Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Uri and Missy Hista – Coffee Break/DZRH


URI:  Secretary, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Henry. Magandang umaga, Missy.

URI: Kami ay kaya napatawag sa inyo, once and for all, ay para masabi sa ating mga kababayan kung ano na nga ba ang narating/ginawa ng gobyerno laban sa pandemya at ano ang naitulong na nito sa mga tao, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo T3 lang iyan – testing, tracing, treatment.

Pagdating sa testing po, tayo na ang pinakamataas na na-test sa buong mundo.  Humigit na po tayo ng tatlong milyon at ang ating actual testing ngayon ay lagpas na tayo sa ating target na 30,000 a day. Gumagawa na tayo ng 32,000 a day, pinakamataas na po iyan sa Asya – mas mataas pa sa Japan, mas mataas sa South Korea.

Pagdating po doon sa ating tracing, pinatutupad po naman po natin iyong programa ni Mayor Magalong. Ngayon po, tumaas na ang ating  tracing ratio sa Metro Manila, dati 1 is to 3, ngayon halos doble na at 1 is to 5. Pero hindi po tayo titigil hanggang hindi tayo makarating ng 1 is to 20, hanggang 1 is to 37.

Iyong sa treatment din ay ginagamit na po natin iyang Safety Philippines—ano ba ang tawag doon? Nakakalimutan ko palagi ang pangalan noon – safe.ph. At mayroon na tayong automated apps na tutulong sa ating tracing.

And then, pagdating po doon sa ating treatment, mayroon na tayong One Hospital Command Center, tawag lang po kayo para masabihan kayo kung saan kayo pupunta kung kinakailangang magpa-confine sa hospital o ‘di naman po kaya saan puwedeng magpa-test.

So, sa akin po ay hindi pupuwedeng tanggapin na walang plano dahil mayroon na na national action 1; nagkaroon tayo ng national action plan 2. Nandito na nga tayo sa national action 2. Iyong national action plan 1 natin ay ginamit nating martilyo, talagang ginamit natin iyong ECQ at MECQ na naging dahilan na napababa natin ang pagkalat ng sakit, para mahanda nga natin iyong clinical capacity o iyong mga hospital.

So, iyan pa ang isang nakamit din natin, nagpagawa tayo ng sangkatutak na isolation centers. Bulag ka na kung hindi mo nakikita sa Philippine Arena, iyong PICC, iyong World Trade Center. Ngayon ay mayroon na namang bago, iyong sa Nayong Pilipino. Tapos iyong mga hotels na kinukuha na natin para isolation centers at pati ang mga pampublikong eskuwelahan ngayon na hindi naman ginagamit ay gagamitin din as isolation centers.

Lahat po ng dapat magawa at dapat gawin ay ginawa naman po natin, at ito naman po ay nakipag-ugnayan din tayo sa mga bansa na naging matagumpay na kagaya ng Tsina. So, sa tingin ko po, fair is fair. Madali pong puminta kapag hindi po kayo kasama sa nag-i-implementa. Pero kinakailangan makarating pa rin sa taumbayan na iyong number one testing tayo, sangkatutak na isolation center, na-increase natin ang ICU bed, 250 additional COVID bed capacity sa East Avenue Medical Hospital. Ang dami pa nating ginagawa, sa PGH…So, huwag naman pong balewalain iyang mga nagawa na ng ating gobyerno.

URI:  Secretary, dito sa statement ni Vice President Leni, ang sabi niya “Watch the regular Monday presscon tonight, hindi ko matiis magkaroon ng takeaways. Hindi yata sapat na basta may ospital, kama at punerarya, ang kailangan na lang gawin ay maghintay ng vaccine”. At mayroon po siyang suggestion dito, ito po iyong mga main challenges na identified ngayon at kailangan nating pagtulungan:

  1. Suppressing the pandemic by means of medical and non-medical intervention.
  2. Overcoming humanitarian emergencies including poverty, hunger, unemployment, mental distress, etc., caused by the pandemic.
  3. Restructuring public and private finances in the wake of the pandemic.
  4. Rebuilding the economy in an exclusive, resilient and sustainable way.

Iyong number one po, hindi masolusyunan sa pag-spray ng pesticides sa Manila galing sa eroplano, Secretary?

SEC. ROQUE:  Alam naman ninyo si VP Leni, talagang campaign mode na eh. Pero sa tingin ko, magba-backfire iyan. Kasi habang ikaw ay namumulitika sa panahon ng pandemya, lalong magagalit sa iyo ang tao.

Sino ba naman ang nagsabing walang medical intervention na ginagawa. Eh kung walang medical intervention, tingin ninyo magkakaroon tayo ng 1.7 case mortality rate? Ibig sabihin, napakakaunti po ng namamatay kasi nga po mayroon tayong medical and non-medical interventions.

Iyong medical intervention natin, iyong paggawa nga ng additional hospital bed capacity, whether be it ICU bed capacity or iyong ward capacity. Iyong One hospital Command Center, tayo lang po ang mayroong ganiyan. Ginawa nating isang ospital ang lahat ng ospital sa Metro Manila para alam kung saan pupunta. At sa katunayan, successful po, kasi ang ating critical care capacity ay naka-50% lang po.

So, uulitin ko po si VP Leni, buksan lang ang mata, buksan ang tainga; wala po siyang suhestiyon na hindi pa po napapatupad. Pero talagang hindi makikita ang katotohanan kung nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan.

HISTA:  If I may ask Ka Henry, Secretary Harry, nabanggit na rin po ninyo iyong mga suhestiyon  galing kay VP Leni. Was there ever a time that she was invited for a meeting with IATF? And also, with regards to that, nahingan na rin po ba ninyo siya ng iba pang rekomendasyon at suhestiyon na sa palagay po ninyo ay hindi pa natin nai-implement sa ngayon?

SEC. ROQUE:  Hiningan ko po siya. Magbigay po kayo ng suhestiyon na hindi pa nai-implement. Pero I can tell you this, 100% wala po siyang bagong suhestiyon na hindi pa ginagawa ng gobyerno. Ipakita niya kung ano ang suhestiyon niya. Ipakita niya ang nais niyang makita, eh di ayan katunayan na siya ay constructive. Pero iyong mga sinasabi niya, lahat po iyan pinatutupad na.

How can you be better than a 33-man IATF which is representing the whole nation approach? Hindi po! Siya aynag-iisa, may mga kaunting researchers. Kami po 33 departments working as one nation, complete staff supports with advisory of WHO,  dahil ang WHO nakaupo rin po doon. Sinasabi ba niya na mayroon siyang idea na hindi malalaman ng WHO na nakaupo sa IATF? Hindi po pupuwede iyan!

URI: Oho. All right. Go ahead, Missy, if you have a follow up.

MISSY: Yes. Since nabanggit ninyo na po na 33 men na po kayo na nandiyan sa IATF, would you mind adding one more head which is nga po sa katauhan ni VP Leni? Baka po kasi she can think outside of the box kapag po may mga meetings kayo, sir.

SEC. ROQUE: [Overlapping voices] suhestiyon na hindi pa napapatupad, let us know and [garbled] of her. Pero sa ngayon po, wala akong naririnig na bago; lumang tugtugin po.

URI: Secretary, sa pagdating sa kabuhayan, pagdating sa asistiya … kasi may binabanggit siya rito na rebuilding the economy na inclusive, resilient and sustainable way. Ano ba ang naitulong lalo sa mga affected sector ng gobyernong ito?

SEC. ROQUE: Naku, unang-una, namigay po tayo ng ayuda. Ngayon po, nagbibigay tayo ng suporta para magkaroon ng kapital ang mga nais magnegosyo; nagbibigay po tayo ng mga guarantees; nagbibigay po tayo hindi lang po sa mga pangkomersiyo pati po sa mga agrikultura, at siyempre iyong ayuda sa mga nawalan ng trabaho. Ngayon po ay nagbibigay din po tayo ng subsidies para sa mga pampublikong transportasyon nang umandar na silang lahat dahil alam natin na kung walang subsidy, hindi nila mababawi iyong kanilang overhead man lang dahil mayroon ngang [garbled] pampublikong transportasyon.

So ano pang gusto niya? Napakagaling po ng ating mga economic planners, ang ating economic cluster group. Alam ko po Economics graduate si VP Leni, pero sa tingin ko po ay kinikilala na sa buong daigdig na isa sa pinakamagaling ang ating economic team led by Secretary Dominguez. [Garbled] ang piso ngayon ay isa sa pinakamalakas na currency sa buong daigdig—o pinakamalakas ngayon sa Asya.

URI: Oho. All right. Secretary, ngayon ay mayroon—ito, pakitanong na daw ito galing sa amin sa news center kung mamarapatin po ninyo. Sec., iyong guidelines ng IATF, ‘di ba bawal lumabas ang sisenta anyos pataas at ang beinte anyos pababa. Pero sa pagbisita sa Undas bago mag-a-beinte nuwebe at matapos ang November 4 ay pinapayagan na ang lahat na makabisita sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ba may banggaan iyong dalawang polisiyang ito?

SEC. ROQUE: Ito naman po ay para sa Undas lang at ito po ay limited to 30% capacity ng sementeryo.

URI: Oho. All right. Another question. Reaksiyon lang daw sa sabi ni Senator Risa Hontiveros na may PPE overprice, aabot ng 4 billion pesos para sa hinihinala niyang naibulsa ng opisyal ng gobyerno. Your reaction please daw.

SEC. ROQUE: Ilabas po ebidensiya, ididemanda natin; baka si Presidente pa magsampa ng kaso diyan.

URI: All right. And last, mamaya may UN Assembly speech si Pangulong Duterte ano po?

SEC. ROQUE: Alas nuwebe ng gabi po iyan pero speaker number 12 po siya.

URI: Okay. Last na last na lang. Ano ang mensahe ninyo sa bayan na naririnig ngayon ay iyong pagtuligsa pa rin ng tanggapan ni Vice President Leni at ng oposisyon sa ginagawa ng gobyerno lalo sa pandemya. Go ahead…

SEC. ROQUE: Kung maniniwala po kasi lahat ng sinasabi ni VP Leni, wala na pong pag-asa ang Pilipinas at magkakaroon lang ng pag-asa kapag siya na ay presidente. May pagkakataon naman po iyan, lahat po ng bagay may panahon. Ang kampanya po darating po iyan pero sa ngayon po ang kinakailangan magkaisa at napakalaking problema po itong pandemya. Mayroong suhestiyon na mayroong bago, sabihin po at pag-aaralan po iyan dahil wala naman pong pulitika sa IATF.

So iyon lang po at tayo po’y makakabangon, we will heal as one.

URI: Teka, iyong PhilHealth mo—iyong Universal Healthcare pala paki-ano raw muna, paki-refresh mo raw iyong ating mga kababayan na nangungumusta lang doon sa PhilHealth—Universal Healthcare Law na you’re the principal author, I think.

SEC. ROQUE: Ilalagay ko po sa konteksto iyong ating kampanya laban sa korapsyon sa PhilHealth. Kaya po natin nililinis ang PhilHealth dahil kinakailangan nga eh iyong kaban ng bayan at saka iyong kontribyusyon ng mga miyembro ay magamit para sa libreng pagamot at libreng gamot. Hindi po magkakaroon ng katuparan iyan kung nandiyan ang mga kurakot sa PhilHealth at nagpapasalamat po tayo sa Presidente na bagama’t malalim ang kaniyang mga [garbled] doon sa ilang mga namuno sa PhilHealth, sa bandang huli ay nanaig pa rin ang accountability. At tingin ko po ‘no sa ginawa ni Presidente ay magtatagumpay ang Universal Healthcare dahil nga po number one sa kaniyang priority sa natitira niyang termino na dalawang taon, ang linisin ang PhilHealth.

URI: Oo. Iyon lang mga nahihiwagaan kung anong benepisyo niyang Universal Healthcare na iyan Secretary.

SEC. ROQUE: Well ‘ayan na po ‘no, nandiyan na po iyong libreng diagnostic [garbled]. Halos lahat na po tayo nagkakaroon nang libreng PCR testing laban sa COVID. Mayroon po tayong case rate ‘pag tayo’y na-COVID – kung mild, kung moderate o kung serious ‘no, hanggang 700,000 plus po kapag serious ang pagkakasakit. At lahat po ngayon ng serbisyo na pupuwedeng gawin sa hospital ng doktor ay mayroon pong bayad na manggagaling sa PhilHealth. At least sa pauna po iyong mga COVID ngayon, iyong pulmonya, iyong mga maintenance medicine sa highblood at diabetes lahat po iyan ngayon mabibigay na sa ating taumbayan na libre.

URI: Because of that Universal Healthcare Law?

SEC. ROQUE: [Garbled] Universal Healthcare po, iyan po ay karapatan ng taumbayan, iyan pong lahat ay [garbled].

URI: All right. Secretary Harry, salamat nang marami sa iyong pagsagot sa aming tanong.

MISSY: Thank you so much po.

SEC. ROQUE: Henry, sana I will see you in the press briefing. Magtatampo iyong mga kasama mo ba’t ako nagpa-interview ng araw na may press briefing.

URI: [Laughs] Sige I will, I will. Thank you. Salamat. Thank you, Secretary.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)