Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Tony Velasquez – ANC


VELASQUEZ: Secretary Panelo, good evening to you, sir. Any update from your end?

SEC. PANELO: Yes, the President is going to give a televised message specifically directed to the Local Government Units. He wants to tell them that we are in a critical condition and we resorted to this stringent measure so that the quarantine – so called enhanced community quarantine which is actually a total lockdown, as the President clarifies it – becomes effective. But there have been reports reaching the President that certain Local Government Units are not following the guidelines on the lockdown and he wants that all Local Government Units should follow all the guidelines given by the ITAF. And the Local Government Units cannot go beyond, because right now kanya-kanyang diskarte ang mga Local Government Units, kaya nagkakagulo raw. So, sabi ni Presidente, you have to follow the guidelines, you cannot go beyond the guidelines. Hindi pupuwedeng magkakanya-kanya tayo, otherwise, iyong mga will go against the guidelines will have to face administrative charges and criminal charges.

To the mind of the President, we have to survive. And we are in a very critical situation. He says that bawat Local Government Unit kailangang mag-cooperate sapagkat we are not separate republic, iisa lang ang republic natin, sabi niya. Kailangan, bawat isa ay sumunod kung ano ang national government guidelines. In other words, the national government will be calling the shots, because we are in a national emergency. And, marami kasing nakarating kay Presidente na mga reports like for instance, maraming na-stranded, because iyong madaliang nag-declare nang lockdown; tapos iyong mga iba ayaw papasukin sa lugar nila, kasi mayroon daw silang reglamentong ganito, lumampas sila na sa curfew na ganyan.

Sabi ni Presidente: Hindi pupuwede iyan – kailangan lahat ng stranded will have to be brought to their homes. Sabi niya, iyong mga Army, mga PNP, pati mga Air Force natin, kailangan lahat ng stranded all over the Philippines, ibalik – ibalik sa kanilang mga bahay – hindi pupuwede! At isa pang direktiba ni Presidente, doon sa mga nagugutom, kung magkaroon man ng mga pagkakataon. He was asking or he will be asking all the establishments, pakainin ninyo ang mga iyan, ako mismo ang magbabayad. Ilista niyo lang and on my word of honor sabi niya babayaran ko iyan. Hindi pupuwedeng may magutom na kahit na isang mamamayan dito sa ating bansa.

Sa madaling sabi, I think the long and short of what the President is saying is that, there is one national guidelines and all Local Government Units must follow these guidelines. Hindi na pupuwede iyong mayroon kang sinasabing, “hindi may ordinansa iyan,” wala na, national emergency nga tayo. Kaya kailangan iyong national mismo ang sundin ninyo, kung ano ang sinabi namin sa national, gawin na ninyo iyon. Otherwise mananagot kayo, iyon ang sinabi ni Presidente.

VELASQUEZ: Secretary Panelo. We don’t want to get ahead of the President’s announcement. But since nabanggit niyo na rin namam. I hope you can allow me to ask you some clarifications.

SEC. PANELO: Yes, yes.

VELASQUEZ: So may mga tao na nakikita nga natin dalawang oras naglalakad, medyo nai-stranded dahil wala ngang masakyang pampublikong transportasyon. Ang direktiba po ba ng Presidente, kapag sinabi niya sunduin ang mga ito at iuwi sa bahay. Ibig sabihin noon, once na naiuwi na sila sa bahay, huwag na silang lumabas?

SEC. PANELO: Ano iyon, nawala ka.

VELASQUEZ: Ibig sabihin po ba kapag sinundo na itong mga taong stranded at inuwi sa kani-kanilang bahay…

SEC. PANELO: Iyong mga taong stranded kapag naiuwi na ‘ika mo?

VELASQUEZ: Huwag na silang lumabas, kapag naiuwi na sila?

SEC. PANELO: Siyempre! Kasi sa ngayon, iyong mga stranded hindi nila malaman kung saan sila pupunta, hindi naman iyon ang kanilang mga bahay. So kapag inuwi sila sa bahay ay doon na sila sa bahay. Unless kasama sila sa exempted na lumabas.

VELASQUEZ: Kaya po kasi natanong iyon, Mr. Secretary, dahil marami naman pong mga empleyado pinapapasok po ng kanilang mga tanggapan kaya talagang nagpupumilt silang lumabas. So, kapag naihatid na po sila sa bahay, makakasa po ba sila na mayroon pa rin po, sabihin nating ipalalabas na mga sasakyan para sila po ay masundo at maihatid din sa kanilang mga trabaho na hindi sila kailangang maghintay ng matagal sa kalsada.

SEC. PANELO: Alam mo, Tony maraming nag-alok ng mga buses nila. Ang dami-dami na nga eh, as of last count, I think mga 42 iyong sinabi sa akin. Marami pang darating. Mayroon nang mga designated places kung saan puwede silang pumunta at ihahatid sila doon sa places of work nila at mayroon ding designated place and time kung saan sila sasakay at dadalhin sila doon sa mga lugar malapit sa mga bahay nila.

VELASQUEZ: Pero ang ibig sabihin po noon itong mga naghihintay sa kalsada, maaaring hindi nila alam na mayroon pa lang mga designated pick up and drop off points.

SEC. PANELO: Hindi, kaya nga precisely kayong mga nasa media makakatulong ng malaki, kasi sasabihin naming iyong mga, pinapa-announce nga namin iyong mga designated places para alam nila kung saan sila pupunta.

VELASQUEZ: Tama. Tapos nabanggit niyo rin po, Mr. Secretary na kailangan talagang sumunod tayo doon sa mga alituntunin mismo ng national government, mayroon nang parang pinaka-framework or guidelines na kailangang sundin?

SEC. PANELO: ‘Di ba nga kaya mayroon tayong declaration of national calamity, dapat susundin na nila.

VELASQUEZ: Tama, pero mayroon po bang flexibility kahit papaano, bear with me on this, na iyong mga local governments naghahanap po sila ng kani-kanilang solusyon para iyong kanilang constituents ay maaaring matulungan nila. For example, ito lang babanggitin ko, kapag sinabi po ng Pasig City Mayor na magpapalabas kami ng tricycle para maihatid iyong mga frontline health workers, pagbabawalan siya ng DILG. Sa kabilang banda, kapag sinabi naman ng Manila hindi maglalabas kami ng isang libong e-tricycles para maihatid iyong mga health workers – saan po sila lulugar?

SEC. PANELO: Tony, hindi na pupuwede iyon. Klaro na ang sinasabi ni Presidente, tinatawagan niya, sundin ninyo kung ano ang guidelines ng national government, hindi pupuwede iyong didiskarte kayo ng kanya-kanya. Otherwise sa halip na maipatupad natin, lalong hindi kasi kailangan iyong ating pagpapatupad ng ating lockdown – ayaw na niyang tawaging enhancement – lockdown, this is a total lockdown! Kailangang sundin natin iyon, sapagkat dito nakasalalay iyong ating survival! Otherwise, kapag tayo ay nagkalat sa kalye eh talagang magkakahawa-hawa tayo. Kaya sabi ni Presidente, sundin na lang kung ano iyong guidelines, hindi na pupuwede iyong ‘ah ito gusto namin, ito ayaw namin’. They will be facing administrative charges and criminal charges if they go against the guidelines set by the IATF, iyong Inter-agency Task Force.

VELASQUEZ: Pero, Mr. Secretary you know, of course you’re a lawyer and you know in some cases like this, hindi po ba mayroon extenuating circumstances na kapag kumilos iyong opisyal and he is doing it for the benefit, f0r the welfare of his constituent, maaari pa bang ituring na criminal act iyon, when he is actually doing it out of some benign motivation?

SEC. PANELO: Hindi pupuwede iyon, kasi nga, the very declaration of a national calamity and lockdown, iyon na nga ang emergency, kaya dapat sundin mo. Iyong national government na nga ang nagsasabi at iyon nga ay para sa general welfare na sinasabi mo. Kaya hindi mo sasabihin, hindi! Iyon na nga exactly iyon na nga ang purpose eh, hindi mo pupuwedeng gamitin iyon.

VELASQUEZ: So, dito sa example po na sinite ko sa inyo, very specific: Puwede po bang maghatid ng mga health workers ang kani-kanilang Local Government Units using their own transportation o iyong national government po ang dapat mag-provide.

SEC. PANELO: Aba, eh kung mayroon na silang sistema na hindi na mahihirapan ang tao, hindi magbabayad ay puwede nilang gawin iyon, kasi consistent pa rin iyon sa national guidelines.

VELASQUEZ: So maaaring gamitin, basta consistent with the national guidelines.

SEC. PANELO: Ang ibig sabihin, hindi iyong mga tricycles. Like for instance, kailangan mayroon kang isang sasakyan. ‘di ba? Mayroon kayong isang sasakyan continuous ang serbisyo mo, mayroong kang mga designated place at mayroong kang designated place na pauwi at pabalik, dapat ganoon. Hindi pupuwede iyong tricycle ang gagamitin mo, ano ba naman iyan, eh di nagkalat ang mga tricycle doon, mga drivers di mahahawa iyong mga pasahero nila.

VELASQUEZ: Hindi kasi nga po, Mr. Secretary, I hope you bear with me again on this, kasi nga po para naisip din siguro nung local na opisyal iyon, para mabigyan din ng siguro hanapbuhay iyong tricycle driver, pero at the same time iyong social distancing restrictions mo ay parang one passenger at a time din naman iyong isasakay ng tricycle, iyon po ba ay pagbibigyan ng Pangulo?

SEC. PANELO: Hindi na, kailangan sundin na kung ano iyong national guidelines, kasi kung ipapairal natin iyon. Alam mo iyong sinasabi mo na walang trabaho, eh binibigyan na nga natin ng solusyon iyon. Iyong mga mawawalan ng trabaho, kaya nga magpapatawag ng special session ang Presidente para iyong 1.6 billion na budget eh maipasa na – basta maraming gagawin ngayon nag Kongreso kaugnay dito, dahil seryosong-seryoso si Presidente na kailangang sirain na natin itong virus na ito!

VELASQUEZ: Iyong virus(?).

SEC. PANELO: Virus (?)daw, kasi galit siya.

VELASQUEZ: Mr. Secretary, ngayong gabi po ang announcement ni President Duterte, anong oras po ba natin inaasahan ito?

SEC. PANELO: Siguro within the hour, ilalabas niya iyong kanyang televised message.

VELASQUEZ: At si Presidente po ba ay nasa Malacañang pa rin – pumapasok pa rin?

SEC. PANELO: Hindi katatapos lang ng meeting namin, nag-uuwian na kami, si Presidente rin pumunta na sa kanyang Bahay Pagbabago.

VELASQUEZ: So, doon gagawin iyong live announcement niya.

SEC. PANELO: And I would like to assure our countrymen that he is fit and healthy, wala siyang sakit, wala siyang sintomas ng kahit na ano.

VELASQUEZ: Kayo po, fit and healthy pa rin?

SEC. PANELO: Oo, magkakasama nga kami, pero lahat kami ay we observe the social distancing. In fact iyong mga agwat namin sa isa’t-isa ay mahigit isang arm, pati si Presidente ganoon din, two arms, three arms, pa nga iyong kay Presidente. Makikita mo iyon sa meeting namin. Talagang malalayo ang isa’t-isa sa amin at lahat kami nakatakip ng aming mga mukha at bibig, ilong.

VELASQUEZ: Parang secret agent na kayo, Secretary Panelo.

SEC. PANELO: Pero si Presidente, hindi na siya nagtakip. Kasi lahat kami nakatakip na, kumbaga siya ngayon ang ano, wala nang problema, bumahing man kami.

VELASQUEZ: Pero hindi niyo po ba nakasalamuha si Secretary Duque?

SEC. PANELO: Hindi, dahil nag-quarantine daw siya, dalawang raw na eh.

VELASQUEZ: Bago doon, hindi niyo ba siya nakausap sa cabinet meeting?

SEC. PANELO: Hindi, sa telepono lang kami nagkakausap eh, ako limang araw na akong sa bahay lang, except noong Monday na may meeting lumabas ako. Ginagawa ko ang trabaho ko sa bahay.

VELASQUEZ: Ah kayo po work from home.

SEC. PANELO: Yes, work from home, ganoon naman ang ginagawa ng karamihang members of the cabinet.

VELASQUEZ: Ah ganoon po ba, okay sige Secretary Panelo, maraming salamat at aabangan po namin kung anong oras po at kung ano po ang magiging mensahe ni Pangulong Duterte sa buong Pilipinas.

SEC. PANELO: Salamat, Tony.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource