MERCADO: Secretary Martin, good morning.
SEC. ANDANAR: Hello, good morning Ka Orly; good morning sa lahat ng nakikinig po sa Radyo Singko.
MERCADO: Pakipaliwanag sa amin, ano ba ang nangyayari, nagre-reorganize yata diyan sa Communication Office. Napaka-importante ng opisina pong ito alam natin dahilan sa napaka-importanteng maunawaan ng taumbayan ang mga nangyayari at mga desisyon ng ating Pangulo, hindi ba?
SEC. ANDANAR: Actually, Ka Orly, babalikan natin ang history. Noong 1986 ay binuo itong Office of the Press Secretary, it was coming from Marcos era na Ministry of Information, so ’86.
Now, itong Office of the Press Secretary ng ’86, ito iyong estado na gusto nating balikan. Sapagkat noong 1989 ay hiniwalay din ito ni Presidente Cory Aquino at gumawa din siya ng Office of the Presidential Spokesperson noong 1989, so dalawang opisina.
Fast forward 2010, iyong Office of the Press Secretary naman ay binuwag, ginawang PCOO at PCDSPO at Office of the Presidential Spokesperson.
Noong 2016 ay nagbigay po ako ng Executive Order proposal na ibabalik doon sa Office of the Press Secretary at ngayon lang siya, ngayon lang siya ulit nabuhay itong EO proposal na ito ng si Senate Presidente Tito Sotto mismo ang nagpanukala na rin kay Presidente na kailangan ibalik na. So, nag-submit ako ulit ng isang EO na para ibalik na ito to the 1986 Office of the Press Secretary na porma, na ibig sabihin magkasama na rin pati ang Office of the Presidential Spokesperson, isang opisina na lang pati iyong Press Secretary.
MERCADO: Parang in-streamline n’yo na, ganoon ba iyon?
SEC. ANDANAR: Oo, i-streamline na. So therefore, kung sino man iyong Press Secretary, siya na rin iyong magiging Spokesperson ng Presidente. Isang opisina lang talaga para hindi na siya… kumbaga, hindi nagre-report kay Presidente dalawang tao, isang tao na lang ang magre-report.
MERCADO: Alam mo sa military, merong napakaimportanteng prinsipyo iyan eh, iyong tinatawag na unity of command na meron talagang isang nagmamando, kasi pag merong dalawang grupong nagmamando eh, this is a source of problems hindi ba?
SEC. ANDANAR: Oo. So iyon ang gagawin natin, pag-iisahin natin ito at isinabmit ko na kay Executive Secretary iyong proposal and we are hoping na itong EO na ito ay mapirmahan na ni Presidente sa mas lalong madaling panahon, sapagkat meron ng mga pagbabago.
MERCADO: Iyon namang mga empleyado ninyo, wala namang dapat ikabahala iyan tungkol sa kanilang employment, ganoon ba iyon? Aah nawala bigla si Martin. (communication line cut)
Will this mean na meron kayong mga tatanggalin, ano bang mangyayari sa reorganization na ito?
SEC. ANDANAR: Actually. Ka Orly, unti-unti nang nangyayari ito, in-appoint na si Teddy Boy Locsin na sa Secretary of DFA; papasok na rin si General Rolly Bautista sa DSWD, pero meron pang mga libre, mga opening, ito iyong sa Cabinet Secretary and then I think… I am not sure kung si Presidente maglalagay siya ng Special Assistant to the President, hindi natin alam. Tapos iyong kay Francis Tolentino, iyong Office of the Political Affairs; meron pang mga hindi nalalagyan na mga puwesto. Saka sa ngayon sa TESDA, I think si Gene Mamodiong is also running for Governor.
MERCADO: Okay. Thank you very much, Secretary Martin. Maraming salamat, wala na ako oras, but we appreciate you for answering our call.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ka Orly. Mabuhay ka, mabuhay po ang Radyo Singko.
###
SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)