SANTOS: Secretary Martin Andanar, good morning sir. Si Alex Santos po.
SEC. ANDANAR: Good morning, Alex; at si Secretary Tolentino, congratulations sa bago mong programa.
SEC. TOLENTINO: Good morning, Secretary Coco Martin. [Laughs]
HIDALGO: Good morning, Sec. Mart.
SEC. ANDANAR: Ikaw ba ito, Weng?
HIDALGO: Yes, buti pinayagan mo ako dito. [Laughs]
SEC. ANDANAR: Bagay kayong tatlo, tamang-tama.
SEC. TOLENTINO: OJT kami rito, kasi transition lang kami kay Alex.
SANTOS: Sa Lunes at sa Huwebes po sila, Secretary, at mag partner si Secretary Francis at si Weng Hidalgo.
SEC. ANDANAR: Oh, very good Monday and Thursday. Oo, very good, tapos Saturday naman doon sa Radyo Pilipinas.
HIDALGO: Cabinet Report.
SANTOS: Sec, siguro ang tanong namin ditong tatlo, dahil nga gustong ipaalam ng ating Pangulong Duterte ano ba ang kahalagahan ng pederalismo at siyempre iyong ito pong Legislative Agenda po na nabanggit po ng Pangulong Duterte tungkol po sa tax reform. Ano ba ang ginagawa ho ng PCOO para po maipaalam po sa publiko ang kahalagahan nitong mga batas na ito?
SEC. ANDANAR: Magandang tanong iyan, dahil mula noong nakaraang linggo ay ang PCOO ang naatasan po ng ating mahal na Pangulo na ang manguna pagdating sa komunikasyon. So, nagkaroon po kami ng meeting last week with Executive Secretary at para po dito sa federalism, kung papano po natin ito iko-communicate buong bansa. Alam ninyo, talagang challenge, kasi siyempre kailangan mong iparating hanggang doon sa mga barangay, mga purok sa iba’t-ibang rehiyon ng buong bansa and alam naman natin na how many months do we have more, Secretary Francis, para maiparating sa ibang mga probinsya.
But then again, since we have DILG with you and then you have the entire Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas para po ito ay i-broadcast, mas madali ho. Of course, you have social media now, mas madali ho nating maiparating sa ating mga kababayan.
Mamaya meron ho kaming meeting with Executive Secretary Bingbong Medialdea para po i-present po sa ating lahat ng inter-agency iyong pinaka-mensahe, iyong pinaka-message po, iyong pinaka-strategy kung paano po natin ito maiparating sa buong bayan.
At the same time, nabanggit n’yo po iyong TRAIN 2, iyan din po ay ginagawa natin with Department of Finance, napakahalaga po na maintindihan ng ating mga kababayan, na para ma-convince din po natin ng ating mga kababayan ang ating mga senador para ito po ay ipasa, itong TRAIN 2. Dahil napakaganda po nitong package na ito sapagkat for the longest time kasi iyong ating mga negosyante, mga investors ay marami sa kanila ang talagang nabigyan ng napakahabang tax holiday.
So by having this TRAIN 2 ay madadagdagan iyong pondo ng ating gobyerno para po maipatupad din iyong mga infrastructure projects ng ating bayan; pero maganda po ito para mas lalo nating mahikayat iyong ating mga kababayan na suportahan ito.
SEC. TOLENTINO: Tama po kayo, Sec. Martin. Siguro mai-suggest ko lang – hindi naman ako kasali doon sa meeting ninyo mamaya – i-involve n’yo po iyong mga members ng Constitutional Committee, iyong gumawa ng federal constitution. Napakalaking challenge din naman talaga doon sa TRAIN na pinag-uusapan natin kasi iyong chairman ng committee na in-charge diyan ay napalitan. Wala na po si Congressman Dax Cua, ang kapalit niya ay si Congressman Joey Salceda na.
Dito naman sa federalism, iyong puwedeng makatulong sa inyong information campaign, si Congressman Oging Mercado, eh ang balita ko napalitan din, hindi ko pa alam kung sino iyong kapalit. So, malaking challenge po iyan, Sec. Martin, dahil iyong kakausapin iyong mga tao eh naging bahagi ng House reorganization.
SEC. ANDANAR: Okay, okay.
HIDALGO: Pero since last year pa, di ba, Sec. Mart, meron ng mga caravan iyong PCOO nagpupunta sa mga barangays para i-educate iyong mga tao about federalism. And I think sa DOF ganoon din ang ginagawa.
SEC. ANDANAR: Well, iyong federalism naman. Iyong participation kasi ng PCOO sa federalism last year until about two weeks ago, was very of shallows. Kasi iyong aming pino-provide lamang—iyong ating pino-provide lamang, Weng, is infrastructure di ba, iyong RTVM. Pero hindi talaga iyong kabuuang strategy. But this time around, kasama na po tayo doon sa iyong communication strategy mismo, hindi lang iyong pag-disseminate ng federalism.
And sa TRAIN din naman ganoon din. At least ngayon, we are very much involved even doon sa pag-strategize, kung paano ito iparating. I believe kasi, Secretary Francis, Alex and Weng, that pagdating doon sa TRAIN and federalism there must be a movement coming from the populace. A movement coming from the populace that will tell and actually parang… in a way influence our senators to… to vote for these two important bills para maging makatotohanan itong… o maging reality itong TRAIN 2 at federalism.
So itong movement na ito, it must be a movement that in every place we go to, kailangan iyong mga nakakausap nating mga tao ay merong call to action. And what is that call to action? That call to action is we encourage to write to our congressman and senators to support the TRAIN 2 and to support federalism.
The problem with TRAIN 2 is that siyempre meron ding takot iyong ating mga senador at iyong ating ibang mga congressman na kapag binoto nila itong TRAIN 2 ay matatalo sila sa eleksyon, hindi sila iboboto ng taumbayan.
So therefore, tayo mismo iyong mga communicators and those who are really involved in TRAIN 2 and federalism, must actually tell the public na this is good for you. So once we have convinced them, then it would be up to the public to have that call to action to write their congressman and to write their senators. It’s only is a matter of writing a social media sa kanilang mga social media accounts sabihin suportahan.
And I think if we have this movement, it would be easier for our senators to vote, because they will be convinced that there is a strong support from the public. I think that is one of the objectives that we should do.
SANTOS: Alam kasi ho natin, Secretary Martin, na kailangan natin to dispel and to disabuse iyong mga minds ng ilan po nating mga kababayan na ngayon po ay parang tinataniman na sila ng negative impression about this two important bills. May mga grupo po na nagpapalabas ng mga negative information about this bill. Tapos siyempre kapag itong lumalamang, ito ang nangingibabaw at wala hong katapat na magandang information drive ang ating gobyerno, eh talagang all the way makakain na ho na tayo ng masamang information drive na iyan, sir.
SEC. ANDANAR: Tama po kayo, tama po kayo Alex.
SEC. TOLENTINO: Sec. Martin, any time frame na pinaplano ninyo, kailan kayo maglulunsad, kailan ninyo balak i-full blast iyong information drive?
SEC. ANDANAR: Well, ang sa federalism, we will be on full steam from now until such time na magkaroon ng botohan. Tapos itong sa TRAIN 2 naman ay meron po tayong… by phase eh, the first phase would be now until October. So talagang grabe iyong campaign natin, massive information campaign and then we will go back to the drawing board and check kung kumusta iyong nagiging effect noong campaign natin. Iyon po iyong timetable natin, Secretary Francis.
HIDALGO: In fairness kay Asec. Tony Lambino, he is going around. Iginess namin siya doon sa “Linya ng Pagbabago.” So sumagot siya doon sa mga questions ng netizens, pati kay Asec. Mocha Uson na iyong DDS podcast nag-guest din siya doon. Tapos ipinaliwanag niya, maganda siyang magpaliwanag, kasi Tagalog talaga, ibinababa niya doon sa grassroots iyong maiintindihan ng mga ordinaryong mamamayan kung ano talaga itong TRAIN na ito.
SEC. ANDANAR: Alam mo itong si Tony magaling ito eh, dahil talagang galing ito sa Smokey Mountain. [laughs] Singer talaga it0, talagang naiintindihan niya, marunong siyang makipag-communicate sa masa, dahil bata pa iyan sikat na iyan, nag-e-entertain na iyan sa mga kababayan natin. At the same time, Harvard graduate, so talagang alam na alam niya. So, it’s very perfect addition para kay Undersecretary Chua. So at least ngayon dalawa na silang nag-i-explain ng TRAIN.
HIDALGO: Sila daw iyong first batch ng SK Chairman?
SEC. ANDANAR: Oo, si Tony. Oo, talagang bilib ako, kababayan ko iyan, taga-Cagayan De Oro din iyan, si Tony. We are very excited these two projects – itong sa TRAIN at federalism. And right now, sa federalism din, Secretary Francis, we are involving all of the Cabinet secretaries. Na kasi kung halimbawa, si Secretary Francis, dalawa ang probinsya niyan Cavite, pati Bicol eh. So, mag-a-assign kami ng mga Cabinet secretaries para tulungan kami doon sa kani-kanilang mga rehiyon para mas madali. Alam ninyo sa mga regions kasi mahalaga doon eh iyong Cabinet secretary iyong bumababa at sumasama doon sa teams na mag-i-explain ng federalism.
And at the time, we will also involve all of the government or national government agencies na tumulong, kasi hindi ito kaya ng DILG lamang o ng PCOO. Napakadami pang mga ahensiya na puwedeng tumulong, like Department of Health, DP—ang dami po, ang dami pong national government agency. And then, we will also train trainors sa probinsya para po sa ganoon ho ay we will actually leverage the network of the government. So iyon po ang gagawin natin, also get supports from the civil society. Meron pong mga sa non-profit organizations na sumusuporta din po sa federalism and sa TRAIN na rin.
SEC. TOLENTINO: Sec. Martin, isama ninyo iyong academe.
SEC. ANDANAR: Opo, academe po, kasama po diyan iyong CHED at saka iyong ating DepEd para ma-explain po sa mga kabataan kung ano itong TRAIN, kung ano itong federalism.
So, it’s going to be a massive effort from the government and at the same time, we will not be using that clause in the telecommunications industry na nagsasabi na puwedeng gumamit ang gobyerno ng 13 minutes of every broadcast company para po matulungan po iyong government na ma-broadcast po iyong kahalagahan ng TRAIN at ng federalism.
Hindi po kaya ng pondo, alam ni Francis iyan, hindi kaya ng pondo ng PCOO. Kasi halimbawa na lamang, dito sa may federalism, ang pondo ay P10 million for communications. Imposible po iyong P10 million para ma-broadcast po doon sa lahat ng mga istasyon kasama ang DWIZ, sa liit ng amount ng P10 million hindi po kaya buong bansa to go all the way until May of next year.
SANTOS: Okay. Siguro maiba po tayo, Secretary, panghuli na lang siguro ito. Dahil nga po meron pong marching orders po ang ating Pangulong Duterte na patuloy pa rin po ang laban against illegal drugs and I’m sure baka tuloy-tuloy pa rin po iyong pagpapakita natin ng mga Real Numbers po, Secretary?
SEC. ANDANAR: Opo, tuloy pa rin po ang Real Numbers natin and that is monthly iyong pag-a-update po ng Real Numbers. At kitang-kita po naman natin, Alex, na sa presyo lamang ng shabu ngayon, per gram ay nasa more than 6,000 pesos na. So doon pa lang makikita natin na successful iyong anti-drugs campaign sapagkat talagang natapyasan po iyong drug apparatus ng mga drug lords. What we have planned, kami nila Weng, since we have improved the way that we communicated, we are also producing a real stories. Sapagkat kung puro pigura po tayo, puro number po tayo, kailangan pong lagyan po ng soul, ng puso iyong report na iyan, mga numero na iyan, para mas maintindihan ng mga kababayan kung ano po iyong mga istorya sa likod po ng mga numero na iyan.
So, we have real numbers also and I would like to commend the PDEA, the Philippine National Police, sila Weng, dahil talagang nabago iyong tiyempo nila pagdating diyan sa Real Numbers at Real Stories.
HIDALGO: Real Stories, iyon yung mga istorya sa likod ng istorya; mas malaliman na presentation kung ano talaga iyong nangyari during the operations.
SANTOS: Siguro, Sec, parting words. Baka meron po kayong sasabihin ano—i-congratulate n’yo na po sila, dawalang mag-partner ito, dahil magsisimula na sila sa August 6, sir.
SEC. ANDANAR: Every Monday and Thursday. Congratulations Secretary Francis Tolentino sa bago ninyong programa dito sa DWIZ. At talagang maasahan po ito, itong DWIZ, dahil nakakarating talaga sa iba’t-ibang sulok ng bansa natin at alam po natin na napakadami pong listeners ng DWIZ. At Weng congratulations din at sana wag kang tuluyang lumipat sa DWIZ. [laughs]
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)