Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Orly Mercado (DWFM – All Ready)


Event Radio Interview

MERCADO: Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR: Good morning ka Orly; good morning sa lahat ng nakikinig po sa Radyo Singko.

MERCADO: Okay. Sa kasalukuyan, ngayon eksakto 7 o’clock magbubukas na ang mga polling precincts sa ka Mindanaoan sa area ng ARMM at pagbobotohan ang plebisito. Anong paghahanda ba ang ginawa ng PCOO tungkol dito?

SEC. ANDANAR: Well, eksaktong tanong iyan dahil tayo po ay ilang linggo nang naghahanda; number one diyan iyong ating Office of the Global Media Affairs. Napakadaming mga interesado na mga international media organizations dito, ka Orly, so we had to plan this about a month before, ngayong January 21, at we are actually transporting lot of them from the international media from Manila all the way to Cotabato City at nakatutok doon iyong Office of the Global Media Affairs.

On the other hand, iyong ating mga local counterpart naman na mga media ay atin ring ina-assist ng Presidential Communications Operations Office at nakatutok din po lahat ng ating mga government media dito sa inaasahan nating one million voters ang sabi ng Comelec na puwedeng bumoto, opo—

MERCADO: Pero ito ay… mayroon bang mga international observers or media naman ang nandiyan?

SEC. ANDANAR: Opo iyong international media po na ating ina-assist ay napakadami. In fact we had to request a C130 plane sa Department of National Defense.

MERCADO: Ah, C130, oo.

SEC. ANDANAR: Opo, and also pati iyong kanilang escorts. So from start to finish ay nandoon po ang Office of the Global Media Affairs ng PCOO para i-assist po iyong international media 0bservers, ganoon din po iyong ating national media nandoon din po tayo para i-assist sila.

MERCADO: Kamusta naman iyong lebel ng pag-unawa sa mga isyu? Alam ninyo ba o kaya maliwanag naman sa mga boboto ang isyu ng pinagbobotohan?

SEC. ANDANAR: Opo. Maliwanag po sa kanila as a matter of fact ka Orly as you may know also na napakadami pong mga international partners iyong mga international countries/partners tulad ng Japan, Australia, United States at sa marami pang mga bansa sa Europa ang nakatutok dito sa Bangsamoro Organic Law specifically itong plebisito, iyong pag-ratify nito. Kasi matagal na kasi itong ipinaglalaban eh, itong pang matagalan na kapayapaan na gusto nating mangyari. At alam naman natin na during the past administration ay iyong Bangsamoro Organic Law na ginawa nila noon ay it failed at ngayon po ay nandiyan na talaga, pagbobotohan na and the people have been waiting for this and one of the contentious issues or cities na paglalaban din ay itong Isabela City at Cotabato City that’s why in both cities dalawang questions ang sasagutin ng botante – ang unang question ay: Ikaw ba ay sang ayon na ipasa itong Bangsamoro Organic Law o i-ratify; ang pangalawang question: Are you in favor of including Isabela City at Cotabato City?

MERCADO: So sa kasalukuyan ang mga reports so far are that wala namang expectation ng mga threats, na mayroong mga di-disrupt ng plebisito?

SEC. ANDANAR: Well, mayroong dalawang election related violence ang ini-report pero ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police naman ay on top of the situation, ganoon din po iyong Moro Islamic Liberation Front, ang kanilang grupo ay of course sila naman ang makikinabang talaga dito – itong MILF ‘no. As expected of course mayroon ding mga talagang mga kalaban o iyong mga ayaw nitong Bangsamoro Organic Law katulad ng Mayor halimbawa ng Cotabato City so just like in any political exercise ay mayroon talagang batuhan ng putik.

MERCADO: Alright, at saka talagang mayroong mga expectation na… in the end it’s all about funds, it’s all about resources. Hindi ba? Iyong magkakaroon sa batas na ito, iyong 75 percent ng national taxes collected sa rehiyon ay mapupunta doon sa Bangsamoro; 25 percent na lamang ang mapupunta sa national government. Ito ay… malaking bagay iyan eh, hindi ba? Tapos mayroon pa silang 5 percent block grant, hindi ba? Annual block grant.

SEC. ANDANAR: Kaya we are very optimistic na kapag ito ay pumasa na at nanalo iyong ‘yes’ ay matapos na ang gulo diyan sa area ng Mindanao kung saan nangyayari iyong human strives ‘no. So also we are expecting that mag-uusap din si Presidente pati si MNLF Chairman Nur Misuari para naman doon sa mga grupo na hindi sang-ayon. But the point is ay matapos iyong kasunduan sa MNLF ngayon naman sa MILF at mayroon tayong Bangsamoro Organic Law, an expanded ARMM, at dadaan sa botohan kung gusto ng Cotabato City o ng Isabela City ang masama diyan sa Bangsamoro or BARMM (Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao).

MERCADO: Thank you very much, Secretary Martin Andanar. Maraming salamat sa pagsagot sa aming tawag.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po ka-Orly. Mabuhay po kayo, mabuhay po ang Radyo Singko.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

 

Resource