SEC. ANDANAR: Magandang hapon partner; at sa lahat ng mga taga-pakinig ng inyong programa, magandang hapon po.
ERWIN TULFO: Oo, ikaw ay bumisita sa nanay ko kahapon. Kinukumusta ka pala ni mommy Caring, Sec. Nami-miss na niya raw yung naka sunglasses ka habang nagpo-programa tayo.
Tapos naawa siya sa iyo dahil binabakabakan ka daw ng Rappler pero padating ng gabi siya naman ay tumawag sa pamamagitan ng kanyang alalay na si Julie. Sabi niya mabilis talaga ang gaba iho. Nagabaan siguro yung Rappler ni Martin kay walang giimo, ibig sabihin, wala raw namang ginawang masama si Martin, inupakan. So na gaba.
SEC. ANDANAR: Nami-miss ko na si nanay Caridad at ako nama’y nagpapasalamat din partner sa mga sumporta at naniwala sa atin at of course ang taong bayan naman nakikita naman yung mga pagbabago na ginagawa natin sa ating tanggapan sa PCOO.
ERWIN TULFO: So, Sec, pinapaliwanang ko nga kanina at kausap ko itong taga Security and Exchange Commission, si Atty. Tan and what he was saying was like… he reiterated na hindi naman po yan pagsikil ng press freedom dahil hindi naman namin sila ipinapasara. Ang sinabi lang namin sa kanila may paglabag sila doon sa ownership. As a matter of fact, pwede pa silang magoperate. As a matter of fact, pinayagan pa nga ng Malacanang na magreport yung kanilang reporter kanina doon sa press briefing ni Secretary Harry Roque. So as is pa rin, ang kinukwestyon lang namin Erwin ay yung kanilang ika nga yung pagmamay-ari nitong… bakit nakikialam itong Omidyar. Hindi namin sinasabing tumigil na sila to cease and desist. We did not say that.
SEC. ANDANAR: Oo. Malinaw naman dun sa desisyon ng Securities and Exchange Commission that is a purely legal decision for them because according to the Constitution ay kailangan po talaga yung one hundred percent Filipino-owned ang media. So, may nakita sila na hindi tama at sinasabi natin na nobody is above the law.
Pero tama ka rin na patuloy naman na nag-ooperate ang Rappler as a media entity. Hindi naman sinisiil yung kanilang Press Freedom. As a matter of fact, ang kanilang reporter ay nandoon kanina sa Malacanang Press briefing room at nakapagtanong siya ng kanyang tanong para sa kanyang istorya.
Now, sa opposite po yun. Securities and Exchange Commission is a very important agency that you have to comply.
ERWIN TULFO: At saka, Sec makasingit lang. Hindi ba yung mga tao diyan ay may term limit? Hindi naman—oo presidential appointee yan pero doon yata sa apat sir, yung tatlong natitira doon ay appointee pa ni PNoy. Isa lang yung kay Pangulong Duterte diyan?
SEC. ANDANAR: Tama, tama. Nandiyan naman, i-check niyo sa SEC website nakasulat naman diyan yung mga appointees. At yung mga commissioner diyan, majority ay mga appointee pa ni President Noynoy Aquino.
Now ito po ang mahalaga sa negosyo. SEC is very important. Otherwise, hindi ka puwedeng magbenta ng mga advertisements, anong resibong ibibigay mo hindi ba? Kasi kailangan ng—ang requirements sa BIR para makagawa ka ng resibo kailangan meron kang mga SEC certificates. So that’s why Rappler should exert all means na sila po ay makakuha po ng mga requirements sa SEC para makapagpatuloy ang kanilang negosyo. But as far as media reporting is concerned, hindi naman sila pinapatigil. Yun nga ang sinabi ng SEC.
ERWIN TULFO: At saka hindi naman sinasabi ng SEC na sarado na kayo. Kasi ang dating kasi Secretary kahapon, parang nanawagan si Maria Ressa, yung kanilang CEO, na magtungo na sa EDSA dahil sinisikil sila ng press freedom, pinatulan naman ng dalawang kulang-kulang, o tatlo – Trillanes, Hontiveros, may Bam Aquino pa, at si Pangilinan na nagtatawag ng rally sa EDSA dahil akala mo noong People Power 1986 na pagsikil ng press freedom. Hindi naman ganun, secretary.
SEC. ANDANAR: Puwede naman silang magrally kung gusto nila, wala namang pumipigil sa kanila.
ERWIN TULFO: Dapat doon sila sa bangketa kasi mga sampu lang siguro sila or bente lang sila lahat-lahat, kasama na yung mga anak nila, mister, misis.
SEC. ANDANAR: Oo, puwede naman silang… meron naman silang right to peaceably assemble. Pero ang sa akin lang siguro basahin ng mabuti – yung mga kritiko no – basahin ng mabuti yung mahigit dalawampung pahinang desisyon ng SEC bago po magkomento.
ERWIN TULFO: Mahirap po yun kasi sir kaya nga ngayon siguro mabuti na lang may social media at hindi na po tanga yung mga tao. Otherwise siguro kung wala pang social media baka naglabas ng naglabas ng kung anu-ano ang mga ito. Kasi ang kwestyon nga diyan sir, kung pagsikil sa press freedom, bakit ang Inquirer banat ng banat nandiyan pa. Bakit ang ABS-CBN, di ba hinahayaan lang. Napakaraming mga komentarista, hindi naman marami, kundi may mga komentarista diyan na anti-Duterte na hinayahayaan lang naman, di ho ba? Hindi naman pinipigil.
SEC ANDANAR: Tama—(Signal cut)
ERWIN TULFO: Nako, kayo na ho ang humusga. Hindi po ito sinisikil, tingin lang ho. Kapag kayo ay dilawan, sasabihin talagang pinuputol, di po ba Secretary Martin? If you are a member of the Liberal Party or supporter ka ni PNoy through and through at galit ka lang kay Duterte, ang tingin mo talaga ay taliwas sasabihin mo pagsikil sa press freedom. Pero kung ikaw ay neutral, makikita mo at malalaman mo na may violation pala ang Rappler ng Constitution natin. Sasabihin mo lang tama lang, di po ba?
SEC. ANDANAR: Tama, wala hong exempted sa batas. No one is above the law. Nakikita naman natin partner, pinabayad ang Lucio Tan ng 6 billion, nagbayad siya. Nakita mo naman ang Mighty 25 billion, nagbayad sila. Yung iba pang mga…
ERWIN TULFO: Di ba si Lucio Tan, pinagbayad iyung Philippine Airlines, di ba, bayad di ba. Yung sinauli ng Inquirer yung Mile Long, sinauli di ba? Yung Inquirer nga di nagreklamo ng press freedom yun. Pagkatapos ito nagrereklamo, hindi naman sila shinu-shut down. Ang sinabi lang na siguraduhin niyo na dapat one hundred percent Filipino-owned kayo base sa Constitution natin.
SEC. ANDANAR: The issue is the abiding to our Constitution, to our laws. Wala hong exempted dito. Ang batas ho ay ginawa para lahat ng tao, mahirap ka man o mayaman, ay pantay-pantay. Wala hong exempted, hindi ho porke’t ikaw po ay malaking kumpanya ay exempted ka o ikaw ay isang media company hindi ka sumunod sa batas exempted kana. Wala hong ganyan. It is a legal issue; it is not an issue of press freedom.
ERWIN TULFO: Maraming salamat ho Secretary Martin Andanar ng PCOO, good afternoon po Secretary.
SEC. ANDANAR: Salamat po partner, mabuhay kayo.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)