SALVACION: Atty. Harry Roque, magandang umaga po!
SEC. ROQUE: Hi, Weng! Magandang umaga, Weng at magandang umaga, Pilipinas!
SALVACION: Sayang, hindi kita nakikita sa Viber ngayon ano… pero okay na iyan. Maraming salamat sa oras, Secretary.
Sir, diretso na ako sa tanong. Gusto ko lang malaman kasi ang dami kong nababasa sa social media. Ang tanong eh, may tinanggal si Presidente, may tinanggap na resignation pero bakit daw po naiwan si Secretary Duque?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam, pero desisyon po iyan ng Presidente, huwag po nating pangunahan ang Presidente. Ang Presidente naman po ang masasabi ko sa inyo alam po niya ang mga balita dahil nga po nandoon siya sa Malago, lahat po ng balita napapakinggan niya at mabilis naman po gumalaw ang ating Presidente.
SALVACION: Sir, ibig po bang sabihin nito buo, 100% pa iyong tiwala ni Presidente kay Secretary Duque or ayaw niya lang magpalit ng kaniyang top Health Chief dahil nasa gitna pa tayo ng pandemic?
SEC. ROQUE: Hindi ko po alam talaga pero ang rule of thumb po kapag ang isang Kalihim who serves at the pleasure of the President na hindi po natatanggal eh mayroon pa pong tiwala ang ating Presidente.
SALVACION: Naniniwala naman po kayo na iyong naging… hindi ko masasabing pagkakamali, diskarte ni Secretary Duque iyon pero iyong kaniyang naging pronouncement at pagbawi din ng DOH recently at iyong inyong pagkontra sa kaniyang naging pahayag sa isyu ng second wave ay hindi po nag-discredit sa anumang hakbang ng gobyerno at magiging pronouncement pa kaugnay nitong COVID-19 pandemic na ito?
SEC. ROQUE: Sabi ko nga po, ang mga doktor pa rin iyang abogado, iisa ang siyensya, iisa ang datos, iba ang mga opinion. So, naiba lang ang opinyon siguro noong mga consultants ng DOH na nagsabi na ang tatlong kaso ng imported ay pupuwedeng maging first wave; pero ang karamihan naman pong mga dalubhasa na aking ikinonsulta, iyong mga doktor na tumulong [signal fade] sulong ng Universal Healthcare, si dating Kalihim Cabral, si Dr. Ernesto Domingo, isang Magsaysay Awardee for medicine at si Dr. Minguita Padilla ng UP-PGH eh lahat naman po sila ay nagsabi na iyong tatlong Tsino diyan nagsimula ang first wave—
SALVACION: Opo.
SEC. ROQUE: At hanggang ngayon nandoon pa tayo sa first wave kasi nga po hindi pa tuluyang napa-flatten ang curve. Kaya nga po tama ang sabi ng Presidente, kinakailangan gumawa tayo ng hakbang nang maiwasan po ang second wave.
SALVACION: Okay. Napakahalaga po sa ganitong panahon na may one voice, hindi po ba, lalo na ang mga top officials ng government. Paano po iiwasan na iyong ganoong klase ng pagkakasalungat ng pahayag sa mga darating na araw para lang sigurado na iisa iyong track na naririnig ng publiko lalo na po sa pronouncement ng pamahalaan?
SEC. ROQUE: Iyan na nga po ang ginawa ng ating Presidente noong pinag-isa ang spokesperson ng Presidente at ng IATF; kasi kung dalawa pa rin ang spokesperson ng dalawang bodies na iyan ay puwedeng magkontrahan. So, ako ngayon puwede akong magkamali, at least ako lang ang magkakamali, walang kokontra.
SALVACION: Opo.
SEC. ROQUE: Kaya nga lang po doon sa—tapos ang isa pang Tagapagsalita, si Dr. Vergeire nga, sa mga issues ng health. Pero hindi mo naman kasi pupuwedeng supilin ang pananalita ng Secretary of Health lalong-lalo na kung tinatanong siya sa Senado, hindi naman kasi si USec. Vergeire ang tinatanong roon.
SALVACION: Opo.
SEC. ROQUE: Pero iyan po ang katotohanan, kaya centralized ngayon ang ating communication at centralized ang mga spokesperson.
SALVACION: Sir, malapit na po ano, isang linggo na lang at isang araw ay magme-May 31. Saan nakakiling ngayon ang IATF o ang pamahalaan natin, mananatili ba iyong MECQ?
SEC. ROQUE: Tinitingnan pa rin po natin ang datos. Ang importante, kahapon nagpulong ang IATF at pinaplantsa na po iyong… isinasapinal na po iyong guidelines kasi importante ngayon dapat malinaw kung ano iyong GCQ, iyong buhay GCQ at saka buhay Modified ECQ dahil doon nga papunta ano. Pero ayaw ko naman sabihin na sigurado na iyan dahil titingnan muna ang datos.
Pero encouraging naman po dahil may nabasa rin ako ngayon na UP research na nagpapakita na talagang karamihan ng lugar sa Pilipinas ay mahigit kumulang ang doubling rate na ng sakit ay napakatagal na. Iyong graph na nakita ko parang mga thirty days.
SALVACION: Yes.
SEC. ROQUE: So, iyan po iyong magsasabi na pupuwede na nga siguro pero titingnan po natin ang official datos ng Department of Health.
SALVACION: Kung sakali, ang sobrang pag-iingatan, Secretary, may nabasa rin ako kanina na pag-aaral at saka actually, iprinisent daw po ito sa IATF, iyong graph para doon sa mga magsisipagbalik sa trabaho kasi ang malaking challenge ay iyong medyo high risk na mga trabaho ay driver ng economy natin.
SEC. ROQUE: Opo, Kaya nga po paulit-ulit ang sinasabi natin, ang new normal na po natin: pagsusuot ng mask; paghuhugas ng kamay; at saka minimum health standards – pananatiling malusog, tamang pagkain, tamang tulog, ehersisyo.
SALVACION: Kailan po natin malalaman, Secretary, kung ma-e-extend ba ang MECQ o mag-G-GCQ na ang Metro Manila at ibang karatig lugar?
SEC. ROQUE: Alam ko po may meeting naman [signal fade]
SALVACION: Hello, sir?
SEC. ROQUE: —meeting din ng Wednesday. Alam ko po magpupulong ang IATF ng Monday at saka ng Wednesday.
SALVACION: So, after ng Wednesday malalaman na natin iyan, mga Thursday siguro kung may announcement. Normally, kapag Thursday nagsasalita si Presidente, hindi ba?
SEC. ROQUE: Hindi po, kapag Monday at saka Tuesday nagsasalita si Presidente.
SALVACION: Monday, Tuesday.
SEC. ROQUE: Opo.
SALVACION: So, kung sakali doon natin malalaman kung may pronouncement na bago?
SEC. ROQUE: Titingnan po natin, hindi ko pa sigurado kasi ang pagpupulong po kahapon ng IATF is all about iyong mga amendments pa sa guidelines. At normally nga, nag-uulat ako pero hindi ako mag-uulat ngayon kasi gusto kong isapinal nila kasi sa totoo lang, mayroong pabago-bago, pabale-balentong. So sabi ko, ayusin ninyo muna iyan bago ako magsalita nang hindi naguguluhan ang taumbayan. So, siguro sa—
SALVACION: So, mamaya wala kang pronouncement mamayang tanghali, hindi ka magsasalita?
SEC. ROQUE: Wala po, wala. Doon sa Laging Handa hindi po ako haharap kasi gusto kong plantsahin nilang mabuti.
SALVACION: Walang bago pa? Wala pang final doon sa IATF? Okay…
SEC. ROQUE: Wala pa pong bago. Bagama’t piyesta-opisyal po sa Lunes, ang iniisip ko na lang ay virtual press briefing sa aking bahay kung saan iyong plantsadong mga pagbabago na inaprubahan ng IATF, iyon lang po ang aking ipiprisinta.
SALVACION: Kasama na po ba doon sa pinagmimitingan sa IATF iyong recovery plan? Kasi nalalapit na din—sabi nga, humihina na iyong kaso ng COVID-19 and marami na pong mga mambabatas ang nagde-demand na magkaroon ng malinaw na recovery plan ang pamahalaan ngayon pa lang.
SEC. ROQUE: Ang recovery plan po ay pinaplantsa na rin sa Kongreso; kasi hindi lang po iyan Ehekutibo. Ang ating istratehiya po ay gagamitin pa rin natin iyong dating budget, iyong fiscal ano natin ‘no…tool para ma-stimulate ang ating economy at saka iyong ating monetary tools, so iyong sa Central Bank.
At importante dahil nga ang Kongreso ang may hawak ng kaban ng bayan, gamitin natin ang kaban ng bayan para ma-stimulate iyong economy at iyan po ay pinag-aaralan at pinag-uusapan na ngayon sa parehong Kapulungan ng Kongreso.
SALVACION: All right. Sir, nabanggit mo iyong budget. Una, may iba’t-ibang mga tanggapan ng gobyerno na katulad na lang po ng OWWA – humihingi sila nang medyo malaki-laking pondo na dagdag kasi mayroon pang magbabalikan about thirty to forty thousand na mga OFWs. Mapapagbigyan po iyon iyong supplemental budget ng OWWA?
SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po alam na natin kung magkano mare-realign natin doon sa mga current budget ng Executive at timbangin na lang po iyon.
SALVACION: Magkano po iyon, sir?
SEC. ROQUE: Well, mahigit kumulang—ang sabi sa akin, mahigit kumulang mga one hundred fifty billion pero kaya nga po pinag-iingatan kung saan gagastusin ang one hundred fifty billion kasi beyond one hundred fifty billion talagang kinakailangan na pumunta for a supplemental budget pero hindi ka naman pupuwedeng magkaroon ng supplemental budget nang wala kang sources of revenue.
SALVACION: Totoo po.
SEC. ROQUE: Eh, ang problema mababa lang ang collection ng taxes natin dahil mababa na nga ang ekonomiya; mababa rin ang collection ng Customs natin eh iyan lang naman ang dalawang iyan ang talagang inaasahan natin.
Kaya nga po sabi ni Presidente, buksan ang POGO, eh hindi naman mabuksan ang POGO kasi marami silang utang sa BIR, so, wala rin tayong makukuha doon. [laughs]
SALVACION: Opo… oo.
SEC. ROQUE: So, napakahirap po ng predicament natin, so—anyway, tingnan po natin at alam mo naman tayo, sanay naman tayo sa hirap I’m sure we will adjust pero lahat po ng options ay tinitingnan. Pero kakayanin po natin ito. Huwag po tayong mag-aalala dahil tayo po ay mga Pilipino.
SALVACION: Medyo nag-worry ako doon bilang mamamayan after ng one hundred fifty billion kailangan natin ng supplemental budget, ang problema wala tayong paghuhugutan. Hindi tayo puwedeng, ‘o, sige bigyan ninyo kami supplemental budget pero mangungutang kami.’
SEC. ROQUE: Well, isa pong opsyon talaga iyon dahil napakaganda naman ng ating performance sa ekonomiya at dahil iyan ang importante ng tinatawag nating credit rating. At napapansin ninyo naman, bagama’t may kaunting pagbaba sa ating credit rating eh hindi tayo bumaba nang malaki, hindi gaya ng ating mga karatig-bansa. Kaya nga nakakautang tayo at umutang naman tayo habang mababa pa ang interest rate at hindi pa natin talaga kakailanganin para lang to take advantage doon sa mababang interest rate na ibinibigay sa atin dahil nga doon sa ating credit standing.
SALVACION: Okay. So, dahil diyan ibig sabihin, Secretary Roque, ay nakakiling na tayo, papunta tayo doon sa paghingi ng supplemental budget though sa ngayon hindi pa natin alam kung magkano ang hihingin sa Kongreso?
SEC. ROQUE: Siguro hindi lang supplemental budget ang hihingin natin, ang inaayos ng IATF natin ngayon ay iyong recovery plan, stimulus package na kinakailangang buuin katuwang po natin ang Kongreso dahil kinakailangan nga gamitin natin iyong pera ng kaban ng bayan para ma-stimulate ang ating ekonomiya.
SALVACION: Magkano po iyong iniisip na pondo para doon sa recovery plan?
SEC. ROQUE: Wala pa po. May dalawang bersiyon na nakabinbin po ngayon sa Kamara at saka sa Kongreso at mayroong sarili ding Bill po ang ating Ehekutibo. Pero nandiyan naman po si Congressman Joey Salceda, nandiyan naman po si Senator Recto, mga bihasa sa ekonomiya ‘no, napakabuting katuwang naman po sila ni Secretary Dominguez at ni NEDA acting Secretary Chua at ni Secretary Wendel Avisado.
So, we are in safe hands naman po as far as competence in economic planning is concerned.
SALVACION: Okay. Sir, last point. Kapag ganitong panahon nalalapit na iyong SONA ng Presidente, karaniwan po parang tradisyon na palaging naririnig na naming iyong paghahanda ng next year’s budget ‘ika nga. Ngayon lang medyo tahimik kasi nasesentro tayo doon sa immediate na pangangailangan natin sa ngayon.
Pero tinatrabaho na po ba iyong 2021 Budget at gaano kalaking porsiyento noon ang mapupunta sa stimulus o kaya naman ay anti-COVID response ng pamahalaan?
SEC. ROQUE: Hindi mo kasi pupuwedeng ihiwalay iyong stimulus package sa National Budget kasi ang National Budget ng nakalipas na 2020, eh, hindi naman akalain na puputaktehin tayo ng COVID—
SALVACION: Kalamidad.
SEC. ROQUE: —So, lahat ng ating pangangailangan sa 2021 habang wala pang bakuna at habang wala pang gamot sa COVID, ilalagay natin iyan sa National Budget, pati iyong stimulus package natin eh kabahagi iyan ng National Budget for 2021.
So, iyan po ang binubuo nila. Eh, ako ay hindi muna nakikigulo sa kanila bagama’t ang plano ko sana itong linggong ito, simulan na iyong dissemination kung ano iyong mga posibleng mga scenarios.
SALVACION: Yes po.
SEC. ROQUE: Pero hindi ko naman po sila minamadali dahil ang importante naman ay magkaroon ng tamang package. Pero sa ngayon po, iyon nga po nakipag-usap na ako sa mga departamento – Department of Finance at ang DBM, baka po i-guest ko rin sila sa regular press briefings natin dahil tama naman na ngayong binubuksan na natin ang ekonomiya kinakailangan pag-usapan na natin iyong way forward.
SALVACION: Okay. Ibig sabihin doon sa stimulus package hindi lang pang-ekonomiya o kaya naman ay pang-negosyo na tulong kung hindi pati doon sa mga pamilya pa ring mahihirap na wala pa ring pangkabuhayan kahit pa mag-lift na tayo ng GCQ or ECQ sa mga lugar na apektado ng COVID?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko naman, lahat talaga ng pondo ng bayan natin ay inilalaan natin para sa pinakamahihirap. Kung tayo ay magbibigay ng stimulus package para ma-stimulate ang ekonomiya, para iyan ay magkaroon ng trabaho iyong ating mga kababayan na naghihirap ngayon. So, lahat po ng ginagawa natin ay para sa pinakamahihirap na ating mga kababayan.
SALVACION: Pero wala na iyong subsidy na actual na kagaya ng SAP?
SEC. ROQUE: Hindi ko po masasabi iyan kasi, unang-una, patuloy pa rin pong magkakaroon ng mga areas na ECQ. Kung mapapansin ninyo po ang mga local na pamahalaan, mga siyudad ay may kapangyarihan pa rin na magdeklara ng ECQ, maski dito sa Metro Manila na MECQ na tayo. Marami tayong nababalita na nagla-lockdown na mga barangay, siyempre kapag ikaw ay naka-lockdown wala ring trabaho iyong mga nasa lockdown areas, so kinakailangan pa ring magbigay ng ayuda.
So, hindi po. Hindi po ibig sabihin na wala ng ayuda habang mayroon pong mga nila-lockout na mga lugar dahil sa sakit tapos inilalagay sa ECQ eh siyempre po kinakailangan pag-isipan kung saan sila makakakuha ng kakainin nila.
SALVACION: All right. Secretary, maraming salamat sa oras. Next time ulit, ingat po kayo.
SEC. ROQUE: Next, next week na tayo dahil sa susunod na linggo si Tuesday na ‘Binibining Araw ng Buong Linggo’ ang aking napangakuan naman, alternating kayong dalawa. [laughs]
SALVACION: Sure, sir, no problem. Ingat ka po, stay well, stay safe.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you po, thank you. Bye, bye.
SALVACION: Mga Kapuso, si Attorney Harry Roque, siya po ang Tagapagsalita ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)