Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado and Cheryl Cosim – All Ready/Radyo Singko


SEC. ROQUE: Magandang umaga, Ka Orly at Cheryl. Magandang umaga po sa inyo at sa lahat ng mga nakikinig at nanunood. Magandang umaga po.

COSIM: Good morning.

MERCADO: Okay. Is this the day for transition into what? How are we doing in terms of … anong mga preparasyon at ano ang dapat maintindihan ng mga tao na mangyayari sa atin as we move on?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, ang transition na ito ay kaunti lang naman po. We are still on ECQ. Tinawag nating modified siya kasi ang katotohanan po ay hindi na natin kaya na talagang nakasarado ang ating ekonomiya ‘no. Pero we are still on ECQ, mas marami lang po iyong mga industriya na binuksan natin. Pero habang wala nga pong bakuna, habang wala pong gamot dito sa COVID-19, we are still on quarantine ‘no.

At importante po na ang basic rule, maski ilang mga industriya na bukas na, iyong mga hindi nagtatrabaho sa mga industriyang ito ay kinakailangang homeliners pa rin po sila – stay home kung hindi naman kinakailangang lumabas.

MERCADO: Gaano kaimportante iyong social distancing? Kasi mayroong mga lugar na katulad ng Korea, Taiwan, nagkaroon sila ng problema sa bar. Mayroon akong mga napapanood na nagluluwag pagdating sa pag-inom ng alak ay nagkakaroon ng additional problems. How do you deal with that?

SEC. ROQUE: It’s the only way po na alam natin para mapabagal iyong pagkalat ng sakit ‘no. Ang importante po ay iyong case doubling rate ay mapababa natin, at we have been very successful naman po dito ‘no. Dati-rati ang case doubling rate natin ay two; ngayon po sa Metro Manila ay five days na bago dumoble iyong kaso; at sa buong Pilipinas ay mas matagal pa ‘no, seven days. Pero iyan po ay pagpabagal lang ng doubling rate, talagang hindi pa natin siya maaalis bilang isang problema dahil nga po wala pang bakuna.

COSIM: Secretary, tayo po ay umabot na, I think, yesterday, sa mahigit siyamnalibo na test na naisagawa. Kakayanin ba natin at the end of the month itong target ng ating pamahalaan na 20 to 30,000 tests a day?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po ginagawa ng lahat para makamit natin iyan. Pero mabuting balita naman, nakikipagkapit-bisig sa atin ang pribadong sektor ‘no bukod pa doon sa mga testing na ginagawa ng gobyerno, at marami rito sa mga testing facilities at mga makina ay na-donate na ng private sector. Sila mismo ‘no ay nag-a-administer sila ng rapid testing kits na bini-verify nila using PCR.

At sa ngayon po ang mayroon ng total pledge na bibilhin na rapid testing kits ay kung hindi ako nagkakamali, nasa 1.2 million na ‘no. So ang maganda po sa atin dito sa Pilipinas, hindi lang po gobyerno ang gumagalaw pati iyong mga employers dahil alam nila na testing is the key para makapag-restart ang kanilang mga negosyo ay gumagawa na rin po ng mga hakbang. Kaya nga po sa aking mga press briefing, hindi lamang gobyerno ang iniimbita ko para i-discuss kung ano iyong testing initiatives ng gobyerno pati po iyong private sector sa pamamagitan ng Project ARK na tinatawag.

COSIM: Sec., well, we tried calling several times ang OWWA pero baka masyado pong busy. But we just want to know kung nakarating na rin po sa Malacañang ito pong sitwasyon ng ating mga OFWs, iyong mga seafarers and iyong mga sea-based, land-based po natin na mga OFWs na more than 14 days na pong naka-quarantine at hindi pa rin nari-release. At maging—ito po i-report ko na rin po sa inyo, iyong nasabi ko kanina kay Usec. Densing ano, na pinagbabayad po sila, out of pocket, para lang makapagpa-schedule ng swab test dahil—well, nagkukusa nang magbayad iyong ibang may kakayanan dahil hindi po sila binabayaran ng kanilang ahensiya.

SEC. ROQUE: Well, unang-una, nagkaroon kasi ng bagong polisiya diyan. Dati talaga ay pinapa-quarantine sila ng 14 days. Ngayon, nagkaroon nga ng bagong guidelines na ika-quarantine lang sila pending PCR tests. So hindi ako sigurado iyong mga matagal na nandiyan na, baka iyan pa iyong mga unang batch na dumating na sang-ayon doon sa unang rule na magka-quarantine test.

Pero sa katunayan po, sinarado na natin ang airport ng isang linggo dahil nga we cannot cope with the number of OFWs na kinakailangang bigyan ng PCR test. Pero I understand po ngayon na ang PCR test, mga two to four days ang kinakailangan para lumabas ang resulta ‘no. So kakalampagin din po natin muli ang OWWA, dahil alam ninyo ang OWWA ayaw din silang magtagal diyan dahil sila ang nagbabayad ng hotel accommodations. At ang problema nga natin, nauubos na iyong hotel accommodations, bagama’t marami namang hotel sa Metro Manila, dahil at least 23,000 nga sa kanila ang umuwi na ‘no. So ang mga laman ng hotels ngayon ay mga OFWs. So it is also not to their interest na talagang manatili nang matagal sa hotel itong ating mga OFWs.

COSIM: Lalo na’t may paparating pa raw pong nasa 40,000 plus next week.

SEC. ROQUE: Iyon nga po eh. So tingin ko po ay gagawa ng hakbang iyan para mapabilis po iyong PCR testing. At ang sabi ko nga, we’re not just relying naman po on PNRC; dumadami po iyong mga laboratories na bubuksan natin. Hanggang 70 laboratories po iyang ini-aim natin na mabuksan.

MERCADO: Kritikal po iyong testing doon sa pagbubukas at pagbalik ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho, hindi po ba?

SEC. ROQUE: Ay, kritikal po talaga dahil ang kalaban natin, ang tanging pamamaraan para malaman natin kung nasaan ang kalaban ay sa testing ‘no. At siyempre matapos po nating ma-test ay kinakailangan ma-isolate natin at saka magamot ‘no. Kaya nga po ang tawag po sa programang ito ay tinatawag nating ‘T3’ ‘no –Testing, Tracing and Treating.

COSIM: Okay. Ginawa po ba nating mandatory or nag-commit po ba ang private sector doon po sa mga magbubukas na industriya that they will undergo or let their employees go back ng ang ira-rapid test po nila?

SEC. ROQUE: Well, kagaya ng sinabi ko, iyong Project ARK ay hindi naman po iyan mandatory pero kusang loob na ginawa iyan ng private sector kasi alam nila na hindi sila makakapagbukas ng walang testing dahil talagang magkakaroon ng aberya sa buhay ng kanilang mga manggagawa.

Pero sa ngayon po, iyong mga construction projects na malalakihan na pinayagan na na magsimula muli maski sa Modified ECQ area, iyan po ay requirement, na kinakailangan tini-test ang mga manggagawa, nakatira po sa mga barracks at hindi na sila labas-pasok, at kinakailangan po ay mayroong safety officer na magpapatupad po ng mga minimum guidelines. Kasama rin po diyan iyong pagsusuot ng PPEs ng mga manggagawa dito sa mga construction areas na ito.

MERCADO: Maraming salamat, Sec. Roque. Thank you very much for giving us time.

SEC. ROQUE: Maraming salamat at magandang umaga.

COSIM: Puwede ho bang humabol?

SEC. ROQUE: Siyempre, Cheryl.

COSIM: Kayo ho ba’y nakausap ninyo na ho ba nang personal ang Pangulo at nakakuha na kayo ng reaksiyon niya ukol po dito sa naging sitwasyon po nila General Sinas?

SEC. ROQUE: Well, kami pong dalawa ni General Gamboa ang nag-usap ‘no alinsunod na rin po sa direktiba ng ating Pangulo ‘no. At kaya nga po inanunsiyo ko na naghahanda na po sila ng pagsampa – tapos na po ang imbestigasyon – ng criminal case at ng administrative case.

Iyong criminal case, ihain na po nila sa fiscal’s office. Pero iyong administrative case, kinakailangan po ng clearance ng Malacañang dahil bilang isang presidential appointee, hindi po pupuwedeng umusad iyong—alam naman ni Ka Orly ito eh.

Iyong mga matataas na ranggo sa pulis at sa militar, bago sila masampahan ng administrative case, kinakailangan mayroong clearance galing sa Office of the President; at sinimulan naman na po ang proseso.

Kahapon po, noong bago ako mag-press briefing, si Executive Secretary na ang humingi ng datos. Sabi niya, amin na ang imbestigasyon na iyan para nga… dahil alam niya na kinakailangang bibigyan ng clearance.

So ang pinararating po nating mensahe: Importante po itong quarantine. Ito lang po ang sandata natin ngayon para mapabagal ang sakit. Mayaman, mahirap, makapangyarihan, walang kapangyarihan, pantay-pantay po tayo; we will enforce the law.

COSIM: Huli na lamang din po. Ano po ang direktiba ng Palasyo dito nga po sa paghahanda or kung paano aasikasuhin iyon pong mga kababayan natin na naapektuhan po at sinalanta ng Typhoon Ambo?

SEC. ROQUE: Mayroon po tayong Oplan Listo, naka-preposition po lahat ng ating mga relief goods at mayroon na po tayong designated evacuation centers. Ipatutupad pa rin po natin ang social distancing pero on a per family basis.

COSIM: Marami pong salamat for joining us this morning, Secretary.

SEC. ROQUE: Good morning po at maraming salamat din.

##

 Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)