Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live-Radyo Pilipinas)


 

ERWIN: Ito na ho iyong ating panauhing pandangal. Live na live po ito, galing pa ho ito ng Maynila. Walang iba, ladies and gentlemen please welcome Secretary Martin Andanar. Sec., magandang umaga sa’yo.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga partner, at magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig po sa inyong programa, dito sa Radyo Pilipinas Nationwide. At magandang umaga din sa lahat ng mga kababayan natin na nandito ngayon sa National Information Convention dito sa SMX Davao City.

ERWIN: Alright. Sir, tanong ho ng mga kababayan natin, ano ho ba itong nangyayari dito kahapon pa, iyong mga kababayan natin taga-Davao, what is happening here in SMX? Nagtatanong sila, what is this National Information Convention. What is this all about, at sinu-sino ho ba ang mga kasali rito?

SEC. ANDANAR: Ito ay tungkol sa pag-i-invite ng lahat ng mga Information Officers ng gobyerno sa buong Pilipinas, at tayo po ay nagnanais na sana, sa pamamagitan ng National Information Convention ay magkakaisa ang lahat ng Information Officers sa buong Pilipinas at madagdagan pa ang Information Officers sa Pilipinas – hindi lang po sa city o sa probinsiya, maging sa mga munisipyo.

Dahil mayroon po tayong maraming problema partner, alam mo naman na ang trabaho talaga ng Information Officer, ang trabaho talaga ng PCOO din ay para maihatid sa publiko ang mga polisiya ng gobyerno at para makipag-engage sa ating mga kababayang Pilipino. Hindi po ito kaya ng PCOO lamang, pero ‘pag nagsama-sama po ang mga Information Officers sa buong Pilipinas ay mas madali po nating maihatid ang mensahe ng Pangulo, maihatid ang mensahe ni Governor, ni Mayor, ni Senator, ni Congressman, ni Secretary o Director ng ating mga ahensiya ng gobyerno.

At siguro, sa pagsugpo at sa paglaban din versus disinformation, misinformation at fake news, mas madali po natin itong malalabanan kapag nagkakaisa lahat ng Information Officers. Kaya kanina nga partner, sa talumpati ko dito sa NIC, I challenged all of the Information Officers to join the PCOO in waging war against disinformation, misinformation at fake news. Dahil napanood naman natin kahapon na galit na galit si Special Assistant to the President Bong Go dahil sa mga fake news na lumalabas tungkol sa kaniya.

ERWIN: Alright. Sir so, pagsasama-sama ng mga iba’t ibang public Information Officers sa buong kapuluan. Does this mean, sir, wala na ho tayong—wala ka nang pipiliin dito? Ke doon ka sa kabila, ‘di ba may mga—sa local government units, nasa opposition… it doesn’t matter anymore.

SEC. ANDANAR: Oo, it doesn’t matter partner, kasi alam mo itong problema natin sa disinformation, misinformation at fake news, lahat ho tayo ay nahaharap sa problemang ganiyan. At dapat tandaan po natin, na kung tayo po ay public servants, dapat tayo ay apolitical.

Actually partner sa mga bansang asensado tulad ng America, tulad ng UK, at iyong mga bansang Canada… ang kanilang mga public servants ay walang pinapanigan na partido. Dapat apolitical, dapat independent… dapat pino-professionalize natin ang ating public administration system na kumbaga, kahit na umalis si Mayor, umalis si Governor, natapos iyong kanilang termino ay dapat hindi napapalitan iyong ating mga taong-gobyerno.

ERWIN: Correct. Sir, mamaya ho yata, mayroon hong forum pertaining to fake news.

SEC. ANDANAR: Mayroon po, at ito po ay pangungunahan ni Dean Pernia ng UP Mass Communication, at nandiyan din po si Cito Beltran ng Philippine Star at propesor din po si Cito sa Development Academy of the Philippines.

ERWIN: Sir, can you give us two cents of your thoughts regarding this fake news? Kasi marami ho tayong kababayan na engaging in social media, iyong iba’y mga ordinaryong ‘Juan,’ ‘Maria’ ‘di ho ba? They do not know, akala nila lahat ng lumalabas po sa social media, sa Facebook ay iyon na ho iyong balita. Pero papaano ho nila madi-detect na iyong binabasa nila, iyong na-post doon, nakikita nila sa wall is hindi po fake at genuine iyon? How would they do that? How would they find out?

SEC. ANDANAR: Sa akin simple lang partner, dahil mayroon po tayong mga Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas, mayroon tayong National Press Club, mayroon tayong PPI… marami pong mga organisasyon na kasama po dito, mga miyembro ay iyong mga legitimate news organization at mga legitimate broadcasters, legitimate anchors, legitimate writers, legitimate columnist, reporters. Now sa palagay ko by checking their websites also, we will know kung ano iyong mga legitimate na mga news sa inyo-inyong mga—sa kani-kanilang mga probinsiya.

So therefore, ‘pag ito’y legitimate… ibig sabihin po ‘pag legitimate ay mayroon pong barangay clearance ‘yan, mayroon pong business permit, mayroon pong SEC registration, mayroon pong certificate at ito po ay—nakita naman natin, for example itong Radyo Pilipinas – it is a legitimate news organization. Now itong mga organization na ito, halos lahat sa kanila ay mayroon na ring presence sa social media—

ERWIN: Pero sir, makasingit lang ako. Because kung sinasabi mo—what you are saying is like to check and countercheck iyong mga information na lumalabas po sa mga Facebook and all, na sa mga mainstream media. May mga mainstream media nga, kahapon nabanatan po iyong dalawa ni Secretary Bong Go – itago na lang natin sa pangalang ‘Rappler’ at saka ‘Inquirer’ binanatan ho kahapon na nagiging source din ng fake news.

So how can you check iyong ika nga nababasa mo sa Facebook account mo na fake news iyon kung pupunta ka sa Rappler o sa Inquirer? How would you do that?

SEC. ANDANAR: Alam mo ‘yan ang ating problema ngayon, sapagka’t wala nga tayong mechanism ngayon para sugpuin, harapin, labanan itong fake news. Kaya tayo nagsasama-sama ngayon sa National Information Convention para magkaroon po tayo ng isang komprehensibong solusyon laban dito.

Ngayon sa isang ordinaryong mamamayan, mayroon po tayong mga batas tulad ng libel, slander. Kung ikaw po ay napabalita at iyong balita na iyon ay hindi maganda, nakakasira ng inyong pagkatao, ay puwede po nating labanan iyong mga ganoong klaseng… masamang salita tungkol sa atin sa pamamagitan ng pagkaso ng libel o slander. Mayroon po tayong cybercrime na rin, at puwede po nating kasuhan ang ating mga… mga manunulat o iyong mga broadcaster na, in a way, umaabuso rin ng kanilang kapangyarihan.

Now in fighting fake news, napakahalaga po na magtrabaho talaga nang masinsinan, hindi lang ng gobyerno, hindi lang ng private sector. Dapat tayong lahat – gobyerno, private sector, simbahan… lahat, mga broadcaster, radyo, telebisyon, diyaryo. Para once and for all ay maging informed po iyong ating citizenry. ‘Pag hindi po kasi informed ang ating citizenry, ito po iyong dahilan ng pagkakawatak-watak ng ating lipunan, ng ating mga kababayan. So therefore, it is important for us to gather here sa National Information Convention, partner.

ERWIN: Sec., before we move on to another topic ano… Is it one and the same, kasi noong bago pa itong mga social media, wala pa ito ‘80s and ‘90s. Ang tawag po sa mga maling mga kuwento is tsismis, right?

SEC. ANDANAR: Oo, tsismis.

ERWIN: Is this one and the same – fake news and tsismis?

SEC. ANDANAR: Alam mo kung tutuusin talaga partner, tsismis sa baryo ‘di ba, tapos itong tsismis ay nasasama sa balita, sa radyo—

ERWIN: Pero sir, papaano… nasa kultura na ho natin, iyong mga Pilipino iyong tsismis ‘di ho ba? I mean sa US, hindi naman sila ganoon, sa Japan. Pero sa atin hong kababayan, likas na… huwag naman hong magalit iyong mga kababayan natin, pero marami ‘yan sa atin mahilig po sa tsismis lalo na po iyong sa mga baryo. So, how will we avoid all these?

SEC. ANDANAR: Napakahirap talaga partner, kasi mayroon naman tayong tinatawag din na freedom of expression, freedom of speech. So, there’s a thin line between that freedom of speech, freedom of expression, freedom of the press. At kapag sinikil mo rin ang ating mga kababayan na mayroong Facebook page na magsalita, sasabihin mo naman na, “Bina-violate mo na iyong freedom of expression ko.”

ERWIN: Correct… Constitutional right.

SEC. ANDANAR: That is my basic Constitutional right, na puwede akong magsalita. So kaya ang solusyon talaga dito partner is media literacy – media literacy hindi lang po ng PCOO, media literacy hindi lang po ng mga radyo, mga mamamahayag na tulad ninyo. Media literacy kasama po ang ating DepEd, ang ating mga private schools, ang ating iba’t ibang government at private broadcasting networks at media networks.

Kailangan po talaga, magtulung-tulong tayong lahat dito, sapagka’t napakahalaga po talaga sa isang bansa na kung gusto natin mabilis umasenso, ay dapat tama iyong kanilang nalalaman, hindi iyong mali.

ERWIN: Alright Sec., one last question before we go on a break ano po. Siguro you can ponder upon this or think about it.

Ito nga ho nagiging issue past few weeks, as a matter of fact napatawag ko ho iyong isang Asec. ninyo, iyong paborito nating Asec., paborito ng sambayanan, si Ms. Mocha Uson, si Asec. Uson binabanatan dahil member daw ng Presidential Communications Operations Office pero nagiging source daw ho ng fake news.

So ano ho—how do you defend this or what steps are you taking para ika nga iyong pangamba ng mga kalaban—usually mga kalaban lang naman ho iyong nagsasalita Sec., pero iyong mga nasa pro-Duterte hindi naman ho nagsasalita against Asec. Uson.

Pero sagutin ho ninyo ‘yan Sec. ano sa ating pagbabalik… Bayan, huwag po kayong bibitiw, magbabalik po kaagad ang ‘Tutok Erwin Tulfo,’ live na live ho sa dito sa Davao City.

[COMMERCIAL BREAK]

ERWIN: Nagbabalik po ang Erwin Tulfo Live dito po sa Davao City, live na live ho tayo ha. Sa lahat po ng mga Radyo Pilipinas nationwide sa Metro Manila of course 738 kilohertz and live na live din ho tayo dito sa DZXR 666 kilohertz sa Davao and other radio station ng Philippine Broadcasting Service.

Kasama pa rin ho natin dito sa ating booth, dito po sa SMX si Secretary Martin Andanar.

Sec., balikan lang ho natin iyong katanungan ko kanina. How do you combat this or how do you answer iyong mga kalaban lang naman na actually ang nasisilip at pinupuntirya po iyong paborito po ng bayan na si Asec. Uson and sinasabi na member siya ng PCOO ‘di dapat lahat ng mga informationay tama pero nagiging source po siya ng maling information, misinformation. How do you react to that, sir?

SEC. ANDANAR: Okay. Napakagandang tanong noong kay Asec. Mocha Uson. Now number one, malinaw po na sinabi ni Asec. Mocha, at aminado si Asec. Mocha, na hindi siya journalist alright?

Number two, ang kaniyang Facebook page ay hindi po isang news organization page. Ito po ay isang page ng isang pangkaraniwang Pilipino, isang ordinaryong Pilipino.

Number three, si Asec. Mocha Uson whether gobyerno siya or pribado mayroon po siyang freedom of expression, freedom of speech. Whether you are a government employee or you are an ordinary employee or a private employee, ikaw po ay mayroon kang karapatan na magsalita, maghayag at maglabas ng iyong sariling kuro-kuro.

Number four, now, again mayroon pong contention dito kasi ikaw ay isang—

ERWIN: Government worker… government official—

SEC. ANDANAR: Ang tanong doon: kung ikaw ba ay isang government official, wala ka na bang freedom of expression, wala ka na bang freedom of speech? And to me, if you ask me, hindi ho tumitigil, hindi ho nawawala ang freedom of expression at freedom of speech ng isang tao kapag siya po ay sumama sa gobyerno.

Mayroon po tayong 1.3 million or more civil servants around the Philippines, whether that civil servant, whether that senator, whether that congressman, governor, that mayor, councilor, Board Member has one million, five million or one thousand followers, lahat po sila covered nitong batas na ito na mayroong freedom of speech at freedom of expression.

Now, just because Mocha has five million followers ibig sabihin ba noon ay wala na siyang freedom of expression? Kapag inalis mo ang karapatan ni Mocha na magsalita sa sarili niyang blog, kapag inalis mo iyong Facebook page aba’y alisin mo na rin ang lahat Facebook pages ng more than 1.3 million civil servants na mayroong Facebook page. It doesn’t matter whether you have one, two, twenty, twenty thousand, two hundred thousand, two million or five million followers. Ang mahalaga ho dito mayroon tayong batas, nasa Konstitusyon ang ating karapatang magsalita.

ERWIN: . Pero kung titignan mo ulit, susuriin mo, Sec., iyong mga kalaban ni… sinasabi, siya nga iyong Asec. sa Social Media. So she should better be careful sa mga postings niya.

SEC. ANDANAR: Well partner, ito ibabalik ko sa kanila. Noong panahon nila ni Lacierda, nila Valte, sila din ho ay nagpapakalat ng kung anu-anong mga critical messages sa pamamagitan ng kanilang twitter, sa kanilang social media. Bakit sila puwede, porke’t ba mas kaunti iyong kanilang follower ay puwede sila? Si Mocha mayroong five million followers, hindi sila puwede?

Ang tanong doon: is our law selective? Hindi ho selective ang batas. Ang batas ho natin ay para sa lahat ng Pilipino whether you are rich, you are poor, whether you are an official of the government or whether you are a private employee, whether you have one million, two million or even 10 followers on Facebook, ang batas ho ay para sa lahat.

Kung aalisin mo iyong Facebook page ni Mocha aba’y marami ho tayong mga LGU, mga Congressman, mga Senador din na very active on their social media pages. So kapag inalis mo iyong kay Mocha, alisin mo lahat. Iyon lang iyong sa akin.

ERWIN: Alright moving on, Secretary. Kahapon nabanggit mo—nandoon po kayo sa hearing ng Senado, full force nga kayo. Natanong nga po ni Senator Chiz doon sa opening, sino daw ang tao sa Malacañang. Sino daw ang kasama ni Presidente? Ang sagot po ni Secretary Bong Go ay mag-isa raw, iniwan ninyo lahat si Presidente.

But anyway, sir, ang punto ko, ano ho iyong mensahe ni Secretary Bong Go kahapon na sinasabi niya, ‘Maghintay na lang, 2022 uuwi na kami ng Davao.’ What was that?

SEC. ANDANAR: Klarong klaro naman na napakadaming mga disinformation, misinformation, fake news na pinapakalat po ang iba’t ibang mga sektor, iba’t ibang mga kalaban natin sa pulitika.

So kitang kita naman natin na more than 80 percent ng ating populasyon ay may tiwala at naniniwala sa ating Pangulo. Kita naman natin na noong 2016 ay more than 16 million ang bumoto po sa ating Presidente – duly elected President of the Republic of the Philippines. Kita naman natin na napakadami pong ginagawa ng ating Pangulo.

Ito lang, itong NIC, National Information Convention, this is the first convention na tinipon natin ang mga IOs ng iba’t ibang barangay, iba’t ibang munisipyo, iba’t ibang probinsiya, iba’t ibang siyudad sa buong Pilipinas. As a matter of fact, simula pa lamang ito. Kita ninyo naman bago na itong Radyo Pilipinas ninyo partner. Kita ninyo naman iyong PTV, iyong Philippine News Agency, iyong ating—

ERWIN: PIA.

SEC. ANDANAR: Iyong ating PIA, iyong ating National Printing Office na iyong huling taon na nagkaroon siya ng bagong printing press na bagong makina ay panahon pa ni Erap, ngayon mayroon na ho tayong bagong makina sa NPO—

ERWIN: Iyan ba iyong ginaganoon-ganoon pa?

SEC. ANDANAR: Naalala mo noong tayo ay—

ERWIN: Mimeograph…

SEC. ANDANAR: Naalala mo noong tayo ay magkasama pa na mayroon tayong—

ERWIN: Medyo nauna ka sa akin ng kaunti, Sec.

SEC. ANDANAR: [laughs]Naalala mo na mayroon tayong binabanatan. Iyong mga nagpapatakbo noon ng NPO na walang nangyari. Ngayon tingnan mo naman ang daming nangyayari, ang daming bago, mayroon pa silang expansion program dito sa Mindanao. Saan ka nakakita ng NPO nasa Mindanao.

National Printing Office tatlo lang ho iyong allowed na government printing office, iyong NPO, iyong APO Production Unit at ito pong Bangko Sentral at dalawa ho under sa PCOO.

Kita ninyo naman iyong APO diyan noong tayo po ay pumasok sa opisina noong 2016 at hanggang 2017 ay tumaas po ang revenue mula 1 billion to 3 billion plus iyong revenue under the Duterte administration.

So marami hong pagbabago, hindi po natin maintindihan kung bakit ay pinilit po tayong sinisiraan, pilit pong nagpapakalat ng disinformation sa ating pamahalaan, misinformation, fake news, lahat ng kababayan natin dito ay naniniwala po sa ating Presidente.

Ngayon partner pati si Mocha… wala ng ibang mai-sulat, si Mocha ay inuupakan. Siguro panahon na siguro para si Mocha tumakbo na lang ng senador. At siguro kailangan din siguro ng isang Erwin Tulfo. Papayag ba kayo na mayroon pang isang Tulfo maging Senador?

ERWIN: Easy lang. Lahat doon nagkandidato na ho sa amin talo. Kaya ang Presidente na ho homeowners. [laughs]

SEC. ANDANAR: [laughs]Baka ano—baka nga binatukan mo iyong—pinakamalaking pamilya doon.

ERWIN: Sec., before we go on a break in a break again ano po. Ito ho iyong isa pang katanungan ko.

How is serious or real is this destabilization threat? Kasi ho matagal na nating naririnig pero I’m sure kayo ho nasa Cabinet napag-uusapan ho ninyo ito. I don’t know kung kasama kayo sa ika nga National Security Council ng Pangulo pero definitely, you have an idea. Is this destabilization real, kasi ito pong binanggit kahapon medyo ito po iyong mensahe ni Secretary Bong Go na mag-antay na lang kayo because we promise that 2022 pagkatapos ng termino ng Pangulo uuwi na kami ng Davao.

Answer that Sec., when we come back. Oras po natin bayan is 10:33 in the morning, araw po ng Martes at live na live pa rin po ng tutok Erwin Tulfo dito po sa Davao.

ERWIN: Nagbabalik po ang ‘Tutok Erwin Tulfo’ sa Radyo Pilipinas 738 kHz sa Metro Manila, pero naka-simulcast po sa iba’t ibang istasyon ng Philippine Broadcasting Service at kasama pa ho natin si… kauban natin pa rin si Secretary Martin Andanar.

Sec. mabalik ho tayo doon sa iniwan naming katanungan na pertaining po… how real and serious po itong sinasabi na destabilization? Kasi iyong mga opposition ang sinasabi po, ito po ay gawa-gawa lamang, ito po ay kathang isip lamang ng Malacañang.

Pero kayo ho sir, miyembro ho diyan ng Gabinete, is this real?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko partner, pagdating sa impormasyon ay mayroong mga balita na nakaka-destabilize. Kapag kumakalat po iyong isang disinformation, isang misinformation o ang isang fake news, nakaka-destabilize po ito sapagka’t itong mga balita na ito ay kini-carry po ito, ito po ay pini-pickup ng iba’t ibang mga pahayagan, iba’t ibang news organization sa labas ng bansa – partikular sa Amerika, sa Europe… na marami pong kumakalat na disinformation, na ang kanilang source po ay local news.

So sa palagay ko, I can only speak for the news that is circulating. Sa palagay ko, ay mayroon talagang mga reports na angled towards undermining this government. So ito ho ay nakakalungkot sapagka’t kahit na otsenta’y dos porsiyento at record high ang satisfaction rating ng ating Pangulo mula noong 1990 hanggang ngayon, ay pinipilit pa rin na sirain, gibain, i-undermine ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kahit na iyong mga tao na—kaya nga po hindi—I cannot…

ERWIN: Pero Sec., does it affect still the President nito, iyong mga banat? Sabi nga ng political analyst na parang Teflon ang Pangulo, I mean, tumatalbog lang kahit anong ibanat po, ano itapon mo ay hindi tumatalab sa Pangulo. So does this still affect the President?

SEC. ANDANAR: Hindi, tama kayo… Teflon ang Presidente, kahit anong banat nila.

Kaso po… siyempre iniisip po natin ang kapakanan ng buong Pilipinas. Now, kung mayroon pong mga konting maingay at dinadamay na iyong buong bansa, siyempre nagwawala iyong buong taumbayan. Kaya nga po napakasikat ni Presidente sa social media, sapagka’t sa palagay ng mga kababayan natin sa social media, mga DDS, ay aping-api si Presidente Duterte lalong-lalo na sa international media.

Now, ano po ang nade-destabilize dito? Iyong perception po ng ating bansa; iyong perception po ng mga dayuhan na pumupunta sa bansa natin. Sabihin nila, “Marami namang patayan diyan.” “Alam mo, marami naman drug war na baka madamay pa kami,” etcetera… which is completely false. Sapagka’t ang ating kapulisan ay very careful sila sa kanilang drug war. Sasabihin na 13 thousand iyong namatay, pero iyong official count ay nasa tatlong libo.

Now, I know that—alam ko na hindi maganda na may mamatay, pero pangit ho na ini-exaggerate natin. This war against drugs is an official war against drugs. ‘Pag mayroon pong operasyon, authorized po iyon, wala pong nilalabag na batas. Kaya ‘pag lumalabas po iyong disinformation, misinformation sa ibang bansa ay nasisira iyong perception ng mga dayuhan.

Mayroon tayong… partner, mayroon tayong Build, Build, Build na project… mayroon tayong mga proyekto para makahikayat ng mga investors… siyempre nababago iyong kanilang isip. And to the government, we must then exert more effort para to counter that. But the problem is, iyong pinapakalat ay disinformation nga, misinformation… so it’s very unfair for the President.

ERWIN: Sir, iniimbitahan po ang Pangulo ng European Union na pumasyal doon. But ang Pangulo ika nga, turned down the invitation kasi pakiramdam niya, baka kawawain lang siya. Kayo sir, sa PCOO, alam ko isa kayo sa mga nagbibigay din ng payo at hinihingan din ng opinyon ng Pangulo, ano ho ang advice—anong basa ninyo rito? Hindi ho kaya mawawala iyong ating, ika nga, magandang relations with the European Union sa pag… ika nga, deadma ng Pangulo doon sa imbitasyon ng European Union, sir?

SEC. ANDANAR: Ang ayaw ho kasi talaga ni Presidente ay iyong nag-i-interfere sa ating bansa. Mayroon po tayong non-interference policy sa bansa natin, dito sa ASEAN, at ang gusto ni Presidente ay independent foreign policy. Ngayon kung mayroon pong tulong na nanggagaling sa ibang mga bansa, ay dapat wala pong nakasabit doon na conditions kung bakit tumulong. Kung tutulong ka, tumulong ka nang kusa, tumulong ka na walang kondisyon.

Now the President wants every Filipino to be patriotic. Dapat ho ay makuha natin muli iyong ating pagka-patriotic; maipakita natin muli iyong ating pagka-nationalistic at kailangan ay ma-determine—dapat mayroon po tayong self-determination, hindi po tayo sumusunod-sunod lang sa utos ng ibang mga bansa sa Europe or sa Northern America – dapat hindi ho ganoon. Matagal na ho tayong independent, dahil iyon po ang gusto ng ating Pangulo.

Kaya nga po, kapag mayroon pong mga grupo/organisasyon o gobyerno na nakikialam sa ating bansa, sa pamumuno o sa ating mga polisiya ay hindi po maganda para kay Presidente ‘yan dahil… huwag ninyo kaming pakialaman dahil kami po ay isang sovereign country. Matagal na ho kaming walang colonial father o colonial mother. Matagal na ho tayong hindi colony ng isang superpower.

ERWIN: Sec. sandali lang ha, papasukin muna natin itong report…[LIVE REPORT]

So Sec., can you give us briefly… paki-explain ho ito. Ano ho ba itong Duterte App? Kanina ho pagpasok ko na, may naririnig ko, may pinag-uusapan o may sinasabi ho kayo. What is the Duterte app, para sa kaalaman ng mga kababayan natin lalo na ng mga OFW? Ano ho ito? Saan makukuha ho ito?

SEC. ANDANAR: Oo. Itong Duterte application ay puwede pong i-download ito sa Google Play or sa Apple Store. At ito po ay isang application na magbibigay ng update sa lahat ng ginagawa po ng ating Presidente. So dito po ay mayroong mga updates patungkol sa ating bansa, the weather of our country; mayroon din pong update sa mga ginagawa ni Presidente, lahat ng social media pages po ni Presidente ay nakadikit ho doon sa application – Facebook, Twitter, mayroon din pong Instagram, mayroon din pong Radyo Pilipinas, mayroon din pong PTV.

And then, kung mayroon po kayong—mayroon din pong isang feature doon na you can caption any photo of the President, tapos mayroon tayong konting game na mananalo kayo kung maganda iyong caption ninyo, kayo’y mananalo.

ERWIN: Matanong kita Sec., kasi sabi ninyo ay… so puwede bang maging source ito ng mga kababayan natin, kung may Duterte app sila, kung may natanggap sila—may mga balita na medyo nag-aalangan sila, puwede silang pumunta dito sa Duterte app to countercheck iyong mga ika nga stories about the President?

SEC. ANDANAR: Opo, i-countercheck ninyo. Mayroon din po dito iyong ‘Special Message of the President’ from the President himself, na iyong Presidente mismo magde-deliver ng message niya diretso sa may-ari ng application.

Mayroon din pong survey dito, tatanungin kayo kung anong dapat—for example, ano ba ang dapat gawin sa MRT, iyong mga ganoon… And then mayroon din po tayo dito iyong Media Channels, kasama nga iyong PTV, Radyo Pilipinas at PNA; mayroon din po tayong gov.ph, iyong website; at tapos mayroon din po tayo dito partner, itong special feature na puwedeng tawagan kaagad iyong 8888 at iyong 911.

So itong application na ‘to ay dini-develop pa natin, marami pang mga bagong features. For example, iyong feature na puwede mong picture-an iyong isang—for example, mayroong krimen na nangyari, puwede mong kuhanan iyon papadala mo kaagad sa PNP – puwedeng video, puwede ring photo.

ERWIN: Ganoon kabilis ha…

SEC. ANDANAR: Napakaganda po nito, pero we will still have to talk to the Philippine National Police para ito po ay maging parte ng ating application. Pero tapos na po iyong feature na iyon.

ERWIN: Is that part of—‘yang Duterte app na ‘yan, part of the, ika nga iyong campaign ninyo na war versus fake news?

SEC. ANDANAR: Of course, kasi—

ERWIN: And what is this war on fake news, sir?

SEC. ANDANAR: Oo, kasi siyempre itong Duterte app, lahat ho ng mga balita na ginagawa ng Presidente, iyon lamang iyong mga tamang facts na nakalagay doon ay lalabas po dito.

Now itong war against misinformation, disinformation and fake news, ay gagawin po natin ito katuwang ang ating more than 1,500 Information Officers sa buong Pilipinas. Hindi po ito kaya ng PCOO lamang, kailangan po ng tulong ng buong IOs sa buong bansa. At ang giyera po na ito ay ilulunsad natin sa pamamagitan ng isang media literacy program kung saan ang ating mga Information Officers sa kani-kanilang mga probinsiya ay mayroon po tayong gagawing module na kung saan ay ituturo nila ito sa mga kababayan natin.

We will also talk to DepEd para po ito po ay isama rin sa curriculum ng mga estudyante – a media literacy program. Sapagka’t hindi po natin maiwasan na iyong social media – iyong mga Facebook, iyong mga Twitter, iyong iba’t ibang mga soc-med platforms ay laganap na po at ito po ay parte na ng buhay ng bawat Pilipino.

ERWIN: Sir, I have last two questions before we let you go ano. I know marami pa ho kayong gagawin.

May katanungan ho rito, inabot lang ho sa atin. Ang sinasabi ho, iyong mga government information officers lalo na po iyong sa mga local government units ay designated lamang ho, kung kaya’t hindi sila nagiging effective sa kanilang trabaho sa information. Ang tanong po rito Sec., ano kaya ang maitutulong ng PCOO sa sitwasyong ito?

SEC. ANDANAR: Sa pag-ikot po namin partner, ng PCONet, tayo’y nagpunta sa Surigao Del Norte, Agusan Del Norte, nagpunta tayo ng General Santos, nagpunta rin tayo sa Luzon, sa Pangasinan, at marami pang mga lugar… sa Cebu at sa Samar – ito rin po ang problema, na hindi nga designated. Meaning, ang isang Municipal Administrator ay dumo-double bilang Information Officer. Now kapag nawala na po iyong Mayor dahil grumaduate na o natalo, dahil ito po ay hindi isang plantilla position, ito po ay isang contractual position, ay nawawala din po iyong Information Officer.

So therefore itong NIC, dahil pinirmahan ito ni Executive Secretary Bingbong Medialdea at sinuportahan ni Secretary Año ng DILG, ito’y panimula na malaki iyong tsansa na obligahin ni Presidente Duterte ang lahat ng mga LGU na magkaroon ng isang plantilla position para sa isang Information Officer. Ito po ay tinatrabaho natin, huwag po kayong mag-alala… pero baby steps po tayo, at least ngayon magkakasama tayo ngayon sa isang bubong, ang mga Information Officers at ito po’y mapaparating natin kay Secretary Año, kay Executive Secretary Bingbong Medialdea at kay Pangulong Duterte.

ERWIN: Hindi na ho ba kailangan ng batas ho diyan na creating iyong position na ‘yan as a regular position/plantilla? Tama ho kayo, napapansin ko ‘pag pumunta ako sa mga maliliit na mga bayan-bayan o mga munisipyo, wala pong Information Officer. Kadalasan… usually iyong municipal administrator—minsan nga iyong Chief of Police ho iyong nagiging Information Officer. Hindi ho ba kailangan ng batas ‘yan, executive… ika nga, order lang ho ba ‘yan?

SEC. ANDANAR: Siguro simulan natin sa isang executive order, tapos maghanap tayo ng isang congressman at isang senador na magshe-shepherd ng batas na ito, na kailangan obligahin o amendment sa batas, na kailangan obligahin ang lahat ng ating LGUs na mag-appoint ng isang Information Officer.

Ngayon naman ay… we are already here under one roof. Ito po ay magandang step na towards that direction, nagkakaintindihan po. Siguro at the end of this 3-day event, magkaroon tayo ng manifesto, lahat ng mga IOs at ang manifesto na iyon dadalhin ko kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para gawing plantilla na po ang mga IOs.

ERWIN: ‘Ayun… alright. Pero sir bago kita bibitawan, kumustahin ko lang po, may mga nagpapakumusta ho rito, iyong pinirmahan ni Pangulo na executive order, iyong para sa transparency, iyong—

SEC. ANDANAR: Iyong freedom of information…

ERWIN: Oo, iyong freedom of information na hindi pa naipapasa. Pero Inuna na ninyo, ginawa na ninyo. Kumusta na ho ito, how are we doing there?

SEC. ANDANAR: Lahat po ng mga ahensiya na sumunod na ho sa order ng FOI, iyong nakapaggawa na po ng kanilang mga manual ay mayroon na po silang mga natatanggap na mga information, mga requests for information. Ito po ay maganda sapagka’t marami po tayong nabibigay sa media rin ng mga impormasyon na gusto nila para sa kanilang mga sinusulat.

So this is really a step towards that direction, at ang ating inaasahan ay iyong ating… ang ating mga congressman, ating mga senador ay gawin na itong batas din. Sapagka’t until such time ay kulang talaga, because ito ay executive order at ang kasama lang nito ay lahat ng mga ahensiya sa ilalim ng executive branch.

ERWIN: Pero sir, malaki na rin ho ang tulong ‘di ho ba? Kunwari ako, a private citizen, gusto ko hong malaman magkano ba ang kinita ng BIR. So does it mean to say, pupunta ako sa BIR o susulat ako? Then I will say, “Magkano po ba ang

…na koleksiyon ng BIR.” Can I do that right away?

SEC. ANDANAR: Ang gawin mo lang partner is, bago mo puntahan iyong BIR, ay pumunta ka sa foi.gov.ph sa internet. I-check mo iyong website at doon ka magtanong. Kasi most likely, iyong tanong mo ay may sagot na. Most likely ay naka-download na iyong data noon sa foi.gov.ph dahil nga iyong open government na website ay isinama na rin natin doon para hindi aksaya.

Ngayon ‘pag wala po, doon po kayo mag-i-inquire kung puwedeng kumuha ng impormasyon. You don’t have to go to the agency, puwedeng ipadala sa’yo or puwede ring puntahan mo iyong ahensiya.

ERWIN: Sir, are you optimistic na Ipapasa ito ng Kongreso at Senado, aba’y para naman nilang binuhusan iyong sarili nila ng mantika?

SEC. ANDANAR: Well nasa mga Congressman na ho at mga Senador iyan, basta ang mahalaga ang ating Pangulo noong pinangako niya itong freedom of information na ipapasa niya ay ginawa niya ho kaagad ito bago pa man mag unang SONA. Hindi po tulad noong iba na puro pangako lang sa kampanyahan at anim na taon nating hiningi at hindi naman ibinigay.

ERWIN: Alright. Maraming salamat po, Secretary Martin Andanar. Thank you for dropping by dito po sa aming…

SEC. ANDANAR: Congratulations, at ako po’y nagdarasal na mas lalo pang lumakas ang iyong programa partner. At sana po ay… I hope that you take the call of your countrymen to run for senator, sapagka’t ikaw po ay nasa SWS survey. Thank you.

ERWIN: Easy… Maraming salamat po. Si Secretary Martin Andanar.

END

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource