Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo by Rolly “Lakay” Gonzalo (DWIZ – Balitang Todong Lakas)

Event Media Interview

GONZALO:  Atty. Panelo, si Lakay, morning – morning.

SEC. PANELO:  Lakay, good morning.

GONZALO:  Yes sir, kumusta na, ikaw ay..?

SEC. PANELO:  Nasa loob ako ng jeep.

GONZALO:  Nasa jeep ka na, anong jeep, papuntang?

SEC. PANELO:  Ah hindi ko na sasabihin kung papunta, basta nasa loob ako ng jeep. Nagpadala na ako ng picture sa MPC reporters.

GONZALO:  So, ang aga mo naman.

SEC. PANELO:  Eh inabangan nga ako ng ibang mga kasama mo, pero nalusutan ko sila eh, hindi nila ako naano.

GONZALO:  Ang galing ha.

SEC. PANELO:  Kunwari sasakay ako sa isang jeep, siguro sinundan nila iyon, eh bumaba ako.

GONZALO:  So, wala kang kasamang media?

SEC. PANELO:  Wala, walang media, walang body guard, nothing.

GONZALO:  Aba ang galing ah.

SEC. PANELO:  Pati nga anak ko hindi alam kung saan ako pupunta, pati si Dra. Panelo tinatanong, ‘hindi wala’. I’m making a pass out of all these. Alam mo Lakay,  hindi ko na ipakita dito sa mga naghamon na hindi na kailangan na sa araw-araw gawin mo iyong ginagawang pagdaranas, ang problema kasi hindi nila naiintindihan iyong sinabi. Ang sinabi ko kasi, tinanong kasi ako kung may transport crisis. Alam mo Lakay, pag sinabi mo kasing crisis ang transport, ibig sabihin paralisado ang transportasyon, eh meron pa naman, kaya sinabi ko, wala pa, kasi nakakarating pa naman tayo. Pero ang crisis na totoo, iyong paghihirap ng ordinaryong motorista, ng commuter – iyon ang tunay na crisis. Pero iyong sistema mismo, walang crisis doon, kasi nakakasakay pa tayo eh. Iyon ang punto ko. Ngayon tinanggap ko iyong hamon nila, kasi parang pinalalabas nila, kaming mga nasa gobyerno ay hindi puwedeng dumanas na ganito. Lahat naman tayo dumanas niyan eh, laking kalye tayo eh

GONZALO:  Nakaupo ka ba o makatayo?

SEC. PANELO:  Nakaupo, jeep eh, hindi ka naman puwedeng tumayo sa jeep, unless sa estribo ka.

GONZALO:  Akala ko sumabit ka.

SEC. PANELO:  He, he, he.

GONZALO:  Okay ka naman?

SEC. PANELO:  The usual siyempre mainit pinagpapawisan ka, pareho rin ng kung anong dinadanas ni Juan. Pero alam mo Lakay, kahit ka nasa kotse, kahit naka-aircon ka, naka-driver ka, eh ganundin ang parusa sa iyo dahil sa trapik, matagal ka rin bago makarating. Kaya nga sinabi ko, dahil nga may problema tayo sa oras, kaya nagbigay ako ng payo na dati naman nilang ginagawa na rin na gumising tayo ng maaga, maaga tayong umalis, otherwise talagang hindi tayo makakarating. But that is not offensive, iyon ay pinapakita lang na creative tayo, kung may problema gawan mo ng paraan, iyon ang ibig sabihin noon. Eh, ang problema doon sa mga kritiko ng administrasyon eh, eh binabago iyong mga salita natin, alam mo ba sinabi nila napaka-insensitive daw?

GONZALO:  Attorney, akala ko tinanggap mo iyong hamon na sasabayan ka ngayong umaga, magsasabay kayo ni Reyes?

SEC. PANELO:  alam mo, ayaw kong pagbigyan iyan, kasi gusto lang niyan publicity, kaya nga ayaw ko ng media eh. Gusto lang sumakay noon, eh ang problema sa kanila, gusto nila publicity, ayaw natin ng publicity.

GONZALO:  Attorney, ikaw ba ay nakasumbrero ka, para hindi ka makilala.

SEC. PANELO:  Palagi naman akong naka-sumbrero eh.

GONZALO:  Well, naka-amerikana ka?

SEC. PANELO:  Hindi. Pag-naka-amerikana ka, di tatawag ka lang ng pansin.

GONZALO: Naka-jacket ka, sigurado.

SEC. PANELO:  May hawak akong jacket para, just in case, umulan.

GONZALO:  Madaling araw pa nasa daan ka na. Ibig sabihin maaga kang makakarating sa Malacañang.

SEC. PANELO:  Eh mamaya pa ako darating sa Malacañang, marami pa akong pupuntahan eh.

GONZALO:  Aba, talaga iikot ka ha.

SEC. PANELO:  Iikutin natin lahat ng sinasakyan ng mga tao, para alam nila.

GONZALO:  LRT, sasakay ka?

SEC. PANELO:  Sasakay tayo mamaya. Sabi ko nga Lakay nagkamali sila ng hinamon. Eh laking kalsada tayo.

GONZALO:   So, ano ang masasabi mo sa mga naghamon?

SEC. PANELO:  Wala, iyon nga pinapakita ko sa kanila, hindi totoo iyong sinasabi ninyo na insensitive kami sa gobyerno,  kahit na hindi namin gawin ito, alam namin ang pagdaranas, paghihirap ng tao, kasi kahit nga nakasakay ka sa kotse, naka-aircon ka, ganundin eh, degree lang ang pagitan, pero ganun pa rin iyon, there is still a crisis. Alam mo iyong crisis iyong paghihirap ng tao, saka iyong crisis ng time, pero walang crisis sa transport in the sense na hindi naman paralisado, kayo ko sinabing walang crisis. Hindi pa paralyzed eh, pag paralyzed na, wala na tayong masakyan, iyon ang tunay na crisis.

GONZALO:  Wala ka bang nadadaanan, Attorney na haba ng pila ng mga mananakay, wala ba?

SEC. PANELO: Hindi, kanina, bago ako nakasakay may nakapila, naghahabulan nga eh, lahat naghahabulan sa sasakyan, kung hindi di ka makakasakay, dahil lahat nag-aagawan ng upuan.

GONZALO:  Marami kang dalang barya?

SEC. PANELO:  Siyempre, marami tayo.

GONZALO:  Attorney, matanong ko na rin, total nasa jeep ka, iyong ibang grupo, ayaw nilang kagatin iyong PUV modernization program, kasi hindi raw nila kaya.

SEC. PANELO:  Ano iyon?

GONZALO:  Iyong PUV Modernization Program ni Presidente, ayaw nila, kasi masyadong mahal daw iyong mga unit na ino-offer na kapalit ng kanilang mga karag-karag nang mga jeep.

SEC. PANELO:  Hindi ko pa masyadong kabisado iyong proposal niya. What is important to me is, iyong mga jeepney drivers, kailangan kung tatanggalan natin sa kalsada iyan, kailangan mayroon din silang kapalit, otherwise papaano naman sila maghahanap-buhay.

GONZALO:  Si Presidente ang nagsabi na kailangan talaga mapalitan na iyong mga lumang mga jeep.

SEC. PANELO:  Eh siguro kailangan din, dahil para sa may-ari ng jeep rin iyan, dahil kung lumang-luma na maaksidente ka pa, di ba? Pero kailangang tulungan natin na makakuha sila ng panibagong sasakyan.

GONZALO:  Attorney, kumusta si Presidente?

SEC. PANELO:  Si Presidente, hangga’t nagmumura nasa magandang kalusugan, for as long as he curses, maganda pa ang pangangatawan niyon.

GONZALO: Talagang wala siyang balak na pumunta ng America?

SEC. PANELO:  Alam mo mahirap kasi napakalamig doon, eh dun nga lang sa Russia, mabuti nga nag-survive siya doon. Halos freezing kami doon.

GONZALO:  Okay, so nasa jeep ka ngayon, Attorney, ano ang next na sasakyan mo?

SEC. PANELO:  Eh siguro jeepney pa rin – hanggang mamaya, LRT ako.

GONZALO:  LRT and then jeep uli?

SEC. PANELO:  Eh siguro tricycle papunta doon sa opisina, kung hindi tricycle di maglakad, kanina naglakad na ako, malayo-malayo rin nilakad ko.

GONZALO:  Saan ka galing Attorney, Marikina, di ba?

SEC. PANELO:  Secret.

GONZALO:  Attorney, salamat.

SEC. PANELO:  Salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource