SEC. ANDANAR: …kay Asec. Tony Lambino at ganoon din kay Director Niño at kay Director Vinci—
DIR. BELTRAN: Hello po.
DIR. PADILLA: Magandang tanghali po.
SEC. ANDANAR: Kanina ko pa kayo pinapanood eh.
DIR. PADILLA: Ah ganoong ba? Talaga naman oo.
SEC. ANDANAR: Oo aliw na aliw ako kay Niño eh.
DIR. BELTRAN: [laughs].
DIR. PADILLA: Talaga nga naman.
PALO: Nakadilaw kasi eh.
SEC. ANDANAR: Oo pero ang ating man of the hour ngayon ay si Asec. Tony. Kailangan maipaliwanag talaga ng husto iyong iba’t-ibang pananaw tungkol dito sa inflation.
PALO: Dumami ang matatalino pagdating sa inflation rate, Secretary?
SEC. ANDANAR: Oo iyon nga eh, ang gusto ko ngang i-point out kay Asec. Tony ay marami kasi ang lumalabas sa mga pahayagan, sa media na iyon nga 6.4 tapos iyong epekto na parang 6.4 iyong buong Enero hanggang Agosto. Pero kung talagang iko-compute mo it’s 4.8 Asec. Tony, if I’m not mistaken iyon pong exact, hindi ba?
ASEC. LAMBINO: 4.8 po iyong average for the year opo. Nandoon pa po tayo.
SEC. ANDANAR: Ang problema kasi dito, Asec. Tony ay nagko-conclude kaagad iyong marami na 6.4 to paint a negative picture, a negative picture ng ekonomiya natin.
DIR. PADILLA: Naging propaganda na tuloy.
SEC. ANDANAR: Oo iyon ang problema kaya nga ka-text ko kanina si Secretary Sonny Dominguez at sana ay ma-invite natin si Secretary Sonny Dominguez on a Wednesday para doon sa ‘The Presser’ para he can face the nation and really explain to the people itong inflation kasi maraming hindi nakakaintindi at malinaw naman, Asec. Tony na itong 6.4 ng August or 4.8 inflation from January to August ay wala pa sa kalingkingan doon sa inflation na nangyari noong panahon ni Tita Cory ho, ni Presidente Marcos or even during the time of FVR na mataas iyong inflation. Hindi ho ba, Asec.?
ASEC. LAMBINO: Tama po iyon, Secretary Martin. In fact kung titignan natin iyong historical rate natin, even just recently iyong last decade ng 1990’s ay nasa 10 percent po iyong average inflation rate; so kailangan ho makita talaga ito in the right perspective and the right context.
PALO: Eh saan ba nanggaling itong 6.4 na ito, Asec.? Bakit ba laging lumulutang ito sa mainstream?
ASEC. LAMBINO: Kasi po siguro over the past decade ay talagang galing po tayo sa panahon ng napakababa ng inflation regime and ngayon nararamdaman na po ng mundo, hindi lang po ng Pilipinas na medyo patapos na po iyong panahon na iyon ‘no. We are really looking at higher inflation rate all over, but, ang kailangan rin ho nating isipin ay ang Pilipinas ay maganda po ang economic growth performance, nagiging malaking problema po ang mataas na inflation kung walang growth. Pero ang Pilipinas po ay isa pa rin po sa pinakamataas na growing economy.
DIR. PADILLA: Okay, Asec., susugan ko lang iyong sinasabi ni Secretary Martin kanina. Iyong sinasabi na iyong trending inflation rate eh—at saka iyong mga factors na sinasabi ni Mon, isa lang ito eh, the same din ito. Lalo na pag third quarter/fourth quarter, pero ang pinakamataas natin hindi ngayon eh, lalo na iyong mga nagsilabasan na ngayon daw pinakamataas ang inflation rate, hindi, mayroong 1991 eh, iyong 18.7.
ASEC. LAMBINO: Oo kaya kailangan ho talagang tingnan iyong historical perspective, kasama po iyong mga nararanasan ng mga kababayan natin ngayon. Kaya kung titingnan natin historically eh, alam naman natin malalampasan natin itong mga ganitong spikes eh, dahil sabi na nga po ng economic team, kasama na po ang Bangko Sentral na the third quarter of 2018, ito po talaga ang pinakamataas na mararanasan natin. And we’ve been saying that consistently for the past few months, barring any major shock or any major issue ay talagang the expectation is by the fourth quarter talagang pababa na po tayo and by next year pasok na po tayo doon sa target range.
DIR. BELTRAN: Asec. Tony, si Vinci po ng PCOO.
ASEC. LAMBINO: Yes, Ma’am.
DIR. BELTRAN: Yes po, tanong ko lang po ano po ang solusyon o further steps ng economic cluster para sa natitirang mga buwan ng 2018?
ASEC. LAMBINO: Opo, actually napagkasunduan po just a couple of days ago ‘no, nasa working session po ang economic team kasama ang DA, talagang may mga short term measures tayo na sabay-sabay gagawin para at least iyong presyo ng pagkain ay iyan po iyong ma-address natin, mapababa natin. Iyon pong main drivers of inflation kasi pagdating sa food ay ang rice, fish, chicken or actually meat — more generally at saka vegetable. Pagdating po sa fish, nag-commit na po ang DA na palalawigin po, paluluwagin ang pag-angkat ng isda, diretso na po sa market kasi dati po medyo pang processing lang iyong fishing ports natin.
So ang sabi po ni Secretary Piñol ay papayagan ng DA na maghanap ng isda lalung-lalo na po iyong galunggong, diretso na po iyan sa markets natin through DA actions. Doon naman po sa rice mayroon po tayong mga 4.6 million sacks of rice available sa mga NFA warehouses, for immediate release na po iyan. Mayroon din po tayong 7 million sacks na parating over the next couple of months. At saka next year magpapapasok din tayo ng mga 5 million sacks of standby import.
Doon po sa ZAMBASULTA, doon Zamboanga, Basilan, Sulu and Tawi-tawi, alam din natin na talagang tumaas po ang presyo diyan, may mga 2.7 million sacks po tayo na na-allocate doon sa lugar na iyon para bumaba po iyong presyo at ang harvest po natin nag-umpisa na, we are expecting around 252 million sacks coming from the harvest year. Mayroon din po tayong panukala, na iyong mga economic managers, irerekomenda po sa Presidente, kay Presidente Duterte na mas lalong simplehan ang licensing procedures para sa pag-import ng rice ‘no dahil medyo kumplikado ho iyong sistema ng NFA, so gagawin pong mas simple.
PALO: Alright, Asec., iyong right—
ASEC. LAMBINO: Iyong Tariffication Bill po, i-urge na po natin ang Senado na ipasa po iyan dahil po ang rice–ang quota system po natin sa pag-import ng rice ay talagang nagpapataas po ng presyo iyan sa ating mga merkado.
LEO: Oo, kasi parang maliit lang. Anyway diretsuhin ko lang iyong punto Asec., kasi parang… lagi na lang, ito iyong ginagamit ng mga kontrabida sa gobyerno, kahit na sino kung may kumokontra talaga eh… pati militanteng grupo ginagamit na ito parang propaganda nila. Ano ba talaga ang pinaka-factor; is it dahil sa oil supply and demand; is it dahil sa may giyera sa iba’t ibang ano sa mundo; or is it dito lang sa Pilipinas?
ASEC. LAMBINO: Ah nagkasabay-sabay po iyan eh, so talagang all of the above. Nagkataon na medyo naka-kuwan tayo eh, nagka-‘perfect storm’ tayo. So ang atin pong oil import tumaas po ng more than 50% per barrel; dati po nasa 54/54 dollar, ngayon lagpas 75 dollars per barrel po. So sabay po natin diyan iyong exchange rate, kapag nag-depreciate po kasi iyong peso laban sa dolyar, mas lalong mahal iyong oil. At saka nagkasabay din po diyan iyong supply issues sa agrikultura at saka sa fisheries.
LEO: And i-assure natin sa ating mga mamamayan na talagang ginagawa lahat ng pamahalaan, ng Pangulong Duterte ang isyung ito; na para bagang… sabi nga ni Juan Dela Cruz eh, “Wala nang ginagawa ang gobyernong ito kundi kami ay pahirapan at ginugutom.”
ASEC. LAMBINO: Maganda ho iyong sinabi ninyo, kasi gutom iyong kailangan nating labanan. Ang pinakamataas na commodity group pagdating sa inflation ay food. So talagang pagkain ng taumbayan iyong gusto natin pong pababain ang presyo. Kaya po lahat noong nabanggit ko kanina in terms of iyong mga immediate actions, ay talagang nasa agriculture po at saka…[overlapping voices]
At saka pasalamat na rin po ako kay Sec. Martin, dahil iyong PCOO ay talagang tinutulungan ho tayong mas makapag-communicate nitong mga ganitong mga pananaliksik at saka iyong mga solusyon natin, dahil every week po ‘no, iyong team ni Sec. Martin ay talagang nagho-host po ng isang presscon na kung saan po nagsasalita ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kung ano po iyong mga ginagawa para makatulong sa taumbayan. So thank you, Secretary Andanar. Sasabihin ko kay Secretary Dominguez na nabanggit ninyo siya na dapat magsalita din po siya doon.
SEC. ANDANAR: Asec. Tony, you’re welcome. Alam mo trabaho [choppy line]… one team lang tayo. At iyong invitation nga is open on a Wednesday kung puwedeng maging guest si Secretary Dominguez sa ‘The Presser’ parahe can face the nation and using all of government’s media facilities and including private media, Asec. Tony.
ASEC. LAMBINO: Opo, opo. Sasabihin ko po agad, salamat po.
LEO: Hayan… and with that, maraming, maraming salamat sa pagkakataon Asec. Tony, sa RP1 at naipaliwanag din sa Cabinet Report sa Teleradyo ang isyung ito; although sabi ko nga, parang kailangan pa rin natin ng mas comprehensive, mas malawak….
SEC. ANDANAR: Iyong comprehensive na explanation Leo, like for example Vinci at Niño, ay gusto natin makapanayam at ma-guest din si Secretary Manny Piñol sapagkat malinaw doon sa sinasabi ni Asec. Tony [choppy line] commodities [choppy line] na naging dahilan ng pag-increase ng inflation to 6.4 ngayong August na ito ay mayroong kinalaman sa pagkain.
DIR. PADILLA: Food-based, oo…
DIR. BELTRAN: Talagang aaray po iyong tao…
SEC. ANDANAR: Oo, food-based. So—kasi ganito lang iyon eh, ang law of supply and demand, I would say malaki iyong demand ng isang tao sa isang commodity; sabihin na rice/bigas, tapos kokonti lang iyong supply hindi ho ba…
DIR. PADILLA: Oo…
SEC. ANDANAR: So therefore, ang solusyon would be to flood the market with rice at isda para bumaba iyong presyo; pero ang sinasabi naman din ng Department of Agriculture, the third quarter of this year, mayroon nang ani iyong ating mga magsasaka. So therefore dadami iyong supply ng bigas.
LEO: Oo, so kailangan talaga iyon. At saka iyon ang sabi ko eh, diretso iyon sa tiyan, sa bituka ng mamamayan – iyan ang isa sa pinakaproblema ng bawat isa; laging ipinangangalandakan, at iyon din ang ginagamit ng kritiko ng gobyerno. Oo iyon ang problema, lalo na iyong nakasuot ng dilaw… [laughter]
SEC. ANDANAR: So, it’s very important na ma-interview natin ang NFA, Secretary Manny Piñol kung ano iyong kanilang long term solution.
DIR. PADILLA: Sa ganoon hindi naman mangamba ang ating mga kababayan, na mayroong parating, para malaman nila may ginagawa tayo sa problemang ito.
LEO: Hindi… may ginagawa naman talaga.
DIR. PADILLA: Oo, para malaman din…
LEO: Akala nila walang ginagawa…
DIR. BELTRAN: Kasi naunahan… iyon.
LEO: Well again Secretary and Asec. Tony…
SEC. ANDANAR: Salamat, salamat, salamat…
ASEC. LAMBINO: Salamat po, maraming salamat.
LEO: Maraming salamat. Si Asec. Tony Lambino, ang ating Department of Finance Assistant Secretary na siya pong nagpaliwanag din. Siyempre ang fresh na fresh from the budget hearing [laughs]… Secretary Martin Andanar…
DIR. BELTRAN: Oo, successful…
SEC. ANDANAR: Nabanggit mo iyong budget, nabanggit mo… so nais ko lang pong pasalamatan si Congressman Eric Olivares. Gusto ko rin pong pasalamatan ang napakagaling na senior citizens Congressman, oo Partylist, si Congressman Datol, saka si Congress Belaro ng partylist naman ng education; and of course si Congressman Sarmiento ng Virac at si Deputy Speaker, Congressman Pichay ng Surigao – salamat po sa kanila…
LEO: Hayun… Again Secretary, ikaw unang magpaalam muna…
SEC. ANDANAR: Mabuhay kayong tatlo, kayong tatlo ang dapat kong pasalamatan dahil ever present kayo parati sa Cabinet Report.
LEO: Sanay na kami [laughter]… Maraming salamat sa pasalubong Secretary ha, hinihintay namin iyan.
SEC. ANDANAR: Oo [laughs]… Tsokolate… made in the United States – binili ko sa Duty Free [laughter]…
LEO: And with that, thank you so much Secretary Mart Andanar sa muli, pagsama sa amin bagama’t nasa kabilang linya ng telepono. Thank you so much, Secretary ha.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)