Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo/Tutok Tulfo/PTV


TULFO: Magandang umaga, Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin; at magandang umaga Pilipinas.

TULFO: Sir, salamat ha, alam kong busy kayo pero you always accommodate me no matter what. Thank you po at nakakakuha kami ng first hand info sa inyo. Sir, dito po muna tayo. Sabi po ng Malacañang, kapag napuno na ang mga ospital natin, dahil nga sa 46,000 na po ngayon plus ang may COVID sa atin. Kapag napuno raw ay baka umakyat na naman itong ating quarantine, stricter quarantine procedure. Is this correct, Secretary Roque, sir?

SEC. ROQUE: Well, iyan naman po talaga ang ating polisiya sa IATF, kapag bumaba po iyong tinatawag nating case doubling rate at naging mabilis na naman at kapag iyong ating critical care capacity ay bumaba po at maubos na ay pupuwede tayong bumalik. Pero ang mensahe po talaga ng gobyerno ngayon, tinitingnan po namin ang datos, unang-una hindi po totoo na nauubusan na ng mga kama sa ospital. Ang patakaran po kasi ay nag-isyu ng administrative order ang Department of Health sa lahat ng ospital na i-reserba ang 30% ng kanilang bed capacity para sa mga COVID patients.

Now, marami po, lalung-lalo na ang mga pribadong ospital, hindi po nakakasunod iyan, dahil maraming dahilan. Pero kahapon nagpulong lahat ng mga medical directors ng mga ospital sa Metro Manila at nilinaw nga nila na ang napupuno ay iyong beds nila for COVID na hindi po iyan equivalent sa 30%. Karamihan po ng mga private hospitals, 10% lang ang nilalaan para sa COVID. So natural dahil 10% lang mabilis napuno. Pero ang sabi nga po kahapon, ang pagkakasundo nila is susubukan ng mga pribadong ospital na itataas iyan to 20% man lang, at ang ating mga pampublikong ospital ay tuloy pa rin po ang 30%.

So, malayo pa po, ang danger level pagdating doon sa ating critical care capacity sa Metro Manila po at mamaya po sa aking press briefing, iyong Director po ng Chinese General Hospital na kumalat iyong kaniyang memorandum naging viral ay magsasalita po para sabihin lang kung ano ang katotohanan na ang napuno lang po sa kanila ay iyong mga COVID, iyong para sa COVID patients na mga hospital beds; pero ang mga hospital po natin ay bakante pa rin at malaki pa rin po ang ating critical care capacity.

So, bagama’t ang formula po ay kapag naubos nag critical care capacity at bumilis ang pagdoble, ay tayo po ay babalik sa mas istriktong quarantine. Ang katotohanan po, hindi naman po malala ang ating critical care capacity at hanggang maaari bubuksan na po natin ang ekonomiya dahil mayroon naman pong pamamaraan na protektahan ang kalusugan sa kabila ng COVID, iyong mga hygiene, iyong testing at saka tracing at saka pag-aalaga sa mga vulnerable. Pero kinakailangan na po talaga nating bigyan ng hanapbuhay ang ating mga kababayan.

TULFO: Sir, dapat na po bang mag-panic ang ordinaryong Juan at Maria, because that’s 46,000 na po, parang—the other day, sige nagulat tayo, 1,ooo plus, 44 and then kahapon 4:00 o’clock, ang sabi nadagdagan ng 2,000 fresh at saka old cases so 46 na po, baka mamaya na naman eh 2,000 or 3,000 na; so, kinakabahan po ang mga kababayan natin. Ano po ba ang threshold, sir, natin para bumalik tayo sa ECQ? Is it iyong sabi nga ninyo bed capacity na mayroon pang paglagyan iyong mga pasyente o iyong bilang, sir, ang tinitingnan ninyo rin na baka papaano kapag umabot na po tayo, natalo na natin ang Indonesia, nasa 60,000 plus na rin po tayo, Secretary?

SEC. ROQUE: Karamihan po ng nagkakasakit, talagang asymptomatic or mild. Sa katunayan iyong ating severe at saka iyong ating critical ay nasa 0.6 lamang ang sumatotal. So, napaka-kakaunti naman po talaga na nagkakasakit at nakikita n’yo naman na bagama’t lumulobo ang numero, iyong mga namamatay ay kakaunti rin. So huwag po tayong mag-panic, kasi mas deadly pa po ang heart attack kaysa dito sa COVID-19. Pero siyempre huwag po tayong magpapabaya dahil ayaw rin natin na napakataas, (garbled) 0.6 na critical at saka severe cases.

So iyon lang po ang binabantayan natin, kapag nagkaroon ng critical at severe, dapat mayroong mga kama na mapupuntahan, mayroong ICU bed, mayroong hospital bed. (garbled) para iyong mga ayos lang na hindi na kinakailangan talagang mag-ospital ay doon na lang mag-isolate.

Napakaganda po noong experience ng PGH. Ang PGH po nag-devote po sila ng parang tatlong ward at para nga po hindi mapuno iyong mga wards nila, kapag magaling-galing na iyong pasyente, lumilipat na po sa We Heal as One Center para ma-open up naman iyong mga kama diyan sa PGH.

So, marami pong mga pamamaraan, hindi po dapat mag-panic, dahil worldwide alam natin patuloy ang pagkalat niyan, pero dahil tayo po ay nag-iingat nagsusuot ng mask, may social distancing, iyong mga namamatay, hindi po kasing dami gaya sa Amerika, Brazil, iyong mga lugar na hindi talagang nag-social distancing at hindi nag-mask at hindi nag-lockdown.

TULFO: Isa pa po, Secretary, pangamba po kasi ng mga kababayan natin, it’s not na iyong dumadami, well dumadami nakakatakot nga, pero pangamba naman ng ilan, sir, baka bumalik tayo sa ECQ at mag-lockdown, ano po ang kakainin eh mukhang wala na rin, aminado rin po ang Pangulo na wala na tayong pera, eh kakayanin bang mag-ECQ o hindi na tayo, baka MECQ na lang tayo, sir?

SEC. ROQUE: Well, tama po kayo. Talagang mahirap na bumalik tayo sa lockdown, so kaya nga po hinihimok natin ang lahat, ang pagsusuot po ng mask ay nagpapababa po ng tiyansang mahawa ng 85%, ang social distancing nagpapababa po ng probability sa 80%. So iyan po ang ating sandata – simple lang po iyan – mask, social distancing, paghuhugas ng kamay.

TULFO: Sir, maiba tayo iyong insidente po sa Jolo mukhang parang nagsalita na po ang hepe ng PNP-BARRM, si General Abot, sinasabi niyang may plano silang sampahan ng kaso naman iyong mga sundalo na pinakialaman ang crime scene base sa video, eh dapat hindi na raw pinakialaman. Ayon po sa aking impormante, lalo pong nagiging tensyonado ngayon doon ang sitwasyon at nagagalit po iyong mga sundalo, dahil sabi nila rumesponde sila dahil ang report sa kanila eh in-ambush ang kanilang kasama. So lalo pong naging tensyonado ang sitwasyon ngayon, as we speak, Secretary?

SEC. ROQUE: Nagpunta na nga po doon ang Presidente para pakiusapan ang lahat, huminahon, dahil ang binibigay niya ay ang kaniyang word of honor as Presidente, iimbestigahan po ito ng patas ng NBI at wala naman pong pinapanigan ang NBI at siya mismo po upon his word of honor, kapag mayroong nagkasala mapaparusahan po. Iyan po ang iniwang salita ng ating Presidente sa kasundaluhan at sa kapulisan noong nagpunta po siya sa Zamboanga.

TULFO: Sir, maraming salamat. Please stay healthy, stay safe, Secretary.

SEC. ROQUE: Stay healthy po, maraming salamat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)