Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes, muli nating talakayin at bibigyang-linaw ang mga issue ng bayan na mahalagang malaman ng bawat Pilipino. Good morning, Aljo.

BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Kasama ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pakinggan natin ang kanilang tugon sa mga katanungan ng taumbayan. Ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina DTI Secretary Ramon Lopez; MMDA General Manager Jojo Garcia; at Dr. Epifania Simbul, ang Medical Center Chief ng National Children’s Hospital.

BENDIJO: Kung mayroon po kayong mga katanungan sa ating mga panauhin, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

USEC. IGNACIO: Sa ating unang balita: Pangulong Rodrigo Duterte sinertipikan bilang urgent ang Senate Bill No. 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021. Sa ilalim ng nasabing panukala, layong mapabilis ang pagkakaroon ng bansa nang ligtas at epektibong bakuna kontra COVID-19. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, para alamin anu-ano nga ba ang guidelines at paalala ng DTI para sa inaasahang pagbubukas sa mas marami pang negosyo at paglabas nang mas marami pang consumer sa unang araw ng Marso, makakausap po natin si DTI Secretary Ramon Lopez. Magandang araw, Secretary!

DTI SEC. LOPEZ: Magandang araw po Usec. at saka kay Mr. Aljo. Good morning ho sa inyong lahat at mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Secretary Mon, ayon po mismo sa inyo ay nahuhuli po tayo pagdating sa economic recovery kumpara sa ibang ASEAN countries. Ano po iyong basis sa naging pahayag ninyo?

DTI SEC. LOPEZ: Opo. Dahil if you look at iyong mga growth rates, iyong mga GDP growth rates, ito po ay—alam ninyo po tayo na iyong second fastest ho noong bago mag-pandemic, iyong end 2019 tayo iyong second fastest. Ngayon tayo iyong nasa pinakailalim, pinakahuli. Masasabi natin na mula noong naging malala iyong GDP decline natin na -16.5 last year, ang recovery nakita rin naman natin kasi lumiliit iyong pagka-negative – from -16.5 naging -11.5, ngayon -8.3 at iyong total for the full year is -9.5.

So kung iku-compare mo iyong -9.5 versus all the other countries dito sa Asia, tayo po iyong nasa huli. If we add Peru, ‘ayun lang ang mababa sa atin, -12%; pero compared to the Taiwan, Vietnam, Indonesia, China etcetera… lahat po iyan naka-recover na nang mas maganda. Iyong iba negative pa rin pero hindi -9 – -1, -2, -3%. So iyon po iyong basehan natin, mayroon tayong graph diyan that will really show na ang Pilipinas ay nandoon ngayon sa pinakamababa as of ending 2020 ‘no.

Pero kung mayroon ding computation ang NEDA na kung—na maaga-aga nating na-allow iyong mga pag-relax ng mga restriction pagdating sa let’s say sa age or pagdating sa ating community quarantine, ang isang estimate po nila ay -7% sana tayo, hindi -9. At kung -7% tayo, it will put us somewhere in the middle, hindi tayo pinakahuli.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ayon po kay former NEDA Chief, Secretary Ernesto Pernia, dapat daw po noon pa iyong sa mga low risk areas ay binuksan o niluwagan ang restrictions. Iyon daw po iyong strategy na isinusulong niya noon pero allegedly hindi daw po siya pinakinggan. Totoo po ba ito at ano po ang masasabi ninyo tungkol dito?

DTI SEC. LOPEZ: Well, basically the economic team, even tayo rin po kung maalala ninyo simula August ay unti-unti na tayong nagluluwag – July, August unti-unti nang nagri-reopen ang mga sectors. Kung maalala ninyo na binuksan na iyong mga manufacturing—the other manufacturing kahit hindi essential and then iyong mga services. So over the—iyong last year over the months, noong second half noong last year nagbubukas na tayo unti-unti. Kaya nga sinusunod naman natin iyong polisiya natin, iyong principle na dahan-dahan, gradual iyong reopening. And that’s the reason why kahit nag-reopening tayo, hindi natin nakitang nagkaroon ng surge or spike ng COVID-19.

So in the statement naman ni former Sec. Ernie, tama po iyon na marami po sa atin ang nagpu-propose na noon. Kung maalala ninyo rin po around November, we were also pushing for MGCQ because we were seeing already a decline in COVID cases even if we were reopening the economy. At we believe that we found a formula pero since ang advice ng maraming expert ay ano muna, huwag bigla-bigla, dahan-dahan so we waited kaya ito hong—where are right now actually is a point na where we waited already ‘no. Nag-antay na po tayo, November pa iyon pinag-intay kasi December daw magkaroon ng surge kasi holiday season so nag-antay, pinalagpas ang December. Pinalagpas ang January kasi baka raw iyong mga tests noong after the holidays, ng mga reunion ay tumaas, mag-spike.

So hindi naman natin nakita iyong malaking mga spike diyan noong January. Pinalagpas ang January, pinalagpas ang February kaya po ngayon ay I think nasa tamang oras na rin iyong gradual reopening. So I think ano lang talaga, it allowed us to buy time para mapadagdagan pa iyong mga hospital rooms for COVID at saka mas ma-observe pa iyong—lalo na itong pumasok na bagong variant.

Naalala ninyo noong December, isa rin iyon sa part of the equation na nagkaroon ng bagong variant kaya hininto natin iyong mga pagluluwag, iyong reopening. Pero inobserbahan, iyon din ‘yung utos ng ating Pangulo kaya inobserbahan natin itong bagong variant. So lumagpas ang January, lumagpas ang—ito, lalagpas na ang February, so we believe naman po na nama-manage pa rin ang cases. And if we look at the numbers now, from 4,000 a day last year, middle of last year, ngayon naman ay below 2,000 cases per day.

So we are hopeful. We are confident na mami-maintain po natin itong dahan-dahan na reopening and yet wala ho tayong ie-expect na surge or spike. Basta ang importante ho maingat ang taumbayan. Sa kasabihan ho, nasa tao iyong pag-iingat kaya nagko-comply ho lahat at ang government naman nag-i-enforce na siguradong may distancing, nakasuot ng face mask, face shield ang taumbayan, etc., maganda ang ventilation and so on and so forth.

So, ang health protocol po hindi ho niluluwagan, it’s only opening a bit the economy and hopefully down the road, iyong pati age restriction.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary, bigyan-daan ko lang iyong mga ipinadalang tanong ng ating kasamahan sa media. May tanong si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: You recommended allowing cinemas and game arcades to open, a suggestion that horrified the health professionals. Between the economy and public health safety, which do you think is more important?

DTI SEC. LOPEZ:  Balanse po iyan. Again, ang sabi nga, I will quote Sec. Karl, maganda rin iyong sinabi rin niya na it’s no longer between health and economy eh, it’s already between iyong health at saka iyong ibang health issues na lumalabas ngayon dahil sa kagutuman. Because of hunger, because of malnutrition, iyong mga ibang diseases, ibang health problems lumalabas. Stunted growth pati iyong katalinuhan ng ating mga kabataan, kung malnourished iyong ating kabataan dahil nga ho sa kahirapan, iyong mga magulang nila walang trabaho. Hindi pa ho nakakabalik lahat, 1.6 million pa ho kung ikukumpara natin na hindi pa nakabalik sa trabaho, compared to pre-pandemic levels ng employment.

So, iyon po ang mga kinukonsidera ngayon. And when we are looking into arcades and cinema, hindi naman po ito bigla-biglaan. Remember po na MGCQ na sa karamihang lugar sa buong Pilipinas, only about eight places including NCR ang GCQ. In the MGCQ, outside Metro Manila, bukas po iyong sinehan and then pina-observe po natin, wala rin naman hong naging spike. It’s all about ano ho, hindi natin maalis iyong warning nila – mag-ingat, mag-ingat – but precisely iyon nga po iyong ginagawa. Sa pag-reopen ho nito, hindi ibig sabihin hindi tayo mag-iingat. Na-iingat nga po, kaya nga even in MGCQ areas walang spike. Nakita ho, na-prove natin na even in the past na nag-reopen tayo, ikinuwento natin kanina, wala ring naging spike kasi ho talagang complying po lahat. Lahat po nag-iingat, nasa tao iyong pag-iingat.

So, tinutuloy lang ho natin itong gradual reopening, iyon lang naman ho iyong ibig sabihin dito. Wala ho tayong lalabagin na batas in terms of health compliance. So, iyon po iyong i-emphasize natin and even when we talk of cinema and arcades, even in cinema we’re saying kung hindi comfortable po lalo na ang LGUs and ano, mag-umpisa tayo sa 20%, umpisa tayo sa 30%. Ang ikinaiba po nito, kapag bukas iyong cinema ho kasi mayroong trabaho; susuwelduhan iyong mga taong nagtatrabaho doon from the ticket person, iyong maintenance, iyong janitor, etc., iyong projector, nagma-manage ng production doon, noong filming, etc. So, nagsusuweldo po sila araw-araw compared ho ngayon hindi ho sila nagsusuweldo or if ever ang kuwento noong ibang movie house owner, one day a week lang sila nagsusuweldo.

So, imagine po natin iyong mga iyon na mga kababayan natin na wala hong trabaho dahil nga ho iyong alam nilang trabaho ay sarado pa rin. Kaya ho, ito naman ho ay paraan lang para mabawasan iyong mga ganoong walang trabaho pa rin ngayon at nandoon pa rin ho iyong pag-iingat and we can be flexible. We can start with 20/30%.

Anyway, mayroon na rin po kaming agreement in principle with the MMDA na kapag na-approve naman po ito ni Pangulong Duterte at i-implement ho natin ito, right now pa lang ho binigyan na ho natin ng kopya ng implementing guidelines ang mga LGUs lalo na ang Metro Manila Mayors para ho mag-comment sila, magdagdag pa sila ng ibang health protocol na gustong idagdag doon para masigurado nila na mas mahigpit iyong ating protocol at mas safe.

So, iyon po ang aming commitment naman dito na we will work together on the implementing guidelines.

USEC. IGNACIO:   Pero, Secretary, hindi po ba kakayanin ang pagbangon ng ating ekonomiya kung hihintayin muna iyong pagdating daw po ng bakuna bago po talagang mag-MGCQ na ang buong bansa?

DTI SEC. LOPEZ:   Again, we can imagine each day po na walang pagkain iyong ibang kababayan natin, each day na nagugutom at nama-malnourish po sila, ano ho kaya ang gagawin natin sa kanila? So, iyon ho ang big question. Sasabihin ho nila sa atin sigurado, “Hindi namin mahihintay kahit isang linggo, isang buwan, tatlong buwan.” And what if hindi pa ho kaagad ma-implement? Kahit may dumating ngayong February, hindi ba ang sabi po, ang report ho ni Secretary Galvez iyong bulk naman ng ating vaccine darating second quarter/third quarter.

So, iyong worry lang po natin, each day na lumalampas at walang makain iyong iba nating mga kababayan, iyon ho ay problema ho natin. Hindi ho naman makakasakit itong gagawin natin. Again, nakita natin noong nagluwag tayo nang dahan-dahan hindi naman ho sumipa iyong cases. So, again, may basehan naman po tayo ng dahan-dahang pagpapaluwag, itinutuloy lang po natin iyong momentum ngayon na nama-manage naman nating mabuti iyong COVID cases and, of course, sa tulong ho ng mga LGUs, na-enforce ho nila iyong compliance nito hong pagkontrol ng COVID cases. So, tulung-tulong naman ho lahat dito.

USEC. IGNACIO:   Secretary, may tanong si Joseph Morong ng GMA News: Are we MGCQ daw po on March 1st?

DTI SEC. LOPEZ:   Iyon po iyong aaprubahin po, idi-discuss ho sa Cabinet sa Monday and of course, iyong approval ho ng ating Pangulo ang hihintayin po natin doon.

USEC. IGNACIO:   Opo.

DTI SEC. LOPEZ:   Pero narinig naman po iyong ini-recommend ng IATF.

USEC. IGNACIO:   Opo. Ang second question niya: Who will prevail daw po between Metro Manila Council and IATF? Sabi po ni MMDA chairman Abalos dati, although Metro Manila mayors daw do not want to open cinema, they will defer daw to IATF.

DTI SEC. LOPEZ:   Opo. Kami naman ho ngayon well-coordinated ho, we consult each other at saka po siyempre ho ang mga Metro Manila mayors, tulad ng ibang LGUs sila rin ho ang nag-i-implement so kami po ay nakikinig din sa kanila, so, we work together. Ang IATF naman po is a recommendatory body, we recommend to the President and ang MMDA part of IATF. So, we continue the close coordination, consultation with the MMDA.

USEC. IGNACIO:   Opo. May tanong pa rin po si Joseph Morong: When do we start talking about live event performances and venue? When can we reopen this?

DTI SEC. LOPEZ:   Again, iyan ang kasama sa mga dinadahan-dahan natin, hindi ho natin kaagad binubuksan lahat po iyan, especially those that will threaten or will not make us comply iyong physical distancing o kaya iyong mga live events na may mga kantahan – findings din naman po ng mga health experts iyan na nagbubuga sila ng mga droplets so delikado. Unless mayroong mga device or mechanism na rin in the future nasa enclosed na lugar or whatever, kung may mga ganiyan in the future maaaring makonsidera rin iyong mga pagbubukas na iyan.

So, again, ito iyong part noong dahan-dahan. Kaya nga ho hindi naman natin talaga lahat binibigla but there are still sectors na, in fact, kahit nasa MGCQ may na-identify tayo na mga sectors na what we call negativist – iyong hindi pa rin talaga puwede, hindi ba? Tulad ng mga pubs, tulad ng mga sabungan na maraming tao. Iyong mga ganiyan hindi talaga puwede pa iyan kahit MGCQ.

USEC. IGNACIO:   Secretary, nagkaroon po ba daw ng inspection or assessment ang DTI sa mga bubuksang establishment dito sa mga GCQ areas ngayon at kumusta na daw po ito?

DTI SEC. LOPEZ:   Yes. Ang atin hong report ho diyan, maganda iyong compliance. Everyday ho ang aming team and of course with the LGUs, with the DOH, DOLE, it’s a composite team, we do all these assessments. Even from our unit, from the DTI, mayroon po kaming report diyan na everyday dahil nga ho commitment ho namin din ito mula nang binuksan, if you remember, iyong mga restaurants, barbershop salons dati, noong last year, so every day pa rin ho iyan ini-inspect at wala ho tayong nakitang malawakang paglabag. If I remember right, ang compliance rate natin over 92%.

USEC. IGNACIO:   Secretary, paano naman po kung hindi daw po pahintulutan ng IATF at ni Pangulong Duterte iyong pagbaba sa limang taong gulang at pag-akyat sa seventy years old iyong mga papayagan pong lumabas ng bahay? Okay lang po ba iyon as long na MGCQ na ang buong bansa or hindi pa rin po?

DTI SEC. LOPEZ:  Kulang pa rin iyong market, ibig sabihin iyong demand, iyong sigla ng ekonomiya, hindi pa rin totally babalik. But of course, we will defer siyempre sa decision ng Presidente. So that might be part of the dahan-dahan. So, we will be waiting kung anuman ang adjustment or puwedeng unti-untiin muli iyon. Kasi ngayon, nationwide, iyong napasa na ng Cabinet in… hindi ko maalala few months ago ay 15 years old up to 65. So, if ever kahit kaunting pagluwag mula sa 15 iyong ang puwedeng mapag-usapan.

But at least ang isang magandang balita rin ng Metro Manila, from 18 years old, bumaba na rin sa 15 years old. So, okay rin sa amin iyon, at least unti-unti rin silang nagluwag doon. So, we welcome that, we appreciate that movement. Importante po talaga, we try, we try the next stage. And we control and we comply with the health protocol. Iyon ho iyong importante nating formula na nagwo-work. Ang mahirap po iyong hindi na tayo gagalaw and then in the meantime, nakabitin po iyong mga walang trabaho na tumatagal at maraming maapektuhan pati health issue, pati security, social issues.

USEC. IGNACIO:  Secretary, mayroon lang pong pahabol na tanong si Joseph Morong. Paki-elaborate daw po iyong Implementing Rules and Regulations sa cinema, nasa mayors na po ba at ano po ang features nito?

DTI SEC. LOPEZ:  Mayroon na kaming draft na ibinigay sa mga Mayors, so tinitingnan ho nila iyan. Sa draft naalala ko dito, tiningnan ko rin ho iyan—at by the way ang nag-develop ng draft implementing protocol DOH kasama na po diyan. So, iyong mga pangamba po natin na magkakalat ang ano… huwag kayong mag-aalala dahil the experts po have looked into this, iyong Technical Working Group, hindi ko po ito inimbento. Ito po iyong pagsuot pa rin ng mask habang nanunood, iyong pag-sanitize noong buong sinehan in between shows, iyong pagbigay ng magandang ventilation para iyong air circulation ay may pumapasok, may lumalabas, hindi nakukulob doon sa sinehan. These are just some of the extra protocols that we are requiring sa mga cinemas.

Nabanggit ko, iyong mga cinemas na nasa MGCQ nga nag-allow silang magbukas, walang nag-spike. In fact, pati rin iyong mga nagbukas—by the way, 500 plus iyong cinemas sa MGCQ areas, outside Metro Manila. In the end, may option po silang hindi buksan iyong 500 plus; 148 lang iyong nagbukas, based on actual numbers doon sa mga sinehan sa MGCQ. So mga 27% lang in the end ang nagbukas, kasi nga po depende po talaga iyan sa kalagayan doon sa kaniya-kaniyang lugar.

So dito po sa ating panukalang implementing guidelines, isa rin po ito sa pag-uusapan ngayon, do we start with 20% muna. So iyon po iyong mga ikukonsidera natin – 20% capacity.

USEC. IGNACIO:  Naiulat din po na maraming MSMEs ang nakadalawang-isip na mag-loan daw po sa DTI at sa SB Corporation kahit ito po ay zero interest rate na. Ano po iyong nakikita ninyong dahilan at paano po natin sila hinihikayat na mag-avail pa rin ng financial loan?

DTI SEC. LOPEZ:  Well, isa nga rin po ito sa dahilan na iyong sigla ng economy, kung nakikita po nilang matamlay, natatakot silang humiram dahil baka kung humiram wala pa rin iyong mga costumers nila at malugi lang sila at baka magkaproblema pa sila, wala silang pambayad. Kahit na sinasabi namin may grace period pa ito.

So kami po ngayon nagpo-promote pa para maraming umutang, kasi wala po kaming back log, mabilis iyong ating application process at on line na, napakadali, pero kaunti iyong nag-a-apply. Pero mula noong umpisa, mas maraming nag-apply last year. From last year up to now, nakapagpahiram na tayo sa over 20,000 and over P2.4 billion na iyong napautang natin. Pero iyong recently, parang bumagal iyong mga nag-a-apply kaya nga po pino-promote din namin ito.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DTI Secretary Ramon Lopez.

DTI SEC. LOPEZ:  Salamat po.

BENDIJO:  Kahit ilang buwan na ang nakalipas mula ng hagupitin ng Bagyong Ulysses ang ilang bayan sa Cagayan Province, patuloy pa rin ang pagbangon ng ating mga kababayan doon. Kamakailan mahigit 4,000 na mga residente mula sa bayan ng Iguig, Solana at Enrile ang hinatiran ng ayuda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at tanggapan ni Senador Bong Go. Narito po ang ulat:

[NEWS REPORTING]

BENDIJO:   Hati po ang naging reaksiyon ng mga Punong Lungsod sa Metro Manila kaugnay sa pagluwag ng age restriction at pagsasailalim sa Modified General Community Quarantine. Kaya naman para po makibalita sa nangyaring botohan ng Metro Manila Council ay makakausap natin si MMDA General Manager Jojo Garcia. GM Garcia, magandang umaga po.

MMDA GM GARCIA:  Magandang umaga po. Magandang umaga po sa lahat ng mga viewers po ninyo at mga nakikinig po sa inyo.

BENDIJO:  Kasama din natin si Usec. Rocky Ignacio.  

MMDA GM GARCIA:  Usec. Rocky magandang umaga po. Sir Aljo magandang umaga po.

BENDIJO:  Puwede po ba ninyong ibahagi sa amin kung ano po iyong naging sentimiyento ng ilang mga alkalde dito po sa Metro Manila na hindi po pabor para isailalim sa MGCQ ang NCR?

MMDA GM GARCIA:  Ganito po iyon, ano. Nagkaroon kami ng pagpupulong last Wednesday with the economic team, nag-present po si Secretary Karl Chua, si Secretary Mon Lopez, Secretary Vince Dizon kung ano po ang lagay ng ating ekonomiya. At naipaliwanag naman po ng maganda kung bakit kailangang magbukas tayo ng unti-unti, which iyon naman po ang gusto ng mga Mayors natin, iyong gradual opening, kasi nga po natatakot din sila na kapag tayo ay nagpabigla-bigla, padalus-dalos ay baka magkaroon ng surge na hindi manageable, magla-lockdown na naman, eh hindi na po kaya ng ating mga Mayors.

So iyong nag MGCQ at GCQ naman na pinagbotohan po, kung titingnan po talaga natin iyong GCQ naman right now is already an MGCQ, madami na pong bukas; kumbaga hindi na po talaga siya iyong GCQ noong araw eh.

So that is why kung labeling lang naman iyan, which is [unclear], ang explanation naman wala namang difference kung ano po iyong mga bukas na establishment. Kumbaga parang ano na lang po, para magbigay kumpiyansa sa ating mga… sa mga bigger sectors na ang Metro Manila ay grumadweyt na at nag-MGCQ, tulong na po natin ito sa economic team.

Ngayon po, dito naman po may mga nagtatanong kung baka dahil sa MGCQ magkaroon na ng surge ‘no – hindi naman po ‘no. Kasi nga sabi ko nga iyong GCQ natin ngayon, ganoon din, it’s just the same with the MGCQ; at number two, one year na po tayo na may mga lockdown. Nakita naman natin iyong ating mga kababayan ay medyo responsable na, iyong wearing of face mask, face shield, physical distancing, iyan po ay nasasanay na iyong mga kababayan natin. Kaya po may enforcement lang po sa local government at ang ating mga kababayan naman ay matututong madisiplina, hindi po talaga magkakaroon ng surge.

ALJO BENDIJO: Opo. May tanong ang ating kasama sa media dito, GM, si Joseph Morong. Tuloy na po ba iyong opening ng mga sinehan by March 1? At safe to say, by March 1 MGCQ na po ba ang Metro Manila?

MMDA GM GARCIA: Unang-una po, iyong sa MGCQ ulit, iyan po ay napagbotohan, ni-report namin sa IATF, at ang IATF po ay irirekomenda rin po sa ating Presidente. So ang Presidente pa rin po ang magdidesisyon niyan, at kami po, we trust the wisdom of the President and the IATF. Kumbaga, nag-report lang po kami na ito po iyong nanalong boto.

Pangalawa, sa sinehan po, malinaw naman ‘no noong IATF kahapon, may konting objection ang mga mayors natin diyan. Of course, may mayors na gusto, may mayors na ayaw. Kaya noong nagpaboto, mas marami naman iyong ayaw, iyon po ang masusunod ‘no. Alam naman natin na ang NCR, one voice iyan. Kasi nga hindi naman puwede, example ‘no, bukas ang sinehan sa Manila, ang Makati sarado. Iyong taga-Makati, pupunta lang ng Manila para manood at uuwi sa Makati, at sa Makati puwedeng magkalat ng COVID ‘no. Iyon po ang mga tinitingnan natin.

So nakiusap naman po ‘no si Chairman Benhur (Abalos), baka puwedeng i-defer muna iyong sinehan. Pero in case ‘no, in case po na iyan po ay papayagan ng ating Pangulo ay gagawa na lang po tayo ng guidelines. Siguro imbes na 50% na capacity, nasa 20 or 30% lang. So bakit po ganoon, bakit natin binabawasan? Kasi nga iyong sa enforcement side ‘no. Sabi nga ng mga mayors natin, let’s say Quezon City, may 10,000 na negosyo ‘no na nakabukas ay iyan po ay binibisita halos araw-araw kung sumusunod sa health protocols. So kung magdadagdag pa tayo ng additional establishment baka mahirapan na tayo sa enforcement. Kaya gusto nila gradual, controlled natin para kahit papaano po ay nandiyan na rin iyong bakuna natin ‘no, iniintay natin, malapit na po iyan baka puwedeng gradual na rin ang pag-increase din ng pagbubukas ng ekonomiya.

ALJO BENDIJO: Opo. So depende pa rin po iyan sa desisyon ng Pangulo. Malaking challenge po ito sa MMDA, ganoon din ang nga metro mayors. Ibig sabihin niyan ay magdadagdag po ng mga public transportation kung sakali.

MMDA GM GARCIA: Actually, iyong public transportation po, napag-usapan po natin iyan. Talagang siniguro naman ng economic team na ang DOTr po ay nakahanda rin at ang LTFRB sa pagdadagdag ng mga ruta. Kasi habang nagbubukas tayo ng ekonomiya, napakaimportante po talaga iyong public transportation ano. Kasi kahit anong pagbubukas ninyo, wala namang sasakyan iyong mga manggagawa o iyong mga tao, balewala din po.

ALJO BENDIJO: Opo. Eight/nine daw po iyong boto? Puwede na nating malaman kung sino po iyong pabor at kung sino ang hindi?

MMDA GM GARCIA:  I cannot confirm or deny the number ‘no, pero nanalo po ang MGCQ po.

ALJO BENDIJO: Itong boto ay para lang ba sa pagbubukas ng mga sinehan o kasama na rito..?

MMDA GM GARCIA: Iyong sa MGCQ-GCQ po, iyon po iyong dikit, medyo dikit pero nanalo ang MGCQ. Sa sinehan po, medyo malaki-laki po ang agwat ng close ng cinema.

ALJO BENDIJO: Opo. How about iyon pong desisyon na palabasin na lahat, maliban na lang siguro iyong may mga sakit na mga senior citizens?

MMDA GM GARCIA: Uulitin ko, medyo nakiusap din po ang NCR diyan na baka puwedeng 15 muna, 15 t0 65 ang NCR. Alam naman natin kasi ang NCR matagal nang nasa 18 ano. Kasi ang tinatanong lang naman lagi ng mga mayors dito, anong basis bakit 15? Bakit hindi 14? Bakit hindi 16? O kaya bakit 10, hindi 11, hindi 9 ano. Ano ang basis natin? Kasi iyong basis po ng mga Metro Manila mayors natin kaya nag-18 tayo, eh kami po ay humingi ng opinyon sa Philippine Pediatric Society, at ang definition niya ng pedia is 17 below. That’s why ang pinapayagan lang doon is 18.

Ngayon, nag-adjust na rin tayo ng 15, pumayag na po ang mga mayors natin. Majority, unanimous po iyon ‘no na 15. Ito ay tulong na natin sa ekonomiya na kahit papaano ay mataas na rin po itong 15, 16, 17 na puwedeng lumabas. At ang nakita rin namin, iyong 15,16, 17 age bracket, medyo responsable na po ito. Ito iyong mga junior high school eh. So iyong pag-wearing ng face mask, medyo disiplinado iyan unlike iyong mga batang 5, 3, 4 years old ay mahirap pong i-monitor iyan, nagtatanggal ng mask iyan.

So iyong 15, 16, 17 po, ang pagkaintindi po namin ay responsable na po iyan at puwede nang sumunod sa minimum health protocol.

ALJO BENDIJO: May tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: GM, Metro Manila Council voted in favor of easing quarantine status anew to Modified General Community Quarantine in March after months of GCQ. Do you believe this is proper, considering the apparent increase of COVID cases?

MMDA GM GARCIA: Okay, unang-una po, uulitin ko po ‘no, label na lang po iyong GCQ at MGCQ. Kasi iyong GCQ po talaga noong araw, let’s say sa mass gathering, sampung tao lang ang allowed ‘no. Kahit na 1,000 ang capacity ng isang lugar eh sampu lang ang maximum noong talagang GCQ. Pero kapag sinabi mo ngayon, ang GCQ natin ay 50% including church, eh limandaang tao iyan – ang laki ng diperensiya niyan – which is ito na po ang ginagawa natin, wala namang nagkakaroon ng surge. Iyong mga restaurant during GCQ, 20% lang yata ang laman niyan or 10%. Ngayon po nasa 50, 75% ang GCQ na rin.

So meaning ho, what we are doing right now for the past month is really an MGCQ na eh. Kaya lang po inaano ng mga mayors natin na baka puwedeng mag-GCQ tayo just on the side of caution. Meaning, nagkaroon ng surge, puwede tayong maghigpit at bumalik sa minimum [unclear]. Unlike kapag MGCQ, ang minimum natin na puwedeng lumabas nasa 50% na, hindi na maibabalik. Iyon lang po iyon.

So para paano natin hindi ibabalik kapag tayo ay nasa MGCQ, ito na nga po iyong tinatawag nating enforcement at disiplina sa mga tao.

ALJO BENDIJO: Noong sinabi na bubuksan ang mga sinehan at iba pang mga leisure activities dapat noong Lunes, tila nagulat po ang mga mayor ng NCR. Hindi raw po sila nakonsulta. Sabi naman ni—

SEC. ROQUE: Actually, ganito naman po, in fairness naman kay Secretary Harry Roque ‘no, nandoon po ako noong meeting ‘no, naikonsulta iyan. Ang problema lang po kasi, nagkaroon ng TWG nang Wednesday so nag-ano kami, nagkaroon kami ng reservation or objection, and then Thursday, nag-tackle kaagad sa floor, sa principal. So wala pong time para i-meet ko kaagad iyong mga mayors ng Wednesday night dahil pag-uusapan na ng Thursday. So nagkaroon lang po ng miscommunication na napabilis nang kaunti, pero still ano, nakita naman natin na napaka-cooperative po ng ating national government. Binigyan ng [unclear] ang mga punong-lungsod sa isang pagpupulong kaya po nagkaintindihan sila ‘no. Kaya nga po noong nag-request kami na mai-defer muna iyan ay pinagbigyan naman tayo kasi nga sa side ng enforcement, kung wala pang guidelines, papaano natin i-enforce.

Alam naman natin ‘no lahat ng guidelines, lahat ng ilabas ng IATF, ang nag-i-implement po niyan ay local government, iyong ating mga mayors. So ang sa atin lang, ang hiningi lang naming na sandali, paano ba namin ipapatupad iyan ano. Hindi sa kinukontra natin ‘no. Sabi ko, we trust the wisdom of the IATF; we trust the wisdom of the President, kaya lang napabilis lang siguro noong time na iyon kaya hindi namin nakitaan ng guidelines. Kasi kung i-implement ng LGU iyan, anong guidelines? Iyon lang po ang ating, kumbaga, katanungan noong araw na iyon.

ALJO BENDIJO: Ano po iyong magiging batayan bago muling ibalik sa mas mahigpit na community quarantine ang mga lungsod dito po sa Metro Manila? May timeframe ba ito, GM?

MMDA GM GARCIA: Wala naman po, wala naman po. Iyong para maghigpit?

ALJO BENDIJO: Opo.

MMDA GM GARCIA:  Eh iyan po kung tayo ay mapuprotektahan natin, maalagaan natin, mai-enforce natin nang tama eh hindi ho magkakaroon ng surge ano. Pero during MGCQ, allowed pa rin ang targeted lockdown, meaning crucial sa umpisa – kalsada o isang barangay, puwede pa ring i-lockdown ng mayor iyan.

ALJO BENDIJO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, MMDA General Manager Jojo Garcia. Good morning.

MMDA GM GARCIA: Maraming salamat po. Mag-ingat po tayong lahat. Thank you po.

ALJO BENDIJO: Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik ang Public Briefing #LagingHandaPH. Hindi po tumitigil ang paghahanda at pagsasanay ng pamahalaan upang mahikayat ang ating mga kababayan na magpabakuna. Para tulungan tayong mas maintindihan ang importansiya ng mga bakuna, makakausap po natin si Dr. Epifania Simbul, Medical Chief II ng National Children’s Hospital. Magandang araw po, Doc.!

DR. SIMBUL: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasama po natin si Aljo Bendijo. Doc., napabalita po iyong isang OFW mula sa UAE at Canada iyong nag-positive sa COVID-19, ito po ay kahit nabakunahan na siya. Iyon po ba ay normal lang? At gaano po ba katagal bago umepekto ang isang bakuna sa katawan?

DR. SIMBUL: Okay. Naririnig natin sa mga ulat ng mga manufacturer/pagawaan ng bakuna, hindi naman 100% talaga iyong bisa nila pero more than 90% ganiyan. So sana hindi tayo iyong maging kasama doon sa less 5% katulad ng nangyari dito sa OFW na ‘to, baka iyong sariling katawan niya hindi nag-develop ng antibodies [na] sapat para makontra iyong virus na COVID. At saka iyon nga, iyong panahon ng pagbakuna baka hindi pa sapat para mag-develop ng antibodies.

Iyong antibodies na iyon, iyon ‘yung [garbled] na ginagawa ng katawan natin kapag tinurukan tayo ng bakuna. So malamang hindi pa sapat iyong panahon kasi—at sa kanilang pag-aaral hindi ba’t mayroong isang buwan na pagitan halos para bigyan ng pangalawang dosage [garbled] o tumaas level sa katawan ng taong binakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., puwede po ba natin masabi na may kinalaman din ito o posibleng may kinalaman ito doon sa brand ng ibinakuna sa isang tao?

DR. SIMBUL: Iyan siguro iyong isang pinagtatalunan ngayon nga, iyong efficacy kung 90 o 50 percent na sinasabi. Pero according to WHO basta lumagpas iyan ng 50% ay makakatulong nang malaki sa [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Bilang isang eksperto po sa kalusugan ano, sa palagay ninyo po ‘pag ang isang tao’y tinurukan ng vaccine, mga ilang linggo o buwan po para mag-develop ito ng antibody?

DR. SIMBUL: Iyon pong mga ibang pag-aaral nila sasabihin na after 2 weeks to 1 month, at least 50% sa unang does ano and then kailangan pang pangalawa ng dose para makumpleto, maging 90% man lang iyong pagiging bisa noong bakuna. So patuloy pa iyong pag-aaral na iyan sa bawat bakuna naman kung ang peak o iyong [garbled] ng pag-develop ng antibodies ay pagkaraan ba ng isang buwan o dalawang buwan o tatlong buwan. So kaniya-kaniya pong pag-aaral ang bawat kumpanya na gumagawa ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., paano naman po iyong naturukan ng unang dose ng bakuna tapos hindi nakabalik for the second dose? Ano po iyong magiging epekto noon sa katawan?

DR. SIMBUL: So sabi nga po nila, dahil sa kanilang pag-aaral ay kailangan ng dalawang dose iyon so natural mahina pa ‘pag isang dose lang ang nakuha natin. So kung ang recommendation nila ay talagang dalawang dose para mas mataas ang bisa, at least sundin iyon na dalawang dosage. That means kulang na kulang pa rin iyong unang dose lang.

USEC. IGNACIO: Opo. So ano po iyong gagawin ng pamahalaan partikular po ng Department of Health para po daw matiyak na masusunod ng mga kababayan natin iyong schedule nila sa vaccination para sa dalawang doses ng COVID-19 vaccines?

DR. SIMBUL: Iyon po, patuloy ang training/orientation sa lahat ng mga [garbled] at mga LGU. Malaking bagay po ang maitutulong ng LGU talaga para—kasi sila iyong nasa community na, na maipaliwanag, matulungang maipaliwanag kung ano ang kahalagahan ng pagbabakuna sa ating panahon ngayon para nga tayo ay makalaya na dito sa mga GCQ o quarantine na nangyayari para naman umunlad na ulit ang ating bayan. Kaya ang LGU po malaking bagay, bising-busy na po sila pagsasanay para—kung iyong mga may katanungan na ating kababayan ay masagot iyong kanilang agam-agam.

USEC. IGNACIO: Opo. Isang pag-aaral muli tungkol sa COVID-19 po iyong isasagawa sa Britanya ano po, but this time nasa siyamnapu iyong volunteers na edad po 18 to 30 ang sasadyain daw pong lagyan ng COVID-19 para magkaroon nang mas malalim na batayan ng pag-aaral sa paggalaw po noong virus at paggawa ng bakuna. So, anu-ano po ba iyong mga resulta na inaasahang madi-discover ‘pag sa ganitong proseso po ng pag-aaral sa isang virus at maging ng bakuna?

DR. SIMBUL: Iyon pong naobserbahan na karanasan natin na karamihan ng hindi magandang epekto ay doon sa mga may edad, ‘di po ba? Sila mas maraming namamatay. So sinusubukan sa kaniya-kaniyang iba-ibang edad upang makita kung ano ang nagiging reaksiyon talaga. Kung mild lang naman sa ganitong edad na 30, so at least maipu-focus natin ang ating mga resources para doon sa mga [garbled] compromise lang iyong mga may edad na talaga o iyong mga batang-bata pa.

Sa ngayon hindi po ba hindi naman siya recommended iyong bakuna sa mga less than 16 years old dahil nga kulang pa iyong pag-aaral sa mga edad na iyon. So patuloy po kaya hindi po ba ang mga bakuna naririnig natin na tumatagal ng pito/sampung taon na tuluy-tuloy na pag-aaral upang madagdagan pang lubusan iyong ating kaalaman sa epekto nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito Doc., palagian po itong itinatanong. Dito daw po kasi sa Pilipinas, karamihan na hindi naman daw po nagpapakonsulta sa doktor kung wala namang nararamdaman ano po lalo na po iyong mga kababayan natin sa talagang malayo o liblib na komunidad. So ano po iyong maipapayo ninyo para naman po masiguro talagang healthy po iyong mabibigyan ng bakuna? Kailangan muna bang sumailalim sila sa iba’t ibang uri ng tests?

DR. SIMBUL: Mayroon pong counseling na tinatawag po iyong ating vaccination centers, iyong mga grupo ay mayroon pong registry area at iyong susunod na area, iyon ‘yung counseling na bago pa hingin iyong kanilang consent. So kailangan po ay naiintindihan nila and then kung papayag sila na mabakunahan na kapag naunawaan na. Pero bago pa man din iyon na bakunahan ay ieksaminin din po sila. May mga katanungan para malaman kung sila ay high-risk o kailangang ipagpaliban muna ang bakuna para sa kanila at para maging safe naman o ligtas sila sa pagbabakuna na ito.

Hindi naman po kailangan pa ng maraming tests, sa pamamagitan lang po ng mga interview at mga examination na physical ay puwede na pong malaman iyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagpapaliwanag sa ating taumbayan. Maraming salamat po, Doctor Epifania Simbul mula po sa National Children’s Hospital.

DR. SIMBUL: Maraming salamat din po sa pagkakataon.

BENDIJO: Narito po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa, base iyan sa report ng Department of Health kahapon, February 18, 2021: Umabot na sa 535,163 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 1,744 na mga bagong kaso kahapon; 96 katao naman ang bagong mga nasawi kaya umabot na sa 11,673 ang ating COVID-19 death tally. Dumarami pa rin ang mga kababayan nating nakaka-recover sa sakit na ngayo’y nasa 512,375 matapos makapagtala ng 412 new recoveries kahapon. Ang total active cases ngayon ay 31,115.

Samantala, kung mapapansin ninyo itong logo na nakadikit sa face mask ng isang indibidwal, indikasyon po ito na maaaring ang kaharap po ninyo ay deaf o mute. Paalala lang po, maging sensitibo tayo lalo na ngayong panahon ng pandemya. Tandaan, igalang at intindihin po natin ang bawat nakakasalamuha dahil hindi rin po madali ang kanilang pinagdadaanan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Dumako po tayo ngayon sa pinakahuling mga balita mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service. Czarinah…

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Maraming salamat Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting System.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Patuloy po ang pagpapaabot ng tulong ng pamahalaan at tanggapan ni Senator Go sa ating mga kababayan na pinadapa ng pandemya ang hanapbuhay. Kamakailan, nasa mahigit isang libong tricycle drivers sa Ilocos Norte ang nabigyan ng ayuda mula sa kaniyang tanggapan. Para sa detalye panoorin po ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO:  Mula naman po sa PTV-Cordillera may ulat din si Jorton Campana.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Jorton Campana.

BENDIJO: At upang maghatid ng pinakahuling kaganapan sa Cebu City, may report si John Aroa. John?

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa.

USEC. IGNACIO: Magtungo naman tayo sa Davao. Hatid ni Jay Lagang ang pinakahuling balita doon. Jay? 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

BENDIJO: Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Asahan po ang aming patuloy na paghahatid ng impormasyon na mahalagang malaman ng bawat Pilipino, ako po si Aljo Bendijo. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Thank you, Aljo. Sa ngalan po ni Sec. Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)