Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngayon po ang unang araw ng Lunes sa taong 2021. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Sama-sama po nating salubungin ang bagong taon na laging handa sa banta man ng COVID-19 o sa anumang pagsubok na darating sa ating bansa; ako naman si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Sa patuloy na pagmu-monitor ng pamahalaan sa kumakalat na [garbled] COVID-19 sa ibang bansa, dapat umanong mas higpitan pa ang pagpapatupad ng travel restrictions sa mga bansang apektado, ito ang panawagan ni Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Bong Go. Dagdag pa niya na kung gaano kabilis kumalat ang bagong strain ng virus na ito ay dapat lang din na mas mabilis pa ang aksyon ng pamahalaan para pigilan itong makapasok sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ay umabot na sa tatlumpu’t apat na bansa mula sa initial count na 21 countries ang pinasok ng bagong coronavirus strain na B117. Dapat lang aniya na idagdag na agad sa listahan na may travel restriction ang iba pang mga bansang kinakitaan na rin ng bagong strain. Nagbigay din ng babala ang Senador sa ilang indibidwal na humihingi ng exemption sa travel guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan kung saan ang ilan ay napabalitang hindi sumusunod sa quarantine measures. Aniya, walang exemption ang mga patakaran ng pamahalaan dahil ito ay para rin sa kapakanan ng bawat isa at ng ating bansa.

Dapat mahigpit, Aljo, ‘di ba para masiguro talagang hindi makapasok sa bansa iyong bagong strain.

ALJO BENDIJO: Tama iyan, Usec. Samantala, kahapon, Enero a-tres taong 2021, January 3, 2021, sumampa na sa 447,807 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 891 kahapon. Eight thousand three hundred sixty naman ang bagong bilang ng mga gumaling mula sa sakit, sa kabuuan na 448,258 recoveries. Habang nasa 9,257 naman ang mga nasawi matapos maitala ang apat na bilang ng mga namatay kahapon mula sa COVID-19.

Kahapon ay mas mababa sa isanlibo ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala. Malaki ang diperensiya nito sa naitala noong January 1 na mahigit 1,700. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamababang bilang ng kaso para sa taong 2021.

Ang Davao City ang pinagmulan ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso kahapon; sumunod ang Rizal with 55 new cases; Isabela – 50 cases; nakapagtala naman ang Lungsod ng Maynila ng 40 new cases; samantalang 37 na bagong kaso naman ang nai-report dito sa Quezon City.

USEC. IGNACIO: Four point two percent (4.2%) na lamang na total cases ang aktibong kaso, katumbas ito ng 20,292 cases. Ang malaking pagbaba sa bilang ng active cases ay dulot ng mataas na recovery rate na nairi-report tuwing Linggo. Sa mga aktibong kaso, majority or 80.9% ay mild cases, 8.2% ang mga asymptomatic o walang sintomas, 6.7% ang kritikal, 3.6% naman ang severe at .58% ang moderate cases.

Muli po ang aming paalala, mag-iingat pa rin po tayo para hindi mahawahan o makahawa ng virus, ugaliin po ang pagsusuot ng facemask at face shield higit lalo po kung kayo po ay nasa pampublikong lugar. Nais rin po naming ipaalala sa lahat na wala pa pong aprubadong bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas.

At para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. At para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

ALJO BENDIJO: Samantala, ikinatuwa ni Senador Christopher “Bong” Go ang naging desisyon ng Kuwaiti court kaugnay sa ginawang pagpaslang ng isang Kuwaiti national sa isang Filipino OFW. Aniya, patunay lang ang kasong ito sa kahalagahan ng pagsasabatas ng Department of Filipino Overseas. Ang karagdagang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin kung nagkaroon na nga ba ng significant surge sa mga kaso ng COVID-19 ilang araw po matapos ang Pasko at Bagong Taon at kung nakapasok na ang bagong strain dito sa bansa, makakausap po natin ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, si Secretary Francisco Duque III. Good morning po, Secretary, and Happy New Year po.

DOH SECRETARY DUQUE: Magandang araw po sa inyong lahat, Usec. Rocky and Aljo. At lahat po ng inyong mga tagasubaybay, manigo at ligtas na Bagong Taon na harinawa maging punung-puno ng tagumpay at pag-asa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta po ang monitoring ninyo ng COVID-19 cases sa bansa ngayong tapos na po ang holidays? Nakakita ba kayo ng significant surge o hanggang ngayon ba ay hindi pa rin po kumpleto ang data mula sa laboratories natin?

DOH SECRETARY DUQUE: Tama po kayo. Kaya although napapanatili natin na mababa ang bilang ng mga confirmed new cases on a daily basis gaya ng inyong ni-report ay hindi pa po tayo puwedeng magsalita ng tapos dahil sa January 15 pa lang natin talaga malalaman kung ang inaasahang bang surge ay mangyayari o hindi. Dahil nga itong nakaraang mga holiday season, Christmas at saka itong New Year, iyong health seeking behavior ng ating mga kababayan ay medyo hindi kahalintulad noong dati na mas nagpapatingin sa doktor, nagpapa-test sa mga laboratoryo ay dahil nga sa kanilang pagdiriwang ay isinasabukas nang isinasabukas o isinasantabi ang kanilang consultation and testing. Kaya malinaw po na hangga’t dumating ang January 15, hindi pa natin po masasabi na walang surge ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may mga tanong po ang ating mga kasamahan sa media. Unahin ko na po ang tanong mula kay Aiko Miguel ng UNTV: May update na po ba sa investigation ng unauthorized use of vaccine ng Presidential Security Group?

DOH SEC. DUQUE: Well, it is the first working day of the New Year at alam ko ay ang commitment ng ating FDA Director General, uumpisahan kaagad ang kanilang investigation. So, wala pa po tayong update pero kung mayroon na po ay ibabahagi po natin ito sa media partners natin kaagad.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po ang masasabi ng DOH sa statement po ni Senator Bato Dela Rosa na wala daw pong nilabag ang PSG na batas sa pagpapabakuna at sinabi rin po niya na, “They even risked their lives as the guinea pigs by being injected with it to protect President Duterte.

DOH SEC. DUQUE: Well, nirirespeto po natin ang mga opinyon ng sinuman at ang mahalaga po rito ay kung ano po ang kakalabasan ng imbestigasyong ginagawa ng FDA. Huwag po nating pangunahan ang anumang resulta na ilalabas ng FDA, NBI at saka Bureau of Customs sa naturang imbestigasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Last Thursday daw po, you said Filipino doctors risked losing their license to practice if they gave people COVID-19 shots because government has not yet approved the use of vaccines. Will you also go after the doctors who administered the vaccine on PSG personnel? Secretary…

DOH SEC. DUQUE: Tama po kayo at makikipag-ugnayan po ang Departamento ng Kalusugan sa Professional Regulations Commission para tingnan kung ano po ba ang mga kakalabasan ng investigation, kung sino po ba ang mananagot. Kung mayroon man, depende na naman sa resulta ng imbestigasyon ng FDA. Sila po ang lead agency patungkol po sa imbestigasyon na binanggit ko.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kinausap ninyo na po ba daw ang taga-Sinopharm to investigate paano daw po nailulusot ang kanilang bakuna without FDA’s approval at may pananagutan po ba sila sa mga balitang ito?

DOH SEC. DUQUE: Wala pa tayong direktamenteng pakikipag-ugnayan dahil nga ibinibigay natin sa FDA ang kanilang mandato upang alamin kung papaano nakalusot itong mga bakunang ito at may ugnayan ang FDA with the NBI and the Bureau of Customs. Hintayin na lang po natin iyong resulta.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Since mayroon na pong mga Filipinos na nakatanggap ng COVID-19 vaccine locally, nag-start na po kaya ng surveillance and Department of Health para sa mga nasabing individuals? If yes, ilan po kaya ang mga minu-monitor na after being inoculated with COVID-19 vaccine, Secretary?

DOH SEC. DUQUE: Well, noong Sabado ako po ay nakipag-ugnayan kay Secretary Del Lorenzana at kay Commander General Durante at ang kasunduan po magbibigay po sila ng listahan ng mga nagpaturok para nang sa ganoon mabantayan po natin for any adverse reactions. Ibig sabihin kung mayroon bang kakaiba na reaksiyon mula noong sila ay naturukan at kinakailangan pong suportahan at tugunan kung anuman iyong kanilang nararamdaman at importante po itong monitoring natin, kung tawagin natin surveillance or monitoring ng adverse events following immunization of adverse events of special interest. So, mayroon po tayong pakikipag-ugnayan, hinihintay ko lang po iyong listahan para nang sa ganoon ma-monitor po natin ang kanilang kalusugan matapos po silang maturukan.

USEC. IGNACIO: May dagdag na tanong pa rin po si Sam Medenilla ng Business Mirror: Pabor po ba daw kayo sa suggestion na dagdagan pa ang mga bansang may travel ban ngayong nasa 30 plus countries na daw po ang reported na may bagong strain ng COVID-19?

DOH SEC. DUQUE:  Well, unang-una iyong ating travel ban is temporary, hanggang January 15 lang at sinisiguro lang natin na hindi makapasok itong UK variant na ‘di umano mas mabilis makahawa. Although walang ebidensiya na nagpapakita na ito ay mas malubha ang karamdaman o kumplikasyong idinudulot. Pero siyempre, kinakailangan ay maging maingat tayo at dahil kung mas mabilis ang hawaan ay puwedeng ma-overwhelm/mabilaukan iyong ating health systems capacity kaya nagsagawa tayo, ang IATF, unanimous naman sa kanilang pag-approve ng resolution banning temporarily travelers from countries that have reported the new UK variant.

Pero alam po ninyo, hindi lang UK new variant ang ating binabantayan, kasi puwedeng mayroon tayo sa South Africa ‘no na lumalabas din at mayroon din posible sa mga ibang mga bansa, ibang variant ano, kasi nagmu-mutate po ang virus na ito at hindi natin masabi na ito lang po iyong kaniyang mutation at ito lang po iyong variant. Marami pa pong posibleng pagbabago na mangyayari patungkol sa COVID-19 virus at itong mga variants na ito ay natural lang na nangyayari.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may follow up po diyan si Ian Cruz ng GMA-7: Kailan daw po maisasama ang China at Vietnam sa mga bansa at teritoryong may travel restrictions sa Pilipinas kaugnay sa new variant ng COVID-19 virus? Anytime soon po ba daw ay magri-release nang updated list ng travel restrictions?

DOH SEC. DUQUE: Tama po kayo, hinihintay lang po natin ang abiso mula sa International Health Regulations at saka sa WHO. Kami po ay nagpulong kaninang umaga ng ating COVID Surveillance and Quick Action Unit at doon po napagkasunduan na tatalakayin po ito sa IATF-Technical Working Group meeting mamayang alas-dos kung ano po itong mga isasama sa listahan where we will have to impose temporary travel ban on countries that have reported the new UK variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Ian Cruz ng GMA-7: May plano po ba ang pamahalaan na pagkaraan ng January 15, kung kailan po matatapos ang travel restrictions sa higit na dalawampung bansa at teritoryo?

DOH SEC. DUQUE: Iyan naman po dadaan iyan sa pagsusuri, iyong data analytics natin at kung ano po iyong mga report. Pero habang tayo ay nag-temporary ban ay sinisiguro natin iyong kahandaan naman ng ating health systems capacity at ang ating mga prevention, detection, aggressive isolation, treatment and reintegration strategy ng ating tugon sa pandemyang COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN. Ang tanong po niya: Ano po daw ang status ng studies looking into saliva testing for COVID-19 at kailan po kaya malalaman ang results?

DOH SEC. DUQUE: Well, mayroon po akong sulat sa PRC matapos nirekomenda, nagbigay po ng rekomendasyon ang ating CLEP – ang CLEP po ibig sabihin COVID-19 Laboratory Expert Panel – mayroon po doon sa sulat ko sa kanila kung ano po iyong mga dapat nilang sundin para maaprubahan natin eventually iyong paggamit ng saliva sa testing for RT-PCR ng mga suspects and mga probable cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Jam Punzalan: May updates na po ba sa testing for new COVID variant here in the Philippines?

DOH SEC. DUQUE: Nakipag-ugnayan po ako over the weekend, noong Sabado sa Philippine Genome Center, kay Dr. Ayes at ang sabi niya sa akin baka Linggo daw (kahapon) ay posibleng maumpisahan na nila iyong whole genome sequencing ng mga positive isolates ‘no na mga nakuha mula sa mga biyahero from UK ‘no, at isasama din nila iyong mga isolates o iyong positive RT-PCR test specimen for genomic sequencing noong November and December cases.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang din po: Mabisa bang precautionary measure ang nasabing travel ban upang tiyak daw po na hindi makapasok ang new variant ng COVID-19 sa Pilipinas?

SEC. DUQUE:  Well, ang kasama sa effective control measures natin, iyon pa rin na minimum public health standards. So, mayroon mang mutation or variants ng COVID-19 strain ay ang mahalaga po rito ang individual na pagsunod or adherence sa ating wearing of face mask, face shield; physical distancing; iyong frequent use of alcohol or other disinfectants; iyong pag-iiwas sa mga kulob na lugar at mga matao, kumpul-kumpulan na mga indibidwal; at ang pag-iwas din sa mga may sintomas na sumakay sa mga public transport system; ang hindi pagsasalita o kumain sa mga transport system; at saka iyong ventilation, napakamahalaga po, dapat sapat po ang air circulation or ventilation sa pag-prevent ng COVID-19 transmission.

USEC. IGNACIO:  Opo, Secretary, may tanong si Celerina Monte ng Manila Shimbun: Sa Tapatan Forum daw po, Miss Teresita Ang See said that about 100,000 Chinese working in POGOs, as well sa some Filipino-Chinese businessmen had their COVID vaccines using daw po a Chinese Drugs here. Have you heard about it? How do you view this?

SEC. DUQUE:  Well, kasama po ito sa imbestigasyon na isasagawa ng ating mga regulatory agencies, again FDA, ang NBI at ang Bureau of Customs para matugunan lahat itong mga aspeto na pumapalibot dito sa usapin ng alleged injection of unauthorized and unlicensed, unapproved COVID-19 vaccines.

USEC. IGNACIO:  Secretary, puwede daw po ba ninyo i-explain sa ating mga kababayan ang tungkol sa magkakaibang efficacy rate na lumalabas sa Sinopharm vaccine, kung saan 79% lang po ang reported na Sinopharm, samantalang sa isinagawang clinical trial sa UAE naman lumalabas na 86%. Ang pabago-bagong data ba na ito ay dapat daw po bang mag-cause for concern ng ating mga kababayan lalo pa at isa po iyong Sinopharm sa frontrunners na kukuhaning bakuna for COVID-19 dito sa Pilipinas?

SEC. DUQUE:  Gaya ng mga paulit-ulit na sinasabi natin, dadaan po lahat ito sa proseso ng vaccine expert panel ng Department of Science and Technology, at pag-aaralan po nila itong mga datos na may mga iba-ibang mga resulta ang lumalabas, iyong iba 70 plus percent, iyong iba 90 plus percent. Magkakaroon po ng consolidation ng lahat po ng mga datos na ito at sa bandang huli, ang Vaccine Expert Panel ng DOST at ang Single Joint Ethics Review Board ang magsasabi kung pasado ba itong mga bakunang ito na ayon sa kanila pong mga mahigpit na pamantayan at bago naman po ipasa ito sa FDA na magkakaroon din po ng regulatory and technical evaluation bago po—or risk benefit assessment bago po sila mabibigyan ng Emergency Use Authorization.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero Secretary marami po ang nagtatanong, pero wala pa po kayong nakikita o nati-trace na may bagong variant dito sa Pilipinas ng COVID-19?

SEC. DUQUE:  Wala pa po tayong natutuklasan dahil nga inaantay natin ang opisina o ang ahensiya na may mandato at kakayahan tukuyin kung mayroon mang bagong variant, ito po ang Philippine Genome Center at kaugnay po nito ang RITM at saka ang UP National Institute of Health.

USEC. IGNACIO:  Secretary, may tanong po ni Maricel Halili ng TV 5: Following the calls from some senators to postpone the increase on PhilHealth premium, ano po ang mangyayari daw sa contribution? Tuloy po ba ang dagdag singil sa premium ng PhilHealth and what is your stand on this?

SEC. DUQUE:  Well, tuloy po ito kasi naayon po ito sa Universal Health Care Law. Kasi po, batas ito ay baka mahirapan po ang board kung saka-sakaling sulatan nila ang board ng PhilHealth for any deferment of the increase in the premium contribution rate.

So kinakailangan po siguro nito ay magkaroon ng amyenda ang batas para mapagbigyan po ang kanilang nais na i-defer or i-delay ang imposition or implementation of the premium contributions rate.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Health Secretary Francisco Duque III. Stay safe po, Secretary.

SEC. DUQUE:  Maraming salamat sa iyo Usec. Rocky at lahat po ng inyong mga tagasubaybay. At kami po ay handang magbigay ng pinakahuling ulat or developments patungkol po sa ating COVID-19 pandemic response. Maraming-maraming salamat po at muli Manigong Bagong Taon at keep safe po!

USEC. IGNACIO:  Salamat po. Samantala, kumustahin naman po natin ang ilang hakbang ng Senado para pangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayang manggagawa ngayong 2021, makakausap po natin si Senate Committee Chair on Labor and Employment and Human Resources Development, Senator Joel Villanueva. Good morning po, senator?

SENATOR VILLANUEVA:  Magandang umaga sa iyo, Usec Rocky, Sir Aljo at sa lahat po ng ating suking tagasubaybay.  Happy New Year po!

BENDIJO:  Happy New Year, Senator Joel. Bilang Bulakeño, isa po kayo sa mga umaapela na huwag totally ipagbawal o i-ban ang paggamit ng paputok lalo na isa ito sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng ilan nating mga kababayan diyan sa Bulacan.

Mula po sa viewpoint ng isang senador, ano kaya ang puwedeng gawin o batas na puwedeng ipasa para maisaayos po ang regulasyon sa paggamit ng paputok ng hindi po naapektuhan ang kanilang kabuhayan lalung-lalo na diyan po sa Bocaue?

SENATOR VILLANUEVA:  Tama po kayo Sir Aljo. At isa sa mga pinapanukala natin ay ayusin po natin ng husto iyong regulation, because it appears na ang problema ay doon sa regulasyon. Hindi naman po komo nakakasunog ang apoy ay hindi na po tayo puwedeng gumamit at hindi na po tayong magluto, baka po magutom po tayo.

Naiintindihan po natin iyong mga panawagan doon sa banning ng mga malalakas na paputok o kahit na iyong paputok na ho itself, talagang nakakatakot po iyan at delikado and dangerous.

Pero po iyong fireworks in itself, iyong mga pailaw, luces, alam po ninyo, Sir Aljo, tayong mga Bulakeño ay naging parte na ng ating kultura iyan at heritage po natin iyan. At siyempre tuwing bagong taon, we always look forward doon sa pagsisindi nitong mga pailaw na ito, itong mga fireworks na ito.

Sana po hindi maging total ban at puwede po nating gawin for instance na gumawa po tayo ng hakbang na gumawa po tayo ng isang lugar na dito lamang ginagawa iyong mga fireworks at mataas iyong regulation. Pagkatapos sa dami po ng fiesta sa atin dito sa Pilipinas, doon lang po kukuha doon sa pagawaan na iyon para mag-develop po at magpatuloy iyong paglikha ng trabaho at iyong economic activity.

The other thing is kung aalis po tayo doon, we prepare also doon sa mga maapektuhan. Nabanggit ninyo kanina iyong maapektuhan na mga kababayan natin lalo sa Bocaue, iyong mga maapektuhan na mawawalan ng trabaho, maganda po na mabigyan sila ng trabaho, mabigyan sila ng panibagong outlook kung ano ang pupuwede nilang gawin na negosyo, anuman iyong trabaho na puwede nilang pasukan. So, iyon po iyon ilang lang sa mga bagay, dahil ang tingin po natin, Sir Aljo for example kung sabihin natin iyong health issues, iyong usok for instance. Sa ibang bansa eh nagagawa po nila iyan, iyong EDSA po natin, mas mausok po diyan halos araw-araw. Ito po once a year lang. So tingnan din po sana natin iyon, at again ang apela ng aming mga kababayan dito sa Bulacan, huwag naman pong total ban ng fireworks industry.

USEC. IGNACIO:  Senator, speaking of New Year. Bumulaga din po ngayong unang araw ng 2021 iyon naman pong dagdag contribution sa SSS. At bilang senador, ano po ang masasabi ninyo na itinuloy ito sa kabila po ng nararanasang krisis ng bansa dahil sa pandemya, Senator?

SENATOR VILLANUEVA: Usec. Rocky, una, gusto natin sabihin na hindi naman po natin masisi sapagkat mayroon pong batas ‘no – ang batas po na ito ay iyong Social Security Act of 2018. So talagang magtutuluy-tuloy po iyan unless pigilin po natin. Kaya po, Usec. Rocky, kanina pong umaga, nag-file po tayo ng Senate Bill No. 1965, pinayl na po natin ito kanina, ito po ay naglalayong pigilin o suspendihin ang pagtataas ng kontribusyon ng SSS, ng ating mga employees at ng ating employers for year 2021.

Kasi ho nakasaad doon sa batas na binanggit natin kanina, every two years po ‘no, 2019/2020 12% po iyong contribution. By 2021 which is this year, magiging 13% na po at hanggang 2022 po iyan at hanggang ma-reach po iyong 15% by 2025. Sa atin pong panukalang batas na pinayl kanina, gusto ho natin na mag-status quo lang po tayo for this year alone, 2021 at nakita po natin, Usec. Rocky, na kaya naman ho sapagkat noon pong 2019 ang nakolekta ng SSS ay 220 billion at doon po sa 2019 na net revenue, mayroon po silang 55.7 billion pesos.

So kung ganoon lang din po, huwag na ho natin isama iyong 2020. 2019 figures na lang, kaya pa rin po at magsu-survive naman for one year itong ating SSS. Kaya po tingin natin ito ay nararapat sapagkat wala naman pong naka-anticipate na magkakaroon nang ganitong pandemya at mahihirapan nang husto ang ating mga manggagawang kababayan, ang ating mga employers. Eh bigyan po natin sila nang konting panahon pa para maka-recover until such a time na iyon ho, puwede na nating i-increase ulit ang contribution ng SSS.

BENDIJO: Opo. Sa ibang punto, Senador. Ano po iyong mga hakbang na naiisip po ninyong masigurong maipatupad this 2021 para po bigyan ng kabuhayan ang ilan nating mga kababayan na talagang naapektuhan ang kanila pong hanapbuhay dahil pa rin sa pandemya?

SENATOR VILLANUEVA: Well, Sir Aljo, gusto nating bigyan nang diin iyong importance nitong SBN 1965 sapagkat kung titingnan po natin, ang ating mga minimum wage earners alone for this year, mag-i-increase po monthly contributions nila nang P130. Doon po sa mga middle class, for example iyong mga naglalaro sa 25/30 thousand salary a month eh P850 po ang increase nila for every single month po ito ‘no. So medyo malaki po ito at apela natin sa ating mga kasamahan sa Kongreso in both Houses, sa Kamara at sa Senado ay paspasan ho natin at suspendihin ho muna natin just for one year itong contributions ng SSS. Iyong increase lang naman po, so ibig sabihin makakakolekta pa rin po iyong SSS.

And just to note also Sir Aljo, kasi iyon pong SSS contribution, iyong regular contribution diyan, hindi pa ho kasama iyong employees compensation, hindi pa po kasama diyan iyong mandatory provident fund. So, medyo malaki ho talaga kaya ang pakiusap natin, talagang pagtuunan ho iyan ng pansin.

And then siguro, Sir Aljo, nabanggit kanina sa news iyong importance of concentrating iyong efforts and the focusing our efforts in helping our OFWs. Alam ninyo naman po dito sa Committee on Labor and Human Resources Development, tayo po iyong naatasan diyan doon sa paglikha ng departamento para sa ating OFWs. Unfortunately, there were questions raised with regard to rightsizing and hindi lang naman iyong Department of Filipino Overseas ang naapektuhan, lahat po ng pag-create ng department ay naantala at nasa Committee on Rules po ito at I’m sure in the coming days we will dispose of this particular issue and hopefully and praying na makapag-move forward na po tayo at masimulan na itong pagbalangkas natin nang paglikha ng Department of Overseas Filipinos.

Natutuwa din po tayo sapagkat ang Pangulong Duterte ay sinertipikahan ho ito bilang urgent measure, kaya we’re praying na mapabilis po natin ito at makatulong nang malaki sa ating mga kababayan overseas.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator bigyang-daan lang natin ano, may tanong po iyong ating kasamahan sa media. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: As Chairman po of the Labor Committee in the Senate, what are your thoughts on Senator Drilon’s concern that creating a new government department goes against the avowed goal to right-size the bureaucracy given concerns that nearly half of the annual government budget goes to salaries and administrative cost instead of services?

SENATOR VILLANUEVA: Well, alam ninyo po Usec., legitimate naman iyong question and it’s not only talking about the creation of the Department of Overseas Filipinos but also all other agencies or departments being created – nandiyan po iyong creation ng disaster management, etcetera ‘no. Ang sa akin lang po ay ang nakikita natin, iyong kahalagahan nang concerted efforts ng ating buong gobyerno – mga ahensiya, departamento, you’re talking about DOLE, you’re talking about DFA, you’re talking about DSWD – ilan-ilan po iyan ano.

And tulad ngayon po iyong nangyaring pandemya, dito lang ho sa pagku-quarantine, kung sinu-sino po iyong ating kinakausap – OWWA, iyong IATF, etcetera. Kung mayroon pong isang departamento, mayroon pong isang one solid department that would focus on the needs of our OFWs, anuman po ito, kahit ano pa man. Sapagkat sa ngayon po, for example when you talk about jobs o iyong working conditions nila doon sa lugar na kung nasaan sila, nandoon po iyong DOLE, nandoon po iyong POLO, nandoon po iyong mga labor attachés. Kapag nagkaroon ho sila ng problema, for example doon sa social welfare naman po nila, this is under DSWD naman. Kung hindi ka naman po documented and nagkaroon ka ng problema, punta ka naman sa embassy, so DFA naman ‘to. Iyong assistance to national fund na dinagdagan po natin ngayong taon, na ang budget po ngayon is 1.259 billion, ay iyan po ay under the Department of Foreign Affairs.

So iyan po ang gusto nating pagsama-samahin sa isang bahay at ang nais naman po natin to address the concern na gastos ulit, ang nais po talaga natin ay hindi na magkaroon nang additional expenses ‘no. Ang gawin po natin kasi, kung ano po iyong mga units and departments and bureaus na pagsasamahin po natin sa isang bahay, kung ano po iyong budget nila this year, iyon din po iyong magiging budget nila at hindi na po kailangan magdagdag muli.

So iyon po iyong ating panukala diyan and doon naman po sa issue nang panghabambuhay po ba ito, eh lalagyan naman po natin sunset provision para hindi ho magkaroon ng wrong signal that we are conveying na ito ay polisiya ng ating estado na magpadala ng mga workers sa ibang bansa. So hindi naman po iyon ang ating ninanais, it’s just that right now ay kailangan naman po ng mga kababayan natin nang greener pasture at trabaho sa ibang bansa then we’ll let them do that ‘no. Pero pagdating ng time mayroon din po tayong pag-iisip na balang araw dito na rin po sila sa Pilipinas magtatrabaho. Mayroon po tayong matayog at malaking pangarap para sa ating mga OFWs.

BENDIJO: Senador, isa raw sa magiging priority sa pagbabalik ng sesyon ng Senado ngayong Enero ay iyong deliberation sa pagtatag ng Department of Disaster Resilience. Sa palagay ninyo po ba ay mapapabilis ang pagpasa dito o kakain pa nang mahabang oras bago ito maisabatas?

SENATOR VILLANUEVA: Well Sir Aljo, isa rin po iyan sa pag-uusapan sa Committee on Rules sapagkat kagaya ng nabanggit kanina ni Usec. Rocky, there will be a deliberation again in the Committee on Rules to talk about it because iyong rightsizing bill was also prioritized last Congress. How is it now, can we proceed without tackling rightsizing bill? Puwede bang unahin iyong rightsizing bill o puwede bang sabay talakayin? Iyon po iyong ilan sa mga idi-discuss ng buong Committee on Rules and I heard Senator Migz saying na he will also call for an all-members caucus to look into this at malaman natin ano iyong priority talaga natin ‘no.

But as I speak for the creation of the Department of Filipino Overseas, ang ating Pangulo himself already mentioned about this – this is a priority. He also certified this as an urgent measure and so we feel na ito ay clear signal on the part of the administration, of the President na ito ay priority measure that we should look into.

USEC. IGNACIO:  Senator, ano na lang daw ang reaksiyon ninyo na kayo daw po iyong pumapangalawa sa may pinakamataas na boto sa isang survey na kinondak para sa senatorial bet for the 2022 elections?

SENATOR VILLANUEVA:  Well, nakaka-humble po at tayo naman po ay we will just continue working and malayo sa isip natin ang 2022 elections, napakatagal pa po noon. Napakarami nating pupuwedeng gawin at as we are discussing the whole time here, iyong mga priority measures iyon ang dapat tutukan ho natin and tingin ko po napaka-challenging ng oras na ngayon, this time of the year na nagsisimula po tayo, new beginnings, bagong taon at narinig na natin iyong vaccines ay available na at iyong ibang bansa nagba-vaccinate na and we are praying and hoping na makarating na rin po sa atin at mabakunahan din po ang ating mga kababayan, tayo pong lahat dito sa Pilipinas at maka-move forward po tayo.

Malaking hamon itong nangyaring pandemya, iyong unemployment rate po natin ay nasa 8.7% pa rin and remember sabi nga ni Sec. Bello, 3.3 million iyong nawalan ng trabaho. And importante talaga na magsama-sama po tayo at patuloy magtrabaho para makabangon muli ang ating mga kababayan, ang ating ekonomiya at talagang totoong manigong bagong taon ang ating maranasan, Usec. Rocky. Maraming salamat po!

BENDIJO:  Senador, ano po iyong tugon ng pamahalaan so far sa inyo pong mungkahi na isama din ang ating mga laborer, sa mga manggagawa sa vaccination program kung saka-sakaling dumating na maaprubahan na sa FDA ang bakuna para sa mga Pilipino?

SENATOR VILLANUEVA:  Well, tama po kay, Sir Aljo. At importante na kapag tiningnan natin what is essential, siyempre iyong ating mga health workers, mga frontliners, ating mga kapulisan and another thing is iyong ating mga frontline workers ‘no – iyon pong mga security guards, iyon pong mga nasa supermarkets, etcetera at importante po na napaghahandaan po sila.

And other thing that we are pushing for this coming committee of the whole hearing sa Senado ay iyon pong logistics at pag-usapan po natin kung papaano natin masisiguro na makakarating ito sa mga far-flung areas. Because the biggest pharmaceutical company in the Philippines already made mention that they can only deliver or reach as far as Cebu City. So, papaano iyong mga malalayong lugar and we also recall na iyong ilang vaccines are saying na may requirement po sila na certain amount of temperature na kailangan iyong storage ng vaccine. So ilan po ito sa mga dapat nating pagtuunan ng pansin – iyong logistics, iyong distribution, itong storage and tingin ko po napakaimportante po na alam ng ating mga manggagawa, mga frontline workers natin, iyong mga nasa grocery stores, mga security guards, iyong mga nagmamaneho ng sasakyan, mga buses, iyong mga nasa MRT, etcetera, alam po nila na mayroong nakahanda na bakuna para sa kanila once mag-start na po sa ating most awaited COVID-19 vaccination.

BENDIJO: Maraming salamat Senator Joel Villanueva, mabuhay po kayo. Happy New Year!             

SENATOR VILLANUEVA:  Happy New Year, sir Aljo, Usec. Rocky. Isang malaking karangalan po ang makasama kayo ngayong araw na ito. Mabuhay po kayo and again Happy New Year God bless us all. Thank you.

USEC. IGNACIO:  Okay, salamat po, Senator Joel. Samantala, sa pagpapaliban sa dagdag singil sa PhilHealth contribution, hiniling din ni Senator Bong Go lalo pa at patuloy pa ring kumakaharap ang bansa at mga Pilipino sa banta ng COVID-19 ngayong bagong taon. Narito ang detalye:

[VTR]

BENDIJO:  Para po kumustahin natin ang pagsisikap ng pamunuan ng Lungsod ng Pasig para buhayin ang ekonomiya ng siyudad habang may banta pa rin ang COVID-19, makakapanayam natin si Mayor Vico Sotto.  Magandang umaga po, Mayor, at welcome sa ating Public Briefing.

PASIG CITY MAYOR SOTTO:  Magandang umaga po sa inyo. Happy New Year!

BENDIJO:  Happy New Year. This is Aljo Bendijo, Mayor, with Usec. Rocky Ignacio. Again, congratulations, Mayor Vico sa pagbubukas ng Pasig City ng business one-stop shop kahapon. Pang-ilan itong nabuksan kahapon at may plano bang magtayo kayo ng one-stop shop sa mga susunod pang buwan?

PASIG CITY MAYOR SOTTO: Sir, bale dalawa po iyong malaki nating one-stop shop. Mayroon po tayo sa City Hall mismo, iyong mega parking, iyong ground floor, kinonvert muna natin kasi ito iyong nakita nating area na maluwag pati maganda iyong bentelasyon. Ngayon, ito po iyong mga larawan na pinapakita po natin ngayon, ito naman po iyong pangalawang business one-stop shop natin, iyong bagong construct po sa Ayala The 30th Mall sa Barangay Ugong. Kasi 30 plus percent ng mga negosyo sa Pasig, nasa dalawang barangay lang. Nandiyan kasi iyong Ortigas Center Business District natin.

So para hindi na po sila pumunta sa City Hall, ma-decongest po ang ating halls sa City Hall, binuksan po natin itong bagong one-stop shop sa Ayala The 30th Mall.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ano po iyong maitutulong ninyo sa mga negosyo naman, lalo na ngayong may pandemya?

PASIG CITY MAYOR SOTTO: Yes, actually ito pong pagbukas namin ng one-stop shop sa Ayala The 30th, Usec., ay malaking bagay po ito ‘no kasi, una, madi-decongest, mas safe po, mas mami-maintain natin iyong mga health protocols natin. Of course, iyong mga early payment, mayroon din po tayong maliit na discount. Pinag-aaralan din po natin iyong extension ng mga amnesty. So marami po tayong mga ginagawa ‘no para sa ating mga negosyo. Alam natin kailangan talaga nating alalayan ang ating lokal na ekonomiya sa ngayon. Sa panahon ng COVID, talagang maraming nagsara, maraming nalugi. So we will do everything that we can to make things easier, to make things more convenient for our businesses in Pasig City.

ALJO BENDIJO: Opo. Epektibo ho ba talaga sa pagproseso ng mga business permits, Mayor, base sa inyong obserbasyon mula sa mga nauna na ng business one-stop shop?

PASIG CITY MAYOR SOTTO: Well, unang araw pa lang naman po ngayon ano, so tingin ko ay masyado pang maaga para i-assess talaga or i-evaluate. Pero ilang buwan na namin itong pinagsisikapan ano na talagang ayusin, i-streamline ang mga proseso, bawasan ang red tape. To increase the ease of doing business, mayroon kaming isang committee na ito lang ang ginagawa, led by our city administrator.

So ito talagang ang dami naming ginagawa para maging mas business-friendly kami sa Pasig. Hindi pa siya perpekto ‘no at sigurado po magkakaroon pa rin iyan ng mga pakonti-konting problema o aberya, but we’re confident that this year will be better than last year.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kaugnay po niyan, may tanong din iyong ating kasama na si Evelyn Quiroz na media sa Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya sa inyo: The city government of Pasig managed to shorten business registration to two days in contrast to old system wherein businessmen would have to visit city hall at least 20 times. How were you able to do it?

PASIG CITY MAYOR SOTTO: Ang goal po natin dito, kapag kumpleto naman po iyong dokumentong hawak mo, kumpleto iyong requirements, wala namang problema, lahat legal, okay, dapat pagpunta mo, one-stop shop talaga. Ibig sabihin, isang beses ka na lang pupunta. Kung may kulang po sa requirements, sasabihin sa inyo, ‘Ito po iyong mga kulang,’ wala ng kontak directly sa mga departments katulad ng sa environment or sanitary permit, doon na lang, may isa na lang magbibigay sa inyo kung ano ang kulang; sa pangalawang pagbalik ninyo at kumpleto na iyong dokumento, makukuha ninyo na po iyong permit ninyo.

Sa pag-aaral po kasi namin, in previous years, mayroon pong pagkakataon na business owners would have to visit city hall ten times, 15 times. Mayroon pa nga kaming mga nakausap, 20 plus times pumunta sa city hall. So we’re really trying to cut red tape. This is a long journey, it’s a difficult process. Pero sa ngayon ay confident po kami na talagang kapag kumpleto ang dokumento mo, isang beses lang. Kapag kulang ang dokumento, sa pangalawang balik mo, okay na po.

ALJO BENDIJO: Opo. Mayor Vico, kung saka-sakaling nandiyan na ang bakuna natin diyan sa Pasig, ano po ang proseso sa pamamahagi ng bakuna? May libreng bakuna ba sa Pasig?

PASIG CITY MAYOR SOTTO: Naghahanda po tayo para sa vaccination, city-wide vaccination. Nakikipag-coordinate din tayo sa Department of Health pati sa ating IATF and also with the Metro Manila mayors through the Metro Manila Council.

Nag-allot din po tayo, naglaan din tayo ng pondo dito sa Pasig, at the very least, 300 million. Ito po iyong nakalaan na, pero madali naman po, kaya nating dagdagan ito kung may available na supplies at may mabibili pa po ang lokal na pamahalaan.

Uunahin po natin ay iyong medical frontliners. Ito po iyong pinakaimportante sa lahat. Alam naman po natin hindi tayo makakabili ng dalawang milyong dose kaagad para sa lahat ano. Pero medical frontliners, unahin po natin para makapagtrabaho po sila nang maayos. Pangalawa po, iyong senior citizens, tapos we will go from there.

ALJO BENDIJO: Opo. Mensahe na lang, Mayor, sa atin pong mga manunood lalo na diyan sa Pasig City, mga kababayan po ninyo. Mayor, mayroon ding kumakalat na fake news na nai-quote po kayo kung sino iyong ibuboto next year.

PASIG CITY MAYOR SOTTO: Naku, ako, wala pa akong iniisip na ganiyan. Sad to say, iyong mga fake news minsan may mga naloloko talaga ano. So sa mga manunood po natin, maging mapanuri po tayo sa mga nababasa natin lalo na sa Facebook, sa social media. Napakadaling gumawa eh, ilalagay lang iyong picture ni Presidente, maglalagay ng picture ng senador, maglalagay ng quote, imbento lang – ang dali pong gawin eh. Kaya kailangan maging maingat na maingat po talaga tayo.

Sa lahat ng mga manunood natin, lalo na baka may mga nanunood pong Pasigueño, maraming salamat po sa inyong kooperasyon noong Pasko, noong New Year. Baka po magkaroon tayo nang konting spike dahil sa mga gatherings noong Pasko, sana sumunod tayong lahat sa mga health protocols natin. Pero handa naman po ang inyong lokal na pamahalaan. Nandito lang po kami para sa inyo. Paalala lang po na patuloy tayong sumunod sa mga health protocols natin – pagsuot ng mask, social distancing. Paulit-ulit man natin naririnig, huwag tayong magsawa dahil para sa kapakanan din po at kalusugan po natin lahat ito.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat sa pagpapaunlak sa amin, Mayor Vico Sotto ng Pasig City. Mabuhay po kayo, Mayor. Stay safe.

PASIG CITY MAYOR SOTTO: Maraming, maraming salamat. Stay safe po, hanggang sa uulitin po.

USEC. IGNACIO: Samantala, ngayon naman ay silipin natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si John Mogol. John?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service.

ALJO BENDIJO: Ngayon naman makibalita tayo sa PTV-Cordillera kasama si Debbie Casingan. Debbie?

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat Debbie Casingan mula sa PTV-Cordillera.

Maraming salamat din sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay kayo!

USEC. IGNACIO: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat din, Usec., and happy New Year. Ako naman po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)