Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Makakasama ninyo po kami ulit upang pag-usapan ang mga maiinit na balita sa ating bayan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magandang umaga sa’yo, Aljo,

ALJO BENDIJO: Usec., good morning. At magandang umaga rin sa atin pong mga tagasubaybay.

Pakinggan natin ang paliwanag ng mga eksperto at opisyal ng pamahalaan tungkol sa mga susunod na hakbang ng ating pamahalaan, laban po natin itong lahat upang sugpuin ang COVID-19. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Simulan na natin ang isang oras na makabuluhang talakayan, ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Binusisi ng Senado ang panukalang batas na magtatag ng Department of Overseas Filipinos. Ayon sa Malacañang walang karagdagang budget dahil ang nakalaang budget ng bawat ahensiyang mapapabilang sa DOFIL ay pag-iisahin lang. Narito po ang report:

[VTR]

ALJO BENDIJO: Samantala, nagbigay ng tulong ang outreach team ni Senator Bong Go at ang iba pang ahensiya ng pamahalaan sa mga kababayan nating nasunugan sa Barangay Tanyag sa Taguig City. Panoorin natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, sinuportahan naman ni Senator Bong Go ang desisyon ng Metro Manila mayors na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng mga sinehan at iba pang leisure activities ngayong may pandemya. Narito ang kaniyang buong pahayag:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Marami po sa atin ang gusto nang makabalik sa normal ang takbo ng buhay matapos pong gambalain ng COVID-19 at ang isang nakikitang susi po dito ay ang pagbabakuna. Ang malalaking korporasyon sa bansa ay nakatakda na pong bumili ng daan-daan libong doses para sa kanilang mga empleyado; pero paano naman iyong maliliit na negosyante, ano po ang access nila sa bakuna? Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Go Negosyo Founder at Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Good morning po, sir.

SEC. CONCEPCION: Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, unahin ko na po itong huling pagpupulong ninyo kasama po ang mga pribadong kumpanya, ano po; marami raw pong lumahok para talakayin iyong pagbili ng bakuna for the business sector. Ngayon daw po ay may dinesignate kayong pharmaceutical company para po tumanggap ng kanilang orders?

SEC. CONCEPCION: So ang nangyari dito, dito sa Novavax presentation noong isang araw, dumagsa dito ang mga private sector companies, may mga maliit na negosyante sumali na rin dito. Umabot ng mga 1,400 people attended, 800 companies ang sa tingin namin ang lumahok dito sa briefing ng Novavax – isang bagong vaccine na galing din sa Amerika, isang Biotech company at ginagawa dito sa India, sa Serum Institute of India. So maganda ang reaksiyon ng private sector.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, paano naman daw po iyong magiging arrangement nito; at ito po ba raw ay nasa ilalim pa rin ng tinatawag na tripartite agreement with the government? At puwede na po ba silang dumiretso sa Unilab?

SEC. CONCEPCION: So, ang nangyayari ngayon [garbled] dito sa Dose of Hope ng Go Negosyo at AstraZeneca. So ang katumbas noon ay 17 million doses, na nag-form kami ng tripartite, iyon iyong unang tripartite namin kasama ang AstraZeneca, iyong Go Negosyo at of course, si Secretary [garbled] private sector.

So ngayon, ito, gagawin din isang tripartite agreement. Iyong Faberco ang official distributor dito sa Pilipinas [garbled] Unilab na kunin ang orders. Pero dito sa Go Negosyo—kasi alam na namin sino ang mga kumpaniya at may continuous orders kami dahil sa maraming gustong kumuha ng AstraZeneca. At pati iyong Moderna, ni-refer din namin kay Razon.

So dito, tutulong kami sa Unilab para ibigay sa kanila lahat ang mga orders na papasok. So puwede silang tumawag sa Unilab, pero habang … tumawag muna dito sa numbers namin ‘no, sa Go Negosyo 6315024 sa mga orders. Pero ang importante dito ay puwedeng bumili dito iyong private sector ‘no para sa mga empleyado nila at dapat lahat ito ay libre sa mga empleyado; hindi puwedeng ibenta ang mga vaccines [garbled], dapat libre.

USEC. IGNACIO: Okay, opo, malinaw po iyon. Secretary, dako lang po tayo sa ilang tanong ng ating mga kasama sa media, ano po. Tanong po ni Joseph Morong, can you give us daw po update on steps to get Moderna? And who’s purchasing? How many? And when is this arriving?

SEC. CONCEPCION: Dito naman sa Moderna, si Mr. Razon ng ICTSI, siya ang nagli-lead dito sa efforts kasama ng government sa pagkukuha dito sa mga Moderna vaccines. Pero alam ko, sarado na yata at I think they’ve already committed their full allocation [garbled] anymore taking orders for this. Dapat sana mas maaga ang order nila ‘no.

Pero iyong available ngayon, ang Novavax. Iyong AstraZeneca wala rin eh, wala ng mga supply. Iyong 17 million, iyon ang huling order. Kinausap ko sila, sa [garbled] kasi talagang kulang na kulang ang supply nila sa Europe. So dito na lang sa Novavax, isang magaling na vaccine ang puwede nilang—habang maaga pa, mag-order na sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang alam din natin mataas din po iyong efficacy rate niyan ano po. Secretary, ang second question po ni Joseph Morong: Did we have deliveries daw po of Moderna vaccines already?

SEC. CONCEPCION: Wala pang vaccines na dadating. Ito lang, iyong balita ko, iyong Sinovac at itong COVAX facility ng WHO. Sa COVAX facility na iyan, between five to eight million doses ang papasok sa AstraZeneca pero hindi iyan amin. Iyong amin, sa private sector, dadating dito ng May at June iyong first batch; iyong second batch sa third quarter. Iyong Moderna, third quarter rin iyan; iyong Novavax, third quarter.

So, karamihan ng mga vaccines darating pa sa third quarter ‘no. Susubukan ng Novavax ipaaga nila daw iyan. Kinausap ko si Mr. Imlani iyong may-ari dito sa distributor ng Novavax, susubukan nilang mapaaga. Pero ngayon naka-set ng third quarter, pati iyong Moderna third quarter rin iyan. Iyong AstraZeneca lang iyong mas maaga ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong din si Ian Cruz ng GMA News: Aside daw po from big companies, MSMEs will also procure vaccine via the tripartite channel. How important daw po is the vaccine to the MSMEs?

SEC. CONCEPCION: Well, alam natin kasi ang talagang solusyon dito sa ekonomiya natin ay labanan natin iyong pandemic; iyong health. Health is the concern of the problems, kung ma-solve natin ito dahil sa vaccine, good. Kung may vaccines na ipapadala ang government at private sector, siyempre bababa ang infection level kasi wala nang mahahawa dito. Importante dito na pagpasok ng vaccine lahat ng mga Filipino dapat tangkilikin ang vaccine para na rin maprotektahan ang sarili nila, maprotekta rin ang mga kasama sa trabaho.

So, talagang kapag mangyari iyan automatic na iyan magbubukas na ang economy, iyong tourism na talagang pinakamalubha dito na affected, magbubukas na rin iyan kasi iyong ibang mga dayuhan na kumuha ng vaccine puwede na ring mag-travel. Dito sa Pilipinas kapag nag-travel sa iba’t-ibang lugar kapag may vaccine ka at may vaccine passport, mobility will be back ‘no.

USEC. IGNACIO: May clarification lang po si Joseph Morong: Kung hindi na daw po tayo makakakuha sa Moderna, ang ibig ninyong sabihin kanina?

SEC. CONCEPCION: Yeah, kasi close na ang mga orders nila at na-fully allocate na sa mga bumili. So, dito na lang sa Novavax ang puwede na lang kumuha.

USEC. IGNACIO: Secretary, puwede daw po bang bumili ang MSMEs noong tinatawag na patingi-tingi o pakaunti-kaunti lang?

SEC. CONCEPCION: Yes. Iyong order dito sa Novavax sa tulong ng Unilab, ibinaba nila sa 200 doses lang, balita iyan. Pero iyong mga MSMEs siyempre sa 200 malaki pa rin iyan ‘no, so may mga talagang maliit. So, tutulong kami sa mga mas maliit sa 200 doses, iyan ang gagawin namin ‘no.

USEC. IGNACIO: Secretary, ilan daw pong MSMEs na iyong nag-signify na magpu-pool po sa funds?

SEC. CONCEPCION: Well, sa AstraZeneca, close to 400 companies iyan. Dito sa Moderna hindi ko alam kung gaano karami ang sumali, pero ang alam ko mga eight million doses ng Moderna. Dito naman sa Novavax, walang allocation na na-set. Sa unang briefing, dumalo ang mga eight hundred companies, marami ang interesado at ngayon pumapasok ang mga interesado, they are sending letters of intent, maraming gustong kumuha ng Novavax vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Puwede raw ba daw i-order ng mga negosyanteng bibili ng bakuna ang kanilang mga kaanak? Tama po ba ito, Secretary? At kung puwede daw po, hindi ba daw po magkakaroon ng kalituhan kapag nag-rollout na rin ang gobyerno ng vaccines, baka daw po magkaroon ng duplications?

SEC. CONCEPCION: Palagay ko hindi, kasi iyong mga listahan ng mga private sector ay may mga pangalan iyan na nakalista na mga empleyado at ang definition sa private sector eh economic frontliners. So, iyan ang [unclear] four months to five months for implementation ‘no.

So, right now the private sector is indentifying and suggesting to DOH iyong mga private sector na magaling sa distribution at execution. So, mukhang maganda naman ang resulta, dahil sang-ayon si DOH at si Sec. Galvez sa mga recommendation ng private sector dito sa pag-i-implement dito sa pag-store ng bakuna at pagta-transport. Importante ito dahil iyong Moderna alam natin minus 20. Pero dito naman sa AstraZeneca, Novavax, Sinovac dito two to eight degrees lang ang kailangang refrigerator.

USEC. IGNACIO: Secretary, pinag-uusapan po iyong isyu ngayon ng pagluluwag ng ekonomiya. Kahapon po inirekomenda na ng NEDA na kung maaari ay mapunta na sa MGCQ ang buong bansa. Nagbubukas na nga rin po iyong leisure activities pati iyong mga sinehan maging sa pagpapababa po ng edad o iyong age restriction. So, ano po iyong mga ipinararating sa inyong opinyon at sentimyento ng ating mga negosyante na inyong mga nakausap?

SEC. CONCEPCION: Well, alam naman natin talaga na medyo malubha ang ekonomiya natin dahil sa nangyari sa 2020 at itong 2021 kung medyo wala ka ng pera mas lalo kang mawawalan ng pera unless ma-reverse iyong trend. Talagang iyong kumpiyansa ng tao na lumabas, kumain sa labas, mag-shopping – kailangan tataas iyong consumer spending.

Kailangan natin consumer spending, pero hindi ka lalabas walang magagastos, walang kakain sa labas. So, lahat ho kailangan dahan-dahan buksan natin iyong economy at medyo ang infection din medyo okay, it’s not going up, it’s going down. Pagdating ng vaccines siyempre kaya natin buksan, of course, huwag biglain. Hindi puwedeng biglain lahat iyan na wala ng gagamit ng face mask, face shield at social distancing.

Lahat iyan kailangan pa rin kahit may bakuna pa tayo, hanggang talagang sigurado. Pero kailangan din nating buksan ang economy kasi kung hindi natin buksan ang economy, maraming maa-affect, mas maraming magugutom, mas maraming walang pera pambili ng medisina, so mas malaki ang damage. So, kailangan itong 2021 parang… medyo talagang nasa bandang cliff na, baka mahulog talaga iyong mga negosyante. Buksan na natin nang kaunti para at least tumaas ang growth natin at ma-save naman itong livelihoods ng mga ibang negosyante.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon po, Secretary, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa iba pang private sector at siyempre doon sa ating small businesses na balak din pong mag-file ng orders para sa COVID-19 vaccine para naman po tayo ay medyo pumunta na talaga sa new normal.

SEC. CONCEPCION: Dito naman nakikita natin ang private sector talagang tumutulong dito sa government natin na malutas itong economy at health issue. Kaya sa iba’t ibang bansa na bumibili ng vaccine ang government lang, pero dito sa Pilipinas kahit hindi malakas ang kita ng mga private sector at nalulugi iyong ibang entrepreneur, tumutulong kami sa pagbili ng mga vaccine para sa mga empleyado nila at even para sa mga pamilya nila at libre lahat ito.

So, talagang ang vision naming ay tulungan ang lahat ng mga entrepreneur na mailigtas dito sa nangyayari dito sa pandemya na nawalan sila ng trabaho at iyon ngang pledge namin sa mga Filipino citizens na itong dose of hope ang magbibigay talaga tayo ng hope para at least by the end of this year mas maganda itong Christmas natin at 2022 I expect things to go back to normal.

Pero ang importante lahat ng mga Filipino na may chance na kumuha ng vaccine dapat kunin nila ang bakuna para talagang tuluy-tuloy na ang ginhawa ng Pilipinas. Kasi kung hindi nila kukunin ang bakuna walang mangyayari sa atin. Maski bumili tayo ng isang katutak na vaccine at ang mga citizen hindi sila magpapabakuna, masisira rin ang economy natin. So, iyon ang request lang para sa mga tao natin na kung maaari lang, kung ibigay sa kanila kuhanin na ang bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Joey Concepcion, ang Presidential Adviser for Entrepreneurship. Salamat po.

SEC. CONCEPCION: Salamat din.

BENDIJO: At araw-araw may bagong balitang lumilitaw kaugnay sa bakuna kontra COVID-19. Ang importante ay naipapaliwanag ito ng mga eksperto upang maalis ang agam-agam natin dito kaya ngayong umaga ay makakausap natin si Dr. Lulu Bravo, ang executive director ng Philippine Foundation for Vaccination para sa mga karagdagang siyentipikong impormasyon. Magandang umaga po, Dr. Bravo.

DR. BRAVO: Good morning, Aljo. Thank you very much for having me here.

BENDIJO: Opo. Kasama din natin si Usec. Rocky. Dr. Bravo, nabanggit ninyo po sa inyong COVID-19 Vaccine Program for Communities Forum na ang mga bakuna sa COVID-19 ay ligtas kahit na sa mga may immunocompromise na mga kababayan natin o iyong may mga mahinang immune system. Ano po ba ang nilalaman ng mga bakunang ito, Doktor, at papaano ito makakatulong sa kanila?

DR. BRAVO: Well first of all, let me just be clear. The vaccines, itong bakuna natin ay nandito, sumasagot sa ating pandemya para makapagligtas ng buhay at kagaya ng sinabi ni Sir Joey Concepcion, para makabukas ng ekonomiya at makabalik tayo sa ating dating pinagkakatiwalaang buhay.

Ngayon importante rin malaman natin na iyong bakuna ay talagang since time immemorial, 200 years na iyan, iyan ay talagang magaling na panlaban sa impeksiyon, 200 years of vaccines ‘di ba? So importante iba-iba ang bakuna at iyan ay talagang naririto upang ipagbigay-alam natin na ligtas iyan pagkatapos dumaan sa isang mahabang proseso. Ang tinatawag natin doon ay clinical trials sa humans. Bago dumaan iyan sa humans, dumadaan muna iyan sa mga animals, dumadaan muna iyan sa laboratoryo.

At iyong tinatawag natin – na lagi nating ini-explain – mayroon tayong phase 1, phase 2, phase 3 na clinical trials para ma-determine ang safety at efficacy or iyong kaligtasan at kaepektibuhan nitong bakunang ‘to. Sa nakikita natin ngayon maganda, napakaganda. Kumpara sa mga dati nating bakuna, itong bagong COVID-19, bagama’t – okay, sasabihin natin, bagama’t hindi pa natatapos ang halos dalawang taon na kailangan natin upang masabi natin sure na itong bakuna na ito ay talagang tapos na ng clinical trial kasi hindi pa tapos, nandoon pa lang tayo sa unang 6 months of observation kaya nga ‘emergency use’ ang tawag dito kasi hindi pa talagang natatapos nang tunay na tunay.

At iyon ang dapat nating i-explain natin sa mga kababayan natin ano, na bagama’t… bagama’t hindi pa tunay na tunay na masasabi natin na tapos na eh nakakita na tayo nang magandang safety at walang nakitang concern. Nakita mo naman ha, ano, 95% ang efficacy at sa safety naman walang concern. Iyong immunocompromise na sinasabi mo eh nakakita na rin sila eh, walang concern. Wala silang nakitang hindi maganda, okay. Walang real harm kumbaga, walang real harm na masasabi natin na nakita doon sa bakuna. Eh sa ngayon nga eh more than 100 million na, never na nangyari na in just 1 year 100 million na ang naibigay na bakuna. So magtiwala tayo.

BENDIJO: Opo. Dr. Bravo, hindi porke’t ikaw ay nabakunahan na ng bakuna laban sa COVID-19 ay hindi ka na mahahawa sa sakit. Tama ho ba? At ‘pag ganoon po ang mangyayari, ano po ang gagawin ninyo o gagawin ko sa bakuna kapag ako’y naturukan na?

DR. BRAVO: Yeah. Definitely kasasabi lang natin na hindi pa tapos na tapos ang clinical trial natin. So hindi pa kumpleto kung talagang iyang bakunang iyan ay makakatulong na hindi mai-transmit. Although again, mayroong mga signos na posibleng hindi makahawa at maganda naman iyong tinatawag nating efficacy na hindi ka rin mahahawa. Kasi nga ang importante dito is tuluy-tuloy ang pag-aaral at dahil emergency ngayon, Emergency Use Authorization.

Kaya importante rin na mapahalagahan natin ang ginagawa ng ating gobyerno dito, kasi talaga naman, investment iyang vaccine eh, noon pa namin sinasabi iyan from the Philippine Foundation for Vaccination which is now 21 years old. We have been saying all along that vaccines save lives. Ito talaga iyong ating panlaban at kailangan tayong mag-invest for our economy. Ngayon na lang… bawat tao ngayon nasa bakuna na ang consciousness ‘di ba?

Pero matagal na nating sinasabi iyan at ang gobyerno naman natin ay talagang tumutulong. Kumuha na sila ng more than 100 experts para magtulung-tulungan, para makagawa nang independent, okay, independent study at independent recommendation. Of course, recommendatory pa rin lahat ng mga experts however I can tell you honestly na kilala ko ang mga ekspertong iyan.

Kasi you know 35 years na akong nasa bakuna, I’ve done so many vaccine trials. Siguro mahigit na dalawampung trials na ang nagagawa ko sa buong buhay ko – nandiyan iyong flu, polio, ‘andiyan iyong mga rotavirus. Ang dami na nating vaccine na ginawa dito sa Pilipinas na trial. So ako naman, sinasabi natin talagang pagkatiwalaan natin ang sinasabi ng mga eksperto sapagkat independent iyan. Makikita natin na nangako ang mga eksperto noon na talagang ibibigay nila ang kanilang the best na magagawa nila para magtulung-tulong tayo ‘di ba.

BENDIJO: Sa vaccine portfolio na binili ng ating pamahalaan, Doktora, iba-iba po iyong efficacy. Ito po iyong interim analysis na base sa isinasagawang clinical trials ika nga. Pero sa kabuuan, nakikita ninyo namang magiging epektibo na ang mga brand ng mga bakuna na ito para mabawasan iyong mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas?

DR. BRAVO: Naku, Aljo, more than 200 ang vaccine na underdevelopment. Sabi ko nga wala pang kumpleto pero iyong nasa human trial at nasa phase 3 at binigyan ng EUA eh nandiyan. Dalawa na nga ang binigyan ng EUA, iyong Astra saka iyong MRNA ‘di ba at iyan ay talagang puwedeng sabihin mo, “Kulang iyong bakuna, puwede ba nating gamitin ‘pag dumating iyong partial?”

Alam mo hindi rekumendado iyan ng ating mga experts. dapat kung ano iyong inumpisahan mo, dahil dalawang dose iyan, eh itutuloy mo pa rin sa second dose. And I think that is being addressed because ‘pag nagbigay ka ng ilang milyon, sabi nga natin doon sa… first time, iyong MRNA, Pfizer vaccine 117,000 doses. Ibig sabihin noon ang mabibigyan lang noon eh mga 55,000 people kasi dalawang dose per tao. So hindi dapat ikalat iyon agad sa 117,000 people kasi hindi natin sigurado kung dadating pa ang another how many doses. So talagang dapat nakareserba iyan sa, how many… divided by 2, ‘di mga 58,000 ‘di ba? Tama.

So ‘pag nag-umpisa ka naman sa Astra ganoon din, iyong second dose nila eh dapat medyo ireserba mo na. However, mayroong magandang balita diyan sa Astra na nakita nila na puwedeng patagalin iyong interval or iyong second dose. Kasi iyong sa MRNA 21 days lang eh ‘di ba. Eh pero itong sa Astra may bagong report na posible mong gawing 6 weeks, even up to 12 weeks ang interval. So puwede kang maghintay noong second ‘di ba at medyo sinasabi nga nila maski isang dose maganda na iyong efficacy eh.

So iba-iba talaga ang bakuna. Actually I can spend so many hours with you talking about the different kinds of vaccine. Talaga—maski iyong Novavax narinig ko kanina sinasabi ni Sir Joey that iyong Novavax is another type of vaccine, iyong tinatawag na protein sub-unit. Iba na naman iyan, pero 2 doses pa rin iyan. So kailangan talaga pag-aralan natin.

And by the way ha, kung iyong mga may gustong mag-aral tungkol sa bakuna, open naman, maraming website like WHO, simple lang iyon kung gusto ninyong maintindihan talaga iyong iba-ibang klase ng bakuna. Sa amin, sa Philippine Foundation for Vaccination mayroon kaming website na accredited ng WHO para sa safety ng mga bakuna. At in fact the DOH also, naku, dapat nga araw-araw makinig tayo doon sa kanilang mga ipinapasang explanation. Maganda kasi eh, maliwanagan ang mga tao, huwag tayong matakot sa sabi-sabi ng mga iba na hindi natin alam kung anong sources. Doon tayo magtiwala sa source na talagang reliable at talagang factual – at best of all, scientific ‘di ba. Science ang ating basehan. Ang mga eksperto, lahat it scientists.

So over to you, again. Sorry, medyo mahaba talaga ako ‘pag nag-explain ng bakuna eh.

ALJO BENDIJO: Opo. Pero dapat iisang brand lang ng bakuna ang ituturok sa inyo? Kunwari ako ang pasyente, ngayon ay AstraZeneca; ang susunod na dose, iyong pangalawa ay Pfizer. Hindi po pupuwede iyon?

DR. BRAVO: Hindi po.

ALJO BENDIJO: Hindi puwede, opo. May balita po na isang Filipina na nakabase sa Estados Unidos, Doktora, ang nag-develop ng isang blood condition matapos magpabakuna. Ang kundisyon ay tinatawag na “immune thrombocytopenia”. Ano ba ito at maaari ba talagang makuha ito sa bakuna para sa COVID-19, Doc.?

DR. BRAVO: Yes, alam mo lahat ng adverse event or iyong mga unexpected na nangyayari, pinag-aaralan din iyan ng ating clinical trialist. Bago ka mag-jump into conclusion na iyan ay galing sa bakuna, kailangan ay tingnan mo muna iyong talagang sitwasyon kasi posible na hindi naman talaga galing sa bakuna kasi mayroon din namang nangyayaring thrombocytopenia – ang ibig sabihin noon ay bumagsak iyong platelet, okay, humina or medyo bumagsak from 150,000 naging, let’s say, less than hundred or sometimes even nga less than 50,000. At iyon ay posible namang mangyari maski doon sa hindi nabakunahan.

Kaya ang importante dito, iyong mga gumagawa ng clinical trial at iyong mga eksperto rin, tinitingnan nila, pinag-aaralan nila. At kung makita nila na pareho lang naman ang incidents nang nangyayari sa bakunado at iyong hindi bakunado, eh malaman sasabihin nila, ‘Teka, eh posible namang mangyari pala ito maski hindi bakunado eh hindi ito concern, hindi ito kailangang palakihin pa,’ parang ganoon. Hindi naman sa hindi …kung hindi, hindi concerning or hindi nakakabahala – okay, that’s the word – hindi pa nakakabahala.

But of course, lahat ng investigation ay gagawin iyan. Mahalagang pagkakatiwalaan natin ang mga imbestigador, ang mga scientist para tingnan iyan kasi wala namang gustong maka-cause ng harm especially for doctors, ‘di ba? Lahat naman tayo ay kailangang magtulung-tulong upang mapalago ang ating ekonomiya but best para makapagligtas ng buhay. Hindi tayo para makasama sa ating mga mamamayan, hindi ba?

ALJO BENDIJO: Opo, opo. Base sa inyong pag-aaral po, Doktora, ito bang COVID-19 ay mabilis ang pag-mutate kumpara sa ibang virus na natuklasan na sa mundo? Gaano po kabilis naman makaka-adapt sa mutation ang ating mga bakuna? Kasi napabalita sa South Africa na hindi gumagana sa variant nila roon ang bakunang binili nila.

DR. BRAVO: Alam mo, Aljo, totoo ka eh. Ang importante sa atin is surveillance na makita gaano kadalas ang mutation at iyong paggawa ng variant. Kasi parang normal process iyan sa mga mikrobyo na kapag maraming-marami ang nagkakaroon ng sakit ay iyong mga mikrobyo ay dahan-dahan iyan or gumagawa iyan ng mga paraan para mag-mutate kasi gusto nilang maka-adapt or gusto nilang huwag silang matalo ng katawan mo.

Ang ibig sabihin noon, parang bawat mikrobyo ay mayroong—kung natatandaan mo, survival of the fittest, iyon iyong principle ni Darwin noong araw pa, sa lahat ng living creatures ‘di ba? Kailangan iyong mikrobyo ay ganoon din, parang gusto nilang mag-mutate para hindi sila mawala sa mundo. It has to be a naturally occurring process. At actually nga, libu-libo ang nangyayari pero iba-iba ang variants so that iyong variant na iyon ay posibleng mas malaki ang difference doon sa original kaysa doon sa iba. At posible rin na itong variant na magagawa ay hindi tatablan ng bakuna.

Pero so far, so good tayo doon sa B.1.1.7, iyong nanggaling sa UK. Sabi mo nga iyong South African na medyo tagilid yata tayo sa bakuna. However, hindi lang naman isa ang bakuna natin, mayroon pa rin tayong ibang bakuna na maaaring mas effective doon sa variant na iyon. And the thing is, to try not to have that variant come into the Philippines. Kaya gagawa ang gobyerno natin ng mga paraan para masugpo ang pagkalat ng variant na iyon. Ang hopefully naman ay gagawin nila iyan. Kasi alam mo, ang ating mga eksperto din, iyong Philippine Genomic Center ‘di ba, pinag-uusapan nila iyon at gumagawa talaga ng surveillance upang sa ganoon ay ma-check natin na talagang maililigtas natin.

At ito na nga ang importante rin: Kung makakapagbakuna tayo as early as possible and as many as possible ay masusugpo ang pagkalat ng variant din at, of course, pati iyong COVID na original. Kaya tama si Sir Joey, pagtulung-tulungan natin na talagang makagawa tayo ng paraan para makuha natin iyong tinatawag na herd immunity which is 70% of the population, which is actually equivalent to the whole adult population natin, ‘di ba. Seventy percent ng population natin, more than 18 years old eh. So kailangan talaga pagtulung-tulungan natin na within the year, kung makakakuha tayo ng bakuna at maibigay iyan sa mga tao, eh pati iyang mga variant na iyan, unti-unti mawawala.

Kasi only, only, by getting us this herd immunity, only by getting us vaccinated to the majority of our people, then we also decrease the transmission. Kasi walang bakuna, remember this, walang bakuna na 100% efficacious. Maski nabakunahan ka na, hindi ka pa sure na hindi ka tatablan kasi mayroong ilang percentage ‘di ba na hindi tatablan ng bakuna – remember that – at hindi rin 100% safe. Although, we say, safety is our best, best principle. Hindi mangyayaring ang bakuna ay pupunta sa step one, step two, step three kung mayroong concern sa safety. Iyon ang dapat nating pakatandaan lang.

ALJO BENDIJO: Okay.

DR. BRAVO: Safety is our best bet na iyang bakunang darating ay dumaan sa proseso upang tayo ay iligtas, huwag magkaroon ng maraming mamamatay sa COVID at makabukas tayo ng ating ekonomiya. At talaga naman, sino bang hindi nananaginip na bukas-makalawa, makabalik tayo sa ating dating normal na buhay. Thank you.

ALJO BENDIJO: Opo. Maraming salamat po sa impormasyon, Dr. Lulu Bravo. Mabuhay po kayo! And stay safe. Good morning.

USEC. IGNACIO: Samantala, magtungo naman po tayo sa aspeto ng side effects ng mga bakuna. Ito po kasi ang isa sa ikinatatakot ng ating mga kababayan sa ngayon. At para po linawin ang usaping ito, makakausap po natin si Dr. Maria Carmela Agustin-Kasala, ang past president po ng Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology. Good morning po, Dr. Kasala.

DR. KASALA: Good morning, Rocky. And good morning sa lahat ng mga nakikinig dito sa palatuntunan ninyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po sa inyong panahon. Doctor, marami po sa ating mga kababayan ang hanggang ngayon ay nag-aalanganin pa rin pong magpabakuna. Pero base po sa pag-aaral ninyo ay uubra naman po iyong mga bakuna kahit sa may mga pre-existing conditions. Tama po ba ito, Doc.?

DR. KASALA: That’s right ‘no. Hindi naman ibig sabihin na dahil mayroon kang mga ibang sakit or allergies, hindi ka na puwedeng mag-receive ng bakuna for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero puwede ba natin, Dok, isa-isahin lang iyong karaniwang sakit ngayon ng mga Pilipino, tapos sabihin ninyo po kung papaano magkakaproblema sila sa COVID-19 vaccine. Una po, okay ba ito sa pakiramdam o sa may karamdaman sa puso? Ito pong sa may asthma? Sa may allergy sa pagkain? Sa may cancer o dina-dialysis at iyon pong kagagaling lang sa operasyon at pati na rin po sa buntis? At paano po ang mga bata?

DR. KASALA: Okay. Iyong huli muna ang gamitin natin ‘no, iyong sa mga bata. Wala pang bakuna na authorized talaga para maibigay sa mga bata. So depending kung ano iyong bakuna na makukuha natin ‘no, may mga bakuna na sadyang gawa lang para sa 18 and above, mayroon namang for 16 and above. So definitely iyong kabataang less than 16 to 18 ay hindi pa makaka-receive ng bakuna ng COVID-19. Of course, ongoing iyong mga studies at iyong paggawa ng bakuna para sa mga bata pero hanggang ngayong, worldwide wala pang ganoong klaseng bakuna. Okay.

Doon sa mga na-mention mo namang mga sakit – ke heart disease, ke asthma, ke autoimmune disease, kung anuman ‘no. Puwede namang maka-receive ng COVID-19 vaccines ang mga taong may ganiyang problema. Ngayon siyempre hindi mo naman maaalis na may anxiety din ang mga tao tungkol sa kanilang mga kani-kanilang sakit ‘no, mas mainam siyempre kung makita sila ng kanilang doktor muna, kung magpa-checkup kasi hindi naman puwedeng hindi na sila magpapa-checkup doon sa kanilang mga sakit ‘no.

Kailangan maganda ang kanilang body system para at least maganda iyong immune response din sa kanilang pagbabakuna ‘no.

So hindi contraindication po na hindi maka-receive ng bakuna ‘no kung mayroong mga allergies, ke allergic rhinitis, ke allergy sa pagkain or sa gamot or allergy sa—o iyong mga nagkakahika ‘no, hindi ho iyan contraindication. Kahit ho iyong mga may Bell’s palsy, [unclear] mga ganoon… puwede hong maka-receive ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Oo. Basta importante, Dok, sabi mo nga magpa-checkup muna ano po. At siguro iyong ilan iniisip nila kung magpapabakuna, like halimbawa ako may asthma o may allergy ako sa pagkain, better kung malapit ako o nasa ospital ako, Dok?

DR. AGUSTIN-KASALA: Well iyong ano naman natin, iyong national program natin ‘no hindi lang iyong pagproseso noong paggawa or pagpili ng bakuna ‘no. Kasama din diyan iyong pagpalakad ng pagbibigay ng bakuna at pati iyong observation period after na mabakunahan. Hindi pupuwede sa mga nabakunahan na umalis kaagad at umuwi kaagad ‘no. May waiting period talaga doon sa vaccination center and siguro mga 30 minutes para maobserbahan sila kung magkakaroon sila ng problema. At kung magkakaroon man ng aberya, at least mabigyan ng payo at mabigyan nang tamang lunas kaagad bago pauwiin or kung kailangan dalhin pa sa emergency room eh iyon ang gagawin.

So hindi dapat matakot ‘no or parang feeling nila nanganganib sila dahil sa bakuna. Mas marami talagang advantage ng pagpapabakuna gaya ng sinabi ni Dra. Lulu Bravo kanina ‘no, mas marami talagang advantage at benepisyo ang pagbabakuna kaysa iyong wala kang bakuna so wala kang proteksiyon doon sa sakit, wala kang kalaban-laban doon sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. So Dok malinaw iyon ano, once na naturukan ka ng bakuna, may 30 minutes ka pa na kailangan i-stay kung saan iyong vaccination center para makita ka ng mga eksperto o ng mga doktor ano po.

Pero ano daw po iyong side effect o reaction ng katawan, iyong masasabing normal lang after receiving po ng any kinds of vaccines?

DR. AGUSTIN-KASALA:Yes, okay. So good you asked that ‘no, Rocky, kasi may mga tinatawag na reactogenic reactions ‘no versus allergic reactions. Ano ba ‘tong reactogenic reaction? Iyan iyong mga usual response na after mabakunahan ‘no. So, ano iyong mga iyon? Iyong mga konting kirot doon sa area ng pagbabakuna ‘no, konting kirot, konting pamumula, konting pamamaga ‘no so nangyayari iyan talaga.

Siguro nau-observe ninyo iyan ‘pag nababakunahan kayo ng ibang bakuna or doon sa mga anak ninyo ‘no, ‘di ba medyo crying sila fretful ‘pag nahawakan iyong vaccine site ‘no. So ganoon din mararamdaman natin. Normal lang po na magkaroon ng ganoon kasi ibig sabihin noon umaandar ho iyong pagbabakuna, okay. Pero hindi naman ho lahat din magkakaroon noong ganoong pagbabakuna so huwag din naman matakot kung wala silang nararamdaman na ganoon. Iyon ang karaniwan ‘no, karaniwan – common local effects iyon.

Ngayon mayroon ding mga common effects na mas… iyong tinatawag na systemic kasi nagkakaroon ng lagnat, nagkakaroon ng hina sa katawan ‘no, iyong mga ganoon ba. Iyong parang feeling mo may sakit ka pero hindi mo maintindihan kung ano iyong sakit mo. So nangyayari din iyan, very, very common iyong mga iyan. Iyong mga iba na magkakaroon ng mga rashes ‘no at saka pangangati and all that, iyan, posibleng iyan na iyong allergic response ‘no, allergic reaction.

And so far doon sa mga studies na nangyayari abroad ‘no, doon sa mga nabakunahan na abroad, eh mayroon talagang may mga ganoong reaction pero hindi naman iyon ang pangkaraniwan na nangyayari.

Kahit iyong tinatawag na anaphylaxis o severe allergic reaction, may mga nangyayari din. Pero sa milyon-milyon na na ginawa ng pagbabakuna abroad ‘no, hindi naman ganoon kadami. In fact doon sa recent ISV 2021 Congress, ang kanilang statistics was about 2.8 to 5 per million doses administered ‘no. Depende kung ano iyong bakunang naibigay pero ganoon kukonti. So on a public health view ‘no, maliit-liit iyong number na iyon.

So as long as maliit lang iyong number, hindi dapat tayo matakot doon sa mga ganoong klaseng reaksiyon kasi hindi iyon ganoon ka-common ‘no, they’re very rare. And wala pa rin nga hong reported na—and iyong reported deaths due to secondary to the anaphylaxis secondary to the COVID-19 vaccines. So hindi ho dapat talaga ikatakot iyong mga side effects at adverse effects nitong bakunang ito. Although totoo nga na mayroon pero hindi ganoon ka-common po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong itatanong ko na susunod, may kaugnayan diyan. Pero madali po ba daw maremedyuhan itong mild to moderate side effects, Dr. Kasala?

DR. AGUSTIN-KASALA: Oh, yeah. Kasi iyon namang mga pain at saka iyong swelling, iyong mga pamumula ‘no, iyon ay madali namang sugpuin ng mga pain reliever kagaya ng mga paracetamol or NSH, mga compress doon sa site ng bakuna. So iyon ang mga puwedeng parang first aid doon sa mga nakakaramdam ng ganoon.

Doon sa mga nakakaramdam naman ng mga kati at pamumula at pangangati at iyong rashes ba, pagpapantal mismo then an anti-histamine will help with that kind of illness. Doon sa anaphylaxis naman po, kaya nga po mas mainam na i-observe kayo doon sa vaccination center, para mabigyan po kayo kaagad ng lunas. Iyong tinatawag na epinephrine, nakahanda po iyan sa lahat ng vaccination centers para kung mayroon man pong ma-detect na may anaphylaxis, mabigyan po kaagad at ma-reverse kaagad po iyong nararamdaman.

USEC. IGNACIO: Opo. Bale malinaw po iyan na dito sa vaccination centers may 30 minutes kayo after vaccination and may mga kaukulang gamot na ibibigay sakaling may makita sa inyong side effects ano po, Dok?

DR. AGUSTIN-KASALA: That’s right.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero katulad ito, mayroon pong allergy… isang taong may allergy talaga, kailangan po ba na magpa-test muna for allergy bago po magpabakuna? Kasi iyan po iyong kalimitang tinatanong ngayon at kung magkano daw po ang magiging usually aabutin sa ganitong klaseng examination?

DR. AGUSTIN-KASALA: Hindi naman po kailangan magpa-test ng mga allergies nila kung para lang sa bakuna ‘no. Unang-una, ang contraindication lang po sa bakunang iyan ay iyong previous allergy or anaphylaxis 2, iyong tinatawag na polyethylene glycol at polysorbate which are both components of the vaccines ‘no. Wala pong test na standard test na magagawa tayo para diyan pero by history, makikita po natin kung dati ho mayroon na kayong reaksiyon sa kahit anong bakuna na mayroong ganoong component or some other people na mayroong mga—sa colonostomy tube, sa mga ibang mga bagay-bagay na mayroon ding polyethylene glycol and polysorbate ‘no.

So kung nagkaroon na na may reaksiyon sa mga ganoon, iyon po ang mga segment ng tao na hindi puwedeng makakuha noong bakunang iyon.

Ngayon iyong testing na tinatanong po nila, kung testing for allergy, kunyari sa mga pagkain, sa mga gamot ganiyan… hindi naman ho dapat gawin iyon bago doon sa pagbabakuna. Pero kung interesado po kayong magpagawa noong ganoong testing, puwede naman hong magpa-evaluate sa friendly neighborhood allergologist po.

Makikita ninyo po ang listahan ng lahat ng allergies sa buong Pilipinas sa psaai.org, iyan po ang website ng Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology ‘no. Inuulit ko po psaai.org and then just go to the segment na nakasulat ‘Find Your Allergies’ para ho makakita kayo ng nearest allergologist sa area ninyo mula Luzon, Visayas, Mindanao at siyempre po NCR, ano?

So, makakatulong po sila to find out and do your allergic evaluation, but usually this is too good – air allergens and insect allergens. Kung para doon sa bakuna hindi po iyon ginagawang standard worldwide no, and basta wala ho kayong ibang ganoong problema sa polyethylene glycol at polysorbate, wala pong kontra indication, make-receive po kayo ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo, sasamantalahin ko na Doc na nakausap namin kayo. Pero may mga nagtatanong po? Sapat daw po ba iyong 30 minutes na in-allot sa holding area sa mga simulation exercises ngayon to check kung may adverse effect ang isang individual.

DR. AGUSTIN-KASALA: Ay oo naman! Kasi usually nag-uumpisa agad kung magkakaroon man ng aberya, usually doon sa first 15 to 30 minutes. In fact, I think they’re monitoring is about 15 minutes for ordinary individuals. For those na may mga history ng mga allergies dati, mga 30 minutes.

Pero dito nga, ang ginagawa na lang natin ay para lang uniform ay 30 minutes na lang talaga ang observation. Of course, there are some reactions that may happen within hour pa. Pero hindi naman ho natin puwedeng i-hold lahat ng tao nang how many hours sa vaccination centers. Pero 30 minutes is enough to observes kung mayroon pong ibang very severe allergic reaction na mabibigyan kaagad ng gamot at ililipat sa nalalapit na ER.

SEC. IGNACIO: Ok, maraming salamat po sa inyong impormasyon at paglilinaw Dr. Kasala. Maraming salamat po.

DR. AGUSTIN-KASALA: Thank you very much for having us. Ang Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology ay lagi pong handa na tumulong para sumagot po inyong mga tanong. Salamat po.

BENDIJO: Dumako tayo sa balita. Mula sa Northern Luzon, Baguio City LGU binuksan ang iskulturang tinaguriang ‘The Golden Blood’ bilang pagpupugay sa frontliners ngayong may pandemya. Ang detalye, ihatid sa atin ni Breves Bulsao. Breves?

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Maraming salamat Breves Bulsao ng PTV-Cordillera.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin na natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Narito po si Pia Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming Salamat Pia Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, kumustahin na natin ang lagay ng lungsod ng Davao, ihahatid sa atin Iyan ni Jay Lagang ng PTV-Davao

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Makibalita tayo sa Queen City of the South, ang mga taga-Cebu handa nang magpabakuna sa nalalapit na vaccination program ng pamahalaan. Ang buong detalye ay ihahatid sa atin ni John Aroa. John?

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Daghang Salamat, John Aroa ng PTV-Cebu.

Samantala, umakyat na po sa 550,860 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 1,685 ang bagong naitala. Base iyan sa inilabas na datos ng Department of Health kahapon. Labing-apat naman ang mga nadagdag na mga gumaling at dalawa ang nasawi.

Sa kabuuan 511,735 ang bagong bilang ng recoveries at 11,570 naman ang nasawi dahil sa COVID-19. Kahapon ay mahigit 240 reported cases ang ibinaba kung ihahambing sa sinundan nitong araw. Ito na ang ikatlong araw ng sunod-sunod na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa. Mula po sa 4.7% noong Linggo ay umakyat naman sa 5% ng total cases ang mga aktibong kaso kahapon, katumbas ito ng 27, 588 cases.

USEC. IGNACIO: 93.5% dito ay mild cases o di kaya ay asymptomatic; parehong nasa 2.8% ang critical at severe cases; samantalang 0.86% naman ang moderate cases.

Ang aming pong paalala, patuloy na maging BIDA Solusyon plus sa COVID-19. Bawal po ang walang face mask at face shield. I-sanitize ang kamay at iwasan ang mga kulob na lugar. Dumistansiya ng isang metro at limitahan ang physical na interaction sa iba. Alamin ang tamang impormasyon at suportahan ang FDA-approved na bakuna.

Iwasan din po muna ang mass gathering at matataong lugar. Iwasan ang mga activities sa mahigit sa labing-limang minuto lalo na kung hindi maayos ang ventilation ng hangin. Iwasan din muna ang pagkanta, pagsigaw at physical contact.

At panghuli, isuot po ng tama ang face mask at face shield sa lahat ng pagkakataon at para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555.

Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources na impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph. Maraming salamat po sa aming partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

Natapos na naman po ang isang oras sa ating talakayan. Maraming salamat po sa inyong pagsama. Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

BENDIJO: Thank you Usec. Magkita-kita tayong muli bukas ako naman po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)