Interview

Interview with Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque by Joel Reyes Zobel and Weng dela Peña (DZBB)


ZOBEL:  Secretary, good morning. Si Joel Zobel, si Weng Dela Peña, live po kayo sa Super Radyo DZBB, GMA News TV, radyo na TV pa!

DELA PEÑA:  Secretary…

ZOBEL:  Hi, sir! Secretary!

SEC. ROQUE:  Yes, Joel at Weng!

ZOBEL:  Anong nangyari sa enrollment?

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo po, kinakailangan ituloy natin iyan kasi baka mamaya magkaroon ng bakuna, baka mamaya magkaroon ng new normal, dapat handa rin tayo doon sa pinipreparang mga plano sa Agosto 24.

ZOBEL:  Okay…

SEC. ROQUE:  Pero kahit anong mangyari, hindi po masasayang ang enrollment dahil magkakaroon tayo ng tinatawag na blended learning. Kung walang face-to-face, gagamitin po natin ang TV, gagamitin natin ang radyo, gagamitin natin ang internet.

Pero kung hindi sila enrolled, eh paano sila mabibigyan ng basehan sa susunod na [signal fade]

ZOBEL:  Teka, teka., nawawala si Secretary.

DELA PEÑA:  Oo.

ZOBEL:  Aayusin natin iyong signal niya. So, sandali huh…

Tuloy ang 2020-2021 school year—

SEC. ROQUE:  —kaya umaasa pa rin tayo na [signal fade]

ZOBEL:  Teka, sir… Sir, sandali ayusin natin nagpuputul-putol iyong linya.

Ang malinaw, sabi ni Secretary Roque, mga kapuso, tuloy po ang school year 2020-2021.

DELA PEÑA:  Mayroon daw tinatawag na blended learning. Ngayon lang natin narinig iyang mga blended learning.

ZOBEL:  Halo-halo, ibig sabihin halo-halo.

Ito na! Secretary!

SEC. ROQUE:  Yes! Opo…

ZOBEL:  Naputol lang kanina.

SEC. ROQUE:  So, maski blended learning po iyan kinakailangang magkaroon ng basehan kung matapos ang taon eh kung pupunta siya sa susunod na grado [signal fade]

ZOBEL:  Hindi maganda talaga iyong signal. Paayos, please. Tolputs – tolputs tayo.

SEC. ROQUE:  Oo, oo…

ZOBEL:  Secretary, nawawala kayo eh… sorry huh…

SEC. ROQUE:  Oo nga… pasensiya po talaga bulok po ang ating telecoms.

Bulok! Bulok! Bulok!

ZOBEL:  Bulok po, bulok , opo.

DELA PEÑA:  Nasaan na ba iyong third telco?

ZOBEL:  Pero sandali, Secretary, baka naman mabigla ho ang mga napakaraming mga magulang na kumukontra ho at natatakot sa—hindi lang ho sa COVID kung hindi sa gastusin. Baka wala ho silang pang-enroll ho ngayon?

DELA PEÑA:  Ayun!

SEC. ROQUE:  Hindi naman po. Sa mga public schools po iyan eh, kasi nagsisimula na iyong enrollment. Ang sinasabi lang natin, paghandaan natin kung talagang hindi matutuloy ang face-to-face classes, magkakaroon po tayo ng blended learning. So, kailangan blended learning naka-enroll po kayo dahil ito pong blended learning eh talagang tutukan natin to make it as normal as learning process as possible.

ZOBEL:  Ina-anticipate ninyo na tataas ang enrollment sa public school ngayon?

SEC. ROQUE:  [signal fade]

ZOBEL:  Nawawala talaga… masama…

Hindi, ito’y—hindi, applicable sa lahat ito ano?

DELA PEÑA:  Oo

ZOBEL:  Yeah, yeah…pero—

DELA PEÑA:  Public at private

ZOBEL:  Ang sinasabi lang ni Secretary, simula na kasi ng June 01—

DELA PEÑA:  Oo, enrollment iyon

ZOBEL:  So, dapat mag-enroll na kayo.

DELA PEÑA:  Unahin natin ang public.

ZOBEL:  Free education kasi iyon eh..

DELA PEÑA:  Oo…

ZOBEL: Okay? Hello? Secretary?

DELA PEÑA:  Wala talaga eh… Ang sama. Balikan natin, babalikan na lang natin.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource