ORLY: Secretary Harry, good morning.
SEC. ROQUE: Ka Orly, magandang umaga; at magandang umaga sa mga nakikinig sa atin.
ORLY: Well, I’ve been out of—I attended a conference out of the country. Hindi ko maintidihan iyong una—may lumalabas na magmo-monitor ako. Merong pinag-uusapan na iyong blasphemy daw ng Pangulo. Itong pag-uwi ko kagabi ay tiningnan ko iyong mga reports sa diyaryo, nakita ko kung ano iyong ano—ano ba ang pinagmulan, ano ba ang konteksto—
Sa pananaw ninyo, Secretary Harry, papaano ba dapat tingnan ng taumbayan ang mga sinabi ng Pangulo tungkol dito sa… iyong kanyang paniniwala sa Diyos?
SEC. ROQUE: Well, alam n’yo po ang paniniwala ay personal, dahil iyan po ang nature ng pananampalataya nga. Ang Pangulo po, iyan ang kanyang paninindigan, sa tingin niya iyong tinuro sa kanya noong siya ay nasa Ateneo… o ng catechism o ano iyong konsteksto ng original sin ay parang hindi siya nagsa-sang-ayon. Pero kung iisipin mo talaga iyong pilosipiya na sinasabi ni Presidente ito naman talaga iyong mga bigating isyu, pati mismo sa mga taong Simbahan.
Ano ba iyan: kailangan mo pang bigyan ng literal na interpretasyon iyong ahas na diumano ay nag-engganyo na kainin iyong ipinababawal na mansanas; ang sabi nga ni Presidente eh, mansanas galing China ano. So, lahat po iyan ay matter of faith, lahat po iyan ay pinagdedebatihan, may mga bagong mga pananampalataya na nasimulan dahil diyan sa hindi pagsang-ayon sa Dogma ng Simbahang Katolika. Pero iyan po ang anyo ng kalayaan ng pananampalataya ano – bahala ang taumbayan kung anong gusto nilang paniwalaan, that is an absolute guarantee that they come to believe. Pero kung merong ganyang kalayaan ang mga faithful to the Catholic Church, eh meron ding ganyang kalayaan iyong hindi mga sang-ayon sa doktrina ‘no. So sa akin po, ganyan lang po iyan.
ORLY: Naalala ko nung panahon namin or noong generation ninyo, iyong Philo 1—
SEC. ROQUE: Philo 11.
ORLY: Oo. Philo 11, sila Pascual, sila ano, talagang maraming mga estudyante ang talagang napapatanga kapag tinatanong, kanya-kanya ano—
We had agnostics teaching of Philosophy hindi ba. Pero hindi ba dapat nag isyu na katulad ng nabanggit mo na, tolerance hindi ba, tolerance of differences.
SEC. ROQUE: Opo. Well ito naman po ay majority faith ‘no. So napakahirap naman pong sabihin na, you know, nagkakaroon ng pag-api sa majority faith ‘no; siyempre po usually iyong proteksyon ay kinakailangan ng mga minority faith ‘no. Pero hanggang ngayon po talagang napaka-rich po ng ating case doon na talagang binibigyan ng proteksyon iyong mga paniniwala na hindi sang-ayon sa paniniwala ng karamihan sa atin.
So sa akin po ganyan lang iyong dapat tingnan natin sa diskurso na ginagawa ni Presidente, iyan naman po ay kahit papano, dahil nag-iisip ang taumbayan, naninindigan sa akin po ay ito ay isang healthy sign para sa ating demokrasya.
ORLY: So itong isyu—well of course alam mo naman kami, kami sa media ay talagang mga sultador kami, gusto namin na merong nagsasalpukan, may nag-aaway.
SEC. ROQUE: Well, meron naman pong mga usapin sa panig ng gobyerno, ng Simbahan, na-anunsyo ko na po iyan noong isang linggo sa aking press briefing. Pero mamaya po sa press briefing natin ng 10:30 dito sa Davao, eh meron po tayong karagdagang impormasyon na isisiwalat.
ORLY: Kumusta naman iyong—I think one of the trigger is also as far as the President is concerned itong isyu ni Sister Patricia Fox, hindi ho ba?
SEC. ROQUE: Well, isa rin po iyan sa hindi talaga nagustuhan ng Presidente, isang dayuhan na nagpula sa kanya. Ang paninindigan ni Presidente, basta Pilipino – at napapansin n’yo naman po iyan – kahit anong pula na ginagawa laban sa kanya tinatanggap niya, dahil sinusuwelduhan siya ng taumbayang Pilipino ‘no. Pero ang hindi niya matanggap iyong mga dayuhan na pupunta rito, pupulaan siya, samantalang isa rin silang sarili silang problema kung saan sila galing.
At ang sinabi kagabi ni Presidente ay iyong mga Aborigines nga Australia – isang Australian si Sister Fox – may isang henerasyon nang nawala, dahil humiwalay silang pilit doon sa kanilang mga magulang ‘no. So, sinasabi niya itong si Sister Fox na ito, hindi iyan ang kanyang wakwakan kung gusto niya, dahil iyan napakatindig paglabag sa karapatang pantao.
ORLY: Iyon ang mga sinasabi niya, dahil sa—tayo nasa ibang bansa, hindi tayo puwedeng mag-criticize ng public policy doon, hindi po ba, ng government policy, we have no business.
SEC. ROQUE: Opo. Pero dito sa ating batas, iyan po ay consistent na pinapatupad ng Bureau of Immigration at iyong kanyang legal na basehan nga po para desisyunan na dapat ma-deport itong si Sister Fox ay isang memorandum na inisyu pa ni Secretary Leila De Lima noong siya ay nakaupo pa.
ORLY: Ano ba ang masasabi mo sa sinasabi ng ilang mga tumutuligsa sa Pangulo na ito ay kasama ng plano ng Pangulo na maging diktador ng bansa?
SEC. ROQUE: Well, ewan ko po paano magiging diktador dito sa ating bayan. Nakita naman natin napakalakas sa taumbayan, napakalakas ang demokrasya dito sa ating bayan. Sa ngayon nga po dito sa Mindanao may martial law, pero sa totoo lang po, wala namang nagrereklamo ng malawakang paglabag ng karapatang pantao. At saka ang Presidente po, paulit-ulit niyang sinasabi kung magcha-charter change bababa siya ng mas maaga at paulit-ulit niyang sinasabi na he will not stay even a minute longer than his term in 2022.
ORLY: Maraming salamat, Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po at mabuhay po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)