ENRIQUEZ: Hello, Secretary, magandang umaga po; si Mike Enriquez po ito.
SEC. PANELO: Magandang umaga, Mike.
ENRIQUEZ: Ano ba itong pagkakatanggal kay Bise Presidente Robredo, matagal na ba itong pinag-iisipan ni Presidente; mayroon bang isang single na pangyayari na nagtulak kay Presidente na tuluyan na talagang sibakin si Bise Presidente? Paki-salaysay ninyo nga sa mga nakikinig at nanunood, Secretary, ano ba ang tinatawag na background o saan nanggaling ito, sige po?
SEC. PANELO: Well, she had it coming. Unang-una, marami siyang missteps, at sinabi nga ni Presidente – iyong kaniyang pakikipag-usap sa mga dapat niyang kausapin – kinakakausap niya ay iyong mga Amerikano, iyong UN officials.
Alam mo, Mike, iyong scope of authority na hinihingi niya, nakalatag na iyon doon sa executive order creating ICAD. All she had to do – as I have been suggesting on day one, when she was appointed – kumuha siya ng audience with the President at kung mayroon siyang gustong linawin, tanungin niya kay Presidente. Hindi iyong inaantay pa niya si Presidente ang lumapit sa kaniya.
Number two, apart from that, ang palagi niyang pinalalabas iyong mga press statements, sa halip na humingi siya ng audience with the President, hindi naman niya ginawa. Gumawa na siya ng sulat noong nagsalita na si Presidente laban sa kaniya tungkol sa threat niya na ipa-file niya kapag nagreveal ng mga classified information.
Number three, iyong presidente mismo ng Partido Liberal was asking the President to fire her, ‘di ba, si Pangilinan.
And then number four, ang pinakamatindi, si VP Leni noong nagsalita si Presidente, ano ang naging tugon niya? Sabi niya, “Kung ayaw mo sa akin, di sabihin mo.” Ayun, pinagbigyan siya.
In other words—alam mo, you cannot do that to the President. In-assign ka nga, binigyan ka nga ng pagkakataong makatulong sa bansa; pagkatapos eh babastusin mo pa. Eh kung ikaw naman ang nasa lugar ni Presidente, anong gagawin mo? Eh humihingi na tanggalin siya, eh di sige, kung ayaw mo di huwag.
ENRIQUEZ: Secretary, iyong pagkakatalaga po kay Bise Presidente, mayroong executive order iyon ‘di ba?
SEC. PANELO: Hindi, iyong …
ENRIQUEZ: Ano na iyon, nakasulat iyon eh. Ano bang klaseng dokumento iyon, iyong pagkakatalaga sa kaniya bilang co-chair ng ICAD?
SEC. PANELO: Memorandum order na ina-appoint siya. (Unclear) appointment iyon. At sinasabi doon na co-chair siya ng ICAD. At mayroon dating executive order creating ICAD, at nakalinya doon, nakalagay doon kung ano ang function ng isang chairperson.
ENRIQUEZ: Opo. Ang tinutukoy ninyo, ito ang nakalagay dito, ‘Memorandum from the President,’ pirmado ito mismo ni Pangulong Duterte, ‘designation of Vice President Maria Leonor Gerona Robredo as co-chairperson.’ Okay, paano po iyong pagkakatanggal sa kaniyang puwesto, maglalabas din ba ng memorandum o hindi ang Presidente?
SEC. PANELO: Ano iyon, Mike, hindi maganda iyong signal mo? Ano iyon?
ENRIQUEZ: Sige po. Iyong pagkakatalaga kay Bise Presidente Robredo ay may memorandum. Hawak ko po ito, Memorandum from the President.
SEC. PANELO: Oo, hindi ba may letter appointing her.
ENRIQUEZ: Opo, na designation of Vice President Maria Leonor Gerona Robredo as co-chairperson of ICAD. Pirmado mismo ni Pangulong Duterte ito; mayroong kaniyang sagisag o seal. Iyon pong pagtanggal sa kaniya sa puwesto, maglalabas din ba ng memorandum ang Presidente o anunsiyo na lang na ganiyan tulad ng nangyari kagabi, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi na kailangan iyon. Basta nag-announce na si Presidente na she was removed from office, iyon na iyon. Kasi alam mo, Mike, iyong mga ina-appoint ni Presidente at the pleasure of the President.
ENRIQUEZ: Opo, malinaw po iyon.
SEC. PANELO: Iyon na iyon, hindi na kailangan na sulatan pa siya na tinatanggal siya.
ENRIQUEZ: Opo. Secretary, sa inyong pagkakaalam, ewan ko kung masasagot ninyo ito, kung sasagutin: Galit ba si Presidente kay Bise Presidente Robredo o ayaw niya lang talaga iyong mga pinaggagagawa ni Vice President?
SEC. PANELO: Pinaliwanag na nga natin iyong mga ginawa niya – mali iyon. Pangalawa, mismong mga kapartido niya humihiling na tanggalin siya. Pangatlo, siya na mismo ang humihingi na tanggalin siya eh. Eh kung ikaw si Presidente, anong gagawin mo?
ENRIQUEZ: Okay. Mayroon ba hong balak si Presidente na maglagay ng bagong co-chair o mananatiling chairman ng ICAD si PDEA Director General Aquino, Secretary?
SEC. PANELO: Hindi ko alam, Mike, iyon. Wala naman siyang sinasabi pa.
ENRIQUEZ: Ah ganoon? Sige po. Hindi na natin patatagalin, malinaw na kayo mismo ang marinig na nagbibigay ng paliwanag at ng panig po tungkol dito sa pagkakatanggal sa puwesto ni Bise Presidente Robredo. Secretary, salamat at tinanggap ninyo na naman ang tawag namin at sinagot ninyo na naman ang mga tanong namin. Salamat po.
SEC. PANELO: Salamat, Mike. Thank you.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)