Interview

Interview with PCOO Secretary Martin Andanar by Willie Delgado & Jorge Bandola (RMN – Straight To The Point)


Event Radio Interview

SEC. ANDANAR:  Good morning Jorge and Willie. Good morning sa lahat po ng ating listeners dito sa DZXL. Tama po kayo, but let me just clarify it ha. I am just facilitating iyong ating mga kasamahan sa media, dahil alam natin and we respect the independence of the fourth estate of the media.

Pero dahil po sa kakabisita ko sa mga press organizations dito sa Luzon, halimbawa sa Imus; sa Nueva Ecija; Bulacan; sa San Fernando, Pampanga at dito po naman sa Visayas ay sa Dipolog, Dapitan, Cebu. And kamakailan lang, 2 to 3 days ago kasama ko po iyong mga media workers dito po sa Digos City, sa Davao ay pare-parehas po iyong problema eh – it’s really about the general welfare of the media workers sa private sector. Eh sabi ko naman sa kanila, sabi ko doon sa Nueva Ecija Press Club: “Alam ninyo kaya ninyong magpapanalo ng senador, kaya ninyo magpapanalo ng partylist, ng congressman, ng mayor, gobernador, konsehal, bokal pero iyong sarili ninyong hinaing ay hindi ninyo kayang suportahan.

Problema ho kasi dito ay hindi ho talaga united ang ating media—

Q:  Ang pagkakamali kasi ng—hindi ko alam kung mga mambabatas o ng panahon, Secretary Martin eh, hindi yata naipasa ang magna carta for media workers ‘di ba?

SEC. ANDANAR:  Isa ho iyan sa ipinaglalaban natin, ni Usec. Joel Egco at mayroon na ho tayong mga—well first of all, let me just verbalize the media policies of this administration. Number one – iyong FOI, ‘yan po ay media policy; number two, ito pong Presidential Task Force on Media Security, that’s the second media policy; number three is the Government Media Bridge Policy – ito po iyong engagement ng gobyerno – national government, sa ating mga private media para malaman po iyong problema doon sa kanilang mga respective regions. At from there, we can find some media solutions.

Now iyon nga like what I mentioned ‘no, halimbawa KBP, that is an organization, NPC, PAPI… iba-ibang organisasyon ‘yan eh; sa mga probinsya mayroon pong mga media. Halimbawa sa Digos, wala ho doong press organization eh, at marami pang mga lugar sa Pilipinas na mayroong media pero wala pong press organization, wala pong media organization.

Q:  Oo. So anong magiging objective nitong… itong minumungkahing media coalition na ito, Secretary?

SEC. ANDANAR:  Well it’s really up to the media workers themselves – iyon nga ang panukala ko sa kanila, they have to initiate this. Pero let me just say that the Government Media Bridge Policy, ito po ay para sa continuous engagement ng ating national government at ng ating private media, because first and foremost, I believe na para mas mabilis po iyong ating nation-building ay kailangan po mayroon talaga tayong magandang relasyon sa ating media workers nationwide.

Q:  Apparently kasi partner, halos lahat ng mga media eh laging humaharap sa problema ng, unang-una, kontraktuwalisasyon… ‘di ba regularization – puro talent ‘di ba. At ikalawa, ang pinakamatindi eh iyong kawalan ng tulong medikal, iyong healthcare – kasi nga hindi sila regular, wala rin silang regular benefits, ganoon.

Q:  Eh prone sa—risk iyong sa sakit…

Q:  Prone sa sakit, oo ‘di ba…

Q:  Mentras may bagyo, nandoon ka. Mentras may lindol, nandodoon ka. Mentras may kung anong klaseng sakuna, nandodoon ka.

SEC. ANDANAR:  For instance, sabi ko nga doon sa Digos media… sabi ko ‘pag mayroong problema iyong isang organisasyon, huwag nating pangalanan kung anong organisasyon – marami ho, private saka government ay kailangan pang tumakbo sa KMU para humingi ng tulong. Bakit, wala ba kayong sariling guild ninyo na kayo mismo?

Q:  Tama…

SEC. ANDANAR:  Eh kasi kayo din naman iyong magbo-broadcast, kayo din naman magsasabi sa mga kababayan natin kung anong nangyayari sa inyong hanay. So sabi ko kulang, hindi united ang media. So therefore, kailangan natin ng isang umbrella organization na kasama dito iyong mga existing media organizations nationwide.

Q:  Paano magiging structure nito? National ba iyong magiging ano nito o…?

SEC. ANDANAR:  Well sabi ko nga sa’yo Willie, it’s not up to me kung papaano ito gagawin. Eh kailangan iyong mga malalaking media organizations like the National Press Club, like the PAPI, the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at iyong mga organisasyon na—lalo na iyong mga organisasyon para sa mga manggagawang media ay dapat magkaisa.

Q:  Oo. Huwag nating pangalanan iyong GMA at ABS, huwag diyan…

Q:  Ay hindi, huwag… Hindi, magagalit iyong [laughs]

Q:  Naalala ko tuloy—I don’t know ha, siguro familiar din si Secretary dito – iyong tinayo namin dating—iyong natin, iyong metro ‘di ba?

Q:  Oo, Metro Manila Radio Reporters Organization…

Q:  Itinatag ito dati, Secretary, ang mga members nito puro mga reporter… puro mga reporter – be it malalaking… galing ng malaking network o maliliit na network, basta—nagulat ako, ganoon pala karami, mahigit isandaan iyong ano… ‘pag pinagsama-sama mo lahat ng mga reporters ng halos lahat ng himpilan ng radyo na—especially sa AM ano. Iyong ganitong klase na—kaya lang ano eh, hindi rin nag—puwede namang buhayin, ah siguro sa tulong din ni Secretary Andanar…

Q:  Oo, at isa pang malaking concern ng mga media ngayon… hindi ko lang alam kung tama ako Secretary ‘di ba, iyong pabahay. Marami sa mga kababayan nating mga media workers ang hanggang ngayon nangungupahan.

SEC. ANDANAR:  Well iyon nga ang sinasabi ko, these concerns na binabanggit ni Jorge and Willie, kasi these are private concerns from a private media worker who works for a private media organization. Ngayon itong mga problema na ito should be as clearly solved by coming up with solutions; and alam kong marami nang solusyon eh, maraming nang mga nagbigay kung anong panukala, etcetera… pero kaniya-kaniya kasing organization – and at the end of the day, hindi pa rin nagkakaisa iyong buong media.

So that’s why itong mga problema na binabanggit ninyo, ito naririnig ko rin sa lahat ng mga media organizations na napuntahan ko and I continue to go around; at sabi ko, siguro it’s about time for you to have your own media guild na all and compassing – kasama iyong print, kasama iyong broadcast… nationwide, hindi lang iyong isang lugar. For example mayroong reklamo doon sa pag-cover ng ating mga mediamen sa operations ng mga pulis… ‘di ba kasi pinapalista iyong pangalan, tapos kailangan mayroong mga waiver, etcetera; kailangan ‘pag pinatawag ng korte kailangan mag-report ka… eh walang isang organisasyon na nakikipaglaban para sa karapatan ng media – and even the media man himself fails to invoke his press freedom, his rights na nakasulat doon sa Konstitusyon.

Q:  Lalo pa nga ang mga media kadalasan, kapagka hindi nagustuhan noong mga opisyal… lalo na sa mga lokal hindi ba, ginigipit, ginagawan ng kung anu-anong klase na mga kaso ‘no. Ang nangyayari pagdating sa puntong ganoon, nagsosolo na iyong kaawa-awang journalist, kaawa-awang media na dapat sana mayroong tulong o ayuda man lang mula sa kanilang hanay.

Q:  Ano po ang tanaw ng ano, mga base sa mga nakakausap ninyo na Sec. Martin? Kung sinong—

SEC. ANDANAR:  Well, they are very open to having a national coalition of media organizations nationwide para pag-usapan itong general welfare ng mga media workers – since now, it is a general welfare focused discussion na dapat na mangyari during doon sa moment na—Kasama ang private, saka government media kasama rin.

Q:  Siguro dapat magkaroon ng national media summit, invited ang mga government agencies na pupuwedeng magkaloob ng available na tulong o ng available na ayuda para sa mga media workers ‘no?

SEC. ANDANAR:  Yes. And before you even do that, eh kailangan mayroon kayong media coalition nationwide ‘di ba; mayroong isang organisasyon na bubuo nitong mga iba’t ibang existing na media organizations. So iyon din po iyong panukala ko sa mga kasamahan natin sa hanay natin na nakakausap ko nationwide.

Q:  Tutal ikaw nagpapanukala Secretary, sa tingin mo sinong pupuwedeng mag-initiate nito? Iyong mga existing na, na nandidiyan na o magbuo ng panibago para lang—?

SEC. ANDANAR:  Kausap ko Willie ang National Press Club, sila Paul Gutierrez at kausap ko rin sila Nelson ng PAPI at kausap ko si Usec. Joel Egco and they all agree na kailangan na talaga magkaroon ng isang broad coalition. So, ito naman ay hindi ko naman tinitigilan dahil I always talk to Joel, I always talk to Paul, to Lakay Gonzalo ang ating Presidente ng ating National Press Club; and then si Lakay din ang Presidente ng Liga ng mga Brodkaster. So it’s really up to the private organizations. Kasi ako naman, I’m very willing and I’m open to helping facilitate this type of summit na tinatawag ninyo na national summit…

Q:  Wala bang nagsabi doon sa mga nakakausap mo na baka puwede ikaw mag-initiate, Secretary, ng ganoong kalaking ano?

SEC. ANDANAR:  Well kasi nasa gobyerno pa ako eh… What I can do is really facilitate and kailangan talaga ay hindi muna ako kasama – but I will help facilitate.

Q:  Sige po. Ngayon sisimulan na po namin, open na po kami for membership [laughs]… Maraming salamat po—tutal may suporta na sa Malacañang oh ‘di ba… Sec. Martin salamat po, ha.

SEC. ANDANAR:  Ay mabuhay kayong dalawa, at salamat din sa pagkakataong ito. At nais ko lang ding idagdag na halimbawa nagkaroon tayo ng bombing sa Jolo, Sulu ‘di ba… oo, tapos wala man lang tayong narinig na isang condemnation mula sa isang coalition ng media kung anong nangyari doon ‘di ba?

Q:  Oo, isa pa iyon…

SEC. ANDANAR:  ‘Di ba, for example iyon… na sabihin na i-remind iyong ating mga kasamahan na mag-ingat sa coverage nila doon sa Jolo, Sulu – these are the things that can be done when you have a broad coalition ng mga media workers sa Pilipinas. And I think it is already ano eh, perfect opportunity especially it’s a long concept that should have been done a long time ago. Kasi sa South East Asia, tayo talaga iyong may pinakamagandang environment para sa media; tayo iyong pinaka-free na mga media workers sa buong South East Asia.

Q:  Secretary maraming, maraming salamat ha sa pagkakataon mo sa amin this morning.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat at mabuhay kayong dalawa, Willie at Jorge at mabuhay po ang Radio Mindanao Network. At congratulations dahil number one na naman iyong DXCC, ng RMN Cagayan De Oro.

Q:  Dominante rin ng RMN ang Mindanao…

SEC. ANDANAR:  Oo. Thank you po, mabuhay po kayo. Congratulations.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource