Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO:  Magandang araw po ng Lunes sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, ngayon po ay October 19, 2020. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

MR. BENDIJO: Samahan ninyo kami sa panibagong linggo ng balitaan tungkol sa COVID-19 at sa iba pang mga mahahalagang balita sa ating bansa. Ako naman po si Aljo Bendijo. Usec., good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Simulan natin ang balitaan ngayong araw, ika-87 Malasakit Center sa bansa pinasinayaan sa Bagong Cainta Municipal Hospital sa lalawigan ng Rizal. Personal na pinuntahan ng pangunahing proponent ng Malasakit Center Act of 2019 na si Senator Bong Go ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Cainta kung saan pinaalalahanan niya ang mga kawani ng ospital na paglingkurang mabuti ang kanilang mga pasyente, partikular ang mga nasa aniya ay poor and vulnerable sector.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na maging mapagmatiyag at i-report ang anumang anomalyang nakikita sa mga pinuno ng kanilang bayan.

Nagpasalamat din si Senator Go sa mga patuloy na sumusuporta sa Malasakit Center kabilang ang mga kasama niyang dumalo sa pagtitipon gaya nina Presidential Assistant to the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño, DSWD Secretary Rolando Bautista, PACC Commissioner Greco Belgica, PCSO Rizal Branch Manager Francis Manalad, Cainta Mayor Kit Nieto at iba pa.

Ang naturang Malasakit Center ang ikatlong itinatag sa buong lalawigan ng Rizal at nagsisilbing one-stop shop para sa mga pangangailangang medikal at pinansiyal ng bawat mamamayang Pilipino.

MR. BENDIJO: Mga biktima naman ng sunog sa Mandaue City, Cebu at flash flood naman sa Lucena City hinatiran ng tulong ng opisina ni Senador Christopher Bong Go. Sa magkahiwalay na aid distribution ay muling namahagi ang Senador ng libreng pagkain, gamot, food packs, facemasks at face shields sa nasa 283 fire victims sa Barangay Paknaan at Barangay Labogon sa Mandaue City, Cebu noong Biyernes, October 16; at sa dalawang magkasunod naman na araw ng Huwebes at Biyernes sa kabuuang higit dalawang libong benepisyaryo sa Lucena City, Quezon Province.

Ilang recipients din ang nakatanggap sa parehong lugar ng bisikleta pampasok sa trabaho at computer tablets naman para sa anak ng mga ito para makatulong sa kanilang pag-aaral.

Nandoon din sa aid distribution ang DSWD, DTI at National Housing Authority para mamahagi rin ng dagdag na assistance sa mga nasunugan at sa mga biktima ng flash floods. Sa huli ay pinaalalahanan ni Senator Bong Go ang ating mga kababayan na huwag mag-atubiling dumulog sa pinakamalapit na Malasakit Center para sa karagdagang tulong.

Siniguro rin niya na tuluy-tuloy ang pagseserbisyo ng Pangulong Duterte at ni Senator Go bilang kaagapay ng Pangulo sa bawat mamamayang Pilipino.

Good news sa lahat ng gustung-gusto nang mag-travel goals dahil simula October 21 ay pinapayagan na po ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga non-essential travel palabas ng bansa. Pero siyempre sa ilalim pa rin iyan ng ilang mga guidelines/protocol. Kaugnay niyan ay makakapanayam natin ang tagapagsalita ng Philippine Airlines, si Ms. Cielo Villaluna. Magandang umaga po, Ma’am Cielo, and welcome back sa Public Briefing.

PAL SPOKESPERSON  VILLALUNA: Magandang umaga sa’yo, Aljo; at magandang umaga sa lahat. Good morning, Usec. Ignacio.

MR. BENDIJO: Kumusta po ang paghahanda ng Philippine Airlines, ma’am, sa pagpayag ng IATF sa mga non-essential outbound travels? Ini-expect ba ng PAL ang mga karagdagang mga passengers sa mga susunod na araw because of this?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: All right. Unang-una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat sa IATF dahil sa kanilang desisyon na payagan na ang tourism travel sa iba’t ibang bansa. Kami po ay naniniwala na ito ay magkakaroon o this will lead to a jumpstarting or the re-starting of international travel at dadami po ang ating mga pasahero.

Hinggil sa mga katanungan kung anu-ano ang mga pangangailangan, Aljo, unang-una sa lahat, sa check-in counter ninyo, before you take your international flight kung ikaw ay nagbibiyahe bilang turista, kailangan kang magprisinta sa check-in counter ng inyong round trip ticket; pangalawa, dapat mayroon kayong travel and health insurance; pangatlo, dapat may written declaration stating that you acknowledge the risks involved in travel; at ang pinakaimportante, iyong tinatawag na antigen test.

Nagsasagawa sa kasalukuyan ng pilot testing on the efficacy of the antigen test, inanunsiyo ito, so we will make further pronouncements kung ano ang mangyayari. Kung if by October 21, wala pang anunsiyo hinggil sa antigen test, aalamin natin if the RT-PCR test will be the test that the passengers should present.

MR. BENDIJO: So puwede po iyong… kung wala pa iyong antigen, swab test, ma’am Cielo?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Iyan po iyong tinitingnan natin. Pero siyempre, Aljo, iyong IATF, they are the lead agency, but we will keep everybody posted kung ito ba ay magiging antigen test o puwede na iyong RT-PCR test.

MR. BENDIJO: Opo. Since hindi pa lahat ng bansa ay bukas na para sa foreign travels, Ma’am Cielo, ilang flights ba lang ng Philippine Airlines ang magbabalik operasyon at saan-saang bansa po ito?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: All right. Bago pa man inanunsiyo itong provision na latest development ng IATF, giving a green light to international tourism travel, kami po ay nag-o-operate na simula pa man ng Hulyo. And flights have been gradually increasing from July, August, September, October, okay. So, right now, we are operating around 17 to 20 percent of our normal frequency pre-COVID.

Alam mo, Aljo, Usec. Rocky, bago pa man nag-COVID, we are operating an average of 250 to 280 flight/frequencies a day; ito po ay suma tutal ng mga lipad palabas ng aming mga hubs at pagpasok ng aming mga hubs. Ngayon, we are down to 15, then we moved on to 17 to 20%. So with this latest pronouncement, we are hoping that the percentage, there will be a percentage increase in the anticipated passenger demand for travel.

Anu-ano iyong mga bansa? Naku, Aljo, napakahaba ng listahan. Siguro let’s go by continents ‘no. Right now, we are still—siyempre October 21 pa magsisimula, ia-allow iyong tourism travel. So right now, lahat po ng aming mga lipad ay tinatawag na essential travelers. When we talk about essential travelers travelling to other countries, these are students ‘no with student visas; people who are employed, holders of work visas; and of course iyong ating mga kababayan, holders of Philippine passports and they have permanent resident visas in the country of destination.

So anu-ano iyong mga bansa that we are operating ‘no right now? We operate flights in the United States; the Middle East; sa Europa we have, of course, our London route; and of course, we have countries within the Asia Pacific Region.

So aalamin po natin ‘no in the coming days, titingnan po natin iyong passenger behavior kung iilan po, anong porsiyento ang increase, ilan ang mag-a-avail ng opportunity for international tourist travel, Aljo.

MR. BENDIJO: Opo. How about for returning Filipinos, may mga guidelines din ba silang kailangang sundin at mga dokumento na kailangang iprisenta sa paglapag nila dito sa Pilipinas?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: All right. Status quo po tayo sa ating mga provisions, rules and regulations kaakibat ng anunsiyo ng IATF.

Those allowed for travel into the country are the following: Philippine citizens of course with Philippine passport holders; dual citizens, meaning to say they have American passports and Philippine passports, so kailangan po nilang gamitin itong Philippine passports. Allowed for travel are foreign nationals or foreign passport holders with long-term visas and Philippine entry visas. So karamihan po ng mga foreigners na nais bumiyahe sa Pilipinas ay may mga asawa, spouses of Filipino nationals.

So, hanggang sa kasalukuyan these are the foreign travelers allowed for entry. And of course, foreign travelers who have work visas/student visas to the country of destination, which is the Philippines.

At maidagdag ko lamang, siyempre pagdating dito sa Pilipinas, mayroon po tayong tinatawag na RT-PCR COVID testing upon arrival, Aljo. Ito po iyong swab test na ginagawa at the airport of arrival after which lahat ng pasahero will have to go through quarantine period in their respective IATF-accredited hotels.

Kapag sila ay idineklarang negatibo of COVID-19, sila po ay bibigyan ng Bureau of Quarantine health clearance by the BOQ and from there makakaalis na po sila and they can go to their places of residence.

Iyong mga returning Filipinos, iyong mga OFWs, iyong ating mga kababayan na galing sa abroad na nagpa-swab test at nag-quarantine dito sa Maynila, pagkatapos silang ideklarang negative, they can go back to their respective provinces sa tulong naman po ng Overseas Workers Welfare Administration na partner naman po ng Philippine Airlines in organizing sweeper flights. Ito po iyong mga domestic repatriation flights sa iba’t-ibang probinsiya.

So, iyon po ang proseso sa kasalukuyan, Aljo.

MR. BENDIJO: Iyong mga aalis po, non-essential travels ng ating mga kababayan, pupunta ng abroad, mayroon po silang tourist visa. Pagbalik sa Pilipinas, ano po iyong guidelines/protocol na dapat nilang silang din, Ma’am?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA:   Okay. So, they are Philippine passport holders with tourist visas let’s say to a foreign country, let’s say the United States. So, pagbalik po nila they will just present the same set of documents and then they can arrive in the Philippines at ganoon rin po, they will go through the RT-PCR testing on arrival and the quarantine as well.

MR. BENDIJO: Opo. Kumustahin din natin, ma’am Cielo, iyong operations ng Philippine Airlines sa local bound travelers naman sa bansa. Halimbawa, papuntang Caticlan, kumusta po ang mga local passengers, dumami ba?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA:  Naku, Aljo, we are hoping that the number of passengers sa ating 86-seater Dash-8 aircraft ay dadami but slowly but surely we expect the passenger loads to increase. We operate PR 2041, PR 2042 every Fridays and Sundays; umaalis po ang flight 11:10 ng hapon at darating po sa Caticlan airport ng 12:10 at iyong return journey to Manila PR 2042, aalis ng 12:50 – 12-5-0 mula Caticlan Airport at lalapag sa NAIA Terminal 2 within an hour.

So, kumusta naman iyong mga flights? Well, it’s building up its loads. We are hoping for a better loads but the good thing is tuloy-tuloy po iyong ating lipad. And of course, passenger should not forget the requirements, kailangan po ng negative RT-PCR test result that they should take 72 hours before the flight; Pangalawa, dapat mayroon po silang DOT-accredited hotel accommodation sa Boracay island and of course they have to fill-up the health declaration form. So, they must visit aklan.gov.ph, ito iyong website ng Aklan Province.

So, we are very happy and we are proud with our partnership with the Department of Tourism, because we support the jump-starting or restarting of the domestic tourism.

USEC. IGNACIO:   Okay. Good morning, Miss Cielo! Si Rocky ito. May taanong po tayo.

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA:   Hi!

USEC. IGNACIO:   Good morning! Tanong po mula sa media, mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, ito po ang tanong niya: Lucio Tan help keep PAL afloat by pumping billions of pesos into the flag carrier as losses in the first semester of the year – pumped P20 billion due to the COVID-19 pandemic. Was PAL ever in danger of going bankrupt during the worst of the pandemic? Has PAL started to recover now that travel restrictions have been lifted?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA:   All right. I will not go into details on our financials. What I can say is, sa simula pa lang, Usec. Rocky, ng ating pandemya noong Marso, hindi tumigil ang Philippine Airlines sa pagsasagawa ng mga flights. We have already operated over a thousand cargo flights and around 300 international repatriation flights.

Tuloy-tuloy po ang mga revenue generation initiatives ng Philippine Airlines. Pero dahil sa numero, due to the limited number of flights due to the restrictions across various LGUs and of course all over the world, hindi po namin mailipad iyong normal frequency. Kagaya ng sinabi ko kay Aljo, we are down to 15% from our usual 280 frequencies per day.

Was PAL ever in danger? We have… masasabi natin naging critical po ang sitwasyon pero naagapan naman dahil sa mga productive flights na ito (choppy audio) to its original number of frequencies. So, with that, we have to carry out the business restructuring program and initiatives to sustain PAL survival, ultimate survival.

Iyon po ang napakahalagang ginagawa namin sa kasalukuyan and I beg your indulgence because alam ko na maraming gustong malaman kung ano na iyong updates sa aming mga hakbang pero dahil sensitibo iyong isinasagawang mga restructuring, hindi po tayo puwedeng magbigay ng karagdagang detalye.

MR. BENDIJO: Opo. Ms. Cielo, may mga pag-aaral na nagsasabing delikado ang pagsakay ng eroplano lalo ngayong may pandemya dahil enclosed space ito sa loob at mabilis ang hawaan ng kahit na anong viral infection sa loob ng eroplano. Papaano po sinisiguro ng Philippine Airlines na ligtas ang mga pasahero onboard the plane, ma’am?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA:   Okay. Maraming salamat sa pagkakataon. Ang ating mga eroplano, our narrow body aircraft, our wide body aircraft, all of our planes are equipped with a HEPA filtration system. Anong ibig sabihin ng HEPA filters? Ito po iyong High Efficiency Particulate Air System. It eliminates bacteria, viruses and harmful elements with 99.99% efficacy. So, ito po patuloy iyong ating mga lipad. With or without social distancing nakakatulong po ang HEPA filtration system.

Pangalawa, another safety measure na isinasagawa, iyong ating mga cabin crew, they wear of course, our PPEs (Personal Protective Equipment) and all passengers are required to wear face mask and face shields; iyong ating food service, it’s carried out in such a way that will minimize contact between the cabin crew and the passengers without sacrificing the level of service standards.

So, all of these taken together will ensure a safe flight. At I would like to say ang Philippine Airlines has been chosen as one of the top ten world’s safest airlines recently, so we are very proud. Ito po ay pruweba that our mechanisms to ensure effective safety protocols are in placed. And of course, karagdagan lamang, iyong ating aircraft, they are subjected to intensive disinfection utilizing high grade eco-friendly disinfectants, Aljo, before and after every flight.

MR. BENDIJO: Opo. May projection ba as to how many passengers will fly PAL sa mga susunod pang mga weeks, ma’am Cielo?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA:   Well, right now, it is wait and see. Nagsisimula pa lamang iyong jump-starting ng ating international tourist travel; nagsimula na po domestically, so, we will keep you posted, Aljo, on the numbers as the weeks unfold.

MR. BENDIJO: [off mic] sa loob ng—istrikto, Ma’am, ha… iyong pagsunod ng protocols na dapat mayroon kang face shield, face mask. Papaano po iyong distancing sa loob ng eroplano dahil may mga lumalabas na video na sabi nila hindi nasusunod daw itong mga protocols? I-clarify lang po natin, Ma’am Cielo, sa mga nais bumiyahe lalo na sa mga long haul papunta sa abroad?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA:   All right. As much as possible we carry out social distancing in a flight if the situation allows. Kapag iyong sitwasyon, Aljo, ay kritikal ibig sabihin dagsaan po iyong mga pasahero, matagal silang nag-abang ng flight, ng repatriation flight, we have no choice but to maximize passenger loads. But then again, we assure them with the safety measures onboard like our highly effective HEPA filtration system, they can be assured of a safe flight. On top of that, as I mentioned, our cabin crew wearing PPEs and the regular disinfection of aircraft.

Kung titingnan po natin, ang numerong ito, napakababa po ng risk, ‘no, with regards to airline travel compared to other forms of travel and this has been validated none other than by the IATA (International Air Transport Association).

MR. BENDIJO: Iyong pagkain po sa loob ma’am bawal ba o puwede sa mga bibiyahe

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: No. Mayroon po tayong food service on board kasi legacy carrier po tayo so it’s full service. We offer drinks and we offer food but passengers will notice adjustments in our service ‘no. Instead of using, you know, the regular utensils and of course the plates ‘no, gumagamit po kami ng—instead of the trays, of course we use boxes ‘no, food boxes for certain portions of the flight so these are the adjustments ‘no. So this will—a slight adjustment in the food service without sacrificing of course the food quality and taste.

MR. BENDIJO: Opo. Ms. Cielo kunin na lang po namin ang inyo pong mensahe para sa mga pasaherong may planong mag-travel palabas ng bansa ngayon pong taon.

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: All right. Sa lahat po ng ating mga mananakay, maari po kayong mag-avail ng ating mga existing flights. If you would like to travel domestically for tourism purposes, if you would like to travel for essential reasons, maari po [garbled]. You can log on to www.philippineairlines.com or you can visit our Facebook page as well for the latest updates on our flights. Patuloy po ang serbisyo ng national flag carrier [garbled]. Patuloy po ang [garbled]…

MR. BENDIJO:Maraming salamat sa inyong panahon Ms. Cielo Villaluna, ang tagapagsalita ng Philippine Airlines. Stay safe po.

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Maraming salamat, Aljo; at maraming salamat, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala makibalita na rin tayo sa ating mga kasamahan sa bawat lalawigan ng bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Good morning, John.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

MR. BENDIJO:Magbabalita naman mula sa Cordillera Region si Eddie Carta live. Eddie…

[NEWS REPORT]

MR. BENDIJO:Maraming salamat Eddie Carta, PTV Cordillera.

USEC. IGNACIO: Kasabay ng pagpayag sa staycation sa bansa ay pinapayagan na ring magbukas ang ilang sinehan at lumabas ang mga 15 to 65 years old o non-APOR o iyong mga hindi Authorized Persons Outside of Residence. Bukod diyan ay may ilan pang mga restrictions ang pinagaan o tinanggal na rin sa pinakahuling resolusyon na ipinalabas ng IATF. Lilinawin po natin ang ilan sa mga iyan kasama po si DTI Secretary Ramon Lopez. Good morning po Secretary and welcome back po sa Public Briefing.

DTI SEC. LOPEZ: Good morning, Usec. Rocky. Good morning kay Mr. Aljo at kay Sec. Martin.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, unahin na po nating linawin itong staycation sa mga hotel dito sa Metro Manila. May restriction ba kung ilang family members lang ang papayagan sa isang kuwarto?

DTI SEC. LOPEZ: Alam ko po—dahil DOT po ang nagbigay ho ng guidelines nito, sa pagkaalam ko ay puwede po ang mga family members at siyempre hanggang masunod ang physical distancing, ang minimum health protocol ay ito naman po ay papayagan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kailangan bang magkakasama rin sa bahay ang mga papasok sa hotel at all ages daw po ba ang papayagang makapag-staycation? Tama po ba daw ito?

SEC. LOPEZ:  Tama po, all ages po. Pero iyon pong mga guidelines, I would suggest po, sa DOT guidelines po sila mag-refer at alam ko ho ay sila po ay naglabas ng guidelines. Ang IATF  at ang Gabinete noong last Monday or Tuesday last week, ang inisyu po natin ay generally po ay ang pagpapaluwag po sa age at sa curfew, pag-i-ease po ng curfew sa iba’t ibang lugar. Subalit dito po sa Metro Manila, ito po ay inasa sa mga local government units, sa mga mayors, as to iyong anong oras iyong talagang ipa-final period nila ng curfew hours. At base po sa kanilang mga nakaraang meeting at I think na-announce na kaninang umaga ay ni-limit na nila iyong curfew nila, dati 10PM to 5Am, ngayon po ay 12 midnight up to 4AM. So, mas maiksi na po and that is precisely to allow more economic activities to happen at saka ang age group po na kanila pong ina-allow ngayon ay 18 to 65. So, in a way lumawak na po from 21 to 60. So, iyon naman po ang general principles at saka iyong patakaran natin ngayon para po magluwag-luwag ang ating ekonomiya at makabangon na muli.

USEC. IGNACIO:  Secretary, paano po iyong restaurants inside the hotel, operational na rin po ba ang mga ito at in case po, ano po iyong guidelines na kailangang sundin sa pagpasok sa mga ito?

SEC. LOPEZ:  Ito po ay kasama rin sa mga guidelines po dito po sa restaurants kung saan allowed naman po iyong over 50%, kasabay po sila noong restaurants din sa labas. So, sumusunod lang din po ang mga restaurants inside the hotels. At again, ito po ay kasama din sa patakaran ng DOT sa pagpapatakbo ng hotels. So, ang restaurants po inside, pati iyong mga ibang services ay allowed po.

USEC. IGNACIO:  Secretary, bigyan daan natin iyong mga tanong ng ating kasamahan sa media.  Una pong tanong mula kay Naomi Tiburcio ng PTV: Sinertipikahan na po bilang urgent ng Pangulong Duterte ang FIST Bill, paano ito makakatulong sa MSMEs at sa kabuuang economic recovery ng bansa?

SEC. LOPEZ:  In effect ito po ay makakapagbigay ng mas maraming fund accessibility para po sa mga businesses in general, lalo na sa mga Micro-SMEs at ito po ay magdudulot nang hopefully, more progress sa ating bayan sa pamamagitan ng pagsigla muli ng ating mga Micro-SMEs na alam natin they account for almost all 99.6% ng registered enterprises sa ating bayan.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman po mula kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: During the  Senate budget hearing, you said that more businesses and more sectors must be allowed to operate at full capacity even in areas under General Community Quarantine in a bid to re-stimulate the economy amid the COVID-19 pandemic. Do you believed that this is a wise course of action considering that the pandemic shows no sign of abating?

SEC. LOPEZ:  Opo, tama po iyon.  At nakita rin po natin, nang mga statistics two weeks ago na ang hunger, kagutuman, poverty ay tumaas po nitong mga nakaraang mga buwan dahil nga po sa mga ginawang lockdown. Ito pong lockdown sa kabuuan ay malaking naitulong po sa ating pag-manage po ng virus. Nakita po natin Philippines has one of the lowest fatality rate something like 3 to 5 per 100,000 populations compared to the over 50 per 100,000 populations sa iba’t ibang lugar, pati na sa mga advance countries. Pero, there is a time na nakita naman natin na gumaganda ang statistics natin, bumababa na rin ng critical care utilization rate, kaya po oras na rin po na magluwag-0luwag sa ekonomiya at ito po ay ginagawa without sacrificing po iyong ating minimum health protocol.

Napaka-important na kahit po tayo ay nagre-reopen ng economy, very important na we are keeping itong minimum health protocol na tinatawag natin ngayong seven commandments tulad ng pagsuot ng face mask, face shield and the likes. And dahil po dito, maasahan natin na sa pagbukas ng ekonomiya, hindi rin kakalat ang COVID. In fact nakita na rin po natin  noong mga nakaraang buwan na as we were reopening, nakita natin ang mga numero naman sa ating cases, pati fatality ay hindi po lumala, hindi po nag-worsen ng husto. Kaya po ipagpapatuloy po natin ito at ang pinaka-general principle naman po natin, kahit under GCQ po ang Metro Manila at iyong mga katabing bayan, tayo po ay nakakapagluwag din ng ekonomiya by opening sectors to be allowed under GCQ.

Sa madaling salita, hindi po kinakailangan sa ngayon na ipilit nating mag-modified GCQ kahit siguro sabihin natin na gumaganda ang mga health statistics dahil napapakita naman natin under GCQ ay nagre-reopen na, nakaka-reopen tayo ng maraming sectors, tulad po ng na-announce last week at iyong mga ia-announce pa natin. Last week, kung naalala ninyo, in-allow po iyong maraming services sectors tulad po ng mga legal, accounting, engineering, IT  services, programming at marami pang ibang service sectors, allowed na po sila from 50% to 100% operating capacity still under GCQ. So, ibig sabihin lang po ay puwede po tayong makapag-reopen ng economy at marami pong programa na tutulong at ginagawa sa transportation-side para po mag-increase ang capacity ng ating mga transportation at maibsan na iyong problema dito sa transportation.

USEC. IGNACIO:  Secretary, tanong naman po ni Joan Nano ng UNTV: Magkakaroon po ba daw ng pagtaas sa presyo ng mga noche buena items? Anu-anong particular item ang magtatas at gaano daw po kalaki ang magiging increase o kalaki ng increase ang hiningi nila?

SEC. LOPEZ:  Wide po iyong range na hinihingi nila from less than 1% to about 3% masasabi ko doon sa mga application. Every year pong may mga brands na nagre-request po ng mga price adjustment to cover for iyong increases in cost nila. But in our experience also, out of over 20 brands, usually there are just about five brands that are requesting ng mga price increases at ito po ay inaa-aral ngayon ng ating consumer protection group. At kung reasonable iyong mga increase at kung hindi man ay binabawasan kung anumang increase  ang hinihingi nila. At the end of the day, ang ating consumers are advised to really select the products that we can consider, the brands that we can consider value for money. So, sa madaling salita, ito po iyong product na sulit sa atin, sulit sa mamimili, sulit ba iyan. Kaya ito po ay pinapahanap din natin sa kanila at sino iyong mg brands na hindi po nagtaas ng presyo para iyon po ang bilhin nila at marami pong nagbibigay ng mga bundling promo, pagdating sa Kapaskuhan at iyon din po hanapin nila iyon, para talagang makasulit sila sa kanilang mga pamimili.

USEC. IGNACIO:  Pahabol pong tanong ni Joan Nano: Aside from noche buena items,  ano pang ibang produkto ang humihiling sa DTI ng price increase?

SEC. LOPEZ:  Iyong iba ring mga de-lata tulad po ng mga canned sardines, mga canned meat products, mayroon po silang mga request. But again, ito nga po, tinitingnan talaga iyong cost items, hindi po kasi lahat noong ni-request nila ay na-aprubahan naman under the SRP system lalo na kung ito ay part ng basic necessity at prime commodities. Iyon pong labas o wala sa listahan, they are open to do so, iyong mga price adjustment,  pero iyong covered ng ating SRP list para maprotektahan po ang ating mga kababayan at talagang ito po iyong binabantayan ng DTI para hindi basta-bata makapag-price increase sila doon sa presyong gusto nila.

USEC. IGNACIO:  Secretary tanong mula kay Joseph Morong ng GMA 7: How many businesses are open now under the current relaxed quarantine?

SEC. LOPEZ:  I would say dahil marami tayong ni-reopen nitong last time na mga services sectors, we can say that roughly around 95% po siguro ng mga sectors or a little more than that, maybe, ang technically allowed na. But again, naalala ninyo na we are still encouraging work from home. So, kahit allowed na sila, hindi natin sila makikita na nasa labas at mga nasa kalye o nagpapasikip sa transportation.  Nakita natin na, ini-encourage na rin kasi natin ang work from home para po hindi kaagad dumami ang tao sa labas.

Well, naalala ko lang na ipapalabas natin na circular ay iyong pag-encourage din sa mga kumpanya to apply iyong staggered shifts, ibig sabihin iyong iba-ibang oras ng office hours para po ma-spread natin iyong dami ng mga bumibiyahe at nangangailangan ng transportation at bumibiyahe papunta sa mga opisina or places of work.

So ibig sabihin, mayroon pong mag-uumpisa ng siguro alas-siyete ng umaga, mayroong magu-umpisa ng 8, ng 9 and 10, and so on and so forth. Para po kumalat po iyong office hours at iyong mga passengers po. So iyon po, isa pong ia-announce din natin in the near future, maybe today or tomorrow at magi-isyu tayo ng memo circular tungkol dito.

Isa pa rin po ang  development tungkol sa pagbabalik ng mga mall wide sale, payagan muli natin, para mares-stimulate uli iyong dami ng tao sa mall, dahil nakita din natin as we reopen, hindi ganoon kadami pa rin iyong mga customers, iyong mga pumupunta sa mall. So, isa rin hong panghikayat uli para sumigla iyong ekonomiya ay buksan uli natin or payagan natin itong mga paggagawa ng mga sale, mall wide sale or whether sa isang tindahan ng mga sale.

USEC. IGNACIO:  Opo. Tanong pa rin mula kay Joseph Morong: How would you describe po the current quarantine given all the relaxing of restrictions, is this still GCQ?

SEC. LOPEZ:  Oho. I think ito ho iyong magandang management po that the Philippines, our country, is doing na hindi kailangang mag-modified GCQ in a way kung nare-reopen naman ang ating economy, ang maraming sector kahit under GCQ. At lalo na po for fear na baka kung mas open na with respect to the non-economic sector ay baka lumala ang sitwasyon. Pero po at least, para sa kabuhayan at least ho naibabalik natin iyong sigla ng ekonomiya kahit po GCQ tayo. Kaya po, I think this is a perfect balance as we are learning to manage itong virus na ito; dahil nandiyan pa rin po siya, nandiyan pa rin ang virus, hanggang next year po ito.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin mula kay Joseph Morong ng GMA7: Do you think if we go to MGCQ in November nothing much will change?

SEC. LOPEZ:  May mga magbabago. Iyong sector kasi under MGCQ, iyong  kunwari itong mga cinemas, entertainment, live entertainment, mayroon pa tayong mga hindi pa rin nabubuksan at iyong mga non-economic purposes mayroon pa ring mga mapapayagan or mabubuksan. Iyon po iyong mga magbabago kung mag-modified GCQ. But at least po pagdating sa economic sector, marami na po tayong napapayagan namang mag-operate alang-ala nga sa pagbabalik trabaho noong ating mga workers.

So iyon po ang some changes that we can still expect kung magkaroon ng modified GCQ.  So but sinasabi nga natin under GCQ comfortably na nababalik po iyong mga iba’t ibang sektor at nagbubukas po para sa trabaho po ng ating kababayan.

USEC. IGNACIO:  Secretary, tanong naman mula kay Joyce Balancio ng ABS-CBN: May update na po ba sa price cap sa swab test? Ang DOT po kasi supported ang paglalagay ng price cap.

SEC. LOPEZ:  Kami rin po, we support the price cap. Although iyan po ay isang bagay na under the Department of Health, so kami po ay maghihintay makipag-ugnayan sa DOH kung ano po iyong kanlilang ipapatupad. At kami ay tutulong sa implementation, sa monitoring nito pong price cap na ito.

USEC. IGNACIO:  Tanong pa rin mula kay Sam Medenilla po ng Business Mirror: Nag-isyu po ng statement ang Philippine Metalworkers Alliance expressing concerns bakit daw po may mga companies under the Comprehensive Automotive Resurgence Strategy program ang nag-alis ng workers. Nag-request po ang PMA kung puwede daw pong i-transfer ang portion ng budget under CARS program to the Social Amelioration Program for displaced workers. Open po ba dito ang government?

SEC. LOPEZ:  Iyon pong pagbawas po ng trabaho ay connected po sa malaking binagsak noong car industry. Iyon pong Social Amelioration Program, siguro po puwedeng pag-usapan po iyon, puwede pong i-proposed dito po sa ating gobyerno para masagutan itong mga massive layoff.

Pero po dito sa pagdating Comprehensive Auto Resurgence Strategy or CARS program, ito naman po ay patuloy pa rin nating gustong mapasigla, maka-recover. Kaya nga po, we are trying ito pong reopening ng economy para magsigla uli ang consumer confidence ng ating ekonomiya para po lumakas muli ang demand para po dito sa kotse in general lalo na dito sa mga participants sa ating CARS program. Ito po talaga malaking tinama po dito sa sektor na ito. Mula po last year at pati po ngayon sa pandemic.

USEC. IGNACIO:  Opo. Usually po ay nag-i-extend nga po ang mga malls under midnight kapag malapit na po iyong Pasko. So sabi nga po ninyo baka puwedeng payagan na iyong mga sale. Papayagan din po kaya ng IATF manatili iyong earlier than usual na curfew hour po sa mga mall?

SEC. LOPEZ:  Earlier than usual, siguro po ang ibig po ba ninyong sabihin kung papayagan silang mag-operate up to midnight?

USEC. IGNACIO:  Yes.

SEC. LOPEZ:  Well, depende po siguro doon sa LGUs na sinasakupan ng mall kung hanggang anong oras sila ma-aallow mag-operate. Sa ngayon po as reported this morning pumayag po ang Metro Manila Mayors sa 12 midnight to 4, so normally, magsasara po sila one hour before.

We don’t know, maybe during Christmas baka gusto nilang payagan hanggang 1 o’ clock iyong curfew, imbes na 12. We don’t know ‘no. Para lang mapayagan na magsara up to 12 midnight iyong mall, para may one hour na pagbiyahe pagbalik sa bahay. Pero kung hindi man sa ngayon. Ibig sabihin, ang mall can open up to 11 at kung 12midnight naman ang curfew.

Again, ipinapaalala rin po natin sa curfew, exempted naman po iyong mga APORs at mga workers, pati po iyong mga necessary business establishments, they can operate even after curfew or puwedeng bumiyahe after curfew lalo na iyong mga galing sa trabaho.

USEC. IGNACIO:  Pero Secretary, kasi nga sinabi ninyo parang open na po tayo, puwedeng mag-open ang government sa mga sale, pero iyon pong ibang mga nangangamba pa rin na  baka raw po hindi masunod iyong social distancing at saka mayroon ding panukala din o suggestion iyong ilang LGUs na sana daw po iyong ating GCQ until December na lang po.       

SEC. LOPEZ:  Well, iyong doon po sa physical distancing, it’s given, it’s very important. Again, as we reopen the sectors, pati pagbabalik ng mga sale hindi po tayo bibitaw diyan sa mga requirements na iyan – iyang mask, iyong distancing, iyong requirement sa dami ng tao sa isang store o sa isang mall, very important na iyan po ay susundin ng mahigpit at para nga po, we are reopening safely.

Iyan po ang principle na in-adapt po sa ating Gabinete, sa direction po ng ating Pangulong Duterte. So, hindi po dapat mag-worry, basta i-implement po itong health protocol natin, wala po tayong bibitawan diyan at ang sinasabi lang po ay mas hahabaan ang mall hours or mas puwede ng gumawa ng  mga sale, pero hindi ibig sabihin magluluwag tayo sa ating mga kilos, sa  health protocol natin.

Iyong pangalawang question po ninyo at tungkol saan po?          

USEC. IGNACIO:  Iyon pong sa social distancing na sana daw po ay—kasi natatakot pa rin po iyong ilan sa ating—iyong Metro Manila Council po ay parang nag-rekomenda po na sana daw po ay hanggang December na iyong pagpapairal natin ng GCQ. Ano po ang opinyon ninyo dito, Secretary?

SEC. LOPEZ:  Again, medyo nabanggit din natin kanina na kahit GCQ basta nakaka-reopen naman ang ating ekonomiya, I think reasonable na rin po na papairalin natin iyon. Ang importante po iyong ating mga workers makabalik sa trabaho; iyon po talaga iyong ating gustong maibalik.

Kaya importante po na maisulong natin iyong reopening ng economy kahit GCQ. Sa ganoong paraan, kahit po hindi pa tayo mag-MGCQ at least ay parang masasabi nating karamihan po ay nakakabalik na sa kanilang hanapbuhay.

At marami pang mga ibang livelihood na nasisimulan ulit, tulad nga po ng mga recent announcement na papayagan iyong motorcycle taxi, papayagan iyong mga tricycle. Again, may mga moves na tungkol diyan, pagpapadami ng ruta ng jeepney. So maraming livelihood po ang makakabalik. So, importante po itong mga bagay na ito kahit nasa GCQ tayo ay importanteng makabalik po sa mga trabaho ang ating mga kasamahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Under the latest IATF omnibus guidelines po ay may in-establish na rin daw na new normal category na tumutukoy po sa post-community quarantine scenario. Does this mean na mayroon na rin pong mga lugar sa bansa na malapit na ring isailalim sa new normal category, Secretary?

SEC. LOPEZ: Opo. Isa po sa kinu-consider din talaga iyan lalo na iyong halos zero cases or one. Iyong mga talagang very limited iyong mga cases ay siguro ho eventually, ito po ay may mga lugar tayong maa-announce diyan. But we will leave it to the IATF as a group, kung anu-anong lugar po ito lalo na iyong reasonably talagang halos walang kaso na ng COVID then we can try already implementing itong new normal scenario ‘no, na halos walang restrictions except of course, hindi mawawalang restriction iyong health protocol. Kahit new normal iyan, I’m sure kailangan pa rin ng mask at face shield diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Ramon Lopez, kunin ko na lang po iyong inyong mensahe para sa ating mga kababayan.

SEC. LOPEZ: Well, sa atin pong mga kababayan, asahan po natin, na sa inyo pong cooperation, patuloy na cooperation na naging dahilan po talaga kaya gumaganda rin po ang mga numero lalo na po dito sa Metro Manila, bumababa po ang mga kaso is really because iyong kooperasyon po ng ating mga kababayan dito sa pagsunod sa health protocol.

So kahit ho nagluluwag ang ating mga sektor, re-opening the economy, ito po ang importanteng hindi po natin luluwagan, ito pong mga facemasks, face shield, distancing at proper ventilation ng mga lugar. Umiwas po sa crowded places. Umiwas tayo sa mga kulob na lugar, kailangan po ay maganda ang circulation. At ang may mga sakit or symptomatic, kailangang po hindi po talaga lumabas. We have to continue to isolate the positive.

If you follow all these, talaga pong bababa na ang transmission and we will be able to re-open more iyong ating ekonomiya safely and gradually. So atin pong ano ho iyan, sabi nga sa advertisement natin, BIDA Solusyon: Ingat-buhay para sa hanapbuhay.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Ramon Lopez ng DTI. Mabuhay po kayo. Stay safe, Secretary.

SEC. LOPEZ: Salamat, Usec. Rocky. Mabuhay po kayo.

ALJO BENDIJO: Dako naman tayo sa mga pinakahuling kaganapan sa Cebu. Magbabalita si John Aroa, live. John, maayong udto!

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Daghang salamat, John Aroa.

USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV-Davao, magbabalita si Jay Lagang. Magandang umaga, Jay.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jay Lagang ng PTV-Davao.

ALJO BENDIJO: Sa bulletin na inilabas ng Department of Health kahapon, nakapagtala ng dagdag na 2,379 COVID-19 case sa bansa. Sa kabuuan ay nasa 356,618 na ito kung saan 39,808 ang nananatiling active cases. Nasa 310,158 ang mga gumaling, na kahapon ay nadagdagan ng 14,941; habang limampu naman ang mga nasawi, sa kabuuang bilang na 6,652.

USEC. IGNACIO: Bagama’t bahagyang bumaba ang reported cases kahapon kung ihahambing sa mga sinundan nitong mga araw, nananatili itong mataas at hindi pa rin bumababa sa 2,000 mark.

Sa mga lugar na pinagmumulan na mataas na kaso, nangunguna ang Quezon City na may 172 na bagong kaso. Sumusunod ang Lalawigan ng Rizal na may 147 new cases. Nasa ika-tatlong puwesto naman ang Bulacan with 136 cases. Ang Lungsod ng Caloocan ay nakapagtala ng 117 na bagong kaso, at ang Cavite ay nasa ikalimang puwesto na may 101 new cases.

Eleven point two (11.2) percent ng total cases ay nananatiling aktibo, katumbas ito ng 39,808 cases. Bumaba ito nang bahagya mula sa 13% na ating naiulat noong nakaraang linggo. Ang pagbaba ay dulot ng mataas na bilang ng recoveries na naitala tuwing linggo,

ALJO BENDIJO: Sa mga aktibong kaso, malaking bahagdan o 82.8% ang mild cases. Umangat naman sa 11.5% ang asymptomatic – hindi po nakikitaan ng sintomas. Ang severe cases ay nasa 1.9%, 3.7% naman ang nasa kritikal na kalagayan.

Muli po naming paalala, siguraduhin na malinis at virus-free ang mga bagay na madalas na hinahawakan tulad po ng mga doorknob, susi, cellphone, ibabaw ng lamesa at iba pa. i-disinfect ang mga ito gamit ang 0.5% bleach solution. Madali lang po itong gawin: Ihalo lamang ang isang bahagi ng bleach solusyon sa siyam na bahagi ng malinis na tubig. Mga simpleng paraan pero malaki po ang maiimbag para labanan ang COVID-19.

USEC. IGNACIO: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya ay o2-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

ALJO BENDIJO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

ALJO BENDIJO: Ako naman po si Aljo Bendijo. Usec. Rocky, papalapit na nang papalapit ang hinihintay nating lahat, dahil 67 days na lang ay Pasko na.

USEC. IGNACIO: Samahan ninyo ulit kami bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)