SEC. ANDANAR: Isa sa mga mahahalagang tanong ng ating mga mamamayan sa patuloy na pagsasailalim ng buong bansa sa isang state of calamity bunsod ng COVID-19 ay ito: Mayroon bang sapat na supply ang Pilipinas ng pagkain para sa kaniyang mamamayan? Tiyak ang Department of Agriculture na sapat ang supply ng pagkain para sa Pilipino. Ang mga food suppliers ng bansa, nangako na hindi magkakaroon ng problema sa deliveries ng basic commodities. Kaya mga kababayan, hindi kailangan mag-panic buying.
Inirekomenda na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pag-apruba ng 31 billion pesos supplemental budget na hiningi ng Department of Agriculture upang siguraduhin ang supply ng pagkain partikular na ang produksiyon at distribyusyon nito. At ang karagdagang benepisyo para sa mga magsasaka kasama sa paggagastusan ng pondo ay ang production ng pagkain sa pamamagitan ng pag-igting ng pagpapatanim, pangingisda at panghayupan, at pagbili ng palay.
Ang malawakang distribyusyon ng pagkain sa pamamagitan ng upscale ‘Kadiwa ni Ani at Kita’ program na magdadala ng produksiyon ng pagkain mula sa source ng mga ito papunta sa iba’t ibang lugar sa Luzon. At ang social amelioration o ayuda at karagdagang kita para sa magsasaka at mangingisda. Nais din ng Department of Agriculture na ‘di lang kanayunan kundi pati na rin ang urban areas ay magtanim ng mga gulay na makakain.
Ang lahat ng ito ay bahagi ng programang ‘Ahon Lahat, Pagkaing Sapat’ o ALPAS kontra sa COVID-19 na binigyan ng Department ng battle cry na ‘Plant, Plant, Plant’. Sa naging mensahe niya nitong Lunes, March 30, pinawi ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pangamba ng sambayanan at sinabi na walang magugutom na Pilipino habang nagpapatuloy ang krisis na dulot ng COVID-19.
Upang maliwanagan tayo sa mga hakbang ng Department of Agriculture, makakasama natin ngayong gabi si Department of Agriculture Secretary William Dar. Magandang gabi sa iyo, Secretary William Dar.
SEC. DAR: Magandang gabi naman Sec. Martin, kumusta po kayo.
SEC. ANDANAR: Well just like you, we are busier today than yesterday and we will be busier tomorrow dahil mayroon pa tayong pag-uusapan na recovery. Pero pag-usapan pa rin natin ang napaka-kritikal na pagsubok na kinakaharap ng ating bansa ngayon – ang COVID-19.
SEC. DAR: Opo…
SEC. ANDANAR: Ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo COVID-19 Special. Tayo po ay sabayang napapanood at napapakinggan sa Radyo Pilipinas Uno, sa PTV at sa lahat ng social media pages ng PCOO at aking personal page.
Sec. iyong unang tanong po natin, gustong matiyak ng sambayanan na sa loob ng dalawa pang linggo ng enhanced community quarantine ay may maihahain pa sa bawat hapag-kainan. Sec., let’s begin with where we are right now and the very immediate future? Sapat po ba ang supply ng pagkain? Paki-explain po sa mamamayan.
SEC. DAR: Tama po. Magandang gabi po sa ating lahat. Base po sa mga datos na nakalap natin even prior to the enhanced community quarantine ng Luzon ay sapat na sapat po iyong pagkain natin – sa rice, sa vegetables and fruits, sa meat products, fish ay talagang we have enough supply.
Just to be view the data Sec. Mart, ang demand natin ng rice dito lang sa, for example Luzon, ang demand po ng Luzon sa rice ay 128,000 metric tons per week. Ang inventory natin ng supply ay nasa 240,000 metric tons. Vegetables and root crops po ay ang demand 27,686, ang supply naman ay 166,000. Poultry and meat ang demand ay 26,980 metric tons, ang supply ay 269,000 metric tons. Ang fish ay 35,491 metric tons per week ang demand, ang supply po ay 52,000. Sa eggs naman 95 million per week, we have 125 million ang supply. Ang sugar ay 21,000 metric tons per week ang demand, we have a supply of 136,000 metric tons.
So dito nakikita po natin Sec. Mart na sapat na sapat iyong pagkain. Ang naobserbahan lang po natin, we are now in our third week ng ECQ ay noong first week talagang may mga restricted movement ng mga cargos, food and non-food. Then nag-i-improve by the second week, mayroon pa rin hampered movement. And hopefully itong third week ay mawala na iyong problema natin kasi it’s now distorting or iyong food value chain natin ay naaapektuhan konti. Because iyong supplies po na makakarating dito sa Metro Manila ay hindi doon sa supplies na dapat makarating, so tumataas na rin iyong presyo dito sa Metro Manila.
So ang dapat natin tingnan po, iyong huwag nating i-break iyong food value chain. Huwag na natin harangin po iyong mga movement ng cargos o iyong food supplies, mga vegetables and fruits, mga karne na galing diyan sa mga probi-probinsiya para hindi po magkulang ang supply dito po sa metro areas, mas lalo na Metro Manila.
SEC. ANDANAR: You have been very relentless and vehement pagdating po dito sa transportasyon ng pagkain mula sa point A, point B or in your words ay ayaw mong masira itong food value chain, so kasama po diyan iyong delivery.
Bukod po doon sa mga private transportation, private business na nagdi-deliver ng pagkain, can you tell us more about this Kadiwa Ni Ani at Kita program? Because I understand na kayo mismo ang magdadala ng goods sa merkado.
SEC. DAR: Tama po. Ganito po ang arrangement natin: Doon sa mga malalaking bagsakan center dito sa bansa, let us mention doon sa La Trinidad, Benguet, BAPTC ang tawag doon; dito sa Bambang, Nueva Vizcaya, NVAT; dito po sa Sentrong Pamilihan sa Sariyaya, Quezon. So lahat po, ito iyong malalaking bagsakan. So nakaantabay po kami doon, tumutulong doon sa pag-manage nitong mga trading centers.
At sinabi po namin doon sa area na kung mayroon hindi po mabenta doon sa said mga bagsakan centers na ito ay mayroon na kaming ugnayan sa mga local governments units, mas lalo na iyong provincial government na kami na po iyong magdala ng mga produkto na ito dito sa Metro Manila kasi mayroon na tayong Kadiwa areas dito.
Mayroon din po kaming bagong mga partners na galing sa pribadong sektor na may mga trucking services. So ito po iyong mga kasama po natin on top of what we have now given sa mga kooperatiba ng mga farmers, may mga trucks. So we are mobilizing all the transport needed so that this vegetables and fruits can reach Metro Manila. At mayroon tayong mga drop off points dito po sa Metro Manila kagaya po dito sa DA, dito po sa FTI.
At one good thing Sec. Mart, from the bagsakan center and coming to Metro Manila, ang tawag namin na parte ng Kadiwa iyan ay ‘Kadiwa Express’ para hindi po maantala po iyong mga transport bringing all these vegetables and fruits to Metro Manila.
So on top of that, kasi Planters Products is a corporation under the oversight of the Department of Agriculture starting this week ay nag-mobilize na rin sila; sila iyong partner ng Regional Field Offices namin magdala noong mga produkto from the provinces at dalhin na dito sa Manila at sila na magtitinda sa Kadiwa areas. At saka ‘pag nakarating na po dito sa
Metro Manila, mayroon na tayo iyong ‘Kadiwa On Wheels’. On top of stationary Kadiwa market areas, we have Kadiwa On Wheels, mas lalo na iyong mga nag-order ng mga vegetables and fruits, kasama na iyan ng isda or mga manok ay dini-deliver na po namin iyan.
So this is a very efficient way of helping now to mobilize the available food supplies and seeing to it that we bring them to the metro areas para mas accessible and affordable and the prices are very, very reasonable Sec. Mart.
SEC. ANDANAR: Medyo na-curious ako diyan sa bagsakan ng Kadiwa at Kadiwa On Wheels. Kasi hindi ko nakita doon iyong middleman, Sec.
SEC. DAR: Wala na pong middleman, kasi tayo na iyong nagdala ng mga produkto galing, say Baguio or La Trinidad, Benguet or sa Bambang, Nueva Vizcaya. So the outcome of this arrangement ay iyong mga farmers ay mas kikita nang mataas at iyong consumers ay makakabili ng mas mura na food supplies.
SEC. ANDANAR: Magandang proyekto iyan, kasi on both ends – ang isa mas malaki kita, iyong isa naman ay makakamura sa kaniyang mga bilihin. Ang programa po ng DA ay mayroon pong kasama na ‘Ahon Lahat, Pagkaing Sapat’ o ALPAS kontra sa COVID-19 ngunit kilala din po ito sa kaniyang battle cry na ‘Plant, Plant, Plant. Ang isang malaking bahagi nga ng budget ay may kinalaman sa improvement or pag-increase ng agricultural output natin.
Now Secretary, you have the Rice Integrated, Corn and Livestock at Fisheries Resiliency Project, iyong Expanded Small Ruminants and Poultry Project, the Corn for Food Project, na-revitalize mo na iyang project among others. Tell us more about these and when will these projects literally bear fruit for our people?
SEC. DAR: Yeah. Sec. Mart, ito iyong naaprubahan na ng IATF at nai-submit na rin naman sa Malacañang, sa DBM at saka sa Department of Finance. I understand that the Department of Finance ay sila po iyong nagpo-formulate ng Stimulus Recovery Program ng government at dito na namin dini-discuss itong ALPAS Program kontra COVID-19 or Plant, Plant, Plant program. At may detalye kami dito sa mga iba’t ibang proyekto under this ALPAS program.
At talaga ang bottom lines po dito ay mapataas po natin iyong agricultural output. Okay. Example Sec. Mart, sa rice, umpisahan natin sa rice – dito sa 2020, ang projected 2020 production na ito ay nakasuporta iyong regular 2020 approved projects, ang ating sufficiency level ay 87% sa bigas, meaning 12,619,299 million metric tons of rice. Ang idagdag na natin, ang maitulong nitong Rice Resiliency Project under ALPAS, 889,061 metric tons. So ang adjusted 2020 supply projection ‘pag napondohan itong Rice Resiliency Project, needing 8.5 billion pesos ay pupunta doon sa 13,508,360 metric tons of rice.
Now ang projected requirement po ng bansa dito sa taon na ito ay 14,464,000, iyan ang kailangan na bigas natin dito sa bansa. So ang epekto nito from 87% ang rice sufficiency level natin ngayon presently with the ALPAS project on Rice Resiliency, madadagdagan po iyan ng 6%. So magiging 93% na kung matuloy itong Rice Resiliency Project na popondohan ng gobyerno ay maitaas natin na additionally 6% and so 93% na iyong rice sufficiency level.
So ang kakulangan po natin na 7% ay pupunuan na iyong na-order na ng mga private rice importers na 1.8 million metric tons ng bigas. Okay. Almost out of the 1.8 million metric tons, mayroon na tayong dumating, nakarating na within March, January-March 500,000 metric tons of rice. So iyong 1.3 million metric tons na na-order na ng mga private rice importers ay darating pa. ‘Pag dumating ito, ito iyong pampuno natin towards the end of the year.
So iyon po, sapat po, taking all the needed measures including that of a contingency portion ng buffering ng government, iyong pina-approve natin sa IATF na 300,000 metric tons to be imported by the PITC, Philippine Industrial Trading Corporation at they will follow a government-to-government arrangements. The initial harvest if properly done and started in May ay mag-harvest na tayo ng parte ng Agosto and Setyembre at tuluy-tuloy iyan sa dry season planting ay talagang tataas po iyong rice sufficiency level natin sa bansa.
Okay, fresh vegetables and iyong annual fruits. So this is the time to plant again kasi harvest time by May magtatanim ulit ha ng—para sa ganoon ay mas mataas iyong agricultural output dito sa vegetables and fruits. Ganoon din sa livestock and poultry, so mayroon tayong Integrated Livestock and Corn Project at saka for Small Ruminants and Poultry, it will again sustain and expand and increase the level of meat and poultry para sa ganoon ay sapat iyong ating sources ng protina.
SEC. ANDANAR: True to your Plant, Plant, Plant battle cry, you have also a project for urban agriculture. Ano po ba ito, Secretary Dar?
SEC. DAR: Tama po. Dito mas lalo makita na natin with this lockdown or quarantine that we are having in Metro Manila particularly ay mayroon naman mga sapat na areas, backyard man o front yard man na puwede naman tamnan natin ng mga vegetables that can be grown and be harvested in one-month time or in two months’ time para ang objective po ng urban gardening, urban agriculture ay may food security sa household level. So kung may pagkukulang sa merkado ay pupunuan na galing sa backyard or galing diyan sa mga bakante na lote sa mga bara-barangay.
At ang pasimuno po dito na ahensiya ng Kagawaran ng Pagsasaka ay ang Bureau of Plant Industry at ang Agricultural Training Institute. So massively today ay they are now distributing ang mga vegetable seeds at talagang massive naman iyong interes ng mamamayan and I’m delighted to really see that there so much request today and BPI is responding.
So online, puwede sila tumawag sa Bureau of Plant Industry or Agricultural Training Institute at ide-deliver na nila iyong mga buto na kailangan or kung mayroong mga seedlings na puwede na ibigay sa mga interesado for their backyard for the very purpose of household food security ay iyan po rin ang ginagawa ng Bureau of Plant Industry at saka Agricultural Training Institute.
Now parte po Sec. Mart ng urban agriculture, mayroon ding tinatawag natin na urban aquaponics. Ito ay combination ng vegetables and tilapia or—iyong mga iba’t ibang fishes na puwede dito sa urban areas. So ito naman ang nakatoka dito ay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. All these will really help ensure food security because agricultural output will be much higher.
SEC. ANDANAR: Maganda iyong nabanggit mo na aqua or hydroponics, but that would be another topic for another program dahil mahaba-habang kuwentuhan iyan Sec. Dar.
SEC. DAR: Opo…
SEC. ANDANAR: Lastly, siyempre itong agricultural sector will bear the brunt of producing food for us and rightly you have also allotted a lot for social amelioration, aid and recovery as well as—
SEC. DAR: Tama po.
SEC. ANDANAR: Paki kuwento po sa amin ang inyong ginawa sa agri sector.
SEC. DAR: Tama po. Simula noong Disyembre pa, hindi pa tayo nagdeklara ng enhanced community quarantine ay mayroon na tayong amilyar sa rice farmers na naapektuhan noong Rice Tariffication Law. At ito po halos patapos na iyong pagbibigay ng P5,000 per farmer na nagsasaka ng 2 hectares and below.
Now mayroon nang nakasunod, pina-finalize na, kaa-approve na iyong guidelines, another batch at ang tawag po natin ngayon ay Financial Subsidy for Rice Farmers at 3 billion po ang ibibigay natin sa almost 600,000 rice farmers na nagsasaka ng 1 hectare and below. At kasama lahat doon sa Rice Competitiveness Enhancement Fund. So ito po tuluy-tuloy na mabibigyan ang ating mga rice farmers, halos pangalawang subsidy na ito, para sa ganoon ay makaahon din sila mas lalo na ngayon na mayroon tayong krisis doon sa COVID-19.
At ito po ay parallel doon sa ibibigay ng DSWD sa mga 18 million families kasama lahat po ng mga mangingisda doon, walang ayuda na separate. So ito, we are comparing list between DSWD, DOLE and Department of Agriculture. So ito po ang ayuda. Mayroon din Sure Aid and Loan Program na puwedeng umutang ang mga magsasaka at mangingisda ng P25,000 at payable in—zero interest po para makatulong, payable in 8 years una. Now we are revising that para mas makinabang pa ang mga magsasaka natin.
SEC. ANDANAR: Bukod sa ating mga naitanong na Secretary Dar, may mga kababayan din tayo na nagpadala ng kanilang katanungan na ipapasagot namin sa inyo. Let’s roll the questions.
[VIDEO CLIP] “May maaasahan kaya kaming tulong galing sa DA ngayong apektado kami sa enhanced community quarantine?”
SEC. DAR: Well ang maaasahan po iyong RFFA, iyong itutuloy po namin, ibibigay at saka itong bagong Financial Subsidy for Rice Farmers. Mayroon ding mga Sure Aid Loan Assistance at P25,000 zero interest po so ito po iyong maaasahan. Dagdag pa diyan Sec. Martin ay itong RCEF ay ongoing, so we are now preparing for this coming wet season planting.
And on top of that, itong ALPAS Rice Resiliency marami pong—kung mabibigyan po lahat ng pondo, at itong mga iba’t ibang proyekto na pinapa-approve natin sa mahal na Pangulo, 31 billion dagdag po sa budget ng Kagawaran ng Pagsasaka. Ito po, in the history of Philippine agriculture, ito na iyong pinakamataas na, siguro ayuda o suporta ng national government under the leadership ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte at aasa po na ang lahat po ng mga magsasaka/mangingisda, kayo po ay importante dito po sa ating lahat na ginagawa.
SEC. ANDANAR: We have one more question.
[VIDEO CLIP] “Paano natin masisiguro na tayo ay hindi kakapusin ng bigas dito sa ating bansa sa dumating na krisis na ito?”
SEC. DAR: Hindi po tayo dapat na mag-panic. Tuluy-tuloy lang ang ating produksiyon, iyon po ang gustong bigyan ng diin. Iyong una, iyong huwag nating harangin iyong mga food supplies galing probinsiya para makarating sa iba’t ibang metro areas, para hindi ma-distort or ma-disturb iyong food value chain at hindi tataas po ang presyo.
Pangalawa, dapat tuluy-tuloy rin ang mga farmers and fishers, iyong utility workers tuluy-tuloy rin iyong pagpaplano, pagtatanim, pangingisda at para mayroong supply na food para sa lahat po ng ating mamamayan.
So dito po sa laban kontra COVID, hindi po apektado—I mean ang food production and delivery is one of the imperatives doon sa laban natin sa COVID-19. So ang panawagan ay huwag kayo mag-atubili, kung may problema naman doon sa movement ninyo na mga magsasaka/mangingisda, paki sangguni lang sa amin para makatulong po kami at lahat po ay gagawin namin para sa ikakabuti ng ating bayan.
SEC. ANDANAR: Sana ay nalinawan po tayo sa paliwanag ni Sec. Dar tungkol sa supply ng pagkain. Maraming salamat po, Secretary William Dar.
SEC. DAR: Many thanks. Maraming salamat po, Sec. Martin. Mabuhay po kayo.
SEC. ANDANAR: Unang bahagi pa lang iyan ng ating programa, huwag po kayong bibitiw dahil magbabalik pa ang Cabinet Report sa Teleradyo, a COVID-19 Special.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Welcome back to Cabinet Report sa Teleradyo, COVID-19 Special. Ituloy po natin ang usapin tungkol sa DSWD. Makakausap natin via Zoom at Skype si DSWD Director Irene Dumlao. Magandang gabi ma’am, welcome po sa Cabinet Report.
DIR. DUMLAO: Magandang gabi po Secretary Martin, gayun din po sa lahat ng tagasubaybay ng inyong programa.
SEC. ANDANAR: Let’s go straight to the questions. Ang DSWD ay inatasan ng Pangulo sa pamimigay ng pera at pagkain para sa mga kababayan nating lubhang nangangailangan sa tulong—o ng tulong sa mga panahong ito. Ang bilang po ay 18 million families and most of which ay pinagsisilbihan na po ninyo through the 4Ps o Pantawid Program. Paki-linaw po kung paano mangyayari ang pamimigay? Ano po ang proseso?
DIR. DUMLAO: Okay po, Secretary. Tama po iyong nabanggit ninyo na mayroon po tayong mga 18 million families who belong to the poor sector and the informal economy sector na mabibigyan po ng ayuda mula sa ating mula sa ating pamahalaan para po maibsan naman itong nararamdaman po nila na paghihirap dahil nga po sa implementation ng enhanced community quarantine as a result of this health crisis.
18 million na pamilya po ang bibigyan natin ng tulong at mahigit 4 million na mga beneficiaries niyan ay manggagaling po sa mga Pantawid Pamilya Pilipino Program beneficiaries. Para po sa ating mga 4Ps, ang kanila pong tatanggapin na karagdagang ayuda ay maidedeposito po sa kanilang mga cash cards at maaari po nilang itong withdraw-hin saan mang automated teller machine. Maari rin po nilang gamitin ang kanilang mga cash cards sa mga establisyimento na gumagamit po ng point-of-sale transactions.
Para naman po sa mga non-CCT beneficiaries or non-Pantawid Pamilya Pilipino Program beneficiaries, ang kanila naman pong matatanggap na ayuda after they have been identified by the local government units at eligible for the social amelioration program ay matatanggap po nila ito through a process na idi-determine po natin with the local government units.
Gaya nga po ng nabanggit ni Cabinet Secretary this morning, ang mga local government units po ay maaring ma-deputize ng DSWD particularly in the distribution of the social amelioration assistance ng gobyerno. Maari pong makapag-determine ang local government unit ng proseso ng pagbibigay o pagdi-distribute nitong financial assistance na ibibigay natin, provided that the process will be under the strict supervision of the DSWD, the DILG, the AFP and the PNP.
SEC. ANDANAR: Okay. Kung ikaw naman ay nakapagbigay na ng inyong forms at PPPP or mayroon ka nang cash card, so therefore ang tanong na lang ay para doon sa mga karagdagang beneficiaries. Ano po ang kailangan mong ipakita o ipresenta upang pumasa doon sa qualifications ng DSWD through the LGU?
DIR. DUMLAO: Secretary, para naman po sa mga non-PPP or non-4Ps beneficiaries, mayroon po tayong ibinaba na social amelioration card form katuwang po natin ang mga local government units kung saan ito po ay [garbled] na iprinint [garbled] ng mga LGU through their barangay representatives at maipahatid naman po doon sa ating mga target beneficiaries.
Iyong social amelioration card form as explained by our Secretary, dalawa po ito: iyong isa po ay isusumite nila sa local government unit and the other one is will be retained po sa kanila. Iyon pong naisumite na social amelioration card form ay iba-validate po natin at gaya nga po ng nabanggit kanina ni Secretary, kinakailangan nating tingnan kung ito pong mga impormasyon na iprinovide po sa atin ay totoo dahil kinakailangan din po nating ma-ascertain na ang mga bibigyan po natin ng tulong ay iyong tunay pong nangangailangan.
SEC. ANDANAR: Pagdating naman doon sa implementation timeline, ano po ang tinitingnan ng DSWD? Kailan po ito mai-implement at ano po iyong haba ng implementation schedule or timeline?
DIR. DUMLAO: Para po sa kabuuang implementation ng Social Amelioration Program, ito po ay tatakbo sa dalawang buwan para po sa April and May. Para po sa kaalaman ng nakararami, ang DSWD, kaninang umaga ay natanggap na po natin ang one hundred billion na pondo mula sa Department of Budget and Management at ito po iyong first tranche noon pong two hundred billion na pondo para sa Social Amelioration Program. Ito po iyong gagamitin natin para sa buwan ng Abril.
Para po sa ating mga 4Ps beneficiaries na na-identify na po natin at mayroon na po tayong database, uumpisahan na po natin ang pag-deposit noong kanila pong karagdagang ayuda simula po bukas. At mayroon din po tayong mga grupo from the transport sector na kasalukuyang nakikipag-ugnayan na po para naman po iyong tulong ay maipahatid din po sa kanila.
SEC. ANDANAR: Last question. Ano po ang logistical requirements o ano po iyong logistics ng pagbibigay ng ayuda lalo na iyong cash sa mga lugar na walang bangko at sa mga bahagi ng ating bansa na mahirap puntahan?
DIR. DUMLAO: Okay. Ito po iyong magiging proseso na gagawin natin with the local government units. Dahil po tayo ay makikipagtulungan sa kanila, kasama po natin sila sa pagpapahatid noong financial assistance doon po sa mga target beneficiaries in areas na wala naman pong mga bangko.
Gaya nga po ng nabanggit ko kanina, Secretary, kasama po ang mga representatives ng DSWD, ng DILG, ng Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police to ensure na magiging maayos po iyong pagpapahatid natin ng tulong at wala pong magiging problema when we go to these areas and disburse the social amelioration package.
SEC. ANDANAR: Thank you so much for your time, Director Irene Dumlao ng DSWD. Mabuhay po kayo, ma’am!
DIR. DUMLAO: Maraming salamat po, Secretary, for giving DSWD this platform para po maihayag natin sa publiko kung papaano po sila makakatanggap lalong-lalo na po iyong ating mga kababayan na mahihirap at tunay na nangangailangan nitong tulong mula sa national government. Maraming salamat at magandang gabi po!
SEC. ANDANAR: It’s our pleasure po. Pasalamatan natin muli ang ating guest ngayong gabi, si Secretary William Dar ng Department of Agriculture na tiniyak na sapat ang supply ng ating pagkain at walang mamamatay sa gutom gaya ng sinasabi ng ibang mga kababayan natin sa social media. At salamat din kay Director Irene Dumlao para sa mga concern ng DSWD.
Ang simpleng pagsunod ninyo sa mga patakaran habang tayo ay nasa Enhanced Community Quarantine ay malaking bagay para masugpo ang COVID-19 at makabangon tayo agad. Let’s all do our share. Lumabas lang ng bahay kung kinakailangan. Ito po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo, a COVID-19 special.
Magbabalik po kami.
[COMMERCIAL BREAK]
SEC. ANDANAR: Ito pa rin po ang Cabinet Report sa Teleradyo, a COVID-19 special. Habang nasa Enhanced Community Quarantine po tayo ay nasa COVID-19 special po tayo and of course, we are broadcasting dito po sa COVID Radio, Radyo Pilipinas Uno. Bago po tayo magpaalam, basahin lang po natin ang ating mga shoutouts mula sa mga viewers at listeners natin.
[READING GREETINGS]
Samantala, mga kaibigan, sinimulan natin ang linggong ito sa programang #LagingHanda Network Briefing sa Radyo Pilipinas ng Philippine Broadcasting Service, sa pakikipagtulungan ng Philippine Information Agency na siyang lead partner sa proyektong ito; na lahat ng digital channels sa PCOO ay dapat naka-stream at kasama rin po natin ang [garbled] the whole of nation approach mandated by President Rodrigo Roa Duterte [garbled].
[Garbled] gobernador ng mga probinsiya natin at mayor ng mga malalaking siyudad; ang mga relevant national agencies na nasa harap laban sa COVID-19 at ang mga lokal media entities na partner natin sa balitaan sa mga probinsiya at sa rehiyon upang mabigyan ang buong kapuluan ng boses at pagkakataong marinig. Dahil sa krisis ng COVID, buong kapuluan ang apektado kaya bawat probinsiya, bawat rehiyon kailangang kasama sa palitan ng impormasyon.
This week, nakausap natin si Mayor Oca Moreno of Cagayan de Oro City; Gov. Dan Fernando ng Bulacan; Gov. Dale Corvera ng Agusan del Norte at si Gov. Carlos Padilla of Nueva Vizcaya kaninang umaga. And we are going to play a few excerpts from our interviews with them
[VTR OF INTERVIEWS WITH GOV. DALE CORVERA; GOV. DANIEL FERNANDO; GOV CARLOS PADILLA]
SEC. ANDANAR: Iyon po ang mga excerpts from our new show, #LagingHanda Network Briefing. You may catch it live on Radyo Pilipinas 1, on radio at bukas po sa lahat ng digital channels ng PCOO, partner po natin diyan ang Philippine Information Agency kaya salamat po sa mga masisipag nating mga kasamahan sa Philippine Information Agency nationwide.
Mayroon pong replay ang show at ito po ay ini-ere sa PTV. At salamat din po sa PTV.
Muli sa krisis ng COVID, buong kapuluan ang apektado kaya bawat probinsiya, bawat rehiyon kailangang kasama sa palitan ng impormasyon.
[READING GREETINGS]
Maraming salamat sa pagtangkilik sa aming programang Cabinet Report dito po sa Teleradyo, a COVID-19 Special. Bukas magkita-kita po tayo muli sa Public Briefing #LagingHandaPH. Ito po ay live dito po sa Radyo Pilipinas, live din sa ating PTV 4, our state television and of course, live sa ating mga partner KBP stations. Nagpapasalamat sa mga KBP stations, nagpapasalamat din po ako sa buong grupo na bumubuo nitong ating programang Cabinet Report sa Teleradyo at sa buong Radyo Pilipinas at sa buong government media and the entire hardworking staff.
Again, let me leave you the message: Stay strong, stay healthy, love your family. Kung kayo po ay nasa bahay ngayon at kayo ay nababato na sa bahay, take advantage of the situation. Iyong mga lost time na hindi natin nakasama iyong ating pamilya dahil sa sobrang busy natin sa trabaho, ito na po ang pagkakataon. Talk to your wife, kausapin mo asawa mo, kausapin mo mga anak mo, kausapin mo ang mga magulang mo, ang lolo at lola at mag-bonding po tayo sa ating pamilya habang tayo ay nagsasakripisyo by staying at home dahil sinusunod natin ang Enhanced Community Quarantine.
May nagtatanong po hanggang kailan itong Enhanced Community Quarantine. Pinag-uusapan po ito ng Inter-Agency Task Force at sa huli si Pangulong Duterte po ang magdedesisyon depende sa rekomendasyon ng IATF at magdedepende rin po sa wisdom ng ating mahal na Pangulo.
Muli, maraming salamat at magandang gabi po sa ating lahat.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)