Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Alex Santos (DWIZ – Ratsada Balita)

Event Radio Interview

SANTOS:  Secretary Martin, good morning sir; si Alex Santos po.

SEC. ANDANAR:  Maayong buntag, Alex.

SANTOS:  Una sir, kumusta na po ang preparation for the State of the Nation Address of our President sir?

SEC. ANDANAR:  So far, so good, Alex. Natapos na iyong pre-SONAs natin. Iyong ikatlong pre-SONA doon sa Davao City, this was two days ago.

At mamayang hapon ay magkakaroon po ng briefing with President Duterte at doon natin makikita iyong pag-edit ng speech ni Presidente at si Presidente mismo iyong mag-e-edit niyan. At the same time ay ituturo iyong blocking sa SONA; so nandoon din si Director Joyce.

And by the 22nd of course SONA na iyon by 4 pm at on the 23rd naman ay magkakaroon din ng post-SONA press conference, para linawin kung meron bang dapat linawin sa SONA na mangyayari ngayong darating na Lunes.

SANTOS:  Secretary Martin – ito po bang ginagawa ho ninyo ng lahat po ng mga kalihim po sa iba’t-iba pong mga department o kagawaran – ang pre-SONA po ba ay ngayon lang po ba nagawa ho iyan o iyong sa mga previous pong mga SONA ay nagawa na po itong mga pre-SONA forum po, sir?

SEC. ANDANAR:  That’s a good question. The first time that we did a pre-SONA ay noong 2018, kaming dalawa ni CabSec Evasco ang nag-conceptualize; tapos now, with CabSec Karlo Nograles, ay itinuloy niya iyong pre-SONA.

Pero iyong bago ay nag-suggest si CabSec Karlo na ito ay gawin sa Luzon, Visayas at Mindanao. Kaya nagkaroon tayo sa PICC ng pre-SONA; doon din sa Waterfront sa Cebu; at sa SMX Davao.

SANTOS:  Iyon ang po sa Mindanao, sa Davao.

SEC. ANDANAR:  Opo.

SANTOS:  So ang kahalagahan po ng pre-SONA is to give an idea and to give the people an idea kung ano po iyong posibleng lalamanin, parang ganoon po ba, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Well, basically the goal is to be able to report to the people lahat ng mga accomplishments ng lahat ng buong Gabinete at ng mga Cabinet clusters. Kasi hindi naman kakasya ito sa 45 to one hours and 20 minutes kung babasahin ni Presidente lahat ng accomplishments. So, para din malaman ng mga kababayan natin kung ano na iyong mga nagawa ng administrasyon, para pagdating doon sa SONA mismo ay ilalatag na lang ni Presidente ang kanyang plano for the next year or for the next three years or the second half of his term.

Kaya napakahalaga ng pre-SONA, kasi—isa din dito Alex, hindi naman kasi din lahat makakapunta sa SONA, di ba. Hindi naman makaka-attend, maliit lang naman ang Kongreso; at by doing a pre-SONA, ay nakakausap natin diretso iyong stakeholders, so halimbawa, iyong stakeholder ng infrastructure, stakeholder ng economic cluster or iyong social development cluster.

Iyong sa Davao iyong clusters ng climate change mitigation; clusters din ng peace, security and justice. So, at least importante na nakakausap natin ang ating mga stakeholders.

SANTOS:  Tama ka diyan, Secretary ‘no. Dahil kung ibe-base po natin sa mga previous SONA po ng ilan pong mga nagdaan pong administrasyon, parang hindi nga po magkasya na ho iyon kung ibabanggit po ng isa pong Pangulo ang kanya pong accomplishment. It’s better na  ipabatid sa atin pong mga kababayan ay iyon pang ano pang kaya pang gawin ng atin pong kasalukuyang administrasyon, parang ganoon po, Secretary ‘no?

SEC. ANDANAR:  Oo, tama, tama. Kaya alam mo, Alex, talagang nagpapasalamat kami sa media, dahil kinober ng media ang tatlong pre-SONA, talagang ginawang artikulo, ginawan ng istorya, so alam ng mga kababayan natin kung ano iyong nangyayari sa bansa natin

And that’s why it explains, Alex, kung bakit sa huling Pulse Asia Survey ay iyong trust rating kay Presidente ay nasa 85% at doon naman sa huling SWS survey ang performance rating kay Presidente ay record-high of 80%. So, this is because the media reports the accomplishments of this administration.

SANTOS:  Yes, well said po iyan, Secretary ‘no. Baka siguro bigyan n’yo po kami ng hints siguro dahil ang atin pong mga listeners ngayon meron po kaming text AS, ang ina-ano ko sa kanila is: Ano pa ang gusto ninyong marinig sa Pangulong Duterte?

Baka meron po kayong hints siguro, Secretary, patikim  para po sa ating mga listeners kung ano bang mga possible hong mababanggit ni Pangulong Duterte at iyong mga priority legislative agenda po niya?

SEC. ANDANAR:  Ang mahalaga dito ay iyong Duterte legacy na for the next three years ay naka-focus tayo sa pag-iwan ng legasiya para sa mga kababayan nating mga Pilipino. Nandiyan ang programa ni Presidente na poverty alleviation, iyong maibaba ang poverty rate plus 21% to 14%; tapos i-angat ang ekonomiya natin to upper middle class; nandiyan din iyong infrastructure projects ng pamahalaan, iyong build, build, build na tututukan talaga ng administrasyong Duterte for the next three years para merong hard legacy na makikita ang mga kababayan natin.

Pagkatapos nung termino ni Presidente, titingnan niya iyong isang building, isang highway, Skyway at sasabihin ay ‘iyan ang project ni Presidente Duterte’; titingnan iyong subway ay ‘iyon ang project ni Presidente Duterte.’ Para kung sa ganoon ay iyong susunod na Pangulo ay talagang ma-pressure siya kasi mataas na iyong bar ng performance, di ba kumbaga gold standard na.

SANTOS:  May pagbabatayan.

SEC. ANDANAR:  May pagbabatayan na. Pangatlo, ay iyong important ingredients for progress, ito po iyong peace and order na naka-highlight dito iyong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, para pag nawala na talaga iyong communism, iyong kanilang rebellion sa mga countryside ay tuloy-tuloy po ang pag-unlad ng ating bansa.

SANTOS:  At siguro po meron rin pong patikim ang ating Pangulong Duterte. In his previous speeches, iyong parang sinabi niya na, ‘ay makinig kayo sa SONA, tuturuan ko kayo about dito sa West Philippine Sea.’ Mangyayari po ba iyon, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Abangan natin, kasi nasabi nga ni Presidente iyon sa isang ambush interview, kaya pag ginawa ni Presidente iyan ay kaabang-abang iyan.

SANTOS:  May time po ba ang Pangulo na mag-ganito… i-extemporaneous ang kanyang speech at hindi magbe-base po sa kanya pong prepared speech po, Secretary?

SEC. ANDANAR:  We will see, hindi ko mahulaan iyan, kasi nung 2018 nasa mga 48 minutes iyong speech ni Presidente, so hindi talaga tumagal kasi the President stuck to the speech, ang nagpahaba lang naman iyong agawan ng puwesto sa speakership, di ba nung 2018. Tapos nung 2017, dalawang oras iyong SONA. Tapos nung 2016, nasa isang oras at 32 minuto. Kaya tignan natin kung—kasi meron ng history na minsan ay mag-adlib si Presidente, kaya tingnan natin.

SANTOS:  Maiba ako, Secretary. You made mention iyong mga previous interview sa inyo po na meron pong kaunting balasahan daw po sa Gabinete. Ano bang mangyayari po ba diyan sa Cabinet ng Pangulo?

SEC. ANDANAR:  Minor change lang naman ang sabi ni Presidente noong huling Cabinet meeting. Siyempre hindi ko alam kung ito ba ay mangyayari ngayong linggo or sa SONA o matapos ang SONA, pero iyon po ang sinabi niya.

SANTOS:  At panghuli, siguro po Secretary. Were you there in last night noon pong kausap po niya iyong mga kawani at opisyal po ng Bureau of Customs, sir?

SEC. ANDANAR:  Opo, nandoon po ako, Alex.

SANTOS:  Baka puwede po kayong magbigay ng kaunting hint, ano bang ano… nasabon ho ba sila, nabanlawan ba ho sila?

SEC. ANDANAR:  Well, hindi naman talagang nasabon, kinausap lang ng maayos at merong kaunting lecture at sinabi ng Presidente na iyong mga Bureau of Customs officials na nasasangkot sa diumano’y katiwalian ay makakasuhan sa Ombudsman at bukod doon sa makakasuhan, magkakaroon ng request or prayer na sila ay masuspinde habang sila ay nahaharap sa kasong katiwalian. And bibigyan din sila ng kanilang, of course, karapatan na depensahan ang kanilang sarili, pero habang dinedepensahan nila ang kanilang sarili ay sila ay nasa floating status at hindi sila mabibigyan ng assignment at the same time meron ding prayer na sila ay suspendihin.

SANTOS:  Were they given a chance na makasagot doon po sa harapan ni Pangulong Duterte kagabi, sir?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko masagot iyan, kasi umalis ako sa meeting, hindi ko natapos ang meeting eh, so hindi ko alam kung ano iyon mga sumunod na eksena.

SANTOS:  Pero what was the atmosphere po, sir, medyo nanginginig ba iyong mga  Customs official and employees?

SEC. ANDANAR:  Mukhang malungkot, hindi naman sila nagsalita, noong nandoon ako at least, di ba kasi hindi ko naman alam kung nung umalis ako baka nagkaroon ng chance ng mag-dayalogo; pero tahimik at nakikinig sila kay Presidente Duterte.

SANTOS:  At ano ang aasahan po ng taumbayan sa magiging hitsura ngayon po ng Bureau of Customs after this pep talk with the President?

SEC. ANDANAR: This is a message to all of government employees na seryoso talaga ang Pangulo na linisin ang burukrasya, linisin ito at tanggalan ang korapsyon dahil talagang hindi na kaya ng mga kababayan natin ang karapan na nakawan.

So ang asahan ng mga kababayan natin ay magtuloy-tuloy at walang pipiliin ang Presidente, maging kaibigan ka man o hindi kaibigan. Talagang kung meron kang ginawang masama at nangulimbat ka ay meron kang kasong kakaharapin.

SANTOS:  Okay. With that Secretary, thank you so much, sir, for your time dito po sa DWIZ. Goodluck, sir. Ingat po.

SEC. ANDANAR:  Salamat Alex. Mabuhay ka Alex. Thank you.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource