MERCADO: Good morning Secretary Sal; and congratulations on your new appointment.
PANELO: Salamat, Sen. Orly.
MERCADO: Okay, let’s go to work kaagad. Ang Pilipinas ay nakakuha uli, nahalal tayo sa UNHRC. Ano po ba ang reaksyon ng Malacañang dito?
PANELO: Ibig sabihin kinilala ng United Nations Human Rights Council na ang ating pamahalaan ay kumikilala sa kaparatang pantao ng ating mga kababayan and at the same time, kinikilala rin iyong unrelenting war against illegal drugs ng Presidente at pinapakita rito na iyong mga critics at detractors ay mali sa kanilang mga batong akusasyon sa Pangulong Duterte.
MERCADO: Itong botong ito, buong General Assembly ba ang bomoto rito?
PANELO: Yes. Out of 190 members, I think 165 votes ang nakuha.
MERCADO: So, itong konsehong ito ay merong mga miyembrong mga bansa. Dati na tayong miyembro ba rito at ito ba ay bagong termino?
PANELO: Yes, three years ang terms.
MERCADO: So, meron tayong additional three years. So we’ll into the next—until the end of the Duterte administration, tayo po ay merong upuan sa UN Human Rights Council.
PANELO: Yes.
MERCADO: Ito po ba ay makakatulong sa inyong programa, lalo na sa mga kampanya ng gobyerno laban sa problema sa droga at sa pagpapatupad ng peace and order?
PANELO: Palagay ko naman, sapagkat the fact na miyembro ka doon, ibig sabihin iyong mga kasama mong bansa ay kumikilala sa pamamahala at methodology ng pag-pairal mo ng human rights. At the same time, iyong mga ka-miyembro mo puwede mong maka-usap, maka-organisa kayo cooperatively kung papano ninyo ipapairal ang ganoong mga karapatan. And tandaan mo Ka Orly na even the UN Secretary General Guterres ay sinabi niya na ang illegal drugs ay isang global problem at kinakailangan merong united front against it, forcefully to fight it.
MERCADO: May mga nagsasabi na the fact that we have earned a seat or continue iyong pag-upo natin sa human rights council ay magbibigay ng pressure sa ating gobyerno na i-address iyong mga allegations daw na ukol sa mga human rights violation, iyong mga EJK na sinasabi. Ano po ba ang magiging epekto nito doon sa mga inerereklamo ng mga human rights groups?
PANELO: But we have been addressing that. Actually ang reklamo nila, mula’t sapol naman eh, ang gobyerno ang nag-i-initiate ng pagpatay sa mga namamatay in connection with mga drug-related crimes. Pero ang palagi nating sinasabi noon, ang hindi nila kasi kino-consider o ayaw nilang i-consider eh iyong mahigit na isang milyon ang sumuko noon, at iyong mga sumukong iyon ay tinuturo nila iyong mga nagpu-push ng drugs. At because of that kung ikaw naman iyong pusher, ikaw ang drug lord na itinuturo ka, eh siyempre siguradong makukulong ka at hindi ka papayag na makukulong ka. That’s why if you noticed even before the assumption of the President bilang Pangulo eh meron ng mga patayan, ang dami na. Kasi nga, natatakot na silang ituro, kaya hinihinto na nila iyong mga potential na mga witnesses against them, lalo na nung sumuko na at ipinagtuturo na sila. At the same time, meron ding mga tinatawag na away amongst themselves, sapagkat nagkakaroon ng mga fraudulent transactions between them, nagkaka-onsehan eh. Kaya nagkakaroon ng patayan.
Ang hindi tinitingnan ng mga kritiko, bakit maraming namamatay sa ating mga pulis in connections with those operations. Ibig sabihin, talagang nanlalaban ang mga iyan pag sila inaaresto na or nire-raid. Tandaan mo Ka Orly na itong mga ito palagi ring may dalang armas ito, at hindi ito susuko ng buhay, they will fight it to the finish.
MERCADO: At habang napabayaan ng napabayaan, eh talagang papalapit tayo ng papalapit to being a narco-state dahil sa poder at pera and the weapons that these people can wield.
PANELO: Yes. And magiging ano tayo… gaya ng Presidente, kapag ang isang miyembro ng pamilya ay addicted sa drugs, you have a dysfunctional family, talagang magugulo at buong race natin ang apektado rito, that is precisely why unrelenting iyong laban niya sa drugs, kasi nililigtas niya ang isang race, ang isang henerasyon.
Kaya sabi ko nga iyong mga critics at detractors for the first time in their lives, they have to cooperate, for all they know, they will be saving their own families or their own lives.
MERCADO: Maraming salamat, Secretary Sal Panelo. Thank you very much.
PANELO: Salamat po.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)