Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo by Erwin Tulfo (Tutok Erwin Tulfo – Radyo Pilipinas)

TULFO: Nabasa ko po iyong inyong reaksiyon immediately sa Facebook and sa mga pahayagan ngayon, ang sinasabi ho ninyo bilang taga pagsalita ng Palasyo, hayaan na lang ang DOJ at ang OSG na magsampa ng ika nga… not kaso, kung hindi dalhin ang desisyon ni Judge Soriano sa Kataas-taasang Hukuman.

Pero ano ho ang tingin ho ninyo dito, sir, sa naging desisyon. Was it fair or was it biased? Kasi ‘pag tanungin mo iyong pro-Duterte and they will say, it was a biased decision. Kapag tinanong mo naman iyong anti-Duterte, it was a right decision. It was—ika nga a very brave decision and stand by Judge Soriano, Secretary? 

SEC. PANELO: Sa akin, ang importante sa akin, iyong legal issue kasi mula’t sapul ‘no ang sinasabi noong grupo ni Trillanes, walang kapangyarihan ang Presidente mag-void ng amnesty, iyong Proclamation; pero ang sabi ng Court mayroon eh. 

TULFO: Tama, sabi ninyo po, he was right, iyong baga Proclamation No. 572 ho yata iyon. 

SEC. PANELO: So kung mayroon siyang kapangyarihan at na-void itong grant of amnesty, o eh ‘di ibig sabihin walang—mabubuhay na lahat ng kaso ni Trillanes, pati iyong court martial mabubuhay iyon. Ang sinasabi niya lang, hindi siya makapag-issue ng warrant kasi immutable o final na iyong desisyon, kasi dinismiss eh, ‘di ba? Dinismiss ng hukuman pero base doon sa grant. Ang sinasabi naman ng Proclamation, hindi void iyong grant na iyon. 

TULFO: Pero parang magulo, Secretary. Kayo ho ay bilang abogado, anong explanation noon. Payag siya dito on the other hand, hindi naman siya payag dito. On the other hand parang magulo, parang kontrapelo; sabi niya, legit iyong desisyon ni Presidente, iyong proclamation pero hindi niya puwedeng i-dismiss, hindi niya puwedeng buhayin ang kaso ni Trillanes. So medyo magulo, Secretary? 

SEC. PANELO: Siguro the Court is playing on both sides. 

TULFO: Naku, patay tayo diyan. So—

SEC. PANELO: Parehong natuwa iyong dalawang panig. 

TULFO: At pagkatapos ho niyan kumalat sa social media. Naku, eh nag-imbestiga na kaagad itong mga netizen at sinasabi na appointee kasi iyan ni PNoy. Pero tinitingnan ko sir, ano ho ba talaga, parang atras abante, parang malamya na matapang, parang kumbaga sa kape eh parang hindi mo na malaman kung kape ba talaga na barako o parang tubig na lang. Hindi ko na maintindihan iyong desisyon, Secretary? 

SEC. PANELO: We have to give the benefit of the doubt, iyan ang kaniyang pananaw eh. Ang sabi ko nga eh, ilang ulit na palagi kong sinasabi (unclear). So kung iyan ang pananaw niya eh, iyon ang pananaw niya eh; pero mayroon pa namang mga remedyo available under the law para ma-restrain iyong portion ng ruling niyang iyan, especially ng SolGen. 

TULFO: Tama ho kayo, I mean you are saying, pati ako eh I would agree sir na siguro hayaan na lang ho natin na gumulong ito and DOJ at OSG dahil ito ang trabaho nila. Samantalang tayo na mga ordinaryong mamamayan, and let us move forward ika nga and do what we have to do with our lives ika nga. Hindi naman puwedeng porke’t hindi nag-issue ng warrant si Judge eh tumigil na lang ho din tayo at magalit na lang nang magalit araw-araw kay Trillanes, Secretary? 

SEC. PANELO: Oo nga, kaya hayaan natin iyong hukuman, di ba palagi nating sinasabi at ni Presidente na kung ano iyong batas, iyon na lang ang sundin natin para wala tayong problema. 

TULFO: Alright, sir, maiba tayo. Nadalaw na po ba ng Pangulo iyong mga magsasaka doon sa Negros, iyong napatay, iyong siyam or dadalawin ba ng Pangulo or ano hong plano? 

SEC. PANELO: I’m sure at this time papunta na siya doon. Kasi iyong schedule niya ngayong magtatanghali. 

TULFO: Ah, okay. Hindi ho kayo kasama, Secretary? 

SEC. PANELO: Hindi kasi may news briefing ako. Dapat sasama sana ako pero maraming mahahalagang isyung dapat na pag-usapan sa news briefing mamayang ala-onse y medya. 

TULFO: Sir, panghuli na lamang. Third telco coming in na raw ngayong November sabi ng DICT, Department of Information Communication and Technology— 

SEC. PANELO: Iyon ang ibinigay na deadline ni Presidente: ‘Pag hindi pa ninyo naayos iyan, ako mag-take over niyan.’ 

TULFO: Hay salamat sa Panginoon. Nadinig na rin ho ang pangalan natin. Alam ko sir, kayo dala-dalawa din ang cellphone ninyo. Parang dito lang sa Pilipinas, tayo lang ang bansa ang dala-dalawa ang cellphone kasi hindi mapagkatiwalaan iyong mga Smart at Globe. Kaya salamat naman, Secretary, na mayroon na tayong third telco. Sec., maraming salamat, magandang umaga, mabuhay po kayo. 

SEC. PANELO: Salamat din.

                                                                                                                ###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource