Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Trinidad and Fernan Gulapa (Natural-DZBB)


Q: Secretary Martin Andanar, PCOO Secretary. Hello Sec. Martin, magandang gabi po sa inyo. Si Orly po ‘to saka si Fernan.

SEC. ANDANAR: Magandang gabi Orly at Fernan. Magandang gabi sa lahat ng nakikinig po ng inyong programa.

Q: ‘Ba, ang ganda ng signal mo ha…

FERNAN: Hindi mahina…

Q: Ilan bang telephone companies—cellular companies ang kinakailangan natin para gumanda signal mo ha, Secretary Martin Andanar?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman, kung maganda ang dalawa, hindi naman kailangan ang tatlo. Since hindi naman maganda ang serbisyo ng dalawa, so kaya kailangan natin ng third player – at ito iyong sinabi ni Presidente Duterte last year na kailangan pumasok ngayong taon na ito. Kaya nga noong nagkaroon ng Cabinet meeting at nagpaliwanag si Acting Secretary Rio ng DICT, ay in-explain niya na… base sa kanilang deadline ay kailangan by first quarter of this year, March by this year ay magsisimula na ang third player—

Q: Ay, salamat. Actually ‘yan ang dahilan ng pagtawag natin sa’yo, para saka-sakaling may interview-hin kami na opisyal ng gobyerno, hindi iyong nawawala-wala tulad din ng ‘pag nai-interview namin, si Atty. Roque, si Atty. Salvador Panelo. Alam ninyo ‘pag nakakausap namin ‘yan, hindi kami nakakatapos ng isang minuto, pumapangit ang signal ha. Buti ka pa nga Secretary Andanar, nakakadalawang minuto na tayo, maganda pa signal mo. Pero ‘pag iyong sa… (laughs) iyong nagbibiro doon, ‘pag iyong iba ini-interview, halos isang oras na hindi pa raw napuputol. Oh kaya…

SEC. ANDANAR: Well, lalo na kapag moving iyong isang interviewee mo sa Metro Manila… kahit saan man basta moving, mobile, napuputol-putol talaga ang kaniyang… Sa ibang bansa, for example sa Japan, kahit nasa loob ka ng subway puwede kang makipag-usap. So ibig sabihin, talagang napakaganda ng kanilang signal doon sa Japan – even diyan sa Singapore at sa Hong Kong.

Q: Oo. Papaano ito Secretary Martin, by March mag-uumpisa. Anong buwan mayroon na tayong magiging iba pang player para may choice ang ating mga kababayan kung sino ang magandang… may magandang serbisyo talaga?

SEC. ANDANAR: Oo. Iyong deadline na dapat makapasok na iyong third player, it could be by this March 2018, the first quarter. Now unang-una, alam naman natin na talagang interesado po dito ang China, at ang kanilang binigay na pangalan na kumpanya ay iyong China Telecom. Now that China Telecom, will partner with a local company at magkaroon dapat ng consortium. At kailangan hindi biro-birong consortium, sapagka’t hindi po ganoon kadali ang magtayo ng telco at maging third strong player.

Ito na lang ang isipin po ninyo, kung si PLDT nga, si MVP by the mere pronouncement of the President na invited na ang first player ay nag-commit na ng 50 billion pesos reinvestment sa telco. Tapos ang Globe naman, ay nasa kulang-kulang 48 billion pesos ang kanilang ire-reinvest sa telco industry. So, the mere pronouncement already generated almost a hundred billion pesos. So, napakaganda nito para sa ekonomiya natin. Iyong third player pa, ito magsisimula ‘yan from zero, so tiyak mas malaki po ang investment niya, although we have more than 50 billion – siguro mga 75 to a 100 billion dapat ang i-invest niyan.

So noong nakita ko iyong presentation, at parties interested are China Telecom at iyong kanilang mga partners dito, hindi pa binanggit, at ang PT&T. Oho, iyon hong PT&T. And then—

Q: Naalala ko noon, may mga ano ‘yan… may mga radio phone ‘yan, ‘yang PT&T. Naalala mo ‘yun, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Oo. Well talagang pati iyong telegrama nila, kasi nag-aaral pa ako sa UP Los Baños at kapag kailangan ko ng—

Q: Inabot mo rin iyon? “Uwi ka na, wala tuition. Uwi ka na, wala na pera.” Inabot mo rin pala iyon, ano?

SEC. ANDANAR: Oo, inabot ko iyon. Tapos of course, mayroon din silang long distance ‘di ba, puwede kang gumamit. Anyway, so PT&T with a partner, local partner—ano ‘to ah, PT&T plus a Korean company partner. At ang… mayroon akong nakausap at tinanong ko kung ano iyong Korean company na iyon. And I found out that it was LG interested – LG…

Q: Ano ‘to, makikipag-tie up sa PT&T?

SEC. ANDANAR: Iyon ang balita, iyon ang sinabi sa akin—

Q: O baka gusto rin nila hiwalay? Baka hiwalay din ito.

SEC. ANDANAR: Hindi, partner. Ito iyong makikipag-partner na Korean company. So, interesado daw ang LG, according to my source. So this will be very exciting, kasi kung mayroon ka namang ganiyang kalaking kumpanya na mag-i-invest sa Pilipinas with PT&T, then it becomes a very exciting… a telco industry for the Philippines this 2018.

Q: So Sec., hindi ibig sabihin gusto natin iyong sa China, China Telecom na—so hindi pala, hindi pala sila final? Mayroon puwedeng pumasok, iyong sa South Korea.

SEC. ANDANAR: Kung sino ang pinakamagandang offer sa bidding, aba’y iyon ang mananalo. Hindi naman ito parang monopolya pagdating sa third player. Kailangan talaga it’s the best… May the best bidder win para at least mabigyan ng magandang serbisyo at telco experience ang ating mga kababayan.

 

Q:Hindi ba puwede na apat na lang? Dalawa pa ipapasok?

Q:Baka may iba pa halimbawa ang Amerika o North Korea baka mag [laughs].

Q: Kung hindi palarin iyong China Telecom, iyong LG manalo baka puwedeng pang-apat sila?

SEC. ANDANAR: Baka hindi na rin maging attractive iyong investment kasi ano rin iyan depende sa laki ng merkado.

Q: So tama na, tatlo?

SEC. ANDANAR: Oo, kasi ‘di ba naalala ninyo nagkaroon ng Sun Cellular noon? Iyon ang third player. Kaso binili ito ng PLDT, iyong Sun Cellular. So, naging dalawa ulit, as in duopoly ulit.

Q: So papaano iyan kung saka-sakaling may third player? Hindi ko lang alam kung ito ay maaaring mabalangkas din sa batas, tutal pinag-uusapan ngayon ang charter change amendments. Baka mayroong isang pag um-okay. Bilhin na naman iyang pangatlong player na iyan. Papayagan ba iyan kung saka-sakali o mayroong clause na hindi niya puwedeng gawin iyon?

SEC. ANDANAR: Dapat nasa clause na hindi puwedeng gawin. Kaya nga binuksan iyong industriya para magkaroon po ng ano, magkaroon po ng kompetisyon. Dapat mayroon sa clause iyon. In fact iyon ang sinabi rin ni Secretary Eliseo Rio na kasama iyong clause na iyon na hindi puwedeng ibenta iyong shares of stock or iyong third player na hindi puwedeng bilhin ng Smart or Globe. Puwede sigurong ibenta pero as long as hindi Smart at Globe ang bibili.

Q: Okay, Wi-Fi connections daw may nag-text dito, Secretary Martin Andanar. Wi-Fi connection, kailan ba mapapa—mahihikayat na palakasin ito?

SEC. ANDANAR: Actually ang Department of—

Q: Ang DICT—

SEC. ANDANAR: Ang communication technology ay mayroon na silang ongoing project na magkokonekta ng… if I’m not mistaken 13,000 to 60,000 barangay ang magbibigay ng libreng Wi-Fi. Kasi nasa batas naman ito, itong libreng Wi-Fi. But, alam ninyo ito rin ay dependent doon sa available na bandwidth at saka broadband. So kaya nga nakipag-partner ang DICT sa Facebook para madagdagan po ng bandwidth at internet speed ang ating gobyerno. With this partnership, with Facebook and DICT, bibigyan po ang gobyerno ng libreng two terabit. Oo napakalaki po noon, two terabit. So ang mangyayari po niyan mag-a-allocate po iyong DICT ng mga 500,000 mbps sa gobyerno para gamitin ng mga local government units at para na rin doon sa mga free Wi-Fi at puwede pa silang magbenta ng 1.5 terabit para naman sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Q: So iba pa po ito doon sa papasok na pangatlong Telco, Secretary?

SEC. ANDANAR: Oo iba pa ho iyan. ‘Pagpumasok na itong Facebook, ‘pagnatapos na itong underground cable nila ay hindi na po kailangan na kumuha pa ng broadband speed or bandwidth ng internet ang gobyerno sa mga private Telcos.

Q: So mababawasan pala ng load iyong mga private Telco ha?

SEC. ANDANAR: Oo exactly so ‘pagnabawasan ng load iyong private Telco ma-i-imagine mo lang na—

Q: Bibilis?

SEC. ANDANAR: Bibilis ang internet ng bawat Pilipino especially iyong mga nagsu-subscribe ng kanilang internet sa Globe, Smart at sa third player.

Q:Kailan po magsisimula iyan? Kailangan magsimula na.

Q: Puwede ba bukas may bago na tayong Telco?

Q: Oo.

SEC. ANDANAR: Siyempre gusto natin —

Q: March pa iyon kamo magsisimula. First quarter kamo.

Q: Itong sa Facebook kailan?

SEC. ANDANAR: Hindi iyong Facebook magsisimula na. ‘Di ba nagkaroon na tayo ng launching last year?

Q: Na-testing na iyon, oo nasubukan na iyon.

SEC. ANDANAR: Tapos iyong kanilang… iyong submarine cable nila, hindi ko lang sigurado kung manggagaling sa LA or sa Hong Kong pero didiretso na iyan ng Luzon—

Q: Naalala ko pa iyan iyong may libreng Facebook ng ilang minuto.

SEC. ANDANAR: Ito talagang siguradong bibilis at isa ho sa mga strategy din kasi ng gobyerno na itong—ang bansa natin ay maging central hub ng mga submarine cable para pagkuhanan din ng internet ng iba pang mga bansa. So therefore kikita pa ang Pilipinas by way of being the conduit of the different countries surrounding our country na gustong magkaroon ng internet, ng connection through submarine cable.

Q: Okay, naku Secretary, may mga tanong pa rito lalo na po sa broadcast capability ng government, iyong PTV4. Siguro, Dexter pag-usapan natin, Secretary Andanar ha—

SEC. ANDANAR: Oo next time—

Q: At ang alam namin may lakad kayo ngayon at pakibati na lang kami ng ‘Happy Birthday’ kay Speaker.

SEC. ANDANAR: Nandito sa—ang laki pala nitong City Hall ng Tagum.

Q: Ipahabol ko lang. Sino ba iyong sisibakin daw na Chairman?

SEC. ANDANAR: Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam kung sino. Alam mo naman mahirap i-pre-empt si Presidente at saka i-a-announce na lang niya. Pero nandito ako ngayon sa loob ng birthday party at sa loob ng bagong City Hall ng Tagum.

Q: Okay sige po.

SEC. ANDANAR: At napakalaki parang mga City Hall ng mga—

Q: Bigatin ano. Sec., thank you po.

Q:  Sa uulitin po, sir. Salamat. Ingat kayo diyan ha.

Q: Thank you po.

SEC. ANDANAR: Salamat po. Mabuhay kayong dalawa, Fernan at Orly.

Q: Thank you sir.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource