Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Henry Uri and Missy Hista on Coffee Break, DZRH


URI:  Good morning, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Henry, good morning.

URI:  Yes, sir. Good morning. I’m with Missy.

SEC. ANDANAR:  Good morning.

URI:  Nakita ninyo na ba iyong Facebook ninyo? Ang daming lumalabas na pangalan kapag sinearch iyong Martin Andanar, ang dami ho ninyong kapangalan baka kayo’y nagawan na rin ng fake account.

SEC. ANDANAR:  Hindi ko pa na-check, sir. Itsi-check ko siguro. Salamat at [garbled] mo ako.

URI:  Hindi kasi nakita, tinray [tried] ko—teka, medyo humina lang ang signal ko dito sa booth eh pero ang dami ninyong kapangalan. Iyong isa may litrato pa ninyo—

HISTA:  Ang tanong: Ilan ang account ni Sec. Martin?

URI:  —iyong iba wala—Ayun. Maganda iyong tanong ni Missy, ilan daw ba account ninyo?

SEC. ANDANAR:  Missy, dalawa lang iyong aking Facebook account na para sa mga private ko na post tapos iyong isa naman ay iyong public, so dalawa lang.

URI:  Oo.

HISTA:  Ayun.

URI:  Siguro makikita ninyo mamaya. Anyway, kaya rin kami napatawag sa inyo, paano bang magagawa unang-una uli nitong… siguro marahil may ginagawa na kayo, baka may gagawin pa ako, ang daming kumakalat na naman na fake news dito sa Anti-Terror Bill. Kesyo ito raw ay pakana ng administrasyon para i-pin down iyong mga aktibista and iyong mga nagpapahayag sa social media. Papaano ho ito? Anong mangyayari ngayon? Anong hakbang dito ng PCOO, Sec. Mart?

SEC. ANDANAR:  Mayroon naman tayong in-charge diyan sa PCOO, kasi ang PCOO ang chairman ng communications ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at si… tayo nga ang chairman, ang co-chairman ko diyan si USec. Badoy at si USec. [garbled] ang in-charge diyan… siya iyong in charge. So, they are working closely with the NTF-ELCAC para nga sa tamang pagpapakalat ng tama at wastong impormasyon, hindi iyong fake news. Kung ano lamang iyong nakasaad doon sa batas na pinaghirapan ng Kongreso at ng Senado.

URI:  Ano bang talagang mangyayari kapag napatunayan kang nagpapakalat ng fake news lalo na sa ganitong panahon?

SEC. ANDANAR:  Unang-una, sa mga panahong itong pandemya ay refer lang tayo doon sa Bayanihan To Heal As One Act dahil mayroon doong Section 6 na nakasaad na kung sino man iyong nagpapakalat ng maling impormasyon ay maaaring patawan ng multa na P10,000 at hindi tataas ng isang milyon. At kung nanaisin ng huwes ay puwede ring makulong ng isa o dalawang buwan. Iyan po ay kung magpapakalat ka ng mga maling impormasyon.

Again, bukod po diyan ay mayroon naman din tayong Anti- Cybercrime Law at ang mga nag-i-implement diyan ay iyong ating kapulisan din at iyong NBI. Mayroon namang unit din ang PNP na anti-cybercrime tapos mayroon din unit ang NBI diyan. Pagdating naman sa Task Force COVID Shield na pinamumunuan ni Gen. Eleazar, sila din ang nag-i-implement nitong batas na ito, so kung mayroong mga reklamo ay—

I think mayroon na silang mga nahuli na nagpapakalat ng fake news, pero ito’y dadaan sa proseso. Hindi puwede na hindi dumaan sa proseso – sa legal na proseso. Hindi iyong basta-basta na… parang iyong sinabi ni UN High Commissioner Bachelet na wala pakundangang pinaghuhuli iyong mga taong nagpapakalat ng fake news, eh walang katotohanan iyon. May proseso ito, hindi puwedeng walang proseso.

URI:  Anong proseso ang pagdadaanan bago ka naman damputin o hulihin?

SEC. ANDANAR:  Well, kailangan ikaw ay may ebidensiya na ikaw ang nagpakalat. Kailangan mayroong reklamo tapos kapag nakita na iyong ebidensiya, ikaw naman ay isu-summon. Actually, huhulihin tapos iimbestigahan ka sa presinto, magpapaliwanag ka doon. Iyon lamang, kailangan mong magpaliwanag, kailangan mong patunayan na hindi ikaw iyong tao na iyon na nagpapakalat ng fake news.

URI:  Otherwise—

SEC. ANDANAR:  [garbled] ng abogado, kumuha ka rin ng abogado mo para patas ang laban.

URI:  Otherwise mananagot ka sa batas.

HISTA:  Sino po ang—

SEC. ANDANAR:  Siyempre, lahat naman ng klaseng krimen eh talagang kailangang managot sa ating Saligang Batas.

URI:  Missy, go ahead.

HISTA:  Yes, Ka Henry, Secretary… tanong ko lang po, sino po dapat ang maging trigger sa complaint kung sakali ikaw ay nagpapakalat ng fake news?  Gobyerno ho ba, individual?

SEC. ANDANAR:  Number one diyan, kapag nakita ng gobyerno na maling impormasyon ang pinapakalat mo halimbawa na lamang patungkol sa… halimbawa, sa GCQ o MGCQ mayroon lang maling ipinakalat o mayroon kang ipinost doon na ang magiging resulta nito ay kalituhan. Halimbawa, sinabi mo na, “Uy, mayroon ng second tranche pinag-ano na, mayroon na, nandoon na sa kabilang barangay”, tapos wala naman pala, so puwede kang ipatawag ng pulis at ipaliwanag – ‘bakit mo ginagawa ito, bakit mo nililito ang ating mga kababayan?’ Patunayan mo iyon na hindi ikaw iyon.

URI:  All right. On another issue, Secretary if you may, kasi mayroon lang ditong—this is also a question noon gating ilang mga kaibigan sa media. Ano iyong ‘no work no pay’ sa mga kasamahan natin sa hanapbuhay, I think you have an appeal doon sa mga management po ng mga kinabibilangan nating media outlet?

SEC. ANDANAR:  Yes, sir, magandang tanong iyan. Salamat, Henry, para sa mga kabaro natin iyan dahil nga si pareng Nelson Santos ng PAPI [Publishers Association of the Philippines Inc.]  ay nakiusap na kung puwede iyong ilan sa kanilang mga trabahador na no work no pay ay bigyan ng ayuda ng DSWD.

So, ipinasa na namin iyong request na iyon pero kausap din namin si Sec. Bebot Bello dahil kung matatandaan mo dahil na rin sa ating ginawang hakbang ay nabigyan din ang ilang miyembro ng National Press Club, iyong CAMP na tinatawag. So, ngayon mayroong application ang DOLE na dagdag pondo mula sa DBM para sa CAMP. So, ang commitment ni Sec. Bello kapag pumasa na itong second budget para sa CAMP ay bibigyan niya ang ating mga kasamahan sa media.

So, ang dapat na gawin ng mga nakikinig nating kasamahan sa media na no work no pay at talaga namang naghihirap ngayon ay mag-register na kayo online ngayon pa lang para oras na aprubahan iyan at i-release ang pondo ay nandoon na iyong pangalan ninyo, listahan, so ire-review na lang iyan ng ating Kalihim ng Department of Labor and Employment para nang sa ganoon ay mabigyan kayo noong budget mula sa CAMP.

URI:  Oho. Saang online magre-register? DOLE—Ano pong… if you have a link, paano ba? Anong website iyong pupuntahan?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko po alam iyong eksaktong web address pero iyong website po ng DOLE.

URI:  Iyong sa DOLE, oo…

SEC. ANDANAR:  Sa DOLE mismo, i-type mo lang iyong CAMP tapos type mo iyong DOLE sa Google at ituturo ka doon sa dapat puntahan.

URI:  Kasama daw ba rito iyong mga reporters, announcers, writers, production assistants na nawalan ng trabaho, no work no pay.

SEC. ANDANAR:  Ito, sir, nakalagay dito camp.dole.gov.ph.

URI:  C-A-M-P huh?

SEC. ANDANAR:  C-A-M-P, CAMP.

URI:  .dole.gov.ph?

SEC. ANDANAR:  Oo, doon lang. Diretso lang doon sa camp.dole.gov.ph.

URI:  Maigi naman at napagtuunan ninyo ng pansin at nabigyan ninyo ng panahon iyong hinaing na iyon sapagkat libo rin sa ating mga kasamahan, Missy, sa hanapbuhay ang wala ng pinagkakakitaan ngayon.

HISTA:  Oo.

SEC. ANDANAR:  Ang ibig sabihin po ng CAMP ay COVID-19 Adjustment Measures Program.

URI:  Ayun…

SEC. ANDANAR:  Iyon po ang ibig sabihin.

URI:  So, kasali daw ho diyan writer, reporter, announcers, production assistant ng mga nagtatarabaho sa media na nawalan ng trabaho?

SEC. ANDANAR:  Basta iyong no work no pay, wala ng trabaho, iyon talagang hirap na sa buhay. Kasi ang akala kasi ng karamihan kapag nasa media ka marami ka ng pera. Hindi ho totoo iyon.

URI:  Naku. Sinabi ninyo pa iyan.

HISTA:  Tama…

SEC. ANDANAR: Hindi kasi sa totoo lang ang trabaho natin you know, of course limelight ka hindi ba?

URI:  Glamorous lang pero medyo kuwan….

SEC. ANDANAR:  That’s the right word, glamorous lang tapos napapakinggan ka napapanood ka sa TV, sa radyo pero hindi ibig sabihin ganoon kalaki ang sweldo. Makita iyong pangalan mo, may byline ka sa dyaryo, sa tabloid. Alam mo, ang Pilipino likhang maporma talaga eh.

URI:  Correct. At saka ano lang… Secretary, minimum din naman eh… Kadalasan sa atin, sa amin, minimum lang ang ano… ang sinasahod katumbas din lamang ng ordinaryong manggagawa.

SEC. ANDANAR:  Hindi nga lahat minimum eh iyong mga stringer, iyong mga nagsusulat sa dyaryo [garbled] hindi naman minimum.

HISTA:  Per column lang

URI:  Oo, sige po. So, nagka-okay na kayo ni Sec. Bebot, may commitment na sa inyo na iyong mga nasa kasamahan natin sa hanapbuhay mabibigyan din?

SEC. ANDANAR:  Mayroon na po sir. Pero ang advise ko nga ay dumiretso na kayo doon sa camp.info.dole.gov.ph. Basta i-type niya lang camp dole. [garbled]—teka muna sir, magla-live na ako.

URI: Sige, salamat ha.  Salamat, Sec. Martin. Thank you so much. Salamat, salamat.

SEC. ANDANAR:  Salamat.

 

###

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)