nag-COVID; 11 severe COVID that led to death. So may benefit po ano at pagkatapos naman iyong after the second dose, halos wala na pong nagkakaroon talaga ng COVID at wala na pong nagsi-severe.

So iyong last slide, ang sabi ko nga po kung tatanungin ako eh nagpi-prevent po ba ng COVID-19 infection ang mga bakuna – ang tingin ko po talaga ay nagpi-prevent. Dahil bagama’t hindi po ito vaccine efficacy study na ginagawa pa po kasi ng DOST iyan ano, pero from our observations, we seem to be preventing a lot of infection sa mga vaccinated people. At ang kailangan po talaga o importante po talaga na ma-complete iyong dalawang dose kasi talagang between the first dose and the second dose, talaga pong nakita natin nag-i-improve ano ang protection ng tao na naka-second dose.

Kailangan pa rin po kahit na mabakunahan na tayo ng first dose, observe health protocols pa rin kasi maaari pa po talaga tayong mahawa, maaari pa tayong magkasakit. Wala po talagang 100% na efficacy ng vaccine ‘no but you really just have to be careful kahit after the vaccination. And of course we really are very excited to see the vaccine effectiveness study by DOH and DOST kasi ito po iyong talagang gagawin in a very scientific manner na makikita po talaga natin – pati iyong mga types of population, makikita po ang talagang comparison.

Pero like I said, ito po iyong nakita natin sa monitoring natin ngayon, actual numbers and I think it shows ‘no that the vaccines really work and that we really should get vaccinated as soon as it is available in our community.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Eric. Pero basahin ko na rin po iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po ni Aiko Miguel ng UNTV: May update na po ba or amendments daw po sa mga with the EUA na COVID-19 vaccines sa Pilipinas?

FDA DG DOMINGO: Hi, Aiko! So far, ang nagpa-expand pa lang talaga sa atin ay iyong Pfizer. Although, iyong Sinovac ay mayroon nang na-publish the other day ng kanilang extension ng clinical trial Phase 1, Phase 2 to include the pediatric age group pero hindi pa sila officially nag-a-apply sa atin ng extension ng kanilang EUA to the younger age groups.

USEC. IGNACIO: Opo. Ikalawang tanong ni Aiko Miguel ay kung na-receive po ba raw ng FDA ang information from Sputnik V na over 90% ang efficacy nito against Delta variant?

FDA DG DOMINGO: Hindi pa po natin natatanggap ‘no, hindi pa po na-publish. Pero alam po natin, mayroon talagang ongoing. Ang medyo na-publish po kasi na mga efficacy rate against the Delta variant is iyong Pfizer at saka iyon pong AstraZeneca which shows na although mayroong diminishing effect, mayroon pa rin po talagang very important at saka high level of protection rate against the Delta variant.

Alam po natin na itong mga vaccines like Sputnik at saka ito pong Janssen at Moderna at Sinovac ay may ongoing studies din po talaga sila against the Delta variant. At hinihintay po natin iyong resulta niyan na maibigay po sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Eric, may pinatatanong din po si MJ Mondejar ng SMNI News: kung ano na raw po ang update sa Ivermectin? Kailan daw po mag-iisyu ng executive order si Health Secretary Francisco Duque para hindi matakot ang mga doktor na mag-off label prescription ng nasabing gamot?

FDA DG DOMINGO: Well, wala naman po akong nababalitaan na maglalabas ng order si Secretary Duque. Siguro po ay maaari nating tanungin siya ‘no. Pero ang Ivermectin, mayroon po iyang approved na product dito sa atin na mabibili sa mga botika kapag mayroon pong reseta ng doktor. It of course, it is approved for the approved indication po as an anti-parasitic drug.

USEC. IGNACIO: Okay. Mula naman po sa TV-5 News Desk: May bago raw po bang EUA approval or applications sa mga COVID-19 vaccines; at ano na rin daw po ang current status ng EUA for Sinopharm?

FDA DG DOMINGO: Iyong Sinopharm, mayroon po siya EUA. Siya iyong last na na-issue po natin ‘no, mga last month po iyan, for the donation na ibibigay po ng China sa Department of Health. So ang DOH po ang nanghingi ng EUA for the donated doses; at iyan po ay na-grant namin last month.

Iyon pong pinakahuling nag-signify ng intention para po mag-apply ng EUA ay iyong Novavax ngunit hindi pa po kumpleto iyong kanilang mga dokumento para po maumpisahan natin talaga at mapabilis natin iyong kaniyang evaluation. So we’re just waiting for them to complete their submission.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., nagpapasalamat po kami sa inyong panahon at impormasyon, FDA Director General Undersecretary Eric Doming. Mabuhay po kayo, sir!

FDA DG DOMINGO: Maraming salamat po. Mabuhay po tayong lahat!

USEC. IGNACIO: Samantala, muling bumaba nang bahagya ang naitalang aktibong kaso sa bansa kahapon, June 29, na nasa 50,037. Ito ho’y matapos makapagtala ng dagdag na 6,471 na katao sa mga gumaling para sa kabuuang 1,333,464 recoveries; 4,479 naman ang mga bagong nahawahan ng sakit kaya nasa 1,408,058 na ang lahat nang nagka-COVID sa bansa; 24,557 naman ang lahat ng mga nasawi matapos madagdagan kahapon ng isandaan at isa.

Kahapon po ay bumisita ang ilang miyembro ng national IATF sa Lalawigan ng Cebu para sa isang diyalogo na may kaugnayan sa pagpapatupad ng quarantine protocols sa mga returning Overseas Filipinos sa Probinsiya. Magbabalita si John Aroa, live.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Aroa.

Alamin din natin ang iba pang detalye kaugnay ng balitang iyan. Makakausap po natin si IATF chief implementer for the Visayas, Ret. General Melquiades Feliciano. Magandang umaga po General.

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Magandang umaga po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. General, matapos iyong pagpupulong kahapon may napagkasunduan na po ba sa ipapatupad na protocol para po sa returning overseas Filipino sa Cebu?

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Well, ganito po iyon Usec. Rocky, ang meeting, iyong una nag-present iyong national regarding the variant, which is specifically iyong Delta variant, through Dr. Salvaña. In-emphasize ni Dr. Salvaña, sa kaniyang presentation iyong increased transmissibility ni Delta variant compared to the Alpha variant which is according to him nasa 60% and also must virulent siya, infecting a wider the range of population kasama na iyong mga kabataan.

So, tapos nagbigay din ng mga mensahe iyong mga tatlong secretaries. Secretary Duque, Secretary Nograles, and Secretary Galvez, and they stood firm na dapat ma-adopt iyong national guidelines of quarantining, iyong mga OFWs and ROFs pagdating nila dito sa hotel and on the day 7, magkakaroon ng testing and they will stay in the hotel up to ten days. If they are negative, puwede na silang bumalik sa kani-kanilang bahay to finish the 14 days quarantine.

Now, sabi rin nila naman, ng mga national na open sila doon sa mga best practices ng Cebu no, tingnan nila kung papaano ma-adopt. Now, according to the Province through Gov. Gwen in her message, naghingi siya ng appeal sa National Government to recognize iyong Executive Order No. 17 which is testing the ROFs and OFWs upon arrival and if they are found negative, ang EO 17 state that they can stay in their homes on the remaining 14 days period of quarantine.

And so, iyong sa kaniya nag-appeal siya na kung puwedeng i-recognize iyon ng national. So, sa ngayon wala pang decision and it’s up to the national. Of course in the coming days sigurado iyong national magbibigay ng response doon sa request or appeal ni Gov. Garcia.

USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na lang po itong tanong ni Joseph Morong sa inyo ng GMA news: Ano po sa tingin ninyo sa proposal ni Gov. Gwen Garcia, na dalawang protocol – one for Cebuanos and one for non-Cebuanos?

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Well, first no, iyon nga iyong – one for Cebuanos, iyon iyong EO 17 and for those non-Cebuano residence, iyon iyong national guidelines. Now, according to Gov. Gwen, she personally took the effort iyong mga responses since last year. So, nag-hands-on siya sa fight against COVID and accordingly sabi niya she learned and studied COVID. She learned I mean, the COVID virus.

So, also sabi niya I am taking the responsibility sa mga LGUs ko being the duly elected official. So, iyon iyong stand ni Gov. Gwen, na pinaparating niya sa national government and according to her also na last year during the spike of the COVID-19 and also on the second wave na nandiyan na iyong variant, iyong Cebu was able to contain or mitigate the spread of COVID-19. So, iyon iyong stand ni Gov. Gwen to separate Cebu residence to non-Cebu residence.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Joseph Morong ng GMA news: Are we not afraid of the Delta variants sneaking through Cebu with these two protocols?

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Well, alam naman natin ‘no, personally ako, being responsible doon sa community response na ginagawa ng mga LGUs, everybody is aware naman especially now iyong sinasabi ng national sa mga experts natin na how contagious and virulent is the Delta variant.

So, aware tayo niyan. Kaya kahapon talagang in-emphasize ng national ‘no, iyon iyong talagang strict border patrol and narinig din nila iyong tungkol naman doon sa mga mensahe o suggestions ng Cebu province. So, it’s up to the national to decides no, and we of course, dapat ini-expect din ng province na mag-response doon sa naging appeal ni Gov. Gwen.

USEC. IGNACIO: Opo, may follow-up lang po sa inyo si Joseph Morong: So, ano na po ang tingin ninyo sa proposal na dalawa ang protocol? Nakakatulong po ba ito, General?

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Well, actually sabi nga ni Gov. Gwen, dahil as far as iyong sa mga monetary considerations, iyong welfare and health considerations, iyon na nga sabi nga na umuuwi iyong ating OFWs and ROFs in this pandemic dahil karamihan mayroong reason and especially iyong mga emergency reasons.

So, as far as the welfare of the OFWs ay kung masusunod iyong ganoong protocols, it is advantageous. But of course, it’s always striking the balance no, iyong ano niya, iyong risk and also the welfare of our OFWs and ROFs.

USEC. IGNACIO: Genera, bilang chief implementer sa Visayas ng IATF kayo po ba ay naiipit sa gitna sa hindi pagsunod or pag-apila ng Cebu sa patakaran ng national government at paano ninyo daw po hihikayatin si Gov. Gwen na sumunod na sa polisiya ng national IATF?

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Well actually Usec. Rocky, ‘no, sumunod naman po si Gov. Gwen, sumusunod naman ngayon sa national guidelines and ako bilang chief implementer dito sa Visayas, hindi naman, hindi naman ako naiipit dahil actually, ano iyan eh iba-ibang mga resources. Ang focus ko ngayon dito is on the community response ng mga LGUs and of course one of the responses also is the border control.

So, it’s a complimentary effort and I am now focused really on these community responses not only Cebu City but si Gov. Gwen din, open na rin siya doon sa mayroong ‘One Cebu’ na community response na gagawin natin para pare-pareho iyong mga responses ng ating mga LGUs. So, in that sense, in that way if it’s complementary siya hindi naman, it will be safe for Cebu province.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong sa inyo si Joseph Morong: Kung mahirap po bang i-implement ang dalawang protocol?

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Well, actually kung tatanungin natin – kasi mayroon din naman basis si Gov. Gwen and according to her she’s taking the responsibility – para sa kaniya convenient iyon. But of course mayroon din iyong national, may sarili din siyang analysis and assessment.

Ang sabi nga ng national, let say for example, kung nakalabas si variant dito sa mga naging protocols ng Cebu it might spread to the other provinces not only in the Visayas but of course in the whole country. So, iyon naman ang stand ng national no, so again ang national ang puwedeng mag-decide and once nag-decide ang national, of course, dapat sumunod naman lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. General, may susunod po bang pagpupulong sa pagitan po ng Cebu at ng National IATF sa mga susunod pang araw?

RGEN. MELQUIADES FELICIANO: Well I I don’t expect that there will be another meeting with the same purpose. Ang hinihintay na lang ng Cebu Province, iyong answer or iyong response doon sa appeal ni Gov. Gwen either yes or no. So, na-present naman, ang kagandahan pagdating nila dito nagkaroon ng meeting, physical presence iyong lahat.

So narinig nila iyong side ng province and narinig din ng province iyong side ng national ‘no. So, clearly magkakaroon na sila ng basis on how to decide if they will grant the appeal or not, of Gov. Gwen.

USEC. IGNACIO: Opo. Sandali lang po at mukhang may pahabol pang tanong para sa inyo pero itsi-check ko lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sandali lang po at mukhang may pahabol pang tanong para sa inyo ano pero itsi-check ko lang po. Ang tanong po ni Reymund Tinaza ng Bombo Radyo: Pabor po ba kayo sa dalawang protocol sa Cebu?

RET. GEN. FELICIANO: Well, sa akin, kung mayroon kang appropriate community response ‘no, kasi ang ginagawa namin dito, actually, noong February and March nagkaroon ng variant din dito ‘no, iyong tinatawag nating P3 variant and it grows to very, very fast spike or surge. Dahil mayroong appropriate community response iyong city, iyong emergency operation center, nagawa naman na ma-contain.

Iyon din iyong parang basis ni Gov. Gwen. Sa akin, kung mayroon kang appropriate response, puwede! Puwede niyang gawin iyong ganoon especially so kung iyong mga Barangay Health Emergency Response Teams mo na talagang through the supervision of the local government units eh talagang—ginagawa naman iyan talaga dito, minu-monitor talaga nila iyong mga nandoon sa quarantine at home. Ito iyong mga local transmissions na nangyayari.

So, may mga systems lahat iyan ‘no, kumpleto, kaya nahuhuli at nakukuha si virus on a daily basis kaya bumababa iyong mga cases especially sa Cebu City.

USEC. IGNACIO: Opo. General, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Maraming salamat po, Ret. General Melquiades Feliciano. Mabuhay po kayo, sir!

RET. GEN. FELICIANO: Salamat din po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Ibabalita iyan ni John Mogol ng PBS – Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS – Radyo Pilipinas.

Umabot naman sa mahigit 25,000 na quarantine violators sa Davao City ang nahuli at pinagmulta ng police ngayong buwan ng Hunyo. Sa kabila nito ay tumaas naman ang bilang ng mga gumaling sa nasabing lungsod, ang detalye ihahatid ni Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot ng PTV Davao.

Nasa 24,000 individuals naman mula sa A4 priority group ng Cordillera Region ang target na mabakunahan laban sa COVID-19, ang ulat ihahatid ni Florence Paytocan ng PTV Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Tatlong Malasakit Center ang inilunsad ngayong linggo sa Bicol Region bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ni Senator Bong Go ng de kalidad na serbisyong pangkalusugan lalo na sa ating mga mahihirap na kababayan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagtutok sa ating programa. Ako po muli si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center