ORLY: Okay. Ano ba ang reaksyon ninyo dito sa napabalita that the intelligence community has named President Digong as a threat to democracy in South East Asia?
SEC. ROQUE: Well, nakakabahala po talaga ito. Dahil unang-una, ang buong akala ko ay kaibigan natin ang America, hindi ito isang bagay na sinasabi ng isang kaibigan sa buong mundo. Parang nasiraan kasi tayo rito, di ba.
At pangalawa po, nakakabahala po ito dahil ito ay nanggagaling sa intelligence community ng Amerika. At kung tayo ay banta, ang aking ikinakabahala iyong mga pangyayari na ang intel-community rin ng America na nagpabagsak ng iba’t-ibang mga gobyerno, lalo na diyan sa Central America. At ito ay hindi naman haka-haka lamang.
Established iyon, desisyon, ang International Court of Justice, iyong tinatawag na World Court na doon sa Nicaragua, talagang iyong intel-community ang nanguna para pabagsakin iyong Sandinista government ng Nicaragua at ito ay isa lamang dokumentandong kaso ng panghihimasok.
ORLY: Dito sa deklarasyon na ito, ano ba ang tingin mo rito, gaano ka-importante ba ito? This is from the Office of the Director of the National Intelligence, pero ang binabanggit dito ay parang ano… okay, si Hun Sen ng Cambodia, binabanggit dito iyong mga Thai military na ngayon ay sila ang namamayagpag sa Thailand at ang kaso ng Rohinga na kung saan Myanmar naman nag involved.
SEC. ROQUE: Iba’t-iba po tayo, kasi tayo po ay halal ng bayan ang ating Presidente at gumagana iyong ating mga institusyon sa ating demokrasya. Bakit mo naman ikukumpara si Presidente kay Hun Sen, si Hun Sen alam naman natin na bukod sa pinakamatagal na nakaupong namumuno sa Asia,walang kahit sinong naghalal diyan. Iyung Thai junta, hindi naman talaga nahalal iyan, sila ay nakarating sa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang coup.
Pero ang Presidente po, six milyon ang agwat doon sa pangalawang kandidato. So hindi ko po maintindihan, bakit ganyan na kinukumpara tayo.
ORLY: Makita ninyo ang sinasabi nila autocratic tendencies ang sinasabi, binabanggit nila ang pag-corruption, cronyism. Ano po ba ang reaksyon ninyo dito sa mga statements na ganito?
SEC. ROQUE: Wala nga pong wala pong batayan iyan at ito po ay lantarang panghihimasok at hinahayaan ko na po ang ating Secretary of Foreign Affairs magdesisyon kung sila ay maghahain ng diplomatic protest. Naiintindihan ko po na sinabi ni Speaker Alvarez na dapat basahin natin ang ganyang protest; pero hindi po talaga nakakatuwa iyang ganyang deklarasyon.
ORLY: Ang Estados Unidos ay treaty ally natin. Sa totoo lang ay wala naman tayong kaalyado na bansa. But we have a signed mutual defense treaty with them. Ano ang impact niya doon sa ganoong arrangement and how do we take the criticism of our Presidente in that context?
SEC. ROQUE: Well, talaga pong kinukuwestyun natin ngayon ang basehan ng pagpatuloy ng ating pagsasamahan kung ganyan ang sasabihin ng ating treaty ally. So, kung talagang ang tingin nila tayo’y banta sa demokrasya, paano pa natin maasahan na ang isa’t-isa ay gagampanan ang katungkulan, sang-ayon diyan sa tratado na ating ipinasok sa kanila.
ORLY: Maari bang masabi natin na misinterpretation or miscommunication. Kasi itong mga binabanggit naman nila na iyong threat daw ng Pangulo, na magkakaroon ng revolutionary government, tapos iyong mga sinasabi nilang of the off the cup remarks ay maaring ine-interpret—Is it possible, it’s overly interpreted, ano ang tingin mo?
SEC. ROQUE: Hindi po. Talaga pong ito po ay isang paghuhusga na walang basehan at hindi po pupuwede kasing misinterpretation, dahil nilinaw naman ng Presidente na talagang gagawin lang niya iyong revolutionary government kung magkakaroon ng banta sa seguridad ng bayan at naghihingalo na iyong ating bayan.
So hindi ko po alam kung paano magiging misinterpretation iyan; nakaka-abala po ay ito talagang konklusyon na walang basehan, either in fact of in law.
ORLY: So, ano po ba ang gagawin ng Pangulo at sa tingin ninyo ang sentimyento niya tungkol dito and how does he view this report about US intelligence?
SEC. ROQUE: Well, siguro po, sabihin na lang natin na may basehan talaga ang Pangulo nung siya ay nagdeklara na tayo po ay magpu-pursue ng isang malaya, independiyenteng panglabas na relasyon dahil nakita po natin na talagang kinakailangan talaga natin ng mga bagong kaibigan kung ganyan ang sasabihin ng isang bansa na tinuturing nating pinakamalapit na kaibigan.
ORLY: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Thank you very much sa iyong pagsagot sa aming tawag.
SEC. ROQUE: Salamat po at magandang umaga po.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)