CLAVIO: Secretary Roque – Igan, Ivan at Connie – good morning.
SEC. ROQUE: Good morning, Igan, Ivan and Connie at magandang umaga po buong Pilipinas.
CLAVIO: So unahin natin iyong paglilinaw po ng Palasyo. So, wala pong inalis na quarantine sa buong Pilipinas, Secretary?
SEC. ROQUE: Wala na po ‘no, ang mayroon lang po tayo ngayon ay Modified ECQ sa probinsiya ng Laguna, sa Metro Manila at saka sa siyudad ng Cebu at saka GCQ sa lahat pa po ng ibang lugar ng Pilipinas.
CLAVIO: Opo. Doon sa pag-travel, ito ay common eh. Kapag nasa MECQ ka, puwede ka na bang lumabas at pumunta sa GCQ?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo mayroon pa rin tayong quarantine na tinatawag, so kinakailangan po, mayroong balidong dahilan para bumiyahe. At ang pinaka-acceptable po na dahilan ay dahil ikaw ay nagtatrabaho. At ang kinakailangan lang namang ipakita po ay inyong employment ID at saka isang ID na nagpapatunay kung saan kayo nakatira.
CLAVIO: Opo, wala na iyong quarantine pass, wala na iyon?
SEC. ROQUE: Ay mayroon pa rin po iyong ibang Local Government Units, kasi nga po quarantine pa rin iyan from Modified ECQ to GCQ, iniiwasan pa rin po natin iyong magkakasakit. Pero mas maluwag nga po ngayon.
CLAVIO: Ano po ang pagkakaiba na ng MECQ sa GCQ?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, puwede na po tayong mag-exercise at lumabas ng ating mga tahanan para sa sandaling exercise. Dati-rati po talagang nasa bahay lang tayo. At ngayon po mas marami na pong mga industriya na nagbukas. Dati po iyong mga category 1, iyong mga indispensable na alam na natin, pero ngayon po mas marami na pong nabuksan at sa katunayan, kasama na po dito iyong mga advertising and market research, iyong computer programming, iyong publishing ang printing, iyong film, music and TV production, iyong rental/leasing, iyong mga employment agencies po dahil pinayagan na nga pong magpunta na rin sa abroad iyong mga OFWs ay puwede na rin magbukas iyong mga manning, at saka iyong iba pang other employments kagaya ng photography, fashion, industrial, graphic and interior design. Pati po iyong mga bentahan ng sasakyan ay puwede na pong magbukas ngayon, pero hanggang 50% lang po sana na workforce ang papapasukin. Iyong repair of motor vehicles, iyong mga auto shop ay puwede na rin pong magbukas ‘no.
Iyong mga malls naman po, dati-rati allowed na rin, pero ngayon mas maraming mga establishments na pupuwede nang mag-operate. Ang ating guide lang ay bawal pa rin iyong mga establishment sa mga malls na matao at hindi nga po dapat tambayan ang mga malls ngayon kaya pinainit natin ang mga temperatura sa mga malls, tinanggal po natin ang Wi-Fi at saka mayroon pa ring mga mandatory minimum health requirements, pagsusuot po ng face mask, iyong mga temperature checks at saka iyong hygiene.
Now, unfortunately po ito masalimuot talaga ang usapin na ito, dahil alam ko minsan nag-usap din tayo – ang mga barbero at salon. Bagama’t si Joseph Morong po, gustung-gusto nang magbukas, ang final decision po, hindi pa po. Napakamasalimuot po, sasabihin ko po sa inyo, ito ang pinakamasalimuot na usapin sa IATF, ang mga barbero.
MAYRINA: Saka mga derma bawal pa sir, hindi ba?
SISON: Bawal pa.
SEC. ROQUE: Iyon nga po, bawal pa po talaga, bagama’t nais na nating buksan. So, si Joseph Morong eh talagang do it yourself na muna, Joseph. Well, tapos iyong mga clothing and accessories puwede na po iyan, iyong mga mall-based government frontline services, hardware, baby care products, pet food, pati po iyong mga flower, jewelry and novelty and perfume shops, pupuwede na rin po. Puwede na rin po iyong mga tindahan lamang ng mga laruan. Bagama’t iyong mga amusement centers at iba ang mga kid related businesses ay hindi pa rin po pupuwede.
CLAVIO: Maihabol ko iyong mga suki ko. Puwede na bang lumabas iyong mga nagtitinda ng taho, balut, kwek-kwek, fishballs, puwede ba?
SEC. ROQUE: Ang hirap dito sa listahan na ito ‘no, hindi lahat nakalista.
CLAVIO: Sabi kasi basta hindi sila umiikot, steady lang sila, sa kanto lang?
SEC. ROQUE: Alam ninyo, kasi kung pinapayagan na iyong paglabas sa bahay para mag-exercise, tumakbo, magbisikleta, so, sa tingin ko po pupuwede na. Basta huwag lang sila kukumpul-kumpol. Iyon po ang iniiwasan natin, pati nga po iyong walking and running, dapat po kung mag-asawa, maghiwalay na muna, hindi pupuwedeng magbabarkadahan na naglalakad at iyan po ang iniiwasan natin, dahil iyan ang nakakahawa.
SISON: Ito, Secretary kasi may mga nagpapatanong lang din. Dahil may mga naabutan sa mga kalapit na probinsiya na mga magkaanak, pero ang talagang bahay nila, halimbawa nasa Tanay, pero nasa Bulacan sila – pupuwede na po bang bumiyahe kasama iyong mga bata, hindi ba sila sisitahin pauwi?
MAYRINA: Yeah, movement between LGUs?
SISON: Right, oo.
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo ang general rule diyan dapat kumuha ng LGU pass, kasi kung wala pong LGU pass, hindi pa rin po kayo papapasukin, lalung-lalo na ang Metro Manila is still under Modified ECQ, so kinakailangan essential travel pa rin po iyan. Bagama’t may mga programa tayo ngayon, unang-una iyong mga estudyante na stranded ay ginagawan na po natin ng paraan, pero ang DOTr po ang nag a-arrange ng transportation at sinusunod po iyong mga quarantine protocols.
At mayroon din po tayong Balik Probinsiya na ganoon din po, bagama’t DOTr ang nagbibigay ng sasakyan subject pa rin to quarantine procedures. So, I supposed po iyong mga galing Modified ECQ papunta ng GCQ, iyong mga LGUs they retain the right po, kung sila ay tanggihan ang wala naman pong essential na dahilan para bumiyahe.
MAYRINA: Sec., maiba ako, iyong panawagan ng CBCP na pahintulutan na iyong religious mass gatherings, basta masusunod ang ilang panuntunan tulad ng social distancing, puwede na po ba ito?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po, hindi pa. Iyan po ang dahilan kung bakit nagkaroon ng reconsideration na naman doon sa ilang lugar na dapat wala na pong community quarantine at binalik ang GCQ dahil hindi pa po tayo handa na payagan ang mga gatherings for whatever purpose.
So, ngayon po bagama’t gustong-gusto na din natin at matagal na po iyan na isinulong sana ng IATF, eh marami talagang mga nagreklamo na mga LGUS. Dahil hindi daw nila mapapatupad ang social distancing sa loob ng mga lugar ng sambahan, dahil nga hindi naman pupuwedeng pumasok ang mga enforcers sa simbahan at saka sa mga mosque habang nagkakaroon ng religious activity.
So, magkakaroon po siguro ng ugnayan between LGUs at ng mga simbahan, magkakaroon muna siguro ng mga markers kung saan tatayo, papasok, palabas at kung saan uupo sa mga lugar-sambahan po.
SISON: Secretary, sabi po ninyo kahapon pupuwedeng gumawa ng sariling ID iyong mga self-employed na mga employees. Papaano po natin made-determine na talagang self-employed nga sila at hindi nila parang gawa-gawa ito para makalabas, alam na ninyo?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo sa panahong ito kinakailangan mayroon din tayong good faith, dahil ang pinangangalagaan naman natin ay kalusugan ng lahat. So, alam ko po maraming mga pilosopo na gagawa niyan, pero isipin na lang po nila habang ginagawa po nila baka sila na ang susunod na biktima ng COVID. At paulit-ulit ko pong sinasabi, kahit ano pa pong classification natin ang quarantine po, iyan pa rin po ang tanging pamamaraan para mapabagal ang pagkalat ng sakit, habang walang bakuna, habang wala pang gamot.
SISON: Alright, itong mga kapuso naman natin na magtatanong – mga netizens, pinulsuhan din po natin online. Sabi po ni Jean Decolen naman, gustong linawin kung GCQ area naman na sila sa Bulacan ay pupuwede na kaya siyang iangkas ng kaniyang mister papasok po ng trabaho, tutal pareho naman daw po sila ng lugar ng pinapasukan.
MAYRINA: Magkatabi naman sila sa pagtulog, sa lahat, hindi ba?
SISON: Baka puwede sa mag-asawa, ganoon ba?
CLAVIO: Huwag lang magpanggap.
SEC. ROQUE: Bawal pa rin po eh, kasi napakadali naman pong mameke ng dokumento. So, ang ating iniiwasan po talaga ay iyong iyong napakalapit na physical contacts, at kinakailangan po mayroon pa ring distansya.
MAYRINA: Ito po si Ethan Young, nais malaman bakit walang hazard pay ang ibang manggagawa sa private sector na pinapayagang mag-operate, Secretary?
CLAVIO: Lalo na iyong frontliners?
SEC. ROQUE: Well, nakasaad po kasi sa batas iyong hazard pay na ibibigay sa ating mga health frontliners, pero marami din pong mga palatuntunan na dapat sundin iyong mga employers na hinayaang magbukas ngayon lalung-lalo na po sa construction industry. Kinakailangan nga po iyong mandatory COVID testing, saka kinakailangang magkaroon po ng barracks para hindi na po labas-pasok iyong ating mga construction workers. Iyong hazard pay po kasi na frontliners sa health, nakalagay po kasi iyan sa Bayanihan We heal as One.
CLAVIO: Si Savanna naman na isang cancer patient gustong malaman kung maaari na siyang muling magpa-admit sa PGH kapag naging MECQ na upang maoperahan, dahil dalawang buwan na raw delay ang kaniyang operasyon – puwede naman siguro ano, Sec?
SEC. ROQUE: Hindi naman po pinagbawalan iyan. Kaya lang siguro iyan iyong kakayahan ng ospital na admitin siya.
CLAVIO: Baka nasa ibang lugar siya.
SEC. ROQUE: Maski nasa ibang lugar po siya, puwede naman po niya ipakita iyong kaniyang medical certificate. Hindi po pupuwedeng pagbalawan iyan, dahil indispensable po iyang medical attention…
CLAVIO: Ito kapiraso lang iyong ayuda, sabi ninyo sa GCQ wala nang ayuda, pero may budget, pero may budget na po sa second tranche na matatanggap dapat ang mga kababayan natin, so tuloy ba iyon po?
SEC. ROQUE: Nandiyan naman po talaga iyong budget na binigay ng Kongreso na P205 billion at bagama’t ang ginawa po natin ay mababawasan iyong makakatanggap ng second tranche dahil dinamihan naman po natin iyong makakakuha ng first tranche.
CLAVIO: May nadagdag na limang milyon.
SEC. ROQUE: Opo, my limang milyon. Dahil natanong po ninyo eh kayo po may scoop. Nakapag-usap po kami ni Presidente kagabi lamang at inatasan po niya si Secretary Wendel Avisado. Ang kaniyang salita ay “tuliin” – tuliin niya iyong mga budget ng mga line departments at tingnan natin kung mabibigyan talaga lahat doon sa second tranche. Pero habang hindi pa po sigurado, iyan pa lang po ang aking puwedeng isapubliko na mayroon nang marching orders ang Presidente na pag-aralan kung kakayanin na bigyan ang lahat, hindi lamang ng mga GCQ, at least sa second tranche.
Pero tinitingnan na po ng Presidente iyan, and word na ginamit po niya kay Secretary Wendel, “tuliin” niya iyong budget ng iba’t-ibang ahensiya, tingnan kung magkano ang puwedeng ma-realign, tingnan kung ano ang pupuwedeng ibenta, pero sa ngayon po hanggang doon muna tayo, dahil tinitingnan muna ng Presidente kung mayroon pa.
CLAVIO: Pero hindi na P8,000 sa GCQ, bawas na iyon.
SEC. ROQUE: Well, titingnan po natin, kasi sa ngayon nga po P5,000 to P8,000 sa second tranche sa ECQ, pero dahil mathematics lang po yan eh, P205 billion ang binigay sa atin, nagbigay tayo sa 18 million plus 5 million, 23 million. Kaunti na lang po ang pondong natitira doon sa P205 billion. So kinakailangang maghanap muna ng karagdagang pondo bago magkaroon ng desisyon kung bibigyan ang lahat. It’s all mathematics po and budget.
CLAVIO: Secretary, salamat sa flash report na iyan ha at ipapakalat po namin.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)