Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Muli, isang makabuluhang talakayan ang ihahatid namin sa inyo ukol sa pinakamainit na balita kaugnay sa ating laban kontra COVID-19.

BENDIJO: Tama ka diyan, Usec. Rocky. Siyempre kasama pa rin ang mga panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na handang sumagot sa mga katanungan ng bayan. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar na inyong lingkod, ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Ako po naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Hatid Tulong Lead Convener and Presidential Management Staff Assistant Secretary Joy Encabo, Philippine National Police chief Lieutenant General Camilo Cascolan, Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti.

BENDIJO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang lalawigan sa labas ng Metro Manila, at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para po sa inyong katanungan, maaari kayong mag-comment, mag-post ng inyong mga opinyon, mga comment sa ating programa sa PTV Facebook page.

Sa pinakahuling mga balita, kaagad na nagpaabot ng tulong ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga nasunugan sa Barangay 3, Green Valley ng Nasipit, Agusan del Norte. Ang ilan nga sa mga naipamahagi ay mga food packs, masks, cash assistance, mga gamot at bisikleta. Bukod pa riyan, dumating din ang kinatawan ng National Housing Authority upang tulungan ang mga nasunugan na magkaroon ng malilipatan.

Matatandaang kabilang sa mga panukala ni Senador Bong Go ang Senate Bills No. 203 at 1227 na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpapabilis ng produksiyon sa konstruksiyon ng mga pabahay sa ilalim ng SB 203 o ang National Housing Development Production Financing Act at ang SB No. 1227 or the Rental Subsidy Program Act na nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga displaced families na magkaroon ng opsiyon sa gitna ng interim process of construction and relocation.

Para sa ibang pang mga balita, Senador Bong Go nagpahayag naman ng kaniyang suporta kaugnay sa pagpasa ng Senate Bill No. 1591 o Internet Constructions Act na layong makatulong para sa muling pagsigla ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maliliit na negosyo na gumagamit ng digital system. Nito lamang July 27, naghain po si Senador Bong Go ng Senate Bill (SB) No. 1738 o E-Governance Act of 2020 na layong gawing cost effective at mas mapabilis ang pagpapaabot ng serbisyo-publiko. Sa tulong din nito inaasahang maiiwasan ang red tape sa local at national government.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang alamin ang pinakahuling update kaugnay sa Hatid Tulong Program ng pamahalaan, sa puntong ito ay makakausap natin si Hatid Tulong Lead Convener and Presidential Management Staff Assistant Secretary Joy Encabo. Magandang araw, Asec.

Okay. Aljo, babalikan natin si Assistant Secretary Joy Encabo.

BENDIJO: Opo, Usec., sige habang inaayos natin ang linya ng ating komunikasyon kay Asec. Joey.

Samantala, upang bigyan ng daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded na mga kababayan po natin dito sa Kalakhang Maynila dahil sa umiiral pa rin na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. At para sa iba pang mga detalye, panoorin natin ito: [VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, ang Pag-IBIG Fund rin po ay maraming ginagawang hakbang para mapagaan ang sitwasyon ng mga miyembro nito sa kabila ng ating krisis na nararanasan dahil sa COVID-19. Pag-uusapan natin iyan, kasama po si Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti. Sir, good morning po.

PAGIBIG CEO MOTI: Hi! Good morning, Usec. Rocky and Aljo at sa lahat ng mga tagapanood po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta na po ang kalagayan ng mga Pag-IBIG borrowers sa gitna ng pandemic? Marami po ba ang hindi nakapagpatuloy sa pagbabayad lalo na po iyong housing loans?

PAGIBIG CEO MOTI: Opo. Usec. Rocky, sa kabutihang palad, noong ipinasa ang Bayanihan I ay tayo ay nakapagbigay ng grace period na humigit-kumulang ay two months and a half. And at the same time, Usec. Rocky, if you can still remember it, immediately after the announcement of ECQ, Pag-IBIG Fund Boards of Trustees immediately implemented a 3-month loan moratorium program na mayroon naman po tayong mga 300,000 members na humiram nito.

So marami na po tayong natulungan diyan, iyong grace period po ay more than 4.7 million members na may mga loan sa Pag-IBIG Fund ang natulungan nito at iyong loan moratorium po mayroong mga 400,000 total na nakapag-avail po—ah sorry, 300,000 members na nakapag-avail po noong loan moratorium. At mayroon na rin pong parating, itong Bayanihan II na kung sakali pong ito ay maging batas na ay mayroon pa pong kaakibat iyon na tulong muli na 60-day grace period po para naman sa mga miyembro.

So, sa madaling salita po, Usec. Rocky, okay pa naman po iyong ating mga miyembro. Mayroon pong mga medyo dumudulas na, hindi nakakabayad religiously pero ang Pag-IBIG Fund po ay patuloy naman po na naghahanap ng mga pamamaraan para po sila ay matulungan pa po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, so ano po iyong mga ginagawa ninyong hakbang para matulungan nga itong mga borrowers na ito? Sabi ninyo nga po iyong iba dumudulas na or medyo hindi nakakapagbayad. Ano po iyong mga iniaalok ninyo sa kanilang mga measures para po matiyak na magpapatuloy po iyong kanilang pagbabayad dito sa housing loans?

PAGIBIG CEO MOTI: Yes. Usec. Rocky, we are so proud to share to all of our members and viewers na iyon pong pinili na humiram o umutang sa Pag-IBIG Fund para sa pabahay na para sa kanilang housing loans, sila po ngayon ay napakasuwerte. Kasi po ang Pag-IBIG Fund po pagdating sa penalty policy, tayo po ang may pinaka-borrower friendly na penalty policy. Kung sakali man po na nawalan ng trabaho ang ating miyembro at tatlong buwan na, mahigit tatlong buwan na siyang hindi nakabayad – sa kadalasan po kung humiram ka sa private sector, sa bangko, magdi-default na po iyong account at may risk na po na ma-foreclose iyon – sa Pag-IBIG Fund po, tayo po ay nag-i-extend ng remediation period at humigit-kumulang po nagkakaroon po ng palugit na hanggang isang taon ang ating mga miyembro para po sila ay maka-recover or makabawi at para ma-save nila ang kanilang mga bahay.

Alam naman po natin na ang PAGIBIG Fund ay pag-aari ng ating mga miyembro, so kaya po patuloy din natin silang tinutulungan para naman po makabawi sila or makabangon.

Isa pa po iyong penalty policy naman po. Sa private sector po kasi kapag more than three months kang hindi nakabayad, magdi-default po iyon at may penalty na, na ang computation po ay 18% of the total loan balance. So kung ang loan balance po natin ay isang milyon, ang penalty po natin kada taon ay P180,000.

Sa PAGIBIG Fund naman po, bilang pagkilala sa ating mga miyembro bilang sila ang may-ari ng PAGIBIG Fund, ang computation lang po natin ay kung ano lang ang hindi nabayaran. Kung P5,000 a month ang kaniyang hinuhulugan, P15,000 after 3 months, so ang penalty po na 18% ay ipinapataw po doon sa P15,000 lamang, kaya po hindi siya punitive. Hindi katulad po sa ibang mga nagpapahiram na iyong total balance mo na isang milyon ang kailangang may penalty na 18%. Tayo po, kung ano lang iyong hindi nabayaran, so 18% of P15,000. Kaya kapag tiningnan po natin, mas madali pong makabawi ang ating mga miyembro.

At gusto ko rin pong i-announce or ibahagi na mayroon po tayong maraming programa – mayroon tayong loan restructuring program, mayroon po tayong tinatawag na loan revaluation para po makita kung gaano na kalaki ang balanse kumpara doon sa worth ng bahay. So patuloy po nating tinitingnan at may programa po kami ngayon, inaaral namin na kung paano pa lalong matulungan ang lahat ng miyembro na may housing loans na before ECQ was declared in March 17 ay sila po ay updated bago nagkaroon ng lockdown, iyon po mayroon tayong listahan ng mga hundreds of thousands of borrowers na updated sila religiously paying bago nagkaroon ng lockdown po at sila naman po ay gagawan natin ng programa para makasiguro po … makakasiguro po sila ng tulong Pag-IBIG Fund.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, paano po naman iyong mga iba na gusto pa rin pong mag-avail ng housing loan sa kabila po ng umiiral na health and economic crisis? Pero paano po tutulungan sila ng Pag-IBIG para po sa ating mga kababayan na gusto pa rin pong magkaroon ng sariling tahanan?

PAG-IBIG CEO MOTI: Tama po iyon, Usec. Rocky and Aljo. So, alam po ninyo, malinaw na malinaw po iyong direktiba na ibinigay po sa atin ng mahal nating Pangulo na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na para sa bayan po ang mga gagawin nating mga pagtulong sa ating mga miyembro.

So in fact po, ang ginawa natin, noong makita po natin na maraming kinabahan or natakot na ituloy nila ang kanilang planong makabili ng sariling tahanan, ang ginawa po ng board of trustees of Pag-IBIG Fund sa pangunguna po ni Secretary Eduardo Del Rosario ay ibinababa po natin. Mayroon po tayo ngayong promo rates, ito po ay tumatakbo, nagsimula po noong July hanggang Disyembre po na kung saan ang interest rate po natin, one-year reprising po, ay nasa 4.985% na lang po. Tayo na po ang pinakamababa dati na 5.3, ngayon po ay binababa pa sa 4.9.

At iyong 3-year fixing naman po kung saan puwedeng humiram hanggang 95% ng appraisal value ng property, 95%, ang dati pong interest rate niyan ay 6.375%, reprised every three years, ngayon po ay ginawa na lang nating 5.375%. So talaga pong ibinaba po natin iyan para lalong maengganyo ang ating mga miyembro na may plano na ipagpatuloy na po nila, nandidito po ang Pag-IBIG Fund. It’s our way of thanking the members for over three years of support that, you know, that has made Pag-IBIG Fund so strong now.

Ito naman po iyong ating pasasalamat sa kanila at ang ating mensahe na matatag po ang kanilang pondo, ang ating pondo, at patuloy po tayong tutulong kaya po ibinababa natin para patuloy po na magkaroon din ng tulong sa economy po natin. Tina-try po nating i-prevent—we would want to prevent a deep drop in productivity in the low-cost and socialize housing industry. So ibinaba po natin iyan para iyong demand ay tumaas.

At mayroon din po tayong economic package po na ginawa, 10 billion pesos, para naman po sa mga developers, para huwag silang tumigil gumawa kasi iyong iba po ay medyo kinakabahan. Ang sabi natin, basta itayo ninyo iyong magagandang bahay at ang mga— [signal cut]

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan, nawala sa linya ng ating komunikasyon ang CEO ng Pag-IBIG. Sir?

PAG-IBIG CEO MOTI: Sorry po, Usec. Rocky, naputol po.

USEC. IGNACIO: Opo, go ahead po.

PAG-IBIG CEO MOTI: So iyon po, sa demand side po, we made sure that the interest rates are very low, lowest in the market. And on the supply side naman po ay mayroon po tayong economic package na binuo para po matulungan ang mga mass housing developers po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir, nakita ninyo ba na sa kabila po nitong pandemic ay talaga pong tumaas ba o patuloy pa rin po na may mga nag-a-apply po ng housing loan?

PAG-IBIG CEO MOTI: Usec. Rocky, noong April—ang pautang po natin ay January-February, averaged of six billion pesos a month. Ganoon po kadami ang mga miyembro natin na humihiram. Bigla po noong magkaroon ng … because of the pandemic, bumababa po siya sa three billion plus noong March at sumadsad po ito sa 800 million lang noong April.

Kahit po naka ano tayo noon, ECQ, ay patuloy pa rin po nating tinulungan ang ating mga miyembro na magkabahay po. Kasi imbes po na nagrirenta sila, maraming kasama sa bahay na hindi nila pag-aari, para po makalipat sila sa more secure housing environment.

So tumaas na po ito noong June, umakyat po ito sa almost three billion. Noong July po ay umakyat siya ng almost five billion. Pabalik na po sana tayo kaso po nitong August ay nagkaroon po tayo ng two weeks na nabalik tayo sa MECQ kaya bumaba po ulit. But tayo po ay nagsusumikap pa rin na maitaas po ito. Kasi po ano iyan, end to end po iyong ecosystem na iyan. Dapat po patuloy iyong mga miyembro natin sa kanilang kagustuhang magkabahay para makabili sila, at iyong ating mga partner developers naman ay patuloy ding makagawa ng mga magaganda at affordable na housing units para po iyong economy natin ay patuloy na umikot nang umikot po.

So nito pong September, we are confident na babalik na po siya sa level na tipong five to six billion pesos, if not seven billion, para po mapigilan natin iyong effect nitong pandemic po sa 2021 and 2022.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol na tanong naman po mula sa isang concerned citizen: Bakit po walang billing statement ang Pag-IBIG until now, sa Quezon City daw po?

PAG-IBIG CEO MOTI: Usec. Rocky, gusto ko pong samantalahin itong pagkakataon para po humingi po ng paumanhin sa ating mga housing loan borrowers. Dati po ang mga housing loan borrowers, nakikita po nila online iyong kanilang billing statements among other things. Ang naging kumplikasyon po kasi dito ay noong in-implement natin iyong grace period and at the same, ang grace period po kasi habang may ECQ or MECQ ay effective siya, kaso po na-extend nang na-extend, bawal po kasing magpataw ng interest on interest, penalties, etc. And para po bilang tulong na rin sa lahat ng housing loan borrowers, for the month of June, we extended actually iyong grace period na iyan.

Nagdagdag tayo ng isang buwan para po hindi kaagad ma-shock doon sa bills ang ating mga borrowers, so hinabol po nang hinabol po ng ating sistema, ng ating IT iyong billing statement. Pero nitong August po, nagsimula na pong mapadala iyong ating billing statements. At nitong September ay dapat po ay matanggap na po nila para po malaman po nila kung magkano ang babayaran.

Pero paumanhin po ulit, this early, kapag nag-take effect po iyong Bayanihan II, magkakaroon na naman ng pagbabago kasi bawal na naman po iyong interest on interest, penalties, fees, etc. So babaguhin na naman po natin ang ating mga sistema. So konting paumanhin lang po.

Kung ang mga miyembro naman natin, kasi tayo ang nanawagan din po, Usec. Rocky, na iyong mga kababayan natin, iyong mga housing loan borrowers who are in a position to pay their housing obligation to Pag-IBIG Fund na patuloy po silang magbayad para po mapanatili nating mababa pa rin ang ating interest rate in the next few years.

So iyong mga gusto pong magbayad, punta lang po kayo sa website, mayroon po tayong chat services doon, 24/7, or puwede rin po kayong tumawag sa contact center natin – 8724-4244 or 8-PAGIBIG. Matutulungan po kayo ng ating contact center para po makapag-compute kung magkano ang kailangang bayaran natin. Pero ano, supposedly, nitong September ay back to normal na po iyong billing statement po natin, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may follow up lang po siya. Ano raw po ang ibig sabihin ng “grace period,” PDC naman siya at hindi naman nag-avail ng moratorium?

PAG-IBIG CEO MOTI: Yes, Usec. Rocky. Thank you for the question. Alam po ninyo, may mga natanggap akong mga complaints or concerns galing sa ating mga members. Iyong iba po ang sabi, why do you keep calling us? Bakit daw palaging tumatawag ang Pag-IBIG Fund para i-confirm kung idideposito ba iyong PDC o hindi. Kinakailangan po nating i-confirm kasi base po kasi sa Bayanihan I, may palugit po kasi na ibinigay.

Now, some of our housing loan borrowers ang sabi, eh sabi binigay ko na iyong PDC sa inyo, may pondo naman iyan, bakit pa ninyo ako tinatawagan buwan-buwan. Iyon naman po, paumanhin po, kasi batas po iyon na nakalagay na may palugit ang lahat ng mga borrowers, kasama na po ang housing loan borrowers ng Pag-IBIG Fund at hindi po natin basta-basta ideposito, actually, without the request of the borrowers. So, iyon po iyong pinanggalingan po niyan. So, makakatanggap po iyong miyembro po natin ng panibagong text or tawag na naman kapag nag-take effect itong Bayanihan II kasi po kailangan i-confirm ulit kung gusto nilang voluntarily na ipadeposito sa Pag-IBIG Fund

USEC. IGNACIO: Sir, kumusta naman po iyong implementation ng online services ng Pag-IBIG para sa cash loan applications? Gaano po kabilis ang proseso? At marami na po bang nakakagamit nito?

PAG-IBIG CEO MOTI: Yes, Usec, Rocky, thank you for this question, para n rin po malaman noong marami nating mga tagapanood po. Ano na po, pagkatapos po noong MECQ po, dineploy na po natin iyong online filing for multi-purpose loan and/or calamity loan. So, online na po ang filing. Kailangan lang po ay tayo ay mayroong valid po na cash card, either iyong loyalty card plus na Union Bank or Asia United Bank or Landbank cash card, puwede na po tayong mag-file online. Iyon pong papel, huwag na tayong pumunta sa branch para pumila at maghintay po na matawag po iyong numero natin para makapagsumite ng ating multi-purpose loan.

Mapa-multi-purpose or calamity loan, online lang po, pareho lang naman po. Iyong pictures lang po noong ating forms ang kailangang i-upload at diretso po itong pumapasok sa sistema po ng Pag-IBIG Fund, wala na pong encoding kasi alam na po natin iyong details at kumbaga po ay diretso na po ito na napa-process within two days.

Mayroon na po tayong natulungan na 15,000 members na humiram po online. Ang maganda po doon, you can do it from your homes or galing po sa opisina ninyo without risking it. Bilang tugon na rin po, suporta sa kautusan ng IATF na kung hindi naman po essential ang ating lakad ay tayo ay dapat nasa bahay lang po.

USEC. IGNACIO: Opo, para naman po sa ating mga kababayan, sir, ngayong nasa gitna po tayo ng pandemya, ano po iyong mga loans na maaari i-avail ng ating mga members para po makatulong sa kanilang financial situation? At ano po iyong usual qualification na dapat pong masunod?

PAG-IBIG CEO MOTI: Yes, USec, Rocky ang isa po sa pinakatinatangkilik po na programa o produkto ng Pag-IBIG Fund ay iyong ating multi-purpose loan. So, kung may financial needs ang ating mga members ay puwede po silang pumunta sa website at puwede po silang mag-file online, basta lang po may valid cash card. Iyan po ay kung anuman ang kitain natin na interest rate diyan, lahat po iyan up to 90% ay ibinabalik po natin bilang dibidendo sa ating mga miyembro. So, bumabalik din po sa ating lahat iyong kinikita na pautang ng Pag-IBIG Fund.

Ang mga requirements po niyan ay puwede po kayong mag-download galing sa website noong ating multi-purpose loan application form, fill-up lang po natin iyan. Ipadala lang po natin sa ating HR para po sa certification na kayo po ay empleyado noong ating kumpaniya. At kapag nakuha na po ninyo iyon, either through e-mail tapos binalik po sa inyo, puwede na po ninyo iyang picture-an at i-upload po doon sa online filing po natin for multi-purpose loan.

Ang kadalasan pong loan amount niyan, ang average loan amount niyan ay mga nasa 20,000 po. Depende po kasi iyan kung gaano kalaki na ang naihulog mo o naimpok mo sa iyong account sa Pag-IBIG Fund. Mayroon po tayo last year na natulungan na 2.5 million members. This year po kami ay nanalangin na mas dumami pa po ito kasi po so far noong mino-monitor namin, lagpas na po tayo ng June, nasa Setyembre na po tayo, pero mukhang hindi po tayo aabot ng 2.5 million. Sana po ay mas tumaas pa po ito para po mas makatulong pa tayo sa marami nating mga kababayan, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sir, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan at siyempre, particular po sa mga Pag-IBIG members?

PAG-IBIG CEO MOTI: Yes, gusto lang po nating iparating sa lahat ng ating mga members lalo na po iyong mga may housing loans na ang inyong Pag-IBIG Fund ay naririto po at tumutugon po sa ating mga pangangailangan. Hintayin lang po natin kung sakali man pong mayroong mga medyo, halimbawa, po ay tinamaan po, economic effects nitong pandemya na ito, magkakaroon po tayo ng mga loan restructuring program para po kumbaga ay puwede nating mapahaba pa ang ating loan term at kumbaga po ay ma-maintain natin iyong ating mga kabahayan.

Ang Pag-IBIG Fund ay nagpapasalamat sa lahat ng ating mga miyembro na dahil po sa inyong mga suporta ay lalong lumakas po ang pondo po. At ngayon po ay dahil po sa financial strength nito, we are in a position to help all of our members who are in need of our help and also the other stake holders. So, patuloy lang po din sana … ang panawagan po sa ating mga miyembro naman na may kakayahang magbayad, sana po ay patuloy po nating bayaran ang ating loans para po iyon pong nakokolekta natin ay puwede nating ipautang ulit sa iba pa nating mga miyembro naman na gusto ring humiram.

Ang inyo pong mga lingkod Pag-IBIG ay lagi pong naririto para magsilbi sa inyo. Lingkod Pag-IBIG po ay tapat na serbisyo para mula sa puso. Thank you Usec. Rocky and Aljo.

USEC. IGNACIO: Marami pong salamat Pag-IBIG CEO Acmad Rizaldy Moti. Sir, stay safe.

Sa puntong ito balikan po natin si Hating Tulong lead convener and Presidential Management Staff Assistant Secretary Joy Encabo. Sir magandang araw.

ASEC. ENCABO: Yes, good morning po. Good morning, Usec Rocky and Aljo.

USEC. IGNACIO: Sir, unahin ko na po iyong tanong ni Joyce Balancio ng ABS-CBN, ang ating birthday girl. Happy birthday, Joyce. Ito po ang tanong niya: Ilan na po ang crowd estimate ninyo sa Libingan ng mga Bayani sa loob at labas?

ASEC. ENCABO: Nasa 430 ang estimated numbers ng mga individual na nasa Libingan ng mga Bayani. At patuloy po kaming nagka-conduct ng profiling para malalaman po natin kung ilan po ang bawat LSI na pupunta o pauwi sa isang probinsiya. So, estimated po nasa mga 430 individuals.

USEC. IGNACIO: Sir, mula pa rin kay Joyce Balancio nang tawagan po ninyo kahapon sa Teleradyo na nagpapapansin at nananamantala lang ang mga tao doon. Pero ano daw po ang inaasahan na itutulong sa kanila ng gobyerno?

ASEC. ENCABO: The usual assistance naman ang aming ibibigay, kapag nakakita na po kami ng tamang lugar para po gawing temporary shelter ay bibigyan naman namin sila ng pagkakataon na maka-avail noon. At patuloy din po kami na humihingi ng tulong sa ibang ahensiya para matustusan po ang kanilang food assistance sa mga LSIs na nandiyan sa Libingan ng mga Bayani. At ngayon po kami din ay nakikipag-ugnayan sa ibang private sectors na nagbo-volunteer na magbigay po ng assistance sa kanila kagaya ng hygiene kits at saka mga pagkain at agad-agad naman po ay dini-distribute po namin sa mga LSIs.

USEC. IGNACIO: Opo, Asec. Encabo, pero kumusta na po iyong Hatid Tulong Program? Gaano na po karami iyong natulungan ng proyektong ito? At kailan po iyong susunod na grand sendoff para po sa mga LSIs? Ilan na po ang nakapagparehistro?

ASEC. ENCABO: Simula po noong mag-umpisa ang Hatid Tulong initiative, sa pocket send-off, cluster send-off hanggang nagka-grand send-off po tayo at ngayon ay binabalik na lang natin sa clustered send off, ang naitala po namin na bilang ay mga nasa 126 to 138,000 na po all over the Philippines ang ating natulungan. Ngayon po ang panibagong approach po natin, kagaya ng sabi ko sa nakaraang panayam ay kailangan po ang mga LSIs kung maaari ay magrehistro muna sila sa kanilang sariling LGU sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anak na nandoon, mga kaibigan o barangay officials para po ang LGU naman po ang magbibigay sa amin ng tamang listahan ng mga LSIs.

At sa kasalukuyan po, ito po ay ginagawa na namin gaya po ng Negros Oriental, Dumaguete City, ng Romblon, sila na po ang nagbibigay ng listahan ‘no, kagaya din po ng Sorsogon dahil unang-una, sila na rin po ang nagba-validate ng kanilang mga kababayan na talagang LSI. At kapag natanggap po namin iyon, iyon na po ang magiging opisyal naming enrollment o rehistro sa kanila dahil nakukuha na rin namin iyong mga impormasyon galing sa local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., balikan lang po natin ang mga LSIs na nasa labas ng Libingan ng mga Bayani, saan po sila pansamantalang tutuloy? At kailan po iyong schedule ng kanilang pag-uwi? Kasi po ang ilan sa kanila sinasabi nila wala na po silang babalikan kaya gusto na sana po nilang umuwi. So, ano po iyong tulong na ibibigay sa kanila at saan po sila dadalhin ngayon-?

ASEC. ENCABO: Sa ngayon po patuloy ang aming pag-identify ng temporary shelter dahil puno po ngayon ang loob ng Libingan ng mga Bayani. May mga kagamitan po ako diyan na ginagamit rin po ng Philippine Army. Gaya po ng CCP, puno na rin po kaya kami ay nakikipag-ugnayan sa mga ibang ahensiya ng national government at ng local government units sa Kamaynilaan na kung makapagbigay po sila ng lugar kagaya po ng covered courts o mga gymnasiums o mga centers na puwedeng gawin ay kaagad bibigyan namin sila ng atensyon at doon natin sila dadalhin. Most likely bago po magtapos ang linggo na ito ay makakita na po tayo ng mga karagdagang temporary shelters.

Kung sa schedule naman po, hinihintay pa po natin iyong mga crew ng barko na matapos ang kanilang health assessment period dahil sila din ay may quarantine dahil ito po ay in compliance sa DOH guideline na iyong mga crew ng barko na naghatid sa kanila ay dapat po maisailalim sa quarantine period para sa mga susunod na paglakbay ay maayos naman ang kanilang kalusugan. Ganoon din po sa mga bus drivers natin, kararating lang po ng mga iilang bus at ngayon po ay nasa quarantine period po sila para maayos naman ang kanilang kalusugan.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., mayroon na po bang LGU na tumugon sa inyong panawagan para po magamit na isolation facility? At ito po bang isolation facility na nasa harap ng Libingan ng mga Bayani ay designated din para talaga sa mga LSI? At ilan po ba ang capacity nito?

ASEC. ENCABO: Ngayon po sa kasalukuyan ay nag-coordinate po kami sa LGU ng Taguig, iyong mga malalapit po na LGU; sa Pasay. At inaalam na rin po namin kung ano ang kanilang magiging sagot dito dahil alam naman po natin na mayroon din silang mga sariling programa sa pag-handle ng mga LSI o ng kanilang mga constituents na ginagamit din as quarantine facilities.

Within this week po malalaman din natin kung ano iyong mga sagot nila at talagang bibigyan po namin ng priority itong mga taong ito na nasa labas ng Libingan ng mga Bayani. Saka kung mayroon naman din pong available kaagad na mga barko o bus na puwede na nating pabiyahihin ay iyon din ang aming hakbang na gagawin para maihatid na po natin sila sa kanilang mga probinsiya.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., sa tingin ko kasi parang dumarami talaga iyong ating mga LSIs na gustong umuwi. Pero ano po iyong dapat na ginagawang aksyon kapag sakali pong napuno iyong isolation facility? May mga nangangailangan pa rin po na makapag-avail ng serbisyo ninyo?

ASEC. ENCABO: Kailangan po kasi nating balansehin. Hindi kasi kaagad natin iyan mapauwi lahat nang sabay-sabay. Kasi sa panibagong approach po ng Hatid Tulong, sana maintindihan po ng ating mga kababayang LSIs na ang approach po ngayon is clustered, depende po sa mga regions na puwedeng tumanggap o mga probinsiyang tumanggap.

At pangalawa, dahil sa limitasyon ng ating mga kagamitan at ng mga sasakyan na gagamitin ay, uulitin ko po, hindi po natin sila maiuuwi nang sabay-sabay. Kaya po nananawagan kami na kung maaari po sana ay sundin ang proseso ng Hatid Tulong initiative; makipag-ugnayan muna sa kanilang local government unit at kapag sila ay natawagan at nakausap ng ating mga secretariat o kawani ng Hatid Tulong initiative ay saka po sila pupunta sa mga designated areas para sa ating send-off.

Kasi po, halimbawa, kung ang mga indibidwal na pauwi ng Zamboanga at ang schedule pa po ay papauwing Caraga, ay definitely talagang mapag-iwanan po sila sa lugar na kanilang pinuntahan at magkakaroon po sila o makakaranas po sila ng problema sa temporary shelter at of course iyong ibang needs po nila. Iyan nga po… kung alin po ang mga rehiyon o mga probinsiya na nagpapahiwatig na handa na po silang tumanggap ng LSIs nila ay iyon din ang una naming pauuwiin.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa susunod na batch ng mga LSIs na makakauwi, pero na-identify ninyo na po ba kung anu-anong mga probinsiya ang paghahatiran sa kanila? At kumusta na po ang koordinasyon ninyo sa LGUs sa mga probinsiyang ito? Puwede ninyo po bang ianunsiyo ngayon dito kung ano po iyong nakaplano ngayon para po iyong mga LSIs ay hindi na muna pupunta sa lugar na kung saan dapat ay magsimula iyong—kung saan sila kukuhanin para po naiintindihan nila na hindi na nila kailangang pumunta kung hindi iyong probinsiya na kanilang mauuwian?

ASEC. ENCABO: Sa ngayon po, ang mga probinsiya o mga LGUs na nagpahiwatig na handa na po silang tumanggap ay ang probinsiya ng Negros Oriental, ang LGU ng Dumaguete City. Ang Caraga Region ay handa na rin pong tumanggap. Ang Cotabato Province at ang mga ibang lalawigan sa Region XII kagaya po ng South Cotabato ay handa na rin po silang tumanggap. Ang Jolo at ang Tawi-Tawi ay handa na rin pong tumanggap, at ang Palawan.

So, iyon po iyong mga iilang probinsiya na natanggap namin na willing na po silang magbukas at tumanggap ng kanilang mga constituents pauwi. So, kaya iyon ang ini-schedule namin ngayon, pinagplanuhan namin para po kapag maayos na po lahat ang ating mga sasakyang pandagat at iyong mga bus ay puwede na po natin silang umpisahan na mapauwi.

At sa Bicol Region din po handa na rin po silang tumanggap except for Masbate. So, ang Romblon, katatanggap lang po namin nang abiso na-ready na rin po silang tumanggap ng kanilang mga kababayan.

So, diyan po kami maingat dahil ayaw po namin na magpadala ng mga LSI na kung saan ang mga LGU ay hindi pa po ready dahil po puno pa po ang kanilang mga facilities at kailangan pa nilang tapusin ang quarantine period na kanilang naibigay doon sa mga LSIs na kararating lang sa kanilang probinsiya.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec. Encabo, ito pong Laging Handa Public Briefing ay handa pong sumuporta sa inyo sakaling kailanganin ninyo po iyong tulong na maianunsiyo kung ano po iyong mga lugar na dapat ay mapaghahatiran para po nai-inform natin iyong atin pong mga kababayan ano po.

Muli po, para po sa mga nais na matulungan ng Hatid Tulong projects, so, ano-ano po ba iyong mga proseso at requirements para sa mga gustong makabalik kasi napakalahaga po nito. Lahat po ba ng nagparehistro ay siguradong qualified na makapag-avail ng serbisyo ng Hatid Tulong?

ASEC. ENCABO: Para sa ating mga kababayang LSIs, sana po obserbahan natin iyong proseso sa pamamagitan ng pagrehistro ng inyong sarili sa inyong sariling LGU dahil kami po sa level namin, kami po ay nagpapatuloy at nakikipag-ugnayan sa mga LGUs ninyo na kung sinu-sino iyong mga LSIs na kabahagi o nasasakop ninyo ay bigyan po kami ng mga pangalan o impormasyon, iyong mga numero, para kami na rin po ang tatawag sa kanila sa mga darating na araw.

Pangalawa, kapag nalaman po ninyo ang mga schedule ay hindi po kayo kasali ay huwag muna kayong pumunta sa mga areas kung saan po nagkakaroon ng send-off dahil talagang hindi po kayo makakasakay at talagang mapag-iiwanan kayo at mahihirapan din kayo sa sitwasyon na iyan.

Kaya po kami ay humihingi po ng kaunting pasensiya at pag-unawa na kung alin po ang mga naka-declare at na-arrange na schedule ay iyon muna ang susundin, at kung hindi kayo bahagi ay huwag munang pumunta. At sinisigurado naman po namin na sa mga darating din na panahon ay mabibigyan din kayo ng kaukulang schedule para din kayo ay makauwi sa inyong mga lalawigan.

USEC. IGNACIO: Okay. Mensahe ninyo na lang din po sa mga manunood, Asec. Encabo.

ASEC. ENCABO: Sa mga sumusubaybay ngayon at mga nanunood, sana po ay maintindihan ninyo ang kalagayan ng ating technical working group, na kami ay nagsisikap na maayos at matindi na mapagbigyan kayo nang pagkakataon na mapauwi sa inyong mga lalawigan. Ako ay nakikiusap na kung puwede po ay huwag po kayong magpasahan ng mga abiso na hindi pa naman po naka-schedule ang mga biyahe dahil nakakadagdag po ng tao sa labas ng Libingan ng mga Bayani.

So, sana po ay stay put muna kayo. Hintayin lang po ang abiso at puwede naman kayong patuloy makipagtawagan at ugnayan sa amin para alam ninyo po kung kailan po iyong schedule ninyo.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Assistant Secretary Joseph “Joy” Encabo, ang lead convener ng Hatid Tulong Program. Stay safe, Asec.

ASEC. ENCABO: Salamat po.

ALJO BENDIJO: Sa puntong ito, Usec., mga kababayan, dumako naman tayo sa pinakahuling mga balita mula sa iba pang dako ng bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service. Czarinah?

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro. At para naman alamin natin ang sitwasyon diha sa dakbayan sa Sugbo, narito si John Aroa. John, maayong adlaw.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa.

Mula naman diyan sa Davao, kumustahin natin ang mga balita diyan mula kay Julius Pacot. Julius, maayong adlaw nimo diha.

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Daghang salamat, Julius Pacot.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of September 3, 2020, umabot na sa 228, 403 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,987 new COVId-19 cases kahapon. 65 COVID patients ang naitalang nasawi kaya naman po ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa buong bansa ay umabot na sa 3,688. Ngunit patuloy din naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 159,475 with 880 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 65,240.

Samantala, tulad ng ating araw-araw na paalala, maging bida solusyon laban kontra COVID-19. Ugaliin po ang pagsusuot ng face mask dahil sa pamamagitan nito ay mapipigilan po ang pagkalat ng droplets mula sa iyong bibig at ilong. Nababawasan din nito ng 67% ang chance na makahawa at mahawa ng sakit. At bukod sa ating kaligtasan, ang pagsusuot ng mask ay pagpapakita rin ng respeto at courtesy sa mga taong ating nakakasalamuha. Simpleng paraan lang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

ALJO BENDIJO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol s COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang numerong 02-894-COVID o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang numerong 1555. Patuloy din kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol pa rin s COVID-19. Maaari ninyo bisitahin ang covid19.gov.ph.

Ngayon naman ay makakausap natin ang opisyal na itinalaga bilang bagong hepe, bagong pinuno ng Philippine National Police, si General Camilo Cascolan. Magandang umaga po, Chief PNP.

PNP CHIEF CASCOLAN: Aljo and Rocky, magandang umaga po ‘no, at sa lahat po ng nakikinig po ngayon.

ALJO BENDIJO: Opo. Bilang bagong pinuno ng Pambansang Pulisya, General, gaano po kalaki hamon ang kasalukuyang sitwasyon ng atin pong Philippine National Police para po sa inyo?

PNP CHIEF CASCOLAN: Malaki po talaga, Aljo. Actually, I’ll just take it one day at a time. I will have to consider … iku-consider po natin ang isang araw ay, kumbaga, iyong first day po ay iyong last day muna – parang ganoon. Parang always treat it as your first day so that I would be able to come up with new activities and new innovations for the organization and for the protection of the people.

ALJO BENDIJO: Ano po ang uunahin ninyong pagbabago sa sistema po ng PNP, General, sa ilalim ng inyong pamumuno?

PNP CHIEF CASCOLAN: Unang-una, Aljo, of course, unang-una is to place … unahin po natin ang organisasyon. Dapat ma-redirect at ma-refocus po tayo sa ating gawaing kapulisan. Kailangan po natin na ilagay ang mga tamang tao sa mga tamang posisyon. Nandoon naman na ho tayo, so there is no … I am not expecting …you’re not expecting any kind of major revamp, considering that the people who are in position right now are actually people whom we can really trust.

The other one is, siyempre tingnan po natin iyong mga issues and concerns concerning the PNP. Short term lang po tayo, transition, if you may say it. But at the same time, we should know the current issues ng PNP. Tulad ho ba ng skills enhancement, iyong mga problema po sa quartering, administrative at problema po sa operational. Siguro po by that alone, we would be able to come up with short term plans. Actually, we already have short term plans, Aljo, so that we would be able to place some innovations already in the organization.

ALJO BENDIJO: Opo. Ngayong araw po, General Cascolan, ipinag-utos ninyo ang malalimang investigation kaugnay sa pagkamatay ng dating konsehal ng Ozamiz. Itong si Ardot Parojinog, ang kapatid ng namatay ding mayor ng Ozamiz na si Reynaldo Parojinog, Sr. May nakikita po ba kayong motibo kaugnay sa kaniyang pagkamatay? Natagpuan po ang kaniyang mga labi sa loob po ng selda ng Ozamiz Police Station, General Cascolan?

PNP CHIEF CASCOLAN: Aljo, nandoon po siya para sa hearing niya ano ho. We will investigate the incident. Aalamin po natin kung ano po talaga ang nangyari. At hindi pa po tayo privy talaga sa mga situations na nangyari doon. At any rate, kung anuman po ang lalabas sa imbestigasyon, ipapalabas po namin po iyan sa inyo.

ALJO BENDIJO: Opo. Sa COVID-19 po tayo, General. Pagdating sa responde natin sa pandemya dito po sa buong kapuluan, ano po ang sa tingin ninyo ang dapat gawin ng Philippine National Police para lalong ma-improve ang pagbabantay sa kaligtasan ng mamamayan at makatulong na rin sa pagbaba ng COVID-19 cases sa Pilipinas?

PNP CHIEF CASCOLAN: Aljo, alam ninyo ‘no, as chairman ng COVID Operation Task Force. At bago po iyan, kami naman ho iyong gumawa ng in-plan JTF COVID Shield na pinamumunuan po ngayon ng ating DCA (Deputy Chief for Administration) na si General Guillermo Eleazar. Ang [unclear] being chairman before ay marami na po tayong nagawa. Tinitingnan po natin ang pagresponde sa mga requirements po ng ating mga kapulisan lalut’ lalo na po sa mga logistics.

Kung mapapansin po ninyo, may mga uniporme na po iyong ating mga kapulisan na mahahabang athletic shirts, at the same time, kinukumpleto namin lahat ang kakailanganin natin sa pagharap sa mga pasyente lalung-lalo na po at we are managing, mina-manage nga po natin ang Ultra para sa COVID patients, PICC para sa mga COVID patients at recovering patients at saka ang MOA swabbing facility.

Maliban po diyan, may mga quarantine facilities po tayo dito sa loob ng Crame at sa loob PROs or Police Regional Offices. Dito po sa Crame, mayroon po tayong tatlong quarantine facilities, iyan po ay iyong nasa Kiangan, iyong isa sa Taekwondo facility at iyong isa ay iyong nasa grandstand. Atin pong tinitingnan iyong mga pangangailangan nila, kaya nga po nagpalabas po tayo two weeks ago ng marshals na kailangan bantayan at umiikot sa mga barangay upang mapalalim at mapaigting ang pagsunod sa mga protocol ng anti-COVID.

Isa po diyan ay red teaming din at barangay enforcement team na i-enforce natin magmula pa noong Abril at saka Mayo. Ito po ay ang barangay reinforcement team na umiikot sa mga barangay para disiplinahin ang mga tao upang ang mga protocols ay masusunod. Ang mga miyembro po nito ay ang police, ang mga barangay officials, ang AFP at DSWD, DOH o ang kanilang mga representative. Bilang barangay enforcement team po, sa pangalan pa lang ho ay sinisigurado po natin na lahat ng tao ay sumusunod sa protocol ng anti-COVID.

Pangalawa po, iyong marshals. Iyong marshals, may bus marshal, may jeepney marshal, may tricycle marshal, may terminal marshal. Actually, iyong atin pong mga checkpoints ay tinitingnan din po nila [garbled].

BENDIJO: General Cascolan? Nagkakaproblema lang tayo linya ng ating komunikasyon.

PNP CHIEF CASCOLAN: … kapag ang enforcement team ay gumagawa ng tama. Mayroon po tayong red team na umiikot upang mabantayan din po [garbled] in so doing we would be also to come up with a more responsive and more trained personnel in the fight against COVID.

Sa ganitong pamamaraan, maliban po sa internal plans po namin na nagbigay po kami ng bitamina sa mga tao, tinitingnan po namin na ang mga logistics nila ay nandiyan. Maliban po diyan, sana ang mga tao po natin o mga komunidad po natin sa mga barangay, mga tao po sa barangay at makikipag-ugnayan po parati sa ating kapulisan para sa peace and order [garbled]

BENDIJO: General Cascolan, can you hear me po?

PNP CHIEF CASCOLAN: Yes, Aljo.

BENDIJO: Napuputol po kayo, sir. Nabanggit po ninyo ang internal cleansing program. Paano po ninyo ito paiigtingin sa ilalim po ng inyong pamumuno sa PNP?

PNP CHIEF CASCOLAN: Unang-una, sabihin na natin na ang internal cleansing ay in-implement po namin ni former Senator Dela Rosa noong 2017. Parte po ito ng enhanced managing police operations na atin pong kinonceptualize noong taong 2017, February. Atin pong paiigtingin ang Integrity Monitoring Enforcement Group at saka ang IAS or the Internal Affairs Service. May mga proposals pa po kami diyan tungkol sa IMEG and IAS at hoping that this will be approved, na a-approve po ito ng ating Secretary of Interior and Local Government. [garbled] nating madisiplina ang [garbled] ngayon ay ‘police ko ay disiplinado,’ iyan po ang aking pagbubuhusan ng pansin.

Kasi alam po ninyo, kapag magaling ka ho sa pagli-lead ng tao o pamumuno ng tao, dapat ikaw rin mismo ay nagsi-set ng example. Kapag namumuno ka po ng tao, dapat marunong ka rin pong magturo sa kanila ng tama. Okay. Kapag ikaw ay namumuno at nagtuturo ka ho ng tama sa mga tao mo, mahihingan mo po sila ng tamang disiplina na hinihingi mo. Ang atin lang po, [garbled]and discipline is basically what we need right now and at the same time [garbled] welfare of our people. Alam po ang [garbled]marami siyang magandang ginagawa, [garbled] mababalik po natin ang respeto trust and confidence ng komunidad sa kapulisan.

BENDIJO: General, mensahe na lang po ninyo sa taumbayan?

PNP CHIEF CASCOLAN: Yes, Aljo. Unang-una, sa atin pong minamahal na Presidente ako po ay nagpapasalamat sa binigay ninyong pagkakataon sa akin upang serbisyuhan ang Philippines National Police, magabayan ito and at the same time sa ating serbisyo sa ating mga tao, sa komunidad. I assure you that you will have a disciplined policeman, everybody will be coordinating and cooperating with the proper authorities or proper departments.

Sana ay atin pong tulungan ang ating kapulisan sa pag-igting po ng mga procedures at protocols po ng anti-COVD. Atin pong pinapasalamatan din ang lahat ng mga tao na nagdasal po para sa akin, maraming-maraming salamat sa inyong suporta. Sana sa ilang araw ay mabisita ko po kayo at mabigyan ko po kayo ng gabay lalung-lalo na po sa ating mga police regional offices. I salute every one of you. I thank you and I hope that we will able to serve and protect our people as a national police member. Marami pong salamat.

BENDIJO: Marami pong salamat po, Police General Camilo Cascolan, Philippine National Police Chief.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KPB).

USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO: Maraming salamat po, Usec. Daghang salamat, Secretary Martin Andanar. Thank you so much. Muli po, ako si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)