Q: Sec., maayong buntag – Alex Santos and Vic Lima, sir.
SEC. ANDANAR: Good morning, Sir Vic. Good morning, Alex.
Q: Secretary, una siguro nating pag-usapan, we have a second version na pala ng Gramo ho, Secretary? I understand iyong una natin was very successful, ngayon Gramo Part 2, ano po ba ito – Unipormado, tama po ba, Sec. ‘no?
SEC. ANDANAR: Tama, Alex. Ito ay karugtong ng Gramo 1. At dito naman sa Gramo 2 ay naka-focus tayo doon sa mga unipormado na nabiktima nitong ating tinatawag na drug war. So meaning, ito iyong mga namatay, mga nasugatan and so far mayroong mga 52 na mga pulis ang killed-in-action dahil sa drug-related operations at mayroong 153 iyong wounded.
Now, mayroon din tayong mga case studies dito, halimbawa na lamang itong si SPO1 Ronald Eugenio ng PNP Opol Police Station, ito po iyong sa Misamis Oriental na na-wounded-in-action sa Misamis Oriental noong August 6, 2016. Iyong bala ay tumagos po sa kaniyang lalamunan kaya ito po ay naging sanhi ng pagka-damage, pagkawala ng kaniyang boses. So wala na po siyang boses habambuhay. At siya po ay previously intel chief pero dahil nga sa kaniyang tinamong sugat ay admin work na lamang ang kaniyang ginagawa.
At mayroon din iyong dalawang police sa case studies na namatay, itong si Police Senior Inspector Mark Gil Garcia, siya iyong head of special operations sa Antipolo PNP na napatay sa isang buy-bust operation noong 2016; at si PO3 Ronald Legazpi, ang hepe ng intel ng Norzagaray PNP na namatay naman noong March 11, 2018 dahil din sa isang operasyon.
Q: So itong documentary po, Secretary, ay ginawa ito para ipaalam po sa publiko na hindi lang po mga civilian po ang biktima dito ng illegal drugs kung hindi lalo na itong mga law enforcers ano, nasa bingit ng kamatayan pala?
Q: Men in uniform.
SEC. ANDANAR: Opo, at napakadetalyado nitong “Unipormado: Gramo 2” dahil iyong binabala kasi ng mga kalaban natin ay puro human rights at nabibiktima iyong mga inosente. Pero hindi po totoo iyon dahil lumalabas naman dito na mayroon ding mga pulis na namamatay. In fact, kung titingnan po natin iyong datos noong July 1, 2016 hanggang July 31, 2020 ay mayroon na ho tayong mga 9,706 na high value targets arrested. Ito rin ho ay taliwas sa mga sinasabi ng mga kritiko na wala namang mga high value targets na nahuhuli.
Q: Oo, mga big fish.
SEC. ANDANAR: Big fish, ito na nga iyong big fish, 9,706 eh. Tapos mayroon na ring 52.7 billion pesos na mga drug laboratory, mga [unclear], itong mga seized drugs – ganoon ang halaga. Tapos iyong total value of drug seized or shabu seized ay nasa 6,900 kilos na nagkakahalaga ng 43 billion pesos at mayroon din pong 597 dismantled drug dens at iba pang mga clandestine laboratories. So, makikita po talaga natin sa datos na nandiyan eh. All you have to do is go to the Philippine National Police, go to PDEA at tingnan ninyo kung ano ang datos, tingnan ninyo kung ano iyong mga nahuli. Hindi iyong padalus-dalos, na hindi makatuwirang paghusga.
Q: And this is being done, parang to give honor doon sa mga KIA natin na mga men in uniform killed-in-action, iyong mga WIA natin – wounded-in-action. Dahil wala eh ano, it’s more of, they are being criticized rather than, you know, alam ba nila na mayroong nawala ng boses na tumagos iyong bala sa lalamunan? Hindi ko alam iyon, ngayon ko lang narinig iyon, may alam bang ganoon iyong mga kritiko, hindi ba, Sec?
SEC. ANDANAR: Tama sir Vic, hindi talaga tinitingnan iyong the other side of the story, kaya tayo na lang ho ang nagpapakita sa kanila kung ano iyong other side of the story at kung talagang nagdududa pa sila ay puwede po nilang puntahan si SPO1 Eugenio doon sa Opol, police station sa Misamis Oriental. Samahan ko pa sila doon.
Q: So, paano po, Sec., paano po nila mapapanood po ito. Dahil I understand noong Sunday pala ito na-launch.
SEC. ANDANAR: Well, bukod po sa na-launch sa PTV at sa IBC 13, ay nandiyan po iyan sa Facebook page at sa YouTube. I type lang po ninyo sa Facebook iyong “Gramo 2: Unipormado” at ito ay lalabas kaagad doon dahil marami pong mga (communication cut)
Q: Sec, may plano ba tayo, ‘di ba noong una iyong Gramo 1 eh—
Q: Na is Alex Santos ang gumawa.
Q:—nyo pong ipinalabas po ito sa iba’t ibang mga bansa to let the international community know, ano ba ang nangyayari po sa ating fight against illegal drug, Secretary?
SEC. ANDANAR: Opo, malamang itong Gramo 2 ipapalabas din natin, pero sa pamamagitan na lang ng virtual, dahil bawal namang bumiyahe. Ang gagawin na lang po natin, mago-organize na lang po tayo sa iba’t ibang mga embahada na magkaroon ng virtual showing para mapanuod po ng iba’t ibang mga kababayan natin na nasa iba’t ibang bansa.
Q: Parang webinar ni Andanar.
Q: Moving on, moving on. Ibang topic tayo, Secretary. Kumusta po ang Presidente? Nasa Davao pa ba?
SEC. ANDANAR: Opo. Okay naman po, nasa Davao po si Presidente at kaka-speech lang nga ho niya kagabi. Siyempre tuluy-tuloy pa rin iyong ating pakikipaglaban sa COVID-19. Ito naman ay hindi matatapos hangga’t sa hindi pa tayo nakakakuha ng bakuna at habang walang bakuna ay talagang nasa new normal tayo, na makasanayan na natin itong ganitong klaseng lifestyle.
Q: I don’t know if you can answer this, Mr. Secretary ‘no. Nasabi ninyo kasi iyong bakuna eh ‘no. Speaking of China and Russia, ano ba ito, parang nag-abiso na tayo sa dalawang bansa na ito na interesado kaming kumuha or are we just waiting na offer-an tayo ng China and Russia, “Oy may bakuna na kami, puwede ninyo nang kumuha,” or papaano ba ang arrangement nito, papaano ang ano nito?
SEC. ANDANAR: Nag-offer naman ho ang Russia at ang China ng bakuna. Once ho ito ay pumasa sa third stage ng testing, iyong third clinical trial at ito ay aprubado na ng World Health Organization ay makakakuha tayo nito dahil nangako naman si President Xi Jinping at si President Putin na tayo din ay bibigyan ng ating rasyon. Eh hanggang wala pa iyon eh maghihintay na lang ho tayo, like the rest of the world. Eh ganoon din naman ho sa Amerika, iyong mga pharma doon ay magrarasyon din ho naman sa Pilipinas and I believe hindi lang Pilipinas kundi sa buong mundo.
Siguro mahalaga dito, Vic and Alex, is that mayroon ho tayong pondo para mabakunahan ho natin: Unang-una, iyong talagang mas nangangailangan. Ibig sabihin itong 18 million to 19 million na kasama po doon sa ating Social Amelioration Program at sila po iyong na-identify na mahihirap po talaga.
Q: ‘Ayun. At siguro, panghuli siguro, Secretary. I’m sure ang PCOO po at ang DepEd ay tulung-tulong para ho dito sa distance learning. Kumusta na po, nagsasagawa tayo ng test broadcast po ba, Secretary ‘no?
SEC. ANDANAR: Opo. Nag-test broadcast po sa IBC-13 para makita rin ho iyong kahandaan ng ating mga guro. Marami naman hong nakausap na rin ang DepEd na iba’t ibang mga network companies na willing to carry ang mga klase through television or through distancing learning. I am not worried na kukulangin ho tayo ng frequencies dahil napakadami hong gustong tumulong sa pribadong sektor.
Q: Si Manny Pacquiao ‘di ba parang may sasagutin siya, Sec.?
SEC. ANDANAR: Opo. Mayroon din hong ganoong statement si Senator Manny Pacquiao, so marami hong gustong tumulong. Ang ating gobyerno din naman sa pamamagitan ng IBC at PTV ay kasado na rin pong tumulong sa ating Department of Education.
Q: Opo. Dahil malapit-lapit na po Sec. ‘no, October 5 ang simula ng klase.
SEC. ANDANAR: Opo. Tulad nga noong sinabi din ni Secretary Briones ay mahalaga ho na pati iyong sa radyo dahil sa mga lugar na talagang walang TV ay napapakinggan pa rin po iyong AM radio. So ito naman ay kausap na rin po ng DepEd at tinulungan din po natin sa pamamagitan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, sila po ay kasama ho sa team na nakikipag-meeting sa DepEd.
Q: Si Vic Lima daw, Secretary, mukhang gustong magturo na rin ito [laughs].
Q: Hindi… Alam ninyo tutulungan ko na kayo Secretary ha. Ngayong nasa on the air na tayo sa DWIZ, sa mga nakikinig alam ninyo ba kung magkano ang transistor radio? Isandaan may mabibili kang transistor radio. Iyong mga mayayaman na negosyante riyan, baka gusto ninyong mag-donate ng transistor radio para iyong mga liblib na lugar Secretary ‘di ba, iyong hindi naaabot ng TV, iyon baterya lang ang katapat noon ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Tama po. In fact, mayroon po akong ganiyang transistor radio, mayroon akong nabiling ganiyang klaseng maliit lang. I think that was about 100… mga P110 pesos yata iyon.
Q: Napakarami sa Raon, sa Quiapo.
SEC. ANDANAR: Opo. Kaya mahalaga nga po iyong AM tapos kung talagang hindi kaya ang AM, shortwave ‘di ba?
Q: Eh sana makarami kasi talagang, we have to admit it Secretary, I hope you will agree with us, with Alex. Ang internet natin medyo huwag na muna nating asahan lalo na kung far flung area tayo ‘di ba?
SEC. ANDANAR: Tama kasi ang internet ho kasi ay nakadepende rin iyan sa daming gumagamit eh. Kapag dumadami iyong gumagamit, ‘pag tumataas iyong scale ng gumagamit ay bumababa iyong speed. Eh hindi tulad ng sa radyo ay pag-tune in mo kahit na gaano pa kadami iyan hindi magbabago iyong quality ng mapapakinggan mo.
Q: Saka noong araw, iyong transistor radio namin kapag nabali iyong antenna, tinidor lang puwede mong gawing antenna. Totoo iyon, lalagyan namin ng tinidor! Hindi ba, tinidor, magkaka-contact na!
SEC. ANDANAR: Minsan nga eh kapag hinawakan mo na iyong antenna lumalakas iyong signal eh. O, eh sabi ng lolo ko huwag mong bitawan iyan, hawakan mo lang [laughs].
Q: Kaya pala tumangkad si Martin, laging nakatayo.
Q: Okay. Sec., baka mayroon ka pang mahalagang anunsiyo para sa ating taumbayan. Go ahead sir, pagkakataon ninyo na po dito sa DWIZ. Go ahead, sir.
SEC. ANDANAR: Ako po ay nagpapasalamat sa inyo Alex and Sir Vic sa pagkakataong ito and it’s good to see you Vic diyan po sa DWIZ.
Q: Thank you at ako ay tinanggap dito at naniniwala ang tao sa akin dito.
SEC. ANDANAR: Ako po ay nagpapasalamat din kay Boss Ed. Salamat sa pagkakataong ito at sa patuloy ninyong pagsuporta sa Laging Handa, sa mga lalawigan ay ipinapalabas po ito sa RPN network at sa, of course DWIZ. Ito po ay ang laking tulong na ating maabisuhan ang ating mga kababayan kung ano po iyong nangyayari sa ating bayan at kung ano po iyong mga inuutos o inaatas ng ating IATF sa pamamagitan po ng Laging Handa communications program ng ating pamahalaan.
Maraming salamat at mabuhay po kayo.
Q: Thank you, Sec. Si Secretary Martin Andanar…
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)