Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Trinidad & Fernan Gulapa (Natural-DZBB)


Q:  Si Secretary Harry Roque. Hi Sec., magandang gabi po sa inyo Secretary Harry.

SEC. ROQUE:  Magandang gabi Orly at Fernan, sa ating mga nanonood at nakikinig.

Q:  Pasensiya na po at kahapon ay papatawag kami sa inyo, pasakay na pala kayo ng eroplano.  Alam ninyo ho ba pumasok ho iyong sagot ninyo sa text, ala sais y media na po ng gabi.

SEC. ROQUE:  Ganoon po ba?

Q:  Oo, iyong pag-text ko po sa inyo kahapon. Kaya sabi ko, may problema talaga tayo sa mga telecommunications company.

SEC. ROQUE:  Ay palpak po talaga…

Q:  Sec., kumusta ba iyong kamay ng Pangulo? Totoo ba namamaga ngayon dahil napasuntok daw sa pader?

SEC. ROQUE:  Ay naku [choppy line]… Hindi ko naman napansin na namaga ang kamay niya. Wala naman pong ganoong…

Q:Wala naman. Baka naman napitik lang.

SEC. ROQUE:  Oo. Kakagaling ko lang po ng Davao, kakarating ko nga lang po noong tayo’y [choppy line]…

Q:  Sandali lang, nawawala signal ni Secretary Roque…

Q:  Isa pa, didiretsahin ko na ho tutal kabisado ninyo po ang international law Secretary Roque. Ang proseso pala diyan, naipagbigay-alam na ho yata kanina ng ating Ambassador na si Teddy Boy Locsin sa UN iyong ating hangarin na pag-withdraw ng ating pirma sa Rome Statute na bumubuo po ng International Criminal Court o ICC. Pero ito ho pala ay maituturing na effective after a year, tama po ba iyon Secretary?

Q:  Naku… iyon po talaga ang sitwasyon ng ating mga telecoms… Hindi ko nga maintindihan kung—dapat diyan kung puwede lang ngayon ay ngayon na… ‘Yan na…

SEC. ROQUE:  Oo Orly and Fernan, talaga naman pong napakapalpak para gumana ang isang signal ng telepono, kailangan tumigil.

Q:  Oo nga. Kailan ba papasok iyong pangatlong telco kasi?

SEC. ROQUE:  Well iyon nga po, medyo naantala. Pero inaasahan natin na sa taong ito’y magkakaroon tayo ng pangatlong telecoms player.

Q:  December? [laughs]

SEC. ROQUE:  Mas maaga po sa Disyembre…

Q:   Okay. Iyong kanina pong binabanggit natin, ang sistema pala dito o ang proseso pala after a year mai-inform ang UN dito kaugnay ng ating pinirmahang Rome Statute eh saka pala magte-take effect pala iyong ating—kung tayo’y ano, pag-uusapan pa ba kung aalisin o after a year talagang tanggal na tayo o aalisin na iyong ating pirma sa Rome Statute, Secretary.

SEC. ROQUE:  ‘Yan po ang nakasaad sa Rome Statute [choppy line]…

Q:   Secretary? Alam ninyo, galit ho yata talaga sa inyo iyong… iyong provider po ninyo. Alam ninyo…paki-imbestiga ninyo po, dahil mula po kanina ang signal ninyo para kayong Robocop, oo.

SEC. ROQUE:  [Choppy line]… ‘yan po sa Rome Statute ng isang taon. At mayroon na po siyang [choppy line]… uusad ang kaso doon sa preliminary investigation at [choppy line]… So, kailangan ng kooperasyon ng isang bansa sa isang imbestigasyon sa prosecution [choppy line]… Of course, mayroon silang obligasyon na makipag-cooperate at kung ayaw [choppy line] Sa tingin ko, iyong mga binitawang salita ni Pangulo na walang hurisdiksiyon sa kaniya ang ICC, ay mahihirapan ng [choppy line]…

Q:   Teka lang, teka lang…

SEC. ROQUE:  Mahihirapan po talaga dito sa Pilipinas kung itutuloy nila [choppy line]…

Q:   Naku Sec., sayang po iyong binabanggit po ninyo. Mayroon bang ibang number si Secretary kaya sa kabila?

Q:    Secretary can you move to your left?

SEC. ROQUE:  ‘Ayan, ‘ayan…

Q:   Iyong possibility na ito ay… puwede bang hindi na umabot ng one year, iyong ating pagwi-withdraw sa Rome Statue, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, pag-aaralan pa po [choppy line]…

Q:   Palitan natin iyong linya. Sayang iyong binabanggit ni Secretary Harry Roque. [COMMERCIAL BREAK]

Q:  Secretary Harry?

SEC. ROQUE:  Opo, opo.

Q:  Okay na mukhang Biyernes Santo iyong linya natin.

SEC. ROQUE:  Oo iyan ang nakasaad doon sa Rome Statute, isang taon. Pero pag-aaralan ko po iyan kasi nakasulat din diyan na pupuwedeng mas maaga. So titingnan po natin kung pupuwedeng mas maaga at ako naman, ang sinasabi ko naman ay pag-aaralan lamang pero ang dahilan po ng ating pag-aalis sa Rome Statute ay iyong hindi pagkilala noong prosecutor ng tinatawag na complementarity na hindi dapat gumalaw ang ICC hangga’t gumagalaw ang mga lokal na mga hukuman.

So sa akin kung ang pula ay nanggaling mismo sa hukuman,  bakit naman tayo matatali sa isang taon. Tayo naman hindi naman tayo umaatras sa ating obligasyon. Kung hindi nila nila nilabag iyong basehan kung bakit tayo pumayag na maging miyembro ng ICC, hindi sana nagkaganito. Pero nagkaroon na nga ng paglabag na iyan, so pag-aaralan ko po kung talagang isang taon iyan.

Q:  May mga—parang ang dating sa iba—papaano ho ba iyong mga—ang implikasyon kasi mukhang tutuluyan ng kaso ng ICC kaya ganito ang desisyon. Papaano ho ba ang sagot po doon ng Malacañang?

SEC. ROQUE:  Well, gaya nga ng sinabi ng ICC mismo na pupuwedeng magtuloy ang imbestigasyon maski na tayo ay umalis sa tratado. So sa akin po ay the fact na pupuwedeng tumuloy iyan ay magpapakita na ang pag-alis natin ay sa kadahilanan, bukod pa doon sa umiiwas na pananagutan ng Presidente. Ang sabi ng Presidente, walang hurisdiksyon ang hukuman sa kaniya. At iyan ang kaniyang magiging paninindigan hanggang siya ay mamatay, na hindi pupuwedeng magkaroon ng hurisdiksiyon ang ICC sa kaniya. At sa akin naman malinaw iyan sa tratado. Habang bukas at gumagana ang mga hukuman natin at mapapanagot ang mga mamamayan natin ay hinding hindi dapat mag-ehersisyo ng hurisdiksiyon ang ICC.

Q:  Mabigat yata iyong inilagay sa sulat ni Ambassador Teddy Locsin ano, na nagagamit, napo-politicize ang ICC. Tama po ba iyon, iyong words na nandoon?

SEC. ROQUE:  Tama po iyon, paano ba namang hindi natin sasabihing hindi na-pulitika ang nagrereklamo, pulitiko tapos inaktuhan,  kahit na bukas at masiglang-masigla ang mga hukuman, natin dito nga sa ating bayan.

Q:  Alright, Fernan baka may tanong ka pa tungkol sa ICC kasi dito na ako sa DOJ.

Q:  Secretary Roque, iyong binabanggit po ng Pangulo. Iyon pa rin po ba ang paninindigan natin na hindi valid iyong pagsapi ng Pilipinas dito po sa ICC or sa Rome Statute dahil doon sa hindi nai-publish iyong pagsapi natin—?

SEC. ROQUE:  Isa lang po iyan, oo isa lang po iyan sa mga kadahilanan, pero ang talagang nilabas na ICC prosecutor, iyong ating paninindigan na kaya lang tayo naging miyembro ng hukuman ay hindi sila gagalaw habang bukas at gumagana ang ating mga lokal na hukuman.

 

Q:  Iyong mga banat po ng mga kritiko ng Pangulo na kaya tayo umatras natatakot ang Pangulo na maimbestigahan?

 

SEC. ROQUE:  Well gaya ng sinabi ko kanina po ay ang ICC na ang nagsabi na kung tayo ay umalis o hindi, magpapatuloy pa rin ang kaso kung gusto nilang ituloy. So iyan po ay patunay na hindi tayo umalis para lang makaiwas sa pananagutan.

 Q:  Talaga po bang matagal bago matapos ang isang kaso ng ganito. Wala na daw sa panunungkulan sa 2022 ang Pangulo, hindi pa tapos itong kaso na ito na ICC, Secretary?

SEC. ROQUE: Kasi iyong sa kaso sa Columbian labing-tatlong taon na pong nasa preliminary examination tapos iyong ibang mga kaso pa, mga sampung taon na nagpe-preliminary examination pa rin. Ang isa lang pong mabilis ay iyong sa Burundi, pero paumanhin po sa ating mga kapatid na Afrikano pero hindi naman natin maihahambing ang hukuman ng Burindi sa Hukuman ng Pilipinas.

Q:  Oo naman. [laughs].

SEC. ROQUE:  Pasintabi na lang po. Alam ko po na medyo masakit pakinggan iyon pero kaya nga nakakainsulto sa atin na sasabihin nilang hindi gumagalaw ang ating mga hukuman.  Tingnan mo nga nagkakaroon nga tayo ng impeachment proceeding dahil kasi itong Chief Justice – lumalaban ang Chief Justice – na nagpapakita na malakas ang institusyon ng ating Hudikatura.

Q:  Alright. Naipagbigay alam na ho ba sa inyo sa Malacañang, Secretary ito pong pagsasailalim sa provisional protective custody ng DOJ kay Janet Lim Napoles?

SEC. ROQUE:  Iyan naman po ay desisyon ng Secretary of Justice. Hindi naman sila—hindi po pinanghihimasukan ng Presidente ang pang-araw araw—

Q:  Yeah, I understand.

SEC. ROQUE:  Iyong departamento. So na kay ano po iyan, Secretary—kumbaga ang pagkakaintindi ko, ang pagkakaalam ko talaga, hindi pa po siya admitted sa WPP at pinag-aaralan po na kung talagang siya ay maa-admit diyan. At iyong desisyon lang iniiwan ng Palasyo hindi lang sa DOJ kung hindi iyong Panel of Prosecutor na sila po ang mag-aaral kung karapat-dapat lang o hindi.

Q:  Oo kasi sa report ngaon parang place under, ibig sabihin parang inaprubahan na pero…

Q:  May certification na po…

SEC. ROQUE:    Hindi pa po.

Q: Parang recommendations pa lang pala, oo, suhestiyon pa lang.

SEC. ROQUE:  At hindi na po para manghimasok ang Presidente.

Q:  Pero itong—iyong mga nakaraang mga buwan ang binabanggit ay—ito ang posibleng mangyari kapag may mga binanggit si Napoles na mga tao noong mga nakaraang administrasyon na talagang involve sa PDAF scam na hindi naisama noong nakaraang administrasyon dahil tatlo lang ang kinasuhan noon, si Manong Jonny, si Jinggoy at saka si Bong Revilla, Secretary?

Naku po, nawala na naman. Secretary pakiulit po iyong binabanggit ninyo, napakaimportante po noon.

SEC. ROQUE:  Ang importante po ay mapanagot ang lahat ng mga sangkot diyan. Panatag po ang Malacañang [unclear], ang prosecutors ay gagawin ang lahat para mapanagot ang mandarambong sa ating bayan.

Q:  Are you—importante kasi napuputol. So ang binabanggit ninyo ay iyong talagang involve, malaman natin through Janet Lim Napoles. Tama po ba iyon, Secretary?

SEC. ROQUE:  [inaudible] prosecutor ayon kay DOJ Secretary nga, Kung kinakailangan talaga ang testimonya ni Janet Lim na mapanagot ang lahat ng mayroong kasalanan.

Q:  Kasi ang mga usap-usapan ngayon parang hindi naman daw malalaman ni Napoles kung walang nagturo sa kaniya, kung walang nagbigay sa kaniya ng idea kung papaano patatakbuhin. Iyon iyong mga ano eh, iyong mga initial na mga balita o mga report noong mga nakaraang buwan ho kasi, taon, Secretary?

SEC. ROQUE:  (garbled).

Q:  [laughs]. Mukhang bumalik yata sa inyo iyong galit sa inyo ng inyong provider, Secretary. Kanina okay na. Ngayon mukhang nagalit na naman, pinag-usapan kasi natin PDAF. [laughs].

SEC. ROQUE:  Iyon nga po.

Q:  Alright, iyong binabanggit ninyo noong huli?

SEC. ROQUE:  Well ang sabi ko nga po ay (garbled).

Q:  Alright kinakailangang pag-aralan. Alright, Secretary—

SEC. ROQUE:  (garbled).

Q:  Alright, Secretary, talagang mukhang hindi yata tatagal ng sampung—o tatlong Segundo, limang segundo na hindi ho kayo napuputol eh. Siguro—

Q:  Sec.? 

SEC. ROQUE:  Po? Opo. 

Q:  Sige Secretary. Tatawag na lang ulit kami ho. Pakitawagan lang po iyong provider ninyo, sabihin ninyo sa ilang customer… [laughs].

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource