Interview

Cabinet Report sa Teleradyo – The New Normal hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar


MODERATOR: Pilipinas, noong nakaraang linggo sinimulan nating talakayin ang istratehiya sa likod ng National Action Plan natin kontra COVID. Naging panauhin natin si Tomas Pueyo, ang may akda ng ‘The Hammer and The Dance’ – isang kinikilalang teorya tungkol sa paglaban sa pandemya na gumabay sa ating pamahalaan sa pagbuo ng National Action Plan.

Ngayong linggo naman, kausap natin si National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez. Mula sa teorya na ibinahagi ni Tomas Pueyo, pag-uusapan naman natin ang paggamit nito sa ating istratehiya at mga aktuwal na taktika upang masugpo ang paglaganap ng coronavirus.

Ang plano kontra pandemya, pag-uusapan natin sa pagbabalik ng Cabinet Report.

Balikan natin ang panayam natin kay Tomas Pueyo at ang kaniyang pagpapaliwanag sa The Hammer and The Dance na susundan ang panayam natin kay Secretary Galvez.

[INTERVIEW WITH MR. TOMAS PUEYO]

SEC. ANDANAR: Sec. Charlie, tayo ay nasa National Action Plan Stage II. So nasa NAP na tayo at nakalagay nga dito iyong paradigm na Hammer and Dance. Iyong ‘Hammer’ tapos na at ang ‘Dance’ naman. So ano po ba iyong ini-expect natin dito sa ‘Dance’ stage? Ano po ang dapat nating magawa sa stage na ito?

SEC. GALVEZ: Sa kaalaman po ng lahat, iyong Hammer and Dance ay in-introduce po sa atin ng ating NEDA Secretary Karl Chua nang mag-preside po siya ng atin pong next way forward ‘no. Nakita po natin iyong ‘Hammer’, ito po iyong tinatawag natin na ating istratehiya para ma-suppress ang ating new cases at saka po iyong nagkaroon ng lumulobo na ating mga kaso.

At ito namang ‘Dance’ itong tinatawag natin na ito iyong art/science on how we can cope with the virus.

Kasi ito po sa ating National Action Plan Phase II, ang gagawin natin po dito Secretary Mart is talagang gagawin po natin dito is we need to have a striking balance between health and economy. So kailangang kailangan na po, sabi nga po ni Secretary Dominguez ng ating DOF na nagkaroon na po tayo ng tinatawag na tipping point na ang ating economy talagang medyo natamaan po noong nagkaroon po tayo ng mga series of lockdowns, na more than 100 days lockdown.

So ngayon po ang ginagawa po natin itong tinatawag nating ‘Dance’, ini-expect po natin dito katulad ng ginawa po natin nang nag-ECQ tayo ay talagang prinepare po natin ang ating mga isolation facilities through Oplan Kalinga sa pamumuno ni Sec. Vince at saka ni Sec. Villar na mapaangat natin ang level ng preparasyon natin sa isolation.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo po iyong pagbabalanse ng ating ekonomiya at ating healthcare system. Now I am privy to the hours of debates between the implementer, between our Health Secretary and our economists. Mayroon po ba tayong pinagbabasehan na numero para masabi nating, “O, nabalanse na natin.” Halimbawa na lamang, kailangan ang mga positive ay nasa level lang ng 1,000; kailangan naman ang sa ekonomiya nasa level lang ng 1,000 ang nawalan ng trabaho. Mayroon bang ganoon o ito po ba ay—papaano natin tinatantiya?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ay ang dichotomy na what will be the trade-off between economy at saka iyong health. Sa ngayon po talagang napaka ano po natin, we have to save po dahil nakita po natin na talagang iyong ating mahal na Pangulo eh talagang sinasabi niya po eh buhay muna bago ang lahat. Kaya nakita natin, we really praise the President talagang he took the priority of really saving lives. Because sabi nga niya when we lost 1 life, it is forever lost; so iyon ang inano natin…saka iyong ekonomiya niya puwede naman nating i-recover iyan.

But in this case na talagang nakita natin na nagkaroon ng contraction, more than 16% ng ating ekonomiya. Sinasabi nga natin na dalawa ang ating concentration ngayon na ginagawa po natin ay talagang ating binibigyan ng tuon ang tinatawag na saving lives at the same time we have to save our economy. Kaya iyong istratehiya po natin na ginagawa ngayon is we are more on the preventive side. Using the Pareto doctrine, kailangan po more than 80% of our efforts should concentrate on really treating the people’s behavior towards the pandemic. Kasi nakita po natin ito, tatagal pa po itong pandemic na ito at kailangan ang ano po natin dito iyong people’s cooperation is very necessary.

So ang ginagawa po nating dito is iyong pagba-balance natin ng health at saka po iyong economy ay binigyan din po natin ng tuon ang responsibilidad ng ating mga mamamayan. Sabi nga po ni Secretary Roque, buhay para sa hanapbuhay. So ibig sabihin we have to save our lives so that we can also save our livelihood at the same time. When we save our lives and we save our economy, gaganda na po iyong patungo ng ating [unclear].

So ang nakita po natin, sa pamantayan po na tinatanong po natin para magkakaroon tayo ng opening. Sa istratehiya po natin, ang ano po natin ay napakaganda ng ating istratehiya na for as long as we maintain the minimum health standards at the same time maintain the… iyong tinatawag na rate of death into the minimum, kung mababa po ang rate of death natin ay puwede po tayong mag-open ng economy.

Iyon po ang nakita naming balancing act na ano po namin na kailangan po talaga na kailangan po ang ating healthcare system, ang ating gobyerno at ating mga LGUs to work hard. At least iyong treatment system po natin ay mapababa po natin nang tuluyan ang ating… tinatawag po natin na mga death rate po – both sa COVID at sa [unclear].

SEC. ANDANAR: At alam din natin Secretary Charlie na ang virus ay nandiyan hangga’t sa wala iyong bakuna eh nandiyan iyong threat na tayo ay maaapektuhan talaga, so in the process nabanggit po itong zoning containment strategy. Ano po ba ibig sabihin nito?

SEC. GALVEZ: Ang nakita po natin dito is marami pong mga study ang nagsabi, ang UNDP, UN Development Programme, iyong UNDP at saka po iyong Ateneo at even UP ay nagbigay po ng kanilang pahayag na iyong tinatawag nating ECQ at saka MECQ is not sustainable. Ibig sabihin, malaki po ang collateral damage na in terms of livelihood and economy. So nakikita natin na iyon din ang recommendation ng ating economic sector na we have to go on granular lockdown. Ibig sabihin, ang gagawin po natin is iyong surgical approach ang gagawin po natin.

Iyong lockdown po natin na gagawin doon po sa mga clusters ng mga area na infected area. At dapat po nating gagawin is talagang kapag nagkaroon po ng tinatawag na new cases two or more, kailangan kaagad immediate rapid response po tayo.

MODERATOR: Sa ating pagbabalik, pag-usapan naman natin ang papel na ginagampanan ng contact tracing, testing at isolation. Lahat iyan when Cabinet Report returns.

Ngayong tapos na natin ang mga panahon ng Enhanced Community Quarantine at unti-unti na nating binubuksan ang ating bansa sa economic activity, ‘di matatawaran ang kahalagahan ng contact tracing, testing at isolation. Muli, pakinggan natin si Tomas Pueyo at si Secretary Carlito Galvez.

[INTERVIEW WITH MR. TOMAS PUEYO]

SEC. GALVEZ: So iyon po ang kagandahan po nito na tinatawag na surgical lockdown, it is anchored on a very strong contact tracing at saka testing concept. Ngayon po iyong tatlo po na iyon umiikot iyong testing, tracing at saka isolation. Iyon po talaga kapag once na nakuha po natin iyan, nakuha po natin iyang mga positive cases doon sa area ay tuluyan pong bababa iyong new cases dahil po nako-contain po natin at saka nai-isolate po natin iyong mga cases at saka probable cases.

SEC. ANDANAR: Magandang idea po iyan. Parang gusto ko ring balikan iyong sinabi mong Pareto Principle. So kung halimbawa susundin mo itong zoning containment strategy, that could be the 20% that you do but it’s effective for the entire population, the same way na kung susundin mo iyong face shield, face mask, paghuhugas ng kamay, physical distancing – that could be 20% only pero ang laki ng epekto.

SEC. GALVEZ: Yes, ang laking epekto iyon.

SEC. ANDANAR: Wow, okay.

MODERATOR: At iyan po ang kahalagahan ng contact tracing, testing at isolation. Maging ng mga personal nating contributions sa pagpigil sa pagkalat ng pandemya – ang pagsuot ng face mask at face shield, ang paghuhugas ng kamay at ng physical distancing. When we return, more of our conversations with NTF Chief Implementer Carlito Galvez.

SEC. ANDANAR: Sir, may I ask for a reaction sa sinabi po ni Senator Hontiveros na we are doing a toxic micromanagement of LGUs dito po sa mga overseer ng in-appoint po natin sa mga hotspot na mga regions.

SEC. GALVEZ: Palagay ko naman medyo masyadong ano… iyong ano po na iyon ay nakita ko na hindi po naman makatotohanan po iyong sinabi po ni Senator Risa kasi ang nakita natin na tayo ay gumagawa ng paraan para iyong ating plano ay ma-implement na mabuti sa ibaba. Tayo po ay bumababa para makita po natin ang real situation sa baba. Maraming nagrereklamo na mga senador, maraming nagrereklamo na mga tao… ay we are using an incomplete data.

Ang pagbaba po natin doon sa baba, nakikita po natin ngayon ang real data. Pangalawa, ang IATF ngayon ay nakakagawa ng policy based on the harmonized ideal situation sa baba. Kasi kung kami ang IATF hindi po kami bumababa, hindi po namin makikita ang real situation, ano ang puwedeng i-implement at saka ano ang puwedeng hindi i-implement.

Alam ninyo po Senator Risa, kapag gumawa po tayo ng plano kailangan po ang plano kahit gaano kaganda dapat alamin po natin kung iyong sa baba ini-implement po na mabuti. Iyon po ang ano po—ako po, kami po nakapag-aral ng how to implement iyong plan kaya nakikita po natin ang plano, sabi nga ng isang magaling na heneral: The first casualty in a fight is the plan. Kaya dapat iyong tinatawag nating ano, iyong ating sa crisis management, kung pag-aralan natin ang crisis management plan, it is a day-to-day rolling plan kasi araw-araw nag-iiba ang sitwasyon. So dapat tinitingnan natin ang sitwasyon sa baba.

So ang problema natin ngayon ay iyong execution at saka implementation. I think we don’t have problem on the plan itself. Ang nakikita natin dapat ang implementasyon ay uniformed implementation based on the peculiar situation in the area.

At saka po Madam Risa, bumababa po kami para po malaman po namin kung ano po ang kailangan ng ating mga local government units, iyon po ay part ng consultation kasi baka mamaya may bibilin po kami na mga machine at saka mga requirements na hindi naman po kailangan ng ating mga LGUs. So ang pagbaba po namin po doon sa baba ay para po malaman ang tunay na sitwasyon at para po magabayan ang ating mga LGUs. Kasi po ang nakikita po natin, dapat iyong plano po natin, iisa po iyong bind model, iisa po iyong ating nakikitang—kung ano interpretasyon natin doon sa plano, dapat pare-pareho po iyong ating implementasyon.

So iyon lang po at hindi po iyon micromanagement at saka hindi po toxic. At saka po nakita po natin doon sa Cebu na nangyari po ang crisis niyan, bumaba po ang IATF. Naging toxic ba si General Cimatu? Naging toxic ba iyong ating IATF na bumaba sa Cebu? At tanungin natin ang mayor, si Mayor Labella, nagpapasalamat sila dahil kasi tinulungan natin sila, dahil kasi inagapayan natin sila para ma-solve ang kanilang problema. Cebu is a concrete example and you can go down to Cebu and ask Mayor Labella of Cebu.

SEC. ANDANAR: Ika nga eh, the devil is in the details…

SEC. GALVEZ: Yes, yes.

SEC. ANDANAR: Talagang tumutok tayo doon. Ano po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan at tayo po sa NCR ay nasa GCQ at iyong iba ay nasa MGCQ pa. Ano po ang inyong mensahe, Secretary Charlie?

SEC. GALVEZ: Ang nakita po doon sa laban po ng ating National COVID—Against COVID-19 ay napakaimportante po ang popular support at saka iyong popular obedience. Nakita po natin na iyong mga successful na mga different countries, nakita natin iyong kanilang mga mamamayan ay sumusunod. Akin pong inaano po sa ating mga mamamayan na ang nakita ko po na panlaban natin sa COVID-19 ay iyong tinatawag nating minimum health standard.

Ang ano po natin ngayon is once na na-maintain po natin at nasunod po natin ang minimum health standard na social distancing at saka iyong tinatawag nating… iyong wearing of the mask and also face shield, malaki po ang maitutulong po niyan sa paglaban sa COVID-19. At ang atin pong inaano po sa lahat ng ating mamamayan ay kailangan po magkaroon tayo ng—mag-unite po tayo.

Napakaimportante po ang unity of effort at unity of command na nakita po namin sa mga lugar at sa region na mayroong unity of command lalo na sa Davao. Dito sa Cagayan De Oro nakita namin ang unity of command at unity of effort, magiging maganda ang palakad ng COVID-19 na action plan.

So ako po ay humiling po sa ating mga mamamayan na magkaisa po tayo so that we can heal as one. At sa ating mga mamamayan ay masasabi ko po ngayon na ingat buhay para sa hanapbuhay.

MODERATOR: Pilipinas, kumakatok na tayo sa mga… kung tawagan ay “Ber months” at sa tagal ng pandemya talagang umiiksi na ang mga pisi natin sa paghihintay na gumanda ang sitwasyon. Ang masasabi ko lang po ay ginagawa po ng inyong pamahalaan ang lahat upang mabalik tayo sa antas ng normalidad na hindi naman natin ikalalapit sa sakit. Mahirap ang pagbalanse po nito, at sama-sama po tayong lahat na gumagawa ng kani-kaniyang tungkulin upang matamo ang pag-iingat buhay upang tayo rin ay makapaghanapbuhay.

Sa pagwakas ng Cabinet Report, iiwanan ko po kayo ng isang mensaheng ipinaabot ng kinatawan ng World Health Organization dito sa Pilipinas na si Dr. Rabindra Abeyasinghe noong isang linggo sa mga local government officials sa isang webinar nila. Ito ay isang paalala na kahit mahirap ang daan nating tinatahak ngayon, nasa tamang direksiyon po tayong lahat.

  1. ABEYASINGHE: Right from the beginning of this pandemic, WHO likes to acknowledge and commend the early initiative taken by the Philippine government to address the challenge posed by this pandemic and to protect the lives of the Filipino people.

The early lockdowns imposed, the travel bans imposed have undoubtedly prevented many, many thousands of infections, and preserved thousands of lives. And as the Philippines increases and improves its response to this pandemic, we are aware that we are seeing increasing numbers of cases being reported. I want to reassure you that you find only what is measured and what you are measuring, you are finding; where the measurement is not so effective, you will not hear of cases being reported.

So, don’t be discouraged by the fact that you have a lot of cases being reported nationally, that is an acknowledgement of the fact that you have expanded your testing capacity. The fact that you have one of the lowest proportion of fatal cases in the region also is an acknowledgement that you have expanded your clinical capacities, your hospital capacities, you have equipped your (clinical) technicians through proper training, and all of that is now bearing fruit. And we need to continue to work on this part so that we can successfully control this pandemic.

We wait in cautious optimism for the availability of an effective and safe vaccine but as ‘DG’ has said repeatedly, there are many things we can do to suppress the transmission of this infection and control this pandemic with the available tools and let’s renew our commitment to do that.

SEC. ANDANAR: Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa, makatitiyak ang mga mamamayan na patuloy na pagbubutihin ng ating pamahalaan ang pagtugon sa pandemyang COVID-19 upang mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok na dulot nito.

[PRRD’S VIDEO CLIP] Our National Action Plan against COVID-19 is also strong at ginagawa namin lahat, lahat ng mga magagawa para sugpuin itong COVID.

SEC. ANDANAR: Noong Marso ng taong ito, binuo ng administrasyong Duterte ang Phase I ng National Action Plan against COVID-19. Ang NAP ay ang istratehiya ng pamahalaan na national government-enabled, local government unit-led at people-centered para tugunan ang pandemyang COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasama-sama at paggamit sa mga resources, manpower at expertise ng ating gobyerno.

Ang Phase I ng National Action Plan against COVID-19 ay nakatuon sa pag-iwas, pag-control at pagpuksa sa virus sa ilalim ng health sector at ganoon din sa pag-iwas sa mga negatibong epekto nito sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.

Habang unti-unti nating binubuksan ang ekonomiya ng ating bansa, ipinatutupad na rin ng administrasyon ang Phase II ng NAP na nakatuon sa health at economic recovery ng bansa. Ang NAP Phase II ay batay sa Hammer and Dance Theory. Ang Hammer ay tumutukoy sa istratehiya ng pag-control ng pagkalat ng COVID-19 tulad ng mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine measures sa mga target na lugar. Ang Dance component naman ay nagbibigay-daan sa pagbubukas ng ekonomiya at sa pagpapagaan sa epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa.

Ang NAP Phase II ay nananatiling nakaangkla sa istratehiya ng gobyerno na tinatawag na PDITR na naglalayon na maiwasan at ma-control ang pagkalat ng virus. Ang ibig sabihin ng PDITR ay Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate.

Ang prevention component ay tumutukoy sa pagpapatupad ng minimum health standards tulad ng paghuhugas ng kamay, physical distancing, pagsusuot ng face mask, personal na kalinisan at community lockdown.

Ang second component naman ay istratehiyang detection at kasama dito ang pagpapatupad ng agresibong contact tracing at expanded community testing.

Ang ikatlong component ay ang istratehiyang isolation kung saan mayroong probisyon ng isolation facilities para sa mga mild o asymptomatic cases, community protocols para sa mga positive cases, at construction support para sa mga government hospitals.

Ang ikaapat na component ay ang istratehiyang treatment kung saan kasama ang One Hospital Command na isa sa mga pinakabagong hakbang ng Task Force upang mapadali ang pag-access ng mga Pilipino sa medical care at treatment, ang mega temporary treatment and monitoring facility, at ang public and private referral hospitals.

Ang ikalima at huling component ay ang istratehiyang reintegration sa lipunan ng mga gumaling na pasyente. Ang mga pasyenteng gumaling ay dapat pa ring sumunod sa minimum health standards at dapat ay nababatid nila na posibleng sila ay mahawa muli.

Kapag siguradong nasusunod ang istratehiyang ito, maaari nang simulan ang implementasyon ng ating transisyon sa new normal.

Ang iba’t ibang uri ng zoning or targeted lockdown ay barangay lockdown, block lockdown, block and house lockdown, street lockdown, house lockdown and building lockdown.

Ang zoning ay mayroon ding apat na kategorya:

Una ay ang critical zone o ang mga lugar kung saan ang paunang bilang ng mga kaso ay natukoy sa nakaraang pitong araw.
Pangalawa ay ang containment zone o ang mga lugar na walang bagong kaso ngunit katabi ng isang lugar na ikinategorya bilang CRZ.
Pangatlo naman ang buffer zone o ang mga lugar na walang bagong kaso ngunit katabi ng lugar na isinailalim sa kategoryang CZ.
At panghuli, ang area outside buffer zone o ang lahat ng natitirang mga lugar na walang bagong kaso at hindi nakategorya bilang CZ o BZ.

Ang zoning containment strategy na ipatutupad ng local task force ay naglalayong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at mabawasan ang epekto nito sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng contact tracing, testing, isolation at treatment ng mga tinatawag na suspect, probable at confirmed cases.

Samantala, sinisiguro ng pamahalaan na mayroong mga hakbang na ipatutupad upang matiyak na makakamit natin ang ating layunin na makabawi ang ekonomiya at mabigyan ng komportableng buhay ang bawat mamamayan sa gitna ng pandemya.

Ang gobyerno ay patuloy na nakatuon sa pagpapahusay sa healthcare capacity ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng karagdagang ICU at isolation beds, testing laboratories, referral hospitals, swabbing centers at quarantine facilities sa buong bans.

At mga medical frontliners mula sa gobyerno at pribadong sektor ay binibigyan ng proteksiyon at nakatatanggap ng mga benepisyo, ganoon din ng suporta na kailangan nila upang pangunahan ang laban natin sa COVID-19. Kukuha rin ng karagdagang 10,000 health workers ang gobyerno upang matulungan ang ating mga doktor at nurse sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Sa ngayon, wala pang gamot o bakuna laban sa virus kaya naman mahalaga na makipagtulungan ang lahat upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Palaging sundin ang minimum health standards at manatili sa bahay hangga’t maaari at iwasan ang non-essential travel.

Nilalayon ng National Action Plan against COVID-19 na ito na makasagip ng buhay at matiyak ang ating kalusugan, kaligtasan at kinabukasan habang tayo ay bumabangon sa recession dahil kapag sama-sama, we heal as one.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)