Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo; ngayon po ay ika-5 ng Enero 2021. Tuluy-tuloy pa rin po ang ating balitaan, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Alamin natin ang mga naging pangyayari sa iba’t ibang dako ng bansa, ako naman po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Sama-sama po muli tayo ngayong bagong taon sa pag-unawa ng mga isyung pambayan at laging tandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito; at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

ALJO BENDIJO: Sa unang balita: Pinahinto muna ng Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng dagdag singil sa PhilHealth contributions ngayong taon. Ito ay sinang-ayunan naman ni Senate Committee Chairman on Health and Demography Senator Bong Go dahil marami pa sa mga kababayan natin ang bumabangon dahil po sa pandemya. Alamin ang buong detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, panukalang lilikha ng kagawaran para sa Overseas Filipinos isa sa mga prayoridad ngayong 2021 kasama ang dalawampu pang panukalang batas. Panoorin po natin ito:

[VTR]

ALJO BENDIJO: Namahagi naman ng tulong si Senador Bong Go sa dalawang golf club sa Davao City na labis nang naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Alamin ang buong detalye sa ulat na ito:

[VTR]

ALJO BENDIJO: At samantala, kamakailan lang ay nanawagan ang Anti-Red Tape Authority o ARTA sa mga local government units upang i-fully implement ang kanilang Business One-Stop Shop o BOSS para sa business registration at license renewals this year 2021 at kaugnay niyan ay makakausap natin si Attorney Jeremiah Belgica ng ARTA. Magandang araw po, Atty. Belgica.

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Magandang araw, Aljo at Usec. Rocky, sa lahat ng inyong mga tagasubaybay dito sa Laging Handa. Happy New Year sa atin.

ALJO BENDIJO: Kumusta po ang compliance ng mga lokal na pamahalaan dito po sa BOSS o Business One-Stop Shop na pinapa-implement ninyo sa mga local government units, Attorney?

ARTA DIR. GEN. BELGICA: Well, malalaman natin ito, Aljo, sa ating pag-iikot simula tomorrow sa mga LGUs ulit. Last year, 2020, tayo’y nag-inspect; at the rest of the year ay tuluy-tuloy ang ating paalala sa kanila at pagbibigay ng mga tip, mga guidelines kung paano nila maaaring i-construct ang kanilang mga Business One-Stop Shop. Ito’y alinsunod din, Aljo, sa ating mga iba’t ibang mga issuances at batas na rin ‘no, ang Republic Act 1132 na naglalayong talaga na mag-construct at magtayo ng mga Business One-Stop Shops ang lahat ng mga LGUs.

So, sa ating audit noong January uunahin natin ang mga highly urbanized cities lalo na ang mga NCR cities. Personal kong pupuntahan sila upang iskoran natin ‘no ang kanilang compliance dito sa ating iba’t ibang mga requirements.

BENDIJO: Opo. Dito po sa BOSS, Attorney, opo. Mayroon po kayong programa yata Attorney Belgica para po i-streamline natin, mapabilis ang pag-procure ng mga bakuna kung saka-sakali or registration para sa ganoon ay ma-implement kaagad ang malawakang pagpapabakuna kung saka-sakaling nandito na sa atin ang FDA-registered na mga vaccine, Attorney?

ARTA DG BELGICA: Tama iyan, Aljo. Last year pa actually, since noong 2019, ang isa sa mga prayoridad na ahensiya na tinutukan ng Anti-Red Tape Authority at tayo ay nakipagtulungan ay itong Food and Drug Administration. Napakahalaga ng ahensiya na ito, itong FDA dahil hindi lamang pagkain, pero gamot ‘no pati iyong mga food supplements, ganoon na rin pati iyong mga radiation devices ay dumadaan lahat ito sa FDA kaya nga ang streamlining nila ay isa sa mga ginawang prayoridad ng Anti-Red Tape Authority.

At nakita natin last year ay sinimulan na nila ang kanilang full operation ng mga serbisyo nila diyan. Kaya ang isa ho sa aming pinapaalala sa ating mga kasamahan sa FDA na ang mga registration process sa certificate of product registration po nila ay hindi ho dapat lumagpas nang 20 days processing time. Iyan rin ho ang inilagay po ng Food and Drug Administration sa kanila pong citizen’s charter. So ang strategy natin dito, Aljo, is bukod doon sa tinatawag na emergency use na sistema na in-authorize ng ating Pangulo ay kasama na rin iyong tradisyunal na certificate of product registration na mas pinabilis.

So pareho itong kinakailangang gawin ng FDA upang siguraduhin ang timely delivery talaga nitong mga vaccines na ito at ibang mga gamot na kakailanganin natin. So umaasa kami na mas streamlined na talaga ang magiging proseso diyan at tayo naman po ay nakaantabay.

BENDIJO: Opo. Dinig ko kanina 20 days lang ang dapat na i-allot na oras ng FDA para po sa registration na iyan. Tama ho ba? Wala nang exemptions diyan, Attorney?

ARTA DG BELGICA: Well, iyan kasi Aljo ang sinabi ng ating batas sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act o iyong tinatawag nga nila na bagong ARTA Law, na ang government services ay nahahati lamang sa tatlong katergorya: simple, complex o highly technical transactions. Kapag simple, ito ay 3 days na lamang dapat. Kung ito ay complex transaction, ito ay 7 days. Kung ito naman ay may kinalaman sa public health at public safety such as itong mga proseso ng FDA ay 20 days ang ibinibigay ng batas.

Ngayon maaari silang mag-request ng extension of additional 20 days in writing kapag mayroon silang reasonable basis for extension at ito naman ay naaayon din sa batas. But it has also to be in writing otherwise ang sinabi ho ng batas ito ay automatically deemed approved by operation of law. Iyan ay nasa batas na at alam din ho ng ating mga kasamahan iyan sa gobyerno at ang FDA din po ay nag-submit sila ng kanilang citizen’s charter sa ARTA at doon rin ho inilagay rin po na ito ay within 20 days lamang.

BENDIJO: Opo. Balikan ko lang po iyong BOSS, itong Business One Stop Shop, Attorney. Mayroon ba kayong mga resulta na sa isinasagawa ninyong on the spot surprise inspection, kung ito ay nasusunod ba ng mga LGUs na maiwasan po natin ito pong red tape?

ARTA DG BELGICA: Yeah. Actually for this year, mag-i-start tayo bukas sa ating pag-ikot pero even prior to this year, tayo ay nagbisita, tumulong tayo sa iba’t ibang mga LGUs – isa diyan ang Quezon City, ang Pasig na nag-launch din recently ng kanilang Business One Stop Shop. Ang Quezon City ay nag-launch naman ng kanilang Electronic Business One Stop Shop. So, of course, iyong mga dati nang mga nauna – ang Valenzuela ay naririyan din, ang Parañaque na atin hong nakita.

Noong nakaraan, mga two months ago Aljo, tayo naman ay nagpunta sa Tacloban City at nakita naman natin ang kanilang Business One Stop Shop. Kasi ang paghahanda na ito ay nagsimula pa ‘no noong November, December talagang pinaghahandaan ito ng mga LGUs. Then naglabas tayo ng ating mga guidelines at may mga existing din tayo na mga joint memorandum circulars na maaari ho nilang gamitin.

So, nakita ho natin na marami na hong mga LGUs na mayroon na pong Business One Stop Shops. Pero bukod diyan, Aljo, ang gusto nating mangyari is iyong best level ‘no – iyong Electronic Business One Stop Shop o iyong EBOSS na kung saan puwede mo nang ma-access ang business permitting online ng mga LGUs.

Kaya nga ang binibigay na target sa kanila ng ARTA is iyong naaayon sa batas. By June 2017 sila dapat ay mayroon nang mga Electronic Business One Stop Shops at ito ay maaaring posible dahil mayroon na rin tayong nagawa na software na puwede nang gamitin ng LGUs sa pamamagitan ng DICT ‘no, nila Secretary Honasan. Nag-develop na rin tayo ng Electronic business permitting licensing system. So ito ay mangyayari talaga lalo na ngayong taon na ito ay this is very exciting time talaga for streamlining and automation para sa mga LGUs.

BENDIJO: Opo. So mayroon din kayong panawagan na itong e-signature online payments, opo. Eh ito ba ay feasible, natutugunan ng mga LGUs, wala pong problema nito? Ito ay napakagandang programa para mapabilis po ang transaksiyon sa pamahalaan, Attorney Belgica.

ARTA DG BELGICA: Tama iyan, Aljo. Kung tutugunan nila o hindi, I think ang tanong diyan—the question is not a matter of ‘if’ but a matter of ‘when’ ‘no. Kasi kinakailangan talaga nating mag-transition diyan and I’ll tell you why, because hindi talaga tayo puwedeng magkaroon nang fully automated system nang wala tayong tinatawag na digital signatures and digital payments.

Isipin mo na lamang Aljo na nag-automate ka ng iyong sistema pero pagdating sa bayaran eh mano-mano pa rin o kaya nag-automate ka ng iyong sistema, paglabas permit mo kailangan mano-mano pa rin ang pirmahan. So ang mangyayari niyan ipi-print mo pa rin iyong physical copy at pipirmahan mo ito o kaya pupunta ka doon physically para magbayad pa rin sa munisipyo o kung saan mang ahensiya.

Kapag sinabi mong automated ang sistema or online ang sistema, everything can already be done online pati ‘yung iyong permit ay kinakailangan electronic version na rin. Similar ito doon sa mga nakikita natin kapag tayo ay bumibili ng mga ticket sa eroplano, ipapakita mo lang – kahit sa sinehan ano, ngayon ay makikita mo ang mga ticket natin sa sinehan nasa cellphone mo na lamang. Ang visa are examples of what we call electronic tickets or electronic permits, in the same way that it is reliable in the commercial sector.

Ganoon din po ang direksiyon po at tinatahak na ho ng ating pamahalaan na gawing electronic na rin ho ang permits, ang signatures pati ang payments ‘no. Nakikipagtulungan na po ang ARTA sa DICT; pati po ang COA ay nagbibigay ho sa atin ng kanilang mga paggabay para siguraduhin na ito po ay ligtas at hindi rin ho magiging susceptible for corruption or fraud.

BENDIJO: Opo. So mayroon pong gabay ang Commission on Audit po dito? Mayroon yata tayong batas niyan, Attorney, hind po ba ‘no, itong Electronic Commerce Act? Pero mayroon lang mga panuntunan lang dapat sundin ang mga LGUs, opo.

ARTA DG BELGICA: Tama iyan, Aljo. Actually napakadami, pati may mga issuances din ang COA, ang DOF at alam mo, I think, ang issue dito hindi na iyong legal ‘no pero iyong kasanayan, iyong tinatawag natin na learning curve, because we have done, you know, government and bureaucratic processes manually for, you know, since the very beginning and now it’s like we’re transitioning talaga sa isang panibagong pamamaraan nang pagggawa ng mga bagay.

So kinakailangan matuto ng mabilis ang mga taong gobyerno at iyong mga datihan ay kinakailangang matuto at iyong mga baguhan naman ay pag-igihin nila ang mga paggamit nitong mga proseso na ito.

Again, what I am saying it’s not the legal issues talaga ang nakikita namin sa parati naming pakikipagpanayam, pero it’s the actual learning at using ang kinakailangan po nating ma-adopt na sa ating mga proseso.

BENDIJO: Paano po natin mabibigyan ng proteksiyon ang atin pong mga negosyante sa mga scams online, Attorney, dito po sa programang ito?

ATTY. BELGICA: Definitely, Aljo. Alam mo ang isa sa mga misconception pagdating sa digital signatures, digital payments is that it is more susceptible to fraud vis-à-vis iyong manual system, which is wrong.

Actually, lumalabas pa nga, ako personal, noong mas naintindihan ko rin, nakita ko na mas safe pa pala, mas secure against fraud ang mga online systems kasi ito ay traceable, mayroon tayong mga block chain system, mayroong mga PNP KI [Key Infrastructure] system ngayon na in place na makikita kung kaninong computer, kaninong laptop, kaninong unit ang ginamit at ito ay may mga passwords na maaaring ikaw lamang ang makakaalam at malalaman mo rin kung anong oras nangyari ang transaction, anong oras nangyari ang pagpirma at napi-furnishan ng kopya ang ilang mga taong kinakailangan ng transaction.

Eh kapag ikaw ay pumirma ng mano-mano ngayon, eh kung medyo mayroon kang tinatawag na golden hand na tawag na pirma ay madali po nilang ma-forge pa iyan.

So kaya nga ho ang sinasabi natin na pag tiningnan po ninyo, there are two hallmarks na mahalaga po pagdating sa digital signatures or digitalization is number one, iyong tinatawag na data privacy at number two iyong cyber security. Iyon po iyong dalawang bagay na ating sinisigurado at ang DICT has done a really great job po sa tulong na rin ng National Privacy Commission to insure that all of these are safe and it protects our privacy at the same time.

BENDIJO: Maraming salamat po Atty. Jeremiah Belgica, ang Director General ng ARTA, Anti-Red Tape Authority. Happy New Year and mabuhay po kayo.

ATTY. BELGICA: Salamat. Mabuhay po kayo; mabuhay kayo nila Usec. Rocky, marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Attorney. Bago po magtapos ang taong 2020 ay inanunsiyo ng Social Security System na ito ay magtataas ng 1% sa monthly contribution rate kung saan po ay magiging 13% mula sa dating 12%. Matulad din kaya ito sa PhilHealth po na ipinahinto ng Pangulo ang premium hike, tungkol po riyan, makakausap po natin si SSS President at CEO Aurora Ignacio. Magandang araw po, Ma’am!

SSS PRES/CEO IGNACIO: Magandang araw, Usec. Rocky at magandang araw, Aljo.

USEC. IGNACIO: Ma’am, bakit po talaga magtataas ang SSS ng contribution sa 2021 at ilang prosiyento nga ang inyong pagtataas at kailan naman po magsisimula ito?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Ang pagpapatupad po ng pagtaas ng SSS contribution ay dahil lang po sa nakalagay ito sa Section 4, Article A9 ng Republic Act 1199 or iyong tawag natin Social Security Act of 2018.

Ang simula po ito ng January 2021, pero ang nakalagay po sa batas na ito ay may kontribusyon na gagawin, increase ng 2019, 2021, 2023 at saka sa 2025. At ang kabuuan po ng increase na iyon ay simula 4%, kaya hanggang sa 2025 ito po ay magiging 15%.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po sa kaalaman ng ating mga miyembro ano po, magkano po iyong itataas na halaga sa buwanang kontribusyon?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Usec. Rocky, iyon pong kontribusyon ngayon… ang minimum monthly salary credit kasi noong nakaraang taon ay P2,000 lang, ngayon magiging P3,000 at ang maximum ay P20,000 at magiging P25,000. So, kung ikaw ay nakakakuha ng kontribusyon na 390 sa minimum salary credit, ito po ay magiging 390 nga po ngayon pala at doon sa maximum ay magiging 3,250 from 2,400. Iyon pong increase ngayon ng kunwari po ang salary ay P2,000, ang minimum salary natin ay P2,000 kung ang dati pong kontribusyon ay nasa P80, ito po ay magiging 135. So tataas po ito ng P55 para doon sa share ng employee. Sa share naman po ng employer na 8%, ito po ay magiging 255 na itinaas po sa 95. So ang kabuuang increase po nito ay 150.

USEC. IGNACIO: Opo. Lahat po ba daw ng SSS members ay kinakailangang magtaas ng kanilang buwanang kontribusyon?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Opo. Iyon pong umaabot po sa salary credit na minimum natin na P2,000 ay kailangan pong itaas at ngayong sila po ay umabot na rin sa P25,000, hanggang sa P25,000 po iyong mararamdaman nilang taas pa naman po.

Lahat po – kasambahay, OFW na dati naman talagang P8,000; ngayon P8,000 pa rin po. Iyon pong non-working spouse, iyong employed workers natin, iyong self-employed at iyong voluntary members po.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kinakailangan ba daw po talagang magtaas ngayon ang SSS ng contribution, kasi pandemic nga daw po at ano po iyong posibleng epekto nga sa mga SSS members iyong pagtataas ng kontribusyon?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Naiintindihan po namin ang karanasan ng mga workers ngayon, pati na ang small businesses. Kaya ho naman namin alam iyan dahil nagamit din po ang SSS sa pagbibigay ng ayuda noong tayo po ay nagbigay ng SBWS na subsidy noong April and May 2020.

So, madami din po naman ang nawalan ng trabaho or nagkaroon ng businesses na nagbawas ng tao. So, kung ito po apektado din po ang SSS na nabawasan po ang kontribusyon na natatanggap namin. Pero iyon po kasing benefits ay hindi po nababawasan, ito po ay lalo pang nadadagdagan, dahil kailangan po ito ng mga miyembro natin, kaya karamihan po sa kanila ay nag-a-avail ng benefits natin ngayon lalo na po iyong mga calamity loan na binigay natin last 2020.

Ang total collection na inaasahan ho natin sa increase na ito ay makakabawas po doon sa ini-expect natin na kontribusyon ngayong 2021 na dapat po ay sumagot sana doon sa benepisyo na inaasahan naming papasok na mas malaki sa 2021 kumpara sa 2020.

USEC. IGNACIO: Ma’am, I understand may ilan pong mga mababatas ang hindi pabor na magkaroon po ng pagtataas ano po, dahil nakikita nila iyong epekto pa rin ng pandemya sa marami. Ano po ang masasabi ninyo dito? Kasi ang sabi po nila ay kakayanin naman daw po ng pondo ng SSS.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Pipilitin po nating kayanin ang mga benefit/claims ng ating mga members ano ho. Mayroon naman tayong pondo, kaya lang po siyempre babaybayin ho namin hanggang matapos ang taon sa pagbibigay para hindi po namin masyadong mapahirapan ang pondo ng SSS.

Ngayon, iyon pong mga mag-a-apply ay talagang pipilitin namin na mai-service lahat iyong kanilang pangangailangan. Mahihirapan lang po ng kaunti ang pondo ng SSS dahil iyon pong around mga 43 billion na ini-expect natin ay mababawasan po samantalang ang ating ini-expect na benefit/claims is around 231 billion.

USEC. IGNACIO: Ma’am, may tanong lang po si Gillian Cortez ng Business World. Ito po iyong tanong niya: If ang SSS daw po ay will consider what the President said that he wants to stop the contribution increase?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Alam po ninyo, marami ho naman talaga kaming nakaplano na ibigay na benefits ngayon, pati iyong projected contribution. Pero kung iyan po ay isasabatas or imamandato po sa amin ng Palasyo at ng Presidente kami po ay susunod.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am sa mga miyembro naman po na nakapagbayad na ng advance sa kanilang mga contribution para sa taong 2021, paano po ang pagbabayad ng kanilang mga underpayments?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Puwede po silang mag-generate ng bagong payment reference number para ho iyong adjustment ay mabayaran din po nila. Kasi po iyong dating binayaran nila through a different reference number, hindi na po magagamit iyong same reference number. Pero kung gusto ho nilang idagdag iyong kanilang kontribusyon base sa bagong contribution rate, kailangan pong kumuha uli sila ng bagong PRN.

USEC. IGNACIO: Ito nga po, iyong kinakailangan pa bang muling kumuha ng payment reference number para daw po sa mga miyembrong may kasalukuyang PRN para po sa kanilang 2021 contribution, ano po?

Ma’am, may tanong po si Joseph Morong sa inyo ng GMA 7. Iyon annual certification of pensioners, kailangan bang personal or puwede raw pong video call?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Hindi po kailangang personal iyong pagpapakita po ng pensioners sa SSS. Ito po ay binigyan na namin ng bagong facility. Puwede po silang tumawag, mag-video call sa amin. At mayroon na po kaming mga binigay na site para ho dito. Mayroon din kaming team na nagha-handle ng video call para sa kanila.

USEC. IGNACIO: Okay. Kasi daw po noong nag-birthday ng April, hindi nakapunta last year gawa ng lockdown so, matutugunan ito ng SSS?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Opo, ina-allow ho namin siya. Naging maluwag ho kami para dito dahil alam namin na hindi sila makakapunta. So very considerate ho naman ang SSS doon sa ganoong posisyon. And ina-adjust ho namin kaagad kung hindi ho sila nakapunta at hindi natanggap kaagad.

USEC. IGNACIO: Opo, ma’am, sakali na ngang, ito nga, nakapagbayad ng advance sa susunod na anim na buwan, ang posted monthly salary credit ba nila sa dating MSC na mas mababa?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Iyon po ang magiging posted monthly salary credit nila sa anim na buwan na susunod. Pero kung gusto pa rin ho nilang maggawa ng adjustment, ia-allow ho ito ng SSS through a new PRN.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, para po sa kapakanan ng ating mga miyembro, maaari po ba nating malaman ang 2021 contribution table daw po para sa ating mga employers, employees, household employers, self-employed, voluntary at OFW members?

SSS PRES/CEO IGNACIO: Opo. Ito pong circular na ito ay posted po sa aming website. Nandoon po ang contribution table, simula po sa pinakamababang salary hanggang sa pinakamataas po. Apat na circular po ito. Babanggitin ko po ang iyong circular number para makita ninyo. Nasa website ho siya at pinablish [published] din po natin siya sa major daily newspapers in circulation.

Ito po iyong Circular 2020-033B para ho ito sa employers at saka mga employees; iyon pong Circular 2020-034B para po sa self-employed; iyong Circular 2020-035B para ho ito sa voluntary and non-working spouse members, Usec. Rocky. Iyon pong Circular 2020-036, ito naman po ay para sa household employers and kasambahay members natin.

USEC. IGNACIO: Ma’am, kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa mga miyembro na nag-aalinlangan po sa mas pinataas na contribution.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Kami po sa SSS ay nakikiramay sa lahat ng tao na apektado ng COVID pandemic na ito. Kami din po mismo ay apektado dahil ang mga workers din po natin, mga branches natin ay manned by our workers and pinadadagdagan din po natin ang presence. Kaniya-kaniya din po tayo ng takot dito sa COVID na ito. Pero ang inyong kontribusyon po kung sakaling mai-implement ang – in-implement ho namin actually ngayon dahil sa batas – ito po ay makakatulong sa inyong pag-claim ng benepisyo nang mas mataas sana kung ang inyong claim na papasok sa susunod na buwan for sickness ay base po sa inyong contribution.

Kaya ito po ay pinatupad para na rin po magamot natin iyong nabawas sa fund life noong 2017 because of the additional 1,000 pension at para na rin po sumagot doon sa ating unemployment benefit at saka iyong expanded maternity. Gusto rin po namin kayong tulungan na maibigay sa inyo iyong tamang benepisyo na kakailanganin ninyo dito sa pandemic na ito.

Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio. Stay safe, ma’am.

SSS PRES/CEO IGNACIO: Thank you, Usec. Rocky, kayo din po diyan.

ALJO BENDIJO: Samantala, kaugnay po sa pag-anunsiyo naman ng CPP-NPA ng pagdi-deploy ng partisan unit laban sa government forces, makakausap natin si AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, kasama si Col. Joel Alejandro Nacnac, ang Chief of AFP Human Rights Office. Magandang araw po, General Arevalo at Col. Alejandro.

GENERAL AREVALO: Good morning, Aljo at kay Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood at nakikinig sa atin. Good morning kay Col. Joel Nacnac.

COLONEL NACNAC: Good morning din. Good morning po sa lahat ng nakikinig at nanunood po.

ALJO BENDIJO: Opo. Happy New Year po sa inyo, sir. Major General Arevalo, ano po ang ibig sabihin ng pagdi-deploy ng CPP-NPA ng partisan unit? Ano po ang stand ng Armed Forces of the Philippines sa isyung ito?

GENERAL AREVALO: Well, unang-una sa lahat, Aljo, ito ay maliwanag na pagti-terrorize ano sa ating mga kababayan sa pagdeklara ng ganitong pagdi-deploy nila diumano ng partisan unit. Ang pagtawag nila dito, Aljo, na partisan unit, even it, is already misleading. Ang tunay nilang layunin na pinagtatakpan ng terminolohiyang partisan unit ay assassination, murder o extrajudicial killing ng mga government officials at maging ng mga non-combatant civilians na itinuturing nila na nakagawa diumano ng kasalanan sa kanilang kilusan.

So ang ibig sabihin lamang nito, Aljo, ay binibigyang katotohanan nila ang deklarasyon sa kanila ng Anti-Terrorism Council na sila ay terorista sapagka’t itong kanilang ginagawa ay malinaw na isang terrorist act laban sa ating mga kababayan. At kung hindi man, Aljo, ito ay isang desperate measure or attempt upang sabihin nila, they are still a force to reckon with, na sila ay dapat pa ring katakutan ng mga kababayan natin. Kaya po malinaw ang babala ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pamumuno ni General Gilbert Gapay. Sabi po niya, binabalaan niya itong mga teroristang grupong ito na huwag na nilang ituloy itong kanilang binabalik na ito na pananakot o gagawin nila nang totohanan sapagka’t nandiyan po ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. At kung talaga pong desidido sila na isakatuparan nila itong kanilang terrorist act na ito ay nandiyan po ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, puprotektahan po natin ang ating mga kababayan.

At malinaw po at dapat malaman ng ating mga kababayan na ito pong gagawin nila is a terrorist act; ito po ay paglabag sa ating mga umiiral na batas. At kung ang kanilang pupuksain, minu-murder ay ang mga grupo na hindi naman directly participating in combat operation ay ito ay malinaw na paglabag maging sa law of armed conflict o ang tinatawag nating international humanitarian law.

ALJO BENDIJO: Para po kay Col. Nacnac. Colonel, ano po ang kaibahan nitong units na ito – partisan units – sa mga rebeldeng NPA, itong guerilla groups ng NPA, Colonel?

COL. NACNAC: Yes, Aljo ‘no. Ang kaibahan nito, ang gustong pairalin ng grupong ito ay targetin at patayin iyong mga hinihinala nilang hindi, kumbaga, hindi sang-ayon sa kanila; mga kontra dito sa CPP-NPA-NDF, katulad ng mga government employees, ng mga sundalo, pulis at mga iba pang mga government employees na nandiyan. Ngayon, pati po iyong mga sibilyan katulad ng mga nasa barangay at mga iba pang hindi … kumbaga, sinintensiyahan nila ito.

Gusto ko pong sabihin na ito ay talagang violations sa mga dineklarang universal declaration of human rights. Isa-isahin ko po iyong violation nito ‘no sa mga artikulo ng declaration ng human rights. Una, is Article 3, ito po iyong right to life. Kung sino po iyong tina-target nila, kung pinatay nila iyan eh di mawawalan siya ng buhay, ay mag-violate agad ang CPP-NPA-NDF doon sa kanilang gagawing pag-assassinate sa kanilang mga target.

According to Article 10 of the declaration of human rights, mayroon tayong karapatan para kung mayroon kang isang may taong naakusa sa isang krimen ay mayroon siyang karapatan for a public trial. Hindi ho puwedeng kangaroo court na pinapairal nila at mayroon silang listahan – may hit list po itong mga ito. At bina-violate nga po nila itong Article 10, the right to public trial. At kung sakali man may trial na gagawin sa iyo ay you have also the right to be declared innocent under Article 11 po ng ating Declaration on Human Rights.

Samakatuwid po, talaga pong itong utos na ginawa nila magmula kay Joma Sison ay isang violation po ng human rights ng isang tao kung ito ay isasakatuparan nila at ginawa ho nila iyan in the past ano.

Dito naman po sa International Humanitarian Law naman which have a local application po, iyong RA 9851, may mga chapters po ito at section na bina-violate nitong deklarasyon nila na ito or kanilang paghihimok na patayin ang kanilang mga target, mga ia-assasinate po nila. Dito sa Chapter 3, Section 4B ng RA 9851 ang nakalagay dito bawal po iyong willful killings, violence to life of a person through the passing of sentences and carrying out of executions without judgment from regularly constituted courts.

‘Ayan, so klarong-klaro po iyong ginagawa nila na mayroong tinatawag na kangaroo court – sila ang namimili kung sino ang tatargetin at papatayin. Violation agad po ito ng RA 9851. Ganoon din po iyong pag-target nila ng mga inosenteng civilian, intentionally directing attacks against individual civilians not taking direct part in the hostilities. Marami po silang ginagawang ganiyan, tina-target po nila iyong mga barangay officials natin para nang sa ganoon ay tumahimik man lang o di kaya’y matakot sa kanilang mga karumal-dumal na ginagawa diyan sa kabundukan, sa barangay natin.

So ito po’y klaro talaga na violations ng ating mga batas at kinukondena po iyan ng ating Armed Forces of the Philippines.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Major General Edgard Arevalo: Base po sa inyong imbestigasyon ay government forces lang ba po ang target ng partisan units na ito at ano daw po iyong posibleng epekto nito sa mga inosenteng sibilyan?

MGEN. AREVALO: Ang atin pong impormasyon ay ang tina-target po nila ay mga government security forces at mga ibang opisyales ano, ng ating gobyerno and government agencies and its instrumentalities. Ganoon din po ang impormasyon po na nasasakop ng atas na iyan ni Jose Maria Sison ay iyon pong mga sibilyan at maaaring included nga po diyan kagaya ng binanggit ni Col. Nacnac, iyong mga tao na hindi naman nagpa-participate sa mga hostilities. For example, maaring ibilang nila diyan ang mga negosyante na hindi magbibigay noong tinatawag nilang revolutionary taxation ‘no na isa na namang pagtatakip sa tunay na ibig sabihin noon – kundi extortion o pangingikil ano.

So sa madaling sabi Usec. Rocky, ang inyong Armed Forces of the Philippines ay nakahanda hindi lamang upang tumulong na i-enforce ang mga batas at mga probisyon ng umiiral nating Konstitusyon, criminal law at maging ang International Humanitarian Law that has a local application upang ito ay magamit ano laban sa teroristang grupong ito kundi gamitin natin mismo ang buong puwersa ng ating pamahalaan upang masiguro natin na hindi nila maisasakatuparan itong kanilang balakin na ito.

At ganoon din, hinihiling natin ano ang kooperasyon ng ating mga kababayan lalung-lalo na ang mga nasa komunidad. Kung mayroon po kayong nakikita na grupo o tao na aali-aligid diyan sa inyong lugar na hindi naman taga-riyan or kahina-hinala ang ikinikilos, huwag po kayong matakot, huwag po kayong mag-atubili – kagyat po ninyo itong i-report o iulat sa pinakamalapit na unit ng AFP o PNP upang sa ganoon madali po natin itong gawan ng aksiyon, madakip natin ang taong iyan at kung talagang gagawin po niya ang isang krimen ay we could make necessary actions upang siya ay ma-neutralize natin before he is able to commit the crime.

So again, ang atin pong mga kababayan ay ating iniimbita na mag-ulat ano o mag-report sa inyong government security forces, sa inyong mga local government officials sapagkat nagtutuluy-tuloy po ang ating pagmu-monitor. And so far Usec. Rocky, Aljo ano, wala pa po tayong namu-monitor na mga grupo na ganito ang hangarin ayon sa ating intelligence community. Pero hindi po tayo nagpapakasiguro, hindi po tayo nagiging kampante – patuloy pa rin po tayong nagiging vigilant, patuloy pa rin po tayong nagiging mapagmatyag.

At salamat din po sa pagkakataong ito, sa inyong programa na naipahahayag natin ang mga bagay na ito ‘no, ang mga batas na umiiral, ang kahandaan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ang tunay na layunin ng grupong ito, sapat upang ang ating mga kababayan ay magkaroon ng lakas ng loob at magkaroon ng confidence na kaya nating tapusin at labanan ang grupong ito.

BENDIJO: Opo. Col. Nacnac, umaasa ba kayo na maraming miyembro ang—umaasa po ang Armed Forces of the Philippines na maraming mga NPA ang susuko sa mga susunod na araw, magbabalik-loob sa pamahalaan?

COL. NACNAC: Sa ngayon po umaasa po tayo dahil maganda po ang accomplishments, ang efforts po ng ating Armed Forces of the Philippines sa larangan ng internal security operations. Nakikita po natin iyan sa records magmula po nang 2020, iyong nakaraang taon na napakaganda po ang accomplishments natin sa mga nagsu-surrender po at nagbabalik-loob na mga miyembro ng CPP-NPA, marami po iyan. At nakikita rin po natin sa TV, sa balita itong mga deklarasyon nila o itong mga statements ng mga nag-surrender po at nanghihikayat na ring mag-surrender o bumalik sa larangan nang tamang pamumuhay iyong mga dati nilang kasamahan.

By the way po, gusto ko pong banggitin ito ‘no. Ang napakaimportante pong declaration dito sa Universal Declaration of Human Rights, iyong Article 28 po na talagang klarong-klarong bina-violate nitong mga CPP-NPA-NDF. Ano pong nakalagay dito sa Article 28 ng ating Universal Declaration ng Human Rights? Basahin ko lang po: “We have the right to live in a peaceful and orderly society.” Mayroon daw po tayong karapatan na mabuhay sa isang mapayapa at organisadong society or community.

Iyan po, kung mayroon tayong mga armadong tao na hindi naman po otorisado katulad ng CPP-NPA-NDF, ito po’y klarong pag-violate/paglabag dito sa Artikulo 28 ng Universal Declaration of Human Rights. Kaya po hinihikayat po namin ang sinuman po ang gustong mag-surrender diyan, nandiyan po iyong ating mga units sa field, mga battalions, brigades and divisions na puwedeng um-assist sa kanila. Nandiyan din po ang mga local government officers at officials na puwede pong tumulong sa kanilang pagbabalik-loob.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, dumako naman tayo kay General Arevalo. Mga tanong ng kasama natin sa media. Mula po kay Trish Terada ng CNN, para po kay Major General Edgard Arevalo: Regarding po the canceled fact-finding investigation of the AFP that was supposed to start today. Why did the AFP Chief of Staff order the investigation on the premise he wanted to get to the bottom of this case as announced last December 30 when the vaccination supposedly happened several months ago?

MGEN. AREVALO: Well una po sa lahat, ang kadahilanan po niyan ay dahil sa kailangan po nating malaman ano, for purposes, iyong sinasabi nating fact-finding upang malaman natin na for purposes of crafting our rules and regulations and our policies, iyong tungkol po doon sa acquisition at saka administration ng vaccine na ito. Hindi naman po lingid sa kaalaman nating lahat na marami ang mga alituntunin na hindi kasama ano, hindi nakasama o nasakop ang mga nangyari dahil sa COVID-19.

So as we review our policies, our techniques, tactics and procedures, our SOPs, as we review that kailangan pong makita natin ano, ano pa ang mga dapat na susog o pagbabago na kailangan nating gawin sa ating mga polisiya upang sa ganoon maging responsive ang ating mga policies.

Now nakapagsalita na po ang ating Pangulo at sinabi po niya na although hindi naman po siya directly directed sa Armed Forces of the Philippines, we take cue from that because he is the Commander-In-Chief of all armed forces ‘no. At malinaw po ang kaniyang sinasabi at iyon din naman po ang paninindigan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kung mababalikan po natin iyong mga previous statements po na in-issue natin buhat sa Armed Forces of the Philippines binabanggit po natin at kinikilala bilang selfless act ang ginawang ito ng ilang miyembro ng Presidential Security Group, particular iyong mga close-in security ng ating Commander-in-Chief na pagboluntaryong pagbabakuna sa kabila ng sinasabing maaaring danger that it poses to them ay ginawa nila ito sapagkat gusto nilang siguruhin na sila, na may mandato na protektahan ang ating Pangulo, ay hindi sila mismo ang magiging banta sa buhay at kalusugan ng ating Pangulo.

Now that the President has spoken, the commander or the Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines, General Gilbert Gapay has issued orders to call off iyong investigation na sinasabing fact finding.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin mula po kay Triciah Terada ng CNN: You mentioned daw po yesterday in your briefing that PSG Chief Jesus Durante already offered and explanation to the AFP Chief when they got a chance to talk about it. What prompted General Gapay to still order for a formal investigation? Was he not satisfied with what Brigadier General Durante had relayed to him?

GEN. AREVALO: Well, I am not privy to the extent, sa extent ng information na nasasakop ng pag-uusap na iyon, I am not privy to the content. But given the task to undergo fact finding inquiry, I would assume na hindi ito nakasama doon sa kanilang pag-uusap. But, again, the President has spoken, the Chief of Staff has already given his orders. So let’s leave it at that.

USEC. IGNACIO: Opo, last question na lang po para pa rin sa inyo, General Arevalo. Mula pa rin kay Trish Terada: Did anyone from Malacañang called the AFP Chief of Staff to cancel the investigation or did he decide it on his own in light of the President’s pronouncement last night po?

GEN. AREVALO: Very clear po ang statement na inisyu natin kaninang umaga na base sa statement na ipinalabas ng ating Pangulo, ang ating Commander-in-Chief, bago maghatinggabi kagabi ay nagdesisyon po siya na i-call off na itong investigation na ito, sapagkat malinaw naman po ang sinasabi ng ating Pangulo na wala nang pangangailangan, na hindi na niya pinapayuhan na dumalo sa imbestigasyon ang miyembro ng Presidential Security Group and they will invoke, if ever summoned and they will appear, they will have to invoke their right to remain silent. So, given all these pronouncement from the President and Commander-in-Chief of all Armed Forces, the Chief of Staff of the AFP, General Gilbert Gapay has issued the instruction to the Inspector General of the AFP very early this morning.

BENDIJO: Maraming salamat po, Major General Edgar Arevalo at Coronel Joel Alejandro Nacnac. Mabuhay po kayo, sir.

GEN. AREVALO: Maraming salamat, Aljo at kay USec. Rocky sa inyong mga suporta sa Armed Forces. Umasa po kayo na magtutuluy-tuloy tayo in consolidating our gains for the past years. Itutuloy po ng Armed Forces ang kanilang mandate upang sa ganoon matapos na natin ang limampu at dalawang taon na pamemeste nitong teroristang grupong New People’s Army. At umasa po kayo na hindi po ito tatantanan ng AFP hanggang makamtan po ng ating bansa ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran na ating/lahat ay hinahangad. Magandang umaga po.

COL. NACNAC: Maraming salamat din po Aljo and sa inyong grupo diyan sa ating mga tagapanuod at tagapakinig – maraming salamat po. At gusto ko pong ulitin iyong aking panawagan kanina na sana po ay tuluy-tuloy nating protektahan ang karapatang pantao ng lahat ng Pilipino. Bantayan po natin ang ating seguridad. Gusto po nating maging mapayapa at orderly ang ating community kaya isumbong po natin sa mga otoridad ang mga hindi kanais-nais na ginagawa po ng CPP-NPA-NDF at kung anumang grupo man iyan. Magandang umaga at happy New Year po sa inyong lahat!

BENDIJO: Thank you po. Samantala, alamin natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Narito si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Ria?

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Cordillera Region, ihahatid iyan ni Jorton Campana mula sa PTV-Cordillera.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jorton Campana ng PTV-Cordillera. Makibalita naman tayo sa Cebu, ihahatid iyan sa atin ni John Aroa. John?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Aroa, mula sa PTV-Cebu.

BENDIJO: Kumustahin natin ang kalagayan diyan sa Davao. Ihahatid sa atin ni Julius Pacot ng PTV-Davao. Julius, maayong udto!

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Daghang salamat, Julius Pacot ng PTV-Davao. Samantala, umakyat na sa 478,761 ang mga nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa na inilabas ng health department kahapon, kung saan 959 ang bagong naitala. 26 naman ang mga nadagdag na gumaling at anim ang nasawi na naitala kahapon. Sa kabuuan, 448,279 ang mga gumaling at 9,263 ang nasawi dahil sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Bagama’t tumaas ng bahagya ang reported cases kahapon, hindi pa rin ito sumasampa sa 1,000 mark ayon sa DOH. Ang mababang bilang ay dahil sa bumabang bilang ng pasyente na nasuri sa COVID-19 laboratories sa nakalipas na holidays. Kung noong linggo ay nasa Davao City nagmula ang pinakamataas na bilang ng new COVID-19 cases napalitan ito ng Quezon City kahapon na nakapagtala ng 73 cases, samantalang nasa ikalawang puwesto naman ang Davao City, sumunod ang lalawigan ng Rizal, Agusan Del Sur at Laguna. Mula sa 4.2% ay umangat sa 4.4% na total cases ang mga aktibong kaso na may kabuuang bilang na 21,219 cases. Tumaas naman sa 81.7% ang mild cases mula sa kabuuang bilang ng active cases. Sunod na may pinakamaraming bilang ang mga asymptomatic na nasa 7.9%. 6.4% naman ang critical cases, 3.4% ang severe at .57% ang moderate cases.

Samantala, hindi po kami magsasawang magpaalala: Kung kayo po ay bibiyahe gamit ang pampublikong sasakyan, sundin po natin ang seven commandments. Una, magsuot ng face mask at face shield, iwasan din po muna ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono, ipagpaliban din po ang pagkain sa loob ng sasakyan, kinakailangan din ang may sapat na ventilation. Kailangan din magsagawa ng regular disinfection, bawal magsakay ng mga pasaherong may sintomas at panghuli, kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing.

BENDIJO: Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19. Maaaring i-dial po ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 884-26843. Para sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph. Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay kayo.

USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

BENDIJO: Thank you, Usec. Rocky at magkita-kita tayo muli bukas, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Hanggang bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)