Erwin Tulfo LiveWENG: Well unang-una ay ito hong third Telco player, pagusapan natin, Secretary Mart. Mukhang may mga kumokontra pala sa China gaya po ni Congressman Danilo Suarez. Pero sa inyong palagay, di ba may inanunsyo kayo before na may mga taga-South Korea, may mga taga-Japan, iyong PT&T. Ano ho ang palagay ninyo, ito ay hinihintay ng DICT Secretary na makapag-commit ng puhunan sa atin. Sino kaya ang mananalo ho dito?
SEC. ANDANAR: Basta kung sino ang makakapagbigay ng pinakamagandang offer sa ating mga kababayan na serbisyo, iyon ang mananalo. Nabanggit natin dati na ang magiging investment ng third Telco will from 300 billion pesos to 400 billion pesos. Siyempre kailangan mong i-cover ang buong Pilipinas at masolusyunan nga ang problema sa number one, iyong dropped calls; number two iyoing bilis ng internet; number three iyong mga areas na walang serbisyo ang globe at smart.
Now, whether it’s a Chinese company; a Korean company; an American company; European company, ang mahalaga ho dito ay makapagbibigay sila at masolusyunan nila ang problema natin sa ating connection sa internet at connection sa telephone call.
Now, let us always remember that majority of the stock holders of this third Telco should be and will be Filipinos, can only be Filipino. Kasi iyon nga ang nakasaad sa batas na 40 porsyento ang allowed sa mga foreigners at majority nga ang Pilipino. Now, maraming mga tutol sa China at meron ding tutol sa ibang mga investors. But at the end of the day, ang mahalaga po dito ay iyong pinakamagandang makapag-offer ng bidding o solusyon para sa ating mga kababayan.
WENG: Ang maganda po diyan, Secretary iyong ikina-init daw po ng ulo ng Pangulo nung isang gabi ay iyong kailangan pa ho nating bayaran iyong cure frequencies po sa PLDT. Mukhang kanina sabi ng DICT ay naibalik na ng wala na hong hiningi kahit na anumang sentimo. Nakita ho siguro iyong political will talaga ng Pangulo, Secretary ano?
SEC. ANDANAR: Hindi, kasi ganito iyan… yung franchise naman ay binibigay iyan ng gobyerno hindi ba, libre iyan, hindi naman iyan binayaran. Ang problema kasi ay iyong napagbibigyan ng franchise, iyon ang nagbebenta.
WENG: O nagsasamantala.
SEC. ANDANAR: Oo, so kapag binebenta nila ay kumikita sila ng malaki at iyong bumili naman ay of course papatong din iyong mga iyon na mabawi nila iyong kanilang investment, pero galit si Presidente doon, sapagkat, binigay namin sa inyo ng libre, tapos ibebenta ninyo ng ilang bilyon? Kalokohan ito. Baka niloloko n’yo lang ang gobyerno, niloloko n’yo lang ang taumbayan.
So kitang-kita po natin na sa ilalim ng administrasyong Duterte ay hindi ito kunukunsinti, iyong pinaglalaruan tayo at niluluto tayo, ang taumbayan sa sarili nitong mantika. Iyon lang naman iyon kaya nagalit si Presidente.
WENG: Lastly, doon lang sa usapin sa seguridad, iyong baka gawing isyu ng ilang mga kongresista, iyong national security natin, iyon nga tungkol doon sa China, iyon ba ay malaking bagay para sa Pangulong Duterte. Baka daw tayo ay ma-espiya daw ho dito?
SEC. ANDANAR: Alam n’yo po sa pagkakalam ko ag majority ng ating telephony ngayon sa Pilipinas at iyong mgfa tore natin, iyong nagpapatakbo ng ating mobile network is already Huawei, is already made in China.
WENG: China lahat.
SEC. ANDANAR: Pati iyong sa Transco, sa NGCP, ang mga investors po diyan ang gamit pong technology, China. Kahit saan ka magpunta sa buong mundo. Marami na pong gumagamit ng Chinese technology. Even doon sa Australia.
So, again ang pinakamahalaga po dito, sa dulo nito, ay mabigyan ng magandang serbisyo ang ating mga kababayan. Mabilis na internet, walang dropped calls. At kahit nasa halfway ka, kasit saan ka. Sa Japan, nasa subway ka may signal.
WENG: Dito sa elevator, wala nang signal.
SEC. ANDANAR: Sa Hongkong, nasa subway ka may signal. Sa ilalim ka ng lupa, may signal.
WENG: Para tumagal-tagal tayo, kahit sa CR may signal. Dapat merong ganoon.
SEC. ANDANAR: Advantage iyan para sa atin, kapag malakas iyong ating telephony, iyong ating data na natatanggap sa ating mga cellphones, voice messaging na wala pong disruption, sapagkat mas maraming mag-i-invest sa bansa natin lalung-lalo na kung ang presyo po ay mababa. Mas maraming— now, para po naman sa mga kababayan natin lalung-lalo na iyong mga kababayan natin na hindi masyado nakaka-angat sa buhay ay kailangan din nila ng all access sa internet na unhampered, undeterred access sapagkat doon po sila nakakabawi ng mga kaalaman. Magre-research iyong mga estudyante through the internet, iyong mga kababayan natin na gustong mag-negosyo, nagagawa po ito. So, nakalagay nga doon sa World Bank study na kapag bumibilis iyong speed ng internet ay lumalakas din iyong ekonomiya.
WENG: Iyon, yun ang tumbok doon. Marami kang puwedeng gawin, wala kang wasted time, kasi lahat accessible sa iyo. Iyong resources o iyong kakailanganin mong gamit lalo na pag internet connection di ba ngayon?
SEC. ANDANAR: Halimbawa ngayon nandito ako sa Bonifacio Global City, tapos may nadaanan akong isang area, nawawala iyong boses mo, It’s unimaginable. Nandito ka na sa central district ng Pilipinas. Ang central business central district, Makati saka BGC, iyan lang naman iyan… And yet nawawala pa rin iyong signal, garbled iyong usapan, bumalik.
WENG: Biro ninyo iyon. So iyan mawawala na. Iyan ang requirement natin doon sai katlong player talaga.
SEC. ANDANAR: Iyon ang ating requirement at iyong pangalawang napag-usapan din, sa Gabinete ay iyong adbokasiya nga natin na magkaroon ng common tower. Kasi ang mga Telcos marami silang mga complaints na mahirap magpakabit ng tore kasi pinapahirapan sila ng LGU, marami pa, marami pang mga rason kung bakit hindi nakakapagtayo ng tore o cell site ng Telco, napakamahal, maraming balakid. So iyong common tower gobyerno iyong magtatayo ng common tower, tapos maglalagay na lang doon iyong Globe, lahat. Nababantayan pa ng sundalo.
WENG: Oo, iyan ang solusyon para wala nang excuses pa.
SEC. ANDANAR: At saka kapag nasa mga probinsya, hindi ba siyempre marami tayong mga narinig na mga balita na sinusunog ng mga rebelde. Kung common tower, under government contract, siyempre maoobliga ang gobyerno na lagyan ng sundalo para bantayan iyong tore o pulis. So iyong mga outskirt na rebel infested ay makakasiguro iyong mga telcos na merong gobyerno na nagbabantay, sapagkat common tower na at nagrerenta lang sila doon, meron pang revenue na mapupunta sa gobyerno.
WENG: Secretary, daghang salamat kaayo. Thank you so much sa inyong pagpaliwanag ngayon sa ating mga kababayan na excited na po. Sana magtuloy-tuloy by Marso.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)