Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Isang araw pagkatapos ng Pasko, naritong muli tayo para ilahad ang mahalagang impormasyon na kailangang malaman sa panahon ng pandemya at iba pang emergency situation. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Good morning and Merry Christmas, Usec. Rocky. Makakaugnayan din natin ang ilang opisyal ng pamahalaan upang bigyan po tayo ng perspektibo sa mga isyung kinakaharap ngayon ng buong sambayanan; ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At mula po sa PCOO, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa; DILG Undersecretary Jonathan Malaya; Batangas Governor Hermilando ‘Dodo’ Mandanas; at DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong mga katanungan ay mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: Samantala, una sa ating mga balita: Pangulong Rodrigo Duterte nagpatawag ng meeting kasama ang IATF ngayong araw upang pag-usapan ang bagong strain ng COVID-19. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, para pag-usapan ang mga isyung kinasasangkutan ngayon ng ating mga pulis at iba pa niyang panukalang batas, makakasama po natin si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dati rin pong nanilbihan bilang PNP Chief. Good morning po Senator at welcome po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Senator, can you hear me? Mukhang may problema po tayo sa linya ng komunikasyon.

Samantala, Senator Bong Go namahagi po ng tulong sa mga TODA members ng Barangay Commonwealth, Quezon City na patuloy ang pagbangon mula po sa epekto ng COVID-19 sa kanilang kabuhayan. Bukod diyan, nagpaabot din po ng tulong-medikal ang kanilang opisina sa ilang mga nangangailangan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, muli po nating balikan si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Senator, good morning po.

SENATOR DELA ROSA: Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning. Senator, makailang beses nating narinig po mula po sa matataas na opisyal ng pamahalaan na itong si Nuezca po ay wala sa kaniyang state of mind doon sa nangyaring krimen. Ano po ang assessment ninyo dito sa neuro-psychiatric test sa mga aplikante po ng PNP; ito po ba ay maaasahan pa?

SENATOR DELA ROSA: Yes, maaasahan naman talaga iyan dahil mga expert naman ang gumagawa niyan. But iyon nga, sinasabi nga ni Chief PNP [garbled] kasi while in the service iyong tao posibleng may mangyari sa kaniya [garbled] ang kaniyang [garbled]…

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, babalikan namin kayo, medyo nag-choppy po ang… Samantala, sa puntong ito—babalikan po natin si Senator Bato Dela Rosa. Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat po mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama po natin si Aaron Bayato mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Yes, Merry Christmas din sa iyo, Aaron Bayato, mula po sa Philippine Broadcasting Service.

Ilang araw bago po natin salubungin ang 2021, update kaugnay po sa ipinatutupad na health protocols at firecracker ban ang bibigyang-linaw sa atin ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Usec., magandang araw po.

DILG USEC. MALAYA: Magandang araw, Usec. Rocky. Merry Christmas sa iyo.

USEC. IGNACIO: Opo, Merry Christmas sa inyo. Sir, unahin ko na pong kumustahin iyong mga pag-monitor po ng mga LGUs kahapon, araw ng Pasko. May mga reports po ba na paglabag sa mga ipinagbabawal tulad po ng mass gathering, naku! Lalo na iyong videoke at siyempre iyong pangangaroling?

DILG USEC. MALAYA: Mayroon po tayong naitala na mga reports galing sa mga LGU at sa ating Philippine National Police. Kitang-kita naman natin iyong pagdagsa ng mga tao sa ilang mga pampublikong lugar. Naka-monitor po ang ating Philippine National Police particularly sa Divisoria, sa Baclaran, para masunod po iyong ating mga health protocols. Nakatanggap rin po kami ng report mula sa mga local government units at sa Philippine National Police na mayroong isa na pulis na mismong involved sa mass gathering doon sa kanilang lugar. At iyan po ay pananagutin ng DILG. Sasampahan po natin ng kaukulang kaso iyong ating mga kasamahan sa DILG at sa kapulisan na hindi tumutupad sa mga health protocols, dahil nga po ang posisyon po ng DILG: Papaano po natin pasusunurin ang ating mga kababayan, kung mismong ang ating mga otoridad ang hindi sumusunod sa mga protocols na ito?

USEC. IGNACIO: Tama po iyan, Usec. Bigyang-daan ko muna po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media na masisipag rin, dahil kahit December 26, talagang nagtatrabaho pa rin. Mula po kay Rida Reyes ng GMA 7. Ang tanong niya: May we get po, DILG’s reaction doon po sa kumakalat na photo ng Christmas party sa Labrador St. Mabayuan, Olongapo City organized by Police Corporal Randy Rudolf Baltero – baka ito po iyong sinasabi ninyo – wala pong mask, walang face shield, no social distancing?

DILG USEC. MALAYA: Yes, kung mapapansin nila itong picture na ito sa Labrador Street sa Olongapo City at maliwanag naman doon sa pinadalang larawan na walang mask, walang face shield at walang social distancing na pinapatupad doon sa pagtitipon na ginawa na sinasabing inorganisa ni Police corporal Randy Baltero. Makakaasa po ang publiko na papanagutin natin itong si Police Corporal Baltero, iimbestigahan po iyan ng ating kapulisan, kailangan niyang magpaliwanag kung bakit hindi siya sumunod sa mga health protocols na pinapatupad ng IATF. Dahil nga po, kagaya ng sinabi ko kanina, kailangan po ang manguna sa pagsunod sa mga protocols natin ay ang mga otoridad. Dahil hindi po natin mapapasunod ang ating mga kababayan kung mismong ang mga nasa authority ay hindi tatalima dito.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin mula kay Rida Reyes ng GMA 7. Sabi po ng Philippine Fireworks Association, kahit may existing ordinances ang ibang LGU ng total firecracker and pyrotechnics ban mabibigyan pa rin daw sila ng permit to sell pyrotechnic sa Lunes. Ano po ang dapat masunod na guidelines?

DILG USEC. MALAYA: Well, maliwanag din po iyong nakasaad sa Executive Order no. 26 na may mga certain firecrackers na illegal. Ito iyong mga piccolo, iyong mga madalas nakakapinsala sa ating mga kababayan. So mga watusi, piccolo iyan po talaga ay ipinagbabawal kahit saan mang lugar sa ating bansa. At kung sino man po ang nagbebenta nito at kahit iyong gumamit nito, since ipinagbabawal ito, ay papanagutin po din ng ating kapulisan.

Ngayon, kung ang pag-uusapan naman po iyong mga permits, ang may authority pong mag-isyu ng permit ay ang mga local Government Units. Kahit po under EO 28 ay puwede iyong mga pailaw. Kung mayroon pong ordinansa na ipinapatupad ang mga Local Government Units sa kanilang lugar, kung saan may total firecracker and total pyrotechnic ban, hindi rin po maiisyuhan ng permit ang mga gustong magbenta. So, ang pinakamainam po ay alamin ng mga firecracker or pyrotechnic sellers ang umiiral na ordinansa doon sa kani-kanilang mga lugar, para malaman nila kung puwede silang magbenta or hindi, kasi hindi rin naman sila iisyuhan ng permit kung ito ay ipinagbabawal ng munisipyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ba iyong bawal at ano iyong pinapayagan sa paggamit ng paputok at pailaw? Puwede po bang gumamit nito sa mga bahay-bahay lamang?

DILG USEC. MALAYA: Opo, iyong mga firecrackers po talaga kagaya ng watusi, piccolo, pop-pop, five star, pla-pla, lolo thunder, giant bawang at naalis na po ito mahabang listahan po ito na nilabas ng Philippine National Police at ng DILG. Kahit po saan at kahit kailan ay hindi pupuwedeng gamitin sa ating bansa. Ang puwede lang po ay iyong tinatawag na community fireworks display at para po magkaroon ng community fireworks display kailangan may permit pareho ang Philippine National Police at kasama na rin ang Local Government Unit. Ngayon iyong tanong naman po tungkol sa mga pailaw ay ito po ay pinapayagan po natin under Executive Order number 28. Ngunit kung mayroon pong prohibition na nagmumula sa local government unit ay hindi rin po sila mabibigyan ng mga permits. So, kailangan po malaman ng ating mga kababayan kung ano iyong mga umiiral na regulasyon sa kanilang LGU bago sila bumili ng pailaw at gamitin sa kani-kanilang mga bahay.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong tugon ng DILG sa panawagan po ng local fireworks manufacturers na huwag naman daw po sanang total ban kundi selected lamang?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Kami po sa DILG ay sumusunod lamang doon sa executive order na ipinalabas ng ating Pangulo. Dito nga po sa executive order na ito ay pinapayagan po iyong mga pailaw, ngunit sa nakasaad din po kasi sa executive order na ang mga local government units are authorized to promulgate the necessary rules and regulations on firecrackers and other pyro techniques in their territorial jurisdiction. And kung mayroon po silang mga ordinansa at issuances ay nasa kamay po ng mga LGU kung sila ay mag-i-issue ng mga special permit para magbenta ng mga pailaw sa kani-kanilang mga jurisdictions. At tungkol naman po doon sa mga community fireworks, nandoon din po sa LGU iyong discretion kung ito ay kanilang papayagan or hindi.

So naintindihan po namin iyong posisyon ng Filipino Fireworks Association ngunit kailangan po siguro hindi sila sa DILG lumapit, doon po sila lumapit sa mga LGU dahil in so far as the DILG is concerned ay sinusunod lang naman po namin iyong executive order ng ating Pangulo. At ang nag-i-implement naman po nang total firecracker ban or total pyro technique ban ay iyong mga LGU at hindi naman po ang DILG.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa usapin naman po ng bakuna, ayon po kay Secretary Galvez, maari raw pong makapag-procure ng bakuna ang mga LGUs. Paano po ito pinaghahandaan ng DILG?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Papasok po ang DILG at ang mga local government units ‘pag panahon na po ng tinatawag na vaccination phase or iyong tinatawag na vaccination phase. Aalamin po ng mga local government units through the DILG iyong mga priority na mga kababayan natin na kailangan mauna makakuha ng vaccine.

So the identification, iyong pag-mobilize po ng ating mga barangay, pag-mobilize ng mga local health units ay diyan po papasok ang tungkulin ng DILG at LGU.

Ngayon sa usapin naman po ng pagbili, ang commitment po ng national government ay makabili ng mga bakuna para sa mas nakararaming Pilipino ngunit hindi po pinagbabawalan ang mga LGUs na i-augment ito.

So kung saka-sakali po iyong mga local government units, marami po sa kanila ay naghanda na rin, nag-allocate ng pondo sa kanilang budget for the coming year, they can purchase these vaccines approved by the Food and Drug Administration as an augmentation.

Kumbaga kung mayroon po silang gusto pang dagdag na mga constituents nila na hindi priority, puwede po silang bumili at i-vaccinate ang kanilang mga constituents provided iyong kanilang bibilhing vaccine ay approved ng Food and Drug Administration.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang Usec. si Rida Reyes na tanong, ng GMA-7: Ano daw po iyong expected na mapag-uusapan sa emergency meeting na pinatawag po ni Pangulong Duterte mamayang gabi kasama ang IATF?

DILG USEC. MALAYA: Well, kagabi nga po ay may heads up sa amin tungkol sa isang emergency IATF meeting ngunit as of now ‘no wala pa po kaming natatanggap na formal notice tungkol dito so hindi pa po namin alam. Kami po sa DILG, hindi pa po namin alam kung ano iyong mapag-uusapan. May heads up lang po na ibinigay sa amin but the agenda has not yet been given to us.

USEC. IGNACIO: Okay, salamat po. Ano na lamang po ang paalala ninyo sa ating mga kababayan lalo na po sa nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon, Usec.?

DILG USEC. MALAYA: Well, ang target po natin ay magkaroon tayo nang zero firecracker incidents ‘no ngunit mayroon na po tayong mga ilan na naitala as of today. Konti pa lang naman po ito, karamihan po itong mga nasa probinsiya at konti lamang ‘no ang numero.

Generally peaceful po iyong ating pagsalubong ng Bagong Taon, wala po tayong masyadong naging problema so our target really is zero firecracker incidents ‘no. So sana po tulungan tayo ng ating mga kababayan, magtulungan po tayo lahat at sana huwag na po tayong gagamit pa ng mga illegal na fireworks.

With the cooperation ng lahat, sa tingin ko po makukuha natin iyong ating target ngayong taon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Merry Christmas and Happy New Year po sir!

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat at Merry Christmas din sa inyo sa Channel 4.

USEC. IGNACIO: Okay. Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Muli po nating balikan si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Senator, magandang umaga po ulit.

SENATOR DELA ROSA: Magandang umaga sa iyo Rocky at sa ating mga tagapakinig. Magandang umaga sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Paumanhin po kanina, naputol tayo. Senator, ulitin ko na lang po iyong tanong natin ano. Makailang beses nating narinig mula po sa matataas na opisyal ng pamahalaan na ito daw pong si Nuezca ay wala sa kaniyang tamang pag-iisip o state of mind sa nangyaring krimen. So ano po ang assessment ninyo sa neuro-psychiatric test sa mga aplikante ng PNP; ito po ba talaga ay maaasahan naman?

SENATOR DELA ROSA: Maaasahan iyan, Rocky, ang kailangan lang gawin iyan regular kasi nga ang isang pulis ay nag-a-undergo lang ng neuro-psychiatric test during sa kaniyang pag-apply sa pagiging pulis at after that wala na. Unless magkakaroon lang naman siya ng schooling, kailangan iyan para sa schooling niya so mag-neuro siya or iyong mag-apply siya ng promotion – iyon lang. Other than that, walang regular talaga na neuro so puwedeng pagpasok niya sa pagka-pulis ay normal siya, wala siyang problema pero habang nasa serbisyo siya, sa pulisya natuto na siyang gumamit ng droga, nasira iyong kaniyang utak so puwedeng magbago iyong kaniyang ugali. So kailangan talaga regular ang neuro-psychiatric test o puwede iyong yearly/annually.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator bilang dating PNP Chief, ano po iyong posisyon ninyo kaugnay naman sa pagkakaroon ng sinasabing anger management counseling sa ating mga pulis para naman po maiwasan ang mga krimen na katulad po ng nangyari dito sa Paniqui, Tarlac?

SENATOR DELA ROSA: Tama iyan, tama iyan talaga dahil sabi ko nga iyong instance na iyon kay… ano iyon, Nuezca, kung nakapag-isip lang sa kaniya o may nakapagsigaw sa kaniya na ‘debriefing muna, debriefing.’ Kahit na nag-debriefing siya good for 5 to 10 seconds baka magbago iyong kaniyang decision-making, baka hindi niya makalabit iyong kaniyang baril. So kailangan talaga iyong anger management.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit din Senator itong salitang ‘due process’ nang repasuhin ang mga dating kaso daw po ni Nuezca bilang pulis. Madali nga bang lusutan daw po ng mga police scalawags iyong dismissal proceedings?

SENATOR DELA ROSA: Eh, kayang-kaya iyan, kahit na nga na-dismiss, kaya nilang bumalik, nagpa-reinstate, nagiging pulis agad, kaya iyan. Talagang inaabuso iyong due process. Kapag makakuha sila ng magaling na abogado, iyong administrative case ay puwede nila iyang via technicality, pahabain iyong hearing. So, hindi na iyan summary hearing na procedure. Hindi na summary hearing, parang ginawa lang ng full blown na judicial hearing lang. So, mapaabuso talaga. Eh kailangan i-revisit natin iyan, mga particular provision ng batas, iyong RA 551 na ginawang basis ng NAPOLCOM sa kanilang mga memorandum circular, coverage na some actions ay dapat ma-revisit natin iyan at baguhin natin, i-amend natin iyang batas na iyan.

USEC. IGNACIO: Senator, taong 2016 nang sinimulan po ninyo iyong pagpapahinto ng gun muzzling o iyong pagti-tape po ng mga baril sa panahon po ng holiday season. Dahil sa insidente sa Tarlac, sa tingin po ba ninyo panahon na para ibalik ito?

SENATOR DELA ROSA: Depende iyan sa liderato ng PNP, kung ano ang tingin niya. Pero ako nga ang nag-start na ipahinto iyan, dahil nga kung ikaw ay magpaputok ng baril, puwede namang i-tape mo uli iyong baril mo, para tayong naglolokohan. At during that time na ako ang Chief PNP, naka-dalawa o tatlong Christmas ako, pero never na nagkaroon ng kaso ng pulis na na-involved sa indiscriminate firing. Sa civilian nga, wala nga. Iyong dumating tayo sa punto na zero tayo injury related to indiscriminate firing at saka iyong injury sa firecrackers ay halos na-zero. So, napakaganda po noong panahon na iyon, walang problema.

USEC. IGNACIO: Senator, marami rin pong nagsusulputan ngayon sa social media na mga kaso ng pulis na umaabuso po sa tungkulin. So, ano po iyong masasabi ninyo dito na mayroon daw pong culture of impunity sa PNP?

SENATOR DELA ROSA: Ginagamit lang iyong term na culture of impunity ng mga taga-oposisyon, iyong mga detractors ng ating gobyerno, ginagawa nila iyan. Pero paano mo masabi na culture of impunity, kasi nga mayroon bang Presidente, mayroon bang Chief PNP, mayroon bang Regional Director, mayroon bang Provincial Director, mayroon bang Chief of Police up to the lowest level of command sa PNP na nagsasabi na patayin natin iyong mga suspect – mayroon ba? Wala naman. Kung sabi ninyong culture of impunity, akala nila iyong mga civilian victims lang ang nagiging victim ng impunity na iyan. How about iyong mga police natin na namatay sa war on drug? Napakaraming pulis na namatay at na-injured na kung saan they are also victims of culture of impunity, kung talagang gusto nilang i-establish na may culture of impunity na nangyayari. So biktima din ng culture of impunity iyon na iyong ating mga pulis na namamatay.

Walang culture of impunity, kasi dapat magkakaroon ng culture of impunity, kung iyan ay pinapabayaan. Iyong ating Pangulo mismo ay galit na galit sa mga abusadong pulis. Ang sabi ng Pangulo – protektahan ko kayo, depensahan ko kayo kung kayo ay gumagawa ng katinuan, in the line of duty. Pero kung kayo ay mag-aabuso, lalung-lalo na ginagamit ninyo iyong pagka-pulis sa paggawa ninyo ng abuso ay malilintikan kayo sa akin – sabi ng ating Pangulo, di ba? Hindi naman sinabi ng Pangulo natin na, sige mag-abuso kayo diyan, pumatay kayo ng pumatay, ako ang bahala sa inyo. Narinig ba ninyo iyan? Gusto lang talaga ng oposisyon na gawan ng istorya iyan na mayroong impunity para magalit ang taumbayan sa ating Pangulo. Kung totoo iyan na may impunity, bakit umabot pa ng 93% ang approval rating ni Pangulo? Kalokohan iyan.

USEC. IGNACIO: Senator Dela Rosa, bilang dating PNP Chief at ngayon nga po ay senator, ano po ba iyong mga hakbang na ginagawa ninyo para daw po maiwasan ang mga ganitong uri ng kaso sa ating mga pulis?

SENATOR DELA ROSA: Alam mo iyong kailangang gawin diyan ay the best diyan ay pertaining the powers of the Chief PNP, kailangan talaga ng legislations para ma-amend iyong batas na iyan. Kasi napakarami, nakikita natin, napakaraming problema diyan sa internal disciplinary mechanism ng PNP. Saan ka pa makakita ng isang organization na napakaraming nakikialam, napakaraming disciplinary authorities. Mga disciplinary authorities ng PNP, aside sa PNP leadership, iyong levels of command sa Chief PNP to RD, to PD to Chief of Police, mayroon pa tayong NAPOLCOM, mayroon pa tayong PLEB, mayroon pa tayong Mayor, mayroon pang Ombudsman – napakaraming disciplinary authorities ang PNP.

May kasabihan tayong too many cooks, spoil the broth. Kaya dapat iisa lang ang disciplinary authority ng PNP. Kagaya ng Armed Forces of the Philippines, sa military, wala mang ibang nakikialam sa kanila, bakit disiplinado sila? Ang nakikialam sa kanila iyong kanilang chain of command lang, iyon lang ang nagdidisiplina. Pero bakit sila walang problema. Kagaya noong panahon na ang PNP ay PC/INP pa, nasa under kami sa military noon, bakit walang ganoong problema? Dito lang ngayon na nagkaroon ng problema dahil ang daming nakikialam, so many cooks, spoil the broth.

So, kailangang i-revisit natin iyan. Dahil nga siguro sa daming nakikialam sa disiplina ng pulis, nag-isip na lang iyong iba na, ah, inasikaso iyan ni ganito, ng isang disciplinary authority, sila diyan nakakaalam – parang ganoon. So, ayusin natin iyan lalung-lalo na iyong appellate bodies ng PNP. Dapat magkakaroon po ng batas na kapag na-dismiss ka from the police service, na ang kaso mo ay grave offense kagaya ng murder or drug trafficking or recycling of drugs or kidnap for ransom or robbery-holdup – pulis ka engaged sa mga ganoong mga grave offense, kapag na-dismiss ka, dapat wala ng appeal-appeal, hindi na dapat makabalik sa serbisyo iyan. Kasi iyong ibang mga member natin diyan na pinagdi-dismiss ko noon, eh ang sabi nila hintayin na lang natin na mag-retire si Bato, pag-retire ni Bato lalamig na ang sitwasyon natin at mag-appeal tayo, eh hindi ko naman sinasabi na may something fishy nangyari during the appeal doon sa mga appellate court na iyan.

Ako ay nagtataka kung bakit ganoon kabigat ang atraso nila nakabalik sa serbisyo. Makita mo ngayon, nandiyan naka-uniporme na naman – bakit ito nakabalik, dinismis na ito noon? Kaya nga dapat baguhin iyong batas na iyan. I am already sending my legislative staff na pag-aralan na nang husto iyan para maayos namin, mag-introduce ako ng amendment ng mga batas na iyan.

USEC. IGNACIO: Senator, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan.

SENATOR DELA ROSA: Anong klaseng mensahe, Merry Christmas, Happy New Year? Basta sa ating mga kababayan ngayon na nag-celebrate ng Christmas, i-remind ko po kayo, ako ay isang COVID survivor, hindi basta-basta ang sakit ng COVID. Napakahirap po na sakit ito. Hindi mo alam kung kailan ka dadapuan, kaya kung anumang pag-iingat na ginagawa ninyo ngayon, doblehin pa ninyo, triplehin pa ninyo ang pag-iingat ninyo, para hindi talaga mabiktima ng COVID.

Aanhin mo iyong nag-i-enjoy kayo sa isang Pasko, pero last Pasko mo na pala ito ngayon, dahil make-cremate ka na afterward. Huwag na lang kayong mag-celebrate ng Pasko, dapat hintay na lang tayo na magkaroon ng vaccine at doon na lang tayo mag-celebrate ng Pasko, doblehin natin next year. Next na Pasko, next year, times two natin ang celebration kapag mayroon ng vaccine. Pero ngayon na wala pa, huwag talaga kayong mag kompiyansa sa—I tell you, I’ve been a COVID survivor, alam ko kung gaano kahirap iyan.

So iyon lang po pakiusap ko sa ating mga kababayan na magsi-celebrate ng Pasko na magkakaroon ng gathering, observe, observe health protocols; iwas talaga. Kung puwede wala na munang party-party kasi mahirap talaga. Iyon lang po ang aking pakiusap sa ating mga kababayan. So iyon lang po, Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, stay healthy po. Salamat po sa inyong pagpapaunlak sa aming programa. Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Merry Christmas, Happy New Year po.

SENATOR DELA ROSA: Merry Christmas, Happy New Year sa iyo Rocky.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Ito nga po ang kabuuang ulat sa lagay ng COVID-19 sa buong bansa base po sa tala ng Department of Health kahapon, December 25, 2020, umabot na po sa 467,601 ang total number of confirmed cases. Samantala naitala naman po ang 1,885 new COVID-19 cases kahapon. Pito po katao ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot na sa 9,062 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa ngunit patuloy pa rin naman po ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 430,791 matapos pong makapagtala nang 307 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 27,748.

BENDIJO: Patuloy po tayong magtulungan na masugpo ang COVID-19 sa pamamagitan nang pagsailalim sa COVID-19 tests at siyempre katuwang pa rin natin diyan ang Philippine Red Cross. Kung nais ninyo pong magpa-swab test sa Red Cross, narito ang hakbang na dapat ninyong sundin:

[VTR]

BENDIJO: At samantala, para po bigyan tayo nang pinakahuling update sa ating laban kontra COVID-19, muli nating makakasama sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw po, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning.

BENDIJO: Opo. This is Aljo Bendijo, Usec., kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio. 1,885 ang naitala natin kahapon na bagong mga kaso ng COVID-19, Usec., pinakamataas po iyan sa loob ng isang linggo. Inyo na rin pong sinabi na ang pagbaba ng trend ay naputol na sa National Capital Region. Sa mga visuals na nakita natin sa pagdiriwang ng Pasko kahapon, ano po ang inaasahan natin sa mga susunod pang araw, Usec? Usec., can you hear me?

DOH USEC. VERGEIRE: Opo.

BENDIJO: Opo. Kahapon po ay nakapagtala tayo ng 1,885 – iyan po’y pinakamataas sa isang linggo at nasabi na rin na ang declining trend ay naputol na sa National Capital Region, dito po sa Maynila. Sa inyo pong nakikita sa mga visuals po sa pagdiriwang ng Pasko kahapon, ano po ang inaasahan natin sa mga susunod pang araw? Huwag naman po sana talagang tataas, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Actually po ang OCTA and Castor Group already have their projections ‘no at sinasabi nga po nila kung magtutuluy-tuloy po ito pong mga naging activities ng ating mga kababayan for this season we must be seeing around 4,000 to 4,500 new cases of COVID-19 just here in the National Capital Region.

So kaya nga po kami araw-araw na nagpapaalala sa ating mga kababayan, ito pong ating mga minimum public health standards ay kailangan po natin talagang i-comply strictly para hindi naman po tayo umabot sa ganiyang sitwasyon.

BENDIJO: Opo. Maihabol ko lang itong tanong, Usec. Ito bang bagong strain ng COVID-19 diyan sa Britanya – huwag naman po sanang pumasok sa bansa iyan – kaya bang labanan ng mga bakunang available ngayon sa ibang bansa at pinuproseso na ring maaprubahan sa Pilipinas, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, tingnan po natin ano base po sa mga ebidensiya, ang sinasabi pa lang ho nitong variant nga na bago na nakita sa United Kingdom at the start is the increase in transmissibility nitong virus na ‘to. Pero with regard to infectivity, iyong pathogenicity niya, iyong mga nagagawa niya ‘no sa loob ng katawan hindi pa ho nabibigyan iyan nang sapat na ebidensiya. So hindi pa ho natin masasabi kung ito ay magkakaroon ng epekto dito sa ating bakuna o hindi.

BENDIJO: Opo. Bigyan lang po natin ng daan ang mga katanungan ng ating kasama sa media. Mula kay Red Mendoza, Usec., ng Manila Times: Doctor Maricar Limpin of the Philippine College of Physicians said that they would suggest tightening restrictions again to MECQ if the country reaches 4,000 cases per day. Reaksiyon po ng Department of Health dito, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Well sir, iyon po ay isa sa mga pinag-aaralan naman natin buwan-buwan ‘no depende sa numero ng kaso saka depende sa kapasidad ng ating health system.

We have a scientific process that we undertake every month so that we can determine the risk classification of our country and the specific areas in our country. Sa 28 po magkakaroon na po ng IATF meeting, magkakaroon na po nang pakikipag-discussions ‘no with our IATF members as well as with our other experts so malalaman po natin iyan. And again, I’d like to say that we have the scientific process on how we determine the risk classification of the country.

BENDIJO: Mula naman kay Mark Fetalco ng People’s Television, Usec.: Kamusta po ang ginagawang verification ng Health Department sa expired na RT-PCR test donation ng RITM sa Baguio City according po kay Mayor Magalong? Usec…

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Una, kahapon po ay amin na pong na-check iyan ano. Basically for the local government, wala naman po kaming RT-PCR na naibigay na expired. Ngayon siyempre hindi po iyan natatanggal ano sa operasyon ng mga laboratoryo o kahit ano pang pasilidad na dadating po tayo doon sa point na may mga wastage tayo dito sa mga [garbled] natin or logistics. And ang amin hong iniisip, baka po doon sa mga laboratories na nabigyan na namin dati ay nagkaroon na po nang expiry ‘no over the months that we had been using this RT-PCR.

But definitely DOH or RITM will not issue expired RT-PCR kits to our laboratories because they will not have any use for that.

BENDIJO: Opo. Concern po nang marami ngayon iyong pagtanggap natin sa 50% efficacy rate ng bakunang Sinovac na siyang nasa unang listahan natin ng ipu-procure na bakuna, Usec. May Pfizer naman daw na halos 100% ang efficacy, bakit hahayaan daw natin itong mas mababa ang efficacy rate at mahal pa ang gagamitin natin?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan ano, unang-una ang WHO po ay nag-set nang minimum efficacy rate ‘no para sa mga bakuna during outbreak situation and that minimum would be 50% and the desired efficacy would be 70%.

Ang US-FDA po at saka iyong European Medicines Authority ang tinala rin po nilang efficacy na minimum would be 50%. We have to understand that these vaccines are still being developed ‘no so tapos hindi po lahat ng bansa ay magkakaroon nang equal share and can have, in the short term, iyong kanilang populasyon para mabakunahan. So we are trying to negotiate and we are trying to scoop ‘no kung ano po iyong mga acceptable.

Kapag sinabi po na 50% efficacy rate, iyan naman po ay sinasabi na kapag pumasok dito dadaan pa rin po iyan sa stringent regulatory process natin. So, we would still be able to determine and ensure na ang papasok po dito ay katanggap-tanggap sa ating populasyon. Pero kailangan lang pong maintindihan na lahat po ng avenues ay sinusubukang natin, but not to endanger naman the population.

BENDIJO: Opo. Follow up question, Usec. Hindi daw po ba masasayang lang ang pondo ng pamahalaan kapag Sinovac ang bibilhin?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyon po ang gusto kong ulitin ano, the government is ensuring that we will be efficient in this procurement of vaccines. Ibig sabihin, kung anuman pong pondo ang ating gagamitin para dito sa mga bakunang ito, ito po ay makakapagbigay ng objective natin na maproteksiyunan ang ating population. So, with all of these negotiations, sinisiguro naman po ng ating vaccine czar, ang ating makukuhang bakuna ay ayon sa international standards and as I have said, the WHO has issued this minimum efficacy in outbreak situations which can 50% efficacy.

BENDIJO: Ano po iyong mga factors, Usec., na tinitingnan ng Department of Health at ang pamahalaan pagdating sa pagbabalanse ng efficacy, safety at presyo ng mga bibilhing bakuna?

DOH USEC. VERGEIRE: Katulad po ng lagi naming sinasabi (garbled) regulatory process. So, aside from the vaccine expert panel, the Food and Drug Administration have already established or created their scientific advisory committee within their process, so that is another layer. Pagkatapos po ng Food and Drug Administration we still have the Assessment Council which will look into the risk-benefit, the cost-effectiveness of our procurement. So, ito pong lahat ng layers na ito ay makakasigurado po tayo na talagang iyong bibilhin po natin ay karapat-dapat at saka magiging efficient po ang gobyerno kapag binili natin iyan.

BENDIJO: Opo. Ano na lang po ang inyong mga paalala sa ating mga kababayan tungkol naman po sa paparating na selebrasyon na Bagong Taon?

DOH USEC. VERGEIRE: So, gusto pa rin po nating ipatuloy ang pagpapaalala sa ating mga kababayan. Nakatapos na po ang Kapaskuhan, parating naman po itong selebrasyon ng Bagong Taon. Sana po tayo ay maging mas maingat at tayo po ay to strictly comply with the minimum public health standard at saka iwasan po natin ang paggamit nitong mga paputok. Alam po natin ang mga violations na ating kinakaharap kung tayo ay gumamit nito at ito po ay it can cause harm to our public. So, sana po ay sumunod tayo sa mga pamantayan at patakaran ng gobyerno para po tayo ay magkaroon ng ligtas na pagsalubong dito sa darating na taon.

USEC. IGNACIO: Usec., mayroon lang pong pahabol na tanong si Rida Reyes ng GMA 7. Hindi po ba magiging busy ang mga doktor this New Year lalo na at inaasahang magdadagsaan ang mga naputukan at buhos ng COVID patients?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky, nakikita natin ngayon sa ating monitoring, we have a reported 10, sampung kaso ng mga naapektuhan nitong mga paputok which is lower compared to last year by 15 cases. So, sana po magtuloy-tuloy na ganito lang po ang dami at hindi na po madagdagan pa, para hindi na po makadagdag sa burden na hinaharap ngayon ng ating mga facilities o mga ospital.

With regard to the COVID-19 patients, we are closely monitoring our facilities at nakikita naman po natin na nakakaagapay pa ang ating mga ospital. Although in some areas, we are seeing na lumalapit na po sila doon sa high risk or sa danger zone. But we are now providing assistance and we are setting up the One Hospital Command in the different areas. So, hopefully po, pagdating nitong mga ganitong panahon lalo na sa New Year and the following days after that, tayo po ay magkaroon ng pag-stabilize ng mga kaso, para hindi na po ma-challenge ang ating facilities.

USEC. IGNACIO: Usec., ang second question ni Rida ng GMA 7: May mga naitala na bang firecracker related injuries, ngayon pa lang?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am, as I have said a while ago, sampu na po ang nasa ating talaan. Iyong monitoring natin nag-umpisa noong December 21, as of 6:00 AM today, mayroon na po tayong sampung kaso. So, anim po ay related dito sa mga apektado po, itong ating mga extremities at apat po ay [garbled] pero wala naman pong mga severe which requires hospitalization, wala rin pong namamatay dito sa firecracker injury na ito.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Happy New Year po.

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much, Usec. Rocky. Happy New Year to everybody.

BENDIJO: Samantala, Senador Christopher Bong Go namahagi po ng pamasko sa ilang mga pasyente at patient-watchers sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City. Narito ang report.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Samantala, hindi po muna natin makakasama ngayon sa programa si Batangas Governor Mandanas dahil sa isang importanteng appointment.

At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

BENDIJO: Samantala, anim na araw na lamang po at 2021 na, kaya paalala po sa lahat, mag-ingat, may banta pa rin ang COVID-19, mayroon pa ring pandemya. Sama-sama nating salubungin ang Bagong Taon na kumpleto ang ating mga daliri, na may malusog na pangangatawan at baunin ang mga aral ng mga taong nagdaan – ako po si Aljo Bendijo. Merry Christmas, Usec.

USEC. IGNACIO: Merry Christmas, Happy New Year, Aljo. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)