Interview

Ambush interview with Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Ambush Interview
Location Sara, Iloilo City

SEC. ROQUE:  Ang huling deklarasyon po is a total deployment ban. I do not know if it has changed since. But If I am not mistaken, wala pa rin pong bagong pino-process papuntang  Kuwait.

Q:  off mic.

SEC. ROQUE:  Yes po, kasi nandoon na iyon eh. Opo kasi approved na iyan ng POEA eh. Ang ban po is on new OECs.

Q:  Pero are there also programs for the supposedly OFWs who will be going to Kuwait para hindi na  lang  sila tumuloy doon and they will have fall back here in the Philippines?

SEC. ROQUE:  Nag-anunsyo po ang TESDA, may mga special training program po sila para doon sa mga na-dislocate na mga Kuwait bound workers natin. Ang isang komento nga po sa Senado kahapon, hindi naman pala ganoon kalaki ang suweldo sa Kuwait,  dito na lang sila magtrabaho.  Halos wala namang deperensiya  ang kita dito sa Pilipinas  lalo na may TRAIN na hindi na magbabayad ng buwis  ang 250,000 ang below. So  iyon din po ang payo natin, hindi  na po tayo ganoon kahirap  na maghanap ng trabaho a Pilipinas, dahil isa sa pinakamabilis na  po tayong  umunlad na ekonomiya sa buong mundo.

So, although, iniisip ng mas marami na mas  madaling magtrabaho sa ibang bansa po, marami na  ring pagkakataon po dito sa  Pilipinas.

Q:  Sir, apart from the training program, kasi mag-aaral sila eh. Is there going to be parang a fund for their start up to their business?

SEC. ROQUE:  Alam n’yo po meron namang assistance na nabibigay talaga ang OWWA. Lalo na doon sa mga na-displaced ‘no, so hindi lang naman po TESDA ang nagbibigay ng tulong niyan, meron  din pong makukuhang tulong sa OWWA. At marami pa pong programa siguro na masisimulan ngayon ng DOLE dahil nga sa mga pangyayaring ito.

Pero hayaan  muna natin na magkaroon din ng oportunidad na gumawa ng opisyal na mga hakbang  iyong iba’t-ibang sangay ng gobyerno ngayong nagkaroon ng deployment ban papuntang Kuwait.

Q:  Sir, can we also ask you on news report by amnesty international. I’m sure this  has been  asked by the press, pero binabanatan daw si Pangulong Duterte sa kanyang human rights policy and iyong mga EJK, freedom  of expressions, silencing critics, nilinya nila si  President sa iba pang mga world leaders  who  callously violate human rights like Xi Jinping and Pinochet.

SEC. ROQUE:  Ang pagkakaalam ko lang po, tanging si Presidente Rodrigo Roa Duterte lamang ang  nagpatigil ng deployment sa mga bansa kung saan  binibiktima po at binabalewala ang karapatang-pantao ng ating mga kababayan. Sa akin po, hindi po iyan gawain ng isang human rights violator.

Q:  Sir, clarification lang po. Sabi ninyo kanina, yung ban ngayon is for new OECs. Ibig sabihin iyong mga first time OFWs na pupunta ng Kuwait, mayroon po bang assistance na ibibigay sa kanila, kasi karamihan dito gumastos na dahil na process na sila tapos biglang ihinto iyong…hindi sila pinayagan umalis?

SEC. ROQUE:  Well, ang alam ko po ang immediate na  tulong na  maibibigay ay nagpalabas na po ng panawagan ang ating gobyerno para sa mga iba’t-ibang embahada at konsulada natin  na humanap ng ibang mga destinasyon para  doon sa hindi na makakatungo sa Kuwait. At ang panawagan po ay  humanap ng mas  maraming pagkakataon doon  po sa mga bansa na nakalagda naman sa ILO Convention  na kumikilala sa obligasyon ng mga estado na ipatupad at bigyan ng reyalidad iyong kaprapatan ng mga migrant workers.

May mention nga po, special mention of Oman and Bahrain, kasi wala  raw mga reklamo iyong mga Pilipino doon sa mga bansang ito.

Q:  Aside from Oman and Bahrain, ano pa iyong mga ibang bansa?

SEC. ROQUE:   Well, marami naman po, pero ang binibigyan po natin ng prayoridad, iyong mga lumagda na sa ILO Convention recognizing the rights of migrant workers.

Q:  Pero sir mabibigyan ba ng priority iyong mga na-displaced sa pagpunta ng Kuwait supposed to be?

SEC. ROQUE:  Well, iyon po iyong panawagan nga para magkaroon ng immediate destination for those na nagnanais na mag-ibang bansa. 

Q: [OFF MIC]

SEC. ROQUE: There has been subsequent presidential directive. It was issued actually 2 o’ clock Tuesday that Rappler is now banned from the entire Malacañang complex.

Q: Why is that, sir?

SEC. ROQUE: I think I’ve already said why it is. She continued… she was allowed to cover Malacañang after Rappler was declared to be controlled by foreigners by the SEC only because of liberality of the President. Liberality ceased because of her insistence that her fake news was in fact news. It’s not really the fact that she reported fake news, but her insistence after the Senate hearing that her story was still true that really led to the decision to ban her. We cannot allow anyone into the President’s home especially a person who insists on disrespecting the home by reporting fake news.

Alam ninyo po mga kababayan, intindihin na po natin, bagama’t ang Malacañang Palace ay pag-aari ng Pilipinas, tahanan pa rin po iyan ng Presidente, hayaan nating huwag papasukin ng Presidente ang mga taong binabastos siya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga fake news.

Q: [OFF MIC]

SEC. ROQUE: I cannot imagine General Dagoy saying that. So I cannot comment on an alleged statement that he said because I did not hear it. What I can tell you, the President will not countenance the use of violence against civilian population that is why he branded that NPA-CPP as terrorist organization because they continually target civilian population.

In fairness, I will not comment on a statement attributed to General Dagoy because I cannot imagine General Dagoy can say that. If he will arrive later on, I will confirm but I’m almost sure that he will deny saying that. Because I understand this is, again, reported by Pia Rañada in a supposed tweet. But I did not hear it from the horse’s mouth and I cannot confirm that he said.

Q: [OFF MIC]

SEC. ROQUE: Because of the fake news. Because of the fake news and the fact that he has had very good relations with Pia Rañada, and he felt that he should be the last to be victimized by fake news.

Q: [OFF MIC]

SEC. ROQUE: Hindi po. Pamamahay po ni Presidente iyon. Anong sinasabi ninyong silencing for dissent? Kahit sino po, kapag binastos tayo sa tahanan natin, palalabasin natin. Huwag po nating freedom of the press issue ito; kabastusan po ito sa pagapapakalat ng fake news doon sa tahanan ng isang tao.

Q: [OFF MIC]

SEC. ROQUE: Well, hindi po kasi ata naman ni-require iyong bilateral agreement para magpadala. So hindi po illegal na magpadala sa Kuwait maski walang bilateral agreement. Pero ang pinag-aaralan po kung mayroong kapabayaan iyong ilan sa ating mga taong gobyerno dahil parang napakatagal nawala ni Joana, ‘di ba po. So iyon po ang pinag-aaralan ngayon. Pero na-recall na po lahat iyong mga labor attaches at OWWA welfare officer na dati pong nakatalaga diyan sa Kuwait.

Q: [OFF MIC]

SEC. ROQUE: There will be investigation. At kapag napatunayan na may kapabayaan o may violation ng anti-graft laws, sigurado pong sila po ay makakasuhan. Pero hayaan muna nating maimbestigahan. Okay?

Pinapatigil na po ako dahil mukhang malapit na ano. Pinapatigil na po ako. Maraming salamat po ha.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

 

 

Resource